KINABUKASAN pagkagising ko ay wala na si Manuel kung kaya't agad akong nangunat. Tinanggal ko pa yung malaking unan na nilagay ko sa gitna kung kaya't malaya akong nagpagulong gulong sa kama. Napatigil pa ako ng maamoy ko siya sa higaan hanggang sa namamalayan ko nalanga ng sarili ko na parang timang na nakangiti.
Agad kong sinampal yung mga pisnge ko sa kahibangan na ginagawa ko. Gosh sobrang weird ko na talaga! Lumalandi na ako nakakaloka! I kannat!
Pumasok din sa isip ko yung naging pag-uusap namin matapos naming pumasok muli sa bahay. Hating gabi na din kami natapos mag-usap kung kaya't nakapagtataka lang dahil sobrang aga niyang pumasok. Alam kong puyat yun. Feeling ko tuloy ka gabi ay nagkakalate night talks kaming dalawa kahit na walang label, char. Sila kasi ni Corazon yung may Label at hindi sa akin.
Nagpaturo pa siya ng kung-ano ano at nagpatulong siya sa akin sa mga bagay bagay tungkol sa mga ginagawa ng mga alkalde sa kasalukuyan. Natuwa din ako sa kanya kasi pumayag siya sa sinabi kong plano na magpatayo siya ng munting paaralan para maturuan ko yung mga bata.
Tumayo na ako ng maalala ang bagay na yun. Ngayon kasi ako magsisimulang anyayahin ang mga bata sa bayan kung kaya't maliligo muna ako bago umalis. Hinanda ko muna yung mga gagamitin kong damit at agad na pumasok sa palikuran at naligo. Hindi na ako nagtagal, ganun talaga walang may nagtatagal maging relasyon namin. Ops pasmado. Kasalanan to ni John! Dahil sa kanya humuhugot na naman ako! Matapos kong maligo ay agad na akong nagbihis at nag-ayos. Yung simpleng bestida nalang yung sinuot ko at naglagay ng palamuti sa buhok habang nanatili naman itong nakalugay.
Pagkababa ko ay nakita ko si Ginang Laura na naglilinis kung kaya't nag-aalangan akong batiin siya. "Kumain po muna kayo Señorita" ani nito kaya tumango nalang ako at agad na pumunta sa hapag para kumain. Matapos kong kumain ay agad na akong tumayo para sana hugasan yung kinainan ko ng harangan ako nito. "Ako nalang po ang bahala niyan Señorita" ani nito kaya ngumiti nalang ako at hinayaan siyang kunin yung plato sa akin. Sobrang sarap talaga sa feeling na hindi ikaw yung maghuhugas.
"Nga po pala, ano ang gusto niyong pananghalian mamaya?" tanong pa nito sa akin kung kaya't napaisip ako. "Kahit ano nalang po, kayo na ang bahala Ginang Laura" saad ko sabay kuha ng pilak sa bulsa ko ng pigilan ako nito. "Huwag na po señorita sapagkat may ibinigay na napera si Señor" napatango nalang ako sa kanya at agad na naglakad papalabas.
Hindi na ako nag-abalang sumakay ng karwahe tutal e' wala din namang kutsero at kabayo kung kaya't lakad lakad nalang. Habang naglalakad pa ako ay may nakasabay akong dalawang ali na sobrang bagal maglakad daan at panay chismisan kung kaya't napairap nalang ako sa kawalan. Kasali na talaga sa kultura natin ang chismisan. Hayst.
"Alam mo ba ang bagong usap-usapan ngayon tungkol sa alkalde?" napantig ang tenga ko ng madinig ang salitang alkalde at batid kong si Manuel yung tinutukoy nila kung kaya't palihim akong nakinig sa usapan nila. Lumapit pa ako ng kaunti para lang madinig ng malinaw ang bawat detalye ng chismis nila.
