A Subtle Art of not Falling A...

By gereyzi

116K 4K 3.7K

5/6 of Saint Series. Maria Margarita is just a typical and normal intelligent kid in their class. She's frien... More

A Subtle Art of not Falling Apart
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue

Chapter 7

2.6K 107 77
By gereyzi

G: iextra ko lang twitter account ko hehe (@/gereyziwp). A friend of mine told me to make one para daw mas madali makipag usap sa mga gusto makipag usap sa akin. Huhu sana lang ay wala akong maencounter na kaguluhan para ituloy ko paggamit .  Fresh na fresh pa yon hehe. Yun lang.

Chapter 7
Investment

"Pre, dito!"

Malakas na tawag ni Kuya Reego kay Kuya Luigi para sa kaniya ipasa ang bola.

Narito kami sa bahay nila Kuya Samson dahil nagkayayayaan sila na maglaro. Ngayon lang kasi silang lahat nagkalibreng oras kaya nag-uwian.

It's just nine in the morning at naglalaro sila ng basketball ngayon habang ako ay abala sa report na gagawin ko sa lunes. Wala sila Ate Mira at Shawntell dahil mga abala na rin sa schoolworks.

Wala naman akong nagawa nang isama ako ni Kuya Eren dito kahit mas gusto kong sa bahay na lang.

"Akala ko may photoshoot kayo?" tanong ni Kuya Reegs nang magpalit sila ni Kuya Jabz.

Naupo siya sa tabi ko.

"Mamaya pang after lunch, Kuya," sagot ko at bumaling na uli sa aking laptop. "Wala kang gig ngayon?" tanong ko naman. Umiling siya.

"May fashion show akong... papanooran," he smiled and shook his head.

Nagtaka ako sa naging reaksyon niya at tumango na lang din kalaunan.

"Anong oras kita susunduin?" Kuya Gi kissed my forehead when he sent me to the Saint Arena.

Dito gaganapin ang opening ng Saints League. Dito rin kukuhanan ng mga litrato ng basketball players.

"Kapag hindi makakapunta si Troye ay alas tres mo ako sunduin, Kuya," sagot ko at bumaba na sa sasakyan.

Inayos ko pa ang dress ko na medyo nagusot. May dala rin akong bagpack dahil doon nakalagay ang camera ko.

Ang buhok ko ay hanggang bewang ko na yata ang haba. It is wavy naturally. I love its curls but if I have to cut it, I'll cut it.

"All right. Just text me. Kapag hindi kaagad ako dumating ay manatili ka sa loob. Huwag sasama sa kung sinong lalake," payo niya habang nakasilip sa bintana.

Tumango ako. "Opo."

Hinintay kong mawala si Kuya Gi bago ako tuluyang naglakad na papasok. Malapit na akonsa entrance nnag may tumigil na sports car sa parking lot. Malakas ang ugong noon kaya napabaling din ako.

Nagulat pa ako nang bigla na lang may naglabasan na mga tao sa paligid. May ilang reporters pa ang naroon na nakapalibot sa sasakyan.

Bumaba mula roon si River... na may kasamang dalawang babae.

I shrugged at that sight at tuluyan nang pumasok sa loob.

Dalawang babae? Ayos. That's his normal.

"Hi, M! Ang ganda mo!"

Bati sa akin ng isang lalake na kasamahan namin na journalist na assigned din.

Tumango ako at ngumiti, "Maraming salamat, Salazar!"

Pumunta na ako sa bench at inilapag ang aking mga gamit doon. Ang mga kasamahan ko ay naghahanda na. Nakaayos na rin ang lahat at ang mga players na lang ang kulang. May interview rin kasi na gagawin para sa mga team captain.

I have to photograph each of them.

"Okay, guys! Be ready na po!" sigaw ng head ng Saints League nang magpasukan na ang ilang teams ng basketball.

"Hi, Maria Margarita!"

Mula sa pag aayos ko ng aking gamit ay napalunok ako dahil narinig ko ang boses ni Rad.

It's been a long time.

Nagkaingay ang mga tao sa loob at ang ilan ay kinantyawan na kami kaagad. I only smiled at them at hindi na nag abala pa na lingunin si Rad. Ramuel Drei Suson. Ang lalakeng bigla na lang lumapit sa akin aa mall.

