Favor
Lezili's POV
Nagising ako at unang nakita si Kate na natutulog habang nakaupo sa isang maliit na upuan katabi ko. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil kahit papaano nanjan sya para asukasuhin ako... Simula dati pa lang nanjan na sya para sakin,at tatanawin kong malaking utang na loob yun.
Dahan dahan akong bumangon saka maglalakad sana palabas nang mapansin ang nakakabit na dextrose sakin. Napabuntong hininga na lang ako saka umupo pabalik sa kama ko.
Sa tagal kong nakatulog marami akong natuklasan at nalaman...mga bagay na mas gugusutin ko pang kalimutan na lang.
Pano kaya kung inumin ko uli yung gamot na pinapainom sakin nila kuya? Siguro maayos pa din ang lahat,hindi ko kailangan magkulong sa bahay na to...makikita ko pa din Sana yung demonito at mga alipores nya...
Napabuntong hininga na lang ako nang may biglang maalala. Agad akong napatingin sa tagilran ko at napansin ang isang pahabang peklat na mukhang hiniwa. Agad akong napahawak sa dibdib ko sa kaba
Hindi! Hindi pwede!
Napatingin pa ko kay Kate kasabay nang isang ala ala
* * * Flashback * * *
Pababa na sana ako para kumuha nang gatas nang marinig ang usapan nila Mom at Dad kaya nanatili ako sa taas at nakinig sa kanila
"Teka sigurado ka ba Jan? Hon malalayo satin si Shawn"dinig kong saad ni mom sa Sala
"Look we need to,mas mapapahamak lang sya at tayo kung hindi sya aalis"sagot naman ni dad
"Pero ba't hindi na lang sila dalawa ni Lex? Bakit si Shawn Lang?"tanong naman ni mom
"Coz I Know Shawn,mas matanda sya at alam nya na ang pweding gawin. Kailangan nating I divert ang mga kalaban natin kung ayaw mong ubusin nila tayo"sagot naman ni dad
"Huh! So ipapain mo ang isa mong anak?! Para lang maligtas ka?! T*Ng*na naman Lexus! Nagiisip ka ba?!"bulyaw ni Mom
"Makinig ka Elena! Lahat tayo mamamatay kung hindi ko gagawin to, besides ligtas sya sa States. Nandun si Dad! Maaayos din lahat nang to once na mapabaksak ko ang may pakana nang lahat nang to"
Napailing naman si mom saka tinabig ang kamay ni dad sa balikat nya "Hindi! Hindi ako papayag!"
* * * *
Two weeks matapos nang umalis si Kuya at pumunta nang States. Mag isa na lang ako ngayong naglalaro at nakakulong sa bahay namin,ngayon mas ramdam ko ang matinding lungkot since wala si kuya at hindi rin kami makalabas nang bahay
Sa gitna nang pagtulog ay ginising ako ni Dad. Nagtaka pa ko dahil gabi pa at wala namang pasok
"Shh,I need you to do me a favor sweetie"bulong ni Dad, napakunot naman ako
"Ano po Yun?"tanong ko
"Come with me first"sagot nya kaya agad naman akong sumunod
Kinusot ko pa ang mata ko dahil sa antok nang dalhin ako ni dad sa office nya,may tinignan syang kung ano sa book shelf nya ay laking gulat ko nang bumukas ito,at nagsilbing pintuan sa isa pang kwartong hindi ko kailanman nakita sa bahay na to
Sumunod lang ako kay dad,halong mangha at takot ang namayani sakin nang makita ang samo't saring computer at mga gamit pang ospital. May nakita rin akong hospital bed at nagiisang ilaw na nakatutok dito kasama nang iba't ibang apparatus.