"Ahh oo, alam ko na yun. Yung tungkol ba sa pagdala ng alkalde sa kirida niya sa mismong bahay nila ng kanyang asawa?" agad naman napatango yung babaeng kasama niya kaya nagulat ako. Napagtanto kong yung tinutukoy nila ay yung pagtira ni Dahlia sa bahay namin ni Manuel. Batid ko ding alam na din yun nila ina dahil syempre ang daming chismosa. Ika nga nila may pakpak ang balita, may tenga ang lupa. Hayst. Kaya pala problemado si Manuel kagabi, siguro'y kalat na iyon sa buong bayan.
Hindi ko naman masisi si Manuel na ginawa niya iyun dahil sa unang rason na ako---este si Corazon naman talaga yung humadlang sa pag-iibigan ng dalawa at gumawa siya ng paraan para lang maitali sa iniibig niya. Hindi din kasi alam ng mga tao yung buong katotohanan kung kaya't si Manuel lang ngayon ang nakikita nilang mali at isinisisi ang lahat.
Hayst. Naniniwala na ako sa sinasabi nila na kapag ang aso tumahol ibig sabihin nun ay hindi niya kilala ang isang tao. Hmp! Nakukunsensya tuloy ako kay Manuel. Alam kong sobrang hirap sa kanya na mawalay sa totoong minamahal niya na si Dahlia at dahil din sa ganitong pangyayari ay batid kong maaapektuhan ang kanyang posisyon bilang alkalde.
Hayst. Bakit pa niya dinaladala si Dahlia sa bahay namin gayong alam naman niya na may posibilidad na ganito ang maging bunga ng ginawa niya. Pwede namang palihim nalang sila magsama sa isang lugar na walang nakakakilala sa kanila o di kaya sa simpleng bahay. Nakakaloka talaga tong si Manuel. Dapat nagpaturo siya sa akin ng mga ganyan. Na sstress tuloy ako. Pati yung love life nila ay prinoproblema ko. Love life pa more.
Makalipas ang ilang oras ay narating ko na din yung pagamutan na siyang pinatayo ni Manuel noon. Agad akong tumakbo papalapit doon at nakitang kakagising lang din ng ilang mga pasyente at ang ibang bata naman ay nakikipagkwentuhan sa isa't isa.
"Magandang Umaga..binibini" napatingin ako sa ginoong hindi ko napansin at agad akong napangiti ng malapad ng makilala kung sino iyun. "Miguel!" natutuwa kong saad sa kanya kaya't sumilay din sa labi nito ang ngiti na labas ang ngipin na siyang nagpaamo sa kanya.
"Kailan ka pa dumating dito?" tanong ko at napatingin sa kabuohan niya. Bagay na bagay kasi sa kanya yung suot niyang pangdoctor. "Naks! Ang pogi natin ah" dagdag ko pa kaya nasubaybayan ko yung pagpula ng tenga niya at nahihiyang tumingin sa akin habang nakangiti.
"Noong isang araw pa ako dumating dito. Naging abala din ako sa panggagamot kung kaya't hindi kita nadalaw sa inyo" saad nito kung kaya't napatango nalang ako at napaisip kung bakit niya ako dadalawin gayong hindi naman kami close. Char.
"Ahh mabuti naman. Kumusta ka? Sa tinagal mo sa kabilang nayon ay batid kong may napusuan kana din doon na isang dalagita" saad ko pa sabay galaw galaw ng mga kilay ko na animo'y ginaganyak siya kung kaya't natawa ito. "Nagkamali ka sapagkat sa sobrang abala ko sa panggagamot ay nakalimutan ko na ang bagay na iyun" natatawa niyang saad kaya napa-iling ako sa kanya na animo'y nabigo.
"Balak mo bang maging matandang binata?" Natawa siya sa inusal ko at agad na napailing kung kaya't natawa nalang din ako. "Hindi naman...sana" bakas sa mukha niya yung paglungkot kung kaya't agad kong tinap yung braso niya para mabuhayan siya ng loob.
