Unexpected Royal

By AillexSkcy

5.7K 243 23

Paano kung isang araw malaman mong Prinsesa ka pala ng isang bansa na hindi pamilyar sayo? Siya si Diala Madr... More

Reminders
Chapter 1: Unfortunate
Chapter 2: Fortunate
Chapter 3: You're Hired
Chapter 4: Royal Blue Dress
Chapter 5: Out of Coverage Area
Chapter 6: Rallnedia
Chapter 7: The Lost Grand Princess
Chapter 8: Bill
Chapter 9: The Long Lost Grand Princess of Rallnedia
Chapter 10: Nightmare
Chapter 11: September 5
Chapter 12: Her Highness
Chapter 13: Lab Results
Chapter 14: Bitter Ice Cream
Chapter 15: First Rule
Chapter 16: Short Memory Loss
Chapter 17: Stress Reliever
Chapter 18: The Vacation
Chapter 19: The Vacation II
Chapter 20: The Vacation III
Chapter 21: Dearest Friend
Chapter 22: Second Cousin
Chapter 23: Another Cousin
Chapter 24: Duchess of Stania
Chapter 25: Her Royal Highness
Chapter 26: The Article
Chapter 27: Cratemia School
Chapter 28: Misunderstanding
Chapter 29: Duke and Duchess Of Wistown
Chapter 30: Primary City
Chapter 31: Incoming Event
Chapter 32: Sports Festival
Chapter 34: Cancelled
Chapter 35: Ex-Boyfriend
Chapter 36: September 2
Chapter 37: White Envelope
Chapter 38: Before She Born
Chapter 39: First Love
Chapter 40: The Coronation
Chapter 41: The Coronation II
Chapter 42: First Day as Grand Princess
Chapter 43: End of First Day
Chapter 44: The Investigation
Chapter 45: Princess of Altenstien
Chapter 46: What If They're Twins?
Chapter 48: King of Altenstien
Chapter 49: Princess Collide
Chapter 50: Red Ravens
Chapter 51: New Lead
Chapter 52: How many cousin do I have?
Chapter 53: First Command
Chapter 54: Another Test
Chapter 55: So Desperate
Chapter 56: Second Princess of Rallnedia
Chapter 57: The Accession
Chapter 58: Emblem of Moral Truth
Chapter 59: Majestic Necklace
Chapter 60: Sacred Words
Epilogue

Chapter 47: Why me?

36 1 0
By AillexSkcy

Chapter 47: Why me?





Dia's POV



"Ayaw mo bang kausapin si Shaine?"

"No, it's not because I don't want to."

"'Yun naman pala, e bakit hindi mo siya nirereplayan?"

"The truth is, I don't know what to say to her and I also don't have confident to face her."

Bakit ko ba kasi naisipan pa na sabihin kay Shaine na nandito si June? Love life nila ito pero bakit involve ako? Sarili ko ngang love life hindi ko maintindihan ng ayos, kanila pa kaya. Napasapo na lang ako sa noo sa mga sandaling iyon.

"Ano ba kasi ang pinag-awayan niyo?"

"We didn't fight, I'm just too sensitive for what Shaine did last week."

Napaisip ako kung anong bagay iyon, kasi mukhang napansin ko sa urgent meeting na naganap last week. Pagdating ko tahimik na si June na tila ba inagawan ng lollipop, hindi ko rin siya makausap ng ayos that time.

"After mo diyan sa ginagawa mo abangan mo si Shaine sa garden."

"But Your Highness...

"That's an order!" Napatahimik na lang si June sa sinabi ko.

Parang hindi si June ang nasa harap ko ngayon. Dahil ibang iba ang pagkakakilala ko sa kanya noong una ko siyang nakilala, palatawa, dominant, at malakas mangtrip.

"I'm sorry Your Highness."

"Its fine, hays kalian ko kaya ulit mararanasan ang makipag-away sa jowa?" Napansin kong nagulat si June, maging ako ay hindi nakapaghanda sa sinabi ng aking mga labi.

Ano bang tumatakbo sa isipan ko? Hays Dia huwag mo munang ang magjowa, marami ka pang kailangan unahin bago ang love life.

"I'm curious...

"Ha? E tanong lang naman 'yun. Hindi pa ulit sumasagi sa isipan ko na pumasok sa relasyon."

Parang si Author lang, walang balak magkajowa kaya hanggang ngayon single pa rin. Oops! Sorry Author, nireveal ko ang isa sa mga secret mo✌️😂.

A/N: Aba'y pasmado ang utak ng batang ito, baka gusto mong patayin ko ang character mo?

Ito naman si Author 'di na mabiro. Ha ha magjowa ka na kasi✌️.

"Thank you Your Highness." Nginitian ko lang si June bilang tugon.

Sa totoo lang, hindi ako sanay sa naririnig ko mula kay June, Nico, Duchess Eve, Shaine at sa iba pang kasama ko sa palasyo na tinatawag nila akong "Princess" or sa address na "Your Highness".

