You're The One For Me [COMPLE...

De elleboooj

53 0 0

Paano mo nga ba masasabi na para sa 'yo na talaga ang isang tao? Is it by giving that person a cup of coffee... Mai multe

---
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14 (Part 1)
Chapter 14 (Part 2)
Chapter 15 (His Point of View)
Epilogue

Chapter 6

2 0 0
De elleboooj

Chapter 6

Tiningnan ko si Moren na sarap na sarap sa kinakain niyang ice cream.

"Gusto mo?" pang-aalok niya. Umiling ako. "May problema ba? Kanina ka pa tila lutang diyan at tulala. Masarap naman 'yong mga kinain natin, ah?"

Hindi ko pinansin ang kanyang mga sinabi, instead ay lumipat ako sa kabilang puwesto na bakante at malayo sa kapatid ko.

Pagkatapos naming kumain kanina sa loob, ay niyaya ako ni Moren dito sa bakuran nina Nicholo habang si mama naman ay naiwan doon sa loob upang makipag-usap pa kina Tita Nicola at sa mga bago pa nitong mga bisita na dumating.

Madilim na rin dito sa labas, pero may mga ilaw naman kaya kahit papaano ay maliwanag pa rin. Karamihan sa mga bisita, ay sa loob kumakain at iyong mga nandito sa labas, ay iyong mga nag-iinuman na.

Kanina, habang nasa dining kami at kumakain, ay halos hindi ako makakain nang maayos.

I was completely shocked and confused nang dahil sa nalaman ko kanina. Hirap na hirap akong i-absorb sa utak ko kung totoo ba ang mga nangyayari, o pinaglalaruan lang ako ng isipan ko.

But I know everything was real at hindi ako namamalik-mata lang kanina na makita si Gwen sa aking harapan na alam kong girlfriend ni Fred, at pagkatapos, ay malalaman kong girlfriend din ni Nicholo.

I mean, for goodness' sake, hindi ko alam ang dapat na isipin at gawin sa mga oras na 'to!

Train of questions are now spinning on my head. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba kay Nicholo ang nalalaman ko, o hahayaan ko na lang.

Pero, alam kong kapag hinayaan ko lang, ay hindi ako patatahimikin nitong konsensiya ko. Nicholo deserves to know the truth, pero paano kung hindi niya ako paniwalaan? Paano kung balewalain lang niya ang sasabihin ko at isiping sinisiraan ko lang si Gwen sa kanya?

Siyempre, ayaw ko namang magalit sa akin si Nicholo. Kahit naman hindi sabihin, ay alam kong magkaibigan na kaming dalawa. And as a friend of him, kailangan kong sabihin sa kanya ang nalalaman ko. Hindi pupuwedeng manahimik lang ako at itago ang katotohanan.

Pero, bago iyon, ay gusto kong malaman kay Gwen kung bakit? Bakit niya pinagsasabay sina Fred at Nicholo? For me, Gwen looked so kind, bubbly, genuine, and thoughtful in every aspect. But this proved me that looks can really be deceiving.

Paano niya naaatim na gawin ito sa dalawang lalaki na ang alam lang ay ang mahalin siya? God knows how I really wanted to approach and ask her earlier, but I hardly pulled my shits together to calm myself down, and let the good manners that my parents taught me prevailed.

Ayaw ko rin naman kasi na mag-iskandalo sa birthday ni Tita Nicola at dito pa mismo sa kanilang bahay.

Malalim akong napabuntong-hininga, hindi malaman kung magsisisi ba na nalaman ko ito.

God, what shoud I do? Dapat ko bang sabihin kay Nicholo, o dapat ko ba munang tanungin at komprontahin si Gwen? Kasi, kahit pakiusapan niya akong huwag itong sabihin kay Fred o kay Nicholo, ay hindi ko magagawa 'yon. I am certainly won't tolerate this action of her!

Kailangan niyang aminin ang totoo at itigil na itong ginagawa niya. Wala akong pakialam sa reason niya dahil una sa lahat, ay mali itong ginagawa niyang makipag-relasiyon ng sabay sa dalawang lalaki.

