Meet KATE BARTOLOME 2 [On Goi...

By BADSH1T

9K 627 128

DISCLAIMER My book cover/picture is not mine!! It belongs to the original owner. More

DISCLAIMER!
PROLOGUE
01: CUTS
02: HIM OR HIM?
03: ITS GOOD 2B BACK
04: VACATION HELL
05: THE GIRL.
06: WILD
07: YOU'RE ALIVE
08: HALLUCINATION
09: FINAL
10: BABYGIRL
11: CABALLERO FAMILY
12: CHANGE MY MIND
13: BLACKMAIL
14: UNEXPECTED
15: 2 STRANGERS
17: GIRL & BOY
18: GREAT DANGER
19: FRUSTRATED
20: MISSING
21: BAR
22: CRAZY
23: SHE REMEMBER HIM!?
24: HE IS WHAT!?
25: BONDING
26: THAT DAY
27: STAY
28: DAMN
29: MAKE HER REMEMBER
30: EYES OF JEALOUSY
31: WILD SIDE
32: FOUND HER
33: TCH..
34: SCARED
35: OLD THINGS
36: I LOVE YOU
37: WHO'S THAT GUY?
38: SHE'S GOING
39: LAST MESSAGE
40: HEARING VOICES
41: SHOW OFF
42: PANIC ATTACK
43: WHAT WILL HAPPEN NOW?
44: STRANDED
45: ONE OF THEM
46: The end of the day
47: GIVING UP
48: IT'S ME
49: LET IT OUT
50: DREAM
51: Weirdos

16: SAFE

135 17 1
By BADSH1T


A/N: Wag niyo naman ipagdamot sa akin ang vote, ang dali-dali lang mag-vote. Tinatamad lang kayong pumindot.
d >_>b




ASHLYN'S POV

Naiinis nako kay Carter! Hindi ko alam kung marami lang ba talaga siyang ginagawa o sadyang ayaw niya lang ako makasama!?

"Babe, last na 'to." Pangungulit sa akin ni Carter. Pinapaalis ba naman ako sa unit niya! Sa bahay na nga lang niya kami manonood para hindi na masayang ang tickets kung aalis nanaman siya. Pero hindi lang pala yun ang dahilan ko, para na rin matuloy na mismo ang date namin.

"Alam mo Carter. Walang araw na hindi ka umaalis sa tabi ko." Inis kong sabi sa kanya. "Ayaw mo ba akong kasama ha?"

"Babe, marami lang talaga akong ginaga-"

"Alam ko naman yon, pero wala ba silang balak na bigyan ka pa ng oras ha!? Isang buwan ka ng ganiyan." Tumataas na ang tono ng boses ko, napuno na ako ng lalaking 'to.

"Alam mo, huwag na lang kaya ako magpakita?" Sabi ko at kinuha ang gamit at lumabas ng unit niya.

"Babe! Ash! Ashlyn!" Tawag nito sa akin pero dere-deretso lang akong naglakad hanggang sa makasakay ako ng elevator.

Napabuntong hininga na lang ako para kalmahin ang sarili. Paglabas ko ng elevator ay may nakabangga sa akin kaya ako napaupo.

"Aray ko naman! Tumingin-tingin ka nga sa dinaraanan mo!" Inis kong sabi at napahaplos sa pwet. Tumayo naman ako at inangat ang paningin sa nakabangga sakin.

Wala naman itong emosyon na nakatingin sa akin. Napanganga naman ako sa ganda nito.

"Sorry.. Didn't see you." Sabi nito tsaka umalis. Sinundan ko lang siya ng tingin papasok sa elevator.

"Grabe.. Ang lamig naman nun." I mumbled and walk away.

~•••~

Hininto ko naman ang kotse ko sa tapat ng bahay ng mapansin ang kotse ni James. Ugh. Ano nanaman ang ginagawa niya dito?

Bumaba naman ako ng kotse para silipin kung may tao sa loob. Kumatok ako sa bintana at bigla naman itong bumaba.

"Ano nanaman ang gusto mo? Mr. Morales." Sabi ko at nag cross arms. Bumaba naman ito sa kotse niya.

"Hmm.. Mr. Morales, sound sexy." Nakangiti nitong wika. Napalukot naman ang noo ko sa sinabi niya.