Lalo na sina Manang Kera at Ate Yumi na galing Pilipinas, hindi ko sila masyadong nakakasama ngayon dahil sa iba sila nakaduty. Every weekend lang ang duty nila sa akin, lalo na kapag wala akong schedule.

.

.

.

Mariel's POV

"Kamusta po?" Tanong ko pagkapasok na pagkapasok sa bahay nina Dia dito sa Pilipinas.

"Mariel, mukhang ngayon ka na lang muli nakadalaw ah."

"Busy po kasi sa darating kong exam, kamusta po si Tita?"

"As usual." Hindi na ako nagtanong pa sa sinabi ni Tita Jelyn.

Inilapag ko sa table ang dala kong prutas matapos iyong hugasan, luminga linga naman ako sa paligid.

"Nasa office si Shine, may kailangan ka ba sa kanya?"

"Wala naman po. May pakwan po pala akong binili, at gumawa rin si Manang Cristy ng macaroni."

"Naku nag-abala pa si Cristy, pero salamat." Iniabot ko kay Tita Jelyn ang isang box ng macaroni na dala ko.

Halos tatlong linggo na ang nakakalipas matapos kong makilala si Tita Jelyn at si Shine, napapangiti na lang ako sa tuwing maaalala ko ang mga sandaling makasundo ko sila sa unang araw na pagkikita naming. Nang dahil kay Dia mas nadagdagan ang dahilan ko para magpatuloy sa buhay, nadagdagan ako ng kaibigan at maging si Manang Cristy. Mabuti na lang pinayagan ako ni Kuya at ni Papa na dumalaw dito sa bahay nina Dia, kahit alam kong delikado ay nakakauwi pa rin akong maayos ang kalagayan.

"Diba nabanggit mo na pagkauwi ni Dia ay ipapakilala mo sa kanya ang boyfriend mo?"

"Yes po."

"Good luck hija, naalala ko tuloy ang kabataan ko." Imbes na may ngiti sa labi ang makikita ko sa mukha ni Tita Jelyn ay kabaliktaran ng sinasabi niya.

"Hindi po ba kayo nagkatuluyan ng crush niyo? Or ng first love niyo or true love?"

"Nagkatuluyan naman."

"Wow! Talaga po?"

"Pero...

Naputol ang excitement ko sa pambibitin niya.

"Pero hindi ko na alam kung nasaan siya?" Napakunot ang noo ko sa mga oras na iyon.

So ibig sabihin hindi Papa ni Shine ang true love niya? Anong hindi alam kung nasaan? Iniwan ba siya o nasa kabilang buhay na? 

Maya maya pa ay naramdaman ko ang pagkalungkot sa hitsura na nakikita ko aky Tita Jelyn, para akong nanonood ng telenovela na may twist pa ang love story ng bida.

"Almost 13 years na ang dumaan pero hanggang ngayon hindi pa rin siya bumabalik."

Doon ko na lang naramdaman ang sakit sa sunod na sinabi ni Tita Jelyn. Agad kong hinawi ang luha na pumatak mula sa mata ko. Ang sakit siguro sa part niya na hanggang ngayon ay naghihintay pa rin siya sa pagbabalik ng first love, true love or crush niya.

"He's my first love, true love and my first ever crush. Ang malas ko lang kasi mas pinili niya ang trabaho niya kaysa sa amin na pamilya niya."

"I'm sorry po hu hu."

"No, it's fine. Teka bakit ikaw ang naiyak diyan? Ha ha, ako dapat ang humahagulhol sa iyak dahil ako ang iniwan ha ha."

"E kasi naman po nakakaiyak ang ginawa sa inyo ng first love, true love at first ever crush niyo. Kung sa akin 'yan nangyari hindi ko alam kung saan ako pupulutin hu hu."

"Tama nga ang sabi ni Dia at Shine, sa laki mong tao iyakin ka pa rin." Napatawa ako ng kaunti habang pinupunasan ang luha ko.

.

.

.

Matapos ang maladrama naming pag-uusap ni Tita Jelyn ay naisipan kong omorder ng pananghalian, at dahil paborito niya ang pasta, sa Yellow Cab ko naisipan bumili ng chicken pasta at drumsticks. Hindi ko naman alam ang favorite food ni Tita Alondra dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nagigising.

.

.

.

Aria's POV

"Ma'am saan ko ilalagay ang mga board na ito?" Tanong ng isa sa mga staff ng event.

"Doon na lang Kuya, then pakipatas po ng mga balloons sa bandang kanan, hindi po kasi balance ang design."

"Okay po."

"How about this Aria?" Napalingon ako sa kinaroroonan ni Leyla.

"Kahit sa tabi na lang po ng center piece."

"Sige, thank you."

Matatapos na kami sa aming pagseset up dito sa function hall, gayundin ang mga naka assigned sa hallway. Ito ang kauna unahang event na ako ang in charge sa lahat. Gaya ng sinabi ni Mr. Solis at ni Miss Gustav pasok sa taste ko ang event ngayon kaya ako ang itinalaga nilang in charge.

