The Odious Doxy (Flight Atten...

נכתב על ידי Blacckkfairry

16K 233 36

FLIGHT ATTENDANT SERIES #3: Samantha, a woman who's not lucky when it comes to love. She always feel that she... עוד

PROLOGUE
1
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
EPILOGUE
Author's Note

2

459 10 1
נכתב על ידי Blacckkfairry


"ano pahiya ka no?"

mataray at pairap ko na sinalubong ng tingin si Harvey sa maliit na salamin na nasa harapan nila ni mama. Kanina pa siya ganyan hindi niya talaga ako tinatantanan! Nakangisi siya habang nag ja jamming at sinasabayan ang tugtog niya na pang romance. Akala mo naman may jowa!


"pahiya ba yon? malay ko bang siya pala ang may ari ng restaurant na yon." sarkastiko ko na sabi bago inis na inalis ang paningin sa kanya at itinuon na lang sa labas ng bintana para panuorin ang mga iba pang sasakyan na nakakasabay namin.



pagkahintong pagkahinto ng sasakyan sa bahay ay nauna na din akong bumaba sa kanila. Dare daretso lang akong naglakad papasok hanggang sa bigla na lang akong natigil ng may makita akong mga tao na nakaupo sa sofa. Nang lingunin ko si tita Vangie ay ganon na lang siyang napaiwas kaagad ng tingin at wala sa sariling nasapo ang kanyang noo.



maya maya lang din ay naramdaman ko na ang presensiya nila Harvey at mama kaya kaagad na akong tumabi sa gilid. Tulad ko, sila rin ay nagulat ng makita ang mga taong nakaupo sa sofa. Minsan pa silang nagkatinginan na dalawa bago tuluyan na nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga.



paano wala pa kasing isang buwan ang nakakalipas ng makapagbayad kami ng renta dito sa bahay, nandito nanaman ulit ang mag asawang may ari. Nauna ng tumayo ang babae at naglakad papalapit kila Harvey habang ang asawa naman nito ay tahimik lang na nakaupo at pinanunuod ang kasalukuyang ginagawa nito.



"Aling belle? kababayad lang ho namin sa inyo ng upa hindi ho ba?" maingat na pagtatanong ni tita Vangie sa kanya. Umaasa na hindi tungkol doon ang ipinunta ng mga ito at wala sa sariling kinagat niya ang sariling labi.


pero dahil sa may re reviewhin pa ako ay hindi ko na sila pinagtuunan pa ng oras na panuorin na mag usap tungkol sa renta ng bahay. Sa halip ay nagmadali na akong umakyat papunta sa kwarto ko. Pagpasok ay kaagad ko na rin na inilock ang pinto bago naglakad palapit sa kama ko at buksan ang electric fan na nasa tabi lang din niyon. Habang nagpapahinga ay sandali ko na inangat angat ang buhok ko dahil ramdam ko ang sobrang pawis na tumatagaktak doon. Siguro dahil na rin sa panahon ngayon na tag init. 



tanging kulay puti at itim na shorts na lang din ang sinuot ko ng matapos akong maglinis ng katawan at suklayan ang buhok ko since gabi naman na at matutulog na lang naman ako. Pagkatapos kong gawin iyon ay akmang dumako na rin kaagad ako sa shelf ko para sana kunin at maipagpatuloy na muli ang naputol ko na pagre review ng bigla ko na lang din na marinig na tumunog at mag vibrate ang phone ko. Kaya naman dali dali ako na sumubsob sa kama para tignan kung ano at kung tungkol saan ba iyon. 


wala akong naging reaksyon ng makitang galing iyon kay Kiel. Habang tinutuyo ko ang buhok ko ay sandali na muna din akong naupo sa kama bago binuksan at basahin ang tinext niya. 

From: Kiel 

I'm sorry but we need to break up.  My love for you was not real.. 


hindi ko alam kung anong maire react ko matapos iyon na mabasa. Kumbaga pakiramdam ko yung sipag ko na mag review ay parang bula na lang kaagad na bigla na lang nawala. Wala sa sariling tinanong ko ang aking sarili at tumawa ng sarkastiko. Bakit...? Bakit ganon? nagmamahal lang naman ako. Tangina karma ba'to? 


Kasi kung oo, bakit naman ganito? oo alam ko na nagkakagusto ako sa may sabit na at may karelasyon na pero bakit naman ganito? bakit grabe ang balik? Oo alam ko na sa paningin ng ibang tao mali itong ginagawa ko. Pero anong magagawa nila kung dito ako masaya? Siguro nga talagang ang unfair lang ng mundo kaya ganito tuloy ang mga nararanasan ko. 



natigil lang din ako sa pag iisip tungkol doon ng may marinig na kumakatok sa pintuan ng kwarto ko kaya mabilis ko na inayos ang sarili ko na parang wala man lang na nangyare. Ekasakto na paglingon ko nakita ko si Harvey na tuluyan ng nakapasok. Daretso niya akong tinignan habang tahimik siyang naglakad papalapit sakin. Halos nagsisituluan pa nga mga butil ng tubig sa kanyang buhok at mabilis na naupo sa tabi ko. 


