Volviendo Al Pueblo Hundido

By crsntmoon_

24.5K 1K 1.5K

Sa isang kahilingan na matagal nang nag laho dahil sa kapanahonan. Paano kung ang matagal mo nang hiling nung... More

Warning!!
VAPH NOTES
Ika-1
Ika-2
Ika-3
Ika-4
Ika-6
Ika-7
Ika-8
Ika-9
Ika-10
Ika-11
Ika-12
Ika-13
Ika-14
Ika-15
Ika-16
Ika-17
Ika-18
Ika-19
Ika-20
Ika-21
Ika-22
Ika-23
Ika-24
Ika-25
Ika-26
Ika-27
Ika-28
Ika-29
Ika-30
Ika-31
Ika-32
Ika-33
Ika-34
Ika-35
Ika-36
Ika-37
Ika-38
Ika-39
Ika-40
Ika-41
Ika-42
Ika-43
Ika-44
Ika-45
Ika-46
Ika-47
Ika-48

Ika-5

574 38 71
By crsntmoon_

"NAKA BUSANGOT NANAMAN ang iyung mukha Eeya? Ano bang nangyari habang wala kami ni Ina?" Tanong sa akin ni Andrea. Inaayusan nya ang buhok ko. Samantalang si Aexniqn naman ay nilalagyan ako ng kolorete sa mukha. "Uso mag share." Nakangiting bulong sa akin ni Aexniqn.

Napairap naman ako. Tinuro ko ang nuo kung namumula. "Nakikita nyo yan?" Inis na saad ko. Sunod sunod silang tumango sa akin habang nag tataka. "May antipatikong pumitik nyan." Sarkastikang saad ko na ikinataas ng kilay ng dalawa.

"Antipatiko? May Ginoo kabang kinatagpo kanina?" Mapang asar na saad ni Andrea kaya lalo akong nainis. Inis na inis akong umiling sakanya. "Wala no! Huwag na nga nating pag usapan lalo akong naiinis, eh!" Inis na inis na saad ko.

Tumawa naman silang dalawa. Sinundot ni Aexniqn ang gilid ng tyan ko. "Asus maang maangan." Mapang asar na saad ni Aexniqn kaya mas lalong akong nainis. Lalong tumawa ang dalawa.

Napahinto silang dalawa sa pag tawa nung mag bukas ang pintuan. "Mga anak naka ayos naba kayo?" Mahinhin na saad ni Ina kaya nakangiti kaming tumango na tatlo.

Pumasok si Ina sa loob ng kwarto ko namay ngiti sa labi. "Napaka ganda talaga ng tatlo kung Binibini, lalo na ang aking bunso." Nakangiting hinaplos ni Ina ang pisnge ko kaya napanguso ako.

"Ina matatanggal yung make---kolorete na nilagay ni Elisabet." Parang batang saad ko. Mahina namang tumawa si Ina. "O sya tara na magagandang Binibini ko." Nakangiting saad ni Ina at ginaya kami palabas ng silid.

Umangkla si Ina sa akin samantalang si Andrea at Elisabet ay nag uusap. Inferness close din pala Andrea at Aexniqn.

Nang makababa kami sa hagdan ay nakita ko si Ama at si Esteban na nag uusap. Nang makita nilang pababa kami at napatingin sila sa amin. Nakita ko ang pag taas ng kilay ni Esteban mukhang aasarin nanaman ako ng magaling kung Kuya.

"Nag mukhang tao si Estela, kailangan yata Ama pala tayong dumalo sa mga kaarawan para palaging tao si Estela." Napataas ang kilay ko sa sinabi ni Esteban. "Anong tingin mo sa akin hayop?" Inis na saad ko.

Nag kibit balikat naman si Esteban. "Ikaw ang nag sabi nyan, mahal kung kapatid." Nakangising saad ni Esteban. Mangiyak ngiyak ko namang tiningnan si Ina. "Ina kapatid ko ba talaga yan?" Parang batang saad ko.

Ngumiti si Ina at hinaplos ang mukha ko. "Hayaan mo na si Esteban, talagang sa dista lang yan." Bulong sa akin ni Ina sa dulo kaya napangiti ako. Nakangiti akong bumaba. Nang mag tama ang tingin namin ni Esteban ay inirapan ko sya kaya tumawa ito.

