Volviendo Al Pueblo Hundido

By crsntmoon_

24.5K 1K 1.5K

Sa isang kahilingan na matagal nang nag laho dahil sa kapanahonan. Paano kung ang matagal mo nang hiling nung... More

Warning!!
VAPH NOTES
Ika-1
Ika-2
Ika-3
Ika-4
Ika-5
Ika-7
Ika-8
Ika-9
Ika-10
Ika-11
Ika-12
Ika-13
Ika-14
Ika-15
Ika-16
Ika-17
Ika-18
Ika-19
Ika-20
Ika-21
Ika-22
Ika-23
Ika-24
Ika-25
Ika-26
Ika-27
Ika-28
Ika-29
Ika-30
Ika-31
Ika-32
Ika-33
Ika-34
Ika-35
Ika-36
Ika-37
Ika-38
Ika-39
Ika-40
Ika-41
Ika-42
Ika-43
Ika-44
Ika-45
Ika-46
Ika-47
Ika-48

Ika-6

628 31 51
By crsntmoon_

"KAYA NAMAN PALA HINDI ko nakita yung crush ko doon sa munisipyo kasi kasama mo sya, kaya rin pala hindi ko sya nakita sa simbahan dahil kasama mo sya." Parang tangang saad ni Aexniqn.

Ang sabi nya ay kailangan nyang mag emote ngayon. Nandito kami ngayon naka upo sa lamesa.  Katabi ko si Aexniqn sa gilid ko naman ay si Ina. Hindi parin tapos ang party. Nag sisimula panga lang, eh.

"Tsk, tumahimik kanga dyan, malay ko bang crush mo si antipako." Mataray na saad ko habang naka pangalumbaba. Napanguso lang syang umirap. "Hindi ko na sya crush, sana all nalang ikakasal." Nakangiting saad ni Aexniqn sa akin kaya napairap ako.

"Maligayang kaarawan, Señorita Eva Maria." Nakangiting saad ni Esteban sa babaeng naka pula na ngayon ay kadadating lang. Taas kilay kung tiningnan si Esteban tumingin ako sa babaeng binati nya.

Para namang nahiya ang kulay ko nung makita ko ang napaka puting babae. Kagaya ni Antipatiko ay singkit din ang mata nito. Tsk? Kailangan ba talagang maging singkit?

"Salamat Ginoong Esteban." Nakangiting saad ni Eva Maria kay Esteban natawa naman ako ng mahina kaya napatingin si Ina sa akin. "Ina, si Esteban ba ay may gusto kay Eva Maria?" Malakas na saad ko na ikinapula ni Eva Maria.

Nakita ko ang pag sama ng tingin ni Esteban kaya lalo akong nangiti, ngumiti lang sa akin si Ina bago tumingin kay Donya Adelle.

"Humanda ka sa akin, Eeya." Dinig kung bulong ni Esteban pero inirapan ko sya. Napataas ang kilay ko nung makitang umopo si antipatiko sa harapan ko. Sinamaan ko sya ng tingin pero ngumisi lang sya at tiningnan ang kamay ko na may suot na singsing.

Mabilis kung tinago ang kamay ko at inirapan sya.

Tumikhim si Don Fortunato, mag sisimula na yata ang kainan. Kanina pa ako nagugutom. Pinauna kasi nilang kumain ang mga bisita. Nang maka uwi ang mga bisita ay kami naman ang kakain. Ano kaya yun? No?

Saka inferness mas marami at mas masarap ang pagkain namin dito.

"Bago tayo mag simulang kumain ay maaaring hintayin natin ang aking panganay na anak? Alam nyo namang napaka rami ang gawain ng isang Heneral." Nakangiting saad ni Don Fortunato na animong nag mamalaki.

Tumikhim lang si Ama na ikinakagat ko sa ibaba kung labi. May kayabangan pala ang Don na ito, ha? Kaya naman pala mana sakanya si antipatiko.

