"Love is first widening my eyes a little bit and quickening my breathing a little and warming my skin and touching..."
Secretary, A.I Artificial Intelligence
_____
(Abby's Point of View)
Mabilis ang pag-usad ng mga oras sa Xenica. Hindi na niya namamalayan na nagiging kampante at komportable na siya sa pamumuhay dito sa Xenica. Pinag-isipan niyang mabuti matapos ngang manganak siya na mag-stay muna rito hindi niya kayang mawalay sa kanyang mga mumunting anghel maging sa Patrem ng mga ito. Ireready na sana siya sa panibagong psychological remediation para kung sakaling gusto niya nang bumalik sa earth ay handa ang kanyang mentality. Unang tumutol si Philcan sa isiping iyon hindi raw nito makakaya na mawalay sa kanya. Maging siya rin naman lalo pa't pareho sila ng nararamdaman sa isa't isa at nagkaroon pa sila ngayon ng mga supling. Sa ngayon nga ay nakabitin pa rin ang usaping iyon sa konseho. Wala na rin namang magagawa ang mga ito dahil bahagi na rin naman siya sa pamilya ng mga Alpha. Nasa kanya na raw ang huling desisyon. Babalik naman siya sa earth pero hindi muna sa ngayon. Kapag bumalik siya sa earth isasama niya si Philcan at ang mga anak nila, pwede naman silang mag-stay ng matagal tagal doon tapos balik din dito sa Xenica. Oh diba ang saya! parang nangibang bansa lang, ay! nangibang planeta pala. Isusuggest niya 'yon sa kanyang Patrem Vulcan, hiling niya lang ay payagan siya nito.
Papunta siya ngayon sa training area ng mga beta naroon kasi ang kanyang Philetor. Mukhang nagwawala na naman ito.
"Abby! Ano bang nangyayari kay Philcan? kung gusto niyang makipag-away, huwag sa mga beta ko, may mission pa kami sa mga susunod na deibus," paghihimutok na salubong sa kanya ni Cerus.
Nagkibit balikat lang siya. Sumagi sa isipan niya ang nangyari kanina marahil ito ang dahilan ng pag-aalburuto nito.
Busy si Abby sa pagkuskos ng kanyang katawan. Nasa bathtub kasi siya ngayon. Nagfefeeling reyna siya ng mga sandaling iyon, talagang nilagyan pa niya ng mga petals ng hindi niya alam na bulalak pero sobrang bango.
Buti hindi naging kulay abo ang tubig dahil sa ginagawa mong pagkuskos sa katawan mo. Hinay-hinay naman 'te, hindi 'yan tubig alat.
Tumahimik ka nga diyan. Kita mong nagrerelax. Istorbo!
Relax na pala ang tawag sa paghihilod. Sosyal sa bathtub pa talaga ginawa.
Blah blah blah. Get lost!
Che!
Naputol ang ginawa niyang pakikipag-usap sa sarili ng pumasok ang kanyang si Philcan sa bathroom. Kanyang si Philcan!? Taray! Hihihi.
"Hmmm.. my kleinos bakit hindi mo naman sinabi na maliligo ka na pala," bigla na lang hinubad nito ang mga saplot at hindi na magkandaugaga sa pagtanggal noon habang mabilis na pumasok sa bathtub.
"Sus, kailangan ko pa bang sabihin sayo,"
"Hindi naman, sungit mo naman, buntis ka na naman siguro,"
Sinipa niya ito, magkaharap kasi sila sa bathtub, "Neknek mo, walang ovum sa male's pouch ko,"
"Palagyan natin ulit," nakangiti ito.
"Ikaw kaya magpalagay, kala mo madali lang ang manganak, nasaan 'yong mga bata?" iniwan niya muna kay Alala at sa mga omega ng kanyang mga anak kanina habang natutulog ang mga ito para nga maligo dahil feeling niya kasi losyang na losyang na siya sa pag-aalaga sa mga bata.
Ngumuso muna ito bago sumagot,"Nasa kwarto ni Patrem, siya daw ang magbabantay sa mga nepotem niya, wiling-wili nga hindi na pumunta sa headquarter... si Arccan at Gilcan gising na, si Lorcan naman tulog na tulog pa, ang takaw talaga sa tulog ng isang iyon. Mana sa daddy nila," tinutukoy nito ay siya. Gusto niya kasing tawagin siyang daddy ng mga ito para naman earthly ayaw niya ng Patrem. Kay Philcan na lang 'yon.
"So bakit ka nandito?" pagsusungit niya pa ring tanong dito.
