TAMING THE MISCHIEVOUS MAVERI...

By ha7fcook

41.7K 3K 2.7K

BOOK 2 [COMPLETED] NAUGHTY MATE HEXOLOGY Genre: Teen Fic, RomCom, School "Ako si Leighra Hivary Aragon ang pr... More

NMTMM: DISCLAIMER
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
EPILOGUE
SPECIAL THANKS
UPDATE
AU's Story is Up!

CHAPTER 20

565 47 35
By ha7fcook

PS: Brutal scenes, vulgar words and languages ahead.

[Leighra’s Pov]

Weeks had pass and I’m getting better each day, tinututukan talaga ako ni mommy hanggang sa unti unting paghilom ng aking sugat, pili din ang mga galaw ko para hindi mapwersa, pero ngayon ay ayos na ako, pwede na ulit barilin.

“Ate! Ang tagal mo naman!” Sigaw ni Harvey sa akin na nasa labas na.

Sandali lang!” I shouted back, dahil pinapakain ko si Rio at Momong dahil day off lahat ng kasambahay ngayon kaya wala ni isa ang magbabantay at magpapakain kaya naman dinamihan ko na ang lagay sa mga pinagkainan nila.

Malelate na tayo!” Inis na sabi ni Harvey sa akin.

“Huwag kang OA, may isang oras pa bago ang time, sapakin kita eh.” Sabi ko sa kaniya.

Mabilis lang ang  isang oras na iyan, maniwala ka.” Sabi nito, well totoo naman iyon.

“Tsk, can’t you just wait for a minute.” Inis kong sabi at buntong hininga lang niya ang narinig ko.

Nang mabigyan ko ng pagkain ang dalawa ay umalis na kami ng bahay, gamit ang sasakyan ko ay minaneho ko na iyon papunta sa school, pagkapark na pagkapark ng kotse ko ay lumabas na si Harvey at tumakbo na papasok.

Naglakad naman na ako at pagkarating ko sa may gate ay may mga estudyanteng nagkukupulan at nagchichismisan.

“Gaga, ang hot nga niya.”

“Topless kasi that time dzaii.”

Ano kayang feeling na buhat buhat ng isang top less na Zero Mathaias Sullivan ano?”

Taka ko namang nilingon ang dalawang estudyante na nag uusap sa gilid dahil sa pinag-uusapan nila.

Hello, ako ang buhat ng Sullivan na iyan nang mabaril ako at wala itong damit, ni hindi ko man lang naramdaman o ano, tsk, these malalandi.

“Aminin mo dzaii, naglaway ka ano? Ang hot naman kasi, gosh.” Sabi ng isa at pinatirik ang mata kaya napailing ako sa pagkadisgusto.

Naglakad na lamang ako patungo sa hagdan at nakasabayan ko ilang junior na lalaki at abala sila sa pag-uusap.

“Oo, ayos na daw siya.”

“Hindi na daw papasok pare dahil natrauma dahil sa pagkakabaril.”

Grabe naman kasi ang nangyar sa kanila noong nakaraan ano? Nakakatako tuloy mag-aral dito may mamamaril bigla.”

Hanggang ngayon ba ay sariwa parin ang issue na iyan?

I respired a deep breath and tried to ignore them at ibinulsa na lamang ang aking kanang kamay sa aking palda.

“Ahh!” Napatili ako nang biglang bumulagta ang isa sa junior na kasabayan ko, naliligo na sa sarili niyang dugo. Maging ang nasa paligid namin ay biglang nataranta.

Abot abot na naman ang kaba habang pinagmamasdan ang lalaking nabaril sa gilid ng kaniyang dibdib at ang mga kasama nito kanina ay nagsitakbuhan na at umiiyak na sa sakit ang lalaki ngayon.

Sa taranta ko ay nilapitan koi to at tinanggal ang polo niya at pinunit ang t-shirt niyang nasa loob at itinali sa may sugat upang pigilan ang pagdurugo.

“You!” I shouted to an innocent girl wearing a thick glass.

“Ba-ba-bakit p-po?” Nanginginig nitong tanong sa akin.