"Quit messing around, what do you want?" Pagsusungit ko. Wala talaga ako ganang makipagbiruan ngayon, nababadtrip pa din ako kay Carter.

"Just wanna see you.." Nakangiti pa din nitong sabi. Napairap naman ako sa inis.

"Kung wala kang ibang gusto, umuwi ka na lang. Wala ako sa mood makipagaway sayo." Sabi ko at papasok na sana sa bahay ng hablutin niya ang braso ko at hinarap sakanya.

"Ano ba?" Inis kong wika at padabog na binawi ang braso.

"Makipaghiwalay ka sa Boyfriend mo." Seryoso nitong sabi na ikinalukot ng noo ko.

"At bakit ko naman gagawin yon?!"

"Because he's a total jerk. Break up with him." Seryoso pa din nitong sabi. Hindi makapaniwalang napanganga sa sinabi niya.

"Kung sinasabi mo yan para pumayag akong magpakasal sayo, pwes tantanan mo ako." Sabi ko sakanya at muli siyang tinalikuran.

"Lagi na lang napuputol ang date niyo hindi ba?" Napahinto naman ako sa sinabi niya. Paano niya nalaman yon? Hinarap ko naman siya.

"Sinusundan mo ba ako?"

"Excuse me? Si Carter ang sinusundan ko hindi ikaw." Sagot naman nito na ikinalaglag ng panga ko. Ibang klase talaga 'to. Parang ganon na din yun eh!

"Hoy! Nagbabalak ka bang sabihin sa kanya ang tungkol satin!?" Inis kong wika.

"Pwede den.. Pero ibang dahilan kung bakit ko siya sinusndan." Nakangiti nitong wika. Bigla naman ako na-curious sa sinabi niya.

At anong dahilan naman yun? "You're curious, aren't you?" Wika nito habang lumalapit sakin.

"H-Hindi 'no! Hoy James! Pwede ba huwag mong pakialaman ang boyfriend ko." Sabi ko habang humahakbang paatras.

"Ho~ bakit?" Nakangiti pa din nitong wika habang palapit pa din sa akin.

"Dahil nanahimik yung tao." Sagot ko habang umaatras pa din, naramdaman ko naman ang gate sa likod ko. Idinantay naman ni James ang kanang kamay nito sa gilid ng ulo ko.

"Do you have any idea, kung ano ang mga kalokohan ang ginawa niya nung highschool?" Wika nito habang hindi pa din nawawala ang nakakaasar na ngiti sa kanyang mga labi.

"Past is past, nagbago na siya.."

Lumapit naman ang mukha ni James. "Oh, really? Maipapamagmalaki mo pa kaya siya? Magkakaroon ka pa ba ng lakas na ipakilala siya sa magulang mo?"

Napalunok naman ako sa sobrang lapit ng mukha niya. "O-Oo! Kayang kaya ko siyang ipakilala at ipaglaban sa mga magulang ko."

"Eh, bakit sa una pa lang hindi mo na nagawang ipakilala siya?"

Natahimik naman ako sa sinabi niya. "D-Dahil.. H-Hindi pa siya h-handa."

Nakita ko naman ang pag ngisi nito. "Bakit naman?"

"Dahil nahihiya siya! Normal lang iyon.."

"Gaaano na ba kayo katagal?" Tanong nito na ikinatigil ko. Kuha ko na punto niya. Isang taon na kami pero hanggang ngayon iniiwasan pa din ni Carter na ipakilala ko siya sa mga magulang ko.

"Ash?"

Nanlaki naman ang mga mata ko sa tumawag at nilingon ito. Nakita ko itong niligon si James kaya naman ay tinulak ko ito.

"Carter.. I-It's not what you think." Kinakabahan kong wika sa kanya. Naglakad naman ito palayo kaya naman ay hinabol ko siya.

"Carter! Please wait!" Sigaw ko at pinigilan siya sa paglalakad ng mahawakan ko ang kamay niya.

"Carter, mali ka ng iniisip! Naguusap lang kami!" Paliwanag ko kahit alam kong mahirap paniwalaan na naguusap kami ng ganun kalapit.

"Sinong ginawa mong tanga?!" Sigaw nito na ikinagulat ko.

"Who is he!?"

Hindi naman ako nakasagot. "Kaano-ano mo iyon!?" Napapitlag naman ako sa pagsigaw nito.