Napatingin kami sa pintuan nung mabukas ito nagulat ako nung makita ang pamilyar na tindig at multo. "C-calix." Bulong ko sa hangin.

Naramdaman ko ang pag hawak ni Aexniqn sa kamay ko. "Hindi sya si Calix, Reighn, Calisto ang pangalan nya siguro sya si Calix pero hindi sya ang lalaking minahal mo Reighn, mag kaiba sila." Mahinang bulong ni Aexniqn sa akin.

Napakagat ako sa ibaba kung labi nung mag tama ang tingin namin. "Iho, nariyan kana pala." Rinig kung saad ni Don Fortunato. Ngumiti ito sa akin bago lumapit kay Don Fortunato. Nag mano sya kay Ama at sa Don. Nakangiti din syang bumati kay Ina.

"Magandang umaga sainyo mga Binibini, lalo na sayo Señorita Asuncion." Nakangiting saad nito sa akin. Hindi ko inalis ang tingin ko sakanya hanggang sa maka upo sya.

Bumalik lang ako sa realidad nung tumikhim si Don Fortunato. "Tayo ay mag dasal." Baritong saad nito. Tumingin mun ako kay Calix I mean calisto bago ipinikit ang mata.

Napangiwi ako sa loob ko nung Español ang ginamit ni Don Fortunato para mag dasal.

Tsk. Baka sinama na ako ni Don Fortunato sa dasal nya. Tsk. Malay ko ba kasing kwarto pala yun ni antipatiko?

Nang imulat ko ang mata ko ay nag tama ang tingin namin ni antipatiko tinaasan ko sya ng kilay sabay irap.

Buong pagkain namin ay wala akong naintindihan dahil puro Español ang mga pinag sasabi nila. At buong pagkain din namin ay ang mata kobay nakatingin kay Calix I mean Calisto.

Kapag nahuhuli nya akong tumingin sakanya ay bigla syang iiwas. Tsk. At kapag nahuhuli ko naman si Antipatikong nakatingin sa akin ay agad ko syang sinasamaan ng tingin. Napapailing lang syang umiiwas.

ALAS NUEBE NA hindi parin kami nauwi nila Ina. Mag isa akong naka upo dito sa gilid. May kausap sila Ama na mukhang negosyante din at matataas na tao. Si Ina naman ay kausap ang mga Amiga nya.

Si Esteban at Calisto naman ay nag uusap sa gilid kasama ang iba nilang kaibigan. Si Andrea at Aexniqn naman ay kasama ni Eva Maria. Tutulungan daw nilang mag bukas ng regalo si Eva Maria.

Sinasama nga nila ako pero ayoko. Hindi ko naman close yun bat ako sasama?

Napabuntong hininga akong tumayo sa kinauupuan ko. Marami pang mga bisita, maraming paparating palang at marami naring papaalis. Nag lakad ako papuntang kusina nung maka ramdam ako ng uhaw.

Napahinto ako nung makita ang napaka daming alak sa lamesa. Tumingin ako sa kaliwat kanan,  nung makita kung lahat ay abala sa pakikipag tawanan ay pumuslit ako ng dalawang bote ng wine yata to.

Parang wine ang hulma ng bote kaya nakakasiguro akong wine ito.

Mabilis akong tumakbo papunta sa pintuan sa likod. Buti nalang ay abala ang mga serbidora kung hindi baka nahuli na nila ako. Nang makalabas ako sa mansyon ng Buenaventura ay tumingin tingin ako sa paligid.

Napangiti ako nung makita ko ang dalampasigan. Mabilis akong nag lakad papunta doon. Umopo ako sa buhangin at binaba ang dala kung bote ng alak.

Nag unat unat ako sabay higab. Napaka lamig ng hangin kaya nakaka antok. "May nag iinom palang Binibini?" Napatingin ako sa tabi ko nung may mag salita sa gilid ko.  Napataas ang kilay ko nung makita ang antipatiko.

