South Boys #1: Kiss Master (P...

By JFstories

14.3M 742K 402K

He's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming h... More

Prologue
NOTE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
LAST CHAPTER
Epilogue
SOUTH
Series Adaptation and book announcement!

Chapter 59

186K 10.7K 6.1K
By JFstories


"SALAMAT SA LAHAT, HUGO."


Tumango lang siya at hindi nag-abalang tumingin.


Nakahinto na ang kotse niya sa gilid ng kalsada. Sa maiksing byahe namin papunta rito sa office ay tahimik lang kaming dalawa. Higit lalo siya. 


Alam din niya na may desisyon na ako kaya hindi na siya kumikibo. Tahimik lang siya at malalim ang iniisip sa driver's seat. Pinindot niya ang unlock ng passenger's seat na hindi pa rin tumitingin sa akin. Hindi ako bumaba. Nakatingin lang ako sa kanya.


"Bumaba ka na, Susana," mababa ang tono na sabi niya.


Naluluha man ay sinikap kong ngumiti at mahinang tinawag siya. "Hugo..."


Hindi siya lumingon o sumagot.


"Hugo, salamat..."


Inabot ko ang kamay niya na nakapatong sa manibela. Marahan ko iyong pinisil pero hindi pa rin siya lumilingon o maski sumulyap man lang sa akin. 


Sa kabila ng pagiging mabuting kaibigan niya sa akin, iiwan ko rin pala siya. Mag-isa na ulit siya, pero alam kong makakaya naman niya. Dahil ito ang kailangan mangyari. And I trust that he will figure it out soon.


"Salamat sa lahat-lahat, Hugo..." sabi ko habang hawak ang kamay niya. Bahagya kong sinilip ang mukha niya. "Salamat sa lahat ng pagkakataon na inintindi at sinamahan mo ako." 


He just clicked his tongue and looked away. Pero bago iyon ay nakita ko pa ang pagkislap ng pinipigilan niyang luha sa kanyang mga mata.


"Thank you for being a good and true friend to me," I whispered and placed a gentle kiss on the back of his palm. "I will be forever indebted to you..."


Binitiwan ko na siya saka ako bumaba ng kotse niya. Walang lingong nilakad ko na ang papunta sa building na pinagta-trabahuan ko.


Napabuntong-hininga ako habang naglalakad. Umakyat na agad ako sa floor. Ang balak ko ay ibuhos ang buong isip sa pagko-calls. Magla-log in na ako nang tawagin ng TL. Kaya pala ako pinapasok ngayon ay dahil sched for hearing ako kahapon sa HR.


Sinamahan ako ni TL sa HR. Wala nang hearing na nangyari at hatol na agad pagkarating doon.


"Miss Sussana Alcaraz, I am sorry to inform you that starting today, you're no longer employed here in Telemore, Ortigas. We think that this is the best decision because of your work behavior and reduced performance the past two months. Please return your company swipe card." Ibinaba ng HR chief ang isang puting envelope sa desk na kilalagyan ng formal termination letter.


Yumuko ako matapos tipid na ngumiti sa HR chief. "Thank you for everything, Ma'am."


I left the HR room with a sigh of disappointment. Disappointed ako hindi sa kanila, kundi sa sarili.


Who would want to keep an incompetent employee? Low stats and madalas no call, no show pa? Funny because I wasn't like that before. Actually, I was on my way to promotion before this happened. I was a high-performing employee who always hit the target and never missed quota during the past five months, but unfortunately, I messed it all up.


Nakakalungkot lang kung bakit nag end up ako sa ganito. Hindi ako sanay. Nakakalungkot talaga na sa isang iglap, nasira ang disposisyon ko sa buhay.


Nagpaalam na ako sa TL ko matapos i-turn over ang swipe card at lanyard. Kinuha ko na rin ang sweater ko sa locker at tinurn over ang susi sa guard. Dumaan muna ako sa comfort room para ayusin ang sarili. Isinuot ko ang sweater at itinali ang magulo kong buhok bago ako bumaba sa ground floor.