Umangkla ako kay Don Amando slash Ama ko, na ikinangulat nilang lahat. "Ama! Let's go na! Arat! Arat!" Tuwang tuwa na saad ko. Napakunot naman ang nuo nila samantalang si Aexniqn ay napapa sapo lang sa ulo.

"Lit go? A-arat? A-arat?" Napangiwi ako nung sabihin nila yun. Oo nga pala hindi nila yun alam. "Tara po, kaya naging Arat kasi binaliktad ko yung Tara." Ngiting ngiti na saad ko na parang ako ang nakagawa nun.

"Puro ka kalukuhan Estela Asuncion, Arat na nga." Natawa kami nung sabihin yun ni Ama. Sabay sabay kaming sumakay sa kalesa. Kasama ko sila Andrea at Estela. Si Esteban, Ama, Ina ay mag kasama sa unang kalesa.

Habang nasa daan ay nag usap usap kaming tatlo nila Aexniqn at Andrea. "Alam nyo, mas bagay sa akin yung kulay pulang baro't saya." Saad ko habang nakatingin sa baro't saya kung violet.

Napangiwi naman silang dalawa. "Eeya bagay nga sayo ang baro't saya na pula ngunit hindi naman ikaw ang may kaarawan." Natatawang saad ni Andrea. Napangiwi naman ako. So kailangan pala born day mo para mag suot ka ng pula? Tsk.

"Tama si Ate Andrea, Estela Asuncion." Pag sasangayon ni Aexniqn kaya napairap ako. "Tsk, sino ba kasi si Eva Maria nayan?" Mataray na saad ko. Tumawa si Andrea. "Si Eva Maria ang kaibigan ni Elisabet, hindi ba naikwento sayo ni Eera, Eeya?" Nag tatakang saad ni Andrea.

Tiningnan ko si Aexniqn. Nag kibit balikat lang ito. "Hayaan mo Estela paparating din ang Pamilya Velasco, kaya makikita mo si Amor ang iyung matalik na kaibigan." Ngiting ngiti na saad ni Andrea.

Napataas naman ang kilay ko. May kaibigan pala si Estela Asuncion? At Amor ang pangalan? Ang ganda naman ng pangalan nya Amor means love. Samantalang ako Estela Asuncion? Hayz, atleast maganda natin ang Asuncion.

Pero si Amor ba yung Amor Power? Yung nag sabi na 'MATITIKMAN NYO ANG BATAS NG ISANG API!' Sya ba nag sabi nun?

PUMASOK ANG KALESA namin sa isang malaking gate kagaya ng gate namin. May naka sulat panga sa taas pero Buenaventura lang ang nabasa ko. Hindi nag tagal ay huminto ang kalesa na sinasakyan namin sa isang mansyon na kasing laki ng mansyon namin.

Puno ng ilaw ang paligid. Napaka rami ding magagandang kalesa ang humihinto pero mas maganda at matingkad ang sinasakyan naming kalesa. Bumukas ang isang pinto. Isang matabang lalaki na pamilyar sa akin ang umalalay kay Andrea at Aexniqn pababa.

Nang makita nya ako ay nagulat sya kaya tinaasan ko sya ng kilay. Nilahad nya ang kamay nya kung kaya't tiningnan ko ito sabay irap. Taas nuo akong bumaba sa kalesa muntik panga akong matapilok pero hindi na tuloy.

Nang makababa kami ay nakita kung nasa amin ang mata ng lahat ng napasok. Siguro naman ay walang nakakita ng muntikan kung tapilok no? Tumikhim si Ama kaya lumapit ako kay Esteban. Umangkla si Ina kay Ama kaya sumonod kaming apat sakanila.

Nag lakad kami sa Red Carpet na daanan. Halos lahat ay nakatingin sa amin kaya nahiya ako. Meron paman din akong hiya sa katawan kaya habang nahihiya ako lubos lubosin na nila. Narinig ko ang mahinang pag tawa ni Esteban. Tinaasan ko sya ng kilay. "Esteban alam mo ba na nakakailan kana sa akin?" Inis na saad ko habang nag lalalad kami.

