Hunter Online

By Penguin20

1.8M 181K 114K

Online Game# 2: MILAN X DION More

Hunter Online
Prologue
Chapter 1: The Popular Game
Chapter 2: Unexpected Talent
Chapter 3: Welcome to the Game!
Chapter 4: First Quest
Chapter 5: New Record
Chapter 6: The Kings Arrival
Chapter 7: Richard's Request
Chapter 8: Game Plan
Chapter 9: Ogre Raid
Chapter 10: Eyes on Her
Chapter 11: What the Cat?!
Chapter 12: No Peeking
Chapter 13: Scout her
Chapter 14: The Girl with Potential
Chapter 15: The Three Faction
Chapter 16: Still a No
Chapter 17: Booth Camp
Chapter 18: Observe the Pro
Chapter 19: Facetime
Chapter 20: The Executioner
Chapter 21: This is E-Sport
Chapter 22: My Decision
Chapter 23: Official Member
Chapter 24: Terms and Policies
Chapter 25: Pressure is On
Chapter 26: First Live
Chapter 27: Battle Lineups
Chapter 28: Sacrifices
Chapter 29: Meeting the Dragon
Chapter 30: Professional Match
Chapter 31: Match Result
Chapter 32: Striker Class
Chapter 33: Preparation
Chapter 34: Summer Cup Players
Chapter 35: Getting Comfortable
Chapter 36: Announcement
Chapter 37: Interview
Chapter 38: Start of Tournament
Summer Cup Match Schedule
Chapter 39: Battle Cry Vs. Sparks Again
Chapter 40: Mini Celebration
Chapter 41: Battle Cry VS. Laxus Familia
Chapter 42: Bond of Three Sides
Chapter 43: Battle Cry VS. Rising Hunters
Chapter 44: Battle Cry VS. Optimal Ace
Chapter 45: Teams who Overcome
Chapter 46: Battle Cry VS ALTERNATE
Chapter 47: Smile and Tears.
Chapter 48: Sorry
Chapter 49: Departures
Chapter 50: Sweet Goodbye
Chapter 51: Selection
Chapter 52: Part ways
Chapter 53: Homely
Chapter 54: Plan for Event
Chapter 55: Temple of Cuatal
Chapter 56: Connection
Chapter 57: Platonic
Chapter 58: Chimera
Chapter 59: Typhoon
Chapter 60: Stream for a Cause
Special: Stream for A Cause
Chapter 61: Start of Class
Chapter 62: Charity Event
Chapter 63: Invitation
Chapter 64: Orient Crown
Chapter 65: Chocolates
Chapter 66: Captain
Chapter 67: Beer and Talk
Chapter 68: Scouting Ways
Chapter 70: Night Drive
Chapter 71: Monster Rookie
Chapter 72: Rookie Tournament
Chapter 73: Comfort Person
Chapter 74: Online Class
Chapter 75: Knightmare
Chapter 76: Reconciliation
Chapter 77: Admit and Realize
Chapter 78: Crossing the Line
Chapter 79: Be Bold, Gold!
Chapter 80: Orient Crown VS. Laxus Familia
Chapter 81: Feel the pressure
Chapter 82: Birthday Gift
Chapter 83: The Promise
Chapter 84: Being Comfortable
Chapter 85: Zero Chance
Chapter 86: Interview
Chapter 87: Home
Chapter 88: Hectic Schedule
Chapter 89: Holy Trinity
Chapter 90: Orient Crown VS. Dark Sonata
Chapter 91: Date Night
Chapter 92: Asset of the Team
Chapter 93: Little Crown
Chapter 94: Error and Luck
Chapter 95: More Intact
Chapter 96: Love Language
Chapter 97: Sparkle
Chapter 98: Public Opinion
Chapter 99: Girl Friends
Chapter 100: Rhythm of Game
Chapter 101: Home
Chapter 102: Tainted Image
Chapter 103: Practice Game
Chapter 104: Game Adjustment
Chapter 105: Orient Crown Vs. Devil Lions
Chapter 106: Breakup