Paalis na ako ng building nang magbeep ang phone. It was Tatay Bear. Sinagot ko ang mga text niya nang may halong pagbibiro tungkol sa mga inaalagaan niyang manok sa Cavite. Ayaw ko na mas mag-alala siya at makaisip pa na dalawin ako.


Kanina pa kasi siya nagte-text na gusto niya akong dalawin at kausapin nang personal. Nagkausap at nagkaayos na kasi sila ni Mama kanina. Bumalik pala si Mama sa bahay namin. May sakit ang lolo ko, papa ni Mama, nasa ospital ngayon at hinahanap ako. Bilang nag-iisang apo ay sa akin daw ipapamana ang mga ari-arian nila.


Ang gusto ni Tatay Bear ay umuwi na ulit ako tutal ayos na ang lahat. Ang gusto niya ay yakapin ko na lang ang aking karapatan bilang solong apo ng mga magulang ni Mama. Panahon na raw para maranasan ko namang guminhawa. Hindi ko na raw kailangan pang magpakahirap at lumayo ngayon para magtrabaho.


Pinutol ko na ang usapan namin nang makalabas na ako ng building. Nabanggit niya sa akin si Hugo. Akala niya ay ginugulo ako ni Hugo dahil bumalik din si Mrs. Aguilar sa bahay namin. Ayaw pa ring maniwala ng ginang na wala kaming relasyon ni Hugo kahit pa anong paliwanag ni Tatay Bear sa kanya na magkaibigan lang talaga kami ng anak niya.


Sa huli, nainis na rin si Tatay Bear kay Hugo dahil wala man lang raw ginagawa ang lalaki para ituwid ang pag-iisip ng ina.


Nag-ring ang phone ko. Si Chadeza na kasamahan ko sa account. Sinagot ko ang tawag habang naglalakad. Tinanong niya ang tungkol sa pagpapatawag sa akin sa HR. Alam niyang terminated na ako.


"Yup. Last week pa alam ko na kay TL na maliligwak ka. Bakit kasi panay NCNS ka? Sabay baba ng stats mo? Agent of the month ka pa lang noong August, ah? What happened to you?"


"Napagod lang siguro..." pagdadahilan ko.


Kahit ang totoo ay may ibang pagod akong nararamdaman. Mas malalang klase ng pagod.


"Hmn... Minsan talaga kasawa rin ang mag-calls. Ako nga rin suko na e. Sama ka sa akin next week? May a-apply-an ako. Malaki sweldo."


"Saan naman?" interesadong tanong ko. Hindi kasi ako pwedeng magtagal na jobless dahil next month lang ay maniningil na ng renta ang landlady ko. May tubig at kuryenteng bayarin pa. Hindi pwedeng maubos ang kapiranggot kong ipon dahil ayokong humingi kay Tatay Bear. 


"Casino sa Makati. Thirty K ang starting palang na pasahod, pwera pa sa tip, at free uniform pa. Ano girl, G?"


May gumapang na kaba sa dibdib ko. "A-anong casino?"


Naglalakad pa rin ako ngayon at malapit na sa Meralco. Onti na lang ay tanaw ko na ang Metrowalk.


"Voiré."


Ang mabibilis kong hakbang ay bigla na lang bumagal. "Ha? Voiré?"


"Yup, Girl. Voiré Casino. Di ba sosyal?"



"Pass." Tinapos ko na ang tawag at pinut on silent ang phone bago ibalik sa bulsa ng suot kong sweater.


Kumpulan ang mga naghihintay na pasahero nang makarating ako ng Metrowalk pwera pa sila sa mga nakasabay kong naglakad mula pa sa Meralco. Ganito kami gabi-gabi kaya kawawa ang mga ganitong oras ang out. Diskarte na lang talaga para mabilis na makauwi. Kung hindi nga lang ako nanghihina na sa pagod ay baka dumiretso na rin ako hanggang galleria o POEA para doon makipagsiksikan sa mga punuang bus. Pero okay na ako rito ngayon sa Metrowalk, pasasaan ba't makakasingit din ako sa mga nagdaraang jeep.


Ito ang araw-araw at gabi-gabi ko.