"Gosh! Tinawag ka ni Rad!" kinikilig na sabi ni Ella nang makalapit siya sa akin. Siya ay isa sa mga interviewer.

"Oh my! He's coming!" bigla namang sabi ni Sunny. Director.

Kinabahan ako nang sabihin niya iyon. Nilingon ko si Rad na ngiting-ngiti na naglalakad na papalapit.

Sa kada hakbang niya ay dumodoble ang kaba ko.

"Maria—"

"Sorry, I'm late!"

Nabitin ang sasabihin ni Rad nang may magsalita mula sa entrance at doon naman natuon ang atensyon ng lahat. Si Rad ay mabilis na lumingon kay River na siyang pinalibutan kaagad ng mga kababaihan.

Nawala ang atensyon ng lahat sa amin ni Rad. Naglapitan lahat kay River. Nagulat ako sa nangyare at siguradong si Rad din. Naglakad siya palapit sa akin kaya naman bumalik ang kaba ko.

"M, can I score a date with you later?—"

Muling naputol ang sasabihin ni Rad nang maglakad si River mula sa kaniyang likuran. Dinali pa ni River ang balikat ni Rad. Kabang kaba ako nang akala ko ay sa akin dederetso si River pero nagkamali ako nang lagpasan niya ako matapos bumulong.

"Lumapit ka lang sa mga kasamahan mo. He'll surely go near you later again. Ako bahala gumawa ng paraan para hindi makalapit nang tuluyan," he whispered. Tila walang nangyare dahil dumeretso siya sa bench.

Nanlaki ang mata ko nang ilagay niya ang kaniyang gym bag sa tabi ng bag ko.

"Okay, guys!" umubo si Emmer na siyang tumatayong leader ng team. "Let's... get ready na po para maaga tayong matapos!" she announced.

"Damn!" rinig kong angal ni Rad at walang nagawa kun'di ang bumalik sa team mates na inaasar na siya.

"Guys, pakikuha na muna ng vital stats nila!" paalala ni Amber na siyang assigned as commentator. Kasama niya si Chantal at Mikael doon.

"Si M at Eljham muna pakuhanin n'yo! May aayusin lang kami ni Matt!" utos ni Emmer kaya naman kaagad kaming nagkatinginan ni Eljham na hindi ko pa nakakausap matapos ang halos dalawang linggo na naming preparasyon para sa darating na liga na tumatagal ng tatlong buwan.

Wala akong nagawa kun'di ang sumama kay Eljham nang ayain niya ako na lumapit na sa mga kalalakihan na nagkakatuwaan. They're 7 teams. Marami talaga.

"Ano... ikaw na magtanong," nahihiya kong pakiusap kay Eljham na natawa sa akin at tumango.

"Hindi ko makuha kung bakit napaka mahiyain mo," he shook his head. "You're from a well-known family, your cousins are all extrovert, you join pageants and other academic contest but you're still antisocial!" komento niya at nag taas ng kamay. Nakikipag apir.

"What's that for?" tanong ko.

He smiled. "Sign iyon na hindi ka na maiilang sa akin dahil wala naman akong gagawing masama sa'yo at kailangan natin makagawa ng komportable na trabhaho," mahaba niyang paliwanag.

"I-I'll try," umiwas ako ng tingin.

"Guys, makikiayos na po muna! I need your vital statistics!" anunsyo na ni Eljham nang makarating kami sa team nila River na akala mo ay may party dahil sa sobrang ingay at gulo.

Nanatili naman ako sa likuran ni Eljham habang hawak ang notepad namin.

"Sinong una?" paglingon sa akin ni Eljham.

Wala akong choice kun'di ang harapin ang lahat na mga natahimik at natuon na ang atensyon sa amin.

Nakita ko si River na tahimik na nasa dulo at nakaupo kasama si Pike. Ang madalas niyang kasama.

Ang alam ko ay best friends niya sila Kuya Reegs pero masyado siyang busy kaya madalas na hindi nakakasama.

