The Night We Met in Intramuros

Autorstwa Savestron

1K 186 42

What would happen if an introverted teenager unexpectedly had an imagination about a girl he hadn't met befor... Więcej

Prologue
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
EPILOGUE
WRITER'S NOTE

15

24 4 0
Autorstwa Savestron

TYPICAL TRAVELLERS

SA pagbalik namin sa mahabang biyahe papuntang Ilocos Sur, wagas pa rin ang ngiti ni Jiovanni. Ilang minuto na siyang nakangiti pero hindi niya sinasabi kung ano nangyari, o kahit 'yong pinag-usapan man lang nila ng dalaga kanina.

"Ano naman kaya 'yon, ayaw magsabi," pamimilit ni Allestair sa kaniya.

"Basta, 'wag kayong magulo kung ayaw niyong mabangga tayo," sabi lang niya at nagpatuloy sa pagda-drive.

Napailing na lang ako dahil ramdam ko naman kung ano ang nangyari. It's either type siya n'ong babae o siya ang may type sa dalaga, o kaya naman pareho sila ng feelings.

Maybe, can be, wala namang imposible dahil nangyayari naman ang love at first sight. Parang ako lang, na-love at first sight sa dalagang hindi ko alam kung nag-e-exist. Weird, 'di ba? Mas malala pa nga ang sa akin. Hindi ko alam dahil hindi ko naman ginusto na magkagusto sa kaniya, pero may boses na bumubulong sa akin palagi. Minsan seryoso, minsan pagalit, minsan malungkot, at isang beses pa nga ay binalaan niya ako tungkol sa kaibigan-hindi raw lahat ng kasama ko ay totoong kaibigan.

Blythe's voice is music to my ears. Actually, hindi ako sigurado pero malakas ang pakiramdam ko na boses niya ang bumubulong sa akin dati, hanggang ngayon. Am I overthinking? Tingin ko, hindi naman. Lahat ng bagay sa imagination ko ay full of magic and mystery. I can remember every single detail about her and the place, but I can't remember its name and hers as well.

Natahimik kaming lahat pagkatapos ng maingay na biruan. Nabinat yata ang sugat ko sa braso, medyo sumakit at kumirot. Pinakiramdaman ko na lang, baka mamaya ay na-irritate na pala. I won't deny, naging careless ako at nakalimutan ko ang bilin ng doktor na mag-ingat sa paggalaw-salungat sa ginagawa ko.

Nakatunganga lang ako habang nasa biyahe, nagbabalik-tanaw sa mga nakaraang linggo at mga araw-mga panahong nasa Nueva Ecija pa kami, panahong kasama pa namin si Railey.

Mukha akong batang spoiled na hindi nabilhan ng laruan habang nakadungaw sa bintana. Nakapag-isip-isip ako, ilang araw na akong hindi nakakainom ng paborito kong iced coffee. Sa next stop-over, sisiguraduhin kong makakabili ako n'on. Kaya siguro parang may kulang, palaging walang laman ang nakikita kong bote sa bag ko.

Ilang minuto pa akong tumunganga dahil hindi ako makatulog. Nagsa-sound trip naman si Jiovanni habang nagda-drive, 90's music naman kaya okay lang, kahit maghapon pang nagpe-play.

"Three times nag-ring 'yang cell phone mo, nakatulog ka yata," malumanay na sabi sa akin ni Jiovanni.

"May tumawag sa akin?" patanong kong sagot. Kumindat siya bilang tugon kaya tiningnan ko kung sinong tumawag. Ibig sabihin, nag-imagine na naman ako? Alam kong hindi ako natulog kaya paanong hindi ko narinig ang ringtone ko?

"Oh, sino ang tumawag?"

"Ang ina ko."

"Ina mo."

Tinawagan ko si Mommy, nagkumustahan lang na may kaunting kuwentuhan. I'm glad that she's okay. Guilty pa rin ako kasi iniwan ko siya sa Pampanga at pinili ko 'to-ang ginagawa ko ngayon. Alam ko naman na suportado niya ako sa ginagawa ko, that's why I'm very thankful that she supports me in everything I do. She's the best.

