Volviendo Al Pueblo Hundido

By crsntmoon_

24.5K 1K 1.5K

Sa isang kahilingan na matagal nang nag laho dahil sa kapanahonan. Paano kung ang matagal mo nang hiling nung... More

Warning!!
VAPH NOTES
Ika-1
Ika-2
Ika-4
Ika-5
Ika-6
Ika-7
Ika-8
Ika-9
Ika-10
Ika-11
Ika-12
Ika-13
Ika-14
Ika-15
Ika-16
Ika-17
Ika-18
Ika-19
Ika-20
Ika-21
Ika-22
Ika-23
Ika-24
Ika-25
Ika-26
Ika-27
Ika-28
Ika-29
Ika-30
Ika-31
Ika-32
Ika-33
Ika-34
Ika-35
Ika-36
Ika-37
Ika-38
Ika-39
Ika-40
Ika-41
Ika-42
Ika-43
Ika-44
Ika-45
Ika-46
Ika-47
Ika-48

Ika-3

857 37 41
By crsntmoon_

"AT NGAYON SA akin kanaman nakatitig, Binibini." Nakangising saad nung antipatikong lalaki. Inis ko syang tinulak palayo sa akin. Umayos ako ng tayo at nag cross arms bago ko sya pinag taasan ng kilay. Lalong napataas ang kilay ko nung tumawa sya ng puno ng sarkastika. "Happy feel mo ako?" Sarkastikang tanong ko dito sa antipatikong lalaki na nasa harap ko sabay irap.

Nakita ko ang pag kunot ng nuo ng antipatikong lalaki na nasa harap ko. "A-Appy? P-Peel?" Kunot nuong tanong din sa akin nitong antipatikong lalaki. Ngumisi naman ako sakanya. "Nevermind, huwag mo nang alamin." Mataray na saad ko bago nag lakad papunta sa pintuan. Agad akong lumabas sa pinto kung saan may mga nag tatraining.

Nakita ko sa gilid ng mata ko ang pag sunod nung antipatikong lalaki sa akin. "Binibini! Iyong naka ligtaan ang iyung abaniko." Habol na saad ni Antipatiko sa akin inis naman akong napahinto. Bago ko sya tiningnan.

Tsk. Bakit ba kasi kailangan pa ng pamaypay para maging isa kang Maria Clara? At bakit ba kailangan ng pamaypay ang isang babae? Napaka umay naman.

Alam ba nila na maraming kagaya ko ang nakakalimutan ang pamaypay nayan? Saka pabigat lang yan, eh.

Inis na inis kung inirapan si Antipatiko. "Pwede ba? Sayo nayan, ayoko naman talagang mag dala nyan, ewan ko ba kung bakit kailangang mag dala ng pamaypay, hindi naman kami mag sisimba." Inis na inis na saad ko habang naka cross arms na nakatingin sa antipatikong lalaki na ngayon ay nag tatakang nakatingin sa akin.

Pinag kunutan nya ako ng nuo sabay tingin sa akin na parang hindi makapaniwala. Tinaasan ko sya ng kilay. "Ano? May dumi ba ako sa mukha?" Mataray na tanong ko kay Antipatiko sabay irap.

Napataas ang kilay ko nung tumawa ng napaka lakas ang antipatikong lalaki. Baliw na to. Ano namang nakaka tawa? May dumi ba talaga ako sa mukha? Palihim kung kinapa ang mukha ko. Tsk. Parang wala naman! Pinag titripan talaga ako nitong Antipatiko na to! Umay sya ha! "H-Hoy! Bakit ka tumatawa? Happy feel mo talaga ako no?" Nakataas kilay na tanong ko kay Antipatiko.

Natatawa syang tumingin sa akin sabay iling iling habang naka hawak sa tyan nya. Tawang tawa talaga sya ha! "Kakaiba kang Binibini, ngayon lang ako nakakita ng kagaya mo." Nakangiting saad nito na para bang hindi makapaniwala sa akin. Umiling iling pa ang antipatiko. Na hibibang ba sya? Baliw. May itsura naman sana. Kaso baliw ang bwiset.

