Volviendo Al Pueblo Hundido

By crsntmoon_

24.5K 1K 1.5K

Sa isang kahilingan na matagal nang nag laho dahil sa kapanahonan. Paano kung ang matagal mo nang hiling nung... More

Warning!!
VAPH NOTES
Ika-1
Ika-2
Ika-3
Ika-4
Ika-5
Ika-6
Ika-7
Ika-9
Ika-10
Ika-11
Ika-12
Ika-13
Ika-14
Ika-15
Ika-16
Ika-17
Ika-18
Ika-19
Ika-20
Ika-21
Ika-22
Ika-23
Ika-24
Ika-25
Ika-26
Ika-27
Ika-28
Ika-29
Ika-30
Ika-31
Ika-32
Ika-33
Ika-34
Ika-35
Ika-36
Ika-37
Ika-38
Ika-39
Ika-40
Ika-41
Ika-42
Ika-43
Ika-44
Ika-45
Ika-46
Ika-47
Ika-48

Ika-8

519 28 28
By crsntmoon_

"HOY! ESTELA ASUNCION! Ang aga mo yatang matutulog?" Nakangising saad ni Aexniqn nang makapasok sya sa kwarto ko. Inis ko naman syang tiningnan pagkat antok na antok na ako.

Ang dami kasi naming ginawa ni antipatiko ngayong araw. Kaya sino ang hindi mapapagod, aber?

"Lumabas kanga! Inaantok na ako!" Iritang saad ko habang sinisiksik ang sarili ko sa kutsyon. Tumawa naman sya ng malakas bago tumalon sa kama kung napaka tigas. "Aray! Bakit ang tigas naman nitong kama mo!" Nakangiwing saad ni Aexniqn na ikinatawa ko.

"Tsk! Bakit kaba kasi nandito? Pati kama ko pinipintasan mo pa!" Pag tatanggol ko sa kama ko na talaga namang napaka tigas. Nakangiwi naman akong tiningnan ni Aexniqn. "Nakalimutan mo na ba na mag sisimbang gabi tayo?" Ngiting ngiti na saad ni Aexniqn.

Tinaasan ko naman sya ng kilay. "Ano naman kung mag sisimbang gabi tayo? Napapagod na ako sa buong araw na ginawa namin ni antipa-----" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nung biglang sumigaw si Aexniqn.

"Sabi na, eh! Sabi na eh! May gusto ka sa Ex crush ko then binigay mo kay Ezequiel ang bataan! Paano ang position ng pag versace on the floor nyo?! Mas maganda ba at mas magaling ang lalaking dito sa pana-----" hindi ko na sya pinatapos, pinatukon ko sya ng napaka lakas na ikinanguso nito.

"Tumahimik kanga baka may makarinig sayo!" Iritang saad ko. Humagakhak naman si Aexniqn. "Tara na kasi Reighn! Simbang gabi na tayo! Ayaw mo bang sumama? Ayaw mo bang makita si Ezequiel Buenaventura mo?" Ngiting ngiti na saad nito.

Tinaasan ko sya ng kilay. "Ano bang connect ni antipatiko sa pag sisimbang gabi ko? Saka pwede ba! Ayaw kung sumama masakit mga katawan ko! Nakakapagod kayang mag gala buong mag hapon!" Pag tataboy ko kay Aexniqn tumawa naman ito nama'y ngisi.

"Sayang ang pag kita nyo ni Ezequiel, Reighn! Ano namang sasabihin ko kay Ina, ha?" Nakangising saad ni Aexniqn. Nag talukbong ako ng kumot. "Sabihin mo masakit ang ulo ko." Saad ko kay Aexniqn.

"Ok! Ok!" Natatawang saad nito. Narinig ko nalang ang pag bukas at pag sara ng pinto. Nakangiti kung tinanggal yung kutsyon na tinaklob ko sa mukha ko.

Mukhang wala nang istorbo sa pag tulog ko. Nakangiti kung kinuha ang isang unan sa gilid at siniksik ang ulo ko doon. Hindi pa napipikit ang mata ko pero may kumatok agad na sunod sunod.