Ngumiti si Esteban sa mga tao samantalang ako ay nakatingin lang sa likod ni Ama at Ina. Ayaw ko ngang pakatitigan ang mga tao baka kapag naka balik na ako sa panahon ko makita ko pa sila edi nahimatay pa ako. "Hindi bagay sayo Estela Asuncion ang maging mahiyain." Natatawang saad ni Esteban kaya sinamaan ko sya ng tingin.

Napahinto kami nung tumikhim si Ama. Lumapit ako kay Ina at doon nag tago sa likod nya. Isang matandang lalaki na nasa age 40's ang lumapit sa amin. May naka angkla sakanyang kasing edad ni Ama. Wow naman ang gandang dilag naman asawa ba nitong Santa Clause na ito?

"Amigo Amando, buti naka rating kayo." Ngiting ngiti na saad nung lalaking mukhang kaibigan ni Ama. Ngumiti naman si Ama. "Amigo Fortunato iyo namang hindi kita maaaring hindian sapagkat ikaw ay aking parang matalik na kapatid." Ngiting ngiti na saad ni Ama kay Don Fortunato.

Ngumiti naman yung babaeng kasama ni Don Fortunato kay Ina. Nag beso silang dalawa. "Amiga Adellai lalo kayatang bumabata." Nakangiting saad ni Ina kay Donya Adelle. Ngumiti naman ang Donya kay Ina. "Mabola mo nanaman ako Amiga Esther." Namumulang saad ni Donya Adelle kay Ina.

Napangiwi nalang ako dahil para silang teenager. Pamilyar sa akin ang mga line nila pero nakalimutan kulang kung saan ko yun narinig.

"Napaka ganda naman ng mga Binibini mo Amigo." Nakangiting saad ni Don Fortunato, nakangiti namang tumango tango si Ama. Huminto ang tingin sa akin ni Don Fortunato mukhang ngayon nya lang nakita ang ganda ko, well. "Si Estela Asuncion naba ito Amigo?" Tuwang tuwa na saad ni Don Fortuna kung kaya't naagaw nya ang mga tingin ng mga tao sa paligid.

"Oo kumpadre, si Estela Asuncion nga ito ang iyung inaanak." Nakangiting saad ni Ina. Napangiti naman si Don Fortunato at Donya Adelle. Lumapit sa akin si Donya Adelle na ikinangulat ko. "Kaygandang binibini, bagay na bagay kayo." Makahulugang saad ni Donya Adelle. Ngumiti nalang ako ng tipid kay Donya Adelle.

"O sya kami ay may pag uusapan pa ni Amigo." Ngiting ngiti na saad ni Ama mag kaakbay silang pumunta sa isang table kung saan maraming kasing edad din nila. "Kami din ay may pag uusapan pa ni Amiga, Estela Asuncion kung ikaw ay may kailangan huwag kang mahiyang sabihin sa akin." Nakangiting saad ni Ina. Nakangiti akong tumango.

Napangiwi ako nung maiwan kaming apat dito sa tabi ng hagdan. "Saan punta natin?" Nakangiwing saad ko. "Kaming dalawa ni Elisabet ay aakyatin sa taas si Eva Maria, nais mo bang sumama Asuncion?" Nakangiting saad ni Andrea. Napangiwi naman ako.

Tsk. Hindi ko nga kilala si Eva Maria. Baka ma out of place lang ako doon kaya huwag nalang.

"Huwag na maiwan nalang ako dito kasama si Est----" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nung marinig ko ang malakas na tawa ni Esteban kasama ang mga kaibigan nya. Napangiwi naman ako. "Pupunta nalang ako kay Ina." Mabilis na saad ko sabay takbo papunta sa gawi na pinuntahan ni Ina at Donya Adelle.

Nakita ko ang pag iling nila pero hindi ko sila pinansin. Tumakbo takbo ako sa mga pasilyo nung makita kung wala nang tao. Napahawak ako sa dibdib ko nung hingalin ako. Napangiwi akong tumingin sa paligid puro na ito pasilyo kagaya ng mansyon namin.

Tsk. Wala man lang direction?

Naiihi panaman ako. Nag lakad ulit ako ng nag lakad. Umakyat pa ako sa hagdan. Napangiwi ako nung wala akong makitang banyo. Tsk. Asan naba mga CR dito?