"Huwag kang mag-alala tutulungan kitang makahanap ng chix" saad ko sabay kindat sa kanya. Nabigla naman ito sa ginawa ko at natawa nalang. "Pero sa totoo lang ay may napupusuan na ako" saad niya kaya nagulat ako at agad na nakaramdam ng tuwa sa kanya. Pero unti-unti namang naglaho sa mga labi niya yung ngiti kung kaya't napakunot-noo ako.
"Pero hindi na maaari sapagkat nakatali na siya" malungkot niyang saad kaya napailing-iling ako sa kanya at agad na lumapit at tumingkayad para bumulong. "Huwag kang mag-alala dahil wala namang forever kaya maghihiwalay din yan" pagpapalas ko sa loob niya at agad na nagpaalam para lumapit sa mga bata.
Maayos na yung mga kalagayan ng mga batang nandito at hindi na din sila linalagnat kung kaya't inanyayahan ko silang pumunta sa labas para mag hersisyo. Pumayag nalang din si Miguel at inanyayahan ang mga bata na sumama sa akin.
Pagkadating nila bakanteng lote ay agad ko silang hinanay mula sa maliit na bata hanggang sa pataas. Nasa hulihan din sila Carding at Lilita na ngayon ay nakangiti ng malapad sa akin. "Mga bata, alam niyo bang hindi sapat ang pagkain ng mga masusustansiyang pagkain upang magkaroon ng malusog na pangangatawan?" Tanong ko sa kanila at sabay sabay naman itong sumagot sa aking ng 'hindi' kung kaya't napangiti nalang ako ng malapad sa kanila.
"Kung kaya't tayo ngayon ay maghersisyo upang lumakas ang ating pangangatawan. Sabayan niyo ako ha"
saad ko at agad na nagsimulang maghersisyo sa simula sa ulo hanggang sa pababa ng katawan. Naalala ko tuloy yung sa tuwing flag ceremony namin noon ay ganito yung palaging ginagawa namin. Tuwang tuwa naman yung mga bata habang ginagaya ako.
"Sige ulitin natin. One...two...three" patuloy akong nagbilang ng malakas habang inuulit lahat ng tinuro ko. Tinawag ko pa si Miguel na samahan kami pero umayaw ito habang nakangiti kung kaya't inanyaya ko ang mga bata na hatakin si Miguel papunta dito. Wala na itong nagawa kundi ang sumunod sa mga bata at samahan kami sa pag hersisyo. Natawa pa ako ng sobra ng kumimbot kimbot siya sa parte ng pag hersisyo sa bewang.
Dahil sa ginagawa naming pag hersisyo at dahil na din sa mga halakhak ng mga bata ay maraming mga magulang yung nanood sa amin at yung iba naman ay nakisali na din kung kaya't nakaramdam ako ng tuwa. Nabigla pa ako ng may tumigil na karwahe sa harapan namin at lumabas doon si Manuel. Seryoso na naman ang mukha nito lalo na't ng makita niya na magkasama kami ni Miguel.
Batid kong magtatalo na naman sila kuya niyang si Miguel kung kaya't linapitan ko na siya. Nahagip pa ng paningin ko yung pagbulungan ng ilang chismosa sa sulok kung kaya't napairap nalang ako sa kawalan at pilit na ngumiti sa harap ni Manuel.
"Yorme, samahan mo kami sa paghersisyo para naman magka-abs ka" anyaya ko sa kanya pero simple lang itong umiling sa akin at nagtaka pa sa mga sinabi ko kung kaya't hinawakan ko na yung kamay niya at hinatak papunta sa pwesto namin. Ngumiti nalang ako ng malapad sa kanya at agad na lumapit para bumulong. "Umayos ka, maraming mga chismosang nakatingin" saad ko at palihim na pinanlakihan siya ng mata na animo'y nagbibigay babala at pilit na ngumiti ng humarap na sa mga tao.