Inis na inis kung tiningnan ang pinto. Tsk. Huwag na lang kaya akong mag palagay ng pinto?

"Bukas." Walang ganang saad ko. Nang mag bukas ang pinto ay niluwa ang nag aalalang si Ina. "Eeya anak, may masakit ba sayo? Sabi ni Elisabet ay may sakit kadaw." Nag aalalang saad ni Ina.

Nakangiti akong umiling sakanya. "Ayos lang po, napagod yata ako kanina." Kamot ulo kung saad. Tumango tango si Ina, nandoon padin ang pag aalala sa mukha nya. "O sya, nais mo bang hindi na ako sumama para may kasama karito sa mansyon?" Nakangiting saad ni ina.

Umiling iling ako. "Ayos lang po ako, mag simba na po kayo, itutulog ko lang ito." Nakangiting saad ko kay Ina. Tumango tango si Ina at hinaplos ang pisnge ko. "Sige ipahinga mo na lamang yan, kapag may kailangan ka anak, huwag kang mag alinlangang tawagin si Liwayway, ha?" Tumango tango pa si Ina.

Ang dami nyang sinabi bago lumabas sa pintuan. Huminga ako ng malalim at muling nag kumot. Ilang minuto lang ay narinig ko na ang mga kabayong nag si alisan.

Mukhang naka alis na sila Ina.

Hayahay na ang dulog ko nito. Nakangiti ko uling yinakap yung unan. Pinikit ko ang mata ko at dinamdam ang lambot ng unan. Buti naman malambot yung unan, kung matigas pa ito baka sa sahig nalang ako matutulog.

Nakangiti kung pinikit ang mata ko.

Napangiwi ako nang hindi na ako makaramdam ng antok. Inis akong lumipat ng pwesto. Nang hindi ako komportable sa pwesto ay dumapa ako. Muli akong umikot. Humiga ako ng kalahati. Umusog ulit ako. Nang muntik na akong mahulog ay inis kung sinipa sipa yung mga unan ko sa gilid.

Humiga ako ng pabaliktad. Yung paa ko ay nasa ulo ng kama samantalang ang ulo ko ay nasa dulo ng kama. Nang makarandam ako ng komportable ay napangiti ako.

Kinuha ko ang unang sinipa ko bago niyakap ito. Ipipikit ko na sana ang mata ko kaso may biglang lumagabog sa bintana ko. Inis kung tiningnan ang bintana ng wala ng bumato don ay muli kung pinikit ang mata ko.

Hindi ko pa napipikit ang mata ko nung bigla nanamang may bumato doon. Halos umusok na ang ilong kung tiningnan ang bintana. Sino naman kaya ang walang hiyang bumabato sa bintana ko?

Nang muling may bumato doon ay inis akong tumayo. Nausok ang ilong ko habang lumalapit sa bintana. Dahan dahan kung binuksan ang bintana. "Sinong hangal ang bumato sa binta----!" Hindi ko na natapos ang ssabihin ko nung biglang may pumasok na maliit na bato sa bunganga ko.

Napahawak ako sa lalamunan ko habang niluluwa ang batong naka pasok sa bibig ko. The hell? Hindi lang pala lamok ang pumapasok sa bibig ko kung hindi bato. Tsk. Nang maluwa ko yun ay napatingin ako sa baba ng bintana ko ng makarinig ako ng mahinang pag hagikhik. Napataas ang kilay ko nung makita si antipatiko.

Biglang umosok ang ilong ko habang nakatingin sakanya sa baba. "Hindi kalang istorbo! Ginawa mo pa akong si darna! Walang hiya ka!" Malakas na saad ko kay antipatiko. Napatigil naman sya sa pag tawa nung biglang may lumapit na mga Guardia na Civil sa baba ng bintana ko.

