WITH YOU [COMPLETED]

By ALadyWriter

108K 716 196

"You promised that you wouldn't leave me. You promised that you wouldn't hurt me. You promised that you and m... More

WITH YOU
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 5
THANK YOU SO MUCH, LOVES!❣️
BONUS CHAPTER
SPECIAL CHAPTER

CHAPTER 4

1.7K 59 49
By ALadyWriter

Dedicated to SySyQQt :))

Chapter 4

"Majorette number 6!" Ani ng emcee mula sa stage.

Muling bumalik ang aking kaba dahil papalapit na ng palapit ang pagtawag sa akin upang rumampa na.

"Hon, I'll go now and seat with our friends so I can watch you properly. Don't be nervous, okay? You got this. But let me pray for you first." Pagpapalakas ng loob sa akin ni Gab.

Tiningnan ko muna siya. Ang gwapo-gwapo talaga ng Honey ko. Kaninang-kanina pa siya pinagtitinginan at pinagnanasaan ng mga co-majorette ko dito kaya kanina pa din ako nakakaramdam ng konting selos na mabilis din namang nawala dahil ni isa ay wala man lang siyang pinansin ng may gustong kumausap at humingi ng number niya, kahit na hindi ko din mapagkakaila na magaganda at mga sexy din itong mga kalaban ko.

Isa sa ipinagpapasalamat ko kay Gab ay ang pag-iisip muna niya ng mabuti sa isang bagay na gagawin niya kung ikakagalit, ikakaselos or masasaktan ba ako dun. He's always thinking of my feelings first before he acts and I love him for that.

Mas lumapit pa siya sa akin at ipinatong ang kanan niyang kamay sa aking ulo upang humingi ng guidance ni Lord na palagi niyang ginagawa sa tuwing may laban or exams ako, at ang kaliwang kamay naman niya ay inilagay niya sa aking baywang. Ako nama'y mabilis tumungo ng magsimula na siyang magdasal.

"Lord God, thank you so much for our safe travel. Please guide my Honey later and help her to remove her nervousness. We trust her and we all know that she can do it with Your help. Win or lose, we will still be proud of her and love her. In Jesus name, AMEN."

Mas lalo ko pa talaga siyang minamahal sa mga ganitong bagay na ginagawa at pinapakita niya sa akin.

"Thank you so much, hon. I love you so much." Malambing kong pahayag sa kanya at pagkatapos ay binigyan ko siya ng isang mahigpit na yakap na kaagad naman niyang ginantihan.

"I love you more, hon...I love you more." He sweetly said and gave me a soft kiss.

Damang-dama ko sa bawat galaw ng kanyang labi ang pagmamahal niya sa akin. Hindi pa sana siya titigil sa paghalik kung hindi lang tumikhim si Ate Gracielle na nakapasok na pala ulit sa backstage matapos mapanuod ang pagrampa ng Majorette #6 at pinapahiwatig na tama na ang aming paglalandian dahil malapit na talaga akong tawagin.

Napatawa na lang kaming pareho ni Gab at bago pa siya tuluyang umalis ay muli niya akong pinatakan ng halik sa aking noo, tungki ng aking ilong at tatlong patak ng halik naman sa aking labi.

"Good luck hon and always remember that win or lose, your Honey will still be proud of you and will always love you." Pahabol pa niya at tuluyan ng umalis ng backstage.

"Majorette #7!" Muling ani ng emcee mula sa stage at narinig ko mula sa backstage ang malakas na hiyawan at palakpakan na kaagad nagpabalik ng aking kaba.

"Don't be nervous, Haven. We all know that you can do it!" Pagpapakalma sa akin ni Ate Gracielle matapos abutin ang magkabila kong mga kamay at pisil-pisilin iyon.

Huminga muna ako ng malalim at mabilis na inalis ang kabang nararamdaman ko sa aking dibdib.

"Relax, self. You can do it! They believe in you so you should also believe in yourself." Pagpapakalma ko sa aking sarili.

"And now let us all welcome, Majorette #8!"

"Fighting! For Laguna University!" Pagpapagaan ko nang aking sarili bago ako tuluyang makaalis ng backstage.

Taas-noo at confident na confident ako sa aking pagrampa na may kasama pang magandang ngiti.

Hindi ko inaasahan ang mga masasaksihan ko pagpasok ko sa front stage. Halos mabingi ako sa hiyawan at palakpakan ng mga nandoon lalo na ang mga taga Laguna University pati na din galing sa mga ibang school. Mas malakas ang hiyawan at palakpakan nila sa akin kesa sa Majorette #7 na kaagad kong ipinagtaka dahil hindi naman kami magkakila-kilalang lahat.

