Hotel Grimm: The Brave and Th...

By Illinoisdewriter

54.8K 5.5K 1.4K

[ Grimm Series #1] After a string of misfortunes in the mortal world, orphaned Vaniellope Kiuna 'Una' Gomez f... More

Hotel Grimm: The Brave and The Powerful
Prologue
Check-In 01: Someone Who Cares
Check-In 02: A Breath of New Life
Check-In 03: Welcome to Hotel Grimm
Check-In 04: Stranger Things
Check-In 05: Gone with the Wind
Check-In 06: Lost in Translation
Check-In 07: Angels and Demons
Check-In 08: Doctor Sleep
Check-In 09: The Da Vinci Code
Check-In 11: Memoirs of a Geisha
Check-In 12: Trainspotting
Check-In 13: Wuthering Heights
Check-In 14: Life of Pi
Check-In 15: A Series of Unfortunate Events
Check-In 16: Pride and Prejudice
Check-In 17: The Shining
Check-In 18: A Tale of Two Cities
Check-In 19: Rich People Problems
Check-In 20: The Little Prince
Check-In 21: Pirates of the Caribbean
Check-In 22: Little Women
Check-In 23: I Know Why The Caged Bird Sings
Check-In 24: The Godfather
Check-In 25: Jane Eyre
Check-In 26: Coraline
Check-In 27: The Truth About Forever
Check-In 28: Tuesdays with Morrie
Check-In 29: Peter Pan
Check-In 30: Nineteen Eighty-Four
Check-In 31: Les MisΓ©rables
Check-In 32: Into the Wild
Check-Out

Check-In 10: The Alchemist

1.4K 165 14
By Illinoisdewriter

Check-In 10: The Alchemist

THE GRIMM BROTHERS, Ms. Sophie, and Lady Incha are currently having their dinner. Sumusulyap-sulyap ako sa banda ni Master Thirdy habang nakatayo sa may gilid ng hapag. I was expecting he would say something about what happened earlier but he acted as if it's not a big deal. Normal lang ang pagkilos niya habang kumakain. Mayor Juan invited us again to join them for dinner but we refused again kasi may naghihintay sa amin sa staff hall.

Lady Incha found me in Master Thirdy's office front door earlier. She made me follow her to the infirmary where Doctor Sixtho healed my wound. Maliit na sugat lang iyon at natigil na rin sa pagdurugo. Ang sabi ni Doc ay ayos lang na gamitin niya ang ability niya para gamutin iyon dahil hindi naman ganoon kalaki ang makukuha nito sa life force niya.

"This is really delicious. What do you call this again, Una?" baling ni Mayor Juan sa akin. He just finished chewing his food, his utensils still on his hands.

"Pinoy barbecue po, Mayor Juan," nakangiting sagot ko sabay yuko bahagya ng ulo.

"Saan ka natutong magluto? Kay Adele ba?"

"Kay papa po. He's a Filipino chef in Dubai. Tapos si Mama Adele naman tinuturuan din po akong magluto ng mga putahe ng ibang lahi mula sa mortal world saka rito na rin po sa Abseiles."

"Sigurd's also a chef?" pagtataka ni Mayor Juan. Marahil ay inakala niyang si Tatay Sigurd ang tinutukoy kong papa. Umiling agad ako.

"Iyong biological father ko po ang tinutukoy ko."

"Wait, you mean, may naunang asawa si Adele bago si Sigurd?" naguguluhang tanong ni Mayor Juan. Mahaba-habang paliwanagan ito.

"Hindi po. Ampon lang po ako nina Mama Adele at Tatay Sigurd gaya nina Inday Lulu at Kyrine. Mula po ako sa mortal world at gano'n po ang trabaho ng biological father ko roon."

"Oh, really? Where is he? Where's your biological family now?"

I smiled sadly but still replied, "Wala na po sila."

Nasulyapan ko pa si Master Thirdy na natigil sa pagnguya at pinanood kami. Doctor Sixtho looked at me sadly, too.

"I'm so sorry, Una. I didn't know," Mayor Juan apologized sincerely.

"Ayos lang po. Masaya naman ako rito sa bagong pamilya ko."

"Eating together with the other employees seems fun. Can we join them, brother? Can you schedule a dinner with the other staff? I'd like to meet them," Mayor Juan asked Master Thirdy, the hotelier.

"Sure. Lady Incha, can you take care of it?" pakisuyo naman ni Master Thirdy sa aming concierge.

"Wala pong problema. I'll fix the date of that dinner and I will tell the employees about it."

"Thank you so much, Lady Incha," Mayor Juan thanked her.

I really think he tried his best to divert the topic as diplomatic as he can in order not to hurt my feelings further.

I CLOSED COUNT Vladimir's journal after reading. Nabasa ko na lahat ng laman nito. Sa halip na matulog pagkatapos kong magbihis ng pantulog ay nagpunta ako sa may lake shore at tinapos ang pagbabasa.  Humilig ako sa baluster sa gilid ko. I'm sitting on the boardwalk at the moment. Iyong mga paa ko naman ay nakababa sa may edge no'n, but I made sure that the lake water wouldn't touch my pajamas.

