A Journey To Forever (Oneshot)

By Missimihmih

149 4 2

May forever ba? More

A Journey To Forever

149 4 2
By Missimihmih

DISCLAIMER: Some of the character's name were taken from a certain story here in wattpad.

P.S I wrote this story when I was in Grade 8 for our product in filipino. #ushoshare lols

------

PANIMULA

Ang buhay ay puno ng sorpresa. Minsan kahit gaano mo pa ihanda ang sarili mo, masasabi mo parin na kulang pa ito.

Minsan ang akala nating habang buhay na sa atin ay mawawala nalang na parang bula at magugulat nalang tayo na hawak na ito ng iba.

I love him, he loved me.

He loved me yesterday, but, will he still love me tomorrow?

He promised me forever, and I kept it.

Said he's tired, but I'm still trying.

Said he's done, but I said, not yet.

Everything is falling apart, but he is just standing there, watching me fall with all the pieces of my love that he'd thrown away.

I'm broken.

I'm hurting.

I'm dying.

But I'm still fighting.

-------

Camilla

Hindi ko inakalang aabot tayo sa ganito. Our life together was perfect. Wala na yata akong mahihiling pa. I love you, and I know that you love me too. Walang oras na pinagsisihan ko ang pagpayag na magpakasal sa'yo. Actually, marrying you was the best part of my life. You make me feel special kahit na hindi ako tulad mo. Hindi ako yung tipo ng babae na magugustuhan mo. There's nothing special about me. Pero bakit ganun? Everytime I am with you...feeling ko isa akong prinsesa, literally.

Nagpapasalamat ako dahil ako yung maswerteng babaeng nagpaibig sa'yo. You're way too perfect for me. Kaya masayang-masaya ako dahil sa bilyon-bilyong babae sa mundo, isang Camilla Honrado, na P.A mo lang noon, ang inaya mong magpakasal.

"Camilla, will you make me the happiest man alive?" nakaluhod ka sa harap ko habang hawak-hawak ang isang singsing. Hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi mapaluha. It feels like a fairytale. Everything feels so magical. Medyo corny mang pakinggan pero parang may nakikita akong sparks sa paligid natin. It feels so untrue. Pero...totoo 'to hindi ba? Totoong ang isang bilyonaryong Hendrick Montemayor ay nakaluhod sa harap ko at inaaya akong magpakasal?

"Camilla...I love you, baby. So please, will you marry me?" you asked me almost pleading. Hindi ko lubos maisip kung bakit may bakas ng takot sa mga mata mo. Takot ka bang ireject kita? Hindi mo ba alam na matagal ko nang inaantay na gawin mo ito? I've been waiting for this moment to come...and now that it's finally happening, hinding-hindi ko na palalampasin ang pagkakataong ito.

"Yes, Hendrick. I'll marry you!" masaya kong anunsyo. Tumayo ka at sinuot saakin ang isang mamahaling singsing sabay yakap saakin ng mahigpit. You were too happy. Pero mas masaya ako.

Dumating ang araw na pinakahihintay ko. Ngayong araw, magiging ganap na Mrs. Hendrick Montemayor na ako. Akalain mo yun? Instant bilyonarya agad ako. Pero hindi. Hindi naman kasi pera ang habol ko sa'yo eh. Ang gusto ko lang ay mapasakin yang puso mo. Mahal kita Hendrick. Mahal kita kahit hindi ka pa isang bilyonaryo.

"Ano kayang pinakain ng babaeng yan kay Hendrick? Mukhang ginayuma niya ata si Hendrick eh."

" Oo nga. Paniguradong pera lang ang habol niyan kay Hendrick."

Nagbibingi-bingihan...nagbubulag-bulagan ako sa lahat ng mapang-api at mapang-lait na sinasabi ng ibang tao tungkol saakin. Mga matapobre, sa isip ko. Ang bilis nilang manghusga. Porket mahirap lang ako at di mayaman tulad nila? Wala silang karapatan na husgahan ang pagkatao ko dahil unang-una, hindi sila husgado at wala silang karapatan.

"Malapit nang mag-umpisa ang seremonya. Tapos na po ba kayo, maam?" tumango lang ako bilang sagot sa bababe at sumunod dito palabas ng kwarto.

Masaya ako habang nakatayo sa buhangin. Inaantay na magsimula ang seremonya. Inilibot ko ang mga mata ko sa paligid at hindi ko maiwasang hindi mamangha. Everything was perfect. Nagsimula na akong maglakad sa gitna. Everyone's eyes were on me, but my eyes were lock on you. You look so perfect in a white polo, sleeves rolled up to the elbow, at bukas naman ang tatlong unang butones ng polo mo. You look like a living Greek god.

"You look stunning, baby." bulong mo sa tenga ko nung makalapit ako sa'yo. I can't help but blush.

Nag-umpisa na ang seremonya. Halos maluha-luha pa ako sa sobrang saya. Nung sinabi ng pari na magpalitan na ng ating vows, naramdaman kong marahan mong pinisil ang kamay ko. Dahan-dahan akong napatingin sa'yo at halos matunaw ako nung bigla kang ngumiti.

"I, Hendrick Montemayor, take you, Camilla Honrado, to be my wife. I promise to be true to you and love you with all my heart. I promise to never leave your side. I promise to take care of you and honor you for the rest of my life." Pagkatapos ay isinuot mo saakin ang singsing na tanda ng ating pag-iibigan.

Ngumiti muna ako sayo bago magsalita. "I, Camilla Honrado, take you, Hendrick Montemayor, to be my husband. I promise to be true to you in good times and in bad, in sickness and in health. I promise to love you till the end."

"I now pronounce you, husband and wife. You may now kiss the bride" anunsyo ng pari na sinundan ng palakpakan ng mga saksi sa ating pag-iisang dibdib.

Ngumiti ka saakin at dahan-dahang inilapit ang iyong mukha saakin. When our face is only inches away from each other, you mouthed I love you, at pagkatapos ay inangkin mo na ng tuluyan ang aking labi. You kissed me passionately. I kissed you back and smiled triumphantly in between our kisses. Sawakas! Asawa na rin kita, Mr. Hendrick Montemayor.

Pagkatapos ng pagdiriwang ay naglakad-lakad tayo sa tabing-dagat habang magkahawak ang kamay. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Basta ang alam ko, masayang-masaya ako dahil kasama ko ngayon ang taong mahal ko...at alam kong mahal ako.

"Do you know the story about the blue moon?" tanong mo habang nakatingin sa kalawakan. Napatingin din ako dito at napangiti nung makitang kulay asul ang buwan. And yes, I know the story about the blue moon.