Patuloy pa din ang kanilang hiyawan at palakpakan habang rumarampa ako hanggang sa kalahating bahagi ng gymnasium at mas lalo pa akong ginanahan sa pagrampa ng makita ko ang hawak-hawak na tarpaulin nina Jay-R na may mga pictures ko at may nakasulat pa na "Go Majorette #8! Go Haven Denisse P. Benitez! Go Laguna University!"

Apakabilis talaga nila kahit kailan, nakapagpatarpaulin kaagad eh!

Nang matapos ako sa aking pagrampa ay dumiretso na ako sa gitna upang magpakilala.

Ibubuka ko pa lang sana ang aking bibig ng may mga biglang sumigaw mula sa kaliwang bahagi ng bleachers.

"I love you, Miss!"

"Akin ka na lang!"

"Your phone number, please!

Walang pag-aalinlangang pagsigaw ng mga lalaki kaya napalingon ako bigla sa kanila at mabilis namang kinantsawan ito ng mga kasamahan ko na nasa kanang bahagi ng bleachers ko naman nakapwesto.

"Libre namang mangarap!"

"Back off, men!"

"Lagot kayo sa boyfriend niyan!" Malakas na sigaw ni Jay-R.

Natatawa akong napalingon sa mga kasamahan ko at kitang-kita ko kaagad ang pagkainis sa buong mukha ni Gab habang nakatingin sa nasa harapan nilang bleachers kung saan nandoon ang mga lalaking sumigaw. Mukhang nagseselos ang boyfriend ko ah!

Magsasalita pa lang sana ulit ako upang makapagpakilala na ng biglang may sumigaw na naman sa aking kanang bahagi.

"Go, Honey! I love you so much!" Walang pag-aalinlangang malakas na sigaw ni Gab sa buong gymnasium na naging dahilan upang mamula ako sa kilig at upang magwala ang mga kasamahan namin dahil din sa sobrang kilig.

Muli na naman akong napalingon sa kanilang pwesto at walang pag-aalinlangan ko siyang sinagot na may malaking ngiti pa din sa aking labi gamit ang microphone na nasa aking harapan.

"I love you too!" At muli na namang nagwala ang mga kabanda namin.

Matapos niyon ay ibinalik ko na ang aking paningin sa harap at nagsimula na akong magpakilala.

"Good evening everyone! My name is Haven Denisse Benitez! And I am the Majorette of Laguna University Brass Band!" Energetic kong pagpapakilala at matapos niyon ay muli na namang nagwala ang mga kasamahan ko hanggang sa tuluyan na akong makabalik sa backstage.

Naging mabilis ang daloy ng program. Katatapos lang ng lahat para sa talent portion at ito na muli kaming mga Majorette, nakatayo habang may ngiti sa aming mga labi at hinihintay kung sino ang papalaring 'Best Majorette' ngayong gabi.

I'm not expecting to win na dahil magagaling din ang mga kalaban ko. Ang mahalaga ay nag-enjoy ako at alam kong kahit matalo ako dito ay buong puso pa din akong tatanggapin ng LU family.

"Let me hear your screams!" Pambungad ng emcee. "Who do you think will win as our Best School Majorette?"

Mabilis namang nag-ingay ang lahat ng tao sa buong gymnasium.

"Number 8!"

"Number 8!"

"Number 8!"

"Number 8!"

Nagsimula nang manubig ang aking mga mata ng marinig ko ang kanilang sigaw. Nagtataka ko silang tiningnan lahat lalo na yung mga galing sa ibang school. Why are they choosing me if they don't know me in the first place? They should support their candidate, right? So why are they like that?

"Calm down dear students!" Ani ng emcee matapos mamangha sa mga sigaw ng estudyanteng naroroon. "Candidate #8 has so many fans already, huh?" Natutuwang tingin sa akin ng emcee na mabilis ko lang sinuklian ng isang matamis na ngiti.

"And now, I'm going to announce our Best Majorette!" Bigla na naman akong kinabahan.

"Our Best School Majorette is...." Grabe yung kabog ng dibdib ko ngayon kaya naman tumingin ako kay Gab para mapakalma man lang ako at nakita kong nakatingin din siya sa akin habang vinivideohan ako. When he saw me that I'm already looking at him, he sweetly mouthed 'I love you' which made my heart calm.