Base sa mga detalye ng journal ni Count Vlad ay may isang anak siya na nasa East Region at isang nasa North Region din. Ang iba ay hindi ko pa alam kung saan ko mahahanap. He made sure in his journal to keep track of them. I know he knows where to find each of them. Lagi siyang nakasunod sa mga ito, but he didn't include those information in his chronicle. It wasn't very detailed too. Ang nakalagay lang din ay ang rehiyon kung nasaan ang dalawang anak niya na iyon but no specific address. The important details include the name of those women, what type of beast they are, and where he had met them. Pero ngayong may tatlo na ay plano kong tapusin ang paghahanap hanggang sa mabuo ko sila, hanggang sa mabuo ko ang Pamilya Grimm at matulungan ang pamilya ko rito sa hotel.

The breeze gently blew, making the already ethereal looking lake shore with its fairy lights, lampposts, and flower decors more serene and comforting. Muling binuksan ko ang journal nang maalalang may inipit nga pala ako sa isa sa mga pahina no'n. Kinuha ko iyon doon at tiningnan ang larawang kupas ng pamilya ko. Ito na lang ang tanging nadala kong alaala ng pamilya namin. Sobrang tagal na nito. Iyon ang huling larawan naming magkakasa at bago pa umalis si papa papuntang Dubai at nalaman ni nanay ang tungkol sa telekinesis ko. She didn't understand extrasensory perception back then. She only thought and believed that it was evil, and that I was being possessed by the devil.

I smiled sadly at the old photo. Haruki Murakami was right when he had written in his book Kafka on the Shore that 'memories warm us up from the inside, but they also tear us apart.'

Siguro talagang kalakip na ng saya at lumbay ang sakit at kalungkutan sa tuwing pagmamasdan ko ang larawang kupas na ito. Naiibsan nga nito ang pangungulila ko sa pamilya ko pero kinakailangan ko ring maramdaman at maalala kasabay no'n ang pighating dulot ng mga 'di kaaya-ayang karanasan ko noon sa kamay ni nanay. I had forgiven her for everything. Totoo iyon at ang bagay na pumipigil sa aking tuluyang lumaya mula sa mga masalimuot na alaala ng kahapon ay kung ganoon din ba siya sa akin... kung napatawad na rin ba niya ako sa nagawa kong kasalanan. Hanggang ngayon, binabagabag pa rin ako ng konsensya ko dahil sa nagawa ko sa kanya. This is why we shouldn't make decisions and act based on our anger. It blurs our vision of what is right and wrong.

My eyes fixated on Kuya Vinzi's smiling face. With trembling fingers, I touched his face.

Nasaan na kaya siya? Sana ayos lang siya.

May matutulugan din kaya siya?

Ano na kayang ginagawa niya?

Ang dami-dami kong mga tanong na hindi ko magawang sagutin. I chuckled tearfully. Maagap ko ring pinunasan ang mga luha ko. The last time I saw him was inside the jail and when he gave me Coelho, the small white teddy bear he knitted himself.

Dieciocho na si Kuya Vinzi nang makulong. Binalita na lang sa akin ng mga madre no'ng ampunang pinaglalagian ko ng mga panahong iyon na naambush daw ang armored vehicle na ginamit sa paglilipat ng mga preso sa bilibid. Sakay no'n ang sampung mga preso... kasama si kuya. I haven't heard anything from him since then. The news reported that the authorities were searching for them, but truth is, they considered it right away as a cold case. Tanong ako nang tanong kung nasaan na si kuya, kung may balita na ba pero tinataboy din nila ako nang paulit-ulit-ulit. I even heard one of the policemen said that if the prisoners are presumably dead then that's good for them because whoever ambushed the vehicle did the job of eliminating the criminals for them. Aniya ay mga salot naman sa lipunan ang mga kriminal na iyon kaya mabuti nang maglaho. Muntik ko nang gamitin ang telekinesis ko ng mga sandaling iyon para magwala at ipamukha sa kanyang hindi lang sila ang may karapatang mabuhay sa mundo at madalas ang mga tunay na salot ay yaong mga katulad niyang alagad ng batas na mga gahaman at walang respeto sa halaga ng buhay.

Ipinapangako kong hahanapin kita, Kuya Vinzi. Kapag ka nabuo ko na ang magkakapatid na Grimm ay hahanapin kita. Hintayin mo ako, kuya.

"Bakit nandito ka pa?"

Nagulat ako sa biglang nagsalita kaya nabitawan ko ang litratong hawak ko. Mabuti na lang ay bago pa mahulog iyon ay naging yelo na ang parte na 'yon ng lake. Dahan-dahang tumaas ang yelo hanggang sa nasa may tapat na iyon ng tuhod ko. I quickly took the only remembrance of my family from there and kept it back inside the journal. Bumagsak iyong yelo pagkatapos at bumalik sa dati ang parteng iyon ng lawa. Nag-angat na ako ng tingin kay Kyrine.

"Bakit hindi ka pa natutulog?" tanong ko pabalik. Umismid siya.

"Matutulog na sana ako at magsasara ng pinto kaso kulang pa ng isang batang hamog sa kwarto."

I chuckled at that. She might look mean, snobby, and uncaring but she is the exact opposite of those. Kaya nga siya ang itinuturing namin ni Lulu na panganay sa aming tatlong mga ampon nina Mama Adele at Tatay Sigurd. That's why I don't judge her easily and other people in general. I am the kind of person who keeps on finding the story in everyone. Lahat naman kasi may kwento, malungkot man 'yan o masaya. All stories are worth telling for to the right people who truly listen.

"Sige na, mauna ka na. Susunod na ako maya-maya," nakangiting saad ko sa kanya.

She sighed and fixed her silk robe before sitting beside me. Tahimik lang naming pinagmamasdan ang kumikinang na tubig ng Lake Grimm dahil na rin sa mga fairy lights at ilaw ng bilog na buwan. I'm usually talkative but right now, I just want to indulge myself with the comforting silence.