"Fvck, Ash! Hindi ko aakalain na ito ang maabutan ko! Alam mo bang andito ako para bumawi sayo!? Alam mo bang handa na akong ipakilala mo ako sa mga magulang mo!? Tapos heto!? Maabutan kong may 'KAUSAP?' na lalaki!?"

Napayuko naman ako. "Hindi ako makapaniwalang magagawa mo sa akin 'to." Dagdag pa nito.

Ang sakit sa dibdib.. Ngayon lang ako nasigawan ng ganito, ultimo magulang ko hindi ako nasigawan ng ganito.

Kung magalit siya parang ako na ang pinaka masamang girlfriend sa buong mundo. "Ano!? Kailan pa!?"

Tumulo naman ang luha ko bago ko iangat ang paningin ko sa kanya.

"Bakit naman sobra kang nagagalit sakin!? Ganon na ba ako kasama sa paningin mo ha!? Sa haba ng pagsasama natin!? Hindi mo man lang ba ako hahayaang magpaliwanag!? Ako ba!? Nagalit ba ako agad na lagi ka nalang umaalis sa tabi ko!? Ultimo kaarawan ko iniwan mo ako!" Sigaw ko pabalik sa kanya.

"Hindi ko na kasalanan kung ganon ka busy ang sched ko." Lalo naman akong nainis sa sinabi niya.

"Hindi ka man lang gumawa ng paraan magkaroon lang oras sa kin!?" Sigaw ko uli sa kanya. Naging masama naman ang tingin nito kaya naman napa-atras ako.

"Hoy, Ikaw ang nagloko satin. Ikaw ang may malaking kasalanan dito."

"Hindi ako nagloloko!!" Sigaw ko.

"You!" Napapikit naman ako ng sasampalin niya ako ngunit hindi ko ito maramdaman. Dumilat naman ako at nakita kong hawak ni James ang kanang kamay ni Carter.

"Not in my watch." Walang ganang wika ni James. Nakita ko naman ang pagkagulat ni Carter sa kanyang mga mata tila ba natakot ito.

"J-James?" Nauutal nitong wika. M-Magkakilala sila?

Inagaw naman ni Carter ang kamay nito at galit na tumingin kay James.

"Girlfriend ko pa talaga, James. Wala ka na bang magawa sa buhay? Nagsawa ka na ba sa adik mo- uurrllghh!"

Napapitlag naman ako ng bigla suntukin ni James si Carter.

"James! Ano ba!?" Sigaw ko at hinila ang braso nito ng may balak pa siyang lumapit kay Carter.

Dumura naman si Carter. "What the hell.. Ikaw na nga 'tong nangaagaw ikaw pa ang nanapak?"

Nakita ko naman ang pag ngisi ni James. "Inunahan lang kita. Mali naman ata ang manakit ng babae?"

Bahagya namang natawa si Carter. "Pero ikaw pwede? Hindi ka pa din nagbabago.." Nakangising wika nito.

"Girlfriend ko siya at wala kang karapatang manghimasok sa may relasyon ng iba?"

Napangisi naman si James.. Oh, no. Please don't.

"Psh, girlfriend Lang pala eh.." Sabi nito at inakbayan ako. "Well, I just want you to know that we're engage." Sabi nito, napapikit naman ako ng mariin.

"So fvcking back off." Seryosong wika nito. Nilingon ko naman si Carter na nakatangin sa akin. Umalis naman ito ng walang sinabi.

"Carter!" Tawag ko sa kanya hahabulin ko na sana siya ng higpitin ni James ang pagkaka-akbay sa akin.

Inalis ko naman iyon at hinarap siya. "Hindi ba nangako ka sakin!? Hindi mo sasabihin kay Carter tungkol dito!?"

"Trust me, you don't deserve a guy like him."

"I don't trust you anymore! Leave me alone and never show yourself to me again!" Sigaw ko at tumakbo papasok ng bahay.


Ibinaon ko naman ang mukha ko sa unan.

"ARRRRRGGGHHHHHH!!!!!" Sigaw ko ng mga sampung segundo. Pagtapos sumigaw ay tsaka tumulo ang mga luha ko.

'Bakit ba nangyayari 'to? Simula ng makilala ko si James ay gumugulo ang lahat para sakin!'

