Holdap (Kinuha Na Nga Sa'kin...

By omorfia_genovese

5.7K 557 66

Let's say, pumunta ka sa isang 'di kilalang probinsya para puntahan sana ang boyfriend mong ka-LDR mo. Ang ef... More

ANG SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 16
KABANATA 15
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KATAPUSAN AT SIMULA

KABANATA 27

53 6 0
By omorfia_genovese

[3rd PERSON'S POV]


"Gusto mo kape? Pagtitimplahan kita." Ani Armani nang mamataan ang kapatid.


"Ba't ako pagtitimplahan ng Presidente ng Avi?" Sa kabila ng inis na nararamdaman ay pabiro siyang nagtanong sa kuya niya.


Natawa ng konti si Armani at tumayo, "Ikaw naman dapat ang maging Presidente, hindi ako. Kumbaga, stand in lang ako dahil walang choice." Aniya.


Nagbuntong-hininga ang nakababatang kapatid at bagot na tiningnan ang kuya niya.


"No, I won't settle for that. Ikaw ang magiging CEO ng kumpanyang 'to. Atsaka, may secretary ka naman. Tawagin mo na lang. O ako na lang ang tatawag." Ani Allistair at may dinial sa telepono ni Armani.


"Two cups of coffee Miss. Yung isa pakilagyan ng honey, please. Thank you." Ibinaba niya ang tawag at nakangiting nagmamasid sakanya si Armani.


"Ang hilig mo talaga sa honey. I have no choice kundi magkaroon ng stock just in case na bigla kang bibisita dito dahil kay Dad." Ani Armani at umiling-iling.


"Honey always calms me down. Lalo na after ng masakit sa ulong sumabatan with Dad. I won't survive this cruel world without honey."


Nagvibrate ang phone ni Allistair kaya't tiningnan niya ito. Napangiti siya nang makita kung sino ang nagmessage sakanya.


Dana: Hoy nalaman ko kay Owen nag-absent ka ng ilang araw. Wag mong gagawin yan sa monday ha? Lagot ka sakin 🤨


" I guess, there's still something na is sweet and addictive aside from honey." Sambit ni Allistair sa isip niya nang mabasa ang message ni Dana.


He felt as if his headache subsided as he saw the message he got from Dana.


"Let me guess, pumunta ka dito dahil sa balitang sinabi ko sa'yo?" Hula ni Armani.


Ayaw na ayaw na pumunta ng kapatid niya sa kompanya dahil sa pwersahang mga bagay na ginagawa nito para lang mai-korner ang anak. Kaya nung tinawagan niya ito kanina para ibalita ang plano ng ama nila ay nahulaan niya na ding susugod dito ang kapatid niya.


Just like that, bumalik na naman sa timpla niya si Allistair.


"What do you expect? You know how I hate this company, kuya. Lalo na ang chairman at board of directors. Panghihimasok lang sa buhay ang alam ng mga tanginang 'yon." Galit na sambit ni Allistair.


"Calm down. Watch your words, Allistair." Ani Armani kaya't nakalma naman ang kapatid.


Sakto ay pumasok ang sekretarya ni Armani na may dala-dalang dalawang cup. Ipinatong niya ito sa may lameseta at nagpaalam bago lumabas muli. Naupo sa may sofa si Allistair at bumuga ng hangin. Humigop siya ng kape habang pinipilit na pinapakalma ang sarili niya.


"Sorry. I just loathe them so much. Alam mo naman kung bakit 'diba? Matapos nilang sirain ang buhay niyong mag-ina, buhay ko naman ang sinusunod nila—"


"Allistair. Enough." Kalmadong sambit ni Armani.


Kinagat ni Allistair ang kanyang labi at ginulo ang magulo niya nang buhok dahil sa frustration. Ayaw mang ipakita ni Armani sa kapatid pero kahit siya ay naapektuhan sa sinabi nito. Dahil totoo ito.


Nasira nga ang buhay nilang mag-ina dahil sa mga taong nagsisilbing pundasyon ng kompanya.


Hindi na lingid sa kaalaman niya ang matagal nang pinaplano ng board of directors. Lalo na ang chairman of board. Kaya matagal na din siyang nagpaplano kung paano patalsikin ang mga ito nang hindi naapektuhan ng malaki ang kompanya.


"You know what I'm planning right now. Just give me enough time and I'll think of a way to execute it."


Malakas at determinado siyang mapasakanya ang kontrol ng kompanya dahil na din dito.


"Kuya, ayaw ko talagang patakbuhin 'tong kompanya. Wala akong interes dito. Mas lalong babagsak ang kompanya sa'kin."


"Alam ko. Kaya nga ako ang aangkin nito, 'diba? Sinasadya nilang ikaw ang gawing President lalo na't may sakit na si Dad." Ani Armani habang pinapaikot sa daliri niya ang ballpen na hawak.


Kumukulo ang dugo niya habang iniisip ang katotohanan na meron talagang mga taong gahaman sa pera at kapangyarihan. Kaya naman ay nagpaplano siya. Nalaman niyang may planong umatras ang isa sa board of directors at papasok ang kakilala ng chairman of board.