"Sinusundan mo ba ako?" Mataray na saad ko sakanya. Nakangisi naman syang umiling. Umopo sya sa tabi ko at tiningnan ang dala kung wine. Itinaas nya ang bote at pinakatitigan ng maigi. Nanlaki ang mata ko nung ihagis nya yung bote sa dagat. "Hoy! Bakit mo tinapon?! Akin yan ha?!" Gulat na gulat na saad ko.

"Ito ba ang iyung tinutukoy Binibini?" Nakangiting saad nya sabay kuha ng isa pang bote ng Wine. Lalong nanlaki ang mata ko nung ihagis nya din yun ng malakas. Inis na inis ko syang pinag hahampas. "Bakit mo tinapun! Gusto kung uminom! Nakakainis kanaman! Ibalik mo yung alak ko!" Mangiyak ngiyak na saad ko habang pinapalo sya sa dibdib nya.

"Hindi ko nais na mag karoon ng may bahay na lasinggera." Nakangiting saad nito. Napahinto ako sa pag hahampas sakanya pinag kunutan ko sya ng nuo. "May bahay? Ano yun? Anong connect nun sa pag tapon mo ng alak ko?" Taas kilay na saad ko. Ngumiti sya sa akin sabay iling.

"Nakakatuwa kang Binibini, marami kang hindi alam na salita." Natatawang saad nito. Napataas ang kilay ko sa inis. "Alam mo? Hindi ka nakakatawa? Sinasabi mo bang bobo ako?" Iritang irita na saad ko.

Lalong tumawa si antipatiko. "Ikaw ang nag sabi nyan, Eeya." Napapikit ako sa inis. Inirapan ko sya at muling umopo sa buhangin, ganon din ang ginawa ni antipatiko. "Eeya? Maaari ba akong mag tanong?" Seryosong saad ni Antipatiko.

Kunot nuo ko syang tiningnan. "Sige, ano yun?" Saad ko habang nakatingin sa mga bitwin. Narinig ko ang pag buntong hininga nya. Umiling ito sa akin. "Akin nang naka ligtaan kung kaya't sa susunod na lamang." Kibit balikat na saad ni antipatiko ko.

Nakangiwi nalang akong tumango. "Alam mo? Hindi pa tayo nag kakakilala." Saad ko. Sabay naman kaming natawa. Akalain nyo yun? Ang dami nang nangyari sa pagitan naming dalawa pero hindi parin kami nag kakakilala?

"Ako ang unang mag papakilala!" Nakangiting saad ko kay antipatiko ko. Nakangiti din syang tumango sa akin. Humarap ako sakanya, ganon din ang ginawa nya. "Ako nga pala si Estela Asuncion Andres, Eeya ang aking palayaw at malaya kang tawagin ako sa kahit ano, ano naman ang iyung pangalan ginoo?" Nakangiting saad ko natawa naman si antipatiko.

"Mas maganda siguro kung ako ang mag tatanong nyan." Natatawang saad ni antipatiko. Natawa din ako. "Sagutin mo nalang nasabi ko na, eh!" Kunwaring may pag kainis na saad ko.

Natawa si antipatiko. "Kaygandang ngalan Binibini, ako nga pala si Ezequiel Jaime Ernesto Renaldo Dario Ismael Faustino Hernan Enrique Gaspar Buenaventura, malaya karing tawagin ako sa kahit anong ngalan na iyung naisin, Eeya." Napangiwi ako sa haba ng pangalan nya.

"Pangalan paba yun?" Nakangiwing saad ko. Kibit balikat syang natawa. "Ezequiel Jaime lang ang dapat na ipapangalan sa akin ni Ina at Ama, ngunit dahil sa isang aksidente ay naging ganyan ang aking pangalan." Natatawang saad ko.

Nakangiwi akong umirap. "Alam mo wala akong maisip na magandang itawag sayo, eh." Nakangiwing saad ko. Tumawa si Antipatiko. "May alam akong magandang pangalan na itatawag mo sa akin, Eeya." Ngiting ngiti na saad nito.