"anong kailangan mo?" mahinang tanong ko nang lingunin siya.  Palihim ko pa muling sinilip ang phone ko nagbabakasakali na baka magtext pa si Kiel kahit na alam kong malabo na at tapos na.


"lilipat na daw tayo sabi ni mama." iyon ang bungad at seryosong sabi niya kaagad nang matapos siya sa pagpupunas niya ng buhok at lingunin ako. "ayaw na daw manatili pa ni mama at tita Vangie dito dahil nanghihingi nanaman daw ng bayad si aling Belle kahit na kakabayad lang." sabay malalim na buntong hininga niya. 



wala sa sariling naialis ko na lang bigla ang paningin sa kanya matapos niyon at mapalunok. Sandali ko na munang isinantabi ang tungkol sa pakikipaghiwalay sakin ni Kiel para makapag isip ng maayos kung papaano maayos ang buhay namin. Kasi sa totoo lang ayoko na rin ng ganito.



bata pa lang kasi kami ni Harvey ay palipat lipat na kami ng bahay. Pare parehas lang din ang dahilan tungkol sa pagbabayad ng hindi buo. Bigla ko tuloy naalala yung araw na minsan na nanggaling ako sa school na pagod na pagod dahil galing sa mahabang lakaran na biglaan lang din nawala dahil nakita kong nakikipagsabunutan sila mama at tita Vangie sa may ari ng paupahan. Nakakatawa lang.



"e paano na tong ginagawa ko na paghahanda? masasayang na lang ng ganon ganon? dahil lilipat na tayo nanaman tayo sa ibang lugar?" sunod sunod na tanong ko ng mamirmi sa isang sulok ang mga mata ko nang nakatulala.



inalis ni Harvey ang paningin sakin at wala sa sariling hiniga niya ang kanyang sarili sa kama ko. Winasi wasiwas niya ang magkabila niyang kamay na akala mo sa nandoon siya sa sarili niyang kwarto. Pero okay lang yon sakin dahil kapatid ko naman siya.



"jan ka nagkakamali dahil mas magiging malapit na ang lilipatan nating bahay sa DLU," malumanay niyang sabi habang daretso na nakatingin sa kisame. "saka hindi na rin naman tayo mahihirapan dahil may sarili na tayong sasakyan."


oo nga pala bigla kong naalala yung sasakyan.


"nga pala saan nanggaling yung sasakyan na yon?" ganon na lang ako ka curious na itinanong yon sa kanya. Dahil nakakagulat lang kasi na nakabili ng sasakyan pero ng sariling bahay hindi. Nakakaloko hindi ba?



ganon na lang na nangunot ang noo ko ng makalipas ang ilang minuto ay wala akong narinig na sagot sa kanya dahilan para mapagdesisyunan ko ng lingunin siya para sana hampasin ang braso niya ng bigla ko na lang mapansin na nakapikit na ang kanyang mga mata habang yakap yakap na ang isang unan ko! Hala siya nakatulog na!


wala tuloy ako sa sariling natawa ng mahina at napailing. Wala pa rin talagang pagbabago tong kuya ko na to. Para mas humimbing ang tulog niya ay kinuha ko na ang kumot ko na naroon sa uluhan niya para ipatong sa kanya. Ayoko na rin siyang gisingin dahil baka masisisi pa ako na nasira ko ang tulog niya. Since meron din naman akong folding bed. Doon na lang ako matutulog.




Kinabukasan, maaga akong nagising dahil sa alarm ko. Dahan dahan ko na iminulat ang mga mata ko at sandaling natigilang tumingala sa kisame para tumulalang sandali. Isa na kasi ito sa mga routine na ginagawa ko pag nagigising ako. Nang makuntento ay sa kama ko sunod na tinuon ang paningin ko para tignan si Harvey na hanggang ngayon ay napaka himbing pa rin ng tulog. Nakadapa na siya ngayon habang wala nang suot na pang itaas. Pansamantalang naiipit rin ang kabila niyang pisngi dahilan para hindi ko mapigilan ang mapailing at wala sa sariling kinuha ang phone ko para kuhanan siya ng litrato.



kalaunan ay bumangon na rin ako para mailigpit na ang pinaghigaan ko para makapaghilamos at makapagmumog. Agad na rin akong nakaramdam ng gutom kaya nauna na akong bumaba papunta sa kusina kung saan nakita at naabutan kong naghahanda ng pagkain mag isa si tita Vangie. Inikot ko pa ng minsan ang paligid para hanapin si mama pero ni anino niya wala nanaman akong nakita. Pero okay lang sanay naman na ako. And I forgot that we're not that so much close in each other.