Ang plano nila ay palakasin ang poryento ng shares ng chairman. Dahil sa paraang 'to, mas malaki ang tyansang mapatalsik ang CEO ngayon ng Avi Food, na ama ng dalawa.


Hindi sang-ayon ang board na siya ang gawing CEO. Pinagbigyan lang na siya ang inassign na maging Presidente dahil sa ama nila, at dahil na din sa kondisyon ni Allistair. Pero pag dumating ang araw na manghina at mawala ang ama nila, naisip ni Armani na paniguradong dun na magsisimula ang board na patalsikin sila isa-isa mula sa kompanyang itinaguyod ng pamilya nila ng halos tatlong dekada.


Kaya bago pa may dumagdag sa board na mas malakas ang impluwensya, uunahan niya na ito.


"So, what are you planning to do? Do you think it'll work?" 'Di mapakaling tanong ni Allistair kay Armani.


Napangiti naman ang huli habang pumasok sa isip niya ang kanyang plano. Ang magsisilbing baraha niya sa sugal na nilalaro nila.


"Just wait. May pinagkakaabalahan lang siya. After that project, he'll come here and help us win this fight."



--  

[DANA'S POV]


"Plano kong lutuan si AJ araw-araw." Pagsasabi ko sa dalawa at nagulat ako ng bitawan nila ng sabay ang mga kubyertos nila.


"Luto girl? Naks naman. Ni kami na ilang taon mo nang friendship eh hindi pa nakakatikim ng luto mo." Ani Frey.


"Kaya nga eh. Mabuti pa si AJ niya, makakatikim ng luto niya." Ani Keisha.


Gusto kong pag-untugin ang ulo ng dalawa pero pinigilan ko lang ang sarili ko dahil naalala kong nasa public pala kami na lugar.


Gigil akong nagslice ng malaking parte ng tart atsaka kumain, mabilis akong ngumuya.


"Napansin niyo ba ang mukha ni AJ kanina? Namamayat siya." Pag-iinform ko sakanila.


Baka kasi hindi nila napansin. Tho malabo na mangyari yun kasi nga usisera at chismosa ang dalawa lalo na si Frey kaya't maliliit na bagay eh napapansin. Pinalapit ko ang dalawa sa'kin kaya't ginawa naman nila, "At sabi niya, family problem daw." Bulong ko.


Lumayo sila sa'kin na nakaawang pa ang mga labi habang tumatango.


"Ah, kaya pala. Sige, pagbibigyan."


Nagpatuloy kami sa pag kain nang may biglang dumating na unexpected na tao.


"Dale!" Ani Keisha na kinikilig.


Shet, halatang 'di mapigilan ang ngiti ng gaga. Bigla atang naging cute 'to? Paano nila nagagawa yang abilidad na yan?

Umupo si Dale sa bakanteng upuan na inupuan ni AJ kanina. Nginitian ko siya habang si Frey naman ay parang kinaway ang mga daliri niya. Mas nagulat ako nang may dumating na maingay na akala mo ay si Tarzan pero nang makita ko ay si Owen lang naman pala.


"What's up what's up, ladies?!" Bati sa'min ni Owen. Natawa na lang ako sakanya. Pinagtinginan pa kami ng ilang mga tao dahil sa ingay niya.


Dumikit sa'kin si Frey at may sinabi kahit na malaki at labas ngipin ang ngiti niya.


"Ang kapal ng mukha ng gaga. 'Di man lang nang-inform na pinapunta dito ang boyfie niya. May sabit pang isa." Ani Frey na kahit papaano ay naintindihan ko pa din.


Bumungisngis na lang ako at nagpatuloy na lamunin ang tart. Isang slice lang 'tong tart pero ang tagal maubos sa'kin. Chika kasi ng chika itong dalawa sa'kin.


"Magkasama kayo?" Tanong ni Frey kina Dale at Owen.


"Sabay lang kaming pumunta dito. Naki hitch ride ako kay Dale kasi sira na naman ang kotse ko. Pero may iba akong kikitain." Ani Owen kaya't tumango naman si Frey.


Ibinalik ko sa dalawa ang atensyon ko at nilunok ang kinakain ko. Gusto kong umismid lalo nang mapansin ang kaibigan kong nagpapabebe na naman.


Alam kaya ni Dale ang reputasyon naming dalawa ni Keisha? 'Di ba pumasok sa isip niya kung ba't sa ganda ng girlfriend niya, dalawa pa lang ang sumubok na manligaw dito?


That's why naa-amaze talaga ako sa pinapakita ngayon ng kaibigan ko. Wow. So demure at humble naman beh!


Napangisi ako sa view at kumain ulit.


"Nasaan na kaya yung chix ko?" Rinig kong sambit ng nakatayo pa ding si Owen. Nang pagmasdan ko siya ay may bigla akong naalala.


Right, sa mga pictures pala nila wala si AJ. Tanungin ko kaya siya?


