TAMING THE MISCHIEVOUS MAVERI...

By ha7fcook

41.7K 3K 2.7K

BOOK 2 [COMPLETED] NAUGHTY MATE HEXOLOGY Genre: Teen Fic, RomCom, School "Ako si Leighra Hivary Aragon ang pr... More

NMTMM: DISCLAIMER
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
EPILOGUE
SPECIAL THANKS
UPDATE
AU's Story is Up!

CHAPTER 22

578 51 51
By ha7fcook

PS:Brutal scenes, vulgar words and languages ahead.

[Leighra’s Pov]

Bakit napakabilis ng hayop na ito!” Inis na sabi ko habang hinahabol ang taong may pakana ng mga nangyayari sa paaralang ito.

“May lahi atang kabayo ang peste!” Sabi naman ni Zero na kasabay kong tumatakbo ngayon, nararamdaman ko na naman ang pakirot ng tiyan ko pero hindi ko na ininda dahil mahalagang mahabol namin ang hayop na ito ngayon.

“Hoy! Tumigil ka na, pesteng ito!” I shouted, but she didn’t stop, oo nasabi kong babae dahil sa hubog ng kaniyang katawan at umbok ng dibdib niya.

“Damn, I am so tired!” Reklamo ko.

Salubungin mo doon!” Sabi ni Zero kaya lumiko ako agad sa may eskinita at tumakbo habang sapo ang tiyan ko.

“Damn!” I cussed when I saw a blood stain at my P.E shirt.

Umiling na lamang ako at nagpatuloy sa pagtakbo.

Pagkasulpot ko eskinita---

Aray!” Daing ko ng magkabungguan kami ng hinahabol namin at pareho kaming nabuwal, agad naman siyang nahawakan ni Zero ng mahigpit, kahit gaano ito magpumiglas ay mas malakas parin naman si Zero kesa sa kaniya.

Bitiwan mo ako!”

0_0

Pareho kaming natigilan ni Zero at nagkatinginan at tumigin sa babaeng hawak niya, dahil gaya ko ay sigurado akong nabosesan niya ang babaeng ito.

Pahablot na tinanggal ni Zero ang tumatakip sa muka niya.

“Damn you bitch!” Sigaw ko nang makita ko ang pagmumuka ni Quim.

Humalakhak ito na parang nababaliw, masama naman ang aking tingin sa kaniya.

“You are bleeding.” Sabi ni Zero.

Dugo lang iyan Sullivan, hindi mo ikakamatay.” Sabi ko habang kay Quim nakatingin.

“Pero ikakamatay mo, siraulo!” He shouted.

“Hindi naman ikaw ang hihiga sa kabaong, pinoproblema mo, itayo mo iyan at dalhin na natin sa school.” Sabi ko habang humahakhak parin si Quim.

Kahit hinihingal ay nilakad namin pabalik ang paaralan, kaya lang naman namin nahabol ito ay dahil na naman sa panibagong sunog ang naganap kanina sa Computer Laborator na katabi lamang ng Science Lab.

Nakita nami ito kaya naman hinabol na namin, damn this bitch!

Nang marating namin ang school ay nasa field ang karamihan, ang bumbero na umaapula at mga Pulis na nagiimbestiga na siyang dapat humabol, peste.

Pagkapasok namin habang hawak si Quim ay gulat na gulat ang mga reaksyon ng mga estudyante, lalo na ang mga officer at si Dean.

Heyow eebribadiiiii!” Sigaw ni Quim na galak na galak pa at kakaway kaway.

Mu’n tanga!

“What the hell Quim!” Asik ni Forah.

Gulat kayo ano? Aba naman, dapat nga itong babaeng ito ang sisilaban at papatayin, kaso laging palpak, HAHAHAHAHAHAHAHAHHAHA.” Sabi nito.

Nanigas naman ako sa kinatatayuan ko at hindi makapaniwalang nakatitig sa kaniya.

Nababaliw ka na!” I shouted at kwinelyohan.

“HAHAHA, alam ko.” Aniya.