Chapter 107: Unexpected News
Chapter 108: Plan and Escape
Chapter 109: Preparation for the Match
Chapter 110: Royals Against Wolves I
Chapter 111: Royals Against Wolves II
Chapter 112: Victorious Moment
Chapter 113: Meeting the Wolves
Chapter 114: Busy Day
Chapter 115: Start of Break
Chapter 116: Her Birthday I
Chapter 117: Her Birthday II
Chapter 118: Her Birthday III
Chapter 119: Back to Normal Life
Chapter 120: Hunter Online World
Chapter 121: Connection
Chapter 122: Under the Night Sky
Chapter 123: Back to Boothcamp
Chapter 124: Mall show
Chapter 125: Double Date
Chapter 126: Double Date II
Chapter 127: Start of the Tournament
Chapter 128: Dream Stage
Chapter 129: Before the Rain
Chapter 130: Key holder
Chapter 131: Orient Crown VS. ALTERNATE I
Chapter 132: Orient Crown VS. ALTERNATE II
Chapter 133: The Next Opponent
Chapter 134: Our Card
Chapter 135: Trouble and Savior
Chapter 136: Orient Crown VS. Daredevils
Chapter 137: Orient Crown VS. Daredevils II
Chapter 138: The Culprit
Chapter 139: Room Inspection
Chapter 140: Ungrateful Son
Chapter 141: Orient Crown VS. Rising Hunter
Chapter 142: The Trouble and Issues
Chapter 143: One Community
Chapter 144: Semi-finalist
Chapter 145: The Plan
Chapter 146: Orient Crown VS. Daredevils III
Chapter 147 Orient Crown VS. Daredevils IV
Chapter 148: Orient Crown VS. Daredevils V
Chapter 149: Fruit of Hardwork
Chapter 150: Before the War
Chapter 151: Orient Crown VS. Phantom Knights
Chapter 152: Encouraging Words
Chapter 153: Royals VS. Dragon I
Chapter 154: Royals Vs Dragon II
Chapter 155: Royals Vs. Dragon III
Chapter 156: Royals Vs. Dragon IV
Chapter 157: Celebration
Chapter 158: Going Home
Chapter 159: Surprise
Chapter 160: Offended?
Chapter 161: Update and Invitation
Chapter 162: Consider the Proposal
Chapter 163: Boss Raid Planning
Chapter 164: Medussa's Lair
Chapter 165: Christmas Vacation
Chapter 166: Baguio Trip
Chapter 167: Baguio Trip II
Chapter 168: Baguio Trip III
Chapter 169: Meeting her
Chapter 170: Girl from Past
Chapter 171: Yugto Pilipinas
Chapter 172: The Team and Coaches
Chapter 173: New Boothcamp
Chapter 174: Import Players
Chapter 175: Battle of the Best
Chapter 176: Clash of Best Players
Chapter 177: Change Role
Chapter 178: Appointed Captain
Chapter 179: Boss Dungeon Planning
Chapter 180: Underpass of Lost Hope
Chapter 181: The Brothers and Offer
Chapter 182: Pressure of New Role
Chapter 183: Gunslinger
Chapter 184: Another Rumor
Chapter 185: Team Vacation
Chapter 186: Cause of Confession
Chapter 187: The Issue and Outcome
Chapter 188: Embracing Solemn
Chapter 189: Solid as Diamond
Chapter 190: Against the Pioneer
Chapter 191: Yugto Pilipinas Vs. AllStar PH I
Chapter 192: Yugto Pilipinas Vs. AllStar PH II
Chapter 193: Catastrophizing
Chapter 194: Withdrawal of the Dragon
Chapter 195: Offer for Dion
Chapter 196: Reconnect with Friend
Chapter 197: The Missing Piece
Hunter Online Book 1 (Book version)
Chapter 198: The Opening
Chapter 199: The First Plan