"Jenny's! Jenny's! Lifehomes! Lifehomes!"


Nagpulasan ang mga nag-aabang ng dalawang jeep ang huminto sa tapat. May bumabang isa pero ang kapalit na sumampa ay lima.


Kahit alam kong hindi na kasya ay nagpumilit pa rin akong pumasok sa loob. Sorry na lang talaga dahil kailangan ko nang makauwi. Kailangan ko na ang kama at unan ko. Kailangan ko ng katahimikan at ayokong dito sa kalsada mag-breakdown.


Pagkarating ng Lifehomes ay nag-tricycle na ako hanggang sa kanto ng street.  Walang tambay ngayon dahil madilim. Nasira kasi kaninang umaga ang streetlights dito at hindi pa siguro naaayos ng Meralco. Malayo pa ako sa apartment ko ay nakikita ko na ang liwanag ng lampshade mula sa loob. Oo medyo nakakagulat pa rin pero medyo sanay na rin ako.


At dahil nga madilim ay hindi ko agad napansin ang midnight black Lambo sa tapat. Nilampasan ko iyon at pumasok na sa loob ng maliit kong gate. Dahan-dahan ang kilos ko mula sa pagkuha ng susi mula sa bag, pagsuksok niyon sa keyhole, pagbukas at pagsarado ng pinto.


Dim ang liwanag sa loob dahil lampshade lang ang nakabukas, pero sapat na iyon para mabistahan ko ang itsura ng paligid. Sumalubong sa akin ang itim na amerikana, puti na longsleeve polo, at itim na pantalong slacks na basta na lang mga nakasampay sa maliit kong upuan.


Ang pagod na nararamdaman ko ay mas tumindi.


Dinampot ko ang relo sa center table, grey na necktie sa sahig at ang pares ng black oxford leather shoes para itabi.


Ibinaling ko ang aking paningin sa kama. Nakadapa roon ang isang matangkad na lalaki na tanging boxers lamang ang suot.


Humakbang ako palapit sa kanya. Sa tabi niya ay matatagpuan ang isang leather wallet. Dinampot ko iyon at mula roon ay may nalaglag na calling card.


Arkanghel WolfgangVoiré Hotel and CasinoPresident and Chief Executive Officer


Ibinalik ko ang card sa wallet at ang wallet naman ay basta ko binitiwan sa sahig.


Funny that the CEO of one of the top luxurious hotels and casinos in the world was here in my small apartment.


Tatalikuran ko na siya nang bigla siyang tumihaya. Huli na para umalis ako dahil pupungas-pungas na nakatingin na sa akin ang kulay abo niyang mga mata.


He licked his lower lip before talking. "Hi."


His lips... Sandali akong natigilan at nahihipnotismong napatitig doon.


Napakurap lang ako nang tumaas ang isa sa makakapal niyang kilay. Hinamig ko ang sarili at lumunok.


"Alam ba ng fiancée mo na nandito ka?" na naman.


At alam mo rin bang pagod na ako?


Hindi siya sumagot kaya kinuha ko sa pagkakahanger ang damit niya at inilagay sa ibabaw ng kama. Hindi niya naman iyon pinansin.


Napalunok ako sa klase ng titig niya. Titig na sinusukat ako kasama pati ang mga nararamdaman ko at hanggang kaluluwa. Hindi ko kinaya ang intensidad kaya pinili ko na talikuran na lang siya.


I felt him stood up but I didn't bother to look at him. Kunwari ay abala ako sa pag-aayos ng kalendaryo na nakasabit sa dingding. Last month pa ang month na nakaharap dahil sa sobrang sabog ng isip ko ay hindi ko na ito naalalang ilipat.


"Umuwi ka na darating ang tatay ko," pagsisinungaling ko kasi baka naman may natitira pa siyang hiya sa katawan.


Wala akong nakuhang reaksyon mula sa kanya.


"Huy darating tatay ko. Gusto mo maabutan ka rito? Baka magulat ka sa akin ka na pala ikakasal hindi na roon sa fiancée mo!" I said without thinking. Wala naman akong balak pikutin siya. Gusto ko lang na tubuan siya ng kahit kaunting takot man lang.