I weakly rested my elbows on the table and put my forehead in my palms as I stared into nothingness.

Parang gusto ko na lang muna na umuwi at humiga sa kama ko upang pag-isipan ang tamang desisyon na dapat kong gawin patungkol dito.

Abala akong nag-iisip at nakikipag-talo sa sarili ko nang maramdaman kong may nag-occupy sa bakanteng upuan na nasa aking harapan.

Dahan-dahan akong umayos ng upo at nang mag-angat ako nang tingin, ay nakita kong si Gwen iyon.

Fear and nervousness were written all over her face when I looked her in the eye, impassively.

"Mavi..." she started nervously. "Please, don't tell Nicholo or Fred. I-I don't want to hurt any of them. Please..." her eyes glistened with tears as she pleaded.

Umiwas ako nang tingin dahil hindi ko magawang tingnan nang matagal ang kanyang hitsura na nagmamakaawa.

I sighed. "They're already both hurting, though they're not still aware of it," sagot ko na nagpatahimik sa kanya na para bang na-realized niya na tama ang mga sinabi ko. "Look, Gwen. I don't know why you're doing this, pero gusto ko lang sabihin na you should stop this. You must stop this. Fred and Nicholo deserves to know the truth!" I added as I emphasized my last sentence to her.

She was rolling the ring she wears in her finger as if doing it will lessen the nervousness she was feeling.

"I-I can't," she mumbled.

"What?" nag-angat ako nang tingin sa kanya.

"I can't, okay? I love them both, and it's so hard for me na pumili sa kanilang dalawa!" mahina niyang sigaw na para bang hirap na hirap siyang ipaliwanag sa akin kung bakit niya ito ginagawa.

"That's not love, Gwen," napailing ako. "Kasi kung mahal mo sila pareho, ay hindi mo magagawa ito umpisa pa lang. If you really love them both, you'll choose the better decision for them. Pero, hindi, e. Sarili mo lang 'yong iniisip mo. Paano naman iyong dalawang tao na pareho kang mahal, pero walang kamalay-malay sa ginagawa mo sa kanila?" mahabang kong lintanya sa kanya.

Kasi, sa totoo lang, ay hindi ko siya maintindihan. Kahit anong paliwanag yata ang sabihin niya, ay hindi ko maiintidihan ang dahilan niya. Kaya kahit na magmakaawa pa siya sa akin ngayon, ay sasabihin ko pa rin ang totoo kina Nicholo. Pero, kung ipapangako niyang siya ang magsasabi sa kanila, ay hahayaan ko siya. Kasi, aaminin kong mahihirapan din ako kung sakaling ako man ang magsasabi ng katotohanan.

Pero, base pa lang sa pag-uusap na ito, ay alam ko nang wala siyang balak na tapusin itong panglolokong kanyang ginagawa. It was as if she can't decide properly who she'll choose kina Fred at Nicholo.

"Please, Mavi... I'm begging you..."

Mariin akong napapikit at napakagat-labi.

Bakit ba kasi kailangang mangyari ito?

"Ate?" napadilat ako nang marinig ko ang boses ni Moren. "Mauna na raw tayong umuwi sabi ni mama," aniya bago tumingin kay Gwen na hindi makatingin sa kapatid ko.

"Okay," pagpayag ko at tumayo na. Gusto kong yakapin at pasalamatan ngayon si Moren nang dahil sa pagliligtas niyang ito sa akin.

"Pero, may pinag-uusapan pa yata kayo?" asked Moren sabay turo kay Gwen.

Mabilis akong umiling. "Wala kaming pinag-uusapan," I tried to make a smile, but I failed.

Umiwas na lang ako nang tingin at ibinaling iyon kay Gwen.

"Mauuna na kami, Gwen," pagpapaalam ko dahilan para mapatingin siya sa akin. "Hindi ako sigurado kung mapagbibigyan kita sa hinihiling mo," huli kong sabi bago tuluyang hinila si Moren na takang-taka sa narinig niya mula sa akin.

Bago tuluyang makalabaa, ay nakita ko pa si Nicholo na papalabas na rin mula sa loob nang kanilang bahay.