Chapter 69: Recruitment

12.3K 1.4K 911
By Penguin20

Hey guys! If you have spare time, puwede bang makisuyo na ma-share ninyo ang Hunter Online sa Social Media accounts ninyo?

Malaking tulong iyon sa Writing journey ko, salamat, Pips! 🥺

IPINATONG ko ang ballpen sa ibabaw ng arm chair ko matapos kong masagutan ang exam namin sa Statistics. First quiz namin ito kung kaya't sinigurado ko talagang nag-review ako para rito.

Kahit tapos na ako sa exam ay hindi muna ako nagpasa ng test paper dahil hinihintay ko pa sila Shannah. Yumuko si Trace at bumulong. "Tapos ka na?" he mouthed.

"Oo." Bulong ko pabalik at napapatingin ako sa Professor namin para masiguradong hindi ito nakatingin sa aming direksyon.

"Test B number 2?" He mouthed once again.

I checked my test paper. Oh, classifying the level of measurement.

"Nominal Level." Bulong ko sa kaniya.

Ang seating arrangement namin ay nasa gitna ako nina Trace at Tomy habang nasa harap at likod ko sina Shannah at Clyde. Tiwala naman ako sa dalawa na kaya nila 'yong first quiz pero ito lang talagang si Tomy at Trace ang kinakailangan ng gabay para pumasa.

Napatingin ako kay Tomy at nasa last part na siya ng exam. Sinipa ko ang kaniyang paa para makuha ang atensiyon niya. I showed the last part of the exam, nilakihan ko talaga ang sulat ko para madali nilang mabasa. "Huwag ka lang pahalata." Bulong ko sa kaniya at kunwari akong yumuko na parang magsusulat at hinarang ang buhok ko sa view ni Ma'am.

The exam ended and luckily, nabigay ko 'yong sagot na hinihingi nila.

"Ang hirap noong exam, gago." Reklamo ni Trace habang pababa kami sa Department namin.

"Anong mahirap doon? Wala pa ngang solving iyong exam." Sagot ni Clyde sa kaniya.

"Anong wala? 'yong last part! 'Yong may population of the Study? Sample of the study? Ang hirap kaya noon!" Depensa niya.

"Hindi naman solving 'yon, ia-analyze mo lang 'yong given, nandoon na 'yong sagot." Paliwanag ko sa kaniya. "Ni-review ko sa 'yo 'yan bago magsimula 'yong exam." Paalala ko sa kaniya.

"Gaga ka, 'te, kailangan mataas na makuha mo sa First quiz!" Pananakot ni Shannah kay Trace. "May solving na 'yong mga susunod na exam, mahirap na bumawi." I nodded bilang pag-agree.

Sinabi ko nga, hindi ako madamot sa sagot mapa-friends man o blockmates. Nakaka-stress ang College life, sobra, ano ba naman na magtulungan kayong magkakaklase para pumasa, 'di ba?

"Puwede bang mag-Karaoke place tayo tapos matutulog ako?" Tanong ko sa kanila. Hello! Three hours vacant kami bago ang susunod naming klase. Kailangan kong bumawi ng tulog lalo na't nag-practice kami kagabi at matapos ang practice ay nagpuyat naman ako para mag-review.

Muntik na nga akong mag-breakdown dahil sa dami nang gagawin ko pero mabuti na lang at naitawid ko naman.

"Pero kakanta kami." Shannah said. "Sayang bayad, eh."

"Okay lang kumanta kayo. Kailangan ko lang ng idlip kasi ang bigat ng mata ko." Paliwanag ko sa kanila at nag-agree naman sila sa akin.

Actually last semester pa namin ginagawa na mag-rent ng room sa Karaoke Place tapos ay matutulog lang ang ilan sa amin. Kaysa mag-hotel kami! Sa karaoke place 80 pesos per hour lang tapos puwede ka nang matulog dahil malambot naman 'yong couch nila doon. Private room pa.

"Kumusta nga pala 'yong paghahanap ninyo ng team mates para sa bago ninyong team?" Clyde asked.

"Speaking, kailangan kong tawagan si Dion tungkol doon." I grabbed my phone on my bag. "Mag-Pro league na kasi kayo, galingan ninyo sa paglalaro." Pamimilit ko.

"Tanginang 'yan, alanganin na nga ako sa Statistics, unahin ko pa ba 'yan?" Natawa kami sa sinabi Trace. "Ga-graduate ako on time, kine-claim ko na. Bakit hindi ninyo i-scout 'yong sumisikat na players ngayon... Balita ko kagabi ay nakatapos sila ng dalawang boss raid, they beat No Mercy Esports and Laxus Familia's record."

"OMG! Anong username nila?"

"Ayon lang, hindi ko alam. Kinuwento lang sa akin noong kaibigan ko sa kabilang section." Napasimalmal ako at natawa si Trace.

"Ekis na 'yon, may team na sila." Pagsali ni Clyde sa usapan namin. "Nakalimutan ko ang pangalan ng team nila pero hindi rin sikat. Mga underrated players."

Napabitaw ako ng malalim na buntong hininga. "Sayang naman. Sana this week ay makahanap kami kahit tatlong players."

"But there is a player in the game na pinag-uusapan sa cafe ko." Shannah said. Oo nga pala, pinangatawanan niya talaga ang pagiging mervhant at cafe owner niya sa game kung kaya't kung mayroon man sa aming lima ang madalas na nakaririnig na information patungkol sa kung sino-sinong players ay si Shannah iyon.

"Anong klaseng player daw ba siya?" I asked.