Gusto kong umalis siya at wag nang babalik pa dahil ayaw ko na. Dahil nakakapagod na. Napapagod na akong maging tanga sa kanya. 


Narinig ko ang kanyang malamig na boses. "Pipikutin mo ako?"


Nagtagis ang mga ngipin ko sa reaction niya. "Ang kapal ng mukha mo bakit kita pipikutin e hindi na kita mahal!"


Nanahimik siya.


"Umalis ka na dahil darating nga ang tatay ko," mariin kong sabi ulit.


"Tatay mo?"


Kahit hindi ako nakaharap sa kanya ay nai-imagine ko ang paglalaro ng sarkastikong ngiti sa mga labi niya.


Nanigas ang leeg ko nang maramdaman siya. Ang lahat ng tapang ko ay biglang nabura. He was already at my back and he even placed his hands on the wall to corner me. 


"Tatay mo o boyfriend mo?"


Napapiksi ako nang lumipat ang isang kamay niya sa akin.


"Break up with him." I could feel his breath now on my nape as he spoke. Damn it!


Wala akong mapupuntahan dahil dingding ang kaharap ko.


"O hayaan mo na lang na kayo habang naglalaro tayo." His hands was now moving towards the hemline of my shirt. "Sanay ka naman sa ganoon. Ginawa mo na iyon sa akin noon, gawin mo rin sa kanya ngayon."


"Get... off me..." Nanginig ang boses ko sa sakit na tumulay sa aking dibdib. Parang lason iyong mga lumabas na salita sa bibig niya. Bakit ganoon? Bakit? Hindi  ko maintindihan.


Parang siya lang ang may karapatang masaktan at magalit.


Parang ako iyong naunang nang-iwan kahit hindi naman.


Parang ako iyong bumitiw kahit ang totoo, kahit wala na siya, nakakapit pa rin ako.


Gamit ang kaunting lakas na pinilit kong ipunin ay tinabig ko ang kamay niya na halos nasa loob na ng suot kong bra. Iniwas ko ang katawan ko at pilit na kumawala sa kanya. Ang mga mata niya na kulay abo ay nakatitig sa mukha ko nang na harapin ko siya.


"Umalis ka na. I'm serious, Arkanghel. Darating ang tatay ko at kapag hindi ka pa umalis ngayon, hindi ka na babalikan ng fiancée mo dahil pipikutin kita!"


Pinipilit kong patapangin ang sarili ko kahit hinang-hina ako para lang matapos na itong kalokohang ito. Pero parang tinarakan ng punyal ang puso ko nang umatras si Arkanghel at damputin niya ang mg damit niya sa ibabaw ng kama.


Akala ko isusuot niya ang mga damit pero dinampot niya lang iyon para ihagis sa kung saan saka siya pabalandrang dumapa sa kama. Sumubsob pa siya sa unan bago niya ako lingunin.


"'Di mo ba ako narinig? Pag di ka umalis, pipikutin nga kita!" napasigaw na ako sa frustration. Gulong-gulo na ang utak at puso ko.


Pero kalmado siyang sumagot at lalo pang sumubsob sa kama ko. "'Ge lang."


Hindi ako makapaniwala. No, he didn't love me. But what was this?


Why was he acting so calm?


Why was he giving me this false hope... again?


Nakatulala lang ako sa kanya. Para akong tanga na nakatulala hanggang sa naramdaman ko na lang ang panghihina ko at pagbigay ng mga tuhod ko. Ngayon ko naramdaman lahat ng bigat. Napaupo ako sa sofa. Hinang-hina na ako. 


Nagsimulang manlabo ang mga mata ko sa luha habang nakatingin sa kanya. Naninikip ang dibdib ko nang mahinang magsalita. "Hindi kami ni Hugo..."


Hindi tuminag si Arkanghel sa kama.


Pero gusto kong marinig niya ang lahat ng gusto kong sabihin. Ang lahat ng pait na hindi na kaya ng dibdib kong kimkimin.


"Kahit kailan... Hindi naman naging kami..."