"Sabi nila, kung sino daw ang kasama mo habang pinagmamasdan ang blue moon, ay siya daw'ng makakasama mo habang-buhay." Sabay tayong napatingin sa isat-isa at napangiti.

"So, you really are the person whom I will spend the rest of my live with, huh?" you smirked.

Napataas naman ako ng kilay. "Bakit, may iba pa ba bukod sa akin?" pataray kong tanong. Nagulat ako nung tinawanan mo lang ako. Ahh, it's like music to my ears. Pero mas nagulat ako nung bigla mo akong hinalikan sa labi. It was a very aggressive kiss. Napakapit ako sa may batok mo at tinugunan ang mga halik mo.

"I love you, baby." you said in between our kisses. And right at that very moment, I knew you were the one. All my life, I've never been sure. Pero yung mga oras na 'yon, alam kong ikaw na ang makakasama ko sa pagtanda. You are my everything now, Hendrick. And I'm very much willing to be with you until the happily-ever-after of our lovestory. I know today...will be the start of our journey to forever.

*BLAG!*

Isang tunog ng nabasag na gamit na gawa sa salamin ang nagpabalik sa akin sa realidad. Napatingin ako saiyo...sainyo. Marahan kong ipinikit ang mga mata ko at iniisip na baka namamalik-mata lang ako. Pero nung iminulat ko na ang mga mata ko, napatunayan kong totoo...totoo ang lahat ng ito. Hindi ako namamalik-mata at mas lalong hindi ako nananaginip.

Napailing-iling nalang ako habang pilit na iwinawaksi ang mga masasayang alalala natin noon na pilit bumabalik sa isipan ko. Yung mga araw na ako pa ang prinsesa mo. Yung mga araw na...mahal mo pa ako. I was trying very hard to push back my tears. Hindi ako iiyak. Hindi...

Iniwas ko ang tingin ko sainyo. Huminga muna ako ng malalim at nag-ipon ng lakas ng loob bago muling ibalik ang tingin sainyo. Nakahiga yung babae sa mesa mo habang ikaw naman ang nakapaibabaw sakanya. Oh, what a scene, bulong ng isipan ko. Mukhang naabala ko pa pala kayo ng bagong sekretarya, or should I say, bagong P.A mo na pumalit sakin bago tayo ikasal. At mukhang pati ang papel ko na magpuna ng mga pangangailangan mo ay inangkin niya na rin. Ganoon na ba talaga ngayon? Pinalitan lang niya ang pwesto ko bilang sekretarya, pati trabaho ko bilang asawa, inaagaw niya narin?

"Camilla..." you called me nung makarecover ka na sa pagkagulat na makita ako sa opisina mo. At ikaw pa ang nagulat ha, sabi ng isipan ko. Galit ako sa'yo, Hendrick! Galit na galit ako sa'yo. Pa'no mo nagawa sakin 'to? Paano mo ako nagawang pagtaksilan ng ganito?

"Camilla...baby..." muli ay tawag mo saakin. Pero nagulat nalang ako nung makitang nasa tapat na kita. You hold my hand and squeezed it gently. And in an instant, biglang nawala ang galit ko sa'yo. I closed my eyes and opened it again. I looked directly in your eyes, and I can see guilt and fear in it.

"H-Hendrick..." garalgal ang boses ko nung tinawag ko ang pangalan mo. I want to touch your face, pull you in to hug, and tell you that everything will be alright. Naaawa ako sa'yo pero mas naaawa ako sa sarili ko. Ayoko nang magpakatanga, Hendrick. Sobrang sakit na...

"B-Bitawan mo ako..." I said habang pilit na inaalis ang pagkakahawak mo sa kamay ko. I want to be mad at you...but I just can't. I love you too much. I love you too much that I am willing to give you your own freedom. Kahit masakit man saakin ang pakawalan ka, handa akong magsakripisyo kung yan ang ikakasaya mo.

"P-Please, Hendrick...l-let me g-go.." I pleaded while looking in to your eyes. You looked hurt when I said those words. Why? Are you afraid to let me go? Don't you want me to go? Sabihin mo lang, Hendrick dahil hindi talaga ako aalis. Dito lang ako sa tabi mo.

But to my disappointment, you let go of my hand. I was shocked at first, but then I remembered, ako rin pala ang may gusto nito. Ako ang nag-utos sayo na pakawalan ako kaya wala akong karapatan na masaktan ng ganito.

"I-I'm sorry, Camilla. Please-" pinutol ko na kung anuman yung sasabihin mo. Ayoko nang marinig pa ang palusot mo. Ayoko munang marinig ang paliwanag mo. I don't want to hear anymore of your lies, Hendrick. Pagod na pagod na ako...

"P-Please...not now, Hendrick." I said bago tuluyang umalis sa opisina mo. I drove my car and went to a place where I can ease my pain.

Pumunta ako sa veranda ng rest house namin sa Bagiuo. Pilit kong dinadama ang malamig na simoy ng hangin na tumatama sa aking balat. Madilim ang kalangitan at mukhang nakikisabay pa sa nararamdaman ko ngayon.

"I love you, Camilla...Ikaw lang..." nagulat ako nung bigla kong marinig ang boses mo malapit sa tenga ko. Marahan kong ipinikit ang mga mata ko at dahan-dahan kong naramdaman ang pagyakap mo sa aking bewang mula sa likod. Hinawakan ko ang mga kamay mo atsaka humarap sa'yo. Pero nung pagharap ko, bigla ka nalang nawala na parang bula.

Imahinasyon, pailing-iling na bulong ng isip ko. Napangiti ako ng mapait.

Paano nangyari satin 'to? Ano bang pagkukulang ko at kailangan mo pang maghanap ng iba? Am I not enough? Is my love not enough for you to find someone else? Sabihin mo sakin kung nagsasawa ka na, Hendrick. Dahil handa akong magbago para sa'yo.

Napakaraming tanong ang gumugulo sa isip ko na gusto kong masagot mo. I want answers. I need your answers, Hendrick. Gusto kong malaman kung dapat pa ba akong lumaban para sa pag-ibig natin na 'to. I want to know if you're still with me. Will you still fight with me? Hindi madali ang lumaban mag-isa, Hendrick. If you want me out of your life, please, sabihin mo na saakin. Ayoko nang umasa pa sa wala.

"Naku ma'am! Kayo po pala 'yan." si Imelda, isa sa katulong sa mansion, ang sumalubong saakin pagkarating na pagkarating ko. Ahh..it's good to be back! Halos isang linggo rin kasi akong nanatili sa resthouse namin sa Bagiuo. At halos isang lingo narin kitang hindi nakikita, Hendrick. Minsan nga nagtataka ako. Bakit hindi mo man lang ako pinuntahan? Bakit hindi mo man lang ako hinanap? Yes, you've been calling me pero...yun lang? Ganun na ba kahirap para sa'yo na hanapin ako? Am I not worth your time anymore? Marami akong hinanakit at pagdududa sa'yo, Hendrick. Pero pilit ko itong winawaksi sa isipan ko dahil may tiwala parin ako sa'yo. Kahit na sinira mo ang tiwalang ito nung ginawa mo saakin 'yon.