"He is collecting rare items tapos binebenta niya raw sa mataas na halaga, eh. Solo player." Wow, ang hirap mangolekta ng mga rare items kapag solo player ka lang. Kami ngang duo ni Dion ay nahihirapan na kaming dalawa, eh.

"Alam mo 'yong username niya?" I asked because of my curiousity.

Nakuha niya agad ang interes ko noong marinig ko na nangongolekta siya ng rare items alone. Tapos ay binebenta niya pa ito sa ibang players, that player knows how to play the game

"Wait bakla, alalahanin ko." Shannah snapped her finger as she try to remember it's username. "Knightmare! Ayon! Knightmare ang tawag sa kaniya ng ibang players."

"Try to scout him," Clyde smiled. "Wala pa siyang team na nasasalihan."

Habang naglalakad kami papunta sa Karaoke place ay tinawagan ko si Dion para makausap sa bagong player na na-discover ko.

May mga list naman na ibinigay sa akin si Dion kaso uhm... Yeah, they are strong pero wala ng unique sa play style nila. Ang gusto kong kuhanin na player ay 'yong may substance, 'yong mabibigyan kami ng bagong kaalaman sa game.

"Napatawag ka?" Dion asked on the other line at mukhang nakatambay siya sa sala dahil naririnig ko ang ingay ng TV sa kabilang linya. "Kumusta exam mo?"

"Tapos na."

"May nasagot ka naman?"

"Mayroon naman kaso nalito lang ako sa level of measurement na part ng exam. Pero feeling ko naman makakapasa ako. Balak naming pumunta sa Karaoke Place para matulog. Wala pa akong tulog." Mahaba kong litana sa kaniya at natawa siya sa kabilang linya. "Alam mo, nakakatamad mag-rant sa 'yo, tinatawanan mo lang ako."

"Wait, bakit may ingay nang sasakyan? Naglalakad ka ba habang tumatawag?"

"Yup."

"Siraulo ka. Mamaya ka na tumawag, baka mamaya masagasaan ka pa sa ginagawa mo." He ended the call at napatingin na lang ako sa screen ng phone ko.

"Bastos kausap." I rolled my eyes.

Napalingon ako kay Shannah at nakangiti siya sa akin. "Diary mo ba si Dion, 'te? May pag-update?"

Napailing ako. "Nagkuwento lang ako."

"Okay sabi mo." Umangkla si Shannah sa braso ko ar humabol kami sa paglalakad ng Kulokoy boys. "Bilisan na natin, kantang-kanta na ako. Kailangan ko nang ilabas ang inner Ariana Grande ko."

When we reached the Karaoke house, we rented a room for two hours. Humiga ako sa couch at ginawa kong unan ang bag ko para maayos akong makaidlip. Pero bago ako matulog ay tumawag ulit ako kay Dion.

"Ano na?" He asked.

"May player akong ipapa-scout sa 'yo." Diretso kong sabi. "May malapit na laptop ba sa 'yo?" Tanong ko sa kaniya.

"Mayroon, Laptop ni Liu. Huy, Liu pahiram ng Laptop saglit. (Tangina nanonood ako!) Tusukin ko 'yang singkit mong mata, ikuwento ko pa 'yong ending niyang movie na pinanonood mo. May pinagagawa lang sa akin si Milan." Ilang segundong naging tahimik sa kabilang linya bago nagsalita ulit si Dion. "Game na, anong ipapagawa mo, Boss Madam?"

"Epal mo!" Reklamo ko at natawa siya sa kabilang linya. Saglit akong lumabas ng Karaoke room namin para magkarinigan kami ni Dion at tumambay ako panandalian sa lounge. "Puwede ka bang pumunta sa website ng Hunter Online at i-check mo 'yong PVP record ni Knightmare?"

"Saan mo na-discover 'yang player na 'yan?" He asked at naririnig ko sa kabilang linya ang pagtipa niya ng keyboard.

"Kay Shannah, usap-usapan daw sa Cafe niya 'yong player na iyan. Wala pang team so iniisip ko na baka may potential siya para maging member ng Orient Crown." I explained to him. Some students recognized me and greeted me, ngumiti naman ako sa kanila at kumaway pabalik.

May mga time talaga na hindi pa nagsi-sink in sa akin na "Public Figure" na nga pala ako. Nagugulat pa rin ako kapag may mga school mates akong bumabati sa akin. Buti na lang talaga at mature na ang mga tao sa College kung kaya't hindi na uso 'yong pinagkukumpulan ng mga estudyante kapag may famous student sa school... Grabe ang hiya ko panigurado kung ganoon ang scenario.