Gustuhin ko mang magpaalam sa kanya, ay mas pinili kong tumalikod na lang at umalis. Kasi, pakiramdam ko, kapag nakausap ko siya, ay biglang ko na lang na masasabi sa kanya nang wala sa oras ang nalalaman ko.

Kailangan ko muna itong pag-isipan nang mabuti dahil ayaw kong magalit siya sa akin nang dahil sa isisiwalat kong katotohanan.

Sana lang talaga ay maniwala siya.

---

Binuksan ko ang pinto sa aking kwarto bago ako sumilip sa labas mula rito sa loob.

It was already dark and quiet in the hallway. The door of my parents' and brother's rooms are already closed as well. Nang tingnan ko ang oras sa aking wrist watch, ay nakita kong pasado alas-diyes na ng gabi.

Sigurado naman akong sa mga oras na ito, ay tulog na silang lahat. Marahan kong isinarado ang pinto ng aking kwarto bago ako tahimik at dahan-dahang naglakad pababa sa hagdanan.

Kinuha ko sa isang fish bowl na nakapatong sa mini table ang susi ng bahay. I tried my best not to make any noise as I opened the door and the gate.

Saka lang ako nakahinga nang maluwang nang tuluyan na akong makalabas mula sa aming bahay.

Along with my guitar, and a color black piece of cloth, ay naglakad ako papunta sa jeep na nakaparada malapit sa amin.

Nagpalingun-lingon muna ako sa paligid to check kung may tao ba, at nang makitang wala, ay saka pa lang ako umakyat mula sa hood ng jeep papunta sa pinakabubong.

I laid the piece of cloth first on the roof bago ako tuluyang umupo rito.

Napaangat ako nang tingin sa kalangitang nagliliwanag nang dahil sa mga makikinang na bituin.

The stars always reminds me that they're always there no matter how dark the sky is, as long as you just try to search for them.

At mula sa kalangitan, ay napunta ang paningin ko sa bahay nina Nicholo.

Maliwanag pa rin sa bakuran nang kanilang bahay ngayon, and I could still hear some laughters and murmurs from their house in here.

Umayos ako sa aking pagkakaupo as I placed my fingers on the strings of my guitar.

Sa tuwing may problema kasi ako, o hindi naman kaya ay magulo ang utak ko patungkol sa ibang bagay, ay palagi akong pumupuslit para lumabas mula sa bahay namin.

I will always go here with a piece of cloth and my guitar to think and clears my mind, pero ngayon? Pakiramdam ko ay sobrang hirap na gawin iyon.

While strumming, ay muli na naman akong napaisip sa kung ano na nga ba talaga ang dapat kong gawin.

I know that Gwen pleaded to me na huwag sabihin kanino man kina Fred o Nicholo ang nalalaman ko, but it's just that, hindi iyon maaatim ng konsensiya ko. If I don't tell Nicholo or Fred the truth, it seems like I was also fooling them like what Gwen's doing on them.

At iyon ang ayaw kong mangyari.

Kasi, kung hindi kayang sabihin ni Gwen ang katotohanan sa kanila, then it would be my honor to do so. And of course, I'm doing it not for her.

Pero, paano ko nga ba sasabihin? Paano ko uumpisahan? What proof am I going to show them to prove my accusation?

But, it isn't an accusation. It is the truth! Siguro nga ay magagalit si Nicholo o Fred nang dahil sa sasabihin ko, pero hindi ko na muna siguro iisipin pa ang magiging reaksiyon nilang dalawa. Ang mahalaga na lang sa akin, ay ang masabi ko sa kanila ang totoo.

After all, para din naman sa kanila ito. It's better na hanggang maaga, ay matigil na itong ginagawa ni Gwen sa kanila.

Her dishonesty and disloyalty to Nicholo and Fred must stop. At alam kong may kailangan akong gawin upang matigil na iyon.

Napatigil ako sa pag i-strum sa aking gitara nang matanaw ko si Nicholo at Gwen na palabas sa may bakuran.

Nicholo's arm was wrapped around Gwen's waist, and I felt like air left my lungs.

Huminto sila saglit upang mag-usap. The evening air was blowing my hair, pero pakiramdam ko ay kinakapos ako ng hangin habang pinagmamasdan sila.