"Owen." Tawag ko sa atensyon niya. Lumingon naman siya sa'kin at itinaas ang mga kilay niya na para bang nagtatanong.


"Yes Dan? What is it that you want?" Aniya sa isang matigas na accent kaya natawa akong konti.


"Uhm, pansin ko lang kasi. I mean, nasa iisang university lang naman tayong lahat. Pero, ba't wala si AJ—Allistair sa mga pinopost mong mga pics?" Curious kong tanong sakanya.


I mean, may idea nang pumasok sa isip ko like, may family problem nga si AJ. Pero to the point na he would isolate himself to his friends?


Nagkibit-balikat siya pero nagbago ng konti ang ekspresyon niya, "I have no idea. Hindi naman kasi siya yung tipong nagsasabi sa'min ng problema niya. He's the type who would be gone for days and be back as if nothing happened." Sagot niya kaya napakunot-noo ako.


"Would be away for days? So you mean, umaabsent siya?" Tanong ko sakanya.


Tumango naman siya, "Oo, he's been absent for two days already. Hindi din siya nagpaparamdam. We already got used to his behaviour kaya pag ganitong nilalayo niya sarili niya, iniintindi at hinahayaan na lang namin. 'Diba, Dale?" Aniya at tumango naman si Dale bilang pagsang-ayon.


Natulala ako sakanya habang pinoprocess ang nalaman ko. Ang dalawa naman ay nagpatuloy sa pag-uusisa tungkol kay AJ.


Two days straight na absent? Hindi pwede 'yon. Hindi pwedeng magpatuloy 'yon. Lulutuan ko pa naman siya. Kung aabsent siya, mas lalong hindi mababantayan ang eating patterns niya.


Kaya bago pa niya maisipang umabsent ulit ay nagmessage na ako sakanya.


Me: Hoy nalaman ko kay Owen nag-absent ka ng ilang araw. Wag mong gagawin yan sa monday ha? Lagot ka sakin 🤨


Mabilis niya namang naseen 'yon pero hindi na siya nakapagreply kaya nagsalubong ang kilay ko.


Humanda ka talaga pag umabsent ka. Pag mas lalo kang namayat, ipapa-adopt talaga kita kay Mama nang mabilisang bumalik sa dati yang katawan mo.


Pinatay ko na ang phone ko at inubos ang tart. Hinintay ko ang dalawa na maubos din.


May kinaway si Owen sa malayo at nakita naming isang babae ito, "Sige guys, andyan na ang chix ko. See ya later!" At mas mabilis pa sa kidlat na umalis sa table namin si Owen.


Napailing na lang ako. Napakahyper talaga ng isang 'yon. Feel ko siya yung tipong masarap iboy bestfriend pero mahirap at nakakatakot na jowain. Hindi ko lang alam kung bakit.


"Friendships, sasabay na lang ako kay Dale. May pupuntahan pa daw kasi kami sabi niya." Nakangiting sambit ni Keisha na halatang nagpipigil ng kilig niya.


Taena, nanggigigil akong i-alis sa mukha niya yang nakakainis na ngisi sa mukha niya. Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig sa dalawang kaibigan ko.


"Ikaw bahala. Just make sure sa bahay ka na before five." Ani Frey at inubos ang drinks niya atsaka tumayo kaya tumayo na din ako.


"Let's go Dana girl. Iwan na nating 'tong dalawa. Halatang gusto nang mapag-isa eh." Mahina lang na sinabi ni Frey ang huli kaya panigurado ako lang ang nakarinig non.


Pabebeng kumaway sa'min at sumenyas si Keisha na umalis na kami. Bwiset, humanda ka sa'min mamaya. Manliligaw pala, ha? Ang harot mo masyado sa manliligaw mo.

"Magpaprint na lang kaya tayo ngayon?" Nahinto kami sa paglalakad ni Frey.


"Ngayon? Eh busy sa paghaharot ang may- ari ng laptop." Sambit ko at lumingon sa pwesto ng dalawa.


Aba, may pasubo-subo pang nalalaman! Taena ang nipis na nga lang ng crepe niya eh ang tagal pang maubos!


"Sayang kasi ang oras. Tapos after non eh mapabind natin eh tapos na ang gagawin natin." Ani Frey.


Tumango ako bilang pagsang-ayon sa sinabi niya, "Sabagay. Pero may printer naman sila Keisha, 'diba? Message na lang natin siya na magpaprint siya pag-uwi niya then dalhin niya mamaya sa bahay mo." Suggestion ko naman.


"Okay. Since ikaw nagsuggest, ikaw message sakanya."


Sabay kaming sumakay ng taxi kasi nga feeling mapera kami ngayon. Lumipas ang oras hanggang sa makauwi kami.


"Now what?" Sambit ko sa sarili ko at sumalampak sa sofa. Manood na lang kaya muna ako sa TV?


Palipat-lipat lang ako ng channel, naghahanap ng magandang panoorin. Ang boring dito sa bahay. Naninibago ako na ako lang mag-isa. Dati eh bet na bet ko namang home alone ako.