I'm just looking at him while waiting for the announcement of the winner.

"no other than..... Majorette #8!" The emcee happily announced that made me shocked because I didn't expect anything.

Pagkaannounce na pagkaannounce na ako ang nanalo ay mabilis nagsitakbuhan palapit sa akin ang lahat ng mga kabanda ko at sabay-sabay akong dinumog ng yakap.

"Congrats, Haven!"

"We knew it!"

"We're so proud of you!"

Mga pagbati nila sa akin habang hindi pa din tumitigil sa group hug namin.

"Thank you, guys! Thank you so much!" Emosyonal kong pasasalamat sa kanila.

Pinaalis muna sila ng emcee upang bigyan na ako ng award. Lumilinga-linga ako sa paligid upang hanapin si Gab ngunit hindi ko siya nakita.

"Congratulations, Haven!" Naluluhang pagbati sa akin ni Ate Gracielle matapos niyang mailagay sa akin ang isang napakagandang kapa na kulay gold, isang hat na tinatawag na shako at isang hindi pangkaraniwang baton na katulad ng nasa Crazy little thing called love na palabas.

I was about to thank Ate Gracielle when she immediately steps aside and after she does that, I saw my man happily standing while holding a bouquet of roses that immediately made me cry. This man is always really full of surprises.

"Congrats, Honey! I'm so proud of you!" He said after handing me the bouquet and while wiping my tears. "I love you so much!" He added and give me a peck on my lips then hug me tight.

"Thank you, Honey! I love you!" Umiiyak ko pa ding tugon sa kanya.

Grabe yung sayang nararamdaman ko ngayon. Parang nanalo ako sa lotto. Hanggang sa makarating ako sa quarter namin, makakain sa hinandang catering ng school namin at hanggang sa praktis namin para sa ipeperform namin bukas ay nandun pa din yung kasiyahan ko. Parang sasabog na nga ang puso ko sa sobrang saya. Thank you, Lord!

Katatapos ko lang magshower kaya nakahiga na lang ako ngayon sa dala kong comforter. Nasa isa kaming malaking classroom na may aircon. Magkakatabi kami nina Rica, Eunice at Mich at mga tulog na din sila habang ang mga kasamahan naman naming mga lalaki ay nasa kabilang room including Jay-R, na nagreklamo pa kayna Ma'am kanina dahil dapat dito din daw siya kasi mayroon daw siyang pusong babae na nagawa lang namin siyang tawanan.

Grabe, mag-aalasdose na at katatapos lang ng praktis namin. Alas-otso pa naman ang start ng parade bukas kaya dapat maaga kaming magising para makapag-ayos ng maaga. Inayos din talaga namin kanina yung blakings para hindi na kami mahirapan bukas sa oras ng competition.

Unti-unti ko nang nararamdaman ang pagbigat ng talukap ng aking mga mata dahil sa sobrang pagod ngunit mabilis kong naimulat iyon ng may maramdaman akong humahaplos sa aking pisngi.

"Are you already sleepy, hon?" Gab sweetly asked while still caressing my cheeks.

"Hmmm." I only responded because of tiredness.

"Okay, hon. See you tomorrow. I love you. Goodnight." Aniya at hinalikan muna ako sa labi bago tuluyang umalis.

Tutulog na sana ako ng bigla kong naramdaman ang pagvibrate ng aking phone na nasa tabi ko lang.

Nakita kong may nagnotif sa akin mula sa Instagram.

gabriel.alexander tag you in a post.

Mabilis ko iyong pinindot at bumungad sa akin ang picture namin kanina matapos akong mabigyan ng award. I was smiling and holding the bouquet while he's kissing me to the side of my head at habang nakayakap ang kaliwa niyang kamay sa aking tiyan ng patagilid. Hindi ko napigiling kiligin at mas lalo pa akong napangiti ng mabasa ko ang inilagay niyang caption.

gabriel.alexander

Only mine, forever.❤️

********
ALadyWriter
Please don't forget to vote, share, comment and follow me! :)

SHAKO

Continue Reading

You'll Also Like

31.5K 910 28
He suffered an excruciating pain after being hurt by his loved one. He's so broken to the point that he did something new-nature tripping. He promise...
376K 25.2K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
2.8M 53.9K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
1.9M 95.1K 36
[NOW A FREE STORY] Peñablanca Series 1: Brave Hearts "Fragile but brave..." Amalia Argueles has adored the charming basketball captain Atlas Montezid...