I'm still willing to fight, Hendrick. At sana ganun ka din. If not for me...atleast do it for our baby.

"Si Hendrick? Nanjan ba siya?" tanong ko kay Imelda habang naglalakad na papasok sa mansion.

"Ahh..ehh..Ano p-po kasi, m-maam.." mukhang walang maisagot na maayos saakin si Imelda kaya dumiretso nalang ako sa kwarto mo...sa kwarto natin.

"Nevermind. Pupuntahan ko nalang siya sa taas." At naglakad na ako paakyat. Pero napahinto ako nung biglang sumigaw si Imelda.

"Naku maam! Wag po!" napataas ako ng kilay sa inasta niya pero dumiretso parin ako paakyat sa kwarto natin.

Kumatok muna ako ng tatlong beses kahit na hindi naman kailangan dahil kwarto ko rin ito. Pero parang naninibago lang ako. I feel something strange. But I just shrugged off the thought at dahan-dahang pinihit ang door knob habang ang isa kong kamay ay nakahawak sa tiyan ko. Today, I have decided na ngayon ko sasabihin sa'yo ang tungkol sa baby natin. Actually, nung pumunta ako sa opisina mo, balak ko sanang sorpresahin ka pero...mukhang ako pa ang nasorpresa sa dinatnan ko.

"I love you.." dinig ko ang isang boses ng babae. Bigla akong nakaramdam ng kirot nung marinig ko ang boses na 'yon.

"Hmm..." rinig kong ungol mo bilang sagot.

"Babe, paano na kayo ng asawa mo? Itutuloy mo ba yung annulment-" hindi ko na tinapos ang sasabihin nung sekretarya mo at tuluyan ko nang binuksan ang pinto at nadatnan ko kayong dalawa sa higaan natin na nakahubad. Napasinghap ako at tuluyan nang tumulo ang mga luhang kanina ko pa pilit na pinipigilan.

"Camilla!" gulat na tawag mo saakin. Napatingin ako sa katabi mong babae at tiningnan ito ng matalim.

"Ang kapal ng mukha mo!!!" sigaw ko at sinunggaban yung sekretarya mo. Hinila ko ang buhok niya at sinampal ng pabalik-balik.

"Walanghiya kang malandi kang babae ka! Wala kang karapatan!" paulit-ulit kong sinisigawan yung babae mo. Wala siyang karapatan na agawin ka saakin. Ako ang asawa mo. Ako ang mahal mo kaya sigurado akong saakin ka kakampi. Pero halos matulala ako nung bigla mo akong hatakin at ilayo dun sa babae. Sa sobrang lakas ng pagkakahila mo ay tumama ang likod ko sa isang pader kaya impit ako na napadaing. Bigla kong naalala ang anak natin kaya agad akong napahawak sa sinapupunan ko.

Our baby...my baby...

"Camilla tumigil ka na!" sigaw mo saakin habang yakap-yakap yung kabit mo at parang pilit na prinoprotektahan laban sa...akin? Hindi ako makapaniwala sa nakikita. Bakit saakin ka galit? Bakit siya ang kinakampian mo at hindi kami ng anak mo?

"Why, Hendrick? Why?" I asked begging for answers. Halos mapaluhod ako sa sahig sa sobrang sakit na nararamdaman ko physically and emotionally.

"Camilla..I-I'm s-sorry..." you apologized. But why?

"Hendrick, bakit mo ginagawa saakin 'to? Ano ba'ng pagkukulang ko? Ano bang kailangan kong gawin para bumalik ang dating tayo? C'mon, Hedrick, tell me...kasi pagod na pagod na akong manghula ng sagot. Gusto kong malaman ang totoo galing jan sa bibig mo!" I cried.

"Mahal mo pa ba ako?" tanong ko sa'yo halos pabulong. I looked down nung halos ilang minuto na ang lumilipas pero hindi ka parin umiimik. Naghari ang nakakabinging katahimikan. At tanging paghikbi ko nalang ang naririnig sa buong kwarto.

"Camilla, I-Im sorry.." muling saad mo. Napaangat ako ng tingin at napatayo sa sobrang galit at inis na nararamdaman ko. Bakit ganyan ka, Hendrick? Hindi kita maintindihan!

"Sorry? Sorry nanaman? Wala ka na bang ibang masabi kundi sorry?! Pagod na pagod na ako, Hendrick." Muli ay napahagulgol nanaman ako ng iyak. "Pagod na pagod na ako sa'yo." Ulit ko.

"Mamili ka saamin dalawa, Hendrick. You can't have both of us. Kaya mamili ka.." utos ko sa'yo. Bigla naman parang nanghihina ang mga mata mo nang mapatingin saakin. Halo-halong emosyon ang nakikita ko pero naghahari sa mga ito ang lungkot at takot. Ilang beses na bumukas-sarado ang bibig mo pero walang salita ang lumalabas dito.

Akmang aalis na sana ako pero bigla kang nagsalita. "Camilla, let me explain-"

"Hendrick.." tawag sa'yo nung sekretarya mo at pinipigilan kang lumapit saakin. Napabuntong-hininga ka nung tumingin sakanya at muli mo siyang ikinulong sa mga bisig mo. Napaiwas nalang ako ng tingin at marahan na ipinikit ang mga mata ko para pigilan ang mga nagbabadyang luha na tumulo. Pero bago ko pa tuluyang malisan ang silid natin ay narinig ko yung pagbigkas mo sa pangalan niya na tuluyang nagdurog sa puso kong winasak mo.

"Hush...don't cry, Sandra.." pagkabigkas na pagkabigkas mo ng pangalan niya ay biglang may ala-alang bumalik saaking isipan.

Sandra Mendel, ang babaeng unang nagpaibig at nanakit sa'yo. Ang babaeng unang pinangakuan mo na habang-buhay mong iibigin pero iniwan ka sa huli. Siya...siya ang kaisa-isang babaeng kinaiinggitan ko dahil siya ang una sa'yo sa lahat. She's your first love, first kiss, and first heartbreak.

Bakit pa siya bumalik? Ito ang tanging tanong na tumatakbo sa isipan ko habang tinatahak ko ang kahabaan ng highway. Hindi ko maisip na kahit sa kabila ng pananakit niya sa'yo ay nakuha mo parin siyang tanggapin ulit. Matapos kitang tulungang pulutin at ayusin ang puso mong sinira niya...ito lang ang magiging kapalit nun? I thought you love me? Is your love for me not greater than your love for her? Ganun mo ba talaga siya kamahal? Nakakainggit naman. Sana ako nalang siya...

