When Tears And Rain Collabora...

נכתב על ידי Diwtty

1.1K 124 5

Status:Completed #1 Started: 022422 Ended:070522 עוד

00
01
02
03
04
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
Epilogue
Ittʼs

05

33 4 0
נכתב על ידי Diwtty

Days turn to weeks and weeks turn to months.

Lagi na lang malungkot si Jastine dahil ilang buwan na niyang hindi nakikita ang binata at ngayon ay kausap niya ito sa video call.

"Jas, Huwag kang sumimangot jan" Inis na wika ni Dew sa kabilang linya.

"Miss na kasi kita, Dew! Dalawang buwan ka na jan, e" Walang dumaan na araw na hindi niya nilagyan ng ekis ang kalendaryo sa kanyang kwarto. "Kailan ka ba uuwi?" Tanong niya.

"Hindi ko din alam" Mas lalong nainis si Jastine. Lagi na lang Yun ang naririnig niyang sagot sa kaibigan niya. "Pag balik ko may ipapakita ako sayo" Nabago ang ekpresyon ng mukha niya napalitan iyon ng excitement.

"Really?" Masaya niyang sabi habang iniikot ang buhok niya gamit ang daliri.

Tumango si Dew saka nag paalam na aalis na. Wala na siyang nagawa pa kundi ang sumangayon dahil kailangan na din niyang pumunta sa paaralan upang maglinis.

Clean and green ngayon at hindi naman niya hahayaang ang mga studyante niya pa ang mag lilinis. Inilagay niya lahat ng gamit sa bag niya saka nag paalam sa ama na aalis muna.

Nang makasakay sa kotse ay mabilis niyang binuksan ang makina sabay paharorot ng mabilis.

PAGLABAS NA pag labas ni Jastine sa kotse ay kaagad siyang napamura ng lumitaw sa harap niya ang lalaking kinaiinisan niya ilang araw na.

Nakangiti ito sa kanya habang hawak ng isang kamay ang kulay pulang rosas. Iniabot iyon sa kanya pero tanging tingin lang ang nagawa niya.

"Flowers for you" Binibigyan niya ako ng bulaklak.. Ni minsan hindi ako binigyan ng bulaklak ni Dew. Umiling siya at saka nilagpasan ang binata. Ayaw niyang tanggapin dahil kapag tinanggap niya iyon ay baka mag iba ang ihip ng hangin.

Pag pasok sa classroom ay naramdaman niyang pumasok din ang binata. Hindi niya iyon pinansin basta nakita ng mata niya na inilagay ng binata ang bulakbak sa vase.

"Iʼm here to help" Rinig niyang wika ng binata.

Imbis na pansinin ay nag hanap siya ng maayos na walis tampo. Nang makahanap ay sinimulan niya ang dapat na gawin niya.

Gusto niyang matapos kaagad ang pag lilinis niya dahil ayaw niyang malapit sa kanya ang binata. Hindi naman sa nangdidiri siya basta ayaw niya lang dahil alam niyang hindi yun magugustuhan ni Dew.

Mahigit dalawang oras din silang nag linis. Kinakausap siya ng binata pero dedma lang ito sa kanya. Mabuti na lang ng mapagod sa kakasalita ay tinantanan na siya nito at itinuon ang atensyon sa pag lilinis.

Bumuntong hininga si Jastine saka kinuha ang tubig na nasa bag. Kaagad niya iyong ininum dahil sa subrang pag kauhaw.

"Gusto mo bang kumain? May alam akong malapit na restaurant dito" Pakatapos maubos ang tubig ay nilingon niya ang nag salita. Napalunok kaagad siya ng makita itong nakahubad habang ang pawis nito ay nag lalakbay sa kanyang katawan.

Damn! Bakit ang hot niya tignan!

Umiling iling si Jastine sabay iwas ng tingin. Cheater na ba ako nito? Hindi naman diba!

"Mag damit ka nga" Sabi niya. Oo naiilang siya dahil ito ang unang beses na makakita siya ng ganong kasarap na pagmasdan. Hindi kasi nag huhubad si Dew sa harap niya dahil bakit naman ito mag huhubad?!

Narinig niyang natawa ang binata kaya inis niya itong nilingon. "Bakit ka tumatawa?!" Wala na siyang pakealam kung maingay siya basta naiinis na talaga siya.