Napatikhim nalang siya at umayos kung kaya't napangiti nalang ako at napatingin din kay Miguel. Nagsimula na ulit kaming maghersisyo at natatawa pa ako kay Manuel dahil halatang hindi ito sana'y na pagmasdan ng mga tao. Makalipas ang ilang minuto ay tumigil na kami kung kaya't agad kong kinuha yung panyo sa bulsa ko at nagpunas. Napatigil pa ako ng mapagtanto kong sabay palang nag-alok si Miguel at Manuel sa akin ng mga panyo nila.
Kapwa sila napaiwas ng tingin at binawi yung mga alok nila at yun nalang ang ginamit pampunas ng sarili nilang pawis. Hindi ko nalang yun pinansin at sa halip ay nilapitan yung mga bata na nakikipaglaro.
"Mga bata gusto niyo bang mag-aral?" nakangiti kong tanong at agad na pumantau sa kanila kung kaya't agad itong naghiyawan at nagtalon talon sa sobrang tuwa. "Opo!" sabay sabay nilang tugon kung kaya't hindi maalis sa labi ko yung ngiti. Nilapitan ko din si Carding at Lilita at maging sila ay hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"Ngunit ate, paano po uung trabaho ko?" nag-aalalang tanong ni Carding sa akin kung kaya't agad kong ginulo yung buhok niya at ngumiti. "Ako na ang bahala diyan" saad ko. Niyakap pa ako ni Lilita na siyang ginaya din ni Carding at maging ng ibang bata kung kaya't natawa nalang ako sa pag group hug nila. Nakita ko pa na maging sina Miguel at Manuel ay napangiti habang nakatingin sa gawi ko.
HAPUNAN na kung kaya't sabay na kaming umuwi ni Manuel lulan ng karwahe. Tahimik lang kaming dalawa habang nakatuon nalang ang pansin sa daan. Pagkapasok ng karwahe sa tarangkahan ng bahay ay nakita naming may dalawang karwahe ang nandoon kung kaya't kapwa kami nagtinginan ni Manuel.
Inalalayan ako nitong bumaba kung kaya't tinanggap ko iyun. Nakita ko din yung pagsalubong sa amin nina Ina at maging yung mga magulang ni Manuel na halatado sa mukha nito na galit sa kanilang anak. Palihim kong tinignan si Manuel at halatado sa mukha nito ang pagkababa kung kaya't agad akong pumulupot sa braso niya na siyang dahilan ng pagtingin niya sa akin. Ngumiti ako at binigyan siya ng tingin na 'ako na ang bahala'
"Ina, anong ginagawa niyo dito?" Pilit akong ngumiti sa kanila at hindi maiwasan na kabahan dahil sa galit na tingin ni Don Wilfredo at Don Arsiño kay Manuel at sa akin. "Pumasok kayo sa loob. Maguusap tayo" ani nila at naunang pumasok kung kaya't nagtinginan kaming dalawa ni Manuel at kinurot siya. Binigyan ko pa siya ng tingin na 'kasalanan-mo-to'
Pagkapasok namin sa bahay ay nanatili pa din akong nakapulupot sa braso ni Manuel. Nakita kong nasa hapag-kainan na sila kung kaya't agad na kaming lumapit doon. Inalalayan pa akong umupo ni Manuel kung kaya't napangiti ako sa kanya.
"Kumain na muna tayo bago mag-usap usap" saad pa ni Don Arsiño kung kaya't mapayuko nalang ako at kinabahan. Ganito ba yung feeling na pinapakain muna ng marami bago bitayin? Huhums
Matapos magdasal ay nauna na akong kumuha ng pagkain. Maglalagay na sana ako sa plato ko ng mapagtanto kong nandito pala sila ina kung kaya't kailangan kong ipakita sa kanila na maayos ang pagsasama namin ni Manuel. "Mahal...kumain ka ng marami ha" saad ko sa kanya sabay lagay ng maraming pagkain na siyang ganti ko sa kanya noon. Aangal pa sana ito ng mapatigil siya ng kurutin ko yung pisnge niya. Natawa naman ako sa itsura nito kaya hindi mawala sa labi ko yung ngiti habang kumakain.