*ring ring*


Napalingon ako sa may table sa gilid kung saan ko ipinatong ang phone ko. Kinuha ko 'to at sinagot.


"Hello?" Pagsagot ko.


[Good afternoon po from C&J Express! Kayo po ba si Miss Dana Sorovilla?]


Napakunot ang noo ko. Ba't kilala ako nito? Anong meron?


"Ah, oo. Ako nga, bakit? Ano ang kailangan?"


[Dumating na po ang parcel niyo from Sumilao, Bukidnon. Sender po is si Sir Miggy Samson, tama po ba?]


Namilog ang mga mata ko nang marinig ang pangalan ng lalaking 'yon.


Ano? Parcel na ano? Anong laman? Ano na namang pakulo ng Miguel na yan?


"Uhm, oo? I mean, anong meron..?"


[Pinasabi po kasi ng sender na i-inform daw ho kayo if ever na dumating na ang parcel. Then kayo po ang magdedecide kung kukunin niyo sa office o ipapadala sa bahay niyo.]

Napaawang ang labi ko. Wait wait. Hindi ko gets ang takbo ng utak ng lalaking yun. Ba't ako kailangang i-inform? Eh pwede naman sigurong diretsuhin niya dito, 'diba kung ano man yang ipinadala niya?


"Ba't ako kailangang i-inform?"


[Ewan ko nga po eh. Request lang po ng sender.]


"Paano nalaman ang number ko?"


[Nasa receiver's information po nakalagay na nafill-out ni Sir Samson po. Kukunin niyo po ba sa office o ipapadeliver po namin diyan ngayon?]


Napangiwi ako sa choice. Taenang Miguel 'yon. May saltik ata eh. Malamang ipapadeliver dito. Ba't pa ako mag-eeffort na pumunta sa office para lang kunin ang pinadala niya kung pwede namang ipadala directly dito?


"Uhm, yung pinakaconvenient na choice para sa'kin." Sagot ko. Narinig kong tumawa ang babae na nasa kabilang linya.


[The parcel will be delivered at your address within ten minutes Ma'am.]


Tumango ako kahit na 'di naman ako nakikita ng kausap ko.


"Sige po. Thank you! Sorry sa inconvenience. 'Di ko alam kung anong trip ng lalaking yun at may patawag pang nalalaman." Paghihingi ko ng pasensya. Tumawa ulit ang babae.


[No worries Ma'am! Hindi naman siya ang nag-iisang kakaiba na nag-acquire ng service namin. Sige po, have a nice day!]


Pinatay na ang tawag kaya ibinaba ko ang phone. Bumuga ako ng hangin habang hinihilot ang sentido ko. Sumakit ata ng slight ang ulo ko.


Taenang Miguel talaga 'yon. Ano kayang trip niya sa buhay? Mukhang gumagawa pa ata ng paraan para pasakitin ang ulo ko kahit na wala siya dito.


Naalala ko ang telephone number niya na sinulat sa papel. Pinilo ko pala yun at nilagay sa likod ng phone case ko. Nangangati ang kamay ko na tawagan ang hinayupak at pagsabihan sa kalokohan niya.


Grr, tatawagan ko ba o hindi?


Lumipas ang ilang segundo ay napabuga ako ng hangin. I give up!


Sumandal ako sa may arm panel at inilapit sa'kin ang teleponong nakapatong din sa may table kasama ang wifi router namin. Tinanggal ko ang phone case ng phone ko at kinuha ang maliit na piraso ng papel kung saan nakasulat ang telephone number ni Miguel.


Huminga ako ng malalim atsaka idinial ang number niya. Nilapit ko sa tenga ko ang handset.


Apat na beses itong nagring bago sinagot.


[Yes?]


Nang marinig ko ang boses niya ay kinalma ko ang sarili ko habang iniisip kung ano ang sasabihin sakanya. Hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa

.

"Hoy! Anong pakulo 'yon, ha?" Parang gusto ko na biglang magbratatat sakanya.


[Nareceive mo na?]


Wow wow wow. Grabe talaga ang isang 'to. Alam niya na kaagad kung ano ang pakay ko, ano?


"Alam mo, hindi ko talaga gets kung paano tumakbo ang utak mo. Ba't kailangan akong tanungin kung gusto kong kunin sa office kung may choice namang ideliver dito sa bahay directly? Okay ka lang?" Nanlalaki ang mga mata kong sambit. 'Di na napigilan ng kamay kong umaksyon sa sobrang intense ng feelings ko ngayon.


[Kasi alam kong tatawagan mo ako. Alam kong mababa ang chance na tawagin mo ako kahit na related pa yan sa project so I thought of a way. 'Diba effective? You're calling me right now.]


Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Parang bigla atang umatras ang dila ko dahil sa dahilan niya.


So, ginawa niya ang trip niyang 'yon para lang matawagan ko siya? Did he really just calculate everything?


Kilalang-kilala na ata talaga ako ng lalaking 'to. Alam na alam niya kung ano ang mga posible kong gawin at ang ugali ko.


"K-kahit na! Anong klaseng trip yun, ha? Tinawagan pa ako nung babae, nakakahiya."