I look at her and have to smile
As we go driving for a while
Her hair blowing in the open window of my car
And as we go the see the lights
Watch them glimmer in her eyes
In the darkness of the evening

Biglang tumunog ang cellphone ko at napangiti ako ng mapait nung marinig ko ang boses mo na kumakanta sa ringtone ko. I admit, you really have an angelic voice. Hindi ko nanaman mapigilang hindi maluha.

And I've got all that I need
Right here in the passenger seat
Oh and I can't keep my eyes on the road
Knowing that she's inches from me

I reached for my phone laying in the passenger's seat. I looked at the screen at nadismaya ako nung hindi pangalan mo ang lumitaw dito. It was Van, your bestfriend.

"H-Hello?" my voice broke.

"Cams? Is that you? Umiiyak ka ba?" he asked concern. Lalo tuloy akong napa-iyak.

"H-Hey! Bakit ka umiiyak? Where are you? Pupuntahan kita-" hindi ko na narinig yung susunod na sasabihin nito nung bigla kong mabitawan ang phone ko at napapreno ng malakas. Bigla akong natulala. Sunod-sunod na busina ang narinig ko at halos mabingi ako sa sobrang lakas ng pagtibok ng puso ko. Nanginginig na inabot ko yung nahulog kong phone at labis akong nagpapasalamat dahil nasa kabilang linya parin si Van.

"CAMILLA?! ARE YOU DRIVING?! CAMILLA!" sigaw nito.

"V-Van..tulungan mo ako..."

"Okay. I'll be there. Wait for me, okay?" I nodded kahit alam kong hindi niya ako nakikita.

"Nasaan ba si Hendrick?" dinig kong tanong niya sa hangin bago tuluyang putulin ang linya.

Nasa mansion at busy kasama si Sandra, bulong ng isip ko atsaka ako napailing-iling. Ipinikit ko ang mga mata ko habang inaantay ang pagdating ni Van.

"What happened, Camilla Francine? Bakit hindi mo kasama yung gago mong asawa?" seryosong tanong saakin ni Van pagkadating na pagkadating naming sa hospital. Muntikan na akong maaksidente kanina. Muntikan naring mawala saakin ang baby ko...baby natin. Mabuti nalang at walang nangyaring masama at nasa maayos siyang kalagayan.

"Camilla?" nagtatakang tawag saakin ni Van na ngayon ay nakamasid saakin habang hinihimas ko ang aking tiyan. Napatingin ako sakanya at mukhang alam niya na.

"Are you pregnant?" diretsahang tanong nito. Napatango nalang ako.

"Is...is Hendrick the father of your child?" agad akong napaangat muli ng tingin sa tanong nito. Anong akala niya? Akala niya ba may iba akong lalake maliban sa'yo? God knows na ikaw lang ang lalaking nakagalaw sa'kin, Hendrick. Ikaw lang.

"Ofcourse! Si Hendrick lang naman ang-" he cut me off.

"Okay! I was just asking, you know.." napairap nalang ako.

"What happened? Nag-away ba kayo ni Hendrick? Sinaktan ka ba niya" nag-aakusang tanong nito. Well, totoo naman eh. You hurted me, Hendrick. You're hurting me emotionally.

"Van, ayoko na. Pagod na pagod na akong masaktan." I cried again. Hinagkan ako nito kaya mas lalo akong napaiyak.

"What happened, Camilla? Tell me.." bumitaw siya sa pagkakayakap para matingnan ako sa mata. Napaiwas ako ng tingin. Huminga muna ako ng malalim bago ikwento sakanya ang lahat-lahat ng pagtataksil na ginawa mo saakin.

"She's back?" gulat na tanong nito. Tumango lang ako.

"I'm sorry, Cams. Hindi ko alam na magagawa yun sa'yo ni Hendrick. I know him. Alam kong may rason siya kung bakit niya nagawa 'yon."

"Alam ko na ang rason niya, Van. He still love her. Hanggang ngayon mahal niya parin yung Sandra na yun." mapait na saad ko. Hindi ko inaakalang saakin pa manggagaling 'to. Pero yun naman ang totoo diba?

"So anong plano mo? Ipapaalam mo ba sakanya ang tungkol sa anak niyo?"

"Hindi. Wala na siyang karapatan sa batang nasa tiyan ko. Anak ko lang ito. Kay sana wag mong sasabihin sakanya ang tungkol sa anak namin. Please, Van.." pagmamakaawa ko dito. I saw his eyes softened and then he caressed my cheek.

"Okay. If that's what you want. Pero paano ang bata? Paniguradong maghahanap siya ng Daddy." napaisip naman ako sa sinabi niya. Pero kahit pa. No matter what happen, hinding-hindi ko ibibigay ang anak ko sayo, Hendrick. Kahit magtago pa kami sa pinakasulok ng mundo, gagawin ko mailayo lang saiyo ang anak ko.

"Daddyyyy!" masayang bati ni Vanilla sa kararating lang na si Van.

"Oh, baby! Where's Daddy's kiss?" tanong ni Van dito habang kalong-kalong niya ito. Ngumiti muna si Vanilla bago paulanan ng halik ang mukha ni Van. Napangiti nalang ako habang pinagmamasdan ang paglalambingan ng dalawa.

It's been 7 years simula nung lumuwas kami patungo dito sa Amerika. Seven long years na pilit kong ibinabaon sa limot ang mga masasaya at malulungkot na ala-alang kasama kita. Mahirap, oo. Pero kailangan. Kailangan kong ipagpatuloy ang buhay ko lalo na't saakin umaasa ang anak kong si Vanilla.

"Mommy! Mommy! Daddy's here!" masayang balita saakin ni Vanilla habang hila-hila nito si Van. Napatingin ako dito atsaka ngumiti.

"Give Daddy a kiss, Mommy!" sabay tulak saamin dalawa ni Van. Pareho naman kaming napatawa. Inilapit ko ang mukha ko kay Van atsaka siya binigyan ng mabilis na halik sa...labi. Halatang nagulat siya dahil madalas ay sa pisngi ko lang siya hinahalikan. Kinindatan ko si Van sabay bulong.

"Thank you."

"You're welcome, babe." he said and used his endearment for me. Halos pitong taon na akong nililigawan ni Van. Halos pitong taon na rin siyang tumatayo bilang ama ni Vanilla. Simula nung isinilang ko si Vanilla, siya na ang tumutustos ng pangangailangan nito at gumaganap ng mga gawain ng isang ama na dapat ikaw sana ang gumagawa, Hendrick.