Hindi ko naman namalayang nakatulog na pala ako sa pagiyak. Tinignan ko naman ang orasan at 9:43pm na. Hindi na siguro ako pinagising ni Mommy.

Umupo naman ako sa kama at biglang naalala ang lahat. "Gusto ko siyang makausap." I said to myself.

~•••~

Pumasok naman ako sa unit niya.. Bigla naman ako nakaramdam ng kaba dahil baka sigawan nanaman niya ako and worst baka saktan na niya ako. Pero hindi ako makakapayag na magiging ganito na lang kami.

"Aahhh~~ Harder!"

Napaangat naman ang tingin ko sa taas kung saan kitang kita ko ang bukas na pintuan ng kwarto ni Carter.

"Aaaaaaaahh~ yeaah~"

Bumilis naman ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang napakalas na ungol na yon. Hindi ako tanga para sabihing wala lang yon.

'May kinakama siya.'

Dahan-dahan naman akong umakyat sa hagdan, bawat hakbang ay palakas ng palakas ang ungol nila.

Nang matapat ako sa pintuan kitang kita ko ang paglabas pasok ni Carter sa babaeng nakahiga at sarap na sarap sa ginagawa ng pinagmamalaki kong boyfriend.

"I'm coming!" Sigaw ni Carter. Hindi ko alam kung paano ko pa sila napapanood ng ganito katagal kahit na diring-diri na ako sa ginagawa nila.

"A-Aaaaahh~ fvck yeah, baby." Masayang wika ni Carter.

Hindi ko alam pero kusa akong pumasok sa kwarto. Nakita ko naman ang babae na napalingon sakin gulat na gulat. Nagtaka naman si Carter kaya lumingon naman siya sa pwesto ko.

"B-Babe?" Gulat na gulat nitong wika at tinakpan ang sarilli ganun din ang babae na nakahiga pa din sa kama.

"Naguusap lang din ba kayo?" Nakangiti ko pang sabi pero sa loob-looban ko gusto ko silang pag pira-pirasuhin!

"Babe.."

"Don't call me Babe! Disgusting.." Sabi ko at lumapit sa study table kung saan nakalagay ang laptop, libro at iba pa. Kinuha ko yung laptop at binato ito sa sahig.

"Ashlyn!" Sigaw nito pero hindi ko siya pinakinggan at lahat ng nasa lamesa ay kinalat ko.

"Hindi mo naman kailangan yan hindi ba!? Wala ka naman talaga ginagawa! Dahil yan! Yan ang pinagkaka-busy-han mo!" Sigaw ko.

Binato ko naman sakanya ang mga ballpen lapis at iba pang libro.

"Wala kang kwenta!!! Sino ang may kasalanan!? Ako!? Ha!?" Sigaw ko at may binato ulit sa kanya.

"Tignan mo muna sarili mo sa salamin! Nakakadiri ka!" Sigaw ko tsaka tumulo ang mga luha ko.

"As-"

"Isang tawag mo pa sakin! Papatayin na talaga kita! Hayop ka! Ang kapal ng mukha mo!" Sigaw ko habang hinahagisan siya ng nga gamit.

Nang wala na akong makuha ay napaupo ako at umiyak.

"P-Paano mo nagawa s-sakin 'to... Ang k-kapal ng mukha mo.." Bulong ko habang umiiyak. Ilang oras siguro akong nakaupo ng ganun bago ako tumayo.

Nakita ko naman na naka-balot na sila ng damit. Walang emosyon ko naman nilingon ang babae na napaiwas ng tingin.

"Umalis ka dito.." Walang gana kong wika. Hindi siya agad kumilos.

"Umalis ka na at huwag na huwag mong ipapakita ang pagmumukha mo sa akin." Ulit ko at hindi pa rin siya kumilos. Napapikit naman ako mariin sa inis.

"Bingi ka ba? Kapag hindi ka pa umalis sa paningin ko, ako ang hahatak sayo palabas. GET OUT!" Sigaw ko, napapitlag naman ito at nagmadaling umalis sa paningin ko.


Nilingon ko naman si Carter na nakayuko. "Ano? Mag-umpisa ka na hangga't kaya pa kitang pakinggan." Mahinahon kong wika at pabagsak na umupo sa maliit na sofa malayo sa kanya.