“Call an ambulance! Now! And you!” Turo sa kasama niya.

“P-po?”

Tawagin si Dean at ang mga officer, now!” Sigaw ko, mabilis nila akong sinunod at nanginginig pa ang isa sa pamindot ng cellphone niya.

“Huwag kang matulog kung ayaw mong mamatay.”

“Gusto ko p-pong pu-pumi-kit.” Nahihirapan at halatang nasasaktan talaga.

Sasakalin kita kapag pumikit ka, sinasabi ko sa iyo.” Banta ko dito.

Sinigawan ko ang mga kalalakihan na lumapit at buhatin ang lalaking ito at sumunod naman sila, tumayo na ako at tumakbo sa kung saan.

Hindi ko alam kung saan ngunit kusa akong dinadala ng mga paa ko sa building ng laboratoryong nasunog at umakyat at nagtitingin tingin sa kung saan and I saw a man na tumakbo pababa ng hagdan.

Sinundan ko ito, tumakbo ako ng mabilis na kaya ko at natigilan ako nang mamukaan ko kung sino ang tumatakbo.

“Zero.” Bulalas ko, my head started to heated up, anger crept my heart.

I gritted my teeth and clench my fist in anger at sinundan siya, tumakbo ako kasunod siya at nakita kong pumaroon siya sa may pader at bumwelo para makaakayat makapunta sa labas na ng campus.

Tumigil ako at naghabol ng hininga at naghanap ng pag – aakyatan para makatawid sa kabila dahil pambihira ang taas ng  pader, akalain mong nakaya niya iyong tawirin.

Sa inis ko ay sinubukan kong gawin ang ginawa niya ngunit napapahinto ako sa tuwing itutuko ko na ang aking mga paa, ugh!

Nakita ko malaking bato at ang puno na may sanga malapit sa may pader, sana ay magawa ko ang iniisip ko.

Kumuha ako ng bwelo at tinakbo ang bato at pagkaapak doon ay tumalon ako para abutin ang sanga at idinuyan ang katawan ko at bumitaw at saktong nakakapit ako sa may pader na ngayon ay problema ko kung paano bababa dahil mataas iyon.

Nalingon ko ang puno na may bike, ginapang ko ang pader at pumaroon sa may puno at doon ako bumaba.

Nang makababa ako ay problema ko na kung saan hahanapin si Sullivan dahil ang tagal ko bago ko tuluyang matawid ang pader na iyon.

Nadilaan ko ang pang ibabang labi ko sa inis at napakamot at nalingunan ang bike, walang pagdadalawang isip ko iyong kinuha at pumedal na hanggang sa makita ko ang isang eskinita.

Iniwan ko ang bike at tumakbo papasok sa eskinitang iyon, nagkalat na mga basurahan at tae ng mga hayop ang madadaanan kaya natagalan na naman ako doon sa kagustuhang huwag makaapak ng tae.

Nang matawid ko ay tinakbo ko muli kahit na walang kasiguraduhan kung mahahanap ko ba talaga ang pesteng Sullivan na iyon sana ay maabutan ko, dudurugin ko ang muka no’n.

Tinakbo ko ng tinakbo ang eskinita hanggang sa makalabas na ako sa ibang lugar o bahagi ng kanto nalilito kung tatakbo ba ako pakanan ko pakaliwa.

Pinili ko ang magpakaliwa at tumigil din nang makitang wala ng daan doon at tanging mga bahay na lamang kaya tumakbo ako pabalik at dineretso na iyon at may pasikot sikot na naman.

Sana ay matandaan ko pa ang daan pabalik.

As I run towards the path, an evil grin formed in my lips when I saw him looking side to side like he is looking for a way dahil sa magkakaibang kanto.

Mabilis kong tinakbo ang gawi niya at nang maramdaman ako ay lumingon at sinipa ko na ito sa dibdib dahilan para mapahiga.

[Harvey’s Pov]

“Where is your sister?” Nag-aalalang tanong ni kuya Lino sa akin.

“Hindi ko po talaga alam kuya.” Sabi ko, pati ako ay kinakabahan.

