Sa 'Yo Hanggang Huli (Vallero...

By FGirlWriter

640K 24.8K 7.5K

Ang mga babaeng Salamanca ay para lamang sa mga lalaking Valleroso. Sina Arc at Lass ay ikinasal dahil sa tra... More

Content Warning & Disclaimer
Ang Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Ang Wakas
SYHH Published Book

Kabanata 9

16.2K 827 318
By FGirlWriter

KABANATA 9

HINDI matigil sa pagdadasal si Lass habang hinihintay ang pagmulat ng mga mata ni Arc. Hindi pa nila mabatid kung anong nangyari rito bago mawalan ng malay sa banyo. Agad naman itong nasugod sa ospital.

"Wala naman siyang galos o ano pa man," ani Hakob na siyang natatanging doktor na bakante at agad na rumesponde. Ininspeksyon din nito kung may baldog sa ulo ang asawa. "At sa palagay ko ay hindi rin siya basta lamang bumagsak dahil wala akong nakakapang bukol o ano pa man sa kanyang ulo."

Pinipigilan ni Lass ang mapaluha. Si Arc lang ang laman ng utak niya ngayon kaya naman hindi niya na pinansin ang nakaiiritang presenya ni Hakob.

Malakas ang tibok ng puso niya. Kinakabahan. Natatakot. Baka... baka sa pagmulat ng asawa ay bumalik na ang mga alaala nito. Napaka-posible niyon.

Napahaplos siya sa kanyang sinapupunan. Pagkuway nagdasal muli ng tahimik... Napaka-abusado niya na yata kung ipagdadasal niyang muli na sana'y hindi pa nakaalala si Arc...

Bigla itong umungol!

"Archelaus..." aniya at hinawakan ang kamay nito. "Arc..."

Unti-unti ang pagmulat ng mga mata nito habang mas pabilis pa nang pabilis ang tibok ng kanyang puso.

Napakurap-kurap ito at tumingin sa paligid. "A-Anong nangyari?" his voice raspy. Napabaling ito sa kanya. "Lass?"

"Arc, a-anong nararamdaman mo?" nag-aalalang wika niya. "Natagpuan kitang walang malay sa banyo..."

Sumilay ang munting ngiti sa mga labi nito.

Agad na kumalma ang kalooban ni Lass. Lalo na ang kanyang puso.

Hinapit siya ni Arc sa baywang at niyakap nang mahigpit. "Pinag-alala ba kita, giliw ko? Huwag ka nang mangamba pa. Maayos na 'ko," malambing wika nito.

Lihim siyang napasinghap. Hindi pa bumabalik ang alaala nito! Napaiyak siya sa tuwa at mas yumapos dito. "Oh, Arc..."

He stroked her back. "No, no, don't cry. I'm fine, my Lass. Don't cry. Makakasama sa anak natin," bulong nito sa kanyang tainga. Upang sila lamang ang makarinig. Pagkuwa'y hinalikan nito ang kanyang tainga. Patuloy siyang inalo nito.

Salamat sa Diyos! May oras pa... may oras pa upang itama niya ang mga kasinungalingan niya rito...

"Ano nga bang nangyari sa'yo, Archelaus? Bakit ka nawalan ng malay?" nagtatakang tanong ni Hakob. "May mga naalala ka na ba?"

Nakagat ni Lass ang mga labi. Lumayo siya ng bahagya sa asawa at pinalis ng panyo ang kanyang mga luha. Nanatili ang kamay ni Arc sa kanyang baywang.

"H-Hindi ko maipaliwanag ang nangyari sa akin. Maliligo na 'ko kaninang umaga nang biglang sumakit ang ulo ko. There were flashes of memory... Mabilis. Hindi ko matukoy. Ngunit..." Sinulyapan siya nito. "Naguguluhan ako, Lass."

"B-Bakit, Arc?"

"Naalala ko ang kaunting nangyari sa 'kin bago ako maaksidente."

Nanigas ang likod ni Lass. "A-Anong naalala mo?"

"Galing ako sa mga Lanza. Kay Victorina."

Sinulyapan siya ni Hakob. Nag-iwas siya ng tingin sa lalaki na kanina niya pa ayaw lingunin. Napakunot ng noo si Arc. "Nagtatalo kami. Umalis ako. Ngunit... hindi ako mag-isa sa sasakyan."

Nanlaki ang mga mata ni Lass. Nagtalo sina Arc at Victorina bago ang aksidente? At may kasama si Arc?! "A-Ano? Hindi ko maintindihan, Arc..."

"Hindi 'ko rin matukoy ang alaalang iyon. Ngunit alam kong totoo. Galit ako. Galit akong nagmaneho. Nagtatalo na rin kami ng kasama ko. Inagaw niya ang manibela sa akin at..." Napapikit ito ng mariin. "At nawalan ng kontrol ang sasakyan. H-hindi ko alam kung ano nang sumunod na nangyari... Sino ang kasama ko sa auto? Bakit kami nag-aaway ni Victorina? Bakit ko siya pinuntahan ng gabing iyon? N-Naguguluhan ako."