"Nakakainggit ka..."

Napabaling ulit ako sa kanya dahil sa narinig.

"Bakit naman?" I asked.

"Kapag grumaduate ka na at napagdesisyunan mong bumukod para magsimula ng bagong buhay ay magagawa mo kasi malaya ka. Kasi hindi ka nakakulong sa hotel na 'to. Kasi hindi ka sinumpa," she confessed.

I didn't know she was feeling that way.

"It's not that I'm being an ungrateful brat. It's just that, gusto ko lang maranasan ang buhay sa labas ng hotel. I was born and raised here. Hindi ba pwedeng sumubok naman ako ng iba? Pero paano ko nga naman magagawa 'yon, gayong pati ako damay sa sumpa at kasalanan ng mama ko."

"Ano bang ginawa ng mama mo?"

"She represents sloth in the Sinners Squad. Reyna siya ng isang maliit na kaharian sa North Region noon. Walang pakialam sa mga nasasakupan at lalong-lalo nang hindi gumagawa ng kahit na ano para umunlad sila. Utos lang siya nang utos sa iba. Nang nilusob ng mga bandido ang kaharian niya, ng mga firestarter ay wala siyang ginawa. Maraming mga igloo ang natupok at mga frosts na nasawi. She remained irresponsible, lazy, and indifferent. Her people plotted against her. Sawa na sila sa tamad na pamamalakad niya. They wanted a reform. Binalak siyang patayin ng mga nasasakupan niya at ihalal ang bagong pinunong napipisil nila. She was already pregnant by that time so she begged mercy and had ran away from there to save me. Tinulungan siya ni Count Vladimir na manganak doon saka dinala niya kami rito sa Hotel Grimm at binigyan ng pangalawang pagkakataon."

Nanatili akong tahimik. I am encouraging her to say more and hold no barriers with me.

"Alam mo kung ano 'yong mas nakakatawa? I can't blame anyone for this misfortune. Hindi ko naman masisi si mama dahil pinilit niyang magbago pagdating ko. Nagtrabaho siya nang maigi rito sa hotel para supprtahan ako. I can't blame Countess Amanda too. Naiintindihan kong nasaktan siya nang sobra sa pagtataksil ni Count Vladimir, and I can't blame Count Vladimir also. He had given us a second chance and he believed in us when no one else did," she continued.

Umusod ako palapit sa kanya at paakbay siyang niyakap. I then rested my head on her shoulder.

"Hindi mo naman kasi kailangang maghanap nang masisisi. Kailangan mo ng karamay at nandito lang ako, Ky. I will find ways to break your curse," I assured her.

"Ano nang plano mo pagka-graduate mo?"

"Mag-aasawa na ak- charot lang!" natatawang putol ko nang kurutin niya ako sa balikat.

"Gaga ka talaga."

"Wala pa akong plano. Siguro kasi ayoko rin namang umalis dito. Hindi lang dahil may malaking utang na loob ako sa Hotel Grimm kundi dahil... Kalahati ng buhay ko, nakakulong ako. Tapos no'ng makalaya naman ay pinagpasa-pasahan ako ng tirahan at nagpalipat-lipat ng ampunan. I always feel unwanted in the mortal world. Nang makarating ako rito, doon ko lang naramdaman na tanggap ako at nabigyan ng tunay na tahanan."

Kyrine didn't answer. She just gently caressed my arm as if soothing me.

I WOKE UP early and prepared everything before school. I sported a white tee shirt and tucked it in my red plaid skirt. I wore trunks underneath and matched it with my knee socks na may red outline sa may edge then black sneakers with red shoelaces. Nilugay ko lang ang buhok ko at naglagay ng puting headband. I then took my black Chanel quilted sling bag.

Malaki ang kinikita namin sa Hotel Grimm. They paid for my tuition, the food we're eating, and for almost all of our needs. Kaya iyong kita namin ay talagang amin lang at ginagastos namin ng kung anong gusto namin. During day offs, Kyrine would usually take me and Lulu downtown to buy these stuffs. Minsan namamasyal na rin kami pero madalas kasama ako ni Lady Incha mamalengke. Kaya binibilhan na lang ako ni Kyrine ng mga pasalubong at karamihan sa mga iyon ay ganitong mga mamahaling bag.

I hugged the books I will be needing today. Sumakay kami nina Lulu at Ate Honey ng elevator pababa ng basement kung nasaan ang parking lot. May elevator kasing kumunekta sa parking at sa labas ng unit namin na nasa likuran naman ng Hotel Grimm. Pinagbuksan kami ni Kuya Nolan ng pinto nang minamaneho niyang shuttle bus.

The last schedule for check-ins and check-outs in our hotel a day is every 4:00 pm. Siyempre maigi nang sigurado kasi bawal na ang mga empleyado sa labas pagkatungtong ng alas-sais. Babalik na si Kuya Nolan niyan ng hotel at magpapahinga. Nakakailang balik din siya ng hotel at sa pantalan at terminal ng Kapitolyo para sumundo ng mga guests. May ilang nagpapahatid lang ng mga taxi kaya huling tawad namin ng check-out at check-in para sa kanila ay alas-cinco y media ng hapon. Ang break namin, dahil siyempre kailangan din naming magpahinga, ay nasa alas-otso ng gabi. The casinos and Ate Honey's bar are very much alive until eleven. May night shifts din naman kasi kami. May nasa convenient store nagbabantay at reception para sa mga emergency at concerns.