"Mga ilang oras pa ang biyahe natin?" tanong ko kay Jiovanni nang makaramdam ako ng pagkainip.

"Two hours pa, baka nasa unang bayan na tayo ng Ilocos Sur."

Napasandal na lang ako at bumuntonghininga.

"Inip na inip na ba?"

"Sino'ng hindi maiinip? Pitong oras na yata tayong nasa biyahe," mabilis kong sagot.

"Nahiya naman ako sa inyong dalawa, ako pa ang driver niyo."

"Ang mahalaga, pare-pareho tayong nasa loob ng kotse."

Nagkukuwentuhan kaming dalawa ni Jiovanni habang nasa mahabang biyahe nang biglang humilik nang malakas si Allestair kaya parehas kaming natawa.

"Bakit hindi ka natutong mag-drive?" bigla niyang tanong.

"Marunong akong mag-drive, kaso maraming issue," sagot ko.

"Issue? Ano'ng issue?"

Napangisi ako sabay kamot sa ulo. "Kaya nga may peklat ako sa braso, nagsimula akong maging tanga no'ng grade ten ako," panimula ko.

"Buti ka pa, grade ten naging tanga. Ako, since birth."

"Bumisita 'yong tito ko sa Pampanga gamit 'yong motor niya. Ako naman 'tong si mayabang, nagpaturong magmaneho. Naging okay naman ang bonding namin, nagasgasan lang naman ang motor niya 'tapos naputol ang isang side mirror," kuwento ko habang natatawa.

"Ikaw naman? Ano'ng nangyari sa 'yo? 'Buti hindi ka namatay?" tanong niya.

"Ano na nga ba ang tawag do'n?" Napahinto ako. "Tumilapon lang ako sa gutter ng subdivision namin. Doon ko nakuha ang peklat sa braso ko," pagpapatuloy ko sabay turo sa peklat sa aking braso nang ililis ko ang aking hoodie.

"Ibang peklat pa 'yan kasi sa kabila may sugat na ngayon, magiging peklat din 'yan," dagdag niya, at itinuro naman ang sugat ko sa kabilang braso.

"Oo, kabilaan pa. Sulit na sulit ang dalawa kong braso, pareho pang malalaki ang naging sugat," sagot ko, wearing my annoyed face.

Tumahimik siya sandali. "Hindi ka pa magpasalamat, 'buti nga sa braso lang, eh, paano kung nabangas 'yang mukha mo?" pang-aasar na naman niya.

Naging seryoso ako. Bigla kong naalala ang gabi na iniligtas namin sa Estelle. "Pero alam mo ba, no'ng gabi na iniligtas natin Estelle sa mokong na nagnakaw ng bag niya..." seryoso kong sabi.

"Oh, bakit?"

"Nanaginip ako habang nasa biyahe tayo no'ng gabi na 'yon. Nakita ko na may isang dalaga na duguan sa isang city, tapos wala nang malay-probably dead. May biglang bumulong sa akin dahilan para magising ako. Ilang sandali lang, nakita na natin sa Estelle, at siya agad ang naisip ko dahil sa panaginip ko. Alam kong may mangyayaring masama, pero hindi ko sigurado kung sa kaniya, basta alam kong may mangyayaring hindi maganda," paliwanag ko habang nakatulala't nag-iisip.

"Ibig sabihin... nailigtas mo ang buhay ni Estelle noong gabing 'yon?"

"Natin. Iniligtas natin. More than that, we were able to stop 'death' from happening."

"Okay, gets ko na. May ability ka talaga-powers? At least, alam mo ang mga bagay na puwedeng mangyari sa future gamit ang dreams and imaginations mo," positibo niyang sabi sa akin na para bang palagi kaming magkasundo.

"Oo, pero more on premonitions, kaya pinilit kong saluhin ang kutsilyo dahil alam ko na kapag hindi ko ginawa 'yon, may mawawala." Ikaw, hindi si Estelle.

"Hero ka na, bata," agad na sabi niya, hindi ko alam kung seryoso ba o nanloloko lang. "Siguro, blessing din 'yang weird ability mo kasi magagamit mo bilang advantage," seryosong dagdag niya sa sinabi.

