That Breakup

By HippityHoppityAzure

341K 5.6K 392

(Informally written and not yet edited) Siya si Micki Magdayo, isang frustrated girlfriend. Lagi na lang niya... More

That Break-up
< i >
< ii >
< iii >
< iv >
< v >
< vi >
< vii >
< viii >
< ix >
< xi >
< xii >
< xiii >
< xiv >
< final >

< x >

16.4K 289 17
By HippityHoppityAzure

dedication porr -- @LadyZero_00 ;) 

- - - - 

< x > 

[MICKI's PoV] 

"Tara na Micki!" medyo malakas na sabi ni Haji pagkababa nya ng kotse nya. 

Nginitian ko naman sya at tumayo na ko mula sa pagkakaupo ko dito sa may front door ng bahay namin. 

Madaling araw pa lang kaya madilim pa dito sa labas. Passed 4AM pa lang eh. At sinunsundo ako ngayon ni Haji kasi nga sasama ako sa swimming trip ng barkada namin na.. na di ko pa rin alam kung tama bang puntahan ko.. 

"Micki?" napatingin ako kay Haji na di ko napansing nasa harapan ko na at kinukuha ang bitbit kong backpack. Natulala na pala kasi ako. "Akin na tong bag mo." 

"Ahh.. S-Sige.." sagot ko sabay sniff at bitaw sa bag ko. 

Bigla namang hinawakan ni Haji ang noo ko. "Hm.. Buti naman wala kang lagnat.. Uminom ka ba ng gamot?" 

"O-Oo.." kahit di naman talaga.. 

Ngumiti si Haji at sunod na hinawakan ang kamay. Dinala at pinaupo nya ko sa passenger's seat ng kotse nya. Nang maiupo na nya ko dun, nagpunta sya sa likuran ng kotse nya kung saan nilagay nya ang bag ko. 

"Tulog ka muna habang nasa byahe tayo." sabi nya pagkaupo nya sa driver's seat sabay abot sakin ng isang unan. 

Tinanggap ko yung unan tapos nagdrive na sya. 

Bait ni Haji noh? Natural na sakanya yan lalo na't magbestfriend kami. Ang totoo, bestfriend sya namin nina Kiel at Luke. At dahil sa kabaitan nyang yan kaya minsan eh pinag-aagawan namin syang tatlo. 

Umayos ako ng pwesto dito at ginamit ko itong unan para umidlip. 

Antok na antok ako. Hindi kasi ako nakatulog kahit isang minuto kanina pero hanggang ngayon, hindi pa rin ako makatulog. 

Kinakabahan ako eh.. Natatakot akong makita si Kiel.. Natatakot akong magkita kami kasi panigurado, masasaktan na naman ako sa iaasta nya.. 

Wala pang mga 30 minutes, pinark ni Haji itong kotse nya sa isang Mini Stop. 

Oo nga pala, dito pala nya susunduin ang barkada namin para sabay-sabay kaming makapunta sa pagsu-swimmingan namin. 

Agad kong napansin sina Luke, Candy at Andrea na magkakatabing nakaupo sa may gilid nitong parking. Kapansin-pansin din ang malalaking bag sa tapat nila. 

"Magpahinga ka lang dyan ah, Micki." sabi ni Haji na tinanggal na ang seatbelt nya. 

Tumango ako. Ngumiti naman sya sakin tsaka bumaba ng kotse. Pinanonood ko syang lumapit dun sa tatlo na umarte pang nanlilimos sakanya. Haha.. Natawa ko dun ah.. Mga adik.. 

Kaso.. asan si Kiel? Wala sya eh.. Akala ko ba hindi sya sasama kung hindi ako sasama? Eh sumama naman ako ah? 

Siguro nagkamali lang sya ng nasabi kina Haji.. 

Baka ang gusto nya talagang sabihin eh 'HINDI AKO SASAMA KUNG SASAMA SI MICKI' kaya ito.. wala sya.. 

Naluha ako sa inis. Ganun na nga kasi yun malamang. Tsk. Dapat talaga di na ko sumama eh. 

Kita kong may pinag-usapan sina Haji sa labas tapos napatingin yung tatlo dito sakin. Nakaramdam ako ng hiya kasi naiiyak ako dito. Pero buti na lang, tinted ang bintana nitong kotse ni Haji. 