"L-Lasing l-la-"

"Lasing!?" Sigaw ko. Gusto ko ng magmura, gustong-gusto ko ng murahin ang lalaking nasa harapan ko!

"W-Wala ako sa katinuan, nasaktan lang ako sa nalaman ko kanina."

Napahilamos naman ako ng mukha. "Alam mo? Napakawalang kwenta ng dahilan mo! Kung wala ka sa katinuan, paano ka pa nakapasok dito!? Paano mo pa na enter ang passcode mo!?" Sigaw ko. Kilala ko malasing ang isang 'to hindi niya nakakayanan sarili niya, ni hindi na nga niya maalala ang pinaggagawa niya kinabukasan.

"Dito ako uminom.."

Hindi makapaniwalang napanganga ako sa sinabi niya.

"Kung ganon, nagdadala ka ng babae dito? Kailan pa? Kailan mo pa siya dinadala dito?" Tanong ko, nakita ko naman ang paglunok dito.

"Isang buwan?" Hula ko. Dahil isang buwan siyang nagbusy-busyhan.

"Tatlong buwan."

Natahimik naman ako sa sinabi niya.. Tatlong buwan.. Tatlong buwan niya akong niloloko?

"S-Sorry, A-Ashlyn.. Patawarin mo ako." Sabi nito at lumuhod palapit sakin. Umiwas naman ako ng tingin sa kanya.

"P-Pangako.. H-Hindi ko na uilitin. Huwag mo akong iwan." Pagmamakaawa nito. Hindi naman ako nagsalita at patuloy pa din sa pagpatak ang luha ko.

"Mahal mo?" Tanong ko habang hindi nakatigin sa kanya.

"Hindi! Ikaw lang mahal ko, Ashlyn! Maniwala ka sakin."

Naiinis ako sa kanya.. Sa mga sinasabi niya. Napaka-sinungaling niya.

"Bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon, pangako hindi ko na gagawin iyon."


~•••~

Matapos lahat ng nangyari ay bumalik na ako sa bahay. Pabagsak ko naman inupo ang sarili ko sa kama at natulala.

Sinabi ko sa kanya na pagiisipan ko. Alam ko, hinihiwalayan na ang ganung klaseng tao. Pero mahal ko siya kahit pa na niloko niya ako mahal ko pa din siya.




"Oh, really? Maipapamagmalaki mo pa kaya siya? Magkakaroon ka pa ba ng lakas na ipakilala siya sa magulang mo?"

Naalala kong sabi ni James. Siguro nasaksihan na niya ang pangloloko sa akin ni Carter kaya niya sinundan ito. Pero kung hindi lang sana siya ganon kalapit sa akin at kung sana hindi na lang niya sinabi ang tungkol samin hindi na sana aabot pa sa ganito.

Dahil sa inis ay napagpasiyahan kong mag half bath bago matulog.


-COOKING COMPETITION-

Makalipas tatlong araw ay hindi ko siya kinausap at hindi nagpakita. Tumatawag at nagte-text siya sa akin pero hindi ko siya sinagot.

Tumunog naman ang phone ko. Sinilip ko naman iyon..

From: Carter

Manonood ka, hindi ba? Ichi-cheer mo ako diba? Please, I want you to be there.

Nagreply naman ako sa kanya.

To: Carter

Pupunta ako.



Sa loob ng tatlong araw pinag-isipan ko ng mabuti ang desisyon ko at yun ang patawarin siya. Inayos ko naman ang mga gamit ko bago ako lumabas ng kwarto.

"Goodmorning, Mom and Dad." Nakangiting bati ko sakanila at hinalikan sila sa pisngi. Umupo naman ako sa upuan.

Naging maayos na kami ni Daddy kahapon, nagaway kasi kami nito dahil sa pagmamadali ng kasal pero naging maayos naman kami hindi nga lang nagbago isip niya sa kasal.

"Hindi ba ngayon ang cooking competition sa limang school?" Tanong ni Daddy.

"Hmm, ngayon nga po." Sagot ko naman. Nagsandok naman ako ng pagkain ko. "Saan magaganap iyon?" Tanong naman ni Mommy.

"Ang sabi daw po sa Hermosa University? Malaki daw po kasi ang university na iyon." Kwento ko at nagsimula ng kumain.