"Wait loading, bagal ng laptop ni Liu. (Milan kumusta ka diyan sa Afghanistan? May Kangaroo ba diyan?)" Narinig ko pa ang pagbibiro ni Liu at natawa na lang ako.

"Epal na pekeng chinese." Bulong ko habang naiiling.

"Heto na. Knightmare, level 42, class: Rama..." Oh, so he is a fighter. "Matches: 367, win rate: 73.56%" Ang taas ng matches niya at ang taas ng win rate niya! Hindi ko alam na may mga players pa lang magagaling na wala sa radar ng ibang professional team.

"Anong sa tingin mo?" Tanong ko kay Dion.

"Mukhang magaling pero siguro kailangan makita din natin 'yong laro niya. Knowing you, mapili ka sa mga player na gusto mong i-iscout. Mas mataas ang standard mo sa akin." He chuckled at nailing ako.

"Siguro nga ay dapat ko siyang kitain sa game para makita ko kung karapat-dapat ba siyang maging member ng Orient Crown. Sige na, magbabawi pa ako nang tulog, mag-practice kayo diyan sa boothcamp. Huwag kamo puro Tiktok." I ended the call at muling pumasok sa Karaoke room namin.

Nagkakalat na nga si Tomy sa pagkanta ng Lips of an Angel. Feel na feel niya talaga na mala-Michael Pangilinan ang boses niya pero... Mas maganda pa tumahol si Forest sa kaniya.

Humiga na ako sa couch at saglit na umidlip bago mag-start ang susunod naming klase.

"NICE game, everyone!" Tinipon ko ang lahat sa silong ng isang puno matapos ang isinagawa naming practice. We did an another 6v6 match and as usual, kung sino man ang ka-team ni Callie ay siya ang nananalo. Malakas naman kasi talaga ang hambog na iyon. "Next Saturday ay isasagawa natin ang unang Boss Raid natin, we will beat Rising Hunter's record so we need to cleanly plan everything."

"Yes, Captain!" They answered. Oh God, hindi pa rin ako sanay na tinatawag nila akong Captain.

"Huwag ninyo ring kalimutan na magpataas ng level at mag-upgrade ng mga equipments ninyo para sa paparating na unang tournament natin. Then 'yong mga moves na pinapagawa sa inyo ni Coach Russel, sana magawa ninyo this week. Okay?"

"Yes, Captain!" They answered again.

"Okay, our training will end here. Late na rin kasi. Huwag ninyong kalimutan inumin 'yong mga vitamins ninyo para hindi kayo magkadasakit." paalala ko.

"Luh, si Shinobi, pa-fall." Natatawang sabi ni Nodaichi (Larkin) at natawa ang buong grupo.

I rolled my eyes to him. "Alam mo, epal ka kahit kailan. Concern ako sa team as a whole, 'wag kang ano diyan. Sige na."

Isa-isa na silang nag-logout at mayroon naman na maghahanap pa ng materials to upgrade their weapons. Ang weird nga dahil patago kaming nagpa-practice at pumupunta kami sa mga map na hindi talaga pinupuntahan ng ibang mga players.

We are all following Sir Theo's instruction na huwag munang ipaalam kahit kanino ang patungkol sa Orient Crown. Kailangan kong sumunod dahil nasa contract iyon kahit kating-kati na 'yong dila ko na magkuwento sa Kulokoy boys at kay Shannah.

Umupo ako sa lilim ng puno at inisip ko kung saan ko mahahagilap si Knighmare. I mean, ang laki-laki ng mundo rito sa Peninsula server. Alangan namang hanapin ko siya sa lahat ng map, nakakapagod 'yon.

"Lalim, ah." Umupo si Rufus sa tapat ko. "Wala ka pang balak mag-logout? May pasok ka pa bukas, 'di ba?"

"Mamaya na, 10AM naman ang klase ko bukas so puwede akong magpuyat. Iniisip ko lang kasi kung saan ko mahahanap si Knightmare. Dapat pala nilubos ko na 'yong pag-chika ko kay Shannah kanina kaso ay inantok na ako."

"Ano bang binigay niyang clue sa 'yo?" Rufus asked curiously.

"Ang sabi niya lang ay nangongolekta ito ng mga rare materials for upgrading tapos binebenta niya sa mas mataas na halaga. Kaso... Saan? Saan siya nangongolekta ng mga item ngayon? Kailangan pa naman natin bilisan sa paghahanap sa mga bagong members." Mahaba kong paliwanag sa kaniya.