[So? That's part of their job. Nagbibigay sila ng serbisyo nila. That's how they earn money.]


Napaismid na lang ako sa dahilan niya. Tama naman, pero kahit na. Daming alam sa buhay eh.


"Psh, makapagsalita 'to. Paano mo nasabi na mababa ang chance na tawagan kita?"


[Bakit? Mali ba ako?]


"Ano. Uh..." Napatingin ako sa taas, nangangapa ng isasagot sakanya.


Sa totoo lang, hindi ko naman kasi alam. It never really crossed my mind. Whether matitripan kong tawagan nga siya o hindi.


[See? 'Di mo alam. Kaya mabuti nang ako ang gumawa ng paraan.]


"Bakit kasi kailangan pang gumawa ng paraan? Namiss mo 'ko kaagad?" May halong biro kong sambit pero hindi ko naman inasahan ang isasagot niya.


[Oo, ilang oras pa lang pero namiss na kita. I miss your complaints, rants, and your loud voice...]


Nagsimulang umangat ang gilid ng labi ko kaya't sumimangot ako. Muntanga na naman siguro ako ngayon pero naman kasi eh! Taena talaga!


Kahit ba naman dito eh aatakihin niya pa din ako ng mga banat niya?!


"Che! Miss daw. Ewan ko sa'yo. Nga pala, ano yung pinadala mo?" Pagbabago ko ng topic.


Mahirap na baka mas tumagal at lumalim don ang usapan namin. Mamamatay na talaga ako nito dahil sa mga salita niya.


[Ahh, papers. Nagsulat ako ng notes na maaaring tanungin sa inyo lalo na nung representative ng Green Thumb Foundation.]


Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya lalo na dun sa panghuli. Ano daw? Green Thumb Foundation? 'Diba yun ang foundation na naglaunch nung Alay Dilaw Project dito sa rehiyon?


"Wait, representative ng ano? Green Thumb? Teka, paano..?"


[Connections, Dana. Nakalimutan mo ata ang line of experties ko.]


Ah, oo nga pala. Haciendero nga pala ang isang 'to. Agriculture student pa. Hindi malabo na nai-involve siya sa mga ganitong projects at malawak ang koneksyon niya.


[May representative ang Green Thumb na makikinig sa presentation niyo. Yun din ang magdedecide whether may potential ba ang project at maa-approve ba. Hence, I prepared possible questions that the representative might directly question.]


Wala na, finish na. Hindi ko napigilang mapangiti dahil sa effort ng hinayupak na 'to.The fact na sinisigurado niya talagang preparado kami, shet talaga. Bwiset! Nakakainis! Napapangiti tuloy ako!


"Sus. Dami talagang alam kahit kailan. Pero thank you." Nakangiting sambit ko. Pinaikot-ikot ko pa sa daliri ko ang wire ng telepono at kinagat ang labi ko.


[Paki-ulit nga nung sinabi mo.]


Dahil good mood ako ay hindi ko na siya binungangaan at sumunod nga.


"Thank you..."


[Tsk, haha. Anything for you, Dana. I'll do anything for you. Sige na, gotta drop this call. May gagawin pa ako.]


"S-sige. Bye..."


[Okay bye. See you soon...]


Nang marinig ko ang dial tone ay ibinaba ko na ang arm panel at parang uod na nangisay sa sofa.


"Bwiset ka talaga Miguel. Bwiset bwiset bwiset! Nakakainis ka!" Nakangiti kong sambit at natawa pa at muling nangisay.


Sa sobrang pag galaw ko ay nahulog ako, sapul ang pwet ko kaya taena talaga! Ang sakit!


"Aray! Huhuhu, ano ba naman yan. Ba't kasi ang liit ng sofa." Hinimas ko ang pwet kong naunang nag-landing sa malamig na tiles.


Kasalanan 'to ni Miguel huhuhu. Nakakainis kasi siya eh. Kung anong kaabnormalan ang ginagawa. Yan tuloy, nahahawa na ako.


Nagmuni-muni pa ako ng ilang minuto hanggang sa may narinig akong tunog ng vehicle sa labas. Pagsilip ko sa bintana ay nakita kong parang motor ata 'to. Yung tipong katulad dun sa mga nagdedeliver ng fast foods. Parang de scooter, ganon.


Yan na ata yung padala sa'kin.


Lumabas na ako ng bahay at naglakad papunta sa gate. Nakahelmet ang rider at nang itaas niya yung tinted na parang salamin sa helmet niya ay tumibok ang puso ko sa nasilayan ko.


Shet, ang gwapo namang rider nito. Pwede makiride? O magaling kaya 'tong magride?


Hep hep! Ano na namang yang mga kalapastanganang naiisip mong gaga ka? Erase! 'Di tayo ganyan, 'diba? Dana Martin?


"Good afternoon, Ma'am! Dana Sorovilla po?" Nakangiting sambit niya at huwaw, lumabas ang dimple niya! Ang cute!


"Ah eh. Hehehe, ako nga 'to. Si Dana Sorovilla hehehe..."