"Sandali," ani Hakob. "May kasama ka sa sasakyan? Ngunit paanong nangyari iyon? Mag-isa kang natagpuan sa pinangyarihan ng aksidente, Archelaus. Kung may kasama ka ay dapat may kasama ka ring naaksidente."

Biglang may pumasok sa isip ni Lass. "Naalala ko ang sinabi ng pulis. Nakabukas ang isang pinto ng sasakyan nang matagpuan si Arc. Kung ganoon ay... Nakatakas ang kasama ni Arc?"

Hindi alam ni Lass kung bakit tumayo ang balahibo sa buo niyang katawan. Wala siyang kaalaman sa mga nangyari kundi ang katotohanang galing nga si Arc kina Victorina.

Ngunit nagtalo ang mga ito? Bakit? Maghihiwalay na dapat sila ni Arc, hindi ba? At sino ang kasama ng kanyang asawa na naging dahilan siguro upang maaksidente ito?

"Kumusta na?" biglang pasok ni Roy na kararating lang. "Pasensya na ngayon lang ako naka-responde. May operasyon akong tinapos."

"Ayos lang, Roy..." ani Lass.

"Maayos naman na si Arc," sabi ni Hakob. "May kaunti lang siyang naalala nang araw na naaksidente siya. Pero tila malabo pa rin."

Lumapit si Roy kay Arc. "Anong naalala mo?" nag-aalalang tanong nito. Naisip ni Lass na dapat si Roy na lang ang gumamot sa asawa niya at hindi na talaga siya komportable kay Hakob.

Inulit ni Arc ang mga sinabi nito. Tumango-tango si Roy hanggang sa matapos magsalita ang kanyang asawa.

"Hindi mo ba naalala kung lalaki o babae ang kasama mo?" usisa ni Roy sa kaibigan.

Umiling si Arc. "H-Hindi... Basta't alam kong may kasama ako. Nagtatalo kami pagkatapos kong makipagtalo rin kay Victorina."

Napapitlag si Lass nang hinaplos siya ni Arc sa kanyang braso. "Ipagpaumanhin mo kung nasasambit ko ang pangalan niya ngayon. Ngunit siya talaga ang malinaw sa aking alaala kanina."

"Upang malaman natin ang katotohanan ay dapat mong makausap si Victorina, Arc," diretsang suhestisyon ni Hakob.

Nakuyom ni Lass ang kamay sa isang gilid at tumalim ang tingin sa lalaki. Ngisi ang sinukli nito sa kanya.

"Tama naman ako, hindi ba?" hamon pa ni Hakob sa kanya. "Si Victorina lamang ang makakasagot. Bakit nanggaling doon si Arc? Anong pinagtalunan nila? At posibleng nalalaman ni Victorina kung sino ang kasama ni Arc nang araw na iyon."

"Tama si Hakob," sang-ayon ni Roy. "Kahit ako ay nagtataka. Ngunit si Victorina lamang ang makakasagot."

"Nabanggit na sa akin ng aking asawa na si Victorina ay dati kong kasintahan," ani Arc.

"Tama," wika naman ni Hakob. "Hanggang doon lang ang ibinahagi sa iyo ni Lass?"

Sinusubukan siyang tunay ng lalaki na ito! Ganoon ba ang pagtinging isinawalat nito sa kanya kahapon? Kung totoo man ang pagtanging iyon ay bakit inilalagay siya ni Hakob sa isang hindi komportableng sitwasyon?

Nagsalubong ang mga kilay ni Arc. "Hanggang doon lang ang ipinakuwento ko sapagkat hindi ako interesado sa mga nakaraang babae sa buhay ko."

Natawa si Roy. "Hindi ako makapaniwala na maririnig ko iyan mula kay Doctor Gottfried Archelaus Valleroso."

"Kay Lass lamang ako magiging ganito."

"Tunay nga?" si Hakob ay muling naghahamon ang tinig.

Lihim niyang inirapan ito. Hinaplos niya ang mukha ni Arc. "Umuwi na tayo. Hindi ko hahayaang magtrabaho ka ngayon. Doon ka sa bahay at magpahinga."

Kumislap ang mga mata ni Arc nang tiningala siya. Walang pagtutol. "Nais kong maalagaan mo."

Napangiti siya at ginawaran ng halik ang noo nito. "Iyon mismo ang gagawin ko. Halika na."

"Sandali, may gamot na maari kong irekomenda para mainom mo at hindi na maulit ang biglaang pagsakit ng ulo mo," ani Roy at sandaling lumabas ng kuwarto. Naiwan si Hakob na nakatingin lamang sa kanilang mag-asawa.

"Mabuti na 'ko, Hakob. Salamat sa 'yo. Pati kay Roy na humabol pa," ani Arc. "Tunay nga kayong mga kaibigan. Mabuti pa ay bumalik ka na sa trabaho mo. Baka may mga pasyente kang naghihintay sa 'yo."