Mabilis na kinuha ng mga Pulis si Quim habang humahakhak parin, sandali pa ay may nagtatatakbong kalalakihang nakaputi papunta sa gawi ni Quim.

“Sir, amin na po siya, ilang buwan na po namin siyang hinahanap dahil tumakas po sa mental na kinalalagyan niya, hindi pa siya magaling totally at tinakasan kami, our apologies everyone, sa kabilang siyudad pa po siya nakaadmit, ngayon lang namin nalocate.” Paliwanag ng lalaki at ang ilan ay sinusuotan siya ng damit na parang ewan.

“HAHAHAHAHAHA, kayo na naman, mga animal, HAHAHAHAHAHA dadalhin niyo na naman ako doon, aish, huwag mo ako hila, sama naman ako, may candy ka?” Dinig kong sabi ni Quim.

Ehhh! Pahingi, isa lang eh, oo isa, amp damot.” Sabi nito at umirap at dadabog dabog pa na parang bata.

“Luh, grabe naman si ate Quim.”

Pesteng iyan, idolong idolo ko pa man din, baliw pala.”

Baliw ka din naman ah, wala kayong pinagkaiba.”

Bwisit ka!”

Nagsisisi tuloy ako na siya ang binoto ko! Peste naman kasi.”

Kunwaring siya ang nagreesolba, siya din naman pala ang may pakana!”

Humahanga pa naman ako sa kaniya dahil sa napakatalented, haist, sayang na nilalang, ipatapon na iyan.”

Iba ibang komento ang narinig ko mula sa mga estudyante.

Kawawa naman siya.”

“Ang gwapo naman no’ng humuli kay Ate Quim, mukang PS Men, aghz!”

“Ang yummy dzaii.”

“Ayan ang bilis niyo makakita ng gwapo, mga grado niyo naman pangit gaya niyo.” Rinig ko sabi ni Miss Agarin, ang pinakapranka sa lahat ng guro.

“Ate!”

“Oh!?” Inis kong tanon kay Harvey.

Lutang ka! Peste! Kanina pa kita niyuyugyog!” Sabi niya.

Bakit ba!” Inis kong tanong.

Dumudugo! Peste naman!” Sabi at itinuro ang tiyan ko.

“Alam ko.” Sagot ko sa kaniya, napahilamos naman ito sa inis.

“How can you be so calm! Nagdudugo na nga!” Inis na sabi niya.

Nakakasana all ang magkapatid na iyan.”

Bukod  sa gwapo si kuya Harvey napaka alalahanin pa niya sa kapatid, sana all.”

“Mga chismosa!” Inis na sabi ng kapatid ko at hinila ako paalis sa school at pinunta ako sa parking lot at pinapasok ako sa kotse.

Tara sa hospital.” Sabi niya, kaya naman ay sinunod ko nalang siya.

[Zero’s Pov]

Nang makaalis at maayos na ang lahat at usap usapan ang nangyari ay napabuntong hininga na lamang ako at naglakad na nang may tumapik sa balikat ko at pagtingin ko ay si Dean iyon.

Salamat sa inyo ni Leighra, dahil sa paghuli kay Quim, we will give you both an award as a thank you.” Sabi nito at tumango na lamang ako.

Perahin mo nalang Dean.” Sabi ko sa kaniya na kinamaang nito.

“I badly need it.” Sabi ko, ayoko mang iparating na kailangan ko talaga ay kusang lumabas sa bibig ko ang salitang iyon sa paraang nakikiusap talaga.

“Sige.” Sagot nito at ngumiti at muli akong tinapik sa balikat at umalis na, napangiti na lamang ako at naglakad na ako.

Umakyat na ako sa may hagdan at pagkarating ko second floor ay may humila sa akin papunta sa gilid.

Ano ba!?” Inis kong sabi at sinamaan ng ito ng tingin.

“What’s with you and Leighra?” Alfie asked.

Ano namang pake mo?” I asked.

“Pare, dumistansya ka sa kaniya, huwag madikit masiyado.” Sabi niya.

