Unexpected Royal

By AillexSkcy

5.7K 243 23

Paano kung isang araw malaman mong Prinsesa ka pala ng isang bansa na hindi pamilyar sayo? Siya si Diala Madr... More

Reminders
Chapter 1: Unfortunate
Chapter 2: Fortunate
Chapter 3: You're Hired
Chapter 4: Royal Blue Dress
Chapter 5: Out of Coverage Area
Chapter 6: Rallnedia
Chapter 7: The Lost Grand Princess
Chapter 8: Bill
Chapter 9: The Long Lost Grand Princess of Rallnedia
Chapter 10: Nightmare
Chapter 11: September 5
Chapter 12: Her Highness
Chapter 13: Lab Results
Chapter 14: Bitter Ice Cream
Chapter 15: First Rule
Chapter 16: Short Memory Loss
Chapter 17: Stress Reliever
Chapter 18: The Vacation
Chapter 19: The Vacation II
Chapter 20: The Vacation III
Chapter 21: Dearest Friend
Chapter 22: Second Cousin
Chapter 23: Another Cousin
Chapter 24: Duchess of Stania
Chapter 25: Her Royal Highness
Chapter 26: The Article
Chapter 27: Cratemia School
Chapter 28: Misunderstanding
Chapter 29: Duke and Duchess Of Wistown
Chapter 30: Primary City
Chapter 31: Incoming Event
Chapter 32: Sports Festival
Chapter 34: Cancelled
Chapter 35: Ex-Boyfriend
Chapter 36: September 2
Chapter 37: White Envelope
Chapter 38: Before She Born
Chapter 39: First Love
Chapter 40: The Coronation
Chapter 41: The Coronation II
Chapter 42: First Day as Grand Princess
Chapter 43: End of First Day
Chapter 44: The Investigation
Chapter 45: Princess of Altenstien
Chapter 46: What If They're Twins?
Chapter 47: Why me?
Chapter 49: Princess Collide
Chapter 50: Red Ravens
Chapter 51: New Lead
Chapter 52: How many cousin do I have?
Chapter 53: First Command
Chapter 54: Another Test
Chapter 55: So Desperate
Chapter 56: Second Princess of Rallnedia
Chapter 57: The Accession
Chapter 58: Emblem of Moral Truth
Chapter 59: Majestic Necklace
Chapter 60: Sacred Words
Epilogue

Chapter 48: King of Altenstien

40 0 0
By AillexSkcy

Chapter 48: King of Altenstien

Dia's POV

Bumungad sa aking paningin ang kumpol ng mga tao matapos makauwi galing sa opisina. Halo halong tao ang pilit gustong makapasok sa main gate ng palasyo kung saan doon dumadaan ang convoy at ang mismong sasakyan na ginagamit ko.

"Your Highness, mukhang mamaya pa po tayo makakapasok sa palasyo."

"Ngunit gagawan po namin ng paraan na mapaalis ang mga taong nasa main gate ng palasyo."

Tiningnan ko lang si Mr. Yong sa rear view mirror at muling tiningnan ang main gate ng palasyo.

Sa pagkakaalam ko isang issue ang kumakalat ngayon sa buong Riandorr, natural tungkol sa akin ang issue dahil wala naman silang ibang makuha sa mga actions ko para sa ikakabuti ng Rallnedia.

"An issue is spreading today about the Princess's personal profile information. According to the report that we received, there are still no results coming out from the DNA test investigated by the agency to ensure that Princess Dia is the only child of the late King and Queen. For the Dukes and Duchess even the head priest, Princess's face was not enough evidence to be proof that she was the only child."

Gaya ng nabanggit ng reporter hindi sapat sa mga nakaupo ang mukha ko upang maging ebidensya. Processing pa rin hanggang ngayon ang DNA kaya wala rin akong confident sa sarili kung ano ang posibleng maging resulta.

"Can I visit Duchess Eve instead?" Sa loob ng ilang araw magmula ng makabalik ako dito sa Rallnedia ngayon lang ako nagkalakas ng loob na kausapin siya.

Gusto ko pa ring marinig mula sa kanya ang mga dahilan niya, kung bakit nagawa niyang itago sa akin ang tungkol sa kalagayan ni Mama at kahit alam ko na ang kanyang sasabihin mas paniniwalaan ko ang mga salitang manggagaling sa kanyang mga labi ng harapan.

Gusto kong marinig ang mga salitang iyon habang kaharap siya upang maging mas malinaw sa akin ang lahat lahat.

"Her grace is on her meeting right now Princess."

"Hihintayin ko siya." Halata sa mukha niya Mr. Yong ang pagkagulat sa kanyang mga mata sa sunod kong sinabi.

"Yes Your Highness."

.

.

.

"Your Highness?" Salubong na sambit ni Ma'am Vel nang makalabas siya mula sa opisina kasabay ng dalawang lalaki at isang babae na nakasuot ng pormal na damit.

"Greetings to Her Royal Highness."
Napayuko sila nang mapansin ako, kaya nagbigay gesture lang din ako sabay lakad papalapit kay Ma'am Vel.