Napakunot ang nuo ko. "Ano naman maliban sa antipatiko?" Mataray na saad ko. Nakangiti nyang nilapit ang mukha nya sa tenga ko. "Mahal." Bulong nito sa akin na ikina tuod ko. Ngiting ngiti syang lumayo sa akin.

Nang mag sink in sa utak ko ang sinabi nya ay agad ko syang pinag hahampas. "Napaka antipatiko mo talaga! Anong mahal?! Oo mahal ang bilibin!" Inis na inis na saad ko humagakhak lang sya. "Ang puso, Eeya, ang puso." Pag bibiro pa nito.

Sinamaan ko sya ng tingin sabay irap.

"Alam mo maganda talagang ipangalan sayo antipatiko, bagay na bagay sa mukha mong makapal, eh!" Sarkastikang saad ko. Tinawanan nya ako. "Kung yan ang iyung nais Eeya, halika na sa loob ng masyon baka hinahanap na tayo nila Ama baka kung ano nanaman ang kanilang isipin." Kamot ulong saad ni Antipatiko.

Nilahad nya ang kamay nya kung kaya't agad ko yung tinanggap. "Ang bigat mo Eeya." Natatawa nanamang saad nito. Inirapan ko sya. "Walang magaang tao, antipatiko " mataray na saad nya.

Pinisil nya ang kamay ko na ngayon ay hawak nya. Tinaas ko ang kamay namin, tinaasan ko sya ng kilay. "Tsk, ikaw, ha? Matinik yang mga galawan mo." Mapang asar na saad ko. Agad naman nyang binitawan ang kamay naming mag kahawak. Mukhang nakalimutan nyang bitawan yun, tsk chansing.

"Patawarin mo ako, Eeya hin----" hindi ko na sya pinatapos. "Ayos lang, mag kaibigan naman na tayo diba? Antipatiko?" Nakangiting saad ko. Nakita ko ang pag kaseryoso ng mukha nya pero agad din yung napalitan ng ngiti. "O-oo naman Señorita Eeya." Ngiting ngiting saad nito. Napangiti nalang ako at sabay kaming pumasok sa loob ng mansyon.

"ANONG BALAK MO REIGHN? Hindi tayo permanente sa panahong ito kung kaya't hindi mo maaaring pakasalan si Ezequiel." Nakapangalumbabang saad ni Aexniqn. Nag babasa sya ng libro habang naka dapa sa kama ko. Samantalang ako ay nakahiga padin.

Ang aga kasing nambulabog ng isang ito. Alas kwatro palang ng madaling araw nambubulabog na. Mag aalasingko palang yata ng umaga. Tsk. Bakit ba kasi pinanganak akong antukin? Hindi kagaya ni Aexniqn ay ready to fight sa lahat ng oras.

Napangiwi ako kay Aexniqn habang naka higa. "Better yarn?" Inaantok na saad ko. Tumawa naman si Aexniqn. "Hindi ko na nga gusto si Ezequiel, sayo na sya, pero tandaan mo Reighn hindi tayo taga dito kaya bawal ang mafall." Nakangising saad ni Aexniqn.

Nakangiwi naman akong umopo mula sa pag kakahiga. "Aexniqn, you know naman na I never falling inlove saka yung kay Calix puppy love lang yun, duh." Mataray na saad ko. Umopo naman si Aexniqn habang natawa. "Puppy love daw? Eh halos mag pakamatay na nga nung malamang may iba si jowa." Sarkastikang saad ni Aexniqn.

Sinamaan ko sya ng tingin. "Hindi ako mag papakamatay nun, no! Nag papahangin lang talaga ako sa roof top! Saka kay kasama ako that time, eh! Hindi ko lang talaga matandaan kung sino." Nakangiwing saad ko at pilit na inaalala ang nangyari nung araw na nakipag break sa akin si Calix.