Napatingin ako sa isang pintuan na bukas, siguro ito yung banyo? Nag lakad ako papunta doon. Sumilip ako sa maliit na butas. At dahil nga wala namang ilaw sa loob ay pumasok ako. Napataas ang kilay ko nung makitang isang kwarto yun na pamilyar na pamilyar sa akin.

Inamoy amoy ko pa ang kwarto. Nanlaki ang mata ko nung marealize na kwarto ko ito na tinulugan noon! Omg! Ito nga yun. Napatingin ako sa isang pintuan sa gilid nung mag bukas iyun. "Binibini Eeya?" Nanlaki ang mata ko nung makita ang pamilyar na multo.

"WHAAAA! ANONG GINAGAWA MO DITO?!" Gulat na saad ko nung makita syang naka tapis pang ng tuwalya. Nagulat din sya sa pag sigaw ko. Napatakip ako ng mata pero may butas. "H-hoy! Mag bihis kanga! Hindi ka bold star!" Malakas na saad ko na nag pabalik sa realidad kay antipatiko

Mabilis ulit syang pumasok sa nilabasan nyang pintuan. Napangiwi naman akong tumingin sa paligid. Jusko! Buenaventura pala si antipatiko? Sabagay magandang lalaki naman sya pero hindi sa paningin ko.

Nakangiwi kung sinara yung pintuan. Binuksan ko yung ilaw sa gilid. I mean is lampara. Lumapit ako sa kama at pinindot pindot yun. Napangiwi ako nung pumaon yung daliri ko. Tsk. Bakit ganon ang lambot ng kama nya? Kawawa naman ako ang tigas.

Umopo ako doon at tinaas ang paa ko. Umopo ako ng painjan sit sa kama habang tinitingnan ang kwarto. Wala panamang pag babago ang kwarto mas maganda nga lang sya ngayon. Napatingin ulit ako sa pintuan nung mag bukas yun.

Tinaasan ko ng kilay si antipatiko nung gulat nya nanaman akong tiningnan. "Hindi ako multo." Sarkastikang saad ko kaya tumikhim itong lumapit sa akin. "Bakit kanandito sa aking silid Binibining Eeya?" Kinakabahan na saad nito.

Tinaasan ko sya ng kilay. "Eeya kasi, saka malay ko bang kwarto mo ito, nag hahanap kasi ako ng banyo tapos nakita ko na naka bukas ang pintuan kaya pumasok ako malay ko rin bang isa kang Buenaventura." Kibit balikat na saad ko. Napabuntong hininga ito nung ihiga ko ang katawan ko sa kama.

"Ang daya! Ang lambot ng kama mo sa akin hindi!" Parang batang saad ko. Natawa pa ito at nilahad ang kamay nya sa akin. "Eeya ihahatid na kita sa baba baka makita tayo ni Ama at kung ano pa ang sabihin nya." Kinakabahan na saad nito.

Tiningnan ko ang kamay nya bago tiningnan ang maaliwalas na mukha nya. "Ayoko, nga saka nag uusap si Ama at Don Fortunato " kibit balikat na saad ko. Nagulat naman sya. "B-bakit naman nag uusap si Ama at ang iyung Ama?" Gulat na saad nito.

Nag kibit balikat akong tumalon sa kama nya. Tiningnan nya ako ng mapang husga kaya sinamaan ko sya ng tingin. "Malinis ang paa ko huwag ka." Mabilis na saad ko. Napailing lang ito. "Malay ko kung anong pinag uusapan nila, at saka ikaw!" Tinuro ko sya.

Napakunot naman ang nuo nya. "A-ako?" Naguguluhang saad nito. Sunod sunod naman akong tumango habang nag tatalon sa kama nyang napaka lambot. Naka upo na sya sa gilid ng kama nya. Tumango tango ako kay antipatiko. "Oo ikaw! Walanghiya ka! Pinitik mo kanina yung nuo ko! Alam mo bang nag e-emote ako kanina?!" Mangiyak ngiya na saad ko sabay tigil sa pag talon.

Inis akong lumapit sakanya at pinakita ang namumula kung nuo. Tiningnan nya yun sabay tawa ng mahina. "E-emote anong salita nanaman yun Eeya?" Natatawang saad nito. Napangiwi naman ako. "Nag e-emote! Yung para bang nag dadrama ganon!" Parang tangang saad ko.