"Ikaw pa ba? Parang kapatid na kita, Arc," ani Hakob. Napasulyap pa ito sa magkahawak kamay nilang mag-asawa. Umigting ang panga nito ngunit ngumiti ito at tinapik sa balikat si Arc. "Mag-iingat kayo."

Lumabas ang lalaki nang hindi niya ito tinitignan. Hindi ibig ni Lass na bigyan ng kahit anong pag-asa si Hakob dahil kahit ano mang mangyari ay si Archelaus lang ang iibigin niya. Na kung magbalik ang mga alaala ni Arc at iwan siya ay hindi siya tatakbo sa kahit sinong lalaki.

Walang pakialam si Lass sa usapan nina Arc at Hakob noon.

Hinaplos ni Arc ang kanyang sinapupunan. "Napag-alala ko ba kayo? Ipinapangako kong hindi na mauulit pa ang naganap kaninang umaga."

"Maayos lang kami," nakangiting sabi niya. "Pagkabalik ni Roy ay umuwi na tayong agad."

Tumango si Arc at sinubsob ang mukha sa kanyang leeg. Hinalik-halikan siya nito roon. Tumigil lang ito nang pumasok nang muli si Roy at ibinigay ang reseta ng gamot ni Arc.

Pagkauwi nila ay nakadama siya nang pagkahapo. Sabay silang nahiga ni Arc sa kama. Magkayakap. "Lass, huwag ka sanang magagalit. Ngunit sa tingin ko ay tama ang sinabi ni Hakob. Kailangan kong makausap si Victorina. Hindi ako matahimik."

Napalunok siya at tiningala ito. "P-Pero hindi ba puwedeng sa susunod na lamang?"

"Nais kong malaman kung sino ang kasama ko sa auto na siyang posibleng naging dahilan nang pagka-disgrasya ko. Nasaan siya ngayon? Bakit hindi siya nagpapakita?"

Nakakaintinding tumango si Lass. Iyon din ang nais niyang malaman. Ngunit kung magkikita sina Arc at Victorina...

Napabuntong-hininga siya at sumubsob na lamang sa mukha ng asawa. "Bukas na ang piging. Nais mo bang makausap siya mamayang gabi o pagkatapos na ng handaan?"

"Kung nandito si Victorina sa Monte Amor ay siguro puwede na ang mamayang gabi. Nais ko lamang mabatid ang nangyari bago ako na-aksidente. Kahit iyon na lang dahil kanina ay damang-dama ko ang panggagalaiti bago ako nawalan ng malay."

Hindi lang umimik si Lass. Dapat sabihin niya na ang totoong estado ng pagsasama nila ni Arc noon upang handa ito sa paghaharap nito at ni Victorina. Hindi niya dapat ipagdamot sa asawa ang karapatang mamili, hindi ba? Dahil sa nakalipas na dalawang buwan ay ipinagkait niya iyon rito.

Huminga siya nang malalim. "Arc..."

"Hmm?"

"May nais akong sabihin—" Ngunit pagkabangon niya ay nahihimbing na pala si Arc sa pagtulog!

Napabuga na lang ng hangin si Lass. Bakit ba sa tuwing handa na siyang sabihin ang totoo ay palaging hindi natutuloy? Hinaplos niya ang buhok at pisngi nito nang paulit-ulit bago siya bumangon at lumabas ng kuwarto.

Maingat niyang nilapat pasara ang pinto at bumaba ng hagdanan. When she reached the telephone, she dialled Victorina Lanza's home number.

***

NAGPAPAHINGA pa si Arc nang sandaling lumabas si Lass upang makipagkita kay Victorina. Nang makausap niya ang babae kanina ay agad itong pumayag. Nagkita sila sa isang pamosong kainan sa bayan. Hindi masyadong matao roon dahil ang kadasalang parokyano ay iyong mga mayayamang pamilya mula sa Monte Amor.

"Hindi ko inaasahan ang pagtawag mo, Lass."

Napakurap siya. Kaharap niya ngayon ang karibal sa asawa. Ngunit walang kahit sino ang mag-aakalang isang kabit si Victorina. She has a beauty that's pure and sweet. Kahit may dugo ng Pilipino ay mas nangingibabaw pa rin ang dugong Kastila.

Maliban sa mga Valleroso ay isa ang mga Lanza sa tunay na tinitingala sa Monte Amor. Isang malaking kadungisan sa pangalan ng mga Lanza ang pakikiapid ni Victorina sa lalaking may asawa na.

Hindi iilang beses na naisip ni Lass na ipahiya ito sa buong Monte Amor. Subalit hindi niya naman kayang gawin...

"Hindi mo dinalaw si Arc magmula nang maaksidente siya. Habang noon ay palagi kang nasa mansyon sa tuwing wala ako."

Napakurap ito at napapahiyang yumuko. "Ipagpatawad mo, Lieselotte. Iniibig kong tunay si Archelaus kaya't pumayag ako sa relasyong inalok niya. K-Kahit... kahit may masasaktan kami. Kahit k-kasalanan..."