Tumayo na yung tatlo at akmang lalapitan ako kaso natigilan sila. Dumating na kasi si.. si Kiel.. 

Nakangiting nakipag-apir si Kiel kina Haji. Tapos may pinag-usapan na naman sila hanggang sa napatingin si Kiel dito. 

Kinabahan ako. Pero bakit ba! Di naman nya ko nakikita! 

Nawala ang kaba ko pero pumalit naman yung lungkot. Yung ngiti kasi ni Kiel kanina, nawala nang tumingin sya sakin. 

Ang.. 

Ang sakit.. 

Kumilos na si Kiel at Luke para ayusin ang mga gamit nila sa likod nitong kotse. Si Haji naman, pumasok ng Mini Stop. Habang sina Candy at Andrea, lumapit dito sakin. Kinatok nila ang bintana ko. Binuksan ko naman yung pinto para maharap sila. 

"MICKIII!" sigaw ni Andrea. "OKAY KA LANG?!" 

"Wait Micki.. Yung bintana na lang buksan mo.." suggestion ni Candy na sinunod ko naman. Sinara ko ang pinto at binuksan ang bintana. 

"Ang tamlay mo Micki.." si Andrea, hindi na sumisigaw. 

Hinawakan nilang dalawa ang mukha ko. Si Candy sa noo, si Andrea sa leeg. Ano ba toh. =___= 

"Mainit ba?" nalilitong tanong ni Andrea. 

Natawa si Candy. "Di naman. Normal lang. May masakit ba sayo, Micki?" 

Oo, Candy. Masakit ang puso ko. 

Gusto ko matawa sa sagot ng utak ko. Pero hindi. Nginitian ko lang sina Andrea. 

"Wala ah. May unting sipon lang ako tsaka.. inaantok ako.." sabi ko. 

"Ahh.." sabay na tumango itong dalawa. Haha. Para silang kambal. 

"Micki." tawag ni Haji pagkabalik nya. May dala syang dalawang naka-paper cup na kape. Yung isa dun eh inabot nya sakin. 

"Wow.. Thank you Haji.." tinanggap ko yun at ininom. 

Ininom nya rin yung kanya pero bigla syang inaway nina Candy at Andrea! Bakit daw kaming dalawa ni Haji, may kape, pero sila, wala? 

Natatawa na lang ako sakanila habang nainom. Ang cute nilang awayin si kawawang Haji.. ^___^' 

*PAG!* 

Nagulat naman ako at halos matapon ko itong kape nang may malakas na nagsara ng pinto sa likod nitong kotse! Malakas na parang padabog ba! 

Lumingon ako dun at.. si Kiel pala yung nagsara.. Natapos na pala sila ni Luke sa pag-aayos ng mga gamit nila sa likod.. 

"Tara na!" sigaw ni Luke na umakbay kay Candy. 

"Oo nga! Taraleeets!" sigaw din ni Andrea at isa-isa na silang sumakay sa may backseat. 

Buti wala dito ang isa pa naming kabarkada na si Kristine. Kundi, naku, di kami magkakasya dito. Ang arte pa naman din ng babaeng yun. Sosyal kasi. Kaya buti na lang talaga at may sarili syang kotse at nauna na sya dun sa beach house na tutuluyan namin. Pagmamay-ari rin kasi yun ng pamilya nila. 

MAINGAY AT MAGULO-- ganyan ang simula ng byahe namin. Asaran, kwentuhan, pero ako, tahimik lang. May kaba pa rin ako eh. Ramdam na ramdam ko kasi ang tensyon sa pagitan namin ni Kiel. Pero ayos lang.. Mas gusto kong matuwa kasi nandito sya, kasi sumama sya kahit sumama ako.. 

Maya-maya, nakatulog ako. Yung mga kasama ko, ewan ko sakanila kung nakatulog ba sila. Nagising na lang ako nang dumaan kami sa drive-thru ng McDo at nanlibre ng almusal si Haji. 

Dahil nagdadrive si Haji, di sya makakain nang maayos. Kaya tinutulungan ko na lang sya kumain. Minsan sinusubuan ko sya at inaabutan ng maiinom. Dahil naman dun, tinukso kami ni Andrea. 

"Naku, naku, Kiel!" tsk. Idadamay pa ni Andrea si Kiel sa panunukso samin. "Payag ka ba na kay Haji na lang si MICKS mo?!" 

"Hindi noh." mabilis na sagot ni Kiel na ikina-estatwa ko. 