Agad akong napahinto nang tumigil si dad sa paglalakad at lumuhod sa harap ko para magkapantay kami
"Lex...do you see this?"nakangiting tanong ni Dad saka ipinakita sakin Ang isang maliit na chip sa loob nang isa maliit na sealable plastic bag,agad naman akong tumango
"I want you to keep this,no one must know that you have this. Not even you're mom and kuya Shawn okay?"saad ni Dad, napatango naman ako "Here drink this" saad ni Dad sabay abot sakin nang baso nang gatas. Agad ko naman iyong tinanggap at ininom. Nang di kalauna'y makaramdam ako nang antok at pagkahilo
Nagising na lang ako na nakahiga nako sa isang hospital bed at nakagapos ang mga kamay at paa ko. Masyadong madilim at tanging ang nagiisang ilaw lang na nakatutok sakin ang naaaninag ko. Pinilit kong magpumiglas pero napangunahan ako nang kaba hanggang sa dumating ang isang lalaking naka surgical mask na mukhang surgeon sa mga pelikula
Mas lalo akong kinabahan at nagpumiglas nang lumapit sya sakin,pinit kong kumawala pero mastadong mahigpit ang tali sa kamay at paa ko. Unti unti nang tumulo ang luha ko dahil sa takot.
"Sorry baby... sorry sa gagawin ko... forgive me, forgive us"napakunot ako nang marinig ang boses ni dad dahilan para matigil ako sa pagpupumiglas
Pinahid nya ang luhang tumatakas sa mga mata nya bago umayos nang tayo. Nagsimula syang suotin ang disposable gloves sa magkabilang kamay nya bago kunin ang isang injection na may lamang kung anong likido sa loob nito.
Nanginig ang buong kalamnan ko nang maramdaman ang unti unting pagbaon nang karayom sa balat ko. Gusto kong sumigaw sa kaba at hapdi pero hindi ko magawa
Eto ang bangungot ko...Ang bangungot na kahit sa realidad ay hinding hindi ko matatakasan
"Promise me Lex..no one must know about this,make sure to keep yourself and this safe"
* * * End of flashback * * *
Napahawak ako sa sentido ko sa takot, napatingin pako kay Kate na mahimbing pa ring natutulog
Anong gagawin ko? Panigurado hahanapin ako nang kung sino mang pumatay kanila Dad noon, pweding madamay si Kate...
Napapikit ako kasabay nang pagpatak nang luha ko dahil sa pangamba sa posibleng mangyari nang may maalala
Isang tao na lang ang pwedi kong makihaan nang impormasyon ngayon!
Kailangan kong makausap si Kier
Nang magising kinaumagahan ay umarte akong maayos na ang kalagayan kahit na ang totoo ay nahihilo pa din ako at nanghihina ang mga tuhod ko,pero kailangan. Kailangan kong makausap si Kier, bago malagutan nang hininga ang ina nya para protektahan ako may sinabi sya sakin tungkol sa isang kasunduan. Na wag daw akong papayag sa kasunduang yun.
6 pa lang ako nun kaya hindi ko pinansin ang sinabi nya,pero baka makatulong din to sakin. Baka dito ko na tuluyang mahanap ang taong may pakana nang lahat nang to
Shawn's POV
"Ah there he is,my son Shawn" salubong sakin ni Don Hilberyo pagkadating ko nang mansyon nya
"What is it? Why did you call me?"I asked
"I want you to meet our new investors, Mr. Zaffiro"pakilala nya sa isang lalaking naka black business suit
"Oh and he's son too, Mr. Wyden Zaffiro"dagdag nya pa, agad naman akong ngumiti at nakipagkamay
"Nice to meet you"malamig nyang sagot saka tumugon sa pakikipagkamay ko
My plan is working very well, sa kanilang Lima Wyde is the only one I can trust. As long as he's on my side,my plan will succeed. We can go back to State without anyone knowing,and I can finally get the justice that we all deserve...
"Shawn can you walk Wyde around while we talk about our business"utos ni Don Hilberyo,tumango naman ako saka lumabas kasunod si Wyde
Nang makalayo ay dumiretso kami sa garden at dun nagusap
"What are you up to?"dirediretso nyang tanong sakin
"Help me take Lex to states"sagot ko naman
"She's with you?"gulat nyang tanong, napatango naman ako
"By getting close to Don Hilberyo,I want your to hack into their system so that they can't track us down"
"I thought he's helping you?"
"That's what I thought...but I'm wrong"
"But how will you get Lex to states without a plane? Or a passport?"
"That's why I need you too...."
"What do you mean?"taka nyang tanong
"I want you to marry my sister" sagot ko na syang ikinagulat nya nang husto