"Oh, duon nag-aaral si James." Sabi ni Daddy napasamid naman ako ng marinig ang pangalan ni James.

"Really? Hindi ba kinuha niyang course is Culinary. Baka kasali si James sa competition." Sabi naman ni mommy.

Napanganga naman ako. Culinary ang course niya? Hindi kaya kasama siya sa competition? Naalala ko naman ang sinabi niya sakin na school nila ang mananalo. Kaya pala.. Confident.

"Oo nga pala kamusta na kayo ni James? Hindi ko na nakikitang dumalaw iyon dito" biglang sabi ni Daddy Hindi naman ako naka-imik agad. Wala akong balak makipagkita sa kanya, pagtapos ng ginawa niya.

"Magiging busy po daw siya ngayong week kaya po hindi na po muna kami ganun nagkikita." Pagsisinungaling ko. Nakumbinsi ko naman sila kaya nakahinga ako ng maluwag.

Pagtapos kumain ay nagpaalam nako na pupunta sa HU. Tsk, ayokong makita si James lalo na't kasama ko si Carter kaya hangga't maari kailangan kong umiwas.

- Hermosa University -

"Babe!"

Nakita ko naman si Carter na masayang tumatakbo palapit sakin. Nginitian ko naman siya. Niyakap naman niya ako ng maghigpit ng makalapit ito.

"I'm glad you came!" Masaya nitong wika at humiwalay sa pagkakayakap.

"Yeah, I did." Naiilang na wika ko, hindi pa din ako maka-get over sa nakita ko 3 days ago. Nakita ko naman ang unting paglaho ng ngiti ni Carter.

"You still mad?" Malungkot nitong wika. Napabuntong hininga naman ako. "Yes, I am. Pero andito ako para sabihin na pinapatawad kita at gusto kong bumalik tayo sa dati." Deretsong sabi ko sa kanya.

"Salamat, Ash. Pangako! Hindi na talaga iyon mauulit." Pangako nito. Hindi ko naman alam kung paniniwalaan ko ba siya o hindi. Pero tignan na lang natin.

"Sige na.. Maghanda ka na doon, baka inantay mo pa ako bago ka makapaghanda." Sabi ko na lang saknya.

"Sige, sa unahan ka umupo ha!" Masayang wika nito at hinalikan ako sa pisngi bago umalis.

~•••~

"Welcome students to our cooking competition!" Umpisa ng host may mga sinabi pa siya pero hindi ko na pinakinggan pa.

Binanggit naman ng Host ang bawat school na lalaban. Dalawang partners ang kinuha bawat schools kaya bale 4 students per school pero by two partners.

I wonder who's James partner? Napapikit at napailing naman ako. Ano bang pake ko?

"And last but not the least from Hermosa University!" Tawag ng host sa school nila at duon nakita ko ang hindi pamilyar na lalaki at babae at sumunod ay si James at... Christine? Yun bang babaeng laging nababanggit ni Kairo kapag magkasama sila ni Lucas?

Nanlaki naman ang mga mata ko ng mapatingin sa pwesto ko si James kaya naman umiwas agad ako ng tingin at nabaling iyon kay Carter na nakangiting nakatingin sa akin. Ngumiti naman ako at kinawayan siya.

Pinakilala naman ng Host ang 4 Judges isa lang ang kilala kong judge at ayun ay si Amirah. May mga in-explain naman ang host na rules sa kanila.

"Okay! Let the cooking begin!" Sigaw ng host at duon umandar ang oras kasabay ng pagkilos ng mga magluluto.

Meron lamang silang 99 minutes bago sila patigilin sa pagluluto.

Mabilis naman ang pagkilos nila Carter at ang kapartner niya na si Aj at ganun din ang taga ibang school. Sinilip ko naman sina James at Christine at kung makikita niyo sila lang yung hindi mabilis kumilos.

Mabilis silang kumilos pero hindi tulad ng iba na halatang taranta sa ginagawa nila, pero ang dalawang ito. Ibang klase akala mo nasa cooking show lang eh.

Meron na lamang silang tatlongpung minuto at nakita kong naguusap sina James at Christine na parang nagaasaran pa.

Yung totoo? Alam ba nila kung nasan sila? Binalingan ko naman ng tingin si Carter at mukhang may problema sa ginawa nila. Nakayuko si Aj habang nakakunot naman ang noo ni Carter.