"Ba-bye, Ate Una!"

"Mag-iingat ka, Una."

Kinawayan ko sina Ate Honey at Lulu pagbaba ko ng shuttle. Nasa ibang school kasi si Lulu. Si Ate Honey naman ay may open house na pupuntahan sa isang Marine Life Facility sa Kapitolyo at compulsory iyon para sa mga Marine Bio na estudyante tulad niya.

"Ba-bye, Inday Lulu! Ba-bye, Ate Honey! Ba-bye, Kuya Nolan! Mag-iingat kayo!" paalam ko saka nakangiting kumaway.

The shuttle left and I spun around to walk inside the UP Campus. Napansin kong kumulimlim ang langit, nagbabadyang umulan. Hindi nga ako nagkamali at biglang umambon. May libro ako pero hindi ko ugaling gawing pananggala iyon sa ulan. I value those books and it's not easy writing them! I feel so bad and sad for the authors and scholars whenever I see students using it like an umbrella or handle it without care. Tumakbo ako at sumilong muna sa may waiting shed sa gilid. Malayo pa rito ang College of Teacher Education kung nasaan ang first period ko kasama si Juno. Paniguradong basa na ako pagdating doon. I glanced at my silver wristwatch and silently prayed that the rain would stop pouring. Nasapo ko ang noo ko at natawa sa sarili.

"Gagi may payong ka," I told myself.

I opened my bag to take it from there. Hindi naman gano'n kalaki ang bag ko pero hinalughog ko pa rin sa loob ang folding na payong ko kaso wala. Susko! Baka naiwan ko. Papalit-palit kasi ako ng bag dahil gusto kong ibagay sa outfit ko. Dressing is part of my self-expression and self-expression is akin to art for me. I gave an all-out effort in dressing so I would feel good about myself. But I have to admit that umbrella is important to me also. I just couldn't stand here and think it's not a big deal. It has a sentimental value.

"Ito ba ang hinahanap mo, miss?"

Nag-angat ako ng tingin sa lalaking nagsalita. Nakatayo na sa harap ko si Juno habang gamit iyong payong kong kulay fuchsia.

"Bakit nasa sa'yo 'yan?"

"Pinahiram mo sa akin no'ng isang linggo. Nakalimutan kong isuli. Sorry, seb. Oh, heto na."

Naungot ako sa inis nang ibigay nga ni Juno sa akin iyon kasi parang tanga nabasa tuloy siya. He chuckled and I pushed it back  to him.

"Magpayong ka kasi baka maging gago ka lalo kapag nabasa ka ng ulan!" pangaral ko sa kanya.

"Opo, boss."

"Halika na. Sabay na tayong pumunta sa room. Baka nagsimula na 'yong klase natin sa Math," sabi ko at lumapit sa kanya para makishare ng payong.

He held me by the arm and pushed me close to him. "Lumapit ka. Nababasa ka ng ulan. Ang liit-liit mo na hindi ka pa rin kasya."

"Hoy, hindi ako maliit, ah! Sadyang malaki lang talaga 'yong mundo," kaila ko pa.

He laughed and held me closer and tightly. Matagal na itong payong sa akin. This fuchsia umbrella has my name embroidered in white thread on it. It was given to me by Juno. Ito ang unang regalo niya sa akin at noong magkasintahan pa kami noong senior high school. He once saw me soaked in rainwater pagdating ko ng klase. Ganito rin kasi iyon. Habang naglalakad ako ng campus ay biglang umulan kaso wala talaga akong payong no'n. Naignorante kasi ako sa Abseiles. Akala ko hindi umuulan dito. He got mad and scolded me for it. Tapos kinabukasan ay binigay niya ito sa akin. Sabi niya ay business daw 'to ng mama niya. They're making durable and artsy umbrellas.

"Seb, snack muna tayo," alok agad ni Juno sa akin pagkatapos ng klase namin sa Math.

"Maghahanap pa ako ng Grimm," sagot ko naman sa kanya saka sinukbit sa balikat ang sling bag at kinarga ang mga libro ko.

"Sa ganitong oras? 'Di ba fifteen minutes na lang ay may pasok ka na kay Madame Gabbana?"

"Okay na 'yon. Magtatanong-tanong ako sa mga estudyante kung may kilala silang alchemist na around 24-27 years old."

"Sigurado ka talaga sa sinasabi mo? Ang daming tao rito sa campus at isa pa baka lokohin ka lang. Pero may kilala akong alchemist na swak ang edad sa hinahanap mo, seb."

"Talaga?" gulat at excited kong tanong sa kanya.

"Oo naman."

"Sino?"

Ngumuso siya para ituro ang nasa harap. Sinundan ko iyong tinuturo niya at napansin si Sir Alamid na nagliligpit ng mga gamit niya. I looked at Juno again, shocked and still couldn't believe it.

"Alchemist si Sir Al?" paninigurado ko.

He nodded, crossed his arms around his chest, and narrowed his eyes on Sir Alamid. "Suki ng chem lab 'yan, laging gumagawa ng elixir para sa mga kliyente niyang gustong bumata ulit. Teka, ano klaseng beast ba ang akala mo sa kanya?"

"Akala ko firestarter siya gaya mo. Nakita ko kasi siya once na umaapoy iyong kamay kaya nasabi kong firestarter siya."

"It must be alchemy, seb. He might have created a nonburning flame using some chemical substances and a lil' bit of pixie dust," he explained but it's more of like teasing.

