Ang Matabang Probinsyana (COM...

By SovereigndarkladyJ_

20.3K 668 16

Isa si PHIL sa bini-yayaan ng malusog na panga-ngatawan. Simpleng matabang babae na nani-nirahan sa probinsy... More

ANG MATABANG PROBINSYA
SIMULA
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
WAKAS
Special Chapter

20

509 20 0
By SovereigndarkladyJ_

PHIL'S POV:

PATINGIN tingin ako sa aking wrist watch, ewan ko ba kung bakit nakakaramdam ako ng excitement sa tuwing papatak ang ilang minuto dahil malapit ng dismiss. Ng malapit ng mag dismiss inimis ko na ang table ko at inilagay ko na sa bag ang mga gamit ko.

"May isang matabang babae po ang excited sa kanyang date"

Pag paparinig ni nuela na nasa aking tabi.

Kaya limingon ako sa kanya at sinamaan sya ng tingin. May araw ka rin saakin kala mo.

"Hindi ako excited no!"

Mahinang sigaw ko.

"Sus hindi daw, kaya pala patingin tigin ka sa relo mo"

Mapang asar na sabi nya saakin kaya tinaasan ko nalang sya ng kilay.

Lihim naman akong napangiti ng may maisip akong kalokohan.

"Uy! Si Jasfer oh!"

Agad naman syang napa tingin sa pintuan

Kita mo na pag dating kay Jasfer akala mo jeraff. Humahaba ang leeg kaka silip eh.

"Saan? Wala naman."

Sabi nya habang pinipilit silipin sa labas.

Napa hagikgik naman ako ng mahina.

"Joke lang"

Lumingon sya saakin at sinamaan ako ng tingin.

"Bwesit ka"

Napakagat ako ng ibabang labi ko dahil sa pag pipigil na h'wag tumawa ng malakas. Nasa gitna pa kasi kami ng klase.

Maya maya pa ay tumunog na ang buzzer hudyat na dismissal na. Agad akong tumayo at isinukbit na sa balikat ko ang aking bag.

"Mauna na ako sayo Nue"

Sabi ko at nag lakad na papalabas

"Hindi daw excited huh"

Rinig kong sabi nya pero hindi ko na sya pinansin pa.

Nasa gitna na ako hallway ng napahinto ako dahil sa kaba. Bakit ba ako kinakabahan? Papunta na kasi ako kung saan ang napag usapan namin kung saan kami mag kikita. Ayoko kasing pag tinginan nanaman kami.

Natatanaw ko na syang naka tayo sa labas ng kubo. Oo sa kubo.

Naka sandal sya habang napa pamulsa at naka tulala tila malalim ang kanyang iniisip.

Ang lakas talaga ng dating ng damuho na 'to. Kaya maraming nag kakandarapang babae sa kanya eh. Pero ako ang kinukulit kulit nya.

Ramdam kong sya ang batang lalaki na 'yon sa memoryang pumasok sa isip ko noong nasa mansion nila ako, pero wala pang kasiguraduhan dahil malabo ang muka ng batang lalaki.

Napahinto ako sa titig sa kanya ng mag tama ang pangin naming dalawa.

Dub dub...dub dub...dub dub

Wala sa sariling napahawak ako sa dibdib ko ng bumilis ang tibok ng puso ko, nagulat ako ng nasa harapan ko na sya habang naka titig sa mga mata ko.

May dumaang kakaibang imosyon sa kanyang mga mata pero agad ding nawala... Pero kahit ganon naintindihan ko kung ano ang imosyong iyon...

.







.





.


.

Pag mamahal at pangungulila...? Pero bakit?...



NASA isang barbecue-han kami, dito ko kasi naisipang pumunta ng tanungin nya ako kung saan ko daw gustong kumain, at dahil na mimiss ko na ang barbecue dito ko naisip. Dati kasi habang na sa probinsya ako nag titinda ako ng ihaw ihaw.

Nakita kong nag aalagan syang pumunta pero ginawa nya parin, oo nga pala hindi sya sanay dito dahil Rich kid.

Ako nalang ang omorder sa aming dalawa dahil hindi nya alam kung paano, pina upo ko nalang sya sa isang bench. Ng maibigay na saakin ng tinera ang lahat ng order ko ay agad ko na tong binayaran gamit ang pera ni Ellioner. Aba sya nang aya ng friendly date kaya sya dapat ang gumastos hehehe. Oo na friend na kami kahit nakakainis sya minsan.

Bumili narin ako ng maiinom namin bago nag lakad papalapit sa kanya at inilapag sa lamesa ang mga binili ko

"Oh ayan! Masasarap yan"

Naka ngiting sabi ko.