So ano naman kung kakaiba? Kakaiba naman talaga ako. Wala kayang kagaya ko na maganda. Sexy. Mabait kapag may kailangan. Marunong ng tamang asal kapag nadisplina. Saan kapa? Kay Reighn Yverdei mo lang makikita ang ganyang ugali. Tsk.

"Akin na nga yan, baka may pangalan pa yan." Isearch mo pa ako sa facebook. Idudugtong ko sana yun pero naalala kung wala palang Social Media dito sa Old San Andres, kaya inirapan ko lang sya sabay lakad.

Nakakailang hakbang palang ako pero napahinto ako nung may tumawag sa akin. "Binibini! Binibini!" Habol nung antipatikong lalaki sa akin. Inis ko syang ni lingon.

Taas kilay ko syang tiningnan. "Ano nanaman? May crush kaba sa akin o ano?" Iritang tanong ko. Napakunot naman ang nuo nya habang may ngiti sa labi. "K-Krass?" Nag tatakang tanong ni Antipatiko sa akin.

Ay oo nga pala hindi uso dito ang crush. Sarap panamang ibida sa antipatikong ito na maraming nag kakacrush sa akin.

Mayabang akong sunod sunod na tumango habang naka taas ang kilay. "Oo crush ibig sabihin ay pag hanga, parang gusto mo ako dahil sa pers----ibig kung sabihin ay gusto mo ako o yung pag katao ko. Ganon! Kaloka ka ha!" Iritang saad ko.

Nakita ko ang seryoso nyang mukhang nakatingin sa akin. Mukhang interesado ang antipatiko sa mga pinag sasabi ko, ha? "Kung K-Krass ay gusto? Ibig sabihin ba ay Mahal ang ibig sabihin nun? Tama ba binibini?" Napatitig ako sakanya dahil sa sinabi nya. Ano daw?! Crush lang ang pinag uusapan namin! Naging mahal na! Ay grabe! Ayoko na! I quit!

Napasapo ako sa nuo ko nung mag sink in sa utak ko ang sinabi nya. Nakangiwi ko syang Inirapan. "Gusto palang kasi ang crush, walang mahal na kasama doon kaya pwed---TEKA NGA! BAKIT BA KITA KINAKAUSAP?!" Iritang tanong ko kay Antipatiko habang kunot na kunot ang nuo ko na tawa naman si Antipatiko.

"Baka Binibini, ay ikaw ang may krass sa akin." Mayabang na saad nung Antipatiko habang may ngiti sa labi. Tinaasan ko naman sya ng kilay sabay irap. "Ang kapal naman ng mukha mo, eh no?" Sarkastikang saad ko pero tinawanan nya lang yun.

"Wala naman yatang makapal na mukha binibini, at hindi rin makapal ang mukha ko, iyung hawakan para malaman mo na malambot ang aking mukha." Nakangiting saad nung Antipatiko, lumabas pa ang biloy o ang dimple nya kaya napalunok ako. Nilapit nya ang mukha nya sa mukha ko. Gusto nya ba talagang ipa hawak nya sa akin ang panget nyang  mukha! Ew!

Napaiwas ako ng tingin kay antipatiko. Masyadong gwapo. Baka masama sya sa listahan. Just kidding.

"Talaga? Pahawak nga?" Nakangiti kunwaring saad ko. Nakangiti nyang nilapit ulit sa akin ang mukha nya. Hinawakan ko naman ang mukha nya na nang gigil. "Makapal talaga eh..." Nang gigil na saad ko habang ang kaliwang kamay ko ay sinakop ang mukha nya sabay tulak ng mahina dito.

Natatawa namang tinanggal ng antipatiko yung kamay ko sa mukha nya. "Pero ang iyung kama'y Binibini ay malambot." Nakangising saad nito bago tumingin sa kama'y ko.

Inis na inis ko syang tiningnan. "Pwede ba lubayan mo ako? Alam ko yang paganyan ganyan mo, may kailangan ka sa akin kaya mo ako nilalapitan tama ba?" Seryosong tanong ko habang ang tuno ng pananalita ay may halong inis.