"Samahan mo nga ako at tatanungin ko si Sir Alamid," aya ko sa kanya.

I walked towards Sir Alamid and Juno followed. I smiled at our professor when we got to his table.

"Yes, you need anything, Ms. Gomez?" he asked while gathering our papers, the ones the we had for today's exercises.

"Sir, totoo po bang alchemist kayo?"

"Yes, I am, and why?"

Nagkatinginan kami nang bored na si Juno. He arched his brow as if telling that he's really right. Swak nga si Sir Al sa hinahanap ko, alchemist na around 24-27 years old based do'n sa timeline sa journal ni Count Vladimir. Now I just need to find out if he...

"May kilala po ba kayong Margaret Mustang?"

He stopped gathering the papers and put them down on his table. He looked at me seriously.

"Oo."

Nagulat ako at natuwa rin naman sa sagot niya. Baka siya na nga si Master Dos!

"Nanay niyo po ba siya?" I concluded in excitement. Sir Al chuckled and shook his head.

"No."

"Ay..." naghihinayang kong usal.

Alam mo 'yong feeling na lumilipad ka na sa tuwa tapos biglang kang bumagsak sa lupa na nauna ang mukha, ouch.

"Pero sabi niyo po 'di ba kilala niyo siya? Sa anong paraan po?" I asked again.

"Almost all alchemists know her. She's one of the best kaso nabaliw sa pag-ibig," aniya at nagpatuloy na sa pagliligpit.

Natahimik ako. It must be Count Vladimir. I swallowed the lump in my throat before resuming.

"Alam niyo po ba kung saan namin siya makikita?"

"You mean her grave? She's already dead."

Nalungkot at nanlumo ako bigla pero nagpatuloy ako sa pagtatanong. I might not be able to find any other alchemists to ask for details.

"E, may anak po siya 'di ba? Silang dalawa ni Count Vladimir?"

Malakas na sinara ni Sir Ala ang satchel bag niya bago ako nilingon. "I've seen him when I was a kid. Nang mamatay si Margaret, I transferred here in West Region, and I haven't heard from him since then."

Isinukbit na ni Sir Ala ang sling ng satchel bag niya sa balikat niya.

"Now that you've mentioned Count Vladimir, natatandaan ko nang doon ka pala sa Hotel Grimm nagtatrabaho," pagpapatuloy niya.

I smiled at him and nodded.

"Pakihawak muna," pakisuyo ko sa inaantok nang si Juno upang dalhin muna saglit ang mga libro ko.

I opened my bag, took my wallet, and pulled out from there the Hotel Grimm's business card. I smilingly handed it to Sir Ala.

"Sir, baka gusto niyo pong magbakasyon o magrelax from work and to relieve your stress. Ay, perfect na perfect po ang Hotel Grimm para r'yan!" I advertised.

Sir Ala's brows shut up while smiling and looking at the business card.

"At dahil malakas po kayo sa akin, hanapin niyo lang po ako kapag pumunta kayo r'yan at bibigyan ko po kayo ng discount," sulsol ko pa.

"This is great. Thank you, Gomez. I have to go," aniya at nagpaalam na sa amin ni Juno.

Bigla akong inakbayan ni Juno at sinabing, "So, paano? Ikaw na rin ba ang bahala sa discount ko?"

I looked up at him and frowned. "Discount mo mukha mo. Housekeeper lang ako ro'n, hindi amo. Tantanan mo nga ako sa mga stunt mo na 'yan para makalibre. Hindi oobra sa akin 'yan."

"Hala, ang daya nito. Bakit si Sir Ala may discount, ako wala? Ang unfair mo naman, seb."

"Gano'n talaga, seb. Kung alam mong talo ka na, minsan kailangan mong sumipsip. Malapit na 'yong exam pero ang bobo ko pa rin sa Math. Kapag naalala ni Sir Ala na isa akong mabait na estudyante, maaawa siya at ipapasa niya ako. Oh, 'di ba, I am so bright!" proud na paliwanag ko sabay hampas sa balikat ni Juno at tawa. Umismid siya pero kalaunan ay nakitawa rin.

Hinatid niya ako sa bibliotheca, ang tawag sa lecture hall at lounge naming mga Literature student. Pagkatapos ng klase namin kay Madame Gabbana ay lumabas na agad ako ng bibliotheca. Naabutan ko agad si Juno na nakasandal sa motorsiklo niya na nakaparke sa labas ng CAL Building. Lumapit ako sa kanya.

"Lunch?" he asked.

I was about to respond when my phone rang. I pulled it out from my bag and answered it. Hotel Grimm's landline number registered on the caller ID. It must be important.

"Hello?"

Para akong nabagsakan sa sunod kong narinig. I have heard Ma'am Solange said this before, but having heard the news from Kryine this time was completely a different feeling.

"Seb, ayos ka lang?" Juno asked when he noticed my expression.

Binaba ko ang cellphone at nagmamakaawang tiningnan si Juno.

"Seb, hatid mo na ako sa hotel. Na..." I swallowed the lump in my throat and continued, "Nando'n na 'yong bangkay ni Count Vladimir..."

Juno pursed his lips and nodded slowly. He ushered me to his motorbike to drop me home to Hotel Grimm.

IT WAS MA'AM Solange who sent his remains in the Hotel Grimm. Kyrine told me that Ma'am Solange said that that was the least thing she could do as a sister to Count Vladimir.