"Angustia," sagot ko na at mabilis namang tumalima ang mga lalake. Nagkakaasaran pa sila.

Tinanong namin sila isa-isa. Salitan kami ni Eljham. Binigyan ko siya ng notepad. Ang iba ay may sagot na roon dahil nakapag research na rin naman ako tungkol sa kanila. Ang alam ko ay pangalawa si River sa huli sa kukuhanan ng information dahil co-captain siya. Si Pike ang team captain.

Hindi na tumuloy sa basketball si Kuya Eren dahil hindi naman pwede sa kurso nila ang umalis ng school kapag weekdays. Bawal na bawal. Kapag weekend lang talaga sila nakakaalis kumpara sa amin na pwedeng lumabas ng school kahit kailan.

"Ang ganda naman daw ni Maria!" bati sa akin ni Pike nang lumapit na siya para siya na ang makuhanan ko ng vital stats.

Ngumiti ako at tumango. "Let's start?" tanong ko na tinanguhan naman niya.

Nagsimula na kami sa tanungan ni Pike. Sila Eljham at River naman ay nagsimula na rin. Naunang matapos sila kaysa sa amin ni Pike.

"Whoah, wait! Aren't you gonna ask my height? Kulang yata? Baka hindi updated ang nasa record n'yo?" rinig kong tanong ni River nang pasalamatan na siya ni Eljham dahil nga tapos na.

"Ha?" takang tanong ni Eljham.

"Tapos na po. Salamat," paalam ko na kay Pike na nakangisi sa akin sa hindi ko malaman na kadahilanan.

"Ah, mayroon na kasi, Rivs! Ito oh!" Eljham showed River the notepad at naging abala silang dalawa roon. "6'7 ka, 'di ba? Or you grew more?"

"Oh? Updated nga. Tama," tumango si River at ibinalik kay Eljham ang papel. Ako naman ay nagpakaabala sa papel kahit ramdam ko nang namumula na kaagad ako. "Who updated this? 6'6 lang ako last year, 'di ba?"

"Ah, oo. Si Maria nagsagot ng iba riyan. Nah research na kasi siya bago pa ito," tumango tango pa si Eljham at nilingon ako.

Lumingon din sa akin si River at tumango kay Eljham. I saw him smiled.

"Akala ko wala pang kahit ano na information sa akin, e," kumamot ng ulo si River at muling sinulyapan ako.

Nagpakaabala na ako nang tuluyan sa aking papel.

"Ano ka ba naman? Ikaw si River kaya madaling makalakap ng information mo!"

"Hindi naman 'yon. Hindi ko lang naisip na kilala pala ako ni Ms. Manzanilla," River chuckled nervously.

Nangunot ang noo ko at nagtataka siyang nilingon. He shrugged when he saw my reaction at saka tumalikod na at bumalik na sa mga kasamahan.

Tinapos namin ang pagkuha ng information.

"Pasabi naman kay Shawny na kapag nakauwi na s'ya sa kanila mamaya ay i-text ako, ha?" pakiusap sa akin ni Payton nang matapos ko siyang interview-hin.

Mabilis naman akong tumango. "I'll tell her quickly. Don't worry."

"Salamat, M!"

"Welcome!"

Natapos ang interview namin sa lahat. Si Eljham ang pinag interview ko kila Rad at saka kami nagsimula ng photoshoot.

Muling nauna ang grupo nila River. Si Eljham ang nag aasikaso sa kanila habang ako naman ay naghahanda na dahil ako ang assigned sa team nila. Salitan kami ni Eljham. Siya ang kukuha ng shots ng susunod na team.

Nagsimula ang shoot. Ang una naming kinuhanan ay team photo. Kasunod ay ang team captain at panghuli naman ay ang star player na si... River.

"What should I do?" tanong niya nang pumunta na siya sa gitna ng court. Ang iba ay naging abala kaya hindi ko malaman kung sino ang kinakausap niya. "Hello? Maria? Walang nakatingin, pwede mo akong bigyang pansin?" he chuckled again.

"Just... move your body to the side," lumunok ako at bumaling sa camera. Tinignan ko kung tama ba ang anggulo.

Kinabahan ako nang nakabalik na ang mga kasama ko mula sa pagiging abala.