Nang makapunta ang ambulansya dito para kunin ang lalaking nabaril na naman ay sumunod ang mga pulis at kasama na doon si kuya Lino.

Problemadong nagdial si kuya Lino.

“Ate, nawawala po si Leighra, kanina pa po namin hinahanap ngunit hindi namin ito makita kahit saan.” Sabi nito na malamang ay si mommy ang katawag.

Hindi ko na napakingan pa ang mga sinabi ni kuya dahil abala na ako sa pagtawag kay ate ngunit hindi naman niya ito sinasagot.

I dialed many times pero sa huli ay wala ding sasagot, I texted her too, asking where she is, damn! Where is she?

Napahilamos ako dahil sa inis.

“Paano kayo nakakasiguro na wala siya dito?” Napalingon ako nang marinig ko si daddy at kunot noo itong nakatingin.

Pinahanap ko na kuya sa mga kasamahan naming Pulis, kahit saan man namin hanapin ay hindi talaga namin mahanapan.”

“Daddy, ako po, subukan kong hanapin, papatulong ako sa mga kaibigan ko.”

“Nag-aalala na si Gheo, Lino, nasa isang operasyon siya ngayon at tumawag lamang upang ibalita ang sinabi mo, she can’t be here kaya ako ang pumunta.”

Over react man na hinahanap namin si ate kahit wala naman kaming alam kung napahamak ba ito o ano, we are just worried dahil sa nangyari sa kanya no’ng nakaraan pa.

Umalis na lamang ako doon ng tanguan ako ni daddy at pinuntahan ang mga kaibigan ko sa classroom.

Lereigheo.” Tawag ni Cloud.

Tulungan niyo akong hanapan si ate, please.” Pakiusap ko.

“Baka nadiyan lang iyon Reigheo.” Sabi ni Caetiesia.

Tumulong nalang tayo sa paghahanap, kami ni Harvey maghahanap sa gawi doon at JD magkasama kayo ni Tisia.” Sabi nito Xyzee.

“No, dapat sa akin ka, sasabay.” Reklamo ni Cloud.

I gritted my teeth in jealousy at hinila si Caetiesia.

Makahila cousin ah.” May pang-aasar sa tono niya.

Marunong naman ako mag adjust eh.” Pagkakadiin ko at sumulyap kay Xyzee na nag-iwas ng tingin.

Salamat.” Sabi ko kay Cloud at umalis na kami ni Caetiesia, ang pasasalamat ko ay sa pagtulong ng mga ito sa paghahanap.

Reigheo, bitaw na, ang sakit kaya.” Reklamo ni Caetiesia kaya binitawan ko na.

Selos ka ano?” Panunukso niya.

“Shut up Caetiesia.” Sabi ko.

“Sus, ipaglaban mo din Reigheo, huwag puro paubaya.” Aniya.

Xyzee likes him and Cloud likes her too, they are my bestfriend, ayokong piliin ako ni Xyzee at ang kapalit ay pagkakaibigan namin ni Cloud, I better choose their happiness than being selfish and trying to fight someone who is impossible to win.” Sabi ko sa kaniya habang naglalakad kami.

“Bakit ang bait mo? Nasasaktan ka na lahat lahat nagpapakahumble at nagpapaubaya ka nalang lagi.” Sabi niya.

“Mana ako sa tatay ko eh.” I said cheerfully trying to hide the pain.

Naks, bilib na ako sa iyo, ikaw ah, hanapan kita, gusto mo?” sabi nito.

“Ate ko ang hinahanap Caetiesia, huwag mo ako retohan dahil imposibleng magugustuhan ko ang mga iyon.” Sabi ko and she pouted.

“E’ ‘di don’t.” Mataray na aniya at nagpatuloy na lamang kami sa paghahanap sa kaniya.

Maghiwalay kaya tayo, dito ako.” Sabi niya, tumango na lamang ako at umalis na siya.

Imposible ding mahanapan namin si ate sa ganito kaluwang na paaralan, nasaan ba kasi siya?

Suddenly, my phone rings.