Batid niya iyon. Ngunit hindi iyon ang gustong marinig ni Lass. "B-Bakit hindi ka nagpapakita kay Arc? Bakit hinayaan mo siya sa'kin? Dahil ba talaga naging abala ka sa problema ng iyong pamilya?"

"Maliban pa doon ay... hindi naging maganda ang huling pagkikita namin ni Arc," pag-amin naman nito. Nangilid ang luha sa mga mata nito. "Nang araw na nagpatingin ka sa doktor ay nagtungo ako sa inyo. Hindi para bisitahin si Arc, ngunit upang putulin na ang anumang relasyon na mayroon kami sapagkat hindi na rin kaya nang konsensya kong makiapid lamang. Nangako siyang maghihiwalay kayo at kukuha siya ng abogadong magpapawalang bisa ng kasal niyo."

Sa lahat ng sinabi nito, sa isa lang napako ang pandinig ni Lass. Napakurap siya. "N-Nakikipaghiwalay ka?"

Tumango ito. "Kahit mahal ko si Arc, mas marapat na siya'y pabayaan ko na sa 'yo. I must let him go. A-Ayokong maging sakim. Ang pag-ibig ay hindi ganoon. Sapagkat ang tunay na pag-ibig ay laging kakampi sa tama kahit masakit. At kahit masakit, kayo ang tama ni Arc dahil kayo ang mag-asawa. Kahit tradisyon lamang ang sinusunod niyo. Sa mga mata ng Diyos, ako ang dapat na bumitaw."

Huminga ito nang malalim. "Nang gabing nagtungo siya sa amin ay nagtalo kami dahil pinipilit niyang ipaglalaban niya 'ko. Tinulak ko siya palayo. P-Pinaalis... Galit na galit si Arc sapagkat hindi ko raw siya kayang ipaglaban habang siya ay kayang baliin ang lahat para sa akin. I cried... Because no matter how much we love somebody, what's wrong will always be wrong. Even love can't justify it."

Tumindig ang balahibo ni Lass. Napalunok siya.

"K-Kaya naman nang nalaman kong naaksidente siya ay iilang beses kong nais siyang tunguin. Ngunit para saan pa? Hindi ako ang kailangan niya. Ikaw, Lieselotte."

Napatunganga si Lass. Natunaw ang galit at inggit na mayroon siya para sa babae. "Tunay nga ba ang lahat ng iyan, Victorina?"

Tumango ito. "N-Nawalan ng memorya si Arc. Mas mabuti siguro iyon? Hindi ko alam. Dapat niya na 'kong makalimutan, Lieselotte. Kailangan nang itama ang lahat."

"K-Kung ganoon ay..." Hiwalay na si Victorina at Arc bago pa ang aksidente! Wala nang relasyon ang mga ito! "H-Hindi ka na babalik kay Arc kahit makaalala pa siya?"

Umiling ito. "Siguradong oras na makaalala siya ay kinasusuklaman niya na ako. S-Sapagkat sumuko ako. S-Sinaktan ko siya..."

Nakagat niya ang ibabang labi. Nangilid ang luha sa mga mata niya. "M-Mahal na mahal ka ni Arc..." nasambit niya.

"Ngunit ikaw na ang mahal niya ngayon."

"Sapagkat nakalimutan ka niya!"

"Kung maalala man niya akong muli ay batid niyang wala na siyang aasahan sa akin. Nagkakasala kami sa Diyos. Iyon ang ipinaintindi ko sa kanya."

Matapang na sinalubong ni Victorina ang mga mata niya. "Ikaw ang dapat na ipinaglalaban siya at hindi ako. Ikaw ang may karapatan, Lieselotte. Ikaw ang nagtataglay ng pangalan niya. Puwede siyang magtanan kasama ko bago ang kasal niyo, ngunit tumuloy pa rin siya dahil mas takot siyang mawalan ng mana kaysa ang maghirap kasama ko.

"Pero nang nakuha niya na ay saka siya bumalik sa akin at ako namang istupida ay tinanggap siya kahit alam kong may matatapakan ako. Dapat ay noon pa lamang tinigilan ko na. Sadyang makasarili lamang ang mga puso natin na siyang nagdudulot ng kasalanan. G-Gusto ko na ng normal na buhay. Inamin ko ang lahat sa aking nobyong si Abel at tanggap niya pa rin ako. Handa pa rin niya akong pakasalan sa kabila ng pagtataksil ko."

Napasinghot ito at nangilid ang luha sa mga mata. "Minsanan lang akong makakilala ng ganoong tao. Si Abel... siya ang tamang pag-alayan ng pag-ibig ko ngayon. Sana... sana sa pagbalik ng alaala ni Arc ay maisama niya pa rin ang pagmamahal niya ngayon sa 'yo, Lieselotte."

"Victorina..."

Humanga siya sa babae! Hindi niya kahit kailan naisip na ganito ang mangyayari sa kanilang paghaharap!

"W-Wala akong kahit anong intensyon na makipagkita pang muli kay Arc dahil sa tingin ko ay ako rin ang naging dahilan kung bakit siya nadisgrasya. He's angry, hurt, and upset."