"I think you should move his shoulder a bit, M," puna ni Sunny habang abala na nakaharap siya sa monitor. "Kuhanan mo ng angle. Alam kong gets mo ako," she added.

Muli akong napalunok at tumango. Unti-unti kong binitawan ang aking camera at lumakad na papalapit sa kaniya.

Inayos ko ng tamang pwesto ang balikat ni River. Ang hibla ng mahaba niyang buhok na nakalapat sa kaniyang balikat ay ipinalikod ko.

"You're hair's a bit too long. Hindi na magandang tignan," mahina kong usal at ngumiwi.

"Really?" pasimple niyang sagot. Ang inaayos ko naman ay ang anggulo ng kaniyang pisnge.

Nilingon ko ang monitor kung tama ba ang anggulo ko.

Grabe ka-kinis ang mukha n'ya. Nakaka insecure.

"Yep. You don't have to have a long hair especially during the game. It'll distract you—"

"Bagay pala sa'yo ang mga bigay ko. I'm glad you're wearing them," bigla niyang sabi habang nakatingin sa akin. "Please, don't wear me out... I mean, them."

Tumango ako. "Okay. Your angle is now right."

Saglit ko pang tinapik ang kaniyang balikat bago ako bumalik sa aking pwesto. I heard him laugh.

Mabuti at walang umimik. Lahat ay umakto na tila walang nangyare dahil normal lang naman ang ginawa ko.

Natapos ang shoot ay bandang alas sais na. Mas matagal kaysa sa oras na inaasahan namin. Nahirapan kami dahil sobrang dami nila. They're seven teams in total. Valdemor lang ang wala dahil hindi naman sila nasali sa mga palaro.

Nagmamadali na ako sa pagliligpit ng aking mga gamit dahil anong oras na. Nakailang tawag na rin sa akin sila Kuya dahil ang paalam ko lang naman ay hanggang alas tres. Wala naman si Troye dahil hindi naman siya kabilang dito. Baka pati busy iyon dahil siya ang una sa reporting sa lunes. Bunutan ang nangyare.

Mahirap para sa akin ang reporting dahil Pre-Calculus iyon. Calculus is Troye's expertise.

Mabilis na akong nagpaalam sa aking mga kasamahan at mabuti na lang ay hindi na nila inusisa pa dahil alam nila kung gaano ka-istrikto ang pamilya.

Sabado kasi ngayon at ibig sabihin lang noon ay may family dinner ngayon. Mas takot sila sa mga pinsan ay kuya ko kaysa sa aking mga magulang.

Lumabas ako ng arena at dumeretso sa parkung lot para matawagan ko na si Kuya Gi. Nakailang ring iyon bago niya sinagot.

"May balak ka pa bang umuwi?" bungad niya. Halatang galit.

I pouted and sighed. "Nakulangan kami sa man power kaya natawagalan, Kuya. Masyado silang marami."

"Haynako, Maria!" bumuntong hininga rin siya. "I'll go there now."

"Sige po. Salamat!"

Matapos kong makapag paalam kay Kuya ay nanatili na lang muna ako sa bench ng parking lot. Sinigurado kong hindi ako makikita ni Rad kung sakali mang lalabas na rin siya. Medyo madilim na rin naman kaya kampante ako.

"Aray! Nakakainis naman, Natasha e!"

Mula sa pagtitig ko sa kawalan ay napalingon ako nang marinig ko ang boses ni River. Mabilis ko silang nilingon. Paniguradong galing sila sa backdoor dahil sa gilid sila ng arena lumabas.

"Isa lang kasi! Napakaduga mo!" sagot noong babae na pilit sumasampa sa likuran ni River. "Nang ditch ka noong isang araw! Hindi mo sinipot 'yong chicks!"

"Sabunutan mo, Sha!" usal naman noong isang babae na kulot na kulot. Matangkad. Siguro ay kasing laki ko.

"Sige, Astrid, ganyanan na pala, ha!" hasik ni River doon sa babae.

"Joke lang! Ito naman!" bawi noong Astrid at hinigit na papalayo iyong isa kay River. "Tara na nga, Sha! Baka mamaya ay mahawaan tayo ng kalandian n'yan!"