"Mommy! Daddy! I wanna go to the mall!" pareho kaming napatingin ni Van kay Vanilla na ngayon ay nag-aayang mamasyal sa mall.

"But baby, Daddy is tired from work. Let's rest muna ha? Baka-" Van patted my shoulder and gestured me na okay lang na mamasyal muna kami sa mall. I smiled at him. Talagang spoiled si Vanilla pagdating kay Van.

Dumating kami sa mall at agad na nag-yaya si Vanilla na makipaglaro kay Van kaya nagpaiwan nalang muna ako dito sa isang bench sa loob ng mall. Naglakad-lakad ako hanggang sa may madaanan ako na store ng mga mamahaling relo. Bigla kitang naalala. I remember how you love to collect different kinds of watch. Halos mapuno na nga ang isang kwarto sa dami eh. Masyado kang time conscious.

'Our time together is just never quite enough.' Mahinang basa ko sa isang quote na nakaplaster sa dingding. Parang bigla akong nakaramdam ng kaba. That was the exact words you told me nung magkasama pa tayong dalawa. Malakas ang kutob ko na makikita kita. Pero hindi. Hindi ako papayag. Hindi pa ako handa.

Dali-dali akong lumabas ng store at naglakad nang naglakad papunta sa lugar kung saan man ako dalhin ng aking mga paa. Nakalabas ako ng mall at nakarating sa park nito. Nakahinga ako ng malalim nung maramdaman ko ang malamig na pagtama ng hangin sa aking mga balat. Wew! Muntik na ako dun ah.

"Camilla..." bigla akong naestatwa sa kinatatayuan ko. Para akong binuhusan ng malamig na yelo nung marinig ko ang baritonong boses mo. Dahan-dahan akong lumingon sa'yo.

"H-Hendrick..." kinakabahang usal ko sa pangalan mo. Hindi ako makapaniwalang ikaw ang nasa harap ko ngayon. Halos pitong taon kitang hindi nakita. Gusto kitang yakapin. Gusto ko ulit maramdaman ang init ng katawan mo. Pero hindi na pwede. Nangako akong mag-uumpisa na ako ng bagong buhay kasama ang anak ko at si Van.

"C-Camilla..I missed you!" bigla kang lumapit saakin at niyakap ako ng mahigpit. Hindi ako makagalaw. Parang biglang namanhid ang buong katawan ko. "I missed you, baby!" ulit mo.

"H-Hendrick..." gusto kong sabunutan ang sarili ko. Bakit nagkakaganito ako? Bakit hinahayaan kitang yakapin ako?

"Hendrick!" sigaw ko at buong lakas na tinulak ka palayo. Hindi tama 'to. Hindi na tayo pwede, Hendrick. May Sandra ka na at may Van na ako.

"Umalis ka na, Hendrick. Wag ka nang magpakita pa ulit saakin. Nagmamakaawa ako sa'yo-"

"NO. Hindi kita titigilan hangga't hindi ka bumabalik saakin." buong giit na saad mo. "Please, come back to me, Camilla. I love you.." your voice softened while saying those words.

Napatingin ako sa'yo atsaka tumawa ng mapait. "Iniwan ka nanaman ba ni Sandra kaya ako ngayon ang hinahanap mo? Well, sorry to tell you, Hendrick. Pero may iba nang nagmamay-ari saakin." I said. Nakita kong nasaktan ka sa mga salitang binitaw ko. Yan! Tama yan, Hendrick. Magdusa ka para naman pantay na tayo. Dahil kung tutuusin, sobra pa jan ang sakit na naramdaman ko nung ipagpalit mo ako.

Bigla mong hinawakan ng mahigpit ang kamay ko atsaka isinandal sa pader. You cornered me using both of your hands. Kitang-kita ko ang galit sa mga mata mo na nakatingin saakin ng diresto. Napaiwas ako ng tingin dahil parang napapaso ako sa mga titig mo. You look very mad kaya bigla akong nakaramdam ng takot. I've never seen you like this before.

"Let me go, Hendrick!" I hissed trying to hide my fear. Pero mas lalo mo lang akong isinandal sa pader.

"No! Not this time, Camilla. Pinakawalan na kita noon. Hinding-hindi ko na uulitin ang katangahan kong 'yon ngayon." you said through gritted teeth. "You're mine. Mine, Camilla. Mine alone. D'you understand?"

Hindi ako sumagot. You don't own me anymore, Hendrick. Ipinaubaya mo na ako simula nung araw na piliin mo si Sandra. I took that as a sign that I am no longer under your possession.

"Bitawan mo sabi ako!" sigaw ko habang nagpupumiglas. Pero masyado kang malakas.

"Mommy? Mommy!" bigla akong napahinto nung marinig ko ang boses ng anak ko. No...this can't be happening!

"Daddy! Daddy look! Help Mommy, Daddy!" nag-umpisa nang umiyak si Vanilla. Laking pasasalamat ko nalang talaga na nandiyan si Van.

"Vanilla..." mahinang bigkas ko sa pangalan ng anak ko. Takang napatingin ka naman saakin. You looked at me with a questioning look at halatang naguguluhan kung sino yung bata.

"Pare..." binitiwan mo ako nung bigla kang tawagin ni Van kaya dali-dali akong tumakbo at kinuha si Vanilla. I hugged her to try to protect from you.

"Van..." nakita kong nagtagis ang bagang mo habang nakatingin kay Van.

"Pare, layuan mo na sana kami. Wag mo-" nagulat ako nung bigla mong suntukin si Van kaya tumalsik siya at napahiga sa sahig.

"WAG NA WAG MO AKONG MATAWAG NA PARE! WALANG HIYA KA! SA DINAMI-DAMI NG BABAE SA MUNDO, YUNG ASAWA KO PA ANG TINIRA MO!" galit na sigaw mo kay Van at ambang sa susuntukin ulit pero pumagitna na ako.

"Walang ginagawang masama si Van, Hendrick!" galit na sigaw ko sa'yo. Sunod-sunod na mura naman ang sinagot mo atsaka sinuntok ng malakas yung pader na nasa likod mo. Nakita kong dumugo ang kamay mo sa lakas ng impak pero parang wala lang ito sa'yo. Pinasadahan mo ng tingin si Vanilla bago ka tumingin saakin.

"Who's the father of that child?" malumanay pero bakas ang takot sa boses mo nung tinanong mo ako. Napatingin ako kay Van at tinatanong siya gamit ang mata kung dapat ko bang sabihin sa'yo ang totoo. Ngumiti lang siya at dahan-dahang tumango.