Nilinis namin ang function room 1 sapagkat doon idaraos ang vigil at burial mass ni Count Vladimir bukas. The vampires in Abseiles have their own burial traditions. Isang gabi lang ang vigil at kinabukasan ay ihahatid na siya sa kanyang huling hantungan. The Quicksilvers were also tasked to build the mausoleum at the center of the flower field for Count Vladimir.  Kasalukuyan nilang ginagawa iyon at kaonting sandali na lang ay matatapos na.

Lulu was crying while arranging the black upholstered chairs for the vampire relatives of Count Vladimir. Ang mas nakakalungkot pa niyan ay hindi kami maaaring magtagal dito sa loob mamaya kasama ng mga bampira. Only the immediate family and the relatives of the deceased are allowed for the vigil. Bukas pa kami ng umaga sa seremonyas makakalapit kay Count Vladimir, even Lady Incha couldn't stay. Wala kaming magagawa sapagkat ito na ang matagal na batas ng mga bampira. Kahit pamilya na ang turing ni Count Vladimir sa amin ay empleyado pa rin kami sa mga mata ng ibang bampira.

We were told by Lady Incha to stay outside the hall with her. Maglalagay kami ng mga mahahabang mesa sa labas kung saan namin ilalatag ang mga snacks at inumin para sa aming mga bisita. We will stay all night outside the function hall and that would be our version of vigil for Hotel Grimm's late owner and father figure.

Kanina pa umiiyak si Lulu at kanina pa ako hindi umiimik. I continued mopping the floor while having an inward breakdown. Ma'am Solange told us about this before, but I guess, all of us just didn't believe it. Kasi alam at ramdam kong lahat kami ay naniniwalang babalik pa rin si Count Vladimir. Pero ngayong tila sampal na sa amin ang kabaong at bangkay niya ay ang hirap tantiyahin kung gaano kasakit, ang hirap sukatin ng lungkot, at ang hirap timbangin ng bigat ng emosyon namin ngayon.

It's only Mama Adele and Lulu that we had seen crying. Si Kuya Nolan ay piniling mas mapag-isa. Sina Ate Honey, Kyrine, at Tatay Sigurd naman ay sinusubsob ang sarili sa trabaho para makontrol ang sakit at pighati. Count Vladimir isn't just an employer for us. He's our savior and the one who believed in us when no one else did. Para sa mga makasalanan na tuldad namin na minsan nang tinakwil ng lipunan at mundong kinabibilangan namin ay nakahanap kami ng pag-asa at bagong bukas sa tulong niya.

"Does everyone already know about the temporary suspension of hotel operations from 6pm tonight until 1pm tomorrow?" tanong ni Master Thirdy kay Lady Incha nang nasa penthouse na kami.

"Opo, Master Thirdy. The memorandum has been posted and circulated around the hotel. I am confident that the guests and residents are already informed about it," tugon naman ni Lady Incha. Tumango naman si Master Thirdy.

"Tell the others to take their dinner early too," bilin niya ulit.

"Masusunod po."

Magkakaroon ng pansamantalang tigil operasyon ang hotel bilang paggalang sa lamay at libing ng may-ari. Magsisimula ang suspensyon sa alas-sais ng gabi para makapaghanda pa kami at hanggang ala-una na bukas ng hapon dahil sa umaga na ililibing si Count Vladimir. Umuwi rin nang maaga si Mayor Juan at Ms. Sophie dahil sa nabalitaan. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin magawang magsalita. Nakikinig lang ako sa usapan at tumatango kapag inuutusan. There are indeed events that are so sorrowful and painful they can mute us.

Pagkatapos naming kumain ay naghanda na kami sa pagdating ng mga bisita. Mas dinoble pa ni Master Thirdy ang seguridad ng buong hotel. May limang mermen na kasama si Tatay Sigurd sa may gate. Bantay-sarado rin ang buong palibot ng hotel ng mga rumorondang mga mermen. We are careful because Ma'am Solange might come back after she ordered some Nodrams earlier to bring Count Vladimir's remains in the hotel. Nangangamba kaming lahat sa kaligtasan ng mga nandito sa hotel.

Nakahanda na rin iyong lamesa namin sa labas ng function room. Katabi ko si Kyrine na nagbabantay doon kasama sina Lady Incha at Ate Honey. Tahimik lang silang tatlo pero kita ko sa mga mata nina Ate Honey at Kyrine ang pangungulila at lungkot. Si Lady Incha naman seryoso pa rin pero mas malamlam ang mga mata niya ngayon. Si Lulu nakatulog kaiiyak kaya dinala na siya ni Mama Adele sa unit namin. We let Mama Adele rest too kasi alam naming sa buong araw ay siya ang puno at tambak ng trabaho. Kuya Nolan was with Tatay Sigurd at the gate, guarding it also.

Panay ang baling ko sa mga pumapasok na bampira sa loob. Mayor Juan and Doctor Sixtho invited us inside but we refused. Tingin pa lang ng mga bampira ay para bang hindi na kami welcome sa loob. Ang bampira lang siguro na makatao ang trato sa amin ay iyong vampire priest nila. He's old and blind but still full of wisdom. Ang sabi ni Ate Honey ay katulad ni Lady Incha ay sobrang tanda na nito, and it's showing actually. Si Lady Incha naman ay mukhang nasa mid twenties lang ang itsura, but both of them are immortals. They are undying. Pero hindi gaya ng concierge namin, the vampire priest been through worse. He should not feel anything because they believe that feelings can only distract him from portraying his role. Sinadyang bulagin din ang mga mata niya para hindi siya mabighani at mahabag sa mga bagay-bagay because it might stir an emotion within him.