5 minutes left at unang nagtaas ng kamay sina James at Christine pumangalawa naman ang Tribithia University at ang school namin na Cailtex University pero hindi sila Carter, yung isang partners galing school namin. Sumunod ang ibang schools at panghuli sila Carter.

Tinikman naman ng bawat judges ang ginawa nila at may mga sinabi din pagtapos tikman.

~•••~

Welp, kung ano ang sinabi ni James ay nagkatotoo. Sila ang panalo kung titignan mo naman kasi tatakamin ka talaga sa beef na ginawa nila ni Christine. Malinis ang pagkakagawa at ang plating sobrang ganda. Ang galing ng teamwork nila.

Nakabusangot namang lumapit sa akin si Carter. Nginitian ko naman ito. "Huwag ka ng bumusangot diyan. Ayos lang yan! You did your best!" Cheer ko sa kanya. Nakangusong yumakap naman ito sa akin.

"Sorry, hindi ako nanalo." Wika nito. Tinapik ko naman ang likod nito.

"Wala yun. Bawi na lang sa susunod." Sabi ko. Humiwalay naman ito sa yakap at tinitigan ako.

"Hindi ka na ba galit sa akin?" Tanong nito. Imbes na sumagot ay nginitian ko na lang siya.

"Galit pa din ako sa kabila ng panloloko mo sa akin. Pero binigyan pa kita ng isa pang pagkakataon diba?" Wika ko. Tila nakahinga ng maluwag si Carter sa sinabi ko.

"Tara, kain tayo sa labas?" Aya nito. Nginitian ko naman siya at tumango tsaka kami umalis.

Kumain nga kami sa labas ng hindi siya umaalis sa tabi ko. Naging masaya naman ako dahil hindi naputol ang pagsasama namin ngayong araw. Namiss ko ito.. Yun bang maghapon kaming magkasama.

Huminto naman kami sa tapat ng bahay namin. Nilakad lang namin papasok ang subdivision habang ang kotse niya ay nasa labas.

Hinarap naman ako ni Carter sa harap niya at hinawakan ang dawala kong kamay.

"Handa na ako, Ash. Ipakilala mo na ako sa mga magulang mo." Sabi nito na ikinagulat ko.

'Bakit ngayon pa!? Kung kailan ang gulo na ng sitwasyon!?'

Kung tatanggi ako baka isipin niya na baka dahil kay James kaya ako tumanggi which is totoo naman. Bahala na!

"S-Sige." Sagot ko at tuluyan na kaming pumasok sa bahay. Bumungad naman sa amin ang maid.

"Welcome back po maam. Pinapasabi po ng mga magulang niyo na hindi po sila makakauwi ngayon at bukas, kasama nila si Madame Fallorina." Wika ng maid. Nagpasalamat na lang ako sa kanya at sinabing magpahinga na.

Imbes na dalhin ko si Carter sa kusina ay dinala ko siya sa kwarto ko. Nagdala na din ako ng snacks para habang nanonood ay may mga kinakain kami.

"Sayang naman at hindi ko sila nakilala." Wika nito habang nasa kalagitnaan kami ng panunuod. Parehas kaming nakaupo sa sofa kung san nasa likod lang namin ang kama ko.

"May susunod pa namang araw.." Sabi ko at uminom ng juice.

"Ash." Tawag nito sakin kaya naman nilingon ko ito.

"Hm?"

Lumapit naman ito sa akin at hinalikan ako. Sinabayan ko naman siya sa pag halik. Nang maramdaman ko ang sofa sa likod ko ay tinulak ko siya palayo sa akin..

"C-Carter, t-tama na" Nauutal kong sabi sa kanya. Tatayo na sana ako pero hindi siya umalis sa ibabaw ko.

Inis ko naman itong nilingon. "Carter, tatayo ako. Nangangawit na ako." Inis ko ng wika dito pero nakatitig lang ito sa akin.

"Mahal mo pa ba ako, Ashlyn?"

Lumukot naman ang noo ko sa tinanong niya. "Ano bang klaseng tanong yan?" Sabi ko sa kanya at sinubukan ulit na tumayo pero pinatong niya ang palad niya sa magkabila kong balikat para hindi ako makabangon.