Napaiwas naman ito ng tingin sabay kamot sa ulo. "Paano mo nalaman Binibini?" Nahihiyang tanong nito. Tumawa ako ng puno ng sarkastika. "Kasi may utak ako, tsk." Inis ko syang inirapan.

Mabilis akong nag lakad palayo sa antipatikong lalaki. Hmp! Nakakainis! Lalapit lang sa akin kapag may kailangan? Tama bayon? Nakakainis may umaagaw ng titulo ko. Bwiset na Antipatikong yun!

"Binibini! Binibini!" Rinig kung sigaw sa likod ko. Hinahabol nanaman ako ni Antipatiko. Patuloy lang ako sa pag lalakad habang naka busangot ang mukha. Paano ba naman kasi masyadong feeling close ang isang yun! Sarap tadyakan sa ew nya, eh! "Binibini! Binibini nais ko lamang makipag kaibigan at malaman ang iyung pangalan!" Inis na inis akong nag lakad. Ha! Hindi nya ako mabibiktima!

Halos tumakbo na ako para hindi ako mahabol nung antipatikong yun. Teka nga san na pala ako? Nasa loob panaman yata ako ng kwarter tama ba? Tsk. Bahala na si batman. Basta ayokong makita o makausap ang isang ito.

"Binibini! Binibini! Huwag kang pumasok riyan!" Hindi ko pinansin ang sinabi nung antipatiko. Dirediretsong kung binuksan ang pinto. Napasinghap ako sa hangin nung mabuksan ko ang pinto ay isa pala yung bangin at ang baba nuon ay isang rumaragasang tubig.

Para akong tangang nakatitig samay baba habang ang paa ko ay naka hakbang sa ire. Nag slow mo ang lahat nung may humila sa akin paalis doon sa bangin. Mabilis nitong sinara ang pintuan habang ako ay gulat na gulat. Nahulog kasi ang pamaypay kung hawak dahil sa gulat ko.

"Ayos kalang ba binibini?" Bumalik ako sa realidad nung may mag salita sa harap ko. Napalunok ako nung mag kalapit nanaman ang mukha naming dalawa ni antipatiko. "A-Ang lapit." Nauutal na saad ko.

Nakita ko ang pag laki ng mata nya at parang may sakit akong nakaka hawa dahil sa biglaan nyang  pag tulak sa akin para mapalayo sakanya. Inis ko syang tiningnan nung mapaupo ako sa lupa, samantalang ang antipatikong lalaki ay namumutla na para bang may ginawang masama.

Napataas naman ang kilay ko. Hibang talaga ang Antipatiko nato! Titingnan lang ba ako nitong antipatikong lalaking ito?! Makakatayo ba ako sa tingin nya?! Kung oo nakaka hmp! Ayokong mag mura.

Irita kung nilahad ang kamay ko. "Hilahin mo ako, hindi ako makatayo." May pagkainis na saad ko. Napataas naman ang kilay nyang napatingin sa kama'y ko. "Ngunit Binibini, ang dami na nating nila----" hindi ko na sya pinatapos.

"Dalian mo na! Wala akong pakialam doon!" Nauubusan na pasensyang saad ko. Nakita ko ang pag lunok nya at dahan dahang lumapit sa akin. Kinuha nya ang kamay ko at tinulungan akong tumayo. Inferness, ang lambot din ng kamay nya.

Nang makatayo ako ay muntik pa akong maout balance nung mabilis nyang bawiin ang kamay nya. Inis ko syang tiningnin. "Wala akong sakit." Pag tataray ko sabay irap. Inunahan ko syang mag lakad kung saan saan.

"Binibini! Wala dyan ang labasan! Nariyan naka kulong ang mga Leon na aming pinapalaki!" Natatawang saad nung antipatikong lalaki kung kaya't automatikong napahinto ang paa ko.

Inis ko syang tilingon. "Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Mataray na saad ko sabay lakad papalapit sakanya. "Sinabi ko naman kaagad Binibini ngunit ikaw lang itong mabilis kung lumakad." Natatawang saad ng antipatiko.