“Mom?” Pagsagot ko.

“Ate mo?” Tanong niya sa kalmadong paraan.

“Hindi ko pa nahanap mommy.” Sagot ko.

“Sus, nasa loob lang ng damit niya, masiyado ka nag-aalala, sige na, may ooperahan pa ako, baka mamatay pa ito, aba’y mahirap na, balitaan mo nalang ako kapag may’roon na.”

“Doc, mamaya na po iyan, naghihingalo na ang pasyente, pakilagay na ang puso--”

Napamaang ako sa kawalan nang patayin na ni mommy ang tawag.

Damn, nakuha pa niyang tumawag, hindi ba at bawal iyon?

Napailing na lamang ako  at nagpatuloy na sa paghahanap.

[Zero’s Pov]

“Anong problema mo!?” Sigaw ko kay Leighra at bumangon mula sa pagkakahiga habang nakahawak sa dibdib ko, takte ang sakit no’n.

Matalim itong nakatingin sa akin na para bang nakagawa ako ng kasalanan.

Tarantado ka! Ikaw pala ang may gawa ng mga nangyayari sa school!” She shouted.

Tinignan ko naman ito ng nagtataka.

“Anong sinasabi mo!?” Inis kon sigaw sa kaniya.

Nagmamaang maangan ka pa! I saw you, nakita kitang nagtatakbo pagkatapos ng pangyayari doon! Ikaw ang may gawa ng lahat ng nangyayari ngayon!”

“Anon bang pinagsasasabi mo!?” Inis na talagang tanong ko nang kwelyuhan niya ako.

“Huwag mong ideny dahil nakita kita Sullivan, wala ka na bang magawa sa buhay ha?”

Marahas kong tinanggal ang pangungwelyo niya at nagtagumpay naman ako.

“F*ck!” napamura ako nang sapakin niya ako, mabilis na nag init ang ulo ko at gumanti ngunit kontrolado, babae parin iyan Zero, huminahon ka.

Napadaing ito sa suntok ko at sumugod kaya tumakbo ako, I don’t want to hurt her, kagagaling lang nito sa hospital, isang tadyak ko lang sa sugat nito, paniguradong mamimilipit ito sa sakit.

Matapang ka hindi ba!? Huwag mo akong takbuhan!” she shouted kaya huminto ako at inilagan siya ngunit tinamaan parin ako.

Hinuli ko ang mga kamay nito at ikinulong siya sa bisig ko ng buong lakas.

Bitawan mo ako!” Sabi nito.

Gagawin ko iyon kung tumigil ka sa pagwawala! Hindi kita maintindihan! Bwisit ka!” Sigaw ko mismo sa tenga niya kaya lalo itong nagwala kaya hinigpitan ko ang pagkakakulong sa kaniya.

“Damn it Zero! Bitawan mo ako!” Sabi nito kaya itinulak ko ito dahilan ng pagkasubsob niya.

Nakagat ko ang labi ko nang umangat ang palda nito at kita ko ang cycling at bakat ang puwet niya at nag iwas ng tingin.

“Damn you” Sigaw niya, lumingon din ako at nakatayo na ngayon.

Ano bang problema mo?!” Inis na tanong ko sa kaniya.

“Why are you running away? Tinatakbuhan mo ako dahil nahuli kita na ikaw ang may gawa ng pamamaril.”

Natahimik ako sa sinabi.

Natahimik ka? Tama ako ano!?” Sabi nito.

Sira ulo mo!” I shouted.

“I am running after the suspect! Nakita ko siya doon may hawak nab aril at nakawhole body na black at mata lang ang nakikita, naiwan nga niya baril niya doon.”

Makapagbintang ka, bwisit kang babae ka! Kung hindi mo lang ako nirambol dito, sana ay nahabol ko na ‘yong may gawa doon sa pmamaril, peste ka talagang babae ka kahit kalian!” Sigaw ko sa kaniya.

Pagbibintangan pa ako ng pesteng babaeng ito.

*Flashback*

Pumunta ako sa may building ng lab upang tumambay maghapon nang malingunan ko ang taong nakasuot ng itim at tanging mata lang ang nakikita.