"Señorita?! Ano ang narinig naming ingay?!" Alistong saad ng isang Guardia na Civil. Mabilis akong umiling iling. Tiningnan ko pa sa gilid ng mata ko si antipatiko na naka tago sa likod ng puno ng mangga. "Wala may engkanto lang akong nakita ang ibig kung sabihin ay nagulat lang ako nung makita ko ang hindi buong buwan." Nakangiting saad ko. Sabay sabay kaming napatingin sa langit.

Napabuga ako sa hangin nung makita ang hindi buong buwan. Huuu! Buti nalang at naka lusot. Sabay sabay na tumango si antipatiko. "Kung ikaw ay may kailangan Señorita, huwag kang mag alinlangang tawagin kami." Tumango ako sa mga Guardia na Civil. Hinintay kung maka alis sila bago tiningnan ng napaka sama si antipatiko.

"Humanda ka sa akin." Umuusok ang ilong na saad ko kay antipatiko. Tinaas ko pa ang kamao ko sakanya kung kaya't ikinatawa nya. Wala ba syang nararamdamang takot, ha? Kahit buto buto ako kaya kung makipag squaran!

Kinuha ko yung belo ko sa gilid bago pinalibot yun sa dibdib ko. Naka suot na kasi ako ng pantulog. Ang astig nga ng pantulog dito sa panahon. Para ka kapong prinsesa. Sa bahay ang mga Señorita at Señorito dito ay parang prinsipe at prinsesa. Ang unfair naman sa mahihirap right?

Napahinto ako sa pag palalakad nung may mag salita sa likod ko. "Señorita? San kapaparoon?" Napakagat ako sa ibaba kung labi nung marinig ang boses ni liwayway. Kagat labi kung nilingon si Liwayway. "A-ah...." kagat labing saad ko na nag pataas ng kilay ni Liwayway.

"Señorita may kikitain ba kayo?" Taas kilay na saad nito. Mabilis akong umiling iling.  "A-ano bang sinasabi mo? Mag papahangin lang ako sa labas kaya huwag kanang mag tanong " Mataray na saad ko kay Liwayway, inirapan ko sya ng mag sasalita pa sya. "Huwag mo akong tanungin, hindi kita amo." Mataray na saad ko kay Liwayway bago nag lakad sa hagdan.

Nang makababa ako sa hagdan ay napa hawak ako sa dibdib ko. Napatingin pa ako sa taas ng hagdan baka sundan ako ni Liwayway. Napabuga ako sa hangin nung hindi sya sumonod. Buti nalang hindi sya sumonod. Kailangan lang pala ng pag tataray para hindi na mag tanong ng mag tango. Tsk.

Nang napatingin ako sa may pinto ay biglang umusok ang ilong ko nung maalala ang pakay ko kaya ako bumaba. Tsk. Humanda ka sa akin antipatiko. Dahil sayo nalasahan ko ang batong may toppings na Ew.

Nakakuyom ang kamay ko habang tumatakbo sa pintuan ng mansyon. Luminga linga ako. Baka kasi may tao, o Guardia na Civil. Mahirap na. Mabilis akong tumakbo sa kanan.

Napahinto ako nung makita ang kwarto ko. Lilinga linga sana ako pero may nag takip sa bibig ko at hinila ako papunta sa kakayuhan. Halos hindi ako makahinga habang hatak hatak ako ng pamilyar na amoy. Nang mabitawan ako ni antipatiko ay tiningnan ko sya ng sobrang sama.

"Pinalunok mo na nga ako ng bato, hinila mo pa ako na par-----" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nung bigla akong hilahin ni antipatiko. Sinandal nya ako sa puno nang narra habang ang kamay nya ay nakatakip sa bibig ko.

Halos hindi na ako makahinga sa sobrang lapit naming dalawa. Nakita kung may tinitingnan sya sa gilid kaya napatingin ako sa tinitingnan nya. Nakita ko ang dalawang Guardia na Civil namay hinahanap.

Nag uusap yung dalawa sa salitang Español kaya hindi ko maintindihan. Pero mukhang sa kilos nila ay may hinahanap sila. At nakaka sigurado akong kaming dalawa yun ni antipatiko. Aish. Sabi ko nga hindi na ako sisigaw.