"Damihan mo din ang iyong pagkain,
ayokong makikitang nangangayat ka...mahal" nawala yung ngiti ko ng sabihin niya yun at gumanti din sa paglagay ng pagkain kung kaya't sinamaan ko siya ng tingin. "Grabe ka makapagsalita ng 'nangangayat' hindi ba pwedeng sexy lang?" ngumiti lang ito sa akin kung kaya't napatigil ako. Ito yung unang pagkakataon na makita siyang nakangiti ng labas ang ngipin. Hindi ko inakala na ganiti kaamo ang mukha niya.
"P-para kang timang" bulaslas ko at agad na napaiwas ng tingin sa kanya. Sobrang kaba talaga yung nararamdaman ko lalo na ng ngumiti siya ng ganun. Hayst. Naiinis tuloy ako sa sarili ko. Pamilyar ang ganitong naramdaman ko kay Manuel kung kaya't hindi ko gusto ang ganito dahil sa pagkakaalam ko ay huli ko itong naramdaman kay John.
"Nakakatuwa kayong pagmasdan anak" naibaling ko ang tingin kay Donya Solidad. Hindi ko inakala na kanina pa pala sila nakatingin sa amin kung kaya't naramdaman ko yung pag-init ng pisnge ko.
"Paano tayo nakakasiguro na hindi lamang palabas ang lahat? Gayong alam naman natin ang nangyari noong linisan natin ang bayang ito" ani pa ni Don Wilfredo sabay tingin ng masama kay Manuel kung kaya't agad akong nag-isip ng paraan.
"A-Ama hayaan niyo pong magpaliwanag ako" saad ko sa kanila sabay ngiti kay Manuel kahit na ang totoo ay kinakabahan talaga ako. "Hindi po totoo ang mga issue---este yung mga usap-usapan na kumakalat sa bayan. Wala pong kirida si Manuel. Sapagkat ang totoong nangyari ay inayos lang namin yung naging gusot sa pagitan namin ni Dahlia. Closure ba" pagpapaliwanag ko at pilit na nagiisip kung ano ba yung ibang term ng closure para mas maintindihan nila pero masyadong nastress na yung IQ ko kung kaya't wala na akong may na isip na ipaliwanag.
"Basta ganun po ang nangyari. Ako po ang naki-usap kay Manuel na patuluyin dito ang aking kaibigan kung kaya't pansamantala siyang tumira dito. Wala naman pong masama doon diba? Tapat naman ang aking asawa. May kinakasama na din si Dahlia kung kaya't huwag na po kayong mag-alala---" napatigil ako sa pagsasalita ng maramdaman ko yung paghawak niya sa kamay ko sa ilalim ng mesa kung kaya't lumakas na naman yung kabog ng dibdib ko.
"Pagpasensyahan niyo na anak, labis lang kaming nag-alala sa kumakalat na usap-usapan. Batid ko namang hindi magagawa ni Ginoong Manuel ang ganuong bagay" saad pa ni Donya Solidad na siyang sinang-ayunan ni Donya Consolacion.
"Pero hindi mo naman kami masisisi anak na paniwalaan ang usap-usapan gayong hanggang ngayon ay hindi niyo pa din kami binibigyan ng apo" dagdag pa ni Donya Consolacion na may halong pagkalungkot sa tono nito kung kaya't palihim akong napaismid dahil sa kapag nagkakasama sama kami sa hapag ay palagi nilang tinatopic yung 'apo'.
"Ina, hindi naman sukatan ang pagmamahal ng dalawang magkasing irog ang pagkakaroon ng anak. Batid kong nasasabik ka ng magkaroon ng apo subalit bago palang kaming nagsasama ni Corazon kung kaya't sana'y hindi mo kami madaliin" ani pa ni Manuel kung kaya't napatango ako bilang sang-ayon. Nalungkot naman ang mukha ni Donya Consolacion at naiiyak pa ito kung kaya't napayuko nalang ako.