"Wow! Hiyang hiya!"

"Dapat lang! Che!"

Mabilis na nagtatakbo papalayo iyong dalawang babae at sumakay sa kotse. Mabilis ang naging pag andar noon.

Bumalik na ako sa pagtitig sa kawalan nang mawala ang dalawang babae. Maya't maya ang naging pagtingin ko sa aking cellphone dahil ang tagal ni Kuya Gi dumating. Mahuhuli ako sa dinner nito.

"I thought you went home already."

Itinigil ko ang paglalaro sa aking sneaker at nilingon si River na papalapit na sa aking pwesto. Naka kulay green siyang shirt na may 'Baste' na nakalagay sa harapan. Naka shorts siyang kulay itim at itim na rubber sandals. Nakalugay ang buhok niya.

"Kuya Gi's on his way," I shrugged.

Medyo kinabahan ako nang tumayo siya sa aking harapan habang nakaupo ako. Tiningala ko siya saglit at para akong nakatingin sa poste dahil ang tangkad niya.

"Then, I'll stay here while he's not yet here. Baka madaanan ka pa ni Rad, e," at namewang pa si River. Lumingon sa paligid.

I took that chance to stare at him.

I gulped. "You gave me gifts that are same with yours," panimula ko na ikinatigil niya. "Why is that?"

Nanlaki ang mata niya. Halatang nagulat. Hinawakan niya ang kaniyang bracelet bago itago ang kamay sa likuran. Kasunod na ginawa ay hinawakan ang hikaw at kwintas.

"Grabe ka naman magtanong! Akala ko mahiyain ka?" may duda niyang usal.

I shrugged.

"Investment lang 'to," pag amin niya na hindi ko naunawaan. Mukha siyang nailang bigla.

"Investment na ano?" kunot noo kong balik. Hindi siya makatingin sa akin.

"Sayo. Habang hindi ka pa eighteen ay regalo muna. Para naman hindi mo ako akusahan ng pedophilia," defensive niyang sagot.

Tumango ako. "Kahit mag eighteen ako ay wala akong oras sa mga paandar mo, River. Marami akong priorities kaysa sa love life—"

"A-ako rin naman!" agap niya. "Hangga't hindi pa ako or ang love life ang priority mo ay pangarap at pag-aaral ko muna ang priority ko—"

"And girls, River," dagdag ko.

Pagak siyang tumawa at napakamot pa sa batok. "Well... yeah. Kind of."

Tumango ako. Natanaw ko na ang sasakyan ni Kuya Gi mula sa labas. Tumayo na ako.

"Umuwi ka na rin. Cut your hair a little shorter before the league starts," huli kong sabi bago tuluyang sinalubong ang sasakyan ni Kuya.

"Wala namang part two ang shoot na 'yan?" masungit na tanong ni Kuya Gi na siyang driver. Si Kuya Rokko naman ay kunot-noo na nakatingin lang sa labas.

Hindi ko sila maunawaan.

"Wala, Kuya," sagot ko na lang at pagod na sumandal sa backrest dito sa backseat.

"Mabuti naman. It's weekend. Family night. Family curfew is six and now you're going home at seven, Maria!" disappointed talagang usal ni Kuya Gi kaya naman nanahimik na lang ako at tumango.

Nauunawaan ko naman dahil kahit silang lahat na busy ay hindi pumapalya ng pagiging maaga kapag nag set ng family dinner si Lolo.

"Saan pala kayo magpapasko?" biglang tanong ni Kuya Rokko. Iniwasan na ang topic kahit halatang badtrip pa rin sa akin.

Wala akong maunawaan. I'm seventeen now and they still treat me like a child!

Hindi naman sila naging ganyan kila Ate.

"Baka U.S. Lola called last night about it," si Kuya Gi ang sumagot.

Lola Costancia Sage is our grandmother. Mother's side. Kabaliktaran siya ni Lolo pagdating sa pagpapalaki sa akin. She wants me to learn on my own by experiencing things. Si Daddy ang medyo katulad niya ng opinion. Baliktad sila ni Mommy na oo nang oo kay Lolo. Ilang taon na rin simula nang lumipat sila Lola ng U.S. Kasama roon si Ate Maghandi. Kasunod siya ni Kuya Gi.