Tinaasan ko sya ng kilay. "So kasalanan ko pa ngayon kung mabilis akong mag lakad?" Mataray nanamang saad ko kung kaya't napailing nanaman ito sa akin habang may ngiti sa labi. "Hindi Binibini." Nakangiting saad nung antipatiko. Inirapan ko ulit sya.

"Oras ng siyesta ngayon? Bakit ka pagala gala sa kwarter? May binisita kaba Binibini? Binisita mo ba ang iyung nobyo?" Mapang asar na saad nung antipatikong lalaki. Lalong napataas ang kilay at tiningnan sya ng masama. "Nobyo? Jowa? Boyfriend? Mukha ba akong meron non? Saka bakit naman ako mag nonobyo or whatever na kriminal? Ayoko ngang mag nobyo na kriminal saka bakit ba kita kinakausap?" Inis na inis akong nag tantraumos na ikinatawa naman ni antipatiko.

"Nakakatuwa kang biruin Binibini.." inirapan ko si antipatiko.  Biro lang pala yun? "Kung wala kang nobyo? Bakit kanandito? Bakit mo rin minabatsyagan ang Heneral? Ikaw ba ay isang rebelde?" Nakangising saad nanaman ni antipatiko.

Napataas ang kilay ko at sinamaan sya ng tingin na ubod ng sama. "Rebelde? Ako? Kung ihampas ko kaya sayo lahat ng birth certificate ko! Saka sa ganda kung ito hindi ako bagay na maging rebelde!" Halos malagutan na ako ng hininga kakasigaw sa antipatiko pero sya walang ginawa kung hindi tumawa.

"Hindi ko man maintindihan ang ibang lengwaheng ginamit mo ngunit sa pananalita mo Binibini ay ako'y natatawa." Tumawa nanaman ito ng malakas. Inirapan ko ito. "Halata nga, eh." Sarkastikang saad ko sabay ikot ng mata ko.

Mag sasalita pa sana si antipatiko pero agad kung tinakpan ang bibig nya nung makarinig ako ng pamilyar na boses. "Eeya! Asan kana?! Aalis nadaw tayo!" Nanlaki ang mata ko nung makilala ang boses. Si Aexniqn yun.

Nanlalaki ang mata kung hinila si antipatiko sa gilid. Medyo madilim ang lugar kung saan kami pumunta, malay ko ba kasi na ito na ang pinaka dulo at pinaka madilim. Tsk. Epal kasi ang isang ito, eh! Habol ng habol.

Tumingin ako sa paligid bago ko binitawan ang pag kakahawak sa bibig nya. Tiningnan ko sya ng kabado. "Ganto huwag kang lalabas, mag bilang ka hanggang 100, kapag natapos mo nang bilangin yun pwede kanang lumabas." Kabadong saad ko sabay tingin tingin sa paligid.

Mahirap na baka makita kami Aexniqn or kahit sino.

"100?" Nag tatakang saad nung antipatiko. Nahampas ko naman ang nuo ko nung maalalang hindi pala sila marunong mag ingles. "Oo, 100, isang daan sa tagalog." Kabadong saad ko. Nakangiti naman syang tumango tango.

"Maaari ko bang malaman kung saan ka nakatira Binibining Eeya?" Nakangiting saad ni antipako. Napataas ang kilay ko sabay sabay iling ng sunod sunod. "Hindi pwede! Baka malagutan ako ng hininga! Saka rebelde ako diba? Galit ako sa mga Guardia na Civil!" Kunwaring irita na saad ko.

Natatawa namang napakunot ang nuo ni antipatiko. "Guardia na Civil? Ibig mo bang sabihin ay Guardia Civil? Binibining Eeya?" Natatawang saad nito. Napapikit akong tumango. Parehas lang naman yun diba? "Oo, parehas lang yun!" Nauubusan nanamang pasensya na saad ko na ikinatawa nito.

"Huwag mo na akong hahanapin, kasi! Kasi!" Napahinto ako sa sasabihin ko nung wala akong maisip na dahilan. Natatawang ngumiti si antipatiko. "Kasi Binibining Eeya?" Nakangiting saad nito.