"Reighn huwag kanang mag palusot, umamin kanalang kasi, ako lang naman ang makaka alam, eh." Mapang asar na saad nya. Inis ko syang tiningnan. "Alam no? Nakakainis ka, matagal ko nang sinasabi sayo namay kasama ako nung uminom ako sa rooftop, hindi ko nga lang matandaan kung sino." Iritang saad ko. Mapang asar na tumawa si Aexniqn.

Mag sasalita na sana ako pero biglang nag bukas ang pintuan ng kwarto ko kung kaya't napatingin ako doon. "I-ina?" Takang saad ko. Nakangiti si Inang lumapit sa akin. "Magandang umaga Elisabet, at sa aking bunso Estela." Ngiting ngiti na saad ni Ina. Bumati naman kami ni Aexniqn.

"Magandang umaga Ina."

"Magandang Umaga din Ina, saan po kayo pupunta bakit ka naka ayos?" Kunot nuo kung tanong habang nakatingin sa suot nyang damit. Bagong ligo kasi si Ina at hindi na sya naka pantulog na baro't saya. Nakangiting pumunta si Ina sa kabinet ko. "Napag usapan namin ni Amiga Adelle na kailangan mong masanay bilang may bahay habang nag aaral pa ng medisina si Ginoong Ezequiel." Nakangiting saad ni Ina.

Napataas ang kilay ko. "Nag aaral?" Takang saad ko. Nakangiting tumango si Ina. "Oo Anak, nag aaral palang si Ginoong Ezequiel. Ngunit dahil napag usapan ng iyung Ama at ni Don Fortunato na maganda kung maaga kayong ikasal, napag usapan nadin ng inyong Ama na sa Maynila kayo maninirahan habang si Ginoong Ezequiel ay nag aaral palang, hindi naman matagal ang pag aaral ni Ginoong Ezequiel, malapit na syang makatapos sa Abril sa susunod na taon, at dahil sa katapusan ng pebrero ang inyong kasal may ilang buwan lang kayong maninirahan sa maynila." Mahabang saad ni Ina.

Napangiwi ako nung nginisihan ako ni Aexniqn at nag sign ng lagot. Tinaasan ko sya ng kilay sabay irap.

"I-ina, planado na talaga ang kasal namin ni Ant----Ezequiel no?" May halong sarkastikang saad ko. Nakangiting tumango si Ina at may kinuhang kremang barot saya sa damitan ko. "Oo naman Anak, mukhang magiging maganda ang pag sasama ninyong dalawa ni Ginoong Ezequiel." Ngiting ngiti na saad ni Ina.

Para namang may bumara sa lalamunan ko na ikinatawa lalo ni Aexniqn. "I-ina nung una kaming mag kita ni An----Ezequiel bakit sya naka uniporme ng Guardia n-----Guardia Civil?" Pag lilipat ko ng usapan.

"Nag kulang kasi ang tauhan ni Ginoong Calisto kung kaya't ang kanyang kapatid na si Ginoong Ezequiel ang nag represinta na maging isa sa mga kawal ni Ginoong Calisto na sumogod sa Cavite." Mahabang saad ni Ina. Napatango naman ako.

"Eh bakit naman Ina nag hahanap ka ng baro't saya sa damitan ko? Mang hihiram ba kayo?" Takang saad ko. Tumawa naman ng mahina si Ina. "Kagaya ng aking sinabi ay sasanayin na kita bilang may bahay, at ngayon ang araw nayon, tuturuin kita kung paano ang mamili ng sariwang mga rekado." Ngiting ngiti na saad ni Ina.

Inabot nya sa akin ang baro't saya. "Ito Eeya ang isuot mo bagay na bagay ito sayo." Napangiwi ako nung makita ang napaka puting baro't saya. "I-ina diba pamilihan ang pupuntahan natin?" Takang saad ko habang nakatingin sa puting puti na barot saya. Napaka daming brilyante nung baro at yung saya naman ay mga kulay puting paro parong naka habi.

"Oo anak, hindi mo ba gusto ang pinili ko?" Parang batang saad ni Ina. Napalunok naman ako. "A-ah, maganda naman po, pero bakit puti? Baka madumihan yan sa pamilih----" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nung hilahin ako ni Ina patayo. "Huwag kang mag alala Anak, hindi kanaman ang mag lalaba." Ngiting ngiti na saad ni Ina.