"Tinatanong pa ba 'yan, syempre tutulungan kita sa pagkuskos sa likod mo," lumapit ito sa kanya at hinalikan siya sa leeg, "and because I missed you," hinalikan ulit siya nito ng dahan-dahan papunta sa ibaba ng kanyang baba.
Napapatingala na lang siya, naglalakbay na rin ang kanyang mapagpalang kamay sa likod nito. Hanggang sa marating niyon ang 'fermata' hinawakan niya iyon ng mahigpit, napapitlag ito.
Itinutulak niya ito ng dahan-dahan habang hinahalikan para siya naman ang pumaibabaw at lumipat ito sa kabilang dulo ng bathtub.
Siya naman ang humalik sa tainga nito at bumulong, "Tapos na akong maligo," 'yon lang at mabilis siyang umalis sa bathtub at nagtatakbong kinuha ang tuwalya palabas ng banyo.
"ABBY!" naririnig niya ang sigaw ni Philcan sa buong banyo. Kahit na nga ay nasa labas na siya ay dinig niya pa rin.
Bigla na lang nitong sinipa ang pinto ng banyo, hindi na hinintay ang automatic na pagbukas buti na lang hindi nasira iyon. Nagbibihis na siya ng lumapit ito sa kanya. Nakahubad pa rin ito pero naniningkit ang mga mata. At uhmm ang 'fermata' tayong tayo pa.
"Abenido Legarda are you making fun of me?!"
Pinipigil niya ang matawa, "No, of course not, tapos na talaga akong maligo, kanina pa ako nakababad sa tubig, masama iyon sa katawan ko," maang-maangang arte niya. Nagsusuot na siya ng puting t-shirt.
"Fine! Let's do that in bed!" ayaw pa rin paawat nito.
"Pupuntahan ko na kasi 'yong mga bata, milk time na nila," hinalikan niya ito sa lips, "Mamaya na lang, I love you, my love," ibinigay niya na rito ang kanyang towel.
"Grrrh! you're so cruel! hindi pa tayo tapos,"
"Bye, Rawr," hinawakan niyang bigla ang 'fermata' nito at pagkatapos naglakad na palabas ng kanilang kwarto. Nakita niya ang nakangangang itsura ng kanyang philetor ng isara niya ang pinto.
Napapangiti siya sa naalalang eksena nila kanina ni Philcan. Marahil iyon nga ang dahilan ng pag-aalburuto nito. Hindi na kasi siya bumalik sa kwarto nila pagkatapos ng pagpapagatas sa mga anak dahil naging busy na siya sa pakikipagkwentuhan kay Zenon. Inaalam niya kasi kung ano ang nararamdaman nito sa tuwing nakikita si Zion. Hehehe. Nakikitsismis siya. Siya ang magpapauso ng tsismis sa Xenica. Iyon ang magiging legacy niya. Hahahaha. Bongga!
"Bagay talaga kayo ni Philcan, pareho kayong baliw!" pagpansin sa kanya ni Cerus.
Pinalo niya ito sa braso, "Loko! ikaw ang baliw diyan, kumusta naman ang pagiging amo?" napag-alaman niya kasi na ginagawang utusan nito si Vlex ang kakambal ni Alala.
"Good as better," pagyayabang nito.
"Hay naku Cerus! sinasabi ko sayo, makakarma ka niyan, alam mo ba 'yon?"
"Hindi," maang-maangan nito.
"Bahala ka nga, huwag kang lalapit sa akin na umiiyak, babatukan kita!"
"Pigilan mo muna si Philcan bago mo gawin sa akin iyon, sinisira niya na ang training area, hindi iyon simulation room,"
Nakarating na sila sa training area nakita niyang pawis na pawis na si Philcan na nakikipagkarate sa pagod na pagod nang mga beta.
Lumapit siya sa gitna ng training area, "Tama na 'yan," pigil niya. Tumigil ang mga beta.
"No, continue," walang emosiyong sabi naman ni Philcan.
"Tama na," mahinahon naman niyang sabi.
"No, I said continue!" sigaw nito. Hindi na alam ng mga beta kung sino ang susundin sa kanila. Napansin niyang naguguluhan na ang mga ito.
Hindi siya tinitingnan ni Philcan, "Sige na, ako nang bahala rito," tinanguan niya ang leader ng squad na iyon. Tumingin ito sa galit na mata ni Philcan kaya hindi rin makaalis. Wala na siyang magagawa.
Sinuntok niya si Philcan, "Ako na lang ang kalabanin mo," pinagsusuntok niya ito pero nakakaiwas ito.