H-Hindi raw.. Hindi.. Ayaw nya ba kong mapunta sa iba? 

Si Haji, nakita kong napailing nang nakangiti. Sina Andrea naman, tinukso lalo si Kiel. Ganun ba raw kasi ang wala nang nararamdaman? Posessive? 

"Tss. Hindi sa nagpapaka-possessive ako noh. Hindi lang ako payag kasi may syota pa yang si Haji. Diba? Magbreak muna sila nun bago maging sila ni Micki." 

Napa-'awww' sina Andrea, Candy at Luke sa paliwanag ni Kiel. Si Haji, nakangiti lang. At ako.. nakangiti at natatawa rin.. 

NATATAWA AKO SA SARILI KO.. 

Ang kapal ko lang kasi.. Nagawa ko na namang mag-assume.. Nag-assume ako na nagpapaka-possessive si Kiel sakin eh napakaimposible naman nun.. 

At break daw muna bago maging kami ni Haji ah.. Oo nga naman, may girlfriend itong si Haji eh.. 

Feeling ko nga rin, pinatamaan ako dun ni Kiel.. Parang sinabi nya na sana nakipagbreak muna ko sakanya bago ko pinatulan si Lou.. 

Tsk.. 

Napapikit ako at nagbuntung-hininga. 

Masakit, nakakainis, nakakaiyak.. Ayoko na.. Hanggang kailan ba kami magiging ganito ni Kiel? 

"Micki.." mahinang tawag ni Haji. "Okay ka lang?" 

"A-Ah.. Oo.. Tutulog lang ako ulit.." pilit akong ngumiti. 

Hinayaan nya naman ako sa gusto kong gawin. Laking pasasalamat ko rin at tumigil na sa panunukso samin sina Andrea. Kung nagtuluy-tuloy pa kasi yun..baka naiyak na talaga ko.. 

Naidaan ko sa tulog ang sama ng loob ko. Sakto naman paggising ko, nasa beach house na kami ni Kristine sa Batangas. 

Simple lang at maaliwalas yung beach house. Gawa yun sa kahoy at medyo may kalakihan. 

Doon, sinalubong kami ni Kristine. Itutour nya rin sana kami sa loob nitong bahay pero pasaway ang mga kasama namin. Lahat sila, bukod kay Haji, eh nagsitakbuhan papunta dun sa backdoor na daan papunta sa beach. Pero dun lang sila tumigil sa may malawak na balkonahe kung saan matatanaw yung dagat. 

Lahat sila, parang mga batang manghang-mangha sa view. Pero ako..ewan.. Nagandahan din naman ako sa nakita ko pero parang di ko maappreciate.. 

Pasimple kong tinignan si Kiel. Ngiting-ngiti sya sa view. Dahil sa ngiti nya, napangiti na rin ako. 

"PICTURE MUNA TAYO!" lumayo si Candy samin para kuhanan kami ng picture. 

Sina Luke at Andrea, hinatak si Haji sa gitna nila at inakbayan ito. Si Kristine naman, ayaw sumama. Nasa tabi lang sya ni Candy at tinatawanan kami. At ako? Ito.. Nandito ako sa pinakadulo sa right side, katabi si Kiel.. 

"ITO NA! SAY CHEEEESE!" sigaw ni Candy tapos tumingin na kaming lahat sakanya. "AY WAIT! MICKI! ANG LAYO MO SAKANILA!" >3< 

Malayo? 

Ahh.. Oo nga noh.. May distansya ako kay Kiel. Mga kalahating ruler yata.. 

Nagkatinginan kami ni Kiel. Naramdaman ko ulit ang tensyon at ilangan sa pagitan naming dalawa. Pero ayaw yun ipahalata ni Kiel sa barkada namin kaya naman pilit syang ngumiti at.. inakbayan ako.. 

"Okay na Candy?!" tanong ni Kiel. 

Ngumiti nang mapanukso si Candy pati yung iba. Nagsi-AYIEE pa sila. Tsk. 

"Magtigil na nga kayo! Candy! Kuhanan mo na kami!" sabi ni Kiel. 

"Pft.. Opo! Opo! Ito na! One.. Two.." humigpit ang akbay sakin ni Kiel sa pagbilang ni Candy. Ngumiti naman ako kahit nasasaktan ako sa loob-loob ko. Nasasaktan ako sa isipin na napipilitan lang na makitungo sakin nang ganito si Kiel. "Three!" 