"Naiilang ka kase" With that, unti-unti itong lumapit hanggang sa tumigil ito ng isang dangkal na lang ang lapit sa kanila.

Ramdam ni Jastine ang hiningang tumatama sa kanyang leeg. Ramdam din niya ang pag bilis ng puso niya hindi dahil sa kilig, kundi sa kaba na baka mahalikan siya ng kaharap.

Hindi siya makagalaw. Ayaw niya.

"Huwag, Aidan" Sa unang pag kakataon ay tinawag niya sa pangalan ang binata. Ayaw niya ng pakiramdam na ang lapit nilang dalawa na para bang ayaw na din niyang lumayo. This is bad.

Aidan Sighed and move forward. "Why?" Walang emosyong tanong sa kanya.

"Huwag kang lalapit ng ganon kalapit sakin. Hindi ako komportable" Pakatapos sabihin iyon ay iniwan niya nag binata.

Napahawak siya sa kanyang dibdib at huminga ng malalim. "You cant do this to me!" Ani saka kinuyom ang kamay na nasa dibdib. Gusto niyang umiyak dahil ayaw sumangayon ng puso niya sakanya.

Umiling-iling siya at tuluyang hinayaan ang luha sa kanyang mata. Umiiyak siya dahil hindi niya gusto kung paano umakto ang puso niya. Naiiyak siya dahil ayaw niyang maniwala. Hindi basta basta mawawawala ang nararamdaman niya sa isang tao pero bakit biglang nag kaganito?

Oo dalawang buwan palang pero hindi yun maari.

Natigil siya sa pag iyak ng biglang tumunog ang selpon niya. Ayaw niya sanang sagutin kaso nakita niya ang pangalan ng caller. Itʼs Dew.

"Kanina pa ako tumatawag, Jas" Napakagat labi si Jastine saka inayos ang sarili. "Where are you? Isang tawag ko lang noon nasasagot mo na ang tawag ko. Anong nangyare?" Bigla siyang nasaktan. Dahil ba ito sa nararamdaman niya kaya hindi niya napansing tumatawag na pala ito sa kanya?

"Jas, nanjan ka pa ba?"

"Yes.." Mahinang sagot niya. "Sorry hindi ko narinig yung tawag mo, nag lilinis kase ako"

Tumahimik ang kabilang linya kaya napatingin siya sa selpon niya. Hindi pa tapos ang call at alam niyang nag iisip si Dew ngayon.

Kilala siya nito kaya kapag nag sisinungaling siya ay kaagad nitong sinasabi.

Narinig niyang huminga ng malalim si Dew kaya napapikit siya.

"Are you lying to me, Jas?" Ito na nga ba ang sinasabi niya! "Kilala kita, kahit nag lilinis ka tinitignan mo ang selpon mo kung tumatawag ako. Donʼt lie to me again cause i hate liar" Pakatapos sabihin iyon ay kaagad na natapos ang tawag. Napamura ng ilang beses si Jastine hanggang sa napag pasyahan niyang umuwi na lang.

Ano pa nga bang masesekreto at ilang beses pa ba siya mag sisinungaling? Limang taon na siyang kasama ang binata kaya bakit hindi niya man lang naisip na alam na nito kung nag sisinungaling siya o hindi.

Pag uwi sa bahay ay wala siyang ganang kausapin ang ama niyang niyaya siyang kumain. Gusto niya lang ngayon mag pahinga at makatulog dahil pakiramdam niya ay hinang hina na siya.

"Ahhh, kasalanan moʼto, e!" Inis niyang tinapon ang unan sa pinto. Gusto niyang isigaw ang galit at inis na nararamdaman niya. Gusto niyang ilabas dahil kung hindi ay sasabog lang iyon.

"Huwag mong gawin toh sakin, huwag mong ipagpalit ang limang taon sa Isang buwan" Patungkol niya sa kanyang puso.

Hindi pwede dahil masasaktan siya at iiyak.

Sa subrang inis ay hindi na niya namalayang nakatulog siya. Nagising na lang siya dahil sa ilang beses na katok na naririnig niya mula sa labas ng kanyang kwarto.

"Jastine, anak, nanjan ka ba?" Rinig niyang tanong ng papa niya sa labas.