Napailing sya. Tumalon ako sa kama nya at lumapit sa bintana na kagaya ng kwarto ko ay tanaw na tanaw din ang dagat. Walang buwan at tanging bitwin lang ang nag niningning sa paligid. Nakita kung lumapit sa akin si antipatiko kaya tiningnan ko sya habang ang likod ko ay nakasandal sa bintana.

"Alam mo?" Panimula ko. Napatingin naman sya sa akin sabay taas ng kilay. "Ano yun Eeya?" Nakangiting saad nito sa akin. Napangiwi naman ako nung makalimutan ko ang sasabihin ko. "Wala nakalimutan ko na, nakalimutan ko na nga ring nag hahanap ako ng banyo, eh." Nakangiwing saad ko. Tumingin ako sa kabuuan ng kwarto nya.

Napataas ang kilay ko nung may makita akong makinang na bagay sa gilid ng kama nya. Lumapit ako doon at kinuha yun. Napataas ang kilay ko nung makitang singsing yun namay kulay puting brilyante sa gitna. "Hoy ang ganda nito!" Tuwang tuwa na saad ko.

Lumapit ako sakanya at tinapat sa mga bitwin yung singsing. Napatingin naman sya sa hawak ko. "Bigay yan sa akin ng aking Lola." Nakangiting saad ni Antipatiko. Tumango tango naman ako. Sinuot ko yun sa kamay ko napangiti ako nung mag kasya yun sa kamay ko. "Wow! Bagay sa kamay ko! Tingnan mo oh!" Pinakita ko sakanya ang kamay ko habang may ngiti sa labi.

Napangiti naman sya. "Oo nga Eeya bagay sayo ngunit mas babagay yan sa babaeng naka takda sa akin." Malungkot na saad nya at nilahad ang kamay nya sa harap ko. Tiningnan ko naman ang kamay nya. "Akin na Eeya, baka mawala payan, ayokong dalawin ng aking Lola." Natatawang saad nito.

Agad ko naman tinago sa likod ko ang kamay ko. "Ayoko nga, akin na to." Nakangising saad ko sakanya. Nawala naman ang ngiti ni antipatiko. "Ngunit ibibigay ko yan sa babaeng naka---" mabilis akong umiling iling sakanya.

"Wala akin nato, mukhang totoo panaman yung brilyante sa loob kaya ibebenta ko to!" Malakas akong tumawa nung makita kung kinabahan sya. "Eeya, akin na sabi yan." Mariing saad nya at akmang kukunin ang kamay ko pero mabilis akong umatras.

"Blehh! Ibebenta ko to HAHAHA!" Malakas na saad ko sakanya sabay takbo. "Eeya! Ayokong dalawin ng aking namayaong Lola! Eeya!" Habol nito sa akin pero tinawanan ko sya. Lumabas ako ng kwarto. Habang hawak ng kamay ko ang isa kung kamay kung saan naka suot ang sing sing na ibibigay nya sa magiging asawa nya daw.

Ang swerte naman nung magiging asawa nya may singsing sya na mamahalin meron din syang mapapangasa na complete package.

"Habulin mo ako antipatiko! Kapag hindi mo ako mahabol ibebenta ko ang singsing mo at ililibre mo ako ng buko sa pamilihan!" Tuwang tuwa na saad ko. Napaka bilis ng takbo ko hindi ko alam kung saan na ako napapadpad basta alam ko lang ay kailangan kung takbuhan si antipatiko.

"Eeya! Huwag kang tumakbo baka mapano ka! Eeya!" Hinihingal na saad nito pero tinatawanan ko lang sya. "Ang sabihin mo hindi mo ako mahabol!" Malakas na sigaw ko sabay takbo sa kaliwa. Napahinto lang ako nung makita ang napaka raming tao.

"Huli ka, akin na ang singsing Eeya." Nakangiting saad ni antipatiko. Nagulat ako nung makita syang nasa likod ko. Mabilis kung tinago sa likod ko yung kamay ko. "Wala! Akin na to ako kaya nakakita!" Mabilis na saad ko.