*FLASH!* 

Sana totoo na lang toh.. Sana totoong ayos lang kami.. Pero hindi eh.. 

Matapos ng kuhang yun, bumitaw at lumayo na sakin si Kiel. Lumapit sya kay Candy at tinignan ang naging kuha namin. Sinundan at ginaya naman sya nina Andrea, Luke at Haji. Habang ako, di umalis sa pwesto ko. Tinignan ko na lang ulit yung dagat at nagbuntung hininga. 

Buntung hininga.. Hinga nang malalim.. Kailangan ko toh gawin nang paulit-ulit para di mapuno ng sama ng loob ang dibdib ko. Mamaya baka sumabog na lang ako bigla eh. 

After that, nagyaya nang magswimming si Candy. Nagsecond the motion naman ang boyfriend nyang si Luke. Nagthird si Andrea at fourth si Kiel. Mga adik talaga. Kaya ayun, natuloy ang gusto nila. 

Nagbihis ng swimsuit ang mga babae except me. Di naman kasi ako lalangoy o magbabasa dahil may sipon ako. Di ko na pinalitan itong suot ko na maong shorts at black shirt. 

Yung mga lalaki, nagswimming trunks. Topless sila except kay Haji na naka-tshirt pa rin. 

Sabay-sabay kaming nagpunta sa beach. Nag-ayos kami ng pwesto roon. Naglatag kami ng mat at nagtayo ng payong. Tapos nagsilusungan na sila sa dagat-- except kay Haji. Nagstay kaming dalawa dito sa pwestong inayos namin. 

Si Haji, nakahiga sa mat at natutulog. Ako naman, nakaupo sa tabi nya. Yakap ko ang mga tuhod ko habang pinapanood ang mga kaibigan naming nagsasaya dun sa dagat. 

Haaay.. 

Ang saya talaga nila dun oh.. Lalo na sina Candy at Luke.. Ang sweet nila.. Nagyayakapan, nakawan ng halik, tawanan.. 

Naku.. Kung hindi kami nagkahiwalay ni Kiel, malamang ganyan din kami ka-sweet ngayon.. 

Yun ay kung hindi nga kami naghiwalay noon. 

Hiwalay na kami ngayon eh at ang mas masaklap pa ay galit sya sakin.. GALIT NA GALIT.. 

Napatingin ako kay Kiel. Tumatawa sya. Masaya sya habang nakikipaglaro ng pasahan-ng-bola o volleyball yata kina Andrea at Kristine. 

Wala na talaga syang pake sakin noh? 

Napangisi ako sa tanong ko. Then naalala ko-- kamusta na kaya sila nung babaeng inuwi nya noon sakanila? Sila na ba? Ay, baka hindi. Ibang babae na ang nakita kong kakwentuhan at kalandian nya kahapon sa Sylveries eh. Nililigawan nya kaya yun? 

Tsk. Ano ba tong mga pinagtatanong ko sa sarili ko. 

Napabuntung-hininga na lang ulit ako sabay higpit ng yakap sa mga tuhod ko. 

"Micki." 

Nagulat naman ako sa pagtawag na yun ni Haji! 

Nakaupo na pala sya sa tabi ko at nakatitig sakin nang napakaseryoso. 

"Bakit Haji?" 

Di sya sumagot. Nakatitig lang sya sakin. 

"Wui Haji.." 

"Wala ka bang sasabihin sakin?" seryoso pero mahina nyang tanong. 

"Huh? Na ano naman?" 

Di na naman sya sumagot at tumitig lang sakin! Tapos umiling-iling sya at tumingin na sa dagat! 

"Haji?? Ano bang dapat kong sabihin sayo??" 

"Hmm.. Gusto mo magswimming.. Ayun.." 

"Ahh.. Tss.. Hindi noh.." pero oo, gusto ko rin magswimming. Nakakainggit kasi sila dun sa dagat oh. Kaso.. "May sipon ako eh.." 

"Pero naiinggit ka sakanila.." si Haji talaga oh. Ang galing makiramdam. 

Natawa ako nang mahina at tumingin na rin sa barkada naming nandun sa dagat. Nagpapaligsahan na yata sa paglangoy sina Luke at Kiel habang yung tatlong babae, nagchicheer nang wagas sakanila. 