Maya maya pa ay tumulong na akong magpack up ng iba pang gamit na hindi kailangan. Pagkatapos ay lumapit na ako sa front desk kung saan may nagbabantay.

"Excuse me?" Isang lalaki ang pumasok na nakasuot pa ng helmet at may dalang box sa kanyang kaliwang kamay.

"Delivery po para kay Miss Mocha Gallegos." Nilingon ko naman si Mocha na abala pa sa kanyang ginagawa.

"She's busy right now."

"Pwede po pareceived na lang Ma'am?"

"Sure." Isang tablet ang iniabot niya sa akin upang pirmahan ko.

Binasa ko muna ang nakasulat sa tablet na iyon bago ko pirmahan.


.

.

.

"Nga pala Mocha, may dumating na package sa'yo. Inilagay ko sa kotse ni Ma'am Leyla, mamaya mo na lang kunin kapag nakabalik na tayo sa office."

"Package? Kanino galing?" Nakakunot noo niyang tanong matapos maibalik ang huling box na ginamit namin.

"Russell Colyn Ochoa?"

"Ochoa? Wala akong kilalang Ochoa?"

"Diba Ochoa ang apelyido ng boyfriend mo?"
Tanong ko ng maalala ang long time boyfriend ni Mocha na palaging naghahatid sa kanya pagkalabas sa opisina.

"Oo, pero Tristan ang first name niya hindi Russell."

"Malay mo kamag-anak." Kumibit balikat na lang si Mocha sa sinabi ko.

"Kamusta na nga pala 'yung stalker mo? Mukhang hindi ko na napapansin sa office nitong mga nakaraang araw." Bigla akong nawalan ng gana na itaas ang mga flower foam sa sasakyan nang marinig ang tanong ni Mocha.

"Ewan, hindi ko alam sa lalaking 'yun."

.

.

.

Dia's POV

Nakatingin lang ako kina Shaine at June na seryosong nag-uusap sa may garden. Nasa 2nd floor ako ng palasyo kaya tanaw na tanaw ko ang ginagawa nila.

Nakayakap si Shaine kay June habang si June naman umiiyak, hindi ko alam ang kanilang pinag-uusapan kaya wala akong idea kung nagkaayos na ba sila o hindi pa.

"Your Highness, handa na po ang sasakyan niyo." Tumayo na rin ako nang marinig si Mr. Yong na nasa tapat ng pinto ng office ko.

.

.

.

May ibinigay pa sa akin si Nico na papel bago ako makasakay sa sasakyan.

Bakit parang ang tahimik yata ni Nico? Tanong ko habang tinatahak ng sasakyan ang daan patungo sa huling charity na bibisitahin ko ngayong linggo.

Pasekreto ko siyang tiningnan sa peripheral vision ko.

In fairness ang pogi niya ngayon. Natawa na lang ako sa itinutya ng aking isipan.

"Your Highness, this is the latest proposal of Duke Karl for the upcoming event."

Nakangiti akong lumingon sa kanya, nagkadahilan tuloy ako na matingnan siya ng hindi palihim.

Ang galing lang ni tadhana 'no? Akalain mo si Nico ang lalaking nang-agaw ng upuan ko sa jeep noong araw na matanggal ako sa trabaho, siya rin naman kasi ang may kasalanan kung bakit ako natanggal.

Then nalaman ko na siya pala ang CEO ng Swisly Corp. kung saan ako nag apply bilang assistant designer, doon ko lang rin nalaman na isa pala siyang Duke at sa kinalaunan siya rin ang nakanap sa akin, sa huli nalaman ko na anak pala ako ng Hari at Reyna ng isang bansa na akala ko alamat lamang.

Sa dinami dami ng tao sa mundo, bakit kaya ako ang naging anak ng mahalagang tao sa isang bansa na hindi pamilyar sa akin? Pwede namang si Nico, si June, si Shaine, or si Mariel, 'yung anak ng Presidente sa Pilipinas or kahit sino. Ngunit bakit ako pa?

Hindi naman sa ayaw ko ang meron ako ngayon, gusto ko lang ng kasagutan kung bakit sa bilyong bilyong tao bakit ako pa?




"Your Highness? Your Highness ayos lang po ba kayo?"



Continue Reading

You'll Also Like

2.8K 200 18
Book 1 of "After" Series. Edited and Revised. ***** What if one day you woke up, there was living dead in your surroundings? How would you survive? ...
8.9K 668 35
Si Summer ay laging nabubulas dahil sa kaniyang pisikal na itsura, lalo na sa kulay ng kaniyang balat. Nais niyang wakasan ang panglalait na natatang...
24.7M 1.1M 123
The third and final volume of Project LOKI. Join Lorelei, Loki, Jamie, and Alistair as they bring down Moriarty's organization. Looking for VOLUME1...
693K 47.2K 44
Crime and murder podcaster Wren Lozarte is desperate to earn money for her ailing uncle so she accepts a strange but high-paying offer from a mysteri...