I excused myself from my colleagues when I couldn't bear the emotions I have while watching the vampires went inside the function room. Naiinggit ako sa kanila dahil kahit ngayon ko lang nakita ang ilan sa kanila ay mas may karapatan pa silang pumasok sa loob kaysa sa amin. We've been Count Vladimir's family too for years now but they won't accept that.

Naglakad ako papunta sa flower field. It's one of my most favorite spot in Hotel Grimm. Nang matanaw ang buo nang mausoleum ni Count Vladimir na gawa sa puting marble ay pumitas ako ng isang pink tulips at lumapit doon. Malamig ang simoy ng hangin. I'm thankful for the night breeze because it helps me breathe in this suffocating instance. Ipinatong ko ang pinitas na mga bulaklak sa magiging nitso ni Count Vladimir. I inhaled then let out a long sigh.

"Thank you po. Maraming-maraming salamat po..." nakangiting sambit ko habang nakatitig sa nitso, iniisip na nandoon na si Count Vladimir at ito na ang pagkakataon kong kausapin at magpaalam sa kanya.

My lips trembled as tears began brimming my eyes.

"Maraming... maraming salamat po talaga... Binigyan niyo po ako 'di lang ng tahanan kundi ng pamilya, pag-asa, at kinabukasan. Panghabambuhay ko pong tatanawin na malaking utang na loob iyon, Count Vlad..."

Pinunasan ko ang mga luha gamit ang kanang palad pero nagpatuloy lang sila sa pag-agos. Ang bigat-bigat sa dibdib na mawalan ng isa pang miyembro ng pamilya.

"Sorry po... Sorry kasi... wala kami noong mga panahong kailangan niyo kami... I'm so sorry po, Count Vlad... Lagi kayong nand'yan para sa amin pero...pero hindi man lang namin kayo nailigtas o natulungan... Sorry po..."

Huminga ako nang malalim at pinunasan na nang tuluyan ang mga luha ko gamit ang dalawang palad ko.

"Pinapangako ko po sa inyong hahanapin ko ang mga anak niyo, bubuuin ko po ang pamilya niyo."

"Una..."

Natigilan ako sa boses na narinig. Iyong mga luha ko nagsiurungan saka ako nagpalinga-linga sa paligid. May mga lampposts at fairy lights naman pero madilim pa rin at ako lang ang mag-isa rito... I clasped my hands on my chest level then I looked up.

"Diyos ko po... kung si Count Vladimir man Po 'yong tumawag sa akin, pakisabi naman Po sa kanyang huwag muna ngayon. Pwedeng bukas na lang Po siya magparamdam, gabi na Po kasi, e. Mag-isa pa Po ak-"

"Una!"

"Ay, kalansay!" gulat kong bulalas sa tumayong si Master Thirdy na nasa kabilang dulo ng nitso at kanina pa pala nakaupo roon.

"Sorry po, Master Thirdy! Kayo po pala. Akala ko kasi mag-isa lang ako rito ngayon," bawi ko agad.

"Why are you here?"

"Hindi po kasi kami pwedeng pumasok sa loob ng function room tapos ang bigat na nang nararamdaman ko kaya napagdesisyunan kong ilabas na lang po rito iyong gusto kong sabihin kay Count Vladimir. Teka, bakit po kayo nandito? Hindi po ba dapat nasa loob kayo?"

"Tsk..." He looked away.

"Master Thirdy, alam ko pong nanghihimasok na ako sa buhay niyo kaso pamilya na tayo, e. Dapat marinig niyo 'to. Alam kong may galit pa rin d'yan sa puso niyo dahil sa mga nagawa ng ama niyo pero hanggang kailan niya pa po ba pagbabayaran lahat ng iyon? Wala na po siya kaya sana naman po kahit sa huling sandali niya ay mahanap niyo sa puso niyo 'yong pagpapatawad at pagtanggap."

"Pinabayaan niya ako."

"Pero sina Mayor Juan at Doctor Sixtho ay hindi rin naman po naiiba sa inyo. Lumaki rin po silang walang ama pero nakita niyo naman 'di ba? Nakaya nilang magpatawad kay Count Vladim-"

"You don't really get it, Una, do you?!" asik niya sabay harap sa akin. The red pupils in the empty eye sockets of his skull mask intensified as if it was fueled by his emotion.

I stayed silent to give him time to open up, cueing him that I will listen to whatever he will be saying.

"Hindi mo ba talaga nakikita? Oo at pare-pareho kaming lumaki na walang ama pero magkakaiba kami nang naging kapalaran! Si Juan, mayor ng West Region samantalang si Sixth naman ay isang doctor. E, ako? Isang lintek na serial killer na naging hotelier! Sirang-sira na 'yong buhay ko, Una! Kinakailangan ko pang magsuot ng maskara para hindi nila ako makilala, kamuhian, at katakutan..." sigaw niya, yet he trailed off in the last word.

Nagulat ako sa ibinulgar niya kaya nanatili akong titig sa kanya. I didn't know... I didn't know he was feeling that way because in all honesty, I don't see him as an ex-convict. I know Tatay Sigurd wasn't lying when he said that Master Thirdy's wearing a skull mask to control himself from harming others. I just didn't know he also has other reasons for doing so.

He looked away and turned his back on me. "Ako 'yong naging pinakamiserable sa aming lahat."

Naupo ulit siya sa pwesto niya kanina kaya dahan-dahan akong lumapit doon. I found him leaning his back and head against the tomb, his right knee was pushed up and his right forearm resting atop it. Nakiupo na rin ako sa malayong tabi niya.