Ilang minuto lang ay nakaalis na yung dalawang Guardia na Civil. "Muntik na tayo doon Eeya." Bulong sa akin ni antipatiko sa tenga ko na nag bigay ng libo libong bultahe ng kuryente sa katawan. Tumikhim ako ng mahina. "A-ang lapit." Halos mawalan na ako ng hininga para masabi yun.

Mabilis nya naman akong binitawan. Umiwas sya ng tingin nung mag tama ang mata namin. Tsk. Ang awkward naman. "E-Eeya patawarin mo s-sana ako sa muling pag l-lapit ko sayo na wala ang i-yung pahintulot." Kabadong saad nito na nag pangiwi sa akin.

Ganto ba ang lahat ng lalaki dito? Natatakot sila kapag napapadikit ng napaka lapit sa babae? Kung Oo sana all merong etiquette. Sana mag karoon din ng Etiquette sa mga babae ang mga lalaki sa panahon namin.

Tsk. Nakakahiya talaga sa mga PDA na kabataan. Hindi na mahiya. May pa halik halik pa, yakap yakap. At akala mo mag jowa wala namang label tsk.

Natatawa kung sininghalan si antipatiko. "Ayos lang ito naman. Saka mag kaibigan naman tayo diba?" Nakangiting saad ko sabay lahat ng maliit na kamay ko sa harap ko. Kunot nuo nya naman yung tiningnan. "Ano yan Eeya?" Nag tatakang saad nito.

Nakangiti kung kinuha ang kamay nya at pinag dikit ang maliit naming daliri. "Mag kaibigan tayo kahit anong magyari." Nakangiting saad ko. Sunod sunod namang tumango si antipatiko. "Mag kaibigan tayo kahit anong mangyayari." Pang gagaya nya sa sinabi ko habang may ngiti.

Hm, mag kaibigan kami kahit anong mangyari. Tsk.

"ESTELA ASUNCION! DIBA maaga kang natulog kagabi? Bakit puyat na puyat ka?" Nakangising saad ni Aexniqn sa akin. Namimili ako sa closet ni Estela, ang issue ay para akong zombie kung mamili. Paano ba naman? Si Antipatiko nakipag late night talks sa akin.

Muntik pa nga kaming mahuli kagabi, tsk. Buti nalang magaling akong mag dahilan.

Inirapan ko si Aexniqn habang nag kakalkal parin sa closet ni Estela. "Tumahimik kanga dyan, ang ingay mo." Mataray na saad ko. Humagakhak naman sya ng napaka lakas. "Ano naman ang nag papuyat sayo Estela Asuncion? Sumobo kaba ng hot----" hindi ko na sya pinatapos binato ko sya ng saya.

"Shut up, baka may makarinig sayo at ano pa ang sabihin nila." Iritang saad ko sabay irap. Humagakhak naman si Aexniqn na nakaka asar. "Meron kaba ngayon Estela Asuncion? Ang init ng ulo mo buti nalang ako hot." Natatawang saad nito napairap nalang ako sa hangin.

"Oo nga, sa sobrang hot mo mukha kang lantang halaman, walang dilig." Natatawang saad ko na nag pa-poker face kay Aexniqn. Wala pang minuto ay napalitan na ito ng ngisi. Ngisi ngisi syang lumapit sa akin. "Bakit ikaw? Nadiligan kaba Estela Asuncion? May dumilig ba sayo?" Nakangising saad nito habang ang mukha nya ay parang demonyo na ewan.

Tinaasan ko sya ng kilay sabay ikot ng mata. "Tsk, hindi ko na yun kailangan, fresh ako kahit walang dilig." Mataray na saad ko. Napapalakpak naman si Aexniqn na parang timang. "Wow, wow, grabe ka naman Reighn." Hindi makaniwalang saad nito, tinarayan ko ulit sya.