"Carter! Ano ba!? Naiinis na ako."

"Sagutin mo ako. Mahal mo pa ba ako?" Muling tanong nito. Napatigil naman ako sa pagkawala ng makita ang mga mata niyang malungkot.

"Carter... Mahal kita. Okay?" Sabi ko sakanya at gamit ang isang kamay ay hinawakan ko siya sa pisngi at bihigyan ng mabilisang halik.

Tatayo na sana ako ngunit hindi pa din ito umalis sa ibabaw ko.

"Carter. Nangangawit na ak-hmm!" Bigla niya naman akong hinalikan. Iginilid ko naman ang ulo ko.

"Carter! Ano bang ginagawa mo!" Sigaw ko sa kanya. "Kung mahal mo ako, gawin natin. Ash." Nanlaki naman ang mga mata ko at kumalabog ng mabilis ang puso ko sa sobrang kaba.

Agad naman akong nagpumiglas ng sabihin niya iyon pero masyado siyang malakas.

Naramdaman ko naman ang pagdikit ng kanyang mga labi sa leeg ko na ikinahina ko lalo at ikinatakot.

"Carter! Please! Stop!" Naluluha kong wika. Susubukan ko sana siyang itulak patagilid ngunit nakuha niya agad ang dalawa kong kamay at inangat sa ulo ko na gamit lang ang isa niyang kamay.

Nakita ko naman ang isang kamay nito na tinatanggal ang butones ng polo ko. Tumulo naman ang mga luha ko sa takot na nararamdaman ko lalo na ang sakit dahil hindi ko aakalaing magagawa niya sa akin ito.

"P-Please, d-don't!" Naiiyak kong sabi. Nang matanggal niya ng tuluyan ang mga butones ko ay bumungad ang katawan kong may sandong puti. Nakita ko naman ang mga mata ni Carter na may pagnanasa.

'H-Hindi ko na makilala ang taong nasa harap ko. Sa loob ng isang taon hindi ko inakalang magagawa niya ito sa akin.'

Nagsimula nanaman muli itong halikan ang leeg ko pababa, naramdaman ko naman ang malamig niyang kamay sa tiyan ko.

"Ahhh!!! Tulooongggg!" Sigaw ko habang nagpupumiglas. Nakaramdam naman ako ng pagod kaya naman ay iyak na lang ako ng iyak.

"T-Tama na.." Pagmamakaawa ko sa kanya. Dumeretso naman ito ng upo at ito na ang pagkakataon ko para makatakas pero natatakot ako na baka pag sinubukan kong tumakas ay saktan naman niya ako.

Hinubad naman niya ang shirt niya at bago pa man niya idikit ang kamay niya sa dibdib ko ay isang paa ang dumapo sa buong mukha niya at natumba ito sa ibabaw ko.


Isang makapal na kumot naman ang bumalot sa buo kong katawan. Nilingon ko naman ito at nakita ko si James na may galit sa kanyang mga mata habang nakatigin kay Carter.

Umupo naman ako habang hawak-hawak ang kumot ko.

"I-Ikaw nanaman! Ano bang problema mo!?" Sigaw ni Carter habang nakaupo pa din sa sahig. Lumapit naman si James kay Carter at sinipa muli ito sa mukha..

"James! Tama na!" Naluluha ko pa din na sigaw. Nawalan naman ng malay si Carter dahil sa lakas ng pagsipa ni James.

Lumapit naman si James sa akin at lumuhod sa harap ko.

"Ayos ka lang ba? Sinaktan ka ba niya?" Sunod-sunod nitong tanon. Imbis na sumagot ako ay umiyak ako sa harapan niya na parang bata.


"Shh.. I'm here." Pagtahan nito sa akin at niyakap ako.

Bakit ba kapag may ganitong nangyayari sa akin ay dumadating siya? Sa kabila ng ginawa ko sa kanya ay tinutulungan pa din niya ako.

Now. I feel safe whenever I'm with him.

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 94.9K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...
5.5M 276K 64
(Academy Series #2) Being the son of an acting chairwoman of the academy pushed Jax to keep his identity hidden. Introduced himself as a scholar, he...
53M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
24.2K 512 38
Zariyah Krystelle Mariano, Is In love with his dad's personal driver. She confess her feelings to him but, Giovanni Salazar's rejected her. Date Star...