I don't know how to converse with people like Master Thirdy. Kapag ka siya ang kausap ko, lagi akong nakakaramdam ng takot. I want to make him feel that he wasn't alone anymore, na nandito kami para sa kanya, at hindi naiiba sa pamilya ang tingin namin sa kanya.

"Ano po bang ang gusto niyong maging?" I asked with a small smile.

He just glanced at me through his peripherals. Kumalma ako at nagpatuloy.

"Sabi po kasi ng lolo kong si Paulo Coelho, 'When you want something, all the universe conspires in helping you to achieve it'. Kaya po importanteng malaman niyo kung ano ang tunay na gusto niyo," I told him. Ginamit ko pa iyong pangalan ng paborito kong mang-aakda.

"Do you know what comes after death?" tanong niya na hindi nakatingin sa akin. Nakasandal lang iyong ulo niya sa may puntod habang malayo ang tingin.

"Po?"

"Ang sabi ko, alam mo ba kung ano ang kasunod ng kamatayan?" He looked at me again through his peripherals.

"Hindi po." Umiling ako.

"Life. Another life comes after death."

"If that's so, then why is everyone so scared of dying?" I asked back. Ngayon ay tuluyan na siyang napalingon sa akin.

If it's really life, then why most people fear death? I want to know so that I will not fear the things I do not know and understand.

"It's either because they don't know it or they don't believe in it, and or they're scared of leaving their loved ones behind, so they spend their lifetime protecting them, taking care of them, and loving them because they might not be able to do those things again in their next life."

He has a point...

"But some love are so powerful they remain and transcend lifetime after lifetime,"  he added, looking straight to my very soul.

I don't know for how long our eyes locked. Basta ang alam ko lang, hindi ko magawang bumitaw sa pagkakataong iyon. If there's someone who'll tear his eyes off first, it's not me. Funny but I don't want it to be me.

"Una, may naghahanap sa'yo sa may reception desk."

Napahawak ako sa dibdib ko sa gulat nang bigla akong hawakan sa balikat ng isang leprechaun na nakatayo na sa gilid ko. Mabuti na lang talaga hindi ko siya naitulak sa pagkakabigla ko sa pagsulpot niya. Kawawa naman siya kung sakaling nangyari iyon.

"Sus, Ginoo... Jed, aatakehin ako sa puso dahil sa'yo!"

"Hindi sana namin tatanggapin 'yong guest na bagong dating kaso sabi niya kasi tawagin daw kita kasi bibigyan mo siya ng discount."

Napakurap naman ako roon at pasimpleng natuwa dahil mas matangkad pa rin ako kahit nakaupo kaysa sa leprechaun na nakatayo sa harap ko. Hashtag feeling tall. Pero isa lang ang sinabihan ko no'ng discount. Tumayo ako at medyo natabig ko si Jedidiah kaya binalik ko ulit siya sa pwesto niya.

"Sorry, Jed. Kilala ko 'yon. Sige, ako na bahalang humarap sa kanya. Master Thirdy- ay, nagdisappear na," nasambit ko na lang nang pagbaling ko sa gilid ay wala na pala ito.

I saw a shadow on where he sat awhile ago. Mukhang ginamit niya iyong anino para maglaho. Sinamahan ko na si Jedidiah pabalik at papasok ng Hotel Grimm. Hindi nga ako nagkamali sa hula ko. It's Professor Alamid.

"Sir, ano pong ginagawa niyo rito? Magche-check-in po kayo?" I asked him when I got close to him.

"Gomez, I want to apologize for lying earlier."

"Po? Nagsinungaling saaan?"

"Kilala ko ang anak ni Margaret Mustang. I've heard about what happened to Count Vladimir and I feel guilty for not telling you the truth. Kaya dinala ko na ang hinahanap mo kanina."

Namilog ang mga mata ko sa magkahalong pagkakabigla at saya sa narinig mula kay Sir Ala. Kasama niya raw si Master Dos! Napangiti ako at nagpalinga-linga.

"Nasaan na po siya?"

"He's right here," aniya.

Akala ko ay may ituturo siya kaya napabaling ulit ako sa kanya. He raised his left arm then folded his white long sleeves up to his elbow. Inilapit niya sa akin ang braso niya at doon ay nakita ko ang umiilaw na marka ng isang Grimm. I looked at him, shocked at his revelation.

"I am Margaret Mustang and Count Vladimir's son."

"Master Dos..."

Totoo ngang kapag may gusto ka, tutulungan ka ng mga universe na makuha at matupad iyon, in its most mysterious and unexpected way. Now, we also have in the house the alchemist Grimm. Thank you, Lord!

•|• Illinoisdewriter •|•

I didn't notice that I already reached 6K words for this chapter huhu. I can really say that Hotel Grimm is the tale I truly enjoying writing. 😊

Please do vote and comment your thoughts. They motivate and make me smile. 🤗🧡

Continue Reading

You'll Also Like

243K 15.9K 55
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH After an unexpected apocalypse, Amira and her friends found themselves trapped inside the border of Luzon, in which the vir...
76.9K 5.4K 35
Her touch is once frail. Neither having green thumb nor cold hands. She's never an heir. She lies. She runs. She hides. But she's been chosen To sa...
597K 3.5K 114
If you're looking for more Fantasy stories. My list might help you. enjoy! P.S you may encounter some stories with the same title but they are fro...
90.7K 3.2K 69
Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car crash, she awakened in a fantasy world...