"Pwede ba, wala ako sa mood ngayon kaya lumayas layas kana." Pag tataray ko. Pake nyo ba? Trip kung mag ta-ray eh. Saka may nafe-feel ako something kay Aexniqn na hindi ko alam kung ano. Basta something sya na nararamdaman.

"Awit sana all, bumaba kanalang may pupuntahan daw tayo nila Ina." Nakangiting saad ni Aexniqn kinuha nya yung pamaypay nya sa gilid bago nag lakad na akala mo ay Maria clara. Napailing nalang ako sa inakto nya. Parang hindi sya eh.

Nang matapos akong mag hanap ng susuotin ay naligo ako. Katulong ko sa pag ligo si Liwayway. Sya rin ang nag ayos sa akin. Hindi ko nga lang sya kinakausap dahil tinatamad ako. Hindi rin sya nag sasalita kaya wala na akong planong kausapin sya.

Nang matapos akong ayusan ni Liwayway ay agad akong bumaba. Nakita ko si Esteban, Ina, Andrea, at Aexniqn na nag kukwentuhan sa sala. Wala si Ama siguro na sa kwarter na ang tawag pala ay Munisipyo. Tsk? Kasalanan ko bang dito lang ako nakakita ng Munisipyo?

"Magandang umaga sa panget kung kapatid." Nakangiting saad ni Esteban, inirapan ko ito. "Magandang umaga Eeya." Nakangiting saad ni Andrea. Palagi syang nasa mood, ha? Sana all.

"Magandang umaga Anak, nais mo nang mag umagahan? Ipag hahanda kita kay Liwayway." Nakangiting saad ni Ina. Lumapit sya sa akin at hinalikan ang pisnge ko. Umagahan? Need ba talaga yun? Sa panahon namin I mean sa panahon ko hindi na kailangan yun. Tsk. Sayang sa oras siguro mag Starbucks nalang or mag Apple. Pero her? Need talaga ang pag eat kapag umaga. Ewan ko kung bakit.

Mabilis akong umiling kay Ina. Total naman baka tumaba ako kaya huwag. Sayang ng hubog ko kapag tumaba ako tsk. "No nee--Huwag na po Ina, saan po ba punta natin?" Nakangiting saad ko. Tumawa naman ng puno ng sarkastika si Esteban. "Sa wakas! Ang aking kapatid na bunso ay hindi mag uumagahan! May himala na talaga si Tala." Parang hibang na saad ni Esteban.

Nakangiwi ko lang syang inirapan. Nakita ko ang pag iling ni Ina sa mga pinag sasabi ni Esteban.  "Pupunta tayo sa patahian ni Don Renaldo, may ilang minuto pa tayo para mag handa sa pag alis sapagkat pupunta rito ang Pamilya Buena-----" hindi na natapos ni Ina ang sasabihin nya nung may kalesang huminto sa tapat ng pintuan ng mansyon.

Sabay sabay kaming napatingin sa pinto, nag lapitan agad ang mga tagapagsilbi para buksan ang malaking pinto. "Halika sa lubugin natin ang mga Buenaventura." Nakangiting saad ni Ina. Tumango nalang kami at sumonod.

Tsk. Sinasabi palang ni Ina kung sino ang padating andyan na agad. Wala bang paspecial effect? Saka tsk. Makikita ko nanaman si antipatiko.

Halos buong araw kaming mag kasama? Tapos ngayon mag kasama nanaman kami? Tsk. Wala man lang bang bago? Just kidding.

Nang makalabas kami sa pintuan ng mansyon ay nakita ko ang pag baba ng nakangiting si Donya Adelle, ang mahinhin na pag baba ni Eva Maria at ang nakangiting parang kumakandidatong si antipatiko. Tsk? Need ba talaga ang ganong ngiti?

Yung ngiting pang model?

Yung parang nasa commercial ng toothpaste?

Need ba talaga ng ganon na ngiti?

Kung Oo, edi ta-try kung ngumiti ng ganon. Gwapo syang tingnan doon, eh. Siguro gaganda din ako kapag ngumiti ako ng ganon. Eheeem! Maganda na pala ako kaya no need.