I was clutching my chest tightly nang biglang mapalingon si Nicholo sa direksiyon ko, at bago pa man niya ako makita, ay mabilis akong napahiga.

Ngunit halos mapamura ako nang mapalakas ang pagtama ng likod ng ulo ko sa may bubong nang dahil sa biglaan kong paghiga.

Binitiwan ko muna ang aking gitara upang haplusin ang ulo kong nauntog.

Malalim akong napabuntong-hininga bago mariing napapikit. Buo na ang desisyon kong sabihin kay Nicholo ang nalalaman ko. Kasi, paano kung dumating ang araw na malaman niyang alam ko ang katotohanan, pero ni wala man lang akong ginawa at sinabi?

Mas mabuti na ang malaman niya nang mas maaga. I know, posibleng magalit siya, at hindi ko aalisin ang possibility na iyon, but it's the right thing to do, right? By telling him the truth. Kasi, kung hindi ko gagawin 'yon, sino pa ang gagawa? Because I'm certain that Gwen won't do it. And I'm sure of that.

Nang medyo mawala na ang sakit na dulot nang pagkakauntog ng ulo ko, ay muli akong umupo para sana muling tingnan kung nandoon pa ba sina Nicholo at Gwen ngunit pareho na silang wala roon. Siguro ay inihatid na ni Nicholo si Gwen pauwi?

"Balak mo ba'ng matulog diyan?"

"Shit!" mura ko nang biglang may nagsalita. Mahigpit akong napahawak sa gitara ko bago dahan-dahang sinilip kung sino iyong nagsalita sa may ibaba at nangahas na gulatin ako.

Mas lalo lang na kumalabog ang puso ko nang makitang si Nicholo iyon. Wait. I thought inihatid niya si Gwen? Bakit ang bilis niya naman?

"Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya pagkatapos kong makabawi nang dahil sa panggugulat niya.

"I should be the one asking you that," he put his hands inside his hoodie's pockets. "What are you doing here? It's already ten o'clock in the evening, you know."

Mabilis akong napaiwas nang tingin at napatitig na lamang sa hawak kong gitara.

Saka lang ulit ako tumingin sa kanya nang maramdaman ko ang walang kahirap-hirap niyang pagsampa upang umupo rin sa tabi ko.

Bahagya akong napausod nang magdikit ang mga braso namin.

"I asked you first," I said after a long pause.

Nakangiti niya akong nilingon.

"Napansin ko kasing may nakahiga rito, kaya naman nilapitan ko," sagot niya. "And now I found out na ikaw pala ang palagi kong nakikitang tumatambay rito sa bubungan nitong jeep." A chuckle escaped from his mouth.

Kumunot ang noo ko. "Palagi? Ano'ng ibig mong sabihin?"

He straightened his legs and put his one hand on his side to support his weight before answering my question.

"I always see you here from my room," aniya sabay turo sa kanilang bahay. Mula rito ay nakita ko ang isang bintanang nakasarado sa may second floor nila. "Hindi pa kita kilala nung mga panahong 'yon, and nang makita kita kanina, ay saka ko lang nalaman na ikaw pala 'yon," muli niya akong binalingan nang tingin.

Napalabi ako. "Hindi lang ako makatulog, kaya naisip kong tumambay muna rito."

"I see," tumango siya. "Can I?" he asked, referring to my guitar.

Walang imik kong ibinigay iyon sa kanya.

"So, inihatid mo si Gwen?" tanong ko as he started strumming a song I wasn't familiar.

He shook his head. "Hindi na siya nagpahatid at sinabing tumulong na lang daw ako sa pagliligpit," ngumiti siya, 'yong ngiting tila ba proud na proud siya na iyon ang ginawa ni Gwen imbis na ang magpahatid.

Hindi ko pinansin ang kung anong naramdaman ko sa aking dibdib, and instead, ay muli akong nagsalita.

"Pero, gabi na, ah? Delikado na sa daan," I reminded.

"I know," his head turned to me. "May sumundo naman sa kanya, so it's okay. Thanks for the concern," he smiled.