"Alam mo, gabi na, paniguradong hindi na 'yong nangongolekta ng items. Pero may isa akong alam na lugar na may chance na nandoon siya."

"Saan?" Nae-excite kong tanong.

"Sa Findoval Town."

"OMG! Hindi ko naisip 'yon!" Mabilis kaming nag-teleport ni Rufus papunta sa Findoval Town.

Ang Findoval Town ay ang kino-consider naming mga players na Trade center of Peninsula Server. Nandito ang karamihan na merchant na players at dito madalas may mga nagtitinda ng mga rare materials.

Malapit sa dagat ang bayan at kitang-kita ang asul na dagat sa kaliwang bahagi nito. Ang townsquare ng lugar ay punong-puno ng mga mangangalakal at mga players na namimili.

Para siyang Palengke sa game pero rare items ang binibenta nila.

Some players recognized us at nagtataka nga sila bakit wala pa kaming Team na sinasalihan ni Rufus May mga assumptions na nga ang ibang gaming fans na nag-quit na kaming dalawa sa professional league.

Hindi ko naman din makokontrol ang iniisip ng ibang tao kung kaya't pinababayaan ko na lang sila. Pero sinisigurado ko na kapag pumasok na ang Orient Crown sa professional league, paniguradong gagawa iyon ng ingay sa buong Hunter Online community.

"Ang daming nagtitinda, hindi ko alam kung saan ko mahahanap si Knightmare." Bulong ko kay Rufus na busy sa pagtingin sa ibang nagtitinda. "Oh God! Ang usapan natin ay hahanapin natin si Knightmare, bakit ang dami mo nang nabili na items!" Reklamo ko sa kaniya.

"Sayang. Sale." He chuckled. "Magagamit ko naman 'to sa pag-upgrade ng boots ko. Nandito na rin naman tayo kung kaya sinusulit ko na. Hitting two birds with one stone." Depensa niya.

Nag-ikot-ikot pa kaming dalawa ni Dion. Makalipas ang ilang minuto ay nagsimula na akong magtanong sa ibang players na nandito. Kung hahanapin namin siya ay paniguradong mahihirapan kami kung kaya't kailangan na namin nang tulong ng ibang players.

Habang nag-iikot kami ay nakita namin si Laplace (schoolmate ko na nakasama ko sa isang quest dati). "Uy! Long time no see!" Laplace greeted me. Wow, ang lakas na player niya na ngayon.

"Laplace, alam mo ba kung nasaan si Knighmare?" I asked.

"Alin? 'Yong mandurugas na nagtitinda ng rare materials. Overpriced mag-presyo ang loko. Huwag kayong bibili doon, sayang gold." Paalala niya sa amin.

"Alam mo nga? Can you tell us kung nasaan siya ngayon?"

"Lagi siyang nagtitinda sa may fountain area nitong Townsquare. Bakit?"

"Thank you!" Hinatak ko na ang braso nu Rufus para i-check ang fountain place.

And there, we saw Knighmare na nakaupo habang binabantayan ang mga items na tinitinda niya. His avatar have this blond messy hair and a red eyes, he have this little fangs on the right side of his lips. He is already level 42 pero beginner set ang suot niyang equipments kung kaya't hindi mo mari-realize na isa siyang malakas na player.

"Kung wala kang pera pambili, umalis ka na. Hindi afford ng mga mahihirap na players ang items na binibenta ko." Reklamo niya sa isang adventurer na bumibili sa kaniya. "Walang tawad-tawad dito, hindi ako si Lord."

"Ulol, walang bibili sa 'yo, ang mahal mo magtinda."

"Ulol. Mahirap ka lang. Umalis ka na nga, baka malasin pa ako ngayong gabi dahil sa pangunguripot mo." Pinagtabuyan niya 'yong player at nagbitaw ng malalim na buntong hininga noong makaalis ito. "Ang lalakas ng loob humingi ng tawad, akala yata madali mangolekta ng mga materials na 'to." reklamo niya sa kaniyang sarili.

Naglakad kami papalapit kay Knightmare. He immediately checked us. "Ay mukhang mayaman na player. Pili lang kayo, may mga upgrading stone ako dito na may mga unique character boost. 250,000 gold lang!"

Overpriced nga. Nakabili ako ng upgrading stone dati for just 150,000 gold.

"You are Knightmare? 'Yong sikat na solo player?" Tanong ko sa kaniya.

"Hindi naman ako sikat. Medyo sikat lang." He fixed his blond messy hair. Okay, para siyang Callie 2.0— mayabang.