"Buenos dias amiga, buenos dias joven Andres." [Magandang umaga amiga, magandang umaga din sainyo mga batang Andres]

Nakangiting saad ni Donya Adelle na ikinangiwi ko. Andres lang ang naintindihan ko, tsk. Ano naman ang sinasabi ng magandang Donya na ito? Baka sinasabi nyang maganda ako? Pero bakit Joven? Joven ba ang pangalan ko o nickname? Kung nickname naman? Eh, Eeya nickname ko kaya impossible na----Ah basta! Gawing impossible basta maganda ako.

"Magandang umaga Don-----Ina..." Nakangiting saad ni Antipatiko na ikinatili ng dalawang Donya. Napairap lang ako. Ano naman ang nakaka tili don? "Magandang umaga sainyo Señorita Elisa Andrea, Señorita Elisabet Asahara, sayo din Estaban at lalo na sayo Eeya." Nakangiting saad nito nang mag tama ang tingin namin.

Tinaasan ko sya ng kilay ng kinahagikhik nya. Kaya lalong napataas ang kilay ko. Ano namang nakaka tawa sa pag taas ng kilay? "Mukha mo Eeya parang mangangain ng tao, sige puyat pa." Natatawang saad ni Esteban sa tenga ko. Mabilis akong umiwas ng tingin kay Antipatiko sa hindi malamang dahilan.

Napakagat pa ako sa ibaba kung labi bago inayos ang mukha ko. Nakakahiya. Baka mukha talaga akong zombie. Narinig ko ang bulungan ni Andrea at Aexniqn kaya napataas ang kilay ko. Sinamaan ko sila ng tingin. Na ikinatakip nila ng bibig at mahinang pag tawa.

"O sya amigqa, Veamos a Don Renaldo coser mucho más." [Tara na marami pang tatahiin si Don Renaldo.] Natatawang saad ni Ina. Napangiwi ako nung peke silang tumawa. Humagakhak pa si Estehan na akala mo ay walang bukas.

Tsk? Don Renaldo lang naintindihan ko, eh? Ano namang meron sa Don nayon kaya sila natawa? Wala man lang ba akong interpreter? Hindi ko maintindihan ang pinag uusapan nila eh, paano ako nanatawa nito kung wala akong maintindihan?

"La hija, Eva María, Elisabet Asahara y Elisa Andrea están contigo en el segundo carro." [Iha, Eva maria, Elisabet Asahara, at Elisa Andrea ay doon kayo sa pangalawang kalesa] Ngiting ngiti na saad ni Donya Adelle. Wala man lang akong naintindihan kung hindi yung Carro?

Ano namang gagawin sa Carro?

Sino naman yung patay?

Diba yung Carro? Yung sinasakyan ng patay?

Tawag ko nga doon ay Carro ng patay, eh. Tsk.

Nakangiti namang tumango tango yung tatlo. At parang mga tunay na Binibini silang umakyat sa pangalawang kalesa. Tsk. Kung si Andrea at Eva Maria pwede ko bang masabing mahinhin. Eh kasama si Aexniqn kaya may kasamang pinsan. Tsk.

"Eh Ina pano naman ako?" Parang batang saad ni Esteban na ikinangiwi ko. Ano namang pano na sya? Nahinga panaman sya diba? "Iho doon ka sa amin, diba Amiga Esther?" Ngiting ngiting saad ni Donya Adelle. At doon ko na narealize ang mga pinag sasabi nila.

"I-ina?" Parang ayaw na saad ni Antipatiko kaya napataas ang kilay ko. "Oh anak bakit?" Nakangiting saad ni Donya Adelle. Para silang demonyo ni Ina, tsk. "Kayo naman Iho ay mag kasama ni Estela Asuncion sa pangatlong kalesa, maaari nyo ding gawin ang inyong nais." Kinikilig na saad ni Ina na ikina poker face ko.