Ako naman ang tumingin sa iba ngayon.

I wonder who fetched Gwen? Was it Fred, or was it just one of her family members? I don't know. Siguro naman ay hindi niya papupuntahin dito si Fred para magpasundo gayong alam niyang narito lamang si Nicholo sa village na ito.

I pulled my hair into a messy bun nang lumakas na ang hangin bago ko niyakap ang aking dalawang hita upang mabawasan kahit papaano ang lamig na nararamdaman.

I rested my chin on the top of my knees.

"Mavi?" I heard Nicholo asked, still strumming on my guitar.

"Hmm?" I responded nang hindi tumitingin sa kanya.

"May problema ka ba?" natigilan ako, but my mind answered, Oo. At ikaw. Ikaw ang problema ko. Pero, siyempre ay hindi ko iyon sinabi sa kanya. Kasi, hindi ko kaya.

"You can talk to me about it, you know? I'll listen."

I played the hem of my jacket as if doing it will bring me courage to tell him what I know.

Isang malalim na hininga ang aking pinakawalan bago ako umayos ng upo.

Tiningnan ko si Nicholo diretso sa kanyang mga mata.

"May sasabihin ako," pag-uumpisa ko. Isang tango ang kanyang pinakawalan. "Pero... 'wag kang magagalit."

Siya naman ang napakunot-noo ngayon.

"Bakit naman ako magagalit?"

Napalunok ako. "B-Basta. Promise me na hindi ka magagalit."

"Okay. Ano ba 'yon?"

"Promise me first," I insisted.

"Ano ba kasi 'yang sasabihin mo? Tingin mo ba, ikagagalit ko iyan?" walang pag-aalinlangan akong napatango. "Just tell it now. I won't be mad, alright?" he assured.

I stared at him.

Kanina, ay siguradong-sigurado na akong sabihin sa kanya ang nalalaman ko, pero bakit ngayong nandito na siya, ay hindi ko na magawa? Bakit parang biglang umatras itong dila ko? Bakit tila pinanghihinaan na ako ng loob na sabihin pa sa kanya?

"It's really okay, Mav. Just tell me what you want to say," he urged after I stayed quiet for a while.

I breathed heavily as I looked him in the eye. It's now or never, Mavi. Just think na deserve ng lalaking 'to na malaman ang ginagawa sa kanya ng girlfriend niya.

"H-Hindi ka magagalit kapag sinabi kong n-niloloko ka ni Gwen?" tanong ko at imbis na makahinga nang maluwang, pakiramdaman ko ay mas lalo lang akong kinapos ng hangin sa katawan.

A long silence enveloped between us.

Nawala na rin ang ngiting mayroon sa kanyang mukha kanina pagkatapos niyang marinig ang isiniwalat ko.

Heaven knows how I really wanted to read what's on his mind in this moment. He told me that he won't be mad at me, but I know na imposible iyon. He would be totally mad at me saying like that about his girlfriend.

Umayos siya ng upo at napatingin na lamang sa kanyang harapan. Itinigil niya na rin ang ginagawang pag i-strum sa gitara ko.

"That... was not a good joke," he said in a serious tone of voice.

Hindi ko inalis ang paningin ko sa kanya.

"I know, but it wasn't a joke, Nicholo. Pero, sana nga ay nagbibiro na lang ako. Kaso, hindi, e. Totoo 'yon--"

"How can you say na niloloko ako ni Gwen? She's cheating on me?" tiningnan niya ako. I nodded. "Kanino?"

"Kay Fred. He's my classmate, and Fred was my best friend's ex," I explained.

"It's not true, isn't it?" mariin akong napapikit bago napailing. "Gwen won't do that to me."

"Sorry to say, but she already did," I retorted. "I'm not asking you to believe me, Nicholo. Gusto ko lang na malaman mo ang totoo. Okay, matatanggap ko kung hindi ka maniniwala sa akin, pero sana ay alamin mo rin ang totoo. Gwen's cheating on you. It's already up to you if you'll believe me or not."

Kanina pa naghuhuramentado ang puso ko na tila ba lalabas na ito mula sa dibdib ko any moment.