Huminga ako ng malalim bago magsalita. "A-Anak mo si Vanilla, Hendrick. Siya ang naging bunga nung gabing ginawa natin ang bagay na 'yon.." napayuko ako pagkatapos kong sabihin saakin 'yon. Natatakot ako sa mga pwedeng mangyari. Pero wala na...wala na akong magagawa dahil nakita mo na siya.

Inangat ko ang tingin ko nung bigla kang lumapit at pilit na inaabot si Vanilla. Pero mukhang natakot yata siya say'yo dahil sa ginawa mo kay Van.

"Baby...come to Daddy.." malambing na saad mo pero hindi ka parin pinansin nito.

"Pabayaan mo nalang muna siya, Hendrick. Baka natatakot pa siya dahil sinuntok mo ang Daddy niya." saad ko sabay tapon ng tingin kay Van. Bigla namang kumunot ang noo mo.

"Daddy? Si Van?" naguguluhang tanong mo atsaka tiningnan ng matalim si Van.

"Oo, Hendrick. Si Van. Si Van kasi yung nanjan nung mga araw na kailangan kita. Siya yung nasa tabi ko nung halos mawala na ako sa sarili ko. He helped me pick up myself. He gave me strength para lumaban. Akala ko nga noon mamamatay na ako eh. Akala ko wala na akong pag-asa. Pero hindi niya ako sinukuan. He fought with me...and Vanilla." pinunasan ko yung luha na lumandas sa aking pisngi. Napangiti nalang ako ng mapait habang inaalala yung mga sakit na dinanas ko noon.

"I-I'm sorry. Camilla. H-Hindi ko alam na sobra kitang nasak-"

"Hindi mo alam kasi wala ka namang pakealam. You only care for Sandra. Bumalik lang siya, kinalimutan mo na agad ako...ang mga pangako mo saakin. I loved you, and you always told me you do. Pero napatunayan kong hindi yun totoo. Na lahat ng sinabi mong pangako ay puro kasinungalingan lang. Everything about us is a lie, Hendrick!" singhal ko sayo kasabay ng sunod-sunod na pagpatak ng mga luha ko. Hindi ko na kaya, Hendrick. Parang bumabalik nanaman ang sakit.

"Camilla...baby, that's not true. Please, listen to me first. Let me explain..." you begged while trying to reach for me.

"Explain? What for? I don't need your explanations, Hendrick. I don't need it anymore. Siguro seven years ago, oo. Pero ngayon? Hindi na. I'm done with you, Hendrick."

Tiningnan kita sa mata. I was shocked when a tear fell from the corner of your eyes. "Y-You can't do this to me, Camilla. I love you. I never stopped loving you." those words left me dumbfounded. Hindi ako makapaniwala. My heart says that I should believe you. But my brain stop me from doing so. I once used my heart in playing your game, Hendrick. At anong nangyari sakin? Nasaktan lang din ako sa huli. You don't really love me. Because if you do, edi sana noon pa masaya na tayong magkasama. Things could've been better.

"Ayoko na, Hendrick. I'm tired. Tama na ang larong ito. Gusto ko nang tapusin kung ano man ang meron tayo. Kung naguguilty ka lang kaya ginagawa mo ito, don't worry, pinatawad na kita. Let's just put an end in this." Huminga muna ako ng malalim bago muling magsalita. "Let's have an annulment. Baka nga hindi lang talaga tayo para sa isat-isa..."

Dahan-dahan akong tumayo. Tiningnan ko ang katabi kong si Van na karga-karga si Vanilla atsaka hinawakan ang kamay nito.

"Goodbye, Hendrick..." I said almost a whisper bago tuluyang maglakad palayo. Pero hindi ka man lang nag-angat ng tingin. You we're just kneeling there while staring at the ground. Masakit para saakin ang iwan ka. Inaamin kong parang mabilis na alon na bumalik saakin ang pagmamahal ko sa'yo nung makita kita. I've missed you, Hendrick. Pero hindi natin pwedeng kalabanin ang tadhana. If we're meant to be, we will be. Pero nakakalungkot isipin na hindi tayo para sa isat-isa.

'Goodbye, Hendrick...' bulong ko muli sa hangin at tuluyang pumasok ng kotse.

"Are you okay?" napatingin ako kay Van bago bumaba ang tingin ko sa kamay niyang nakalapat sa kaliwang kamay ko. He squeezed it gently befor planting a kiss on it. I gave him a reassuring smile.

"I'm fine." I said. "I will be fine..." bulong ko muli atsaka tumingin sa side mirror. I was stunned nung makita kitang papalapit. At mas nagulat ako nung makita kong basa ng luha ang mukha mo. You cried. I can't believe you're crying, Hendrick. Bakit ka umiiyak? Hindi ko maintindihan pero parang tinutusok ako ng karayom nung makita ko ang mga luha sa mga mata mo. You were trying to catch me. Pero huli nanaman ang lahat. Pinaandar na ni Van ang kotse at dahan-dahan ka nang nawala sa aking paningin.

Ipinikit ko ang mga mata ko at nilasap ang malamig na simoy ng hangin. I opened my eyes and looked at the sky. Napakaganda ng buwan ngayon. Bigla ko tuloy naalala yung pinakamasayang araw ng buhay ko kasama ka, our wedding day. Yung araw na nagsumpaan tayong magsasama tayo sa hirap at ginhawa. Yung araw na sabay nating ipinangako sa isat-isa na tayo ay magmamahalan magpakailan pa man. Ngayon, lahat ng 'yon ay hindi na matutupad pa.

"Camilla.." naramdaman ko ang kamay ni Van sa may bewang ko na nakapulupot. He was hugging me from the back. Nandito kami sa veranda ng condo habang si Vanilla ay mahimbing na natutulog sa kabilang kwarto.

"Camilla, are you sure that you are ready to file an annulment?" malumanay ang tono ng boses ni Van. Pero bakas ko ang takot dito. He's afraid na baka aatras ako. Pero hindi. Nakapagdesisyon na ako na itutuloy ko ang pag-file ng annulment. After that, I will be marrying Van for good. Van is a good guy. Alam kong mamahalin niya kami pareho ni Vanilla. I know he will not hurt me and leave me the way you did to me before. Siguro hindi ngayon, pero balang araw matututunan ko ring mahalin si Van.

"I'm sure about it, Van. I can't start a new life with you kung sa mata ng batas, kasal parin kami ni Hendrick."

Isang mahabang katahimikan ang bumalot saamin bago muling magsalita si Van.

"Do you still love him?" diretsahang tanong nito. Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko. That question striked me. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Do I still love you? Mahal pa ba kita, Hendrick? Hindi ko alam.

"Mahal mo pa ba si Hendrick, Camilla?" ulit nito atsaka pinaikot ako kaya magkaharap na kami ngayon. He was looking directly to my eyes. Bigla akong nailang kaya umiwas ako ng tingin. Pero hinawakan niya ang baba ko at pinaharap sakanya.