Taena, ito pala sa feeling ang ma awestruck ka sa isang cute at napakagwapong nilalang. Ano kayang pangalan nito? Kaedaran ko lang ata 'to eh hehehehehe.


May kinuha siya mula sa box na nasa scooter at ibinigay sa'kin. Nakabalot ito sa plastic na may nakalagay na C&J Express.


"Pakipirma lang po dito." Aniya at may inilahad sa'king papel na nakaipit sa may, basta! Nakaipit! May ballpen din kaya pumirma ako don.


"Thank you po! We deliver happy endings. Hope to deliver to you again next time, Ma'am." Aniya at ngumiti na naman sa'kin ng pagkatamis-tamis bago ako tinalikuran ako sumakay sa delivery scooter.


Ngumiti pa siya ng one last time bago umalis. Ahe! Ang cute talaga. Mas gumanda tuloy lalo ang mood ko.


Dahil sinabi na ni Miguel kung ano itong pinadala niya ay kahit papaano ay hindi na ako na-curious. Dadalhin ko na lang 'to at bubuksan kasama ang dalawa. Pumasok ako ulit sa loob ng napakatahimik naming bahay at nag-isip kung ano pa ba ang gagawin.


"Magdala na lang kaya ako ng damit para mamaya?" Tanong ko sa sarili.


Nakakatamad na kasing magpalit atsaka kina Frey na lang ako magha-halfbath mamaya. Ang cute pa naman ng bathroom niya. Kaya hinanda ko na lang ang PJs at mga iba ko pang dadalhin pati na ang pinadala ni Miguel para pag-alis ko mamaya wala na akong poproblemahin.


Nagmessage na din ako kay mama at kay papa para alam nila. Baka kasi magbabaratatat na naman si mama sa'kin. Halos hindi na ako nananatili dito sa bahay namin.


Bandang alas kwatro 'y media nang maisipan kong umalis na. Ang boring na kasi sa bahay wala na akong magawa. Mabuti na lang na sa bahay ako ni Frey.


"Hoy on the way na ako sa inyo." Pag-iinform ko kay Frey sa tawag. Nakasakay na din ako sa taxi ngayon. Wala eh, ang layo kasi ng bahay nila Frey atsaka mainit.


[Ha? Wait lang. Malapit ka na ba?]


"Hindi pa naman. Kakasakay ko lang eh."


[Ah okay. Kasama ko kasi si Devon ko hihi nagpasama ako sakanyang mag grocery. Nakapila na kami ngayon sa counter.]


Napaismid na naman ako nang marinig ang pangalan ng jowa niya. Taena kanina si Keisha tapos ngayon siya naman.


Edi kayo na may jowa! Malalandi! Pwe!


"Siguraduhin mong pagdating ko sa bahay mo eh nandon kana."


[Ay grabe! Siguro in thirty minutes. Nasa gitna na kami ng pila. Tsaka nasa bahay naman si Nanang.]


"Okay, basta bilhan mo ako ng pagkain."


[Duh, kaya nga ako naggrocery, 'diba? Anong kwenta ng sleepover natin pag walang foods.]


Napangiti ako nang mabanggit niya ang salitang foods. Yan ang gusto ko sa'yo Frey eh. Very very generous pagdating sa pagkain.


"Sige, siguro within twenty minutes nasa bahay mo na ako. Bye!"


[Okay, call mo si Keisha baka nawili na yun sa paglalandi niya sa manliligaw niya. Bye!]


Gaya ng sinabi niya ay tinawagan ko nga si Keisha. Babanatan ko na sana pero mabuti na lang at nasabi niyang hinahatid na siya pauwi ng manliligaw niya. Good for her. Nagtagal ang byahe hanggang sa makarating kami sa Camella. Unlike sa'min ni Keisha, dito nakatira si Frey sa Camella sa may Toril.


Tinanong ako ng guard kung sino ang pakay ko, kaya sinabi ko naman ang buong pangalan ni Frey. Pagkatapos ay pinasulat ako sa may logbook bago kami pinapasok sa loob.


Ang taray talaga ng kaibigan namin. Ang arte, may pa Camella pang nalalaman. Ang init naman at ang boring dito. Hindi nga siguro sila magkakilala dito ng kapitbahay niya eh.


"Liko lang po dun. Ayan po, diyan po sa unang bahay. Dito lang po..."


Huminto na ang taxi sa harap ng bahay nila Frey. Mabuti na lang talaga at ilang beses na kaming nakapunta dito. Nakakalito pa naman ang pasikot-sikot at pare-pareho lang ang design ng mga bahay.


Matapos kong magbayad ay mabilis akong naglakad papunta sa pinto. Hindi nakasarado ang pinto kaya binuksan ko 'to at inilibot ang paningin ko.


"Nanang? Nanang tao po?"


Maya-maya ay bumaba sa hagdan si Nanang. Siya ang kumbaga, nag-aalaga kay Frey since nung bata pa siya. Mas close pa nga siya dito kesa kila Tita Fern eh.