Akala ko, ay matatahimik na ako oras na masabi ko ito kay Nicholo, pero bakit tila mas lumala pa ngayong parang wala siyang balak na paniwalaan ako?

"I can't believe you. I'm sorry," aniya bago ibinalik sa akin ang gitara ko. "Hindi ko alam kung bakit mo sinisiraan si Gwen. I love her and I trust her, kaya sigurado akong nagkakamali ka sa mga sinasabi mo. And you know what? Akala ko ay ibang babae ka, pero kagaya ka rin pala nang iba na kung anu-ano ang mga sinasabi tungkol kay Gwen."

Tiningnan niya ako sa aking mga mata at hindi ko maiwasang manibago nang makita kung gaano na siya ka-seryoso ngayon.

"You don't know her, Mavi. Stop accusing her without any valid evidence," tumalikod na siya sa akin at naghanda na upang bumaba. "Go home. I'm not mad if that's what you're thinking. I'm just disappointed."

And without saying goodbye, he jumped from beside me smoothly onto the ground, leaving me here with my heart that's been shattered in pieces.

Mabilis na pumatak ang mga luha ko na kaagad kong pinunasan. He said he wasn't mad, pero ganoon ba ang pakikitungo ng isang taong hindi galit?

Pero, bakit gano'n? Ako na nga itong nagmagandang-loob na sabihin sa kanya ang totoo, pero bakit ako pa itong lumabas na masama?

Kung sa bagay, bakit niya nga ba ako paniniwalaan? Hindi pa naman kami ganoon katagal na magkakilala, and then bigla akong magsasabi sa kanya nang ganoon?

But, it wasn't my fault! I'm telling him the truth na hindi niya naman kayang paniwalaan.

Siguro nga ay tama ang desisyon kong sabihin sa kanya ang totoo. Kasi, at least, ngayon, ay may dahilan na ako para tuluyang umiwas sa kanya.

Itinupi ko na ang telang isinapin ko bago binitbit ang aking gitara. Like Nicholo, I also jumped from the roof, pero dahil hindi naman ako kasing tangkad ni Nicholo, ay halos sumubsob ako sa sementadong kalsada.

My guitar landed first before me.

At imbis na bumangon 'agad, ay isinubsob ko ang ulo ko sa aking gitara hanggang sa muli kong naramdaman ang sunud-sunod na pagtulo ng mga luha ko.

Gustung-gusto kong paniwalain ang sarili ko na umiiyak ako nang dahil sa alam kong galit sa akin si Nicholo.

But I know I was just fooling myself.

Kung puwede lang na ang mga natamo kong sugat mula sa pagtalon ko ang dahilan nang pag-iyak ko, ay 'ayos lang sa akin because these wounds are partly one of the reasons why I am crying.

But deep inside of me, I'm aware na mas malala ang naging sugat nitong puso ko.

Kasi, hindi pa man ako nahuhulog, ay masakit na. At idagdag pa ang katotohanang, kasabay ng pagtalon ko, ay ang siya ring pag-alis ng taong inakala kong sasalo sa akin.

Mas lalo akong napahikbi at mahigpit na lamang na napahawak sa telang nasa kamay ko.

Bakit ko pa ba kasi pinaasa ang sarili ko na para sa akin ka?

***

Continuă lectura

O să-ți placă și

4.1M 169K 63
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
226M 6.9M 92
When billionaire bad boy Eros meets shy, nerdy Jade, he doesn't recognize her from his past. Will they be able to look past their secrets and fall in...
1.3M 67.2K 59
𝐒𝐜𝐞𝐧𝐭 𝐨𝐟 𝐋𝐨𝐯𝐞〢𝐁𝐲 𝐥𝐨𝐯𝐞 𝐭𝐡𝐞 𝐬𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 〈𝐛𝐨𝐨𝐤 1〉 𝑶𝒑𝒑𝒐𝒔𝒊𝒕𝒆𝒔 𝒂𝒓𝒆 𝒇𝒂𝒕𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝒂𝒕𝒕𝒓𝒂𝒄𝒕 ✰|| 𝑺𝒕𝒆𝒍𝒍𝒂 𝑴�...