"oh! nanjan ka na pala bakit hindi ka man lang nagsasalitang bata ka?" biglang gulat na sabi ni tita Vangie habang may hawak hawak pa siyang tong at platito na may lamang ham at hotdog.



"kabababa ko lang." tinatamad ko na sagot at wala sa sariling naupo na lang kaagad sa silya. Doon ay malalim akong nagpakawala ng isang malalim na buntong hininga kasabay ng sandali kong ipatong ang magkabila kong mga siko sa mesa.



"nga pala nasabi na ba sayo ng kuya mo?" tanong niya matapos ilagay sa harapan ko ang isang basong gatas na katitimpla pa lang bago siya naupo at nagsimulang sumandok ng kanin.



"tungkol saan?" nakangunot at nagtataka na tanong ko habang abalang abala sa paghalo ng gatas. Bahagya na rin akong kumuha ng tinapay na pinalamanan ko lang ng hotdog.



"hindi mo alam?" nagtataka niya akong tinignan. Umiling lang ako bilang sagot dahil hindi ko naman alam kung ano at kung tungkol saan ba iyon.



akmang magsasalita pa sana siya ng bigla na lang kaming may marinig na ingay na ikina pagtaka namin. Pero di ko na iyon pinansin pa at basta na lang ulit na kumuha pa ng hotdog. Nagutom ako dahil naalala kong hindi na nga pala ako nakakain kagabi. Siguro dahil na rin sa dami ng nakain namin sa opening restaurant.



"di mo'ko ginising? nakatulog na pala ako kagabi sa kwarto mo." bungad ni Harvey ng hatakin niya ang upuan para maupo sa tabi ko. Napansin kong basa pa ng kaunti ang gilid ng kanyang buhok dahilan para abutan ko siya ng tissue na nasa mesa.



kinuha naman niya kaagad iyon at mabilis na ipinamunas sa mukha niya. Hindi ako nagsalita at pairap lang na inalis ang paningin sa kanya. Natigil lang din ako ng makita at masalubong ang tingin ni tita Vangie na nasa amin na palang dalawa. Ngumiti lang siya ng sandali at malalim na nagpakawala ng buntong hininga.




"ayoko kasing nangugulo ng tulog dude. Kaya hinayaan na kitang matulog sa kama ko." walang emosyon na sabi ko bago inumin ang gatas na nasa baso.



tumawa lang siya at sandaling binitawan ang kutsara na hawak niya. Akala ko kung ano lang ang gagawin niya. Pero ganon na lang na kaagad na rumehistro sa mukha ko ang mukha niya ng bahagya niya kong silipin! Muntikan ko na tuloy mabuga yung iniinom ko na gatas!



pagkatapos non ay bumalik na ulit ako sa kwarto ko para asikasuhin ang sarili ko. Ganon rin si Harvey na kinakailangan umalis dahil may laro daw sila ng mga tropa niya. He's not that busy dahil sa totoo lang wala siyang problema sa acads niya. Alam niya kung papaano siyang makakasabay sa lahat. Unlike me na ito nagpabaya sa pag aaral at inuna pa ang pa bonding bonjing noon. That's why now I ended like this. Suffering and reviewing so many notes.




dahil sa naiinitan ako sa kwarto ay naisipan ko na sa sala na lang mag review since wala naman akong naririnig ngayon na ingay ng kapitbahay. I used to be silent when it comes to reading and reviewing all the notes that I have. If there's a time that I couldn't remind it or forgetting something important details, I used to highlights them and read it again and again to make and keep it onto my mind. Sa awa naman ayon at may naipapasok ako.



habang nag aaral ako syempre nasa tabi ko rin si Goffer na tahimik lang na nakahiga sa sahig at natutulog. In all the pets that I have it already, he's the one making me happy and being my stress reliever at the same time when I had a bad day. Yung tipong tignan at makita ko lang siya lahat ng pagod ko awtomatikong mawawala na.



sa tagal ko na nagbabasa ng mga notes, sandali ko na muna din na inunat ang mga kamay at braso ko. Maging ang batok ko na di ko namalayang sumakit na lang ng bongga na hindi ko ganon kaagad na maigalaw. Dahil doon, agad akong nilingon ni tita Vangie na tahimik na naghihimay ng gulay sa kusina. Ganon na lang din ang bahagyang panlalaki ng mga mata ko ng maramdaman ko siyang lagyan dahan dahan ng salonpas ang batok ko.