"I-I don't k-know, Van." Nauutal na sambit ko. Agad akong nag-iwas ng tingin. Nahihiya ako kay Van. I know nasasaktan ko siya pero lage parin siyang nandyan sa tabi ko.

"I'm sorry, Van..." bulong ko at hindi parin makatingin sakanya. Narinig ko naman siyang bumuntong-hininga.

"It's okay, Cams. I understand. Just always remember na nadito lang ako palagi..." saad nito. Agad akong napatingin sakanya at kitang-kita ko ang lungkot sakanyang mga mata. I'm hurting him again. I'm hurting the person who loves me and loving you who hurts me.

"I love you, Camilla." He whispered. "Mahal na mahal kita, no matter what...just always remember that." Then he kissed me in my forehead. Van really respects me. He never forced me to do anything na ayaw kong gawin. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit hindi parin kayang pantayan ng pagmamahal ko sakanya ang pagmamahal ko sa'yo. In fact, he deserves to be love than you, Hendrick.

Nagising ako sa sunod-sunod na tunog ng doorbell. Bumangon ako at nakita kong may isang sulat sa may bedside table.

"I want you to be happy, Camilla. I want to see you smile and laugh. I love you...I love you so much that I am ready to give you up. I don't want you to regret anything. Ayokong pagsisihan mo ang desisyong sumama sa akin. I know you still love him. That's why I am setting you free. Promise me to be happy, Camilla. I know I can never be the reason to see you smile. And I know that only Hendrick can. I love you, always keep that in mind.

-Van"

Napatingin ako sa pintuan nung bigla itong bumukas. Nahinto narin ang pagtunog ng doorbell at tumambad saakin ang mukha mong hinihingal-hingal pa.

"Camilla..." you called me almost out of breath.

"H-Hendrick! A-Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa'yo pero nagtuloy-tuloy ka lang sa paglapit saakin at hinahawakan ako sa braso.

"Come with me, Camilla." Saad mo atsaka hinila ako palabas ng kwarto.

"H-Hendrick, ano ba?! Bitawan mo ako! Nasaan si Van?" tanong ko habang patuloy na nagpupumiglas sa hawak mo. Nagulat ako nung dumiretso tayo sa kwarto ni Vanilla. Mahimbing na natutulog parin ang anak ko pero bigla mo siyang binuhat habang hindi parin natatanggal ang pagkakahawak mo sa braso ko.

"Saan mo ba kami dadalhin ng anak ko, Hendrick?" tanong ko nung makarating tayo sa parking lot.

"Anak ko rin ang anak mo, Camilla." you stated. Napairap nalang ako habang sinusuot ang seatbelt ko.

"Eh saan mo nga kam-" you cut me off sabay paandar ng kotse.

"Just shut your mouth, Camilla. Sleep, malayo ang pupuntahan natin." utos mo na para kang isang hari na inuutusan ang iyong alalay. Muli ay umirap lang ako. Pero hindi tumagal ay dahan-dahan ding bumigat ang talukap ng mata ko.

Nakatitig lang ako sa malakas na paghampas ng alon. Pinapakiramdaman ko ang sarap habang naglalakad ako sa gitna ng buhangin. Inilibot ko ang mga mata ko sa mala-paraisong ganda na resort hanggang sa mapatingin ako sainyong dalawa ni Vanilla na masayang naglalaro sa dagat.

Napangiti ako. Hindi ko inaakalang mangyayari pa satin 'to. Akala ko hanggang dun nalang 'yon. Akala ko yun na ang huli nating pagkikita. Pero heto tayong tatlo, magkasama bilang pamilya sa isang napakagandang lugar. Hindi ko alam ang rason kung bakit mo ginagawa 'to, Hendrick. Pero masaya ako dahil kahit papaano ay nagpapaka-tatay ka sa anak nating si Vanilla.

"Mommy! Mommy! Come join us!" sigaw ni Vanilla. Nakangiti naman akong lumapit sainyo atsaka nakipaglaro. It was indeed fun. I've never seen Vanilla this happy before. At masayang-masaya ako dahil ikaw ang rason kung bakit siya ganito ngayon.

"Baby, let's rest na? The sun will sleep na oh." Sabay turo ko sa papalubog na araw. Nakita ko namang medyo nalungkot yung mukha ni Vanilla.

"H-Hey, baby bear...don't be sad. Tomorrow we will play again, okay?" biglang umaliwalas ang mukha ni Vanilla sa sinabi mo.

"Promise, Papa bear?" saad ni Vanilla.

"Promise!" mahina akong napatawa habang pinapanood kita. You look so cute, Hendrick. Hindi ko inakalang marunong ka palang mag-alaga ng bata. Masyadong misteryoso kasi ang aura mo.

Pagkatapos kong patulugin si Vanilla ay bigla kang nag-aya na maglakad-lakad sa palabas. Kahit medyo naguguluhan ako ay sumama naman ako sa'yo. Kasalukuyan tayong naglalakad malapit sa dagat kaya bahagyang nababasa an ating mga paa. Mula sa kinaroroonan natin ay may nakita akong lumulutang na parang maliit na bahay-kubo sa dagat. Nagulat ako nung bigla mo akong hilain patungo ditto.

"H-Hendrick...." saad ko nung makarating tayo sa lumulutang na bahay-kubo. May isang mesa akong nakita na pangdalawahan at sa gitna nito ay may mga kandila at isang rosas. You guided me to sit at one of the chairs habang ako ay nakanganga parin at namamangha sa ganda ng pagdedecorate ng kubo.

"You like it?" tanong mo kaya napatingin ako sa gawi mo. I saw you sitting infront of me with a smile plastered on your face. I smiled back and nodded gently.

"I love it, Hendrick!" I giggled.

"Glad to know that." you smiled. Napatingin ako sa waiter na may dala-dalang cake. A Red Velvet cake to be exact. It is actually my favorite. Inilatag ito nito sa harap ko at isa naman sa'yo. Biglang nagpatugtog yung ibang waiter sa likod ng isang song. Halos matulala ako nung marinig ko yung awit na ipinatugtog nung ikinasal tayo.

Napatingin naman ako sa'yo nung bigla kang tumayo at pumunta sa may likuran ko.

"Happy Anniversary, baby..." you whispered huskily pagkatapos ay may naramdaman akong malamig na bagay nasa leeg ko. I looked down and saw a necklace with an infinite pendant on it.

"H-Hendrick...ano 'to? Bakit mo ginagawa ito?" I asked nung makaupo ka na ulit.

"Camilla...I don't know where to start. Gusto ko lang malaman mo na mahal na mahal kita. Mahal na mahal parin kita." Hinawakan mo ang kamay ko na nakapatong sa mesa. Bigla akong nakaramdam ng kuryente pagkalapat ng kamay nating dalawa.