“Kayo ba?” I asked pero hindi naman ito sumagot.

“Just stay away from her.” Aniya, I smirked.

“Don’t be threaten Alfie, kung mahal ka no’n, babalikan ka, pero kung hindi at sa iba napunta, pasensyahan nalang.” Sabi ko at nilagpasan na siya.

“Hi kuya Math,  hehe, ang galling mop o kanina, mabuti naman po at nahuli niyo si Quim?” Sabin g isang grade 11 students

“Oo nga po, idol na po kita.” Sabi naman ng isa.

Inirapan ko nalang ang mga ito at linagpasan sila.

Halla.” Sabi pa ng isa at narinig ko ang mahinang paghikbi.

Grabe! Ang sama ng ugali niya! Pasalamat siya crush ko siya.” Rinig kong sabi ng isa at sisinghot singhot pa.

Muli ay napairap ako sa kawalan at ibinulsa ang kamay ko at nagpatuloy sa paglalakad.

Ayoko sa mga papansin at malalanding babae, swear!

Pagkarating ko sa floor namin ay dumeretso na ako sa classroom namin.

Uii Zero, paanong si Quim?”

“Paano niyo nalaman na siya.”

Bakit--?”

Halos hindi ko na sila maintindihan dahil sa dami at sunod sunod na tanong nila.

“I and Leighra saw her, but we have no idea that, that is Quim, we chased her at doon nalang namin nalaman nang mahuli namin.” Sabi ko at dumeretso na sa upuan ko, may mgatanong pa sila ngunit yumuko na ako at pumikit at hindi na sinagot pa ni isa a mga katanunga nila.

Sa ganoon kaingay nila ay nagawa ko paring makatulog.

[Leighra’s Pov]

“So you're really are the target huh?” Sabi ni mommy nang matapos niya akong gamutin.

Harvey left already, pinahatid na ni mommy pabalik sa school at pinaiwan ako, sa lunes na daw ako papasok, sabi niya.

“Yeah,  pero nababaliw na kasi siya, kaya siguro gano'n mommy.” Sagot ko.

Magkaiba kayo ng lebel ng kabaliwan ah.” Sabi ni mommy at napairap naman ako.

Kahapon ay kagagamot lang niyan, tapos ngayon na naman, delikado iyan.”

Magaling na man kayo maggamot.” Sabi ko at sumadal sa sofa.

Sinamaan niya ako ng tingin samantalang ay nginisia ko lang.

“Eh kung dagdagan ko iyan? Ha?” Aniya kaya napanguso ako.

Nakatulong naman ako sa school eh, at isa pa hindi naman ganoon kasakit.” Sabi ko

Nakatulong ka, pero ikinasakit mo.” Sabi ni mommy.

“Basta nakatulong.” Pagmamatigas ko.

Sarap mong ibalik sa itlog ng tatay mo at buuin ka ulit, nakakagigil kang bata ka.” Sabi ni mommy kaya natawa ako.

“Share mo lang?” Tanong ko na may halong pang aasar.

Butasan kaya kita sa bunbunan ano?” Inis na sabi ni mommy.

Magbutasan tayo mommy.” Sabi ko na ikinataas ng kilay niya.

Ngumuso naman ako at nanahimik na lamang.

“Go home and rest, sa lunes ka na pumasok.” Sabi ni mommy.

“Eh? Sa school nalang ako.” Sabi ko.

”No! I said go home and rest!” Tiim bagang na sabi ni mommy.

“Sabi ko nga mommy eh, uuwi ako.” Sabi ko naman at nakangusong lumabas ng opisina niya at umuwi nga ako sa bahay gaya ng sabi ni mommy.

Deretso ako sa kwarto ko pagkarating na pagkarating ko dito sa bahay at naghanap ng damit pamalit sa damit ko.

Nang makahanap ay dahan dahan akong naupo sa kama at unti unti ring humiga at umayos ng higa at itinulog na muna ang kirot na nararandaman.