"Dana! Long time no see, ah. Kamusta ka na? Nakakain ka na ba? Paghanda kita ng meryenda." Nakangiting sambit niya.


Dahil nakakain naman na ako ay nahihiya akong umiling, "Hehe busog pa ako Nanang eh. Papunta na din dito si Keisha. Sleepover po kasi kami ngayon." Pagpapaliwanag ko sakanya.


"Oo, nasabi sa'kin ni Frey. Kaya nga nag grocery siya kasi paubos na din ang stock dito sa bahay."


Tumango naman ako at sumalampak sa sofa. Inilibot kong muli ang paningin ko sa kabuuan ng bahay nila Frey.


Halos magkapareha lang naman kami ng laki, pero mas malaki ang bahay nila. Unlike sa'min na apat ang kwarto, sakanila dito lima. Ang tatlo hindi pa nao-occupy kasi madalas dalawa lang sila ni Nanang ang nandito.


Kaya siguro mabilis ang wifi connection dito kasi dalawa lang naman sila ang gumagamit, no? Sa'min kasi sa bahay nandyan si mama at papa na gumagamit pa ng laptop, ang kapatid kong nagyu-youtube sa smart TV namin. Hays.


Ang nakakatuwa pa is ang pangalan ng unit ng bahay na 'to is Freya. Bagay na bagay talaga kay Frey. Halatang ito ang pinili kasi halos kapangalan niya. Pfft.


"Hello? Dan?" Napalingon ako sa pinto at nakita kong nakasilip don ang ulo ni Keisha. Nang makita niya ako ay pinasok niya na ng kabuuan ang buong katawan niya.


Halos mapaismid ako nang may hinila aiya at nakita kong si Dale pala. Grabe, walang sawaan, girl? Kanina pa kayo magkasama! Mas malala pa kayo sa magjowa!


"Hi Nanang! Kamusta ka na po? Si Dale nga pala, manliligaw ko." Kinikilig na sambit ni Keisha habang pinapakilala si Dale kay Nanang.


Napabuga na lang ako ng hangin habang nakamasid sa napakagandang view. Sarap iumpog ulo ng kaibigan ko sa manliligaw niya. Halatang bet na bet niya eh.


"Ang galing mo pumili, hijo. Ikaw din Keisha. Bagay na bagay kayong dalawa." Ani Nanang kaya ang gaga, ayan halos mangisay na sa kilig.


Ano ba naman yan. Hindi man lang nag-eeffort na itago kahit slight ang feelings niya. Halatang-halata masyado.


Biglamg bumaling sa'kin si Nanang, "Eh ikaw Dana? Ikaw na lang ata ang walang naipapakilala sa'kin. Si Frey may Devon na. Itong si Keisha meron nang Dale. Ikaw? Kailan ka pa magkakaroon?" Ani Nanang kaya napaawang ang labi ko.


Aray Nanang, ha. Mapanakit ka masyado. I can't believe this. Omg.


Sumimangot ako na nakatingin kay Nanang, "Nanang naman eh! Makapaghihintay naman yan." Suminghot ko pang sambit.


Biglang humagikhik si Keisha, "Naku Nanang! Makapaghihintay daw. Tingnan mo sa susunod may maipapakilala na yan! May naghihintay na yan sakanya." Aniya kaya't nag-init na naman ang pisngi ko.


Bigla na namang pumasok sa isip ko ang hinayupak na si Miguel. Taena ka, Keisha!

Maya't-maya ay dumating na ang isa pang set ng magjowa na kung maglampungan akala mo eh isang taong hindi nagkita. Nakahalukipkip lang ako habang pinapagitnaan ng apat. Ako lang ang nag-iisang nakaupo sa mahabang sofa habang ang apat naman ay nasa magkabilang one-seater lang.


Dahil one-seater, ano pa ba ang maaasahan mo? Syempre ang walang katapusang skin-to-skin contact at clinginess ng apat.


"Taena kayo, sana nag-inform kayo ahead of time na required palang magdala ng jowa dito." Hindi ko na napigilang masambit.


Natawa naman sila lalo na ang dalawang gaga. Grabe ha, tuwang-tuwa pa kayo? Eh ang sakit sakit niyo sa mata!


"Bakit, Dana girl? Kung na-inform ka ba namin eh may maidadala ka ba?" Ani Frey kaya napanguso na lang ako habang nagpipigil ng inis.


Grabe talaga, hindi ako naka-ilag. Aray aray. Medyo asintado ang bala.


"Wag mong maliitin yan! Baka tatlo ang biglang kumaripas dito once na tumawag yan hahaha!" Ani Keisha naman kaya napakunot ang noo ko.


Tatlo? Eh ni isa wala nga!


Ay, meron pala hehe. Yung hinayupak na Miguel. Na kilo-kilometro naman ang layo sa'min! Letse!


"Sabagay. Hindi naman kasi marunong lumandi ng todo ang isang 'to. Yan tuloy. Tatlong malalaking isda na nga ang nahuli, mukhang napakawalan pa." Ani Frey.


Hindi ko na talaga nagegets ang dalawang 'to. Dami nilang kuda wala naman akong may naintindihan. Hindi ako makarelate.