Inangat ko ang tingin ko sakanya. "Kasi rebelde ako, oo yun! Sigeh na bye! Mag bilang kana! Basta huwag mo na akong hahanapin paalam." Mabilis akong lumabas sa pinag tataguan ko. Halos matapilok akong lumapit kay Aexniqn na ngayon ay nag hahanap padin.

"Oy, Aexniqn." Hinihingal na saad ko. Gulat nya naman akong tiningnan. "Anong nangyari sayo Eeya? I mean Reighn? Bakit hingal na hingal ka?" Nag aalalang saad ni Aexniqn. Mabilis akong umiling iling. Tumingin pa ako sa pinag taguan ko kay antipatiko. Nakahinga ako ng malalim nung nakatago parin ito.

"T-tara! Uuwi na tayo! May hinabol lang akong aso kaya yun napunta ako dito! Huwag mo na akong tanungin basta basta yun! Tara na nga!" Irita kung hinila si Aexniqn na ngayon ay naka kunot padin ang nuo. Tsk. Sana hindi sya mag tanong. Ayokong may nag tatanong sa akin. Naiinis ako.

"SAN BA TAYO PUPUNTA Dony---Ina?" Tanong ko kay Donya Esther. Tinatalian nya ang buhok ko, nilalagyan nya ako ng iba't ibang klaseng panyeta sa buhok. Tsk. Hindi naman ako masyadong mahilig sa alahas. Mas ayos na nga sa akin mag suot ng hikaw o kwintas.

Pero dahil si Donya Esther nga ang nag lagay wala na akong magagawa.

"Tayo ay dadalo sa unang simbang gabi." Ngiting ngiti na saad ni Donya Esther slash ina ko. Napatango tango naman ako. "Ngayon lang ako makakasimba ng simbang gabi." Mapait na saad ko. Hindi ko namalayang nasabi ko na pala yun.

Mag sasalita na sana ako para pag takpan ang sinabi ko pero mabilis na tumango tango si Donya Esther. May pait na ngiti ang sumilay sa labi nya. "Oo nga Anak, pag pasensyahan mo na kami ng iyung Ama kung ikaw ay aming tinago." Mapait na saad ni Donya Esther slash ina.

Napataas naman ang kilay ko. Tinago nila si Estela? Bakit naman nila itatago ang past life na si ako? Kaya ba palaging si Elisabet ang malapit sa lahat dahil tinago nila si Estela?

T-teka! Baka may sakit na pala akong hindi ko namamalayan, ha?! Pero katawan ko naman yata ito, eh. Kaya impossible naman kung mag karoon ako ng sakit.

At teka! Yung Ama ni Estela, hindi ko pa nakikita! Palagi kasing wala ito dito dahil palaging nasa meeting. Ang laki laki rin ng bahay este ng mansyon kaya malabo talagang mag kita kami.

"Hayaan mo babawi ako sayo Eeya Anak, lahat gagawin ko mapatawad mo lang ako." Mapait nanamang ngumiti si Donya Esther slash Ina. Tumango nalang ako dahil hindi ko naman alam ang away nilang dalawa ni Estela.

Tsk. Parehas rin pala ang pinag dadaanan ng Past life ko at ngayon. Parehas namay problema sa Ina at Ama. Ang kaso may Ama pa si Estela ako wala na. Kaya mas swerte parin si Estela.

Siguro aayusin ko nalang ang kusot na meron sila ng kanyang Ama. Hindi naman yata sya magagalit kasi ako ay si Estela tama ba? Kaya bakit ako magagalit sa sarili ko? Ang tanong si Estela ba talaga ang past life ko?

"AEXNIQN LABAS nalang muna ako." Nakangiwing saad ko. Nakaupo kami ngayon ni Ina, Ate Andrea, at Aexniqn dito sa pinaka unahan ng upuan ng simbahan nitong San Andres. Napatangin naman sa akin si Aexniqn sabay kunot ang nuo. "Bakit kanaman lalabas?" Takang tanong sya.