"N-ngunit I-ina----" hindi na natapos ni antipatiko ang pag rereklamo nya dahil parang teenager na pumanhik ang dalawang Donya sa kalesa. Napangiwi nalang ako sa inakto nila. Nakita ko ang pag andar ng dalawang kalesang pag mamay ari ng Buenaventura na ngayon ay sakay sakay na ni Ina.

May huminto namang kalesa sa tapat namin. Tsk. Alam na. Sabi na, eh. Napanood ko na ito sa Tv.

Nakita ko ang kabadong pag tingin sa akin ni Antipatiko. Mukhang first time nya lang sasakay sa kalesa na kasama ay babaeng hindi nya naman kadugo. Tinaasan ko sya ng kilay bago inirapan. Puyat ako ngayon. Wala akong ganang makipag usap, tsk.

Nanguna akong sumakay sa kalesa. Muntik pangang tumagilid yung kalesa papunta sa akin nung pag hakbang ko nang isang paa ko. Tsk. Buti nalang mas mabilis pa ako sa kidlat na naka akyat sa kalesa. Narinig ko ang mahinang pag tawa ni antipatiko kaya sinamaan ko sya ng tingin.

Pailing iling syang umaakyat dito sa kalesa. Nang maka akyat sya ay sinara nya ang pinto na ikina andar ng kalesa. Tiningnan ko sya ng makitang nakatingin sya sa akin na akala mo ay mangangain ako ng tao. Tsk.

Mukha ba akong aswang?

Hindi naman ah?

Inirapan ko sya at sinandal ang ulo ko sa sandalan, malamang. Pinikit ko ang mata ko dahil antok na antok talaga ako. "Hindi ako aswang, kahit puyat ako hindi kita kakainin." Naka pikit na saad ko habang naka sandal ang ulo sa sandalan ng inuupuan ko.

Inabot ko sakanya yung pamaymay na hawak ko. Kaparehas yun ng damit ko. Tsk. Bakit ba kailangan kung nag dala ng pamaypay? Hindi naman ako lola, ha? Saka hindi ako mag sisimba para mag dala ng pamaypay.

Diba kaya lang nag dadala ng pamaypay sa simbahan dahil naiinitan sila?

Napabukas ang mata ko nung maramdamang hindi kinuha ni antipatiko ang pamaypay na hawak. Tinagilid ko ang ulo ko para makita sya. Napatingin ako sa tinitingnan nya. Nakatingin sya sa pamaypay na hawak ko habang naka kunot ang nuo.

Napangiwi ako sa inakto nya. "Kunin mo." Kunwaring inis na saad ko. Wala naman akong kinakainis ah? Kaya trip ko lang mag inis. Kunot nuo nyang kinuha ang hawak kung pamaypay. "Eeya? Baka ibigay mo nanaman sa akin ang iyung pamaymay." Natatawang saad nito kaya tinaasan ko sya ng kilay.

Ay? Nasa kanya pala yung pamaypay na hawak hawak ko nung pumunta ako sa kwarter na Munisipyo pala ang tawag? Akala ko nawala na, eh. Tsk. Nasa kanya lang pala.

Inirapan ko sya. "Wala akong sinabing ibibigay ko yan." Mataray na saad ko. Kumikinang ang kanyang mata na tiningnan ako bago ang pamaypay. "Kung ganon? Ano ang aking gagawin saiyong pamaypay?" Natatawang saad nito.

Nakangiwi ko syang pinakaikutan ng mata. "Paypayan mo ako yun ang ibig sabibin nun." Seryosong saad ko sakanya. Tiningnan naman nya ako ng nag tataka. Bago mahinang tumawa. "Ikaw ba ay seryoso Eeya?" Hindi makapaniwalang saad nito.

Tinaasan ko sya ng kilay sabay tango. "Oo, seryoso ako. Inaantok ako kaya matutulog ako may angal?" Mataray na saad ko kay antipatiko. Tiningnan nya muna ako bago mahinang tumawa. Binuksan nya ang pamaypay ko bago sunod sunod na tumango. "Masusunod Señorita, ikaw ay aking papaypayan, maaari kanang matulog." Hindi ko alam kung may halong sarkastika bayon o wala.