"Bakit po kayo nandito?" Dagdag niyang tanong sa akin bago makalapit sa kanyang kinaroroonan bago makasagot.

"I want to talk to you."

"May appointment ka pa with Riandorr students this afternoon." Tiningnan ko ang tatlo na nasa likuran ni Ma'am Vel, mukha kasing wala silang balak na umalis at mas gustong pakinggan ang pag-uusapan namin ng Duchess.

"I already visited the Royal Academy of Riandorr, wala na akong iba pang appointment kaya naglaan ako ng oras para makausap ka." Pagkasambit ay nagpaalam na rin ang tatlong iyon.

Ang bilis ng mga pangyayari, halos kahapon lang noong una kong makilala si Ma'am Vel. Halos hindi mawala sa aking pangungusap ang "po" at "opo" na nakasanayan ko, ngunit ngayon tila bumaliktad ang panahon. 

Being a polite to a royal blood was part of the law under the article of King Geeno Wayler. Sa dami rin namang alam nitong Lolo ko, hindi niya ba alam ang salitang respect your elders? Ano kayang lagay ko kung may isang nabubuhay sa mga Lolo at Lola ko?

"My apologies Your Highness." Pagkasambit ni Ma'am Vel ay pumasok na rin ako sa loob ng opisina niya.

.

.

.

Evelyn's POV

Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan ng Prinsesa ngunit gusto ko rin siyang makausap ng ayos. 

Ilang araw na ang lumilipas magmula ng makabalik niya at magmula ng makoronahan siya bilang Grand Princess. Hanggang ngayon ay wala pa rin kaming maayos na pag-uusap matapos niyang umalis ng walang paalam. Alam kong hindi maganda ang ginawa ko, ngunit para rin iyon sa kanyang kapakanan.

Sumunod na ako sa kanya sa loob matapos makapasok nilang dalawa ni Mr. Yong, tumungo rin agad ako sa living room sabay tawag sa secretary ko.

"Prepare a tea and bring it tomy office." Sambit ko sa telepono na nasa tabi ng couch.

"Alam kong alam mo ang pinunta ko dito." Napalingon ako sa kinauupuan ng Prinsesa nang sabihin niya iyon.

"Halos isang buwan na ang nakakalipas matapos ang huli nating pag-uusap, right?"

"Yes." Tipid niyang sagot, maya maya pa ay dumating na si Mona dala ang tea na sinabi ko sa telepono.



.

.

.

"Ikaw ang future ng Rallnedia at sa'yo nakatutok ang lahat ng atensyon dito sa lugar na ito. Maging ako ay nahirapan kung paano itago sa'yo ang sitwasyon ni Mrs. Madrigal that time, pagod at abala ka sa another month na pag-aaral sa iba pang trabaho bilang Prinsesa kaya mas pinili kong itago na lang sa'yo. Ang akala ko hindi na sasagi sa isipan mo ang naiwan mo sa Pilipinas."

"I will never going to do that, at gaya ng sinabi ko mas mahalaga si Mama kaysa sa trono."

Yes, alam ko Dia. Alam kong mahalaga sa'yo si Mrs. Madrigal, ngunit kung gising ang Mama mo gayundin ang gagawin niya tulad ng ginawa ko.

"Ngunit ayaw ko ring masayang ang lahat ng inaral ko maging ang pinaghirapan ng mga taong pilit akong hinanap sa kabilang ibayo. Hanggang ngayon ay wala pa rin akong mahanap na sagot sa mga tanong ko, ngunit nang makauwi ako sa Pilipinas ay may dahilan na akong tanggapin ang trono kahit labag sa aking kalooban."

"I'm truly sorry Your Highness."

"Nangyari na ang lahat ng iyon, at gaya ng sinabi ko ayaw ko ng maulit pa ang bagay na iyon."

"Thank you Your Highness."

"By the way, I'm going to visit Altenstien this Friday. I'll take Lady Genevive with me."

Teka, akala ko ba cancelled ang pagbisita niya sa lugar na iyon? Bakit hindi nabanggit sa akin ni Miss Bautista ang tungkol sa bagay na ito?

"I have to go now."

"Thank you for visiting. You can call me next time and I'll go to the palace."

"No, it's fine. I just want to talk to you your grace."

"My apologies Your Highness, alam kong hanggang ngayon ay tinatanong niyo pa rin ang sarili niyo kung bakit itinago ko mula sa inyo ang kalagayan ng Mama mo na nasa Pilipinas."

"It's fine." Umalis na rin ang Prinsesa kasama si Mr. Yong.

Napangiti na lang ako matapos makaalis ng sasakyan ng palasyo sa building ng kompanya ko.

.

.

.

Shaine's POV

"Talaga po?"

"Yes, so this week sa palasyo ka muna habang nasa New Senfex kami ni June. Isasama ka ng Prinsesa this Friday sa Altenstien. Ang mga bilin ko habang nasa meeting baka makalimutan mo."

"I won't milady."

"Good, sige kailangan ko ng umalis."