Naroon na rin ang ilang pinsan namin. Sila Janny lang ang aming ka-close. Medyo malayo na rin kasi ang iba kaya bihira makausap. Si Janna ang bunso roon sa side na iyon na pinapangalawahan ni Bacon. Bunso nila Kuya Reegs.

"Haynako, Margarita!" umiling sa akin si Mommy na nakasuot pa ng pangtrabaho niya.

Lahat sila ay nasa garden na. Sa bahay ni Lolo gaganapin itong dinner.

"Hayaan na, Darling. Ngayon lang naman!" si Daddy ang sumaway sa pagsisimula ni Mommy sa kaniyang sermon.

Hindi ako umimik at tahimik na humalik sa pisnge ng lahat na may pagsususpetsa sa akin. Bukod kay Shawntell na nakangiti lang sa akin.

Sa tabi niya ako naupo.

"It's alright. Payton told me that he saw you with River. You were safe then and that's the most important here," pasimpleng bulong niya matapos hawakan ang aking kamay.

"Hindi ako nakipagkita—"

"I know and there's nothing wrong if you two are seeing each other. It's normal," marahan uli niyang sabi at humalik sa aking pisnge.

Kahit hindi naman talaga ako guilty ay gumaan ang pakiramdam ko dahil sa sinabi ni Shawntell. Kahit papaano ay may kakampi ako.

"Let's eat," seryosong usal ni Lolo. Doon na nagsimula at pagiging normal ng lahat.

Mabuti naman.

Alas diyes ng gabi ay magkakasama kaming magpipinsan na mga nakahiga sa sala. Ang iba ay nasa couch. Nanonood kami ng palabas. Napagkasunduan na dito na raw lahat matulog.

Ayos lang naman sa akin. Ang kaso lang, linggo bukas. Medyo malayo itong bahay ni Lolo sa simbahan.

"Anong plano bukas?" biglang tanong ni Kuya Eren. Kasisimula pa lang ng aming pinapanood na international movie na Enola Holmes.

"Sunday, ano?" si Kuya Gi na panganay sa aming lahat. "Sama na lang muna tayo kay M sa pagsimba," he added at saka ako inakbayan.

"Sorry for shouting awhile ago, " he whispered and kissed my cheek.

Ngumiti lang ako at tumago.

"It's fine for me. Kailangan ko maglinis ng sarili," si Ate Mira naman na siyang katabi ni Shawntell, syempre.

"Oo at puro alak na yata laman ng ihi mo," umirap si Kuya Eren kay Ate.

"Ito naman si Attorney!" umirap si Ate Mira kaya naman siya na ang nasermonan ni Kuya.

Naging tahimik ang lahat nang makalipas ang ilang minuto na pag iingay. Gumaganda na rin ang scenes.

Halos atakihin ako sa puso sa sobrang kaba nang mag vibrate ang aking cellphone at kasunod noon ay ang sunod sunod na pag ring dahilsa tawag.

Noong una ay si Ate Mira lang ang lumingon. Nang hindi tumigil ang tunong ay mga nakakunot na ang noo nilang lahat. May kung ano na kaagad na iniisip.

"Si... Si Raciela lang," I quickly showed them my phone kaya naman tumango sila at bumalik na sa panonood.

Nakahinga naman ako nang maluwag.

I hate this kind of protection! Nakakasakal!

Continue Reading

You'll Also Like

3.3K 126 43
[Love Duology #1] Same experience. The same circle of friends. What will you do if you just noticed yourself smiling while staring at a person, knowi...
149K 3.4K 49
Captain Gustavo Archielle Salvatierra is serving his country at the age of 28 and living his life to the fullest, despite being the shadow of his lat...
77.2K 731 51
In Calculus, finiding the Limit of an Infinity results you to an indefinite answer. You need to redefine and divide by the given highest exponent in...
46.6K 985 43
Ekaanta is a nobody in their school at ang gusto lang niya ay mag-aral ng maayos at tahimik, pero hindi niya inaasahan na sa dinami-rami ng estudyant...