"Well, sorry. Hindi ako pinalaking malandi ng nanay ko." Taas-noo kong sambit.


"Masyadong malakas ang genes ni Tito Daddy. Kung nangibabaw lang ang kay Mommy edi mas malandi ka siguro kesa sa'min." Komento ni Frey kaya't napabuga na lang ako ng hangin.


Dapat ngang maging thankful ako at hindi ko namana ang pagiging maharot ni Mama. Pero at least naman kahit papaano nagkajowa naman ako! Gago nga lang.


Si Nanang ang nagluluto ng dinner namin kahit na nagpresenta na kami kanina. Mabuti lang din at walang planong mag-overnight ang jowa ng mga 'to. Ay kung hindi, naku! Makakatikim talaga sila sa'kin! Uuwi talaga ako ng dis-oras nito!


Bigla kong naalala ang pinadala ni Miguel sa'kin kaya in-open ko ang tungkol dun.


"Nga pala, may pinadala si Miggy—este Miguel sa'kin. Makakatulong yun ng sobra para mas preparado tayo sa presentation."


Pinakita ko naman sakanila ang nakabalot pa na parcel.


"Ooh, napaka-reliable naman at resourceful ng manliligaw. Kung sinagot mo na yan, panigurado hindi ka na maghihirap sa buhay mo..." Ani Frey na may bahid ng pang-aasar ang tono.


Hindi ko na lang siya pinansin at ibinalik sa bag ang dala. Tumayo na ako dala ang bag ko.


"Halfbath muna ako. Nanlalagkit na ako eh."


Hindi ko na hinintay ang response ng may-ari ng bahay at umakyat nasa kwarto niya. Maraming spare na towel si Frey kaya kumuha ako ng isa at dumiretso na sa cute niyang bathroom.


Hindi ako nagtagal sa loob. Mabilis din akong nakapagbihis at iniwan sa kwarto niya ang bag ko. Bumaba kaagad ako pagkatapos. Sakto ay papunta na sa dining ang apat. Malamang tapos nang magluto si Nanang.


At katulad ng eksena kanina sa sala ay ganon din sa lamesa. Mabuti na lang din at pinasabay sa'min si Nanang kaya't 'di ako nag-iisa.


Humagikhik ng onti si Nanang, "Naalala ko nung kabataan ko. Ganyan na ganyan din kami ng asawa ko..." Nakangiting sambit niya habang pinagmamasdan ang mga magjowa.


Pilit akong tumawa pero hindi ko na napigilang umismid habang nakatingin sa mga nagsusubuang magjowa.


Napailing na lang ako at napabuntong-hininga. Mabuti pang magfocus ako sa kinakain ko. Masarap pa naman ang niluto ni Nanang. Nang matapos ay si Nanang pa din ang nagpumilit na maghuhas ng pinggan kaya't naisipan na naming umakyat sa kwarto ni Frey.


Nauna na ako sa taas kasi hindi ko na masikmura ang pagpapaalam ng apat na akala mo ilang araw na namang hindi magkikita kahit na paniguradong magkikita na naman ang mga yan bukas.


Dahil walang magawa ay naisipan ko na lang buksan ang pinadala niya sa'kin. Kinagat ko kasi tinatamad akong kumuha ng gunting. Pagkatapos ay pinunit ko. Sumunod ang mata ko sa nahulog na box sa kama.


Lumakas ang tibok ng puso ko bigla nang makita ang box. Hindi ko alam pero tumibok ang puso ko.


Ano kaya 'to?


Binitawan ko ang parcel at dahan-dahang kinuha ang maliit na box. Nang buksan ko 'to ay nanlaki na lang automatic ang mga mata ko sa nakita.


Isang kwintas..?


Isa itong hugis puso na kwintas. Siguro kasing-laki lang ang puso ng isang limang peso na coin. Ang kakaiba dito ay gawa sa kahoy ang puso. Tapos hindi ko alam pero parang itim na lubid ang tali.


Kumunot ang noo ko nang may mapansin akong parang butas sa gitna. Para bang, isa itong keyhole.


Sa likod, napakagandang nacarve ang pangalan ko. Halatang detalyado na detalyado ang pagkakagawa. Katulad nung binigay niya sa'kin dati.


Tinanggal ko ang parang foam na nakalagay sa box. May feeling akong hindi lang itong kwintas ang nilagay niya. At tama nga ako. May nakita akong maliit na memo na nakadikit sa box. Kinuha ko ito at binasa.


'You see that delicate heart? That's yours. I already have the key here, and I'm gonna keep it. Wait 'till I get there and unlock that heart of yours.

I'm the only one who can perfectly fit in your heart. No one else. Naiintindihan mo ba?

                                                  —Miggy'


Hindi ko napigilang ngumiti at inilapit sa dibdib ko ang maliit na liham.


Shet ka Miguel. Konting-konti na lang talaga. Konting-konti na lang.


Continue Reading

You'll Also Like

353K 24K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
2.8M 53.7K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
52.9M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
108K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...