Kinabahan ako na baka barilin ako dahil may hawak itong silencer, mabilis itong tumayo at tumakbo.

Ilang sandali pa akong nakatayo at kumurapkurap upang iproseso ang nangyari, lalong bumilis at lumakas ang tibok ng puso ko at napahawak sa railings ng hagdan dahil sa panghihina dala ng kaba ko.

I walk towards the gun at nilingon ang field ay nakita ko ang lalaking binubuhat na palayo.

Nang mabalik ako sa wisyo ay naisipan kong sundan ang taong iyon, hindi ko alam kung saan na nagtungo, kaya ng makababa ako ay nakita ko itong tumakbo sa likod at mula sa layo ng distansya namin ay nakita ko itong umakyat sa may puno at lumipat sa labas ng Campus.

Tinakbo ko iyon at bwinelohan upang talunin ang kabila at nataranta ito sa pagkababa ko at binato bato pa ako hanggang samaghabulan kami sa daan, pumasok ito sa eskinita at ikinakalat ang basura dahilan upang mahirapan ako sa pagtakbo kaya napapalayo ang aming distansya hanggang sa sumulpot na kami sa kabilang kalsada.

Nawaglit ang aking tingin at nang mamataan ay hinagisan ako ng buhangin kaya napapikit ako sa hapdi at sakit at pilit inalis sa mata ko.

Nang mawala ang buhangin ay nawala na din ang hinahanap ko, tinakbo ko pakanan ngunit wala na talaga at nakita kong ang daming kanto na mapapasukan at nakakalito, napakamot na lamang ako, nang marinig ko ang mabilis na yabag mula sa aking likuran na para bang tumatakbo at pagkalingon ko’y isang tadyak ang sumalubong sa akin.

Bwisit na Leighra na ito! Problema niya?!’

*End of flashback*

Matalim ko siyang tinignan ng matapos kong ikwento ang nangyari at nakanguso itong nagkamot sa batok nya.

“Sorry hehe, akala ko kasi ikaw.” Sabi niya.

“Tsk.” Singhal ko.

“Ngayon, wala na! E’ kung hindi ka nakialam e’ ‘di nahabol ko na! Bwisit ka.” Sabi ko.

“Sorry na nga, bwisit din eh!”

May gana pang magalit, nagsosorry na nga.

“Tara na, balik na tayo doon!” Inis na sabi ko sa kaniya at inunahan siya at sumunod nalang ito.

Dinaanan muli namin ang nilakaran namin kanina hanggang sa makabalik kami sa pinanggalingang gawi ng eskinita.

Anak ng! Sino naman ang naglagay nito dito!?” Inis na sabi ko ng makita ko ang bike kong nakakalat.

Ehehe, sa iyo pala iyan, pasensya na, ginamit ko kaninang hinahabol kita.”

Lalo ko itong tinaliman ng tingin at inis na binangon ang bike ko at sinakyan na iyon at iniwan siya, bwisit ang babaeng iyon, perwisyo!

Inis akong pumedal papunta sa main gate ng campus at ipinark na iyon sa gilid at naglakad na papasok nang makasalubong ko si Harvey.

“Have you seen my sister, kuya?” Tanong niya.

Nandoon.” Sabi ko at itinuro kung saan ako galling.

Naglalakad.” Dagdag ko at tinapik ito sa balikat at pumasok na ng tuluyan.

~to be continued~

[Don't forget to tap the ☆ star button to vote ★ and comment inlines too if you want, keep safe and God bless 3sures]

Continue Reading

You'll Also Like

139K 6.5K 43
Caught In The Temptation 1 : refers to being entangled or ensnared by a strong desire or urge to do something that may be considered wrong or forbid...
9K 1K 37
Tyra Jane Montefalco a spoiled brat, known as queen bee in their school and lastly a bully what if this spoiled brat meet her match. Kairo Miguel San...
1.7M 72.7K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
1M 41.4K 100
crush back series #1 ❝crush kita. what if jowain mo ko, ha?❞