Nakangiwi akong tumingin sa pare. Español ang pare kagaya ng sinabi ni Prof Ambrosio. "Hindi ko naman maintindihan, baka minumura na tayo nyan." Nakangiwing saad ko. Narinig ko ang mahinang pag tawa ni Aexniqn.

"Bakit kayo tumatawa Eera? Eeya?" Nakangiting saad ni Andrea. Napakamot naman ako sa ulo. Umiling naman si Aexniqn. "Gagamit daw ng palikuran si Eeya, Ate Andrea." Nakangiting saad ni Aexniqn. Tumango tango naman si Andrea.

Tumingin sya kay Donya Esther. "Ina, sasamahan ko lamang si Eeya na pumunta sa palikuran." Mahinang bulong ni Andrea kay Donya Esther slash Ina ko. Tumingin naman sa akin si Donya Esther sabay tango. "Bilisan nyo lamang, mag ingat narin kayo sapagkat baka may Rebelde na umaaligid sa paligid." Nakangiting saad ni Donya Esther namay halong pag aalala.

Tumango ako dito. "Tara na Eeya." Mahinhin na saad ni Andrea sa akin. Nakayuko kaming nag lakad palabas ng simbahan. Sabay kaming nakahinga ng maluwag ni Andrea nang makalabas kami. "Alam kung hindi kagagamit ng banyo, Eeya. Hindi parin talaga kayo nag babagong dalawa ni Eera." Natatawang saad ni Andrea. Napakunot naman ang nuo ko sabay tango.

Aba! Aba! Kasama pala ni Estela at Elisabet ang kanilang Ate sa krimen nilang talaga, ha? Mukhang makakasundo ko si Andrea.

Tumingin kami sa paligid. Maraming pailaw, mga batang nag tatakbuhan habang may dalang pang karuling, mga nag titinda ng kung ano anong kakanin. Halos lahat sila ay nay ngiti sa labi. Ako lang yata ang wala.

Hindi ko naranasahang mag simbang gabi kasama ang pamilya dahil maagang namatay si Dad. Si Mom naman ay palaging busy sa trabaho nya. Kaya minsan ako nalang mag isa ang nag ce-celebrate ng pakso at bagong taon.

"Nais mo bang matikman ang bibingka ni Aleng Pura, Eeya?" Nakangiting saad ni Andrea. Umangkla sya sa kamay ko. Kung kaya't napa sabay ako sa pag lalakad nya.

"Bibingka ano yun?" Takang saad ko habang naka kunot ang nuo. Natawa naman si Andrea. "Hindi mo nga pala alam ang Bibingka, sapagkat nung bibigyan sana kita ay pinatapon ni Ama." Natatawang saad nito.

Nakagat ko naman ang ibaba kung labi. So? Mahigpit talaga ang Ama ni Estela? Bakit naman sya mahigpit kay Estela? Anong kasalanan nun dito? May away ba na nanamamagitan sakanilang dalawa ni Estela at sa Ama nito?

"Pero ngayon, malaya kana Eeya." Nakangiting saad parin ni Andrea habang may pait. Bakit hindi sya natutuwa na malaya na si Estela? Ano naman kung malaya na ito? Tsk. Hindi ko na agad maintindihan ang istoryang pinasukan ko.

"A-ano bang ibig mong sabihin Andrea?" Nag tataka kung saad. Ngumiti lang sya sa akin ng mapait bago umiling. "Aleng Pura dalawa nga pong bibingka." Nakangiting saad ni Andrea doon sa Aleng may katandaan. Nakangiti namang tumingin si Aleng Pura kay Andrea, mukhang hindi nya pa ako nakikita.

"Kayo pala Señorita, dalawa? May kasama ba ka-----Sino naman ang magandang Binibining kasama mo?" Ngiting ngiti na saad ni Aleng Pura habang nakatingin sa akin. Napaiwas naman ako ng tingin dahil ayokong lumaki ang ulo ko. Pero actually maganda naman talaga ako, hindi lang maganda sobra pa sa ganda.