"Sa totoo lang ay hindi ako natuwa sa aking naririnig mula sa mga tao kung kaya't ayusin mo ang gusot na ito Manuel. Alam mo namang na ayaw na ayaw kong mabahiran ng kahihiyan ang ating pangalan" maauthoridad na saad pa ni Don Arsiño kung kaya't nakakakaba talaga siya. Marahan namang tumango si Manuel at ibinaling ang tingin sa akin kung kaya't nauna akong umiwas. Naramdaman ko pa yung pagalaw niya sa kamay ko na animo'y tinatawag yung pansin ko pero hindi ko siya nilingon at sa halip ay pilit na kumakawala sa pagkakakapit niya sa kamay ko.
Matapos naming kumain ay agad kaming nagtungo ni Manuel sa sala. Nanatili pa din itong nakahawak sa kamay ko habang magkatabi kaming nakaupo kung kaya't pwenersa ko ng tanggalin yung kamay niya. Iniripan ko siya ng mabawi ko yung kamay ko at lumayo pa sa pag-upo kung kaya't napakunot-noo siya.
"Oo nga, sobra din akong nasisiyahan na makasama kayong muli sa hapag" nang madinig ko yung usapan nila Donya Consolacion ay agad na nagtama yung tingin namin ni Manuel. Naramdaman din namin yung paglapit nila kung kaya't sabay na kaming lumapit sa isa't isa at nagkunwari na masayang nag-uusap.
"Ang cute mo talaga" saad ko sabay kurot muli sa pisnge niya pero kumunot-noo lang ito at hindi manlang tumawa. "Kyut?" tanong pa niya kaya umirap nalang ako kasi hindi manlang siya nag effort na mag kunwari na naglalandian kami. Hayst. Ang hina naman nito. "Oo, cute. Salitang ingles na ang ibig sabihin ay pangit" inis kong saad sa kanya at napairap muli.
Kasabay lang din ng pagtayo ko ay ang pagbungad sa amin nila Ina na abala sa isat-isa. "Uuwi na po ba kayo?" Tanong ko sa kanila kung kaya't naibaling ang tingin nila sa akin. Naramdaman ko din yung paglapit ni Manuel at tumabi pa ito sa akin.
"Oo anak, kinumusta lang namin kayo ni Señor Manuel. Pero ngayon ay natutuwa akong malaman ang buong katotohanan" ani pa ni Donya Solidad kaya napangiti ako. Mahal na mahal talaga niya si Corazon. Nakakamiss tuloy sila mommy.
"Mauna na kami anak, alagaan mo ng mabuti ang iyong asawa ha. Hanggat maari ay pakibilisan na din yung pagkakaroon ko ng apo" ani pa ni Donya Consolacion at naghagikhikan silang dalawa ni Donya Solidad bago naunang lumabas kaya natawa nalang ako dahil sobrang cute nilang tignan.
Tumango nalang naman si Don Arsiño sa anak niya at binigyan ito ng tingin na pagbutihan mo ang lahat bago umalis. Napatigil pa ako ng humarap sa amin si Don Wilfredo at nanatiling seryoso ang mukha nito habang nakatingin kay Manuel.
"Alagaan mo ng mabuti ang iyong asawa Manuel. Batid mo namang na siya lang ang nag-iisa naming anak na babae kung kaya't ayaw na ayaw kong makitang nasasaktan ang aking anak. Depende nalang kung gusto mo akong makalaban" sabi niya dito na may halong tonong pagbabanta pero mas nanaig pa din yung nararamdaman kong pagiging ama niya kay Corazon.
Napangiti nalang ako kay Don Wilfredo ng sabihin niya iyun at agad na napayakap dito kung kaya't nagulat ito. "Mag-ingat po kayo ama. Sana'y alagaan mo din si Ina. Mahal na mahal ko po kayo" naaalala ko talaga sa kanya si daddy kung kaya't nadala ako sa emosyon na nararamdaman ko.