"thank you tita." mahinang sabi ko at mabilis na bumalik sa pananahimik.


"para saan ba yang mga binabasa mo na sobrang dami?" na cu curious niyang tanong matapos niyang dapuan ng tingin ang mga papel na kasalukuyan ngayong nakalapag sa maliit na mesa na nasa harapan ko bago niya ibinalik ang paningin sakin. Takang taka na parang halos ayaw maniwala sa pag aaral na ginagawa ko.


"kay Harvey lahat ng to." natatawang sabi ko ng lingunin siya na ngayon ay tahimik lang na nakatayo at nakahawak sa sandalan ng sofa. "pinahiram niya lang sakin kasi ito daw yung ite take na exam next month sa DLU para sa mga freshmens na mag college."


tahimik siyang tumango tango bago malalim na nagpakawala ng buntong hininga. "oo nga pala no? nasa hard level ka na ng pag aaral mo. Nakakatuwa lang na isipin." sabay pilit na ngiti niya.


hindi man siya magsalita ay alam ko na kaagad kung ano ang nasa isip niya. Kaya wala sa sariling pinatong at kinuha ko ang kanyang kamay bago iyon hinimas himas. Meron kasi si tita Vangie na mga anak na hindi na niya ganon pang nakakamusta dahil daw sa ayaw na raw ipakausap ni tito ang mga ito sa kanya. Kasing edad lang din namin sila ni Harvey. But I don't think and know if they were still studying like us till now. Dahil sa pagkaputol ng koneksiyon nilang lahat sa kanya.


I was about to talk to her when she's already taking back my hands to me. And instead of urge to cry, she only gave me her small tiny smile. Even though I notice that her eyes saying that she's not happy and only pretending. Naglakad na rin siya ulit pabalik sa kusina para maipagpatuloy na niyang muli ang kanyang ginagawa.


sa sandali na iyon, hindi ko lubos maisip kung bakit bigla ko na lang din tuloy naalala ang papa ko. Na gustong gusto ko rin na makita tulad kay tita Vangie sa mga anak niya. Pero paano? ni hindi ko nga alam ang itsura niya. Sabihin na natin na ang mga korean ay talagang magkakamukha. That's why it's not easy for me to find him. Even though I badly wanted to see him already.


hindi ko aakalain na sa tagal ko na pagbabasa ng mga notes ay inabot na pala ako ng alas nuwebe ng gabi! Dahil doon ay bahagya ko ng itinigil ang ginagawa ko at nagpasyang bukas na lang ulit iyon ipagpatuloy. Nang matapos mailigpit ang  mga notes ni Harvey, sandali ko na muna din iyong inakyat pabalik sa kwarto. Nilapag ko na lang din muna sila sa ibabaw ng study table. Pero bago pa man ulit ako bumaba pabalik sa sala ay sandali ko na munang sinilip ang kaharap na kwarto ng kwarto ko.


dahan dahan ko na binuksan iyon para sana ayain si tita Vangie na kumain pero napangiwi na lang ako ng makita ko siyang tahimik na natutulog. Nakatalikod siya sa bandang gawi ko at tanging lampshade lang ang nakabukas na ilaw. Kaya tuloy sa huli ako lang din ang kumain ng mag isa.


agad na rin akong umakyat sa kwarto pagkatapos ko na hugasan ang pinagkainan ko. Binitbit ko na rin si Goffer at doon ko na lang naisipan na pakainin siya. Tahimik at nakangiti ko lang siyang pinanunuod habang nakaupo ako sa dulo ng sarili ko na kama. Akala ko nga kanina maaabutan ko na magulo ang kama ko. Pero nagkamali ako dahil ultimo unan ko inayos ng maayos ni Harvey. Nakakatuwa lang na isipin. 


pero teka nga muna. Nasaan na kaya siya at bakit hindi pa siya umuuwi? at saka anong oras na wag niyang sabihin na hanggang ngayon nagba basketball pa siya kasama ang mga kaibigan niya? ganon din si mama. Hays! ano na bang nangyayare sa dalawang iyon? Oo hindi kami close ni mama ng ganon kalubos. Pero kahit na ganon pa man, mama ko pa rin siya. Sadyang hindi lang talaga ako ganon na malapit sa kanya. 


nang makita ko na ubos na ni Goffer anf kanyang kinakain, doon na ako tumayo para asikasuhin ang sarili ko na mag half bath. Hindi kasi ako sanay ng hindi nakakapaglinis ng katawan bago matulog. Tanging strapless dress na lang ang ipinalit at sinuot ko bago ako tuluyan na sumampa sa kama. Kinuha ko ang isang unan na nasa ulunan ko para ilagay iyon sa tabi ko para mas mabilis akong makatulog.  


ngunit nagkamali ako sa isiping iyon na akala ko makakatulog ako kaagad! dahil ganon na lang kagising ng husto ang diwa ko na para bang hindi pa ganon kalalim ang gabi. Kung ano ano at kung saan saan na posisyon ko na iniharap ang sarili ko pero wala pa rin talaga. Nang silipin ko si Goffer ay tulog nanaman ito. Magkapatong ang kanyang mga kamay habang ang buntot ay nakapatong sa sarili niyang likuran. 