Umiling siya. "H-Hindi kita sinisisi, Victorina," aniya. "May kasama daw si Arc sa loob ng sasakyan na siyang nakagalitan niya rin at nagkaagawan daw sila ng manibela."

Napakunot-noo ito. "Kasama? May kasama si Arc?"

Napakurap siya. "Oo... ayon sa kanya. Kaninang umaga ay may mga naalala siya bago ang aksidente. Kaya ako nakipag-usap sa iyo ngayon dahil nais ka niyang makausap. N-Natatakot akong malaman niya ang totoo naming estado..."

"Natatakot malaman ang totoo?"

"Itinago ko ang tungkol sa relasyon niyo, Victorina. Hindi ko ipinabatid ang komplikado naming pagsasama... A-Akala niya ay isa siyang tapat na asawa at nagmamahalan kami."

"N-Naglihim ka sa kanya?"

Marahan siyang tumango. "Nais ko nang sabihin ang totoo. Mabuti at nakausap muna kita..." Nakahinga siya nang maluwag. "A-Ayokong mawala si Arc sa akin. At tama ka kanina, makasarili ang mga puso natin. Kahit asawa niya ako ay dapat naging tapat pa rin ako."

"Sabihin mo sa kanya ang totoo kadagdag nitong napag-usapan natin," suhestisyon nito. "Upang mas maging malinaw sa kanya na dapat... ikaw lang ang mahal niya."

Hindi pa rin makapaniwala si Lass sa mga nalaman niya kay Victorina. Naipagdasal niya ito noon sa Diyos. Na sana ay maghiwalay na lang ang dalawa kahit imposible sapagkat nagmamahalan ang mga ito. Subalit binuksan ng Diyos ang isip at puso ni Victorina sa tama!

At siya... oras naman ni Lass para gawin ang tama.

"Mabalik tayo, may kasama si Arc sa sasakyan at iyon ang gusto kong malaman mula sa'yo," aniya.

Umiling ito. "Mag-isa lamang si Arc nang nagtungo sa Estrella. Wala akong natatandaang kasama niya. Pasensya na, Lass."

"Sigurado ka ba?"

Tumango ito. "Malinaw na malinaw sa 'kin ang gabing iyon. Si Arc lang ang tumungo sa 'kin. Sigurado akong walang ibang tao sa paligid namin o kahit sa loob ng sasakyan niya."

Lalong nabuhay ang pagtataka sa kanya. Si Arc lamang ang makakasagot! Ang mga alaala lamang nito ang makakasagot!

"Victorina."

Sabay silang napalingon at nakita ang nobyo nito. Si Abel Javellana—tagapagmana ng mga lupang sakahan ng mais at palay ang pamilya nito sa iba't ibang parte ng Cebu.

Nakangiting tumayo si Victorina at sinalubong ang lalaki. Ipinakilala sila nito sa isa't isa hanggang sa nagpaalam na ang mga ito.

"Salamat sa pakikipag-usap sa'kin, Lieselotte. Alam kong malaki ang kasalanan ko. At salamat dahil napatawad mo 'ko."

Tumango si Lass. Hindi naman siya madamot sa kapatawaran, lalo na sa mga taong halata ang pagbabago at seryosong nagsisisi sa pagkakamali ng mga ito. Dahil umaasa siyang ganoong kapatawaran din ang ibibigay sa kanya sa oras naman na siyang nagkamali at nagkasala.

"S-Salamat din, Victorina..."

Hinawakan nito ang kamay niya. "Huwag kang matakot na sabihin ang buong katotohanan kay Arc. Magalit man siya saglit, batid kong maiintindihan ka niya.

"S-Susubukan ko..."

"Siguradong nagsisisi rin si Arc sa naging kasalanan namin sa'yo. Muli, humihingi ako ng kapatawaran. At sinisiguro ko sa'yong natututo na 'ko at hindi na muling makikiapid pa. Ayoko na muling makapanakit ng iba. Hinding-hindi na 'ko lalapit kay Archelaus," pangako pa nito.

Ibang-iba ang inaasahan ni Lass na magiging pag-uusap nila ni Victorina. Akala niya ay kailangan niyang makiusap pa dito, pero hindi! Ang babae pa ang mismong humingi ng tawad at tuluyan nang bumitiw sa bawal na relasyon. At may nagmamahal din rito na kaya itong tanggapin sa kabila ng pagkakamali...

Habang pauwi ay may naramdaman siyang tila tinik na inalis sa kanyang dibdib. Wala na sina Victorina at Arc! Kahit pa mahal ng babae ang asawa niya ay ginawa na nito ang tama...

Langit-langit ang pasasalamat ni Lass sa Maykapal. Sapagkat ang mga nakalimutan niya nang ipagdasal ay tinutugon pa rin pala Nito!

Lass, it's your turn to do the right thing. Please, tell Arc the truth.

"Manang Rita? Nagpapahinga pa rin po ba si Archelaus?" agad niyang salubong sa mayordoma pagkauwi na pagkauwi pa lang.

Napakunot-noo ito. "Senyorita, umalis ang senyorito kanina."