Bago pa mag sara ang pintuan ng banyo ay nakita ko ang pag hagakhak ni Aexniqn. Sinamaan ko sya ng tingin bago nag sara ang pintuan.

"INA MAG SASAGALA BA si Estela Asuncion?" Malakas na tumawa si Esteban kaya sinamaan ko sya ng tingin. "Ama oh! Si Esteban!" Parang batang saad ko. Tiningnan ni Ama si Esteban kung kaya't napatahimik ito. Palihim na natawa si Esteban napairap nalang ako.

"Ama mauna na kami ni Ina, ingat sa work este sa trabaho! Paalam Ama! Kumain po muna kayo bago umalis at ikaw naman Esteban huwag kanang kumain!" Nakangiting saad ko. Kumaway kaway pa ako kay Ama hanggang sa makalabas ang sinasakyan naming kalesa.

Nakangiti akong tumingin kay Ina. "Ina kulang ba sa buwan si Esteban?" Takang saad ko kay Ina. Tumawa naman ng mahina si Ina at hinaplos ang mukha ko sabay iling.  "Eeya Anak, pag pasensyahan mo na ang iyung Kuya, likhang ganon lang talaga si Esteban mahilig mambuyo." Natatawang saad ni Ina, napailing naman ako.

Marami pa kaming pinag usapan ni Ina hanggang sa huminto ang kalesa. Rinig na rinig dito sa loob ng kalesa ang mga taong nang aalok ng mga tinda nila, may ilan ding tumatawad para makakuha ng mura.

"Halika na Anak." Nakangiting saad ni Ina. Una syang bumaba. Pababa na sana ako pero napataas ang kilay ko nung makita ang pamilyar na bulto. "Magandang umaga po Donya Esther, magandang umaga din sayo Señorita Estela Asuncion." Ngiting ngiti na saad ni antipatiko. Nilahad nya pa ang kamay nya sa akin kaya lalong napataas ang kilay ko.

Kunwaring inis ko yung tinanggap. "Walang maganda sa umaga." Bulong ko sakanya at mabilis na binawi ang kamay ko. Tumawa lang ng mahina si antipatiko.

Nang tumingin ako kay Ina ay napataas ang kilay ko nung makitang kinikilig ito habang dala ang bayong nya. "Ina? Anong nangyari sayo?" Nakangiwing saad ko. Nakangiting umiling iling si Ina.

"Wala Anak, may naalala lamang ako." Kinikilig na saad nito. "Magandang umaga din pala sayo Ginoong Ezequiel, maari mo narin akong tawaging Ina." Nakangiting saad ni Ina. Napataas naman ang kilay ko. "Bakit kanaman tatawagin nyang Ina? Anak mo ba sya Ina?" Mataray na saad ko.

Napangiwi ako nung sabay silang natawa. "Eeya Anak, nakalimutan mo bang iyung kasintahan si Ginoong Ezequiel?" Tuwang tuwa na saad ni Ina. Kunot na kunot nuo kung tiningnan si Antipatiko na ngayon ay todo ang ngisi. "Kailan pa kita naging kasintahan, aber?" Mataray na saad ko.

Sabay nanamang natawa si Ina at si Antipatiko. "Hindi mo ba alam Eeya, anak na kapag kayo ay pinag kasundo at hindi pa kasal ang tawag sainyo ay mag kasintahan?" Ngiting ngiti na saad ni Ina.

Kasintahan? Jowa? Boyfie? Boyfriend ko si Antipatiko na hindi ko nalalaman? Oh gosh! Why naman ganon? Mag fiance pala kami ni antipatiko! Tsk.