Hinabol naman ng kamay nya ang kamay ko. "Nakita mo sya Eeya sa lamesang pinaglagyan ko." Natatawang saad nya. Tumango tango naman ako. "Kaya akin nato!" Tinaas ko ang kamay ko hinabol nya naman yun.

Napasinghap ako sa hangin nung bigla nyang na hawakan yung kamay ko. Mabilis kung tinaas yung kamay ko sa ere. "Akin nalang kasi ito!" Mangiyak ngiyak na saad ko nang mapasandal ako sa pader. Tumawa naman sya habang hinahabol ang kamay ko. "Binibining Eeya, kung pwede lang na ibigay yan edi sana kanina mo pa nakuha." Natatawang saad nito.

"Eh? Bumili kanalang ng bago mayaman kanaman diba? Kaya akin nalang to!" Nakangusong saad ko tinanggal ko sa kamay ko yung singsing. Mabilis ko yung inilag sakanya. "Eeya akin na kas----" hindi nya na natapos ang sasabihin nya nung bigla kung nabitawan ang singsing.

Nag unahan kaming abutin yun kung kaya't parehas kaming timang na na out balance na bumaksak sa sahig. Nanlaki ang mata ko nung makitang naka patong sa akin si antipatiko, gulat na gulat din sya habang nakatingin sa akin.

"ANONG GINAGAWA MO SA AKING BUNSO BATANG BUENAVENTURA!" Parehas kaming nanlaki ang mata ni antipatiko nung marinig ang pamilyar na boses.

Malakas kung tinulak si antipatiko sa ibabaw ko. Napalunok ako nung makita ang galit na galit na mukha ni Ama habang nakatingin kay antipatiko. Yung singsing naman ay nasa paa ni Ina at Donya Adelle. Mabilis akong lumapit kay Ama.

"A-ama, w-wala po kaming ginagawang masama." Mabilis na saad ko nung akmang susugod si ama kay Antipatiko. "T-tama po si E-eeya, Don Amando, kami lang po ay may pinag aagawan kung kaya't kami ay nawalan ng balanse." Kinakabahan na saad ni Antipatiko.

Tiningnan ako ni Ama. Sunod sunod akong tumango. Kinuha ko yung sing sing na pinag aagawan namin kanina ni antipatiko at pinakita kay Ama. Dinig ko ang iba't ibang klaseng bulungan ng mga taong nakatingin sa amin pero hindi ko sila pinansin.

"A-ama kasalanan ko po, binuro ko si-----" napahinto ako nung maalalang nakalimutan ko ang pangalan nya. Kagat labi akong tumingin ulit kay Ama na ngayon ay puno ng kaseryosohan. "S-si antipatiko na ibebenta ko ang singsing nya at hinding hindi na ibabalik sakanya, gusto ko lang naman po syang asarin at yun lang yun." Nakayukong saad ko. Lalo akong napakagat sa ibaba kung labi nung tumahimik ang lahat.

"At Ama kung tatanungin mo ako kung paano kami nag kakilala ang masasabi ko lang ay nakita nya ako sa kwartel nung hahatiran ka namin ni Ina ng pagkain, bumaba ako sa kalesa nun at nawala ako nung pumasok ako sa loob ng off----kwartel, buti nalang nakita ako ni antipatiko muntik narin akong mahulog sa bangin doon sa pinaka dulo pero tinulungan nya ako. Saka Ama nag kita din kami nung nag simbang kami ni Ina, pero wala syang ginawa kung hindi asarin ako kaya nung makita ko sya ay inasar ko syang ibebenta yung singsing nya kaya nag takbuhan kaming dalawa, tapos Ama kung mag iisip kayo na may relasyon or what kaming dalawa ni antipatiko ay wala! Pramis po wala kaming relasyon! Kaya Ama kung parurusahan mo ako na pumasok sa kwarto ni Antipatiko parang awa mo na po huwag na, hindi ko naman po alam na Buenaventura sya saka nag hahanap lang naman ako ng banyo, eh. Yun lang yun Ama. Pangako hindi napo mauulit."

Mangiyak ngiyak na saad ko lumuhod pa ako kay Ama. Napaka bilis ng pagkasabi ko kaya hindi maririnig ng mga taong nasa gilid at tanging kami kami lang ang makakarinig.