"bakit ba hindi ako makatulog?" bulong ko sa aking sarili bago ko tinakip ang magkabila ko na palad sa mga mata ko. Napabuntong hininga na lang ako at doon ay sinubukan ng matulog ng totoo. 


"Sammy?" ganon nalang agad na nagising ang diwa ko kinabukasan ng bigla ko na lang marinig ko ang sigaw na alingawngaw ni Harvey sa pintuan ng kwarto ko habang wagas kung kumatok na kulang na lang gibain niya na iyon makapasok lang! Akala ko pa naman magiging maganda ang gising at araw ko ngayong araw ng sabado. Yon pala hindi! 


inis akong bumaba sa kama ko bago naglakad ng mabilis papunta doon. Ni hindi ko na sibukan pang magsuklay dahil siya lang naman ang haharapin ko. Agad ko siyang sinimangutan ng tingin ng pagbuksan ko siya ng pinto. "ano nanaman ba yon?" masungit at mahina na tanong ko sa kanya gamit ang bagong gising ko na boses. 


hindi siya kaagad nagsalita dahilan para pagkunutan ko siya ng noo. Naguguluhan sa kinikilos niya. This time kasi ang seryoso ng mukha niya ibang iba sa usual na ginagawa niya kapag tatawagin o aayain niya akong bumaba para sumabay na kumain sa kanila nila mama at tita Vangie. 


"ano?" iritang tanong ko pa ulit sa kanya ng hindi pa rin siya nagsalita pagkalipas ng ilang minuto. 


"may gustong kumausap sayo." mabilis at biglang dare daretso niya iyong sinabi sabay buntong hininga ng malalim. Dahil doon mas naguluhan tuloy ako! Ano bang pinagsasabi niya? at sino naman iyon? 


"Kiel ang pangalan." tiim bagang niyang sunod na sinabi. Hindi ko alam pero ganon ko na lang kaagad na nakagat ang sarili ko na labi kasabay niyon ay ang pagdagundong ng aking dibdib. Yare na ako! 


akmang magsasalita pa sana ulit siya ng tuluyan na akong lumabas sa kwarto ko at lagpasan siya para babain si Kiel na ngayon ay hindi ako na inform na kasama pala niya ang totoo niyang karelasyon na si Zeniah. Mababasa kaagad sa kanyang mga mata kung gaano siyang nag iinit at nanggagalaiti na malapitan ako. Masamang masama ang tingin niya sakin na para bang sa pamamagitan niyon ay gusto na niya akong saktan ng pisikal. 


pero hindi ako nagpatinag. Sa halip ay normal lang akong naglakad pababa sa hagdan bago lumapit sa kanila. Nakita ko na nasa tabi lang din si tita Vangie na tahimik lang na pinalilipat lipat ang paningin sa aming tatlo. 


"anong ginagawa n'yo dito?" malamig na tanong ko ng tignan silang dalawa lalo na si Kiel na ngayon ay mabilis na inalis ang paningin sakin. Doon ko lang rin nakita kung gaano padabog na inalis ni Zeniah ang kamay niyang nakahawak sa kanyang kamay. Bago siya lumapit ng husto sakin.


walang sali salita ay ganon niya kabilis na napadapo sa mukha ko ang kanyang kanang palad dahilan para ganon na lang na manlaki ang mga mata ko. Pero hindi ako nagpatalo dahil ibinalik ko ang sampal na ipinatikim niya sakin nang kaliwaan.


"how dare you to slap me!" sigaw pa niyang muli at akmang susugod nanaman ng awatin na siya kaagad ni Kiel. "ano ba bitawan mo'ko isa ka pang gago ka!" sandali niyang nilingon si Kiel na ngayon ay tanging sorry lang ang kayang sabihin.


"anong kaguluhan ang nangyayare dito?!" ganon na lang kaagad na naagaw ni mama ang atensyon naming lahat. May mga bitbit siya na plastic bag halatang ngayon pa lang siya umuwi galing sa trabaho.