"May gusto sana akong i-discuss sa 'yo?"

"Bumili muna kayo." He smiled at itinuro ang mga tinda niya.

"But this is an important offer—"

"Bili muna bago usap." He wiggled his brows. "Ako na ang pinakamurang magtinda dito sa Findoval Town."

"Bibili ako ng isang upgrading stone."

"Nice one."

"T-Teka, ang laking gold niyan. Mapapagalitan ka ni Coach... May mga items siyang pinabibili sa atin." Bulong sa akin ni Dion.

"Okay lang. May nakalaan na akong gold doon sa mga items na pinabibili ni Coach. I already planned it ahead of time." I explained.

Knightmare is requesting a trade for you.
Accept
Decline

Accept.

***

MATAPOS noon ay nag-usap kami mi Knightmare sa likod ng simbahan para pag-usapan ang pakay ko sa kaniya. Heto lang kasi ang area na kung saan walang players na nagdadaan.

"10 minutes lang, ha! Kailangan kong makarami ng benta ngayon." he explained.

"Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa, we want to invite you to become part of our team,"

"Anong team? Magpapatulong ba kayo sa akin sa pag-clear ng boss dungeon? May price rate ako, depende sa difficulty ng Boss Raid." Oh God, mukha siyang pera sa game.

"Professional team." I said and he paused for a second. "Gusto mo bang maging professional player?"

"Salamat sa offer ninyo pero ayoko. Ayokong mapasok sa magulong mundo mg ESports. Kaya na ninyo 'yan." Nag-unat-unat pa si Knightmare na parang wala siyang pakialam sa offer ko.

"P-Pero malaking opportunity ito! I know hindi pa nagde-debut ang team namin sa Professional league pero sinasabi ko sa 'yong marami kang matututunan dito."

"You know mukha naman kayong malakas na player. Pero ako kasi 'yong tipo ng Hunter na mas gustong nagtatrabaho mag-isa. Ayoko ng may kasama pagdating sa mga quest. Ayoko ng may management o captain na sinusunod." Mahaba niyang litana. "Time's up! Balik na ako sa pagtitinda, bili ulit kayo sa akin next time."

Tumalikod na si Knightmare at naglalad na papaalis.

"Mahal ang item na binili namin sa 'yo, kapag magpapasama ba kami sa quest ay sasamahan mo kami?" Tanong ni Dion at napatigil si Knightmare.

Knightmare smiled at lumabas ang cute fangs ng avatar niya. "Bayaran ninyo ako."

"We will. May boss raid kaming gagawin this week, i-invite ka namin."

Tumalikod na ulit ito and just shrugged his shoulder. "Message ninyo lang ako. Buhatin ko kayo."

"Isasama mo siya sa boss raid na gagawin ng Orient Crown?" Kunot noo na tanong ko kay Rufus.

"Para makita natin ang kakayanan niya as a player. At isa pa, mapapanood ng management ang larong iyon... Kung sakaling magalingan sila kay Knightmare, sila mismo ang mag-i-scout dito." Ngumiti sa akin si Rufus. "Pero ang mahal pa rin ng binili mong item, yari ka kay Coach kapag nalaman niyang bumili ka niyan."

"Huwag kang magsusumbong, please." Nagpapaawa kong sabi. Ayokong buminggo agad kay Coach.

Magandang opportunity ang sinabi ni para makita ni Knightmare ang laro ng Orient Crown. We just need to impress him that we are not an ordinary team pagdating sa ESports.

We will show to him that we can dominate the biggest tournament here in Philippines.

FRIDAY night at bumalik na ako rito sa Boothcamp. Hindi ko alam kung paanong time management ang ginagawa ko sa lahat pero so far, nama-manage ko siya ng maayos.

Nakaka-attend pa ako ng practice regularly, nakakapag-review pa ako kapag may mga quiz at exam, tapos ay nakaka-video call ko din si Coach Russel para mag-report nang improvements ng mga ka-team ko. Hectic pero ang dami kong natututunan.

Mabuti na nga lang at sinundo ako ni Sir Theo mula sa SM North dahil kinakabahan akong mag-commute mag-isa (kahit sinasabi kong magiging independent na ako).

Nasa loob ako ng office ni Sir Theo para may mga i-discuss na bagay-bagay regarding sa team. Ganito pala ang maging Captain, kailangan ay lagi kang nagre-report ng concerns sa management para  hindi magkaroon ng hidwaan between players and management.