"Magswimming ka na.." 

Haay. Ang kulit din nitong si Haji minsan. 

"Ehh may sipon nga ko.." dahilan ko ulit. 

"Gagaling din yang sipon mo. Eh itong pagkakataon na toh na makabonding sina Candy, matatagalan na ulit tong mangyari." 

Oo nga noh? 

Napatingin ako kay Haji. Nakatingin na rin pala sya sakin. 

Titigan kami pero nginitian ko sya agad. Yung ngiti ko eh parang sumasang-ayon sakanya but at the same, nagdadalawang-isip. 

"Tara na.." tumayo na sya at naghubad ng tshirt. 

"Eh teka.." naku naman. Nagdadalawang-isip pa nga ako. 

Naisip ko rin kasi na nandun nga pala si Kiel. Pag makisali ako sakanila dun ngayon, panigurado, mararamdaman ko ulit yung sakit kanina na naramdaman ko nung kinuhanan kami ng picture ni Candy, nung umarte sya na okay lang kami sa kabila ng matinding galit nya sakin.. 

Ayoko na nun eh.. AYOKO NA.. 

"M-Mauna ka na lang dun, Haji.." 

"Tsk." naiinis na yata si Haji. Tiningala ko sya pero nagulat naman ako nang bigla nya kong binuhat mula sa pagkakaupo ko! Yung pangbagong kasal-style ba?! 

"H-HAJI..?!" 

"Wag ka na kasing magdalawang-isip.." naglakad na sya palapit sa dagat kung nasaan ang barkada namin. 

Eh pero.. si Kiel nga.. 

"SASALI NA SI MICKI!" sigaw ni Haji sakanila habang papalapit na kami nang papalapit sa dagat. 

Kinakabahan akong tumingin sa barkada namin. Masaya silang lahat sa sinabi ni Haji pwera kay Kiel-- kay Kiel na seryoso at parang naiinis na nakatingin samin ni Haji. 

Sabi na nga ba eh, di nya toh magugustuhan.. Ayaw nya kong makisama sakani-- 

*SPLASH!* 

PRRRUU! >___< 

BINATO AKO NI HAJI SA DAGAT!! 

Buti mababaw lang dito sa pinagbatuhan nya sakin kaya nakaahon ako agad! 

"HAJIIIII!" >O< 

Natawa silang lahat sa pagsigaw ko. Pati si Haji, tumatawa! Ang sama nya! Bestfriend ko pa man din sya tapos ganito?! >3< 

Lalapitan ko sana sya para gantihan pero niyakap na ko nina Candy at Andrea. Tuwang-tuwa sila at sinamahan ko na rin daw sila sa wakas sa pagswimming. 

Di ko na rin tuloy mapigilang matuwa. Masaya ako't may mga kaibigan akong tulad nila. 

Wala na. Hindi na ko tatanggi. Hindi na ko magrereklamo. Nakisali na ko sa harutan at paglalaro nila.

Nagkatinginan pa nga kami ni Kiel and again, nandun yung tensyon, pagkailang at syempre, yung sakit.. Lalo nang ialis nya agad ang tingin nya sakin at pasimpleng lumayo para iwasan ako. 

Huminga ako nang malalim. 

Masakit talaga pero titiisin ko na lang ang pakiramdam na ito at.. 

At makikisabay na lang ako, tulad ng ginagawa nyang pakikisabay sa mga nangyayaring ito samin.. 

oxoxox TBC~ 

hindi na yata toh short story. lalagpas na syang 30pgs eh. T^T 

pero malapit na tologo toh~ ^O^

Continue Reading

You'll Also Like

858K 16.4K 41
Almost Perfect Series II Damn that playboy. He asked me to be his girlfriend. I'll never fall for that. I know him so well. I've seen him flirt and d...
109K 1.7K 36
Gusto mo bang maglaro? Gusto mo ba silang kilalanin? Alamin kung sino Si King Si Queen At si Jack At ang grupo nilang tinatawag na "TRINITY" Handa...
1.9M 32.5K 49
Charlotte Tamayo believes in love and wanted to settle down before she reaches the age limit at the calendar. Ngayon na thirty na siya, kailangan na...
2.3M 79.4K 49
Fairytale Series #1 COMPLETED #Wattys2020 New Adult Dahil sa kagipitan, naging personal doctor si Belle Antonette Flores Del Monte sa halos walang bu...