Kahit ngayon lang... Tutal ito na siguro ang huli... Gusto kong sabihin sa kanya ang lahat ng mga dati kong hindi masabi.


Wala pa rin siyang kakilos-kilos. Nakasubsob pa rin siya sa unan pero alam kong naririnig niya ako, na nakikinig siya sa sinasabi ko.


"P-pero siya iyong nasa tabi ko nang wala ka..." Hindi ko na napigilan ang aking pagpiyok. "Siya iyong naging kasama ko at kaibigan ko..."


Ang mga kamay ni Arkanghel na nasa gawing uluhan niya ay tumikom.


"Siya iyong hindi sumuko at nang-iwan kahit pa... kahit pa hanggang kaibigan lang talaga ang kaya kong ibigay sa kanya..." gumaralgal na ang boses ko. Hindi ko na kinaya ang sakit.


Doon na siya marahang bumangon sa kama. Namumula ang mga mata niya nang humarap sa akin.


"Hindi ako pwedeng magmahal ng iba kasi ikaw pa rin." Ang mga luha na pilit kong pinipigilan sa pagpatak ay nagsunod-sunod na at hindi ko na naawat pa. "Ikaw pa rin, Arkanghel..."


"Sussie..." Parang binuhusan ng malamig na tubig ang reaction niya nang makita ang mga luha ko.


"Sana hindi na lang kita nakilala..."


Tumayo siya at lumapit sa akin. Nagtatagis ang mga ngipin niya at may nagbabadyang luha sa magandang uri ng kulay abong mga mata niya.


Tiningala ko siya at sinalubong ang nakakalunod niyang mga titig. "Sana hindi ka na bumalik..."


"I'm sorry..."


Umiling ako habang patuloy sa pagpatak ang mga luha. "Sana hindi na lang kita minahal..." Napahagulhol na ako nang tuluyan. "Ang sakit-sakit mong mahalin..." Sumubsob ako sa mga palad ko at doon humagulhol.


Naramdaman ko ang paglapit niya. Ikinulong niya ako sa matitigas niyang braso. Hinalikan niya nang mariin ang ulo ko. "I'm sorry... I'm sorry..."


Niyakap niya ako nang mahigpit at isiniksik ang mukha sa pagitan ng leeg ko at balikat.


"Sorry din..." sagot ko sa garalgal na boses. "Sorry din, Arkanghel..."


Lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin na parang alam niya na kung ano ang susunod kong sasabihin. Nang tumayo ako ay ayaw niya pa ring bumitiw. Napaluhod siya sa sahig habang nakayakap sa bewang ko.


"Sorry, Arkanghel..." Masuyong hinaplos ko ang buhok niya.


Pinilit kong kumalas sa pagkakayakap niya kahit ayaw niya pa ring bumitiw. Sa huli ay nabitiwan niya rin ako. Nakayuko siya sa sahig at alam kong umiiyak na rin siya.


"Sorry kasi ayaw ko na... Pagod na pagod na akong mahalin ka. Gusto ko nang magpahinga..."


Dinampot ko ang bag ko na nasa sofa at tinungo ang pinto. Wala na akong pakialam kahit basang-basa ng luha ang mukha ko. Wala akong ibang gusto ngayon kung hindi ang makalayo.


Bago ko isara ang pinto ay nilingon ko pa siya sa huling pagkakataon. Nakayuko pa rin siya sa sahig.


"I can't lose you, Sussie..." usal niya na hindi magawang tumingin sa akin. Nanginginig ang mga balikat niya.


Mapait akong ngumiti kahit hindi niya nakikita. "Sorry Arkanghel, but you already lost me..." Pagkasabi'y basag ang puso na iniwan ko na siya.


JF

Continue Reading

You'll Also Like

1.1K 151 9
The #makeITsafePH is a campaign by Globe for cybersafety and security. Kindly read and spread to everyone!
5.6K 247 57
"You will always be my Angel, My Angela Marquez." - Angelo Flores Started: January 6, 2019 Finished: April 20, 2019 Edited version: July 26, 2020
717K 36.9K 20
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...
500K 19K 28
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...