"tss! kaya naman pala e! may pinagmanahan!" kaagad na dinig ko ng marinig ko na sabihin iyon ni Zeniah. Sa inis ko hindi ko na napigilan ang sarili ko at ganon ko nalang kabilis na hinablot ang kanyang buhok. Wala akong pakialam kung makalbo siya ngayong araw! maubos ko lang buhok niya!


ang tapang tapang akala mo nasa sarili niya siyang pamamahay! umabot ang sabunutan namin hanggang sa hagdanan. Pero kalaunan ay naawat din kami. Si Harvey ang humatak sakin papalayo habang si Kiel ay kay Zeniah.


pinaglayo kami ng upuan ni Harvey ng parehas na kaming kumalma ni Zeniah. Naupo siya sa single sofa habang ako ay sa mahabang sofa naupo katabi si tita Vangie.  Nang subukan kong lingunin si Kiel ay tahimik lang itong nagpakawal ng buntong hininga bago yumuko.


"Sammy? sino sila?" maawtoridad at ganon na lang kaagad akong tinanong ni Harvey. Daretso siyang tumingin sakin nang sobrang seryoso ang mukha. Pero hindi kaagad ako ganon na nakapagsalita at sa oras na iyon, tanging paglunok lang ang nagagawa ko.


bakit kasi pumunta punta pa silang dalawa dito? pwede naman nila akong itext na lang kung gusto nila akong kausapin. Hindi yung ganito! nabisto na tuloy ako ni Harvey!


"oh ano? bigla ka yatang natameme jan? Malandi ka!" inis na at dinig ko na sabi sakin ni Zeniah. Ramdam ko kung gaano siyang nang gagalaiti na tumingin sakin. Halos wala tuloy ako sa sariling tumawa ng sarkastiko dahilan para sakin mapunta ang lahat ng kanilang atensyon. Lalong lalo na si mama.


tulad ni Harvey, ayon siya at seryoso kung tumingin sakin na para bang ganon ka sobrang sama ng aking nagawa. Habang si tita Vangie naman ay parang nainip na kaya basta na lang na tumayo para iwanan kami at pumunta sa kusina. Mukhang ayaw niyang nakakakita ng ganitong senaryo.


agad na nagpantig ang tainga ko sa narinig dahilan para pairap ko ulit na lingunin si Zeniah. This time nakataas na ang gilid ng kanyang labi na akala mo talagang kaya niya ako. Sa totoo lang din, kung ilalarawan si Zeniah ay isa lang siyang maliit na langgam para sakin. Dahil higit sa mas maliit ang kanyang height sakin, hindi ko maitatago na medyo maitim lang siya kaysa sakin. Sabihin na natin na may itsura rin siya pero mas lamang pa rin ang aking ganda.


I'm just stating the fact about her personality.


"kung ako malandi? e ano ka pa? losyang?" sabay tawa ko ng nakakaasar bago pairap na inalis sa kanya ang paningin. Ngunit hindi ko rin ganon na inaasahang masasalubong ang tingin ni Harvey na ngayon ay sobrang lalim na. "what?" nakakunot at nagtatakang tanong ko pa sa kanya.


"ano ba?! sinabi ng tama na hindi ba?!" halos mapatalon ako ng bigla na lang din hampasin ni Harvey ng sobrang lakas ang maliit na mesa na nasa aming harapan. Pinalipat lipat niya ang paningin samin bago pabuntong hiningang tumayo. Akala ko kung ano ang susunod niyang gagawin pero ganon na lang ang pagkagulat ko ng bahagya siyang humarap kay Kiel!


natitigilan ko tuloy na nilingon si Kiel na ngayon ay parang wala lang sa kanya ang presensiya ni Harvey na ngayon ay kaharap na niya. Hindi ko rin maimagine kung papaano siyang lakas loob na ayusin pa niya ng kaunti ang kanyang polo bago tumayo ng maayos. Hindi ba siya natatakot sa kung anong magawa ni Harvey sa kanya?


"I'm Kiel Timothy Muñez." pormal niyang pagpapakilala sabay lingon sa gawi ni Zeniah na ngayon ay halos parang wala ng pakialam sa kanyang presensiya. Ni hindi man lang nga siya nito tinignan hindi tulad ko.


"ah Kiel..." tango tangong sabi ni Harvey. Bahagya pa niya itong kinilatis mula ulo hanggang paa. Agad ko na naipantakip ang magkabila ko na palad sa aking bibig ng makita kung gaano kabilis siyang sinuntok ni Harvey sa tiyan!


"Kiel!" dinig ko na sigaw ni Zeniah.  Nilapitan niya kaagad si Kiel na ngayon ay nasa sahig na at halos ganon na lang na mamilipit sa sakit ng suntok na ipinadama sa kanya ni Harvey. Para bang sa oras na iyon ay ganon na lang din kaagad na humupa ang kanyang galit at inis.