Makalipas ang ilang oras ay nagising ako, napatingin ako sa wall clock at alas siyete na ng gabi, pumaroon ako sa banyo para magmumog at itinali ang buhok ko at lumabas ng kwarto ko.

Pagkarating ko sa baba ay siyang pagdating ni daddy at nakita ko naman si Harvey sa may sofa na tumayo at sinalubong si daddy para kunin ang mga gamit niya.

Kumusta ang nangyari sa school?” He asked.

Ayos na daddy, nahuli na ang may gawa.” Sagot ni Harvey, lumpit naman ako at dahan dahan na naupo sa couch.

Kumusta lang sugat mo Leighra? Your mommy told me na bumalik ka na naman doon para palinisan ang sugt mo ah.” Aniya nang bumaling sa akin.

Sugat parin naman daddy, walang pinagbago.” Sagot ko.

Inis naman itong napabuntong hininga at iiling iling na umkyat sa taas.

Kahit kailan pilosopo ka.” Sabi ni Harvey.

Sumagot lang naman ako ah, ta totoo naman eh, sugat parin duhh.” Pagtataray ko sa kaniya.

Hindi na niya ako pinansin at ngcellphone na siya sa tabi ko, tahimik naman akong pinagmadan ang TV naming hindi naman naka on.

Nasa harapan ko ang remote, ngunit tinatamad akong abutin at buksan ang telebisyon kaya naman sumadal nalang sa back rest.

Maya pa ay ngtawag na si Ate Rocel na kakain na kaya naman pumaroon na kami, samantalang si daddy ay nasa library at may tatapusin daw kaya kami nalang muna ni Harvey ang kumain sa hapag.

Pagkatapos namin kumain ay pumunta na kami sa kaniya kaniya naming kwarto, deretso ako sa banyo at nagsipilyo.

Pagkatapos no'n ay tamad akong inihiga ang sarili sa kama.

Kahit halos kagigising ko lang kanina ay parang inaantok na naman ako.

Umayos na lamang ako sa pagkakahiga at ipinikit na ang mata ko at natulog.

*MONDAY*

Panibagong araw na naman, ngayon ay imbes na gamitin namin ni Harvey ang kotse ko ay nagprisinta si daddy na ihatid kami.

“Oi insan, naks naman, welcome back.” Pag akbay ni Forah sa akin.

“Anong welcome back?” Tanong ko.

“Dito sa school ” Sabi nito.

“Ha?” Naguguluhan kong tanong pero tumawa lang ito.

“Tara daw sa opisina, tawag ka.” Sabi nito.

Anak ng! Umagang umaga!? At bakit na naman!?” Inis kong tanong.

Muli ay tunawa siya.

“May kasalanan ka daw.” Aniya.

Kapag ako, binibiro mo Forah, malilintikan ka sa akin, sisipain kita palabas ng opisina.” Sabi ko.

Grabe naman ito, seryoso nga kasi, tawag ka sa opisina ni Dean.” Sabi nito at ngumuso pa.

Inis na lamang akong sumunod sa sinabi niya at pumunta nga kami ng opisina.

Pagkarating namin doon ay si Dean at ang mga oficer ang nandoon.

“Anong kasalanan ko?” Tanong ko sa kaniya.

He laughed a bit at ngumiti.

“Good morning Ms. Aragon. We want to thank you for chasing Quim , kung Hindi dahil sa inyo ni Sullivan ay hindi matatapos ang kaguluhang nangyayari sa paaralang ito.” Sabi nito.

Tumango naman ako na parang wala namang kainteinteres sa sinabi niya.

“And also, we want to say sorry for kicking you out as the President, would you like to accept our apologies and be the President council again?” He asked..

Kita ko ang lapad ng ngiti ng tatlo kong pinsan at ang ibang officer na naririto dahil sa anunsyong sinabi ni Dean.

“I'll think about it .” Sagot ko dahilan para tumamlay ang muka nila.