"Pero, Hendrick...tapos na tayo. Hindi na pwedeng maging tayo. Paano na si Sandra? Akala ko ba mahal mo siya? Pinalaya kita kasi alam kong sakanya ka sasaya. I don't want to be selfish, Hendrick. Please...itigil mo na ito." Hinili ko mula sa pagkakahawak mo ang kamay ko. "...at si Van.." bulong ko.

"Camilla, listen to me first..." you inhaled sharply. "About Sandra...she died a year ago. Namatay siya dahil sa sakit niyang leukhemia." Napatulala ako sa'yo. Hindi ako makapaniwala sa sinasabi mo.

"I loved Sandra so much, Camilla. You know that. Kaya halos ikamatay ko nung iniwan niya ako. She was my everything. Planado ko na nga ang future namin eh. I loved her more than my life. Pero...iniwan niya ako. She was my first love. Siya ang unang babaeng minahal ko pero siya rin ang unang babaeng sinaktan ako..." you said. Your voice almost broke. Alam kong masakit balikan ang mga dinanas mo noon, Hendrick.

"I was so happy nung dumating ka sa buhay ko, Camilla. You helped me fix myself. You taught my broken heart to love again. Dahil sayo sumaya ako ulit. You're such an extraordinary girl, Camilla. Kaya hindi na ako nagtaka kung bakit nahulog ako sa'yo. You're unlike any other. Believe me, Camilla...I loved you. Minahal kita at hanggang ngayon mahal na mahal parin kita."

Ilang beses akong kumurap-kurap. Hindi parin kayang magsink in sa utak ko ang mga nangyayari. Parang isa lang itong panaginip.

"Kung mahal mo ako...bakit mo ako ipinagpalit kay Sandra? Mas mahal mo ba siya kesa saakin?" hindi ko maiwasang hindi magselos kay Sandra. She seems to have it all.

"Seven years ago, nagulat ako nung bigla kong madatnan si Sandra sa opisina ko. She litrally begged na balikan ko siya. Pero tumanggi ako. Kasal na tayo nun, Camilla. Mahal na mahal na kita kaya hindi ko na siya kailangan. Pero masyado siyang mapilit. She told me that she will commit suicide kung hindi ko siya babalikan. That's why ginawa ko siyang sekretarya ko."

"But why didn't you tell me? You should've told me, Hendrick. Hindi yung para akong tanga na nag-aantay sa'yo sa mansion tapos yun pala kasama mo lang si Sandra. At...at yung nakita ko kayo sa opisina mo. You almost did it, Hendrick. Pagkatapos yung sa kwarto natin...you were both naked for Pete's sake! Wag mong sabihing walang nangyari sainyo nung gabing 'yon!" I hissed. Hindi ko na mapigilang hindi maghagulgol habang isa-isang bumabalik ang mga alala noon. Pictures of you and Sandra keep on flashing in my mind. And it hurts, Hendrick! Sobrang sakit!

"Camilla, listen. What you saw in my office...inaamin kong may kasalanan ako 'non. L-Lalake din ako. Mahirap magpigil, Camilla. Sandra was seducing me and she was almost naked infront of me! Natukso lang ako, Camilla. Please baby...believe me..." you tried to reach for my hand pero umiwas ako.

"Nung nasa kwarto kayo? D-Did something happened?" I asked kahit sobrang sakit na. Gusto ko lang malaman ang totoo, Hendrick. I am eager to know the truth kahit masakit...titiisin ko.

Bigla kang napayuko at dahan-dahang tumango. "Y-Yes..." you said almost a whisper but it was enough for my two ears to hear.

"That night...I was drunk. Hindi mo sinasagot ang mga tawag ko. Hindi ko alam kung nasaan ka o kung okay ka lang ba. I was sick worried, Camilla! Tapos bigla siyang dumating sa mansyon. I was too drunk...I-I thought she was you..." bigla kang tumayo atsaka lumuhod sa harapan ko.

"I-Im sorry, Camilla. Please...baby, forgive me. Hindi ko na kayang mawala ka. You don't know how much I've missed you. Halos magpakamatay ako nung bigla kang nagpadala sa opisina ng annulment papers. Hindi ko kayang maghiwalay tayo, Camilla. Don't leave me again, baby. I love you..." paulit-ulit kang humihingi ng tawad habang isa-isang tumutulo ang mga luha mo. I cupped your chin and wiped your tears.

"Don't cry, Hendrick. I won't leave you again..." I said at pagkatapos ay bigla mo akong niyakap ng mahigpit. We stayed like that for a while hanggang sa inaya mo akong umakyat sa ikalawang palapag ng kubo.

"Look there..." sabay turo mo sa isang direksyon. Pagkatapos ng ilang segundo ay biglang pumutok ang mga fireworks. The view was breathtaking lalo na nung biglang magform ng words yung mga fireworks. I love you, Camilla, it says. Napatingin ako sa'yo at nakita kitang nakatitig lang saakin.

"I love you, baby.." pagkatapos ay bigla kang lumuhod sa harap ko at dahan-dahang inilabas ang isang box na naglalaman ng singsing.

"Camilla, will you make me the happiest man alive?" halos maluha-luha ako sa sinabi mo. It's like the first time you asked me that question. At tulad ng dati, everything feels so magical. It feels so untrue, but I know this is true.

"Camilla, I love you. So please...will you take this ring as a sign that you will be with me to our journey to forever?"

Bigla akong napangiti. Forever...does it even exist? No one can live forever. But I promise, my love for you is forever, Hendrick. Hanggang sa pangalawang buhay ko, ikaw parin ang mamahalin ko. Ikaw lang.

"Yes, Hendrick! I love you and I am willing to continue our journey to forever." masayang anunsyo ko. Dali-dali mong isinuot saakin ang singsing atsaka ako hinalikan. I kissed you back with equal intensity. You moved your lips as you moved your body closer to me. Dahan-dahan kong ipinulupot ang kamay ko sa batok mo at mas lalong pinalalim ang halik.

"I love you, Camilla." You whispered in between our kisses.

"I love you too, Hendrick." I whispered back.

Is this the happily-ever-after of our story? I don't think so. Siguro isa lang ito sa napakadaming pagsubok na madadaanan natin. Along the way, alam kong marami tayong makakaharap na problema. Pero hanggat magkasama tayong dalawa, walang hindi makakaya.

Ako si Camilla Francine Honrado-Montemayor. And this is the story of my journey to forever.

FOREVER DOES EXIST. <3




Continue Reading

You'll Also Like

241K 4.2K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
26.9M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
21.1M 517K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
10.5M 567K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."