"Opo" Ani saka tumayo at binuksan ang pinto.

"Sabi ko na nga ba at nakatulog ka" Kamot ang ulo na wika niya. "Tumawag si Dew kanina, tinatanong kung nasaan ka, sabi ko natutulog ka para hindi na mag tanong ulit" Napahinga siya ng maayos. Mabuti na lang ay dinahilan ng ama niyang natutulog siya kahit totoo naman natutulog siya.

"Nag away ba kayong dalawa? Kanina hindi mo ako pinansin tapos kanina na tumatawag si Dew ay nag tanong agad kung anong ginagawa mo"

"Okay kami, pa" Okay sila hanggang okay siya."kung tumawag ulit siya ay sabihin niyo kaagad sakin" Pakatapos sabihin iyon ay isinara niya ang pinto.

Ayaw niya munang pag usapan ang binata dahil kinakabahan siya sa kung anong pwede nitong sabihin sa kanya.

Bumalik soya sapag kakahiga at kinakagat kagat ang labi. Nalilito na siya sa sarili niya na dati naman hindi. Hindi siya tanga at mas lalong magiging tanga lang siya kung mag papanggap siyang hindi niya alam kung anong ibig sabihin nun.

Huminga siya ng malalim at ipinikit ang mata saka sinimulang kantahin ang paboritong kanta.

"I'll be honest

I'm all right with me

Sunday mornings In my own

bedsheets I've been waking up alone

I haven't thought of her for days" Someone sang this song to her when she was in high school. Hindi niya alam kung sino ang kumanta nun pero dahil maganda ang kanta ay nagustuhan niya.

"I'll be honest It's better off this way

But every time I think that I can get you out my head

You never, ever let me forget

'Cause Just when I think you're gone Hear our song on the radio

Just like that, takes me back To the places we used to go And I've been trying but I just can't fight it When I hear it---" Hindi na niya natuloy ang pag kanta ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto niya.

Hindi na niya kailangan pang lingunin ang pumasok. Amoy palang kase ay alam na niyangang ate niya iyon.

"Hey, sis, are you okay?" Tanong nito sakanya.

"Iʼm Jastine. Iʼm okay" Ani saka hinaming na lang ang kinakanta.

Narinig niya ang pag buntong hininga ng katabi niya saka naramdaman niyang hinaplos ang kanyang buhok. "Miss mo?" Tanong niya na naging dahilan ng pag lingon niya dito.

"Subra" Subra na niyang namimiss ang binata. Gusto na niyang makita ito at mayakap.

"Pwede mo namang puntahan" Napanguso siya. Gusto man niya puntahan ay hindi siya marunong mag biyahe. "Kung hindi siya maka uwi kaagad, ikaw na ang pumunta sa kanya."

"Ate, busy ako sa work--"

"Walang taong busy sa kanyang mahal. Puntahan mo para mapanatag ka, hindi yung tutunganga ka lang jan." Tama ang ate niya. Napaisip tuloy siya bigla bakit hindi ko na lang nga puntahan para mapanatag ako? "Sige na, uuwi na ako" Tumayo ito saka binuksan ang pinto. Pero kaagad ding natigil ng tawagin siya ni Jastine.

"Normal ba yung may magustuhan kang iba habang may minamahal ka na mahal ka din?"

Napaseryuso ng tingin sa kanya ang kapatid saka lumapit at umiling. "It will never be normal. Yung puso natin isa lang kaya dapat tumitibok lang yan sa iisang tao. Hindi yan pwede tumibok sa iba habang may minamahal yang puso mo kase masasaktan yung taong minamahal mo."Para siyang tinamaan ng pana sa puso dahil sa subrang sakit. Alam niya naman simula palang mali na pero yung puso niya ang hindi sumasang-ayon sakanya.

"Huwag mong saktan ang taong piniling mahalin ka lang, Jastine" Pakatapos sabihin iyon ay iniwan siya ng ate niya.

Ang lakas ng impact ng huling sinabi niya.

המשך קריאה

You'll Also Like

844K 9.5K 55
#arrrangedmarriage #secondchance #lovestory #romance #business
32.7K 2.5K 45
Story of a family - strict father, loving mother and naughty kids.
131K 1.7K 8
Rated SPG. Mature Content