Ngiting ngiti na inangkla ni Andrea ang kamay nya sa braso ko. "Si Estela Asuncion po Aleng Pura ang kapatid kung bunso." Ngiting ngiti na saad ni Andrea, nagulat naman si Aleng Pura at marahang yumoko. "Nagagalak kung makita ang iyung kapatid na bunso Señorita Andrea, lighang kayganda nga naman ng bunsong anak ng mga Andres." Tuwang tuwa na saad ni Aleng Pura.

Andres? Andres pala ang apelyedo ko bilang Estela? Ngayon ko lang nalaman. Tsk. Saka bakit naman ang OA ni Aleng Pura? Ngayon nya lang ako nakita? Sabagay hindi pala punta sa gantong lugar ang katulad ko.

"Mahiyain ang aking kapatid kung kaya't ako nalang ang pag papasalamat sa iyung kagalakan Aleng Pura, doon muna po kami sa lamesa." Nakangiti lang na tumango si Aleng Pura habang natatarantang gumawa ng Bibingka

Umopo kami sa lamesahan sa gilid. Nag pangalumbaba ako sabay tingin sa paligid. "Nakaka antok palang mag simbang gabi." Nakangiwing saad ko. Natawa naman si Andrea. "Dapat kasi ay natulog ka kaninang tanghali, napapansin kung hindi kana mahilig matulog sa tanghali na lagi mong ginagawa." Natutuwa pang saad ni Andrea.

Nag kibit balikat naman ako sabay higab. "Hindi naman ako natutulog Andrea tuwing tanghali, ang totoo nyan ay nakatingin lang ako sa labas, tapos kapag papasok si Don----Ina sa kwarto, mabilis akong tatagbo pahiga sa kama." Kibit balikat na saad ko na akala mo ay walang pakialam.

Tama naman ako, ha? Hindi ako natutulog tuwing tanghali. Kasalanan ko bang hindi ako makatulog?

Tumawa ng pang Maria Clara si Andrea kaya napairap ako. "Masyado kapalang pilya Eeya, akala ko ay puro katahimikan at katarayan lang ang alam mo." Hindi ko alam kung may halong pag kasarkastika yun.

Nakangiwi kung inirapan ulit si Andrea. "Tsk, huwag mong sasabihin kay Ina, ha? Saka feel ko mas masarap kumain ng buko kapag tanghali." Tatango tango kung saad habang naka pangalumbabang nakatingin kay Andrea.

Nakita ko ang pag kunot ng nuo nya. "P-peel? Ano iyun?" Takang saad ni Andrea kaya napa poker face ako. Hindi nga pala nya alam yun. Aish. Ang hirap pala kapag ang kasama mo hindi marunong ng English, nag mumukha kang Alien. Tsk. "Oo feel, parang nararamdaman basta yun yon!"

"Saan mo naman natutunan ang salitang yun?" Natatawang saad ni Andrea. Napatingin naman ako sakanya. Ano kayang magandang idahilan sakanya? Hm? Maraming libro si Estela sa kwarto nya. "Nabasa ko lang." Kibit balikat na saad ko natawa naman si Andrea.

"Hindi ko alam na masaya kapalang kasama, Eeya. Natutuwa ako na nakakausap ko na ang bunso kung kapatid. Parang gusto ko na tuloy uminom ng buko kapag oras ng siyesta." Nakangiting saad nito. Napa ayos naman ako ng upo sabay tingin sakanya. "Talaga?" Tuwang tuwa na saad ko. Tumango tango si Andrea.

"Oo, mag papakuha ako kila Liwayw----" hindi ko na pinatapos si Andrea.

Nakangiti akong tumayo sa pag kakaupo at umopo sa tabi nya. Nagulat naman sya sa ginawa ko. Nilapit ko ang mukha sa tenga nya para bumolong. "Andrea, mas maganda kung tayo ang kukuha ng buko." Nakangiting saad ko na parang demonyo.

Matagal kunang gustong makakuha ng buko sa puno ng niyog. Pero dahil wala akong kasama ay natatakot akong akyatin yung buko. Si Aexniqn kasi ay nakatira dati sa states. Kaya nung bata ako ay ako lang mag isa nag lalaro. Ay! May kalaro pala ako! Dalawang bata na ngayon ay hindi ko na maalala.