For some reason, hindi ko rin aakalain na maiirita ako ng bigla sa gano'ng klase na pinag gagawa nila. Mismong sa harapan ko pa maging kila mama! Pero hindi ko na sinubukan pang magsalita at tiniis na lang na panuorin ang bawat kilos nilang dalawa. Kung papaano niya itinatayo ng dahan dahan si Kiel na ngayon ay sumama na ang tingin sakin.


simula ng matapos mangyare iyon, hindi na muna ako pinayagan ni Harvey na mahawakan ang cellphone ko. Gusto ko man siyang isumbong kay tita Vangie para sabihin na pigilan niya ito sa binabalak pero sa huli ay wala akong magawa dahil maski sila ni mama ay sang ayon sa kagustuhan ni Harvey. Pero mabuti na lang din at nakita ko na ang schedule ng examination day sa DLU.


mabilis lang din ang naging takbo ng araw dahil hindi ko namalayan na dumating na ang araw at petsa na pinaka aantay ko. May 21. Dahil sa sobrang excited ko, kahit na hindi ko pa naman ganon kasigurado kung maipapasa ko ang exam ay kaagad na akong nag asikaso. Nagsuot lang ako ng kulay pink shirt na may statement kaunti na ipinares ko sa kulay navy blue ko na pants at puting rubber shoes. Habang ang buhok ko ay nilagyan ko na lang ng simpleng clip na may design na dahon bago ako tuluyang lumabas at bumaba suot ang maliit ko na brown sling bag.



ganon na lang din na sumilay sa labi ko ang napakatamis na ngiti nang tuluyan ng masilayan ng mga mata ko ang DLU na siyang pinaka sikat sa lahat ng unibersidad na meron dito sa lungsod ng Caloocan. Sa huli hindi na rin ako nagtagal pa sa labas at mabilis ng pumasok sa loob. Akala ko nga pagpasok ko agad na akong makakapag take ng exam pero hindi pala dahil nang tuluyan akong makarating sa court, kaagad na bumungad sakin ang napakaraming iba pang estudyante na ngayon ay nakaupo sa bleachers. Karamihan sa kanila ay pawang mga magkakakilala na. Dahil kung titignan sila ay kanya kanya sila ng mundo ng pag uusapan. Habang ako na napailing na lang at wala sa huwisyong naupo sa pinaka dulo ng bleachers na halos kaunti lang ang nakaupo.


"hi!" ganon na lang din kaagad na bati sakin ng babae na nasa tabi ko. Nagugulat ko tuloy siyang tinignan at pinagmasdan ng hindi nagsasalita. Nang marealize niya ang kanyang ginawa, ay ganon na lang rin siyang natigilan kaagad. Pagkatapos niyon ay eksakto na rin nagsimula na kaming tawagin lahat ng ibang staffs ng university.


pinapila nila kami base sa number na nasa  maliit na slip na hawak hawak namin. Iyon kasi ang pinaka mahalaga sa lahat dahil doon nila binabase kung nasa list na ba ang mga pangalan namin. Once kasi na wala pa sa list, it means sa ibang batch pa makakasabay mag take ng exam. Ganon na lang rin akong napangiti ng patago dahil hindi ko aakalain na mapapasama ako sa first batch.


nang tuluyan na kaming mabuo kada linya ay agad na din kaming iginuide ng isang staff na lalaki papunta sa third floor kung saan namin ite take ang exams. Pagpasok pa lang din ay nagkanya kanya na kami ng punta sa pwesto at dahil sa ayoko sa dulo, sa row 2 ako naupo malapit banda sa may bintana dahilan para makita ko ang mga sasakyan na nagdadaanan maging ang mga iba pang estudyante na nasa ibaba ng court.


habang wala pa ang nagbabantay samin, tahimik lang akong pinakakalma ang aking sarili. Dahil kahit na nakangiti ako ngayon I still feel the nervous inside of me even though I was only taking the exam. Since ilang minuto pa naman din ang natitira sandali ko na tinest ang sarili ko par aalalahanin lahat ng inaral at pinagpuyatan ko last month to prepare myself as well. Nandoon yung itinataas ko ang mga daliri ko na parang nagbibilang, tumitingala o tumitingin sa labas ng bintana just to remind all those topics. Sa awa naman ayon at natatandaan ko silang lahat.


"ate doon ka na matabi sa kanya wala ng bakante na upuan." nabasag ang paglalayag ng mga mata ko matapos marinig ang boses ng nasa likuran ko. Alam kong hindi ako ang kinakausap niya kaya hindi ako ganon na nag abala pang lingunin siya.