Kagat labi ako nung halos lahat sila ay nakatingin sa akin. "Anak hindi ko tinatanong." Saad ni Ama na nag patawa sa lahat. Natatawa namang lumapit sa akin si Ina. Hinalikan nya ang pisnge ko at ginayang tumayo pinunasan nya ang luhang tumulo sa mata ko. "Masaya kaming nag sabi ka ng totoo Estela Asuncion, Anak." Nakangiting saad ni Ina sa akin.

Lumapit sa akin si Donya Adelle habang may ngiti sa labi. "Antipatiko ang tawaging mo kay Ezequiel?" Natatawang saad ni Donya Adelle sabay tingin kay Antipatiko na ngayon ay kinakausap ni Don Fortunato. Sunod sunod akong tumango. "O-opo, napaka yabang nya po kasi." Mangiyak ngiyak na saad ko.

Tumawa naman si Donya Adelle. "Nakakatuwa naman na nag kakilala kayo ni Ezequiel, ang tadhana nga talaga masyadong mapag laro." Tuwang tuwa na saad ni Donya Adelle. Hinawi hawi nya pa ang buhok ko.

Tumikhim si Ama at Don Fortunato. Nakayuko ako habang nakatingin sila sa akin. "Amigo ngayong mag kakilala na pala ang ating mga anak, nais ko nang iyung ihayag ang pinag usapan natin kahapon." Nakangiting saad ni Don Fortunato. Tumango tango si Ama sa Don at nakangiting tumingin sa mga taong nakatingin sa amin.

"SIMULA NGAYONG ARAW ANG BUENAVENTURA AT ANG ANDRES AY AKING IPAG KAKAISA, PAGKAT ANG BUNSO KUNG ANAK NA SI ESTELA ASUNCION AY AKING IPAPAKASAL SA PANGALAWANG ANAK NI AMIGO FORTUNATO, ANG MGA NAKITA NYO AY PAWANG AKSIDENTE LAMANG , AT ANG PAG PASYA NAMING DALAWA NA PAG PAKASAL AY MATAGAL NA NAMING PINAG HANDAAN KAYA KUNG MAY IKAKALAT KAYONG MALING BALITA SISIGURADUHIN KUNG MAG KIKITA TAYO SA MUNISIPYO." Seryosong saad ni ama sa buong bisitang nakikinig.

Teka! Ikakasal? Ako kay antipatiko?! Hindi pwede! Bakit naman ako ipapakasal? Pati ba naman dito naka arrange marriage ako? No. Ayoko.

Tuwang tuwang nag palakpakan ang lahat parang walang tutol sa pag iisa ng dalawang pamilya.

Nagulat ako nung biglang may malambot na kamay ang humawak sa kamay ko. Kinuha nya ang singsing na hawak hawak ko at isinuot yun sa akin namay ngiti sa labi. "Napaka swerte mong Binibini, at talagang mag bagay nga ito sayo Binibini ko." Nakangiting saad ni Anti----Ezequiel sa akin.

Kagat labi akong nakatingin sa mata nya na ngayon ay nawala na. Lumabas nanaman ang dimple nyang mala alden. Jusko porsanto. Wala akong sinabi na maging ako ang ipapakasal sa Buenaventura na ito.


****

1:29 pm na ng March 09, 2021! Sana all nalang HAHAHA. Wala man akong Ezekeil meron naman akong shopee HAHAHA! Btw, thank you sa rider at seller! Labyou muahh! Good afternoon pala mga moons!

Continue Reading

You'll Also Like

268K 12.7K 35
With one bullet, the greatest assassin of the 21st century meets her end. As she tries to accept her end, she then open her eyes in a very familiar b...
31.9M 814K 48
Prequel of "I Love You since 1892" Pilit hinahanap ni Aleeza ang mga kasagutan sa mga kakaibang panaginip at pakiramdam na nararanasan niya sa tuwing...
M By Maxine Lat

Historical Fiction

6.4M 292K 17
#ProjectM II This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical viole...
Babaylan By Ann Lee

Historical Fiction

1.3M 79.5K 48
Standalone novel || Mula sa pamilya ng historians at archaeologists, lumaki si Cyrene na may malawak na kaalaman sa kasaysayan. Ngunit sa hindi inaas...