"Hindi ko puwede sabihing hindi, kasi marami namang naging tulong 'to sa akin," pagsang-ayon ako sa sinabi niya. "Matutulog lang ako saglit. Maya-maya baka magising na ang isa sa likod, may kakuwentuhan ka," pagpapatuloy ko.

"Sige lang, matulog lang kayo riyan kung inaantok kayo."

"Opo, tatay," bulong ko pagbaling ko sa kanan kaya medyo naasar siya. Narinig kong napabuntong-hininga siya kaya napalingon uli ako sa kaniya at napatingin din siya sa akin. Mukhang gusto niya akong tadyakan palabas ng sasakyan.

Bago pa ako tuluyang makatulog, narinig ko na nag-play siya ng slow music, kaya mas lalo akong inantok. Hanggang sa hindi ko na malayang nakatulog na pala ako. Pagmulat ng mga mata ko, nakahinto na ang kotse. Lutang pa ako dahil kagigising ko lang. Wala si Jiovanni sa driver's seat, nasa harapan siya ng sasakyan, nakasandal. Sumilip ako sa bintana at nakita ko na ang arko ng Ilocos Sur. Dalawang oras akong nakatulog?

"Nandito na tayo, mga itlog na bugok. Gumising na kayo," wika niya nang matanaw ako.

"Ang bilis naman, 'kala ko ba dalawang oras pa bago tayo makarating sa unang bayan ng Ilocos Sur?" nagtataka kong tanong.

"Hindi ko naman alam na gano'n pala kalala ang pagiging uto-uto mo," sabi niya at saka ipinakita ang stopwatch.

"Bale ilang oras pa tayo bibiyahe papuntang Vigan?" tanong ko.

Bumalik siya sa kotse saka kinuha ang cell phone niya. "Hindi ko na matantiya, basta chill drive ko na lang, hindi naman siguro tayo nagmamadali, 'di ba?" sagot niya sa akin sabay abot ng kaniyang cell phone. "Picture-an mo ako, ayusin mo ang kuha."

"Sige, boss, basta gandahan mo ang postura mo," sabi ko at naglakad palayo para makita nang maayos ang arko ng Ilocos Sur sa picture.

"Nandito na tayo?!" sigaw ni Allestair na kagigising lang.

"Ang aga naman ng gising mo," biro ni Jiovanni.

Tumakbo si Allestair palapit at sumali sa amin.

"Ayusin mo naman 'yang buhok mo, brad! Ganiyan ba 'yan araw-araw paggising?" sita ni Jiovanni sa magulong buhok ni Allestair.

Inayos naman niya nang bahagya ang buhok niya. "Hindi naman araw-araw, maayos 'to kapag Thursday," malokong sagot niya.

"Sira-ulo! Bilisan niyo na lang mag-picture, aalis na rin tayo. Iiwanan ko kayo 'pag nainip ako."

Mga limang minuto pa kaming nag-picture ni Allestair dahil masyadong mapili sa picture ang loko. Pero nang matapos ay bumalik na rin kami sa sasakyan. Baka naiinip na ang driver namin, wala pa namang bayad.

"Tara na," bungad ni Allestair. "Napatagal ba kami?"

"Hindi naman," asar na tugon ni Jiovanni at ini-start na ang sasakyan. "Kahit sana bukas na tayo umalis dito, eh."

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

1.1K 110 21
[STUDENT COUNCIL SERIES #1] Chylene Hera Aragon ay isang babae na pag-aaral lang ang inaantupag, introvert at mahilig magsulat ng mga nobela. Dahil p...
1.8K 94 29
PUBLISHED UNDER PAPERINK PUBLISHING HOUSE ~•~•~ Wicked Writers Series ~•~•~ Athanasia, a thriller writer, is known under the pen name "Infinite Ink,"...
2.1K 449 20
For Ezekiel, life has always been hard and he had long stopped believing that miracles could happen, or that his life will be as colorful and lively...
9.3K 464 54
Status:Completed Genre:Teen fiction and Romance. Posted:January 18,2020-May 6,2020 Disclaimer:If there are any grammatical errors and childish writin...