"H-Ho?!" bulalas niya. "A-Ano oras? Bakit daw po siya aalis?"

"Hindi ko batid. Akala ko ay susundan ka sapagkat halos magkasunod lang kayong umalis. Hindi ba kayo magkasama?"

Umiling siya. Saan tumungo si Arc?

Kaagad siyang lumabas muli at nagpahatid sa ospital. Baka doon pumunta ang asawa.

"Roy!" tawag niya sa lalaki nang matanaw itong naglalakad sa pasilyo ng ospital pagkadating niya.

"Lass. Bakit nandito ka? May nangyari na naman ba kay Arc?"

"Umalis siya ng mansyon nang walang paalam!"

Nagsalubong ang mga kilay nito. "Ano?"

"Umalis ako saglit at pagbalik ko ay umalis din pala siya. Nag-aalala ako, Roy! Saan ko puwedeng mahanap si Arc?" mangiyak-ngiyak na usal niya.

"Maghunusdili ka, Lass. Siguro ay may inasikaso lamang siya. Hindi ba at bukas na ang piging? Baka pinili niyang asikasuhin iyon."

Posible nga iyon. Napahawak siya sa dibdib, pinilit kumalma. "Kung ganoon ay susubukan ko siyang hanapin sa merkado. A-Ang alam ko ay may kausap siya doong tagakalakal ng mga bulaklak."

"Mabuti pa nga," ani Roy. "Tatawagin ko si Hakob, baka may ideya rin siya kung naasan posibleng nandoon si Arc."

"Daghang salamat."

Lumabas ng ospital si Lass ngunit hindi pa siya nakakasakay muli ng auto nang matanaw niya si Arc!

Parang wala sa sariling naglalakad ito.

"Arc!" tawag niya rito at patakbong lumapit. "Arc, saan ka nanggaling?"

Napahawak ito sa sentido. Napansin niya ang pasa sa mukha nito at putok ang gilid ng labi nito. Napasinghap siya. "Diyos ko! Anong nangyari sa'yo? Tulong! Tabang!"

Napahawak si Arc sa ulo nito at malakas na napadaing. Nataranta si Lass at hinawakan ito sa magkabilang balikat. Magulo ang buhok nito. May dugo sa noo! At saka lang niya napansin na lukot-lukot ang damit nito. Madumi. Tila pinagtulungan ng gulpi!

Sino ang gumawa nito kay Arc?!

"Ahhh!" pasigaw na daing nito, sapo-sapo pa rin ang sarili ulo. Nakapikit ng mariin.

"Arc! Arc, anong nangyayari sa'yo?!"

"T-Traydor..." anito bago tuluyang nawalan ng malay!

"Archelaus!" Niyakap niya ang asawa at magkasama silang napasalampak sa lupa.

Maraming tao ang agad na sumaklolo. Tatlong lalaki ang bumuhat kay Arc papasok sa loob ng ospital.

Nanginginig na umiyak si Lass. Wala na naman siyang nalalaman? Anong nangyari kay Arc at tila ginulpi ito?!

"What happened?" Hakob was shocked as everyone was when Arc was brought in the emergency room. "Ano na namang nangyari, Lass?" Agad nitong inasikaso si Arc

"H-Hindi ko alam! Nakita ko na lang siya sa labas ng ospital na nanghihina! Tila siya pinagtulungan!"

Hakob called two nurses. Sumunod ay si Roy naman ang patakbong pumasok ng silid at sinuri ang ulo ni Arc.

"What have you got yourself into now, Arc?" tila naiiritang sabi ni Roy. "Hakob, ilabas mo muna si Lass. Bawal siya rito."

Hinila siya ng marahan ng lalaki. "Dito ka maghintay. Si Roy nang bahala sa kanya."

Pinunasan niya ang mga luha at binawi ang braso rito. Napabuntong-hininga lang si Hakob ngunit hindi na nagsalita. Akala niya ay aalis na ito ngunit nanatili ito sa tabi niya. Lumayo na lang siya rito.

Lumabas si Roy pagkalipas ng kalahating oras. "Huwag kang mag-aalala, Lass, maayos na si Arc. Katulad kaninang umaga ay gigising din siya anumang oras." Bumaling ito kay Hakob. "Puno siya ng mga pasa sa katawan. Tila nakipag-gulpihan nga. Nakipagbugbugan."

"Tatawag ako sa mga pulis upang sa paggising niya ay maisumbong ni Arc ang nangyari," ani Hakob bago siya tinapunan ng huling sulyap bago umalis.

Hindi niya lang ito pinansin.

"Wala namang nabaling mga buto o ano pa man sa kanya. At kung sino man ang nakaaway niya ay tanungin na lang natin pagkagising upang mas mabilis matunton ng mga pulis."

Tumango lamang si Lass at hindi na umalis sa tabi ni Arc. Naririnig niya ang bulungan ng ibang tao na sino ba ang posibleng nakaaway ng paboritong doktor sa puso ng mga ito.