"What are you doing?!" naiiwasan nito lahat ng mga suntok niya. Bigla na lang nagsipag-atrasan ang mga beta. Napapaligiran na sila ng mga ito.
"I'm fighting you, nakita mo ng pagod na pagod na sila, gusto mo ba silang patayin?" nagpakawala siya ng suntok at sipa. Mga combination. Nasasangga nito lahat ng gawin niyang combination.
"Stop this Abby, hindi ka na nakakatuwa!"
"If this is what happened earlier, I'm sorry okay..I just..,"
"Don't mention it," nahuli nito ang isa niyang kamao.
Seryoso pa rin ito, walang anu-ano ay kinabig niya na lang ng isang kamay niya ang batok nito at siniil ito ng halik.
"Disperse!" narinig niyang sabi ng leader ng mga beta.
Tinugon ni Philcan ang kanyang mga halik. Hinawakan pa siya nito sa baywang ng isang kamay din nito para mas lalong idikit ang katawan niya sa katawan nito. At talagang naghalikan na sila sa gitna ng training area.
Habol nilang pareho ang bawat hininga ng matapos ang halikan.
"So, hindi ka na galit?"
"Hindi madadala ng isang halik ang inis ko," nakabusangot pa rin ito. Nagtataka siya sa sarili dahil mas lalong gumagwapo ito sa paningin niya kapag gan'on ang itsura.
"Asus," tinusok tusok niya ang tagiliran nito. Alam niya kasing may kiliti ito r'on pero ang pinakamalakas na kiliti nito ay secret. It's between him and him.
"Stop that," napapakislot ito at pinipigil ang sariling ngumiti. So sexy! Hihihi.
"Halika na nga," hinila niya na ito, "Ako na ang maglilinis sa'yo, ang dugyot mo na,"
"Totoo ba yan?"
"Oo, ayaw mo ba?"
"Gusto, pero gusto ko sa bathtub mo linisan ang katawan ko," parang batang sabi nito.
"Okay po masusunod mahal kong Alpha,"
Ngumiti ito, "Let's go!"
"Hay salamat natapos din, kanina pa ako nauumay dito," nandoon pa pala si Cerus.
"Who are you?" tanong dito ni Philcan.
"'Lol, ako ang iyong konsensiya,"
"May narinig kang nagsalita, daddy?" tanong sa kanya ni Philcan. Mukhang okay na ito dahil inaasar na nito si Cerus.
"Siraulo! Iwan mo na nga 'yan Abby para makarma!"
"Ano?!" asik dito ni Philcan.
"Wala, bye," bigla na lang humangin ng malakas at iyon ang hudyat na nawala na si Cerus.
Mabilis siyang kinakaladkad ni Philcan pabalik sa bahay.
"Ang bilis mo namang maglakad love,"
"Nangangati na ako,"
"Anong nangangati?"
Ngumiti ito, "'Yong katawan ko, marami ng dumikit na dumi," bigla na lang siya nitong kinarga na parang bagong kasal at lumipad.
_____
Bonus Scene
Philcan: Daddy, dito sa may batok ko punasan mo.
(Nasa loob ito ng bathtub habang si Abby ay nasa labas ng bathtub at nagpupunas ng buong katawan nito)
Abby: Ginagantihan mo ba ako?
Philcan: Huh? Bakit mo naman nasabi 'yan?
Abby: H'wag ka ngang magmaang-maangan diyan!
Philcan: Sinabi mo na lilinisan mo ang katawan ko. Bakit may gusto ka pa bang iba bukod sa paglilinis ng katawan ko?
Abby: I hate you! (Idiniin ang pagkukuskos sa likod)
Philcan: My beautiful kleinos, dahan dahan naman, sa dibdib ko naman. (Tumihaya na ito sa bathtub)
Abby: (Hahawakan sana ang dibdib ni Philcan)
Philcan: (Pinigilan ang kamay ni Abby) Ops. Gamitin mo 'yong pangkuskos. (Nakangisi)
Abby: I hate you! I hate you! I hate you!
Philcan: (Ngumiti) Uulitin mo pa ba 'yong ginawa mo kanina?
Abby: Hindi ko alam.
Philcan: (Stroking his 'fermata') Ay sayang naman.
Abby: Oh god! Hindi na. Sige na. Panalo ka na.
Philcan: (Tumawa ng malakas) Come here! and let me make love to you.
Abby: At last.
Philcan: Hehe. I love you. (Agad na lang hinalikan si Abby)