Tinaasan ko sya ng kilay bago inirapan. Sinandal ko ulit ang katawan ko sa sandalan bago pinikit ang mata. Tsk. Mahirap talagang maging antukin. "Mas nag mumukha kang Anghel pag ikaw ay naka pikit Eeya." Natatawang saad ni Antipatiko. Muli akong nag bukas ng mata.

Tiningnan ko sya ng napaka sama habang ang kilay ko ay nakataas. "Huwag mo akong titingnan, may bayad pag tititig ka sa akin." Mataray na saad ko bago pumikit. Humagakhak ng tawa si antipatiko. "Kakaiba kang binibini Eeya." Natawang saad nito.

Sininghalan ko lang sya. "Lakasan mo naman para kang hindi pinapakain ni Donya Adelle." Nakangiwing saad ko. Humagakhak naman ito. Tsk. Ang dami nyang tawa no? "Iyo pang dinamay si Ina sa iyung kasalanan." Napabukas ako ng mata nung marinig ang kasalanan.

FYI? Kailan ako nag karoon ng kasalanan? At kasalanan? Anong kasalanan?

Tinaasan ko sya ng kilay. "Ano namang kasalanan yang sinasabi mo aber?" Mataray na saad ko sakanya. Nakangisi syang nag kibit balikat habang pinapaypayan ako. "Kasalanan ang pag pupuyat diba?" Inosenteng saad nito.

Pinag kunutan ko sya ng nuo. "Saan mo naman nakuha yan?" Nakangiwing saad ko. Nag kibit balikat ito. "Nabasa ko sa bibliya na kapag mag pupuyat ka na hindi para sa dyos ay isa itong kasalanan."

Seryosong saad nya. Nakangiwi akong tumango tango. "Sabagay demonyo kanaman, eh. Nakipag usap ako sayo kagabi kaya makasalanan na ako." Nakangiwing saad ko na ikinahagakhak nya lalo.

"Tsk! Huwag mo nga akong kausapin! Baka mag karoon ako ng malaking kasalanan, eh!" Inis kunwaring saad ko na nag pahagakhak sakanya. Humagipgip ako sabay cross arms naka sandal na ulit ako sa sandalan. "Matutulog na ako kaya huwag kanang maingay, pwede?" Irita kung saad. Wala talaga syang tigil sa pag tawa, eh.

Sunod sunod itong tumango. "Opo Señorita Eeya, mag pahinga napo kayo, sana'y hindi kana magising." Magalang pero walang kwentang saad nya. Sinamaan ko sya ng tingin na ikinatiklop ng bibig nya. "Umayos ka." Mag babanda ko sakanya. Pinikit ko ang mata ko. At buti nalang hindi na sya nag ingay.

Bago pa kainin ng dilim ang buong katawan ko ay naramdaman ko ang pag sandal ko sa isang malambot na bagay. At saka nag dilim ang lahat.

"Andito lang ako sa iyung tabi, Señorita Eeya."



***

Opps! Sorry sa ngayon lang na update! Grabe masakit kasi ang ulo ko. Wala akong panlasa. Makati lalamunan at katawan ko. Napaka bigat ng katawan ko grabe. In short wala akong Covid. Napasma lang ako at natunsil yun lang yun huwag kayong OA. HAHAHA hindi na po ako bibili ng chocolate charr! It's already 10:36 pm na ng March15, 2021! Good night I labyou moons!

Continue Reading

You'll Also Like

549K 27.4K 75
Wattys 2020 Winner "Sometimes your FUTURE is not in your TOMORROW but in someone else's YESTERDAY." Book Cover Illustration from Pinterest: https:...
1.1M 4.3K 69
Ang Noli Me Tángere ay isang nobelang isinulat ni Jose Rizal, at inilathala noong 1887, sa Europa. Hango sa Latin ang pamagat nito na may kahulugang...
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
56.5K 2.9K 59
Dagmar Zania has it all. Wealth, family business, beauty, personality, and intelligence. She is an epitome of a perfect daughter any parent could wis...