Gusto ko sana, kaso may parte sa akin na ayoko na, parang gusto kong maging isang ordinaryong estudyante na lamang, wala sa ano mang klaseng posisyon sa paaralang ito at walang bitbit na mabigat na responsibilidad at tanging pag aaral lamang.

Leighra naman.” Nakangusong pagmamakaawa ni Forah.

Naigala ko ang tingin ko sa lahat at ganoon na lamang ang pagmamakaawang nakikita ko.

“If I will be back as the President Council again, don't expect that I will change my rules in this school, kung ano ako noong ako ang nakaupo rito ay iyon parin ako kung ako muli ang uupo.” Sabi ko.

“Kaya nasa sa inyo kung gusto niyo pa bang ako ang umupo bilang Presidente ng paaralang ito sa gano'n paring pamamaraan ko, ayokong pagsisihan niyo ang deaisyon niyong ako muli ang uupo bilang mamahala sa inyo.” Sabi ko sa kanila.

Ngumiti si Dean.

“My mistake Ms. Aragon, your ruthlessness makes the students be more responsible and disciplined, so if ever that you will be the President again, we will embrace what do you prefer on how to make students be well disciplined.”

My heart melts on that, napangiti ako ng wala sa oras at napatango.

"I accept it.” Sagot ko.

“Yehey!”

“Woohoo!”

“Welcome back Pres!”

“Ahoy congrats!”

Pagdidiwang nila at sinabayan pa ito ng palakpak.

Hindi ko naman naitago ang aking saya sa pangyayaring ito ngayong umaga.

“We will fix a date para sa general meeting at anunsyo ang iyong pag upong muli bilang Presidente ng paaralang ito” Sabi ni Dean.

Tumango naman ako habang nakangiti sa kanila.

“Ngayon ay maaari na kayong pumaroon sa mga room ninyo. Zero salamat din sa iyo.”

Baling no Dean sa likuran niya.

Tumango naman ito habang nakangiti. Doon ko lang napansin na nandoon pala siya.

Naunang lumabas ang mga officer kasunod ng tatlo kong pinsan at ako at si Zero.

Naks, welcome back Pres.” Sabi niya sa mayabang na paraan.

“Wala na naman akong lusot niyan, bwisit.” Sabi nito bagaman ay natatawa.

Nagbabalik na pare a ng Presidenteng tanging nakakasindak sa iyo.” Sabi ni Neil habang nakaakbay.

“Lol! No she can't, kaya kong takasan iyan.” Sabi niya.

Ngumisi naman ako.

“Try me then.”  Mayabang na sabi ko sa kaniya.

Ngisi lang din ang isinagot niya.

Ihi lang ako.” Paalam niya kay Neil.

“Nyorks pare, pumaparaan ka.” Nang aasar na sabi ni Neil.

‘Saan naman nito nakuha ang nyorks na iyan?’

“Sullivan, may comfort room sa floor natin, doon ka na umihi, tatakas ka pa, kaladkarin kita.” Banta ko, umirap pa ito at naunang naglakad sa amin.

Natatawa naman siyang hinabol ni Neil at muling inakbayan at may pinag uusapan na.

Hindi ko na iyon pinansin at nagderetso na sa paglalakad.

Napangiti akong muli sa isiping ako na naman ang tatayo bilang Presidente sa aaralang ito.

Noong panahong gusto kong maibalik na iyon sa akin ay hindi nangyari, at ngayong hindi ko naman inaasahan ay biglang ipinagkaloob.

Totoo ngang dapat ay ‘expect the unexpected’ na sinasabi nila.

As we walk at the stairs, bawat yabag ay pag papaala sa mga karanasan ko bilang Presidente  na nagbibigay sa akin ng lakas ng loob upang suungin muli ang buhay estudyabte ko na may kalakip na mabigat na responsibilidad.

~to be continued~

[Don't forget to tap the ☆ star button to vote ★ and comment inlines too if you want, keep safe and God bless 3sures]

Continue Reading

You'll Also Like

1M 41.4K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞
1.7M 72.7K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
390K 25.8K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
2.8M 54K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...