"T-tayo k-kukuha?" Gulat na saad ni Andrea. Nakangiti akong tumango tango. "Oo tayong tatlo nila Aex----Elisabet, para mas maging close tayo, I mean mas mag kalapit tayong tatlo." Ngiting ngiti na saad ko.

Nag aalala namang umiling si Andrea. Napahawak pa ito sa dibdib nya. "Mukhang ayoko nang sumapit ang siyesta." Kinakabahang saad ni Andrea, pero tinawanan ko lang sya.

"Ito na mga Señorita, narito na ang bagong lutong bibingka nyo, sana'y magustuhan nyo ang aking bibingka, lalo kana Señorita Estela." Nakangiti nalang akong tumango doon kay Aleng Pura. "Salamat po." Magalang na saad ni Andrea.

Tsk. Mapapa sana all kanalang sakanya. Kailangan kaya ako magiging mahinhin na kagaya ni Maria Clara?

"Iyung tikma----" hindi na natapos ni Andrea ang sasabihin nya nung may lumapit sakanyang batang madugis. Irita ko namang tiningnan yung bata, akmang papaalisin ko na iyun pero agad akong pinigilan ni Andrea. "Kilala ko ang batang ito, Eeya, ano ang kailangan mo Leroy?" Malambing na saad nya sabay ngiti sa bata. Napairap naman akong kinuha yung bibingka ko.

Lumapit yung batang si Leroy kay Andrea at may binulong. "T-talaga?" Tuwang tuwang saad ni Andrea. May binulong ulit yung bata sabay takbo. Nakita ko ang pag kabalisa ni Andrea habang nakatingin sa kinakain nya. "Pst, Andrea? Aalis kanaba akin nalang yang Bibingka kung Oo." Walang ganang saad ko.

Gulat namang napatingin sa akin si Andrea. "P-paano mo nalaman?" Kinakabahang saad nito. Nag kibit balikat ako. "Nakita kita nung tanghali habang nakatingin ako samay bintana, kasama mo yung k----" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nung biglang yumakap sa akin si Andrea.

"Pangako! Mabilis lang ako, mauna kana sa loob ng simbahan iyo nalang sabihin na mahaba ang pila sa palikuran, ayos ba yon Eeya?" Tuwang tuwa na saad ni Andrea. Walang gana ulit akong tumango. "Salamat kapatid! Bukas na bukas sasamahan kitang mag hanap ng buko!" Tumango lang ako rito.

Napangiwi ako nung mabilis na tumakbo si Andrea. Tsk. Kapag love life pala ang pinag uusapan nawawala ang kamaria Clarahan nun no? Tsk.

Mamaya nalang ako papasok sa loob. Sayang naman ang bibingka. Hindi ko paman din natitikman. Wala naman akong maintindihan doon sa sinasabi nh Prayle tsk.

Binuksan ko yung dahon ng saging. Sa dahon ng saging kasi nakalagay ang bibingka. Kakagatin ko na sana yung bibingka kaso may nag salita sa harap ko. "Binibining Eeya? Muli nanaman tayong nag kita." Natatawang saad ng pamilyar na boses.

Bigla nanamang kumalabog ng napaka bilis ang puso ko nung marinig ang boses nya. Akala ko ay hindi na kami mag kikita, pero ngayon? Muli nanaman kaming pinag tagpo ng magulong tadhana.

****

Wala padin yung shopee ko huhu! It's already 2:19 pm na ng March 7, 2021! Good afternoon sainyo! Update nanaman ng Cresent moon HAHA!

Continue Reading

You'll Also Like

124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
549K 27.4K 75
Wattys 2020 Winner "Sometimes your FUTURE is not in your TOMORROW but in someone else's YESTERDAY." Book Cover Illustration from Pinterest: https:...
56.4K 2.9K 59
Dagmar Zania has it all. Wealth, family business, beauty, personality, and intelligence. She is an epitome of a perfect daughter any parent could wis...
424K 19.2K 60
Died and reincarnated in the book she last read, Arisia hopes to live an interesting life unlike her previous boring one. What will be in it for her...