"Mag-iingat po kayo milady." Nginitian ko lang si Krish matapos makababa sa hagdan, naglakad na rin ako patungo sa sasakyan ko.

Thank you Princess. Nakangiti kong sambit sa aking isipan bago lisan ang mansion.

.

.

.

Dia's POV

"Thank you Gene."

"You are always welcome Princess."
Matapos ang pag-uusap namin ng Duchess kahapon ay mas gumaan ang pakiramdam ko.
Ngunit sa tuwing sumasagi sa aking isipan na makikita kong muli ang Prinsesa ng Altenstien ay nawawala ang saya sa aking dibdib.

Isang linggo na ang lumipas matapos ko siyang makasama sa isang tea ceremony kasama ang Duchess ng Wistown. Hindi maganda ang una naming pagkikita, at gaya ng sinabi ni Shaine mataray, spoiled at walang sinisino ang Prinsesa.

Mabuti na lang wala ako sa mood na sabayan ang ugali niya noong araw na iyon. At mabuti na lang may chocolate kaming kinain, dahil kung wala siguradong nagkaroon na ng World War III. By the way, halos isang daang taon na ang nakakalipas magmula ng matapos ang ikalawang pandaigdigang giyera sa pagitan ng mga bansa.

Diba maging ang history inaral ko, at dahil sa tulong ni Mr. Hienz mas nadagdagan ang alam ko sa bansang ito.

"Are you ready to face her again?" Napatingin na lang ako kay Gene na abala sa harap ng monitor screen ng laptop para sa mga kailangan namin.

"Si King Seju ang pupuntahan ko sa lugar na 'yun, hindi ang kapatid niya, okay?" Patawa tawa kong pang sambit. Ayaw kong ipahalata kay Gene na ayaw kong makaharap muli ang spoiled brat Princess na si Athyna.

"That's right cousin, pero alam mo bihira lang mag-imbeta ng panauhin si King Seju. Lalo na ang babae, sa pagkakaalam ko kasi sensitive 'yun sa babae."

"Paano mo naman nasabi?"

"Diba spoiled brat si Princess Athyna? So lahat ng gusto ng Prinsesa binibigay niya dahil ayaw niyang umaaligid sa kanyang paningin ang hitsura ng babae. At halos lahat ng assistant ng Hari ay lalaki."

Bago sa akin ang tungkol sa bagay na ito, wala kasing nabanggit si Shaine na sensitive ang Hari sa babae. Ang tanging sinabi niya lamang ay mahilig ito sa history, sa royal thing, a very competent ruler, love to play board games and he also like grey and light pink.

"Paano kung gusto ka niya?" Napakunot naman ang noo ko sa sinabi ni Gene.

"Ha ha ako magugustuhan ng Hari? Never, tsaka trabaho ang pupuntahan natin doon."

"Malay mo lang naman."
Malay, e hindi ko pa nga siya namemeet in person. Paano naman ako magugustuhan ng lalaking 'yun?

"Baka nakakalimutan mo na ikaw ang dahilan kung paano nagkaayos si June at si Shaine. Akala ko pa naman maghihiwalay na ang dalawang 'yun, tsaka dalawang beses mo na silang pinagsama." Pag-iiba niya ng usapan.

"Ha?"

"Anong ha? Diba ikaw ang dahilan kung paano sila nagkabalikan noong nasa Pilipinas pa lang kayo."

"Ha?"

"Ha-hakdog ka. Diba nag-ayaw pa nga sa harap mo 'yung dalawa dahil nagselos itong si June sa'yo."

Teka akala ko ba alam ni June na ako ang Prinsesa?

"Hindi alam ni June na kamag-anak ni Shaine ang mga Wayler. Ewan ko ba sa dalawang 'yun, ilang taon ng magjowa pero hindi pa nila alam ang background ng pamilya nila."

"By the way, balita ko mabait naman si King Seju." Ibinalik ni Gene ang pinag-uusapan namin tungkol sa Hari, ngunit tila naiwan ang isip ko sa sinabi niyang hindi pa alam nina June at Shaine ang background ng pamilya nila sa isa't-isa.

Hindi ko rin alam kung saang pamilya nagmula si June, wala akong kilalang Sandoval sa mga nakakasalamuha ko maliban sa Duke at Duchess ng Wistown. Ngunit may nabanggit sa akin si Shaine na sa New Senfex sila nagkakilala ni June.

Continue Reading

You'll Also Like

2.8K 200 18
Book 1 of "After" Series. Edited and Revised. ***** What if one day you woke up, there was living dead in your surroundings? How would you survive? ...
675K 31.1K 94
Paano kung may naghahanap sayo.Kung iisipin ay nakakatouch lang diba?Para lang yung nawawala ka kaya hinanap ka ng taong mahal na mahal ka o yung tao...
30.1K 731 36
[COMPLETED] Laiquen Mitsahi Mayumiza, isang babaeng may buhay boyish. Pero isang araw, biglang nagbago ang lahat ng 'yon. I turned like into a new pe...
430K 11.8K 49
TAGLISH- A Princess who's trying to hide everything,even her identity,she lost someone that's very important and half of her life... will she found t...