Hinawakan niya ang kamay ni Arc at hinilot-hilot iyon. Matiyaga niyang hinintay ang paggising nito.

After two and a half hours, finally, he woke up.

"Arc..." Agad niyang niyakap ang asawa. "I'm glad you're awake! Anong nangyari sa 'yo? Sino ang may gumawa nito sa 'yo?" Kinulong niya sa mga palad ang pisngi nito. "H-Hindi ka dapat umalis ng mansyon kanina dahil sa nangyari kaninang umaga. Takot na takot ako!"

Bumangon ito at inikot ang paningin sa paligid. Pagkuwa'y napakunot-noo ito. Bahagyang napangiwi.

"How are you feeling?" masuyo niyang tanong rito.

Tumingin ito sa kanya. Ngunit malakas ang pagsipa sa kanyang dibdib sa lamig ng mga titig nito. "What happened?" he asked, emotionless.

"U-Umalis ka sa mansyon. Hinanap kita at natagpuan sa labas ng ospital. May ilan kang pasa at sugat. Tila nakipag-away ka. Sumakit ang iyong ulo at muli kang nawalan ng malay."

"That's impossible..." Sinuri nito ang buong katawan. "I was in an accident."

"A-Accident? Anong sinasabi mo? Kung gayon ay na-aksidente ka at hindi nagulpi?" Tumayo siya. "Sandali at tatawag ako ng nurse—"

"No." Archelaus looked very confused now. Tumingin ito sa buong paligid. "Ilang araw akong walang malay?"

"W-Wala pang tatlong oras, Arc..." Umahon ang kaba sa dibdib ni Lass.

Nagsalubong ang mga kilay nito. Eksaktong bumalik si Hakob.

"Arc! Mabuti't nagising ka na. Papunta na rito ang mga pulis upang makapagpahayag ka nang nangyari sa 'yo at para mahuli na rin kung sino man ang nanghamak sa iyo—"

"What are you talking about? I was not beaten!" Arc snapped.

Napaatras si Lass sa galit sa tinig nito.

"I was in a car accident! My car crashed!"

Napasinghap nang malakas si Lass at natakip ng kamay ang bibig. "A-Arc..."

"Huminahon ka, Arc..." ani Hakob dito. "Huminahon ka. May naaalala ka na ba?"

Lalong nagsalubong ang mga kilay nito. "Naaalala? Wala akong nakalimutan na kahit ano, Hakob!"

Tumikhim si Hakob at hinawakan sa magkabilang balikat si Arc. "Muli ay kumalma ka, Archelaus. Naaalala mo ba kung anong taon na ngayon?"

"1951."

1952 na. Kababagong taon lamang. "Anong buwan?"

Napapikit si Lass. It's already January.

"November."

Gulat na napamulat siya ng mga mata.

"Anong petsa?"

"Kung kahapon ako na-aksidente... It's already November 5, 1951."

Kinailangan ni Lass nang makakapitan. Natukod niya ang kamay sa paanan ng kama.

"Wala kang naaalala pagkatapos mong magising mula sa aksidente?"

"Anong kailangan kong maalala kung ngayon ang araw na iyon?"

Napalunok si Lass. Naglakas-loob magsalita. "A-Arc... it's January 1952, a-already..."

Napakurap ito. "Dalawang buwan akong tulog? Was I in comatose? But you told me that I've been sleeping for only hours—"

"Arc, dalawang buwan kang may amnesia," singit ni Hakob. "Mula pagkagising mo nang maaksidente ka hanggang kanina ay hindi mo maalala ang huling pitong taon ng buhay mo."

"What?!" bulalas nito. "Anong pinagsasasabi mo?!" Tinulak nito si Hakob at bumaling sa kanya. "Anong kalokohan ito, Lass? Anong amnesia? Anong—"

Hindi na makapagsalita pa si Lass. Napayuko siya at pinigilan ang mapahikbi. Halos hindi na siya makahinga sa pagpipigil ng mga luha.

Nagbalik na ang mga alaala nito pero...

"I guess you got your memories back, Arc," ani Hakob. Pumalatak. "But you lost your memories while you have amnesia."

Napapikit nang mariin si Lass. Kung ganoon... hindi naaalala ni Arc ang ginawa niya nang nakalipas na dalawang buwan? Kasabay nang hindi nito maaalala ang pagsisinungaling niya ay hindi nito matatandaan... maging ang naging pagsuyo nilang dalawa sa isa't isa?

Lihim na nagtuluan ang mga luha ni Lass. Sumikip ang kanyang dibdib. Nanlambot ang mga tuhod.

"Anterograde amnesia?" Arc assumed.

"Bakit ang hilig mong magkaroon ng amnesia? Kung anterograde iyan, hindi mo na maalala kahit kailan ang nangyari sa nakalipas na dalawang buwan!"

Kumuyom ang mga kamay ni Lass. Nanatiling tahimik sa isang tabi.