"Mukhang hindi nga alam ni Eeya, Ina." Mapang asar na saad ni antipatiko kaya inirapan ko sya. "Tara na nga, Ina." Mataray na saad ko at nangunang mag lakad. Narinig ko pa ang pag hingi ng tawad ni Ina kay antipatiko pero tinawanan lang ni antipatiko si Ina at may sinabing kung ano na hindi ko narinig.

Tsk. Baka mahawaan ng kaantipatikuhan nya si Ina, tsk.

"Estela Anak, huwag kang mag pakalayo baka ikaw ay mawala." Nag aalalang saad ni Ina kung kaya't napahinto ako. Hinintay ko pa silang makalapit sa akin. Nang mag tama ang tingin namin ni Antipatiko ay tinaasan ko lang sya ng kilay bago umirap.

Wala akong ganang nag lakad habang nakatingin sa mga paninda. Ngayon lang ako pumunta dito sa palengke at masasabi kung magulo sya, all I can see is chaotic people around me. Pero kahit masyadong chaotic at maingay ang paligid masasabi ko ring maganda mamili sa palengke.

Lahat ng paninda ay fresh at bago unlike sa mga Super market. Hindi mo na masasabing bago dahil naka stock na sila sa Freezer or what. "Eeya Anak, kailangan kapag pipili ka ng isda ay titingnan mo ang hasang, kailangan ay pula ito." Pinakita sa akin ni Ina yung likod ng ulo ng isda.

Napatango tango ako at tiningnan ang ibang isda. Halos lahat fresh, wala man lang luma. Hindi kagaya sa mga market babad na sa yelo. Siguro kapag may time ako, ako na mismo ang pupunta sa palengke para makabili ng fresh na isda.

"Eh, Ina. Paano naman po malalaman kung anong klaseng isda yung bibilhin ko?" Nakangiwing saad ko habang nakatingin sa mga isda na napaka rami. Malay ko ba kung saan ang galungong, tilapya, o sapsap dyan. Kain lang ako ng kain kaya hindi ko alam.

Napataas ang kilay ko nung marinig ang mahinang tawa ni Antipatiko. Sinamaan ko sya ng tingin. "Anong tinatawa tawa mo dyan?" Mataray na saad ko habang matalim ang tingin kay antipatiko. Narinig ko din ang mahinang pag tawa ni Ina at nung tindera. "Mukhang kailangan ng kasama ng Señorita kapag sya ay mamimili." Natatawang saad nung tindera.

Nakangiti namang tumingin si Ina kay Antipatiko. "Sasamahan mo naman ang aking bunso iho kapag sya ay mamimili diba?" Ngiting ngiti na saad ni Ina na kinataas ng kilay ko. Halos umabot na sa buhok ko ang pag kataas ng kilay ko nung ngiting ngiting tumango si antipatiko.  "Opo, Ina." Napangiwi ako nung animong kinikilig na humagikhik si Ina at yung tindera.

Inis kung kinurot si antipatiko na ngayon ay nakangiti. Tinaasan ko sya ng kilay. "Anong Opo, Ina?" Pabulong na saad ko kay antipatiko at sa tuno ng boses ko ay puno ng inis. Nakangiti namang tumingin sa akin si antipatiko. Gusto kung mahiya dahil pang model ang ngiti nya samantalang ang ngiti ko ay parang aso. Tsk. Idagdag mo pa yung dimple nya na napaka lalim.

"Opo, Eeya." Mapang asar na saad nito. Pinaningkitan ko sya ng mata bago umirap. Narinig ko lang ang pag hagikhik nito sa likod ko.

BUONG PAG IKOT NAMIN SA PALENGKE AY WALA akong nagawa kung hindi ang umirap ng umirap kay antipatiko.

Paano ba naman kasi kapag tinatarayan ko sya ay tawa lang o hagikhik ang sinasagot nya. Kaya sinong tao ang maiinis nun? Nakaka asar kaya kapag ganon. Tsk.

"Nais mo bang mamasyal pa sa pamilihan, Eeya anak?" Nakangiting saad ni Ina. Nilalagay na ng kutsiro namin yung mga pinamili namin. Nakangiti naman akong tumango. "Opo, Ina." Ngiting ngiti na saad ko.