"ayoko jan masungit yan e." sagot naman ng kausap niya dahilan para saglit akong matigilan muli at mangunot ang noo. Hindi ko alam pero bakit parang pakiramdam ko ako yon? Dahan dahan ko na nilingon ang gawi nung nagsalita at ganon na lang ang paglunok ko ng hindi nga ako nagkamali. Dahil siya pala talaga yung babae na nakatabi ko sa pila kanina sa court.


bahagya siya ngayon na nakatayo sa upuan na sa tingin ko tatlong upuan lang ang layo sakin. Nahuli ko siya na nakatingin sakin ng eksakto ko siyang tignan pero mabilis niya rin itong inalis at ibinalik sa babae na kausap niya. Pero dahil sa wala na nga din siyang mauupuan, nagsimula na siyang maglakad papalapit sa upuan na nasa tabi ko. Pero bago pa man siya makaupo ng husto, ganon na lang kaming nagulat na dalawa ng may bigla na lang mauna sa kanyang maupo doon!


pa cool itong naupo sa upuan na para bang sa kanya talaga inilaan iyon! Kaya tuloy yung babae na dapat mauupo sa tabi ko ay wala ng nagawa kung hindi ang mapakamot nang dahan dahan sa batok niya. Sa tingin ko naba badtrip na siya ngayon pa lang. Kaya imbes na komprontahin ko nang harapan itong lalaki na katabi ko, sinubukan kong idaan na lang sa pagpaparinig baka sakaling marinig niya. Kasi kahit na sabihin ko na medyo nainis ako sa sinabi ng babae na talagang totoo naman, I want her to be my seatmate rather than to this kind of I don't know what I need to call to him. Baka nga mamaya kopyahin pa niya mga sagot ko.


I cleared my throat and fixed myself well before acting like I've drawn something even though it's nothing naman talaga.


"why don't you go back to your own seat? the girl behind you is the one who originally sitting there not you." casual ko na sinabi yon nang maingat ko na iniangat ang aking ulo. I also playing the pencil I held.


narinig ko na tumawa ito kaagad at kunwaring naubo dahilan para lingunin ko siya. Hindi ko ganon kaagad din na nakita ang mukha niya dahil bukod sa mahaba ang buhok niya like sa mga kpop idols, nakasuot pa siya ng black shades.


saan ka nakakita magte take lang ng exams naka shades pa? bago yon ah? Pero teka nga? ano bang pakialam ko? buhay niya yan e so dapat wala na ako doon. Labas na ako doon.


sa inis ko, akmang pairap ko na sanang iaalis ang paningin sa kanya ng bigla na lang niyang tanggalin ng mabilisan ang kanyang shades dahilan para manlaki ang mga mata ko!


"I-ikaw?!" nagugulat na tanong ko at kusa ko na lang na naitaas kaagad ang aking kanang kamay na naituro ko mismo sa kanya!


hindi rin naman ganon masyado kalakas ang pagkakatanong ko kaya hindi kami ganon na napapansin ng iba pa naming mga kasamang estudyante.


"ako nga wala ng iba." ngumiti siya at pagkatapos niyon ay basta na lang niyang  isinuksok ang shades na suot niya sa laylayan ng kanyang damit. Akala niya naman ikina cool niya yon! pwe!


pero dahil sa siya iyon, mas nangunot lang ng husto ang noo ko at wala na sa sariling kinompronta siya.


"sinusundan mo ba'ko?" matapang na tanong ko sa kanya. 



hindi siya nagsalita kaagad at tulad kanina ngumiti lang siya. Minsan pa siyang umiling iling na para bang ganon ka sobrang aliw ng sinabi ko! bwusit na to!


"you know what? you're so adorable." sabi niya ng matawa ng sandali pero hindi ko inakala na ang sandaling iyon ay kaagad na napalitan ng sobrang seryoso niyang awra!


"adorable mo mukha mo!" inis na bulong ko habang nakatingin pa rin sa kanya. Adorable daw close tayo?!


"so you're really Ms. Rude huh?" sabi niya pang muli. "it's such an honor to meet you again."


"well I'm not." masungit na sabi ko.


"oh really?"


"oo!"


"okay Ms. Rude. I hope you'll enjoy taking the exam." ngumisi siya at pagkatapos niyon ay basta na lang niyang ginulo ang buhok ko na siyang ikinapagtaka ko bago siya tuluyan na tumayo at naglakad papalabas sa room.


To be continued...

המשך קריאה

You'll Also Like

25K 556 17
You're a long time acquaintance of Miguel. One day whilst at the spider society, you discover that there's a common interest between you two.
30K 1K 33
A love story against all odds between a young elf and an adult orc.
2.4K 79 2
Taking care Master Pond is not for a weak heart - Phuwin "He was the kind of man everyone would fall in love with, even if they didn't want to." ― N...
119K 2.8K 34
You are a girl that moved to a new house and school. You and Mom are the only one in the Family. U meet a boy named Dash Parr but he has a big secret...