"Arc, lahat ng mga alaala mo sa nakalipas na dalawang buwan habang may amnesia ka ay tuluyan nang nabura ngayong bumalik na ang mga nawala noon," sabi pa ni Hakob. Sadyang may diin ang boses na para bang sinasadyang iparinig sa kanya. "Sa ngayon, wala na ang dalawang buwan na iyon sa 'yo, Arc."

Lass felt the stabbing pain right on her chest.

"Ano bang naganap sa nakalipas na dalawang buwan?" seryosong tanong ni Arc.

Nang tignan niya ito ay nabalot ng lamig si Lass. Archelaus was back to his old self.

"Maayos ka naman sa nakalipas na dalawang buwan. Nakaya mo pa ring manggamot at bukas ay may papiging ka sa inyong mansyon. May i-a-anunsyo raw kayo ni Lass."

Mas lumukot pa ang mukha ni Arc. "Wala akong matandaan." Binalingan siya nito. "Tungkol saan ang anunsyo?"

Nahaplos niya ang sinapupunan. Sasabihin niya bang nagdadalang-tao siya? Na iyon ang nakalimutan nito? Na minahal siya nito at nagbunga na iyon?

Hindi mabuka ni Lass ang mga labi habang nakatingin sa kanya si Arc. Katulad ng dati, malamig at walang emosyon. Natatakot na siyang magsalita sa tuwing ganoon siya titigan nito.

"Huwag nang ipagpatuloy kung anuman iyon," malamig nitong sabi. "Mananatili ako rito sa ospital. Kailangang matignan ako."

"Mabuti pa nga," ani Hakob. "O gusto mong lumuwas sa siyudad upang mas kumpleto ang kagamitan? Sa Maynila kaya? Napakahiwaga ng utak mo, Archelaus!"

"Pag-iisipan ko. Get me a private room first," utos ni Arc sa kaibigan. Even his authority was back. No more playful smiles and sheepish grins.

Umalis si Hakob upang makipag-usap sa ilang nurse.

"S-Sasamahan kita, Archelaus," aniya.

"Hindi na. Kaya ko na ang sarili ko. Ang asikasuhin mo ay ang pakikipag-usap sa abogado tungkol sa annulment. Hindi mo ba iyon naasikaso sa dalawang buwan na may amnesia ako?"

Now, after that invisible stab, Lass felt it sliced her heart. Damang-dama niya ang sakit na para bang sadyang hinihiwa ang puso niya sa dalawa. "Hiwalay na kayo ni Victorina..." nasambit na niya nang hindi nakapag-iisip ng maayos.

Nagtagis-bagang ito at matalim siyang tinignan. "Iyan ang nalaman mo sa dalawang buwan na nagdaan?"

Hindi niya pala kailangang matakot na magalit sa kanya si Arc sa pagsisinungaling niya rito noon...

Looks like, Lass was awakened from her dream. At katulad ng panaginip ay tila hindi nangyari ang mga nangyari sa kanila ni Arc.

Sapagkat hindi na nito maaalala ang dalawang buwang nagdaan. Ang dalawang buwan pulos kasiyahan, puno ng pagmamahalan...

Ngunit sino ba ang niloloko ni Lass? Sarili lang naman niya.

Nakagat niya ang labi nang nag-umpisang mag-init muli ang gilid ng kanyang mga mata. "N-Nais mo pa ring maghiwalay tayo k-kahit pa hiwalay na kayo ni V-Victorina?"

"Bakit, Lieselotte? Anong ipinagkaiba? Hindi pa rin naman kita mahal."

Tumalikod si Lass at tumakbo palabas ng ospital. The old Archelaus Valleroso is back, indeed. Diretso at masakit magsalita. Iyong walang pakialam sa nararamdaman niya.

Wala na ang mga pangako ni Arc.

Wala na ang Arc na nagmahal sa kanya. Wala na.

Nagtapos na ang panaginip na panandaliang ibinigay sa kanya. Tunay na pinagbigyan lang siya ng kalangitan na maging totoo minsan ang panaginip.

Panaginip... hindi nagtatagal. Hindi makatotohanan. At iyon lahat si Arc sa nakalipas na dalawang buwan.

Hindi totoo. Isang panaginip.


***

Connect with me ❤️

Official FB Pages: FGirlWriter & C.D. De Guzman

Twitter & IG: fgirlwriter_cd

Patreon: FGirlWriter

Continue Reading

You'll Also Like

7.6M 182K 36
[MAKE DUOLOGY #1] "Look at me, get over her and fall for me." Xylia has only 50 days to make Brendt move on and fall for her as a deal with her frien...
661 57 29
"Walang istorya ang hindi nagtatapos. Kaya bibigyan ko ng wakas ang ating pagmamahalan. Masayang wakas." Matalik na kaibigan, iyan si Dion Felix Rom...
2.5M 56.7K 50
Allie De Guzman decided to break-up with her two-year long boyfriend. The only problem is, ayaw siyang pakawalan ng boyfriend niya. That-and she just...
17.5K 259 10
WALANG HIHINGA! WALANG HIHINGA! Char hahaha De, para sa mga naghahanap ng story guide ni Lena. Bisita po muna kayo rito para alam ninyo kung ano ang...