"Kung ganon ay mauuna na ako, Iho ikaw na ang bahala sa bunso ko, iyo sana syang pag ingatan." Nawala ang ngiti ko nung biglang sabihin yun ni Ina kay Antipatiko. "Kahit hindi mo na sabihin Ina, iingatan ko po ang bunso nyo." Magalang na saad ni antipatiko na nag pangiti kay Ina.

Mag rereklamo pa sana ako pero naka sakay na si Ina sa kalesa at mabilis itong pinaandar. "Ina..." parang batang saad ko. Nang lumingon ako sa likod ko ay nakita ko nanaman ang mukha ni antipatiko na naka ngiti kaya lalo akong nainis. "Ikaw? Alam mo ba nakakainis ka." Inis na inis na saad ko.

"Hindi ko yun alam Eeya." Ngiting ngiti na saad nito. Inirapan ko naman sya. "Ngayon alam mo na?" Umiling lang ito kaya napapikit ako sa inis. Na una akong nag lakad sakanya na parang batang nag mamartsa. "Eeya! Saan ka pupunta? Baka ikaw ay mawala, ayokong malagot kay Donya Esther." Rinig kung habol nito sa akin.

Napahinto ako nung marealize ko na madami nang tao. Baka makidnap ako or what. Ayoko namang gawing pain ng mga rebelde no. Alam ko ganto ang ginagawa ng mga rebelde sa may dugong Español. Pero duh, pure pilipino ako kahit baksak ako sa History atleast pusong pinoy to.

Tumingin ako kay Antipatiko. "Bakit mo kasi ngayon lang sinabi?" Mataray na saad ko. Tumawa nanaman ito.."Hindi kanaman nag tanong, Eeya." Natatawang saad nito sa akin.

Napataas ang kilay ko nung nilahad nya ang kamay nya. Sinawsaw ko naman ang daliri ko. "Sawsaw suka?" Nag tataka kung saad. Napatingin ako kay antipatiko nung bigla nanaman itong tumawa. "Hindi ko alam kung bakit mabilis akong matawa kapag ikaw ang kasama ko, Eeya." Natatawang saad nito.

Tinaasan ko sya ng kilay. "Happy feel mo kasi ako." Sarkastikang saad ko na ikina tango tango nito. "Siguro nga Eeya, happy feel kita." Nakangiting saad nito. Tinaasan ko sya sabay irap. Napataas muli ang kilay ko nung nilahad nya muli yung kamay nyang napaka ganda. Tsk. Pinapainggit yata sa akin.

"Ano nanaman k--- " Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nung bigla nyang hawakan ang kamay ko. "Para hindi ka mawala sa akin,  Eeya." Nakangiting saad nito na double ang ibig sabihin. Bigla nanamang bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi malamang dahilan.

Heart need mo ba ng alaga nya?



***

10:23 pm na ng March 10, 2021! Skl to mga moons bago mag sabi ng good ebning HAHAHA! Bukas ang unang punta ko sa school, may ipapasa kasi akong Halaman HAHAHA skl! Btw, good night have a good sleep!

Continue Reading

You'll Also Like

66.2K 3.1K 42
She's the most feared merciless assassin in the world, Evelyn Anais Fiero known as Dark in the world of assassin's. She was called Dark because she's...
Noli Me Tangere | √ By Nia

Historical Fiction

386K 1.5K 64
Buod ng bawat kabanata ng nobelang Noli Me Tangere From the book of completed and published Filipino Version translated by Leon Ma. Guerrero of Adarn...
424K 19.2K 60
Died and reincarnated in the book she last read, Arisia hopes to live an interesting life unlike her previous boring one. What will be in it for her...
Babaylan By Ann Lee

Historical Fiction

1.3M 79.5K 48
Standalone novel || Mula sa pamilya ng historians at archaeologists, lumaki si Cyrene na may malawak na kaalaman sa kasaysayan. Ngunit sa hindi inaas...