"This will be the official logo of our team, what do you think?" Ipinakita sa akin ni Sir Theo ang screen ng laptop niya at namangha na lang ako sa logo namin.

May gintong korona ang logo at sa baba nito ay may nakalagat na OC which stands for Orient Crown. It's gold color gave me chills dahil parang sinisigaw nga nito na hindi basta-bastang ang mga players na mayroon ang Orient Crown.

"Super nice, Sir!" Puri ko.

"Thanks to our graphic designers. Ang ganda ng nagawa nilang logo para sa team. Ipapa-process na rin namin ang mga Jersey at jacket ninyo para magamit ninyo sa laban ninyo next week. Ikaw na rin mag-decide kung sinong players ang ilalaban natin sa tournament na iyon."

"Gusto ko pong i-discuss sa buong team kung sino ang ilalaban namin dito. Ayokong pumili ako ng players tapos may mga players pa lang gustong lumaro." Iyon ang naging problema namin sa Battle Cry na ayokong mangyari sa Orient Crown. "Let's keep the good relatioship of the management and the players."

"Hindi na ako nagtataka kung bakit ikaw ang napili nilang Captain. You are the only one who is sane in the group." Sir Theo smiled. So ang ibig sabihin niya ay baliw-baliwan lagi sina Larkin dito sa Boothcamp?!

"How about the recruitment of new players? May mga ini-i-scout ako, i-email ko sa 'yo mamaya ang list ng players na puwedeng masali sa Orient Crown."

"I also have an eye sa isang player, Sir. He is out of the radar ng ibang team pero mataas ang win rate ng PVP matches niya. Balak siyang isama ni Dion sa raid na gagawin namin para makita ninyo ang laro niya... If that's okay with you po, Sir." I explained.

"Sure."

"Sir, may request din sana ako, kung puwede po." Nahihiya kong sabi.

"Spill. Ayan nga ang gusto ko sa mga players, honestly, gusto ko 'yong nagsa-suggest sila sa kung paano namin kayo matutulungan ng mas maayos. Tulungan tayo dito sa Orient Crown." Umayos ng upo si Sir Theo sa kaniyang swivel chair.

"Let's have an in-house recruitment sa mga players na gustong maging parte ng Orient Crown." Suhestiyon ko at naisip ko lang ito nitong nakaraang gabi.

"Kasi po... Pansin ko na puro handpick ng bawat head hunters ang mga players na gusto nilang ipasok sa professional league. Paano naman po 'yong mga players na may talent pero out of radar ng mga head hunters?"

"It's risky."

"Sir, hindi po risky iyon. Bibigyan natin ng pag-asa ang mga players na kaya nilang makapasok sa Professional League kahit wala silang history sa Professional tournament. We will give them an opportunity na kung gusto nilang maging part ng Orient Crown ay pupunta sila sa in-hourse recruitment na isasagawa natin. At isa pa... 'yong mga players na a-attend sa recruitment ay paniguradong sila ang mga players na may nag-aalab na passion sa game, I can feel that they are eager to learn. We just need to train them to become the asset of our team."

Naisip ko lang na walang gumagawa ng in-house recruitment sa Hunter Online Professional league. I know, matrabaho ang bagay na ito pero magandang opportunity ito sa mga taong nangangarap na maging isang professional player at magandang opportunity ito sa management na maka-discover ng mga hidden talents na players.

It's a win-win situation honestly.

Sir Theo tapped his pen on the table for a couple of seconds.

"We will do an in-house recruitment kapag tapos nang una ninyong tournament. They will become our reserve players for the meantime at ite-train natin bago isabak sa mga malalaking tournament."

Napangiti ako sa naging desisyon ni Sir Theo.

Continue Reading

You'll Also Like

13.8K 742 19
Kupas na ang kulay ng watawat. Inaagnas na sistema ng bansa. Ang mga tao ay mamatay-matay sa paghahanap-buhay. Sa panahong hindi na dayuhan ang tunay...
HIDDEN FILES 2 By avy

Mystery / Thriller

11.5K 541 33
[02/03] complete | unedited Jade Cesaire and Bryce Valeron journey continues unravelling the mysteries surrounds their lives and hidden secrets of th...
1.3K 45 5
Anybody can write a chain letter. Sa tamang salita, pwede silang mangako. Pwede silang magbanta. Kaya naman nang matanggap ng Grade 12 student na si...
6.8K 599 26
"Nico, she's been dead for over a decade! Mahihirapan tayong i-identify ang biktima." "Well, we have no choice, Nova," the greatest detective in East...