"Mahal din kita anak, alagaan mo din ng mabuti ang iyong asawa. Mauna na kami" ani pa nito kung kaya't kumaway nalang ako sa kanila ng simulang sumakay na sila sa karwahe at umalis.
Nang makaalis na sila ay naibaling ko ang tingin kay Manuel. Kanina pa pala itong nakasulyap sa akin kung kaya't nakaramdam ako ng pagkailang. Aalis na sana ako sa pagkakapulupot muli sa kanya ng nauna itong inalis yung braso ko at sa halip ay hinawakan yung dalawang kamay ko. "Maraming salamat sa muli mong pagligtas sa akin" ani niya sabay guhit ng isang simpleng ngiti na siyang nagpapawala sa puso ko.
"O-Okay lang" saad ko sabay iwas tingin at agad na hinablot yung kamay ko. Sandaling natahimik yung pagitan namin kung kaya't sobrang awkward talaga lalo na't malakas pa din yung kabog ng dibdib ko.
"Nga pala, mamimili na ako mamaya ng pluma't papel para sa gagamitin ng mga bata sa aking pagtuturo" pagbabasag ko ng katahimikan sa amin kung kaya't tumango nalang ito at napamulsa.
Bakit sa ganuong bagay na ginagawa niya ay ganito yung epekto sa akin? Ginayuma niya ba ako? Huhuhu. Ispirito ng landi, please lubayan mo ako.
(╯︵╰,)
"Sige, sasamahan kita sa pamimili" tugon niya kung kaya't hindi na ako nagsalitang muli at sa halip ay nagsimula ng maglakad papaupo sa sala. Nakita ko pa yung pagsunod niya at umupo din kung kaya't umakto nalang ako na hindi siya napansin.
"Isabay nalang din natin ang feeding bukas ng sagayon ay busog sila na nag-aaral" napatingin ako muli sa kanya at sumang-ayon sa sinabi. Alam niya yung tungkol se Feeding dahil kasama yun sa napag-usapan namin noong gabi kung kaya't gagawa din siya ng ganun para daw sa mga bata.
"Tama ka, mas mabuting busog sila bago ko sila turuan ng sagayon ay makapagpokus sila sa aking ituturo" saad ko sabay thumbs up sa kanya.
"Kay dami nating hindi makapagsunduan ngunit natutuwa akong malaman na kahit papano'y nagkasundo tayo tungkol sa paglilingkod sa bayan. Aking nakikita na mataas ang iyong pangarap para sa bayang ito" ani pa niya sabay guhit na naman sa labi nito ang ngiti na minsan ko lang makita kung kaya't mas lalong naloka yung puso ko at agad na napaiwas.
"Nagkamali ka Manuel. Hindi mataas ang pangarap ko para sa bayang ito kundi malalim. Mas mabuting mangarap ng malalim...yung tipong may puso at damdamin" Unti-unting lumaki yung ngiti niya dahil sa sinabi ko kung kaya't mas lalo akong nailang at agad na napatikhim.
"Buong puso ang aking supurta sa iyong sinabing pagpapatayo ng paaralan para sa mga bata dito. Noon paman ay batid ko na tanging mga may kaya lang ang may karapatang makapag-aral kung kaya't lubos akong naaawa sa mga wala na nais matuto. Kahit kailan ay hindi naging pantay ang lahat kung kaya't oras na ng pagbabago para sa bayang ito" Napangiti ako sa sinabi niya. Siguro kong tumakbo siya bilang presidente ay siya agad yung pambato ko at gagawin ko talaga ang lahat para kang manalo siya.
"Natutuwa akong madinig yan galing mismo sa iyo' Manuel. Katulad nga sa nabasa kong libro...sinabi nitong kung ang dayuhan ay nagpunta sa pilipinas upang dumukal ng ginto, kailangang hanapin naman sa kanila ang gintong kailangan ng bayan...ang karunungan" saad ko sa kanya. Naalala ko kasi ang katagang yan galing sa sinulat ni Dr. Jose Rizal sa librong Noli Me Tangere at lubos akong sang-ayon doon.