"Yeah"

"Huh? Naka kain kana ba ng ganyan?" Nag tatakang tanong ko

"Yes, and it's been a years nung huling kumain ako n'yan"

Oh ang tagal na pala

"Ang tagal huh"

"Oo kasi yung taong kayang pakainin ako nito, ay wala na...pero buhay na buhay pala at nasa harapan ko na"

Tumango nalang ako pero hindi ko narinig yung huling sinabi nya. Inayos ko na ang paper plate kung saan naka lagay ang betamak, isaw,balat,paa ng manok, at tocino. Bumili rin ako ng paborito kong tokneneng. Nilagay ko na ang sauce sa isang lalagyanan.

"Kain na!" Sabi ko kumuha ng isang tokneneng bago sinawsaw sa sawsawan nitong suka na nilagyan ng ibang pampasarap bago sinawsaw sa sauce masarap kasi pag ganyan ang ginawa. Nako paboritong paborito ko 'to.

Napa tingin naman ako sa kanya ng hindi parin sya kumukuha ng kanya kaya kumuha ako ng isang stick ng isaw at inabot sa kanya.

"Oh! Makaka kain kana ulit after a years! Hindi ko man alam kung sino yung sinasabi mong taong kaya kang pakainin ng ganito pero sana kahit papa'no ma try mo ulit na kumain hehehe"

Tinignan nya lang ang isaw na hawak ko.

Nako mukang ayaw nya talaga.

Akmang ibabalik ko na sa lalagyanan ng kunin nya ito saakin at mabilis na kumagat.

"Well, I've been wondering whats the taste of this after years and still delicious...you know what, I promise to myself na hinding hindi na ako kakain ng barbecue kung hindi sya ang kasama ko sa pag kain ng ganito, pero... I'll eat this because I already with you right now"


Hah? Ano daw?




------------------------


"OH bakit parang byernes santo yang muka mo?" Tanong ko kay nuela, napasimangot naman ito lalo. It's Thursday at kahapon ng yari ang aming so-called-friendly-date para saakin. Naging maayos naman kaso ang weird nya talaga kahit ka'lan dahil may mga sinasabi syang hindi ko naman maintindihan

"Eh kasi naman nakita ko nanaman si Josh na nilalandi ni Erica ito namang Josh tuwang tuwa! Nakaka inis! Argh!" Frustrate na sabi nya habang ginugulo gulo pa ang kanyang buhok.

Napa iling iling nalang ako.

"Nako, wag kana mag taka kahit sino naman nilalandi ng Erica na yon. Tara na nga at second subject na natin" yaya ko sa kanya at nauna ng mag lakad. Parehas kasi kami ng course na kinuha.

Katatapos lang ng break time namin at hindi namin kasama si Ellioner dahil may pupuntahan daw sya. Yung tatlo naman ay nauna ng pumasok sa klase nila, pareparehas kasing Business Ad. Ang kinuha nila, palibhasa ay may mga kompanya ang mga magulang nila, lalo na si Ellioner. Si Nuela naman kaya inis na inis kasi dumaan kami sa building ng 3rd year at nadaanan namin ung classroom nila Josh at nakita nyang hinaharot ito ni Erica. Kahit anong year ata papatulan non eh.

Stalker kasi ito ni Josh kaya alam nya.


Nasa 1 year building na kami at Paakyat na ng may mahagip ang mata ko sa gilid ng hagdanan kung saan may medyo kadiliman. Kaya napa hinto ako. Naramdaman ko pang nabunggo si nuela sa likod ko.

"Ano ba yan, bat ka huminto?" Sabi nya at nag lakad papunta sa gilid ko.

"Huy bakit?" Tanong nya pero wala doon ung atensyon ko.

Nasa dalawang taong nag hahalikan sa gilid ng hagdan.

Naka ramdam ako ng paninikip ng dibdib, may pinuntahan pala hah.

Nakita ko sa gilid ng mata ko na tumingin si nuela sa tinitignan ko.

"Uh-oh, patay kang bata ka! Huli pero hindi kulong!" Gusto kong matawa sa sinabi ni nuela pero hindi ko magawa dahil sa paninikip ng dibdib ko sa nakikita ko. Pag ka sabing pag ka sabi nyang yon ay tsyaka lang sila natigil sa pag hahalikan at tumingin saamin.

Umiwas na ako atsyaka nag patuloy na sa pag akyat at hindi na sila pinansin pa. Nakita ko namang tarantang sumunod saakin si Nuela. Buti nalang tumahimik sya.

Ng madaanan ko na sila ay naramdaman kong may humawak sa braso ko, kaya napahinto ako. At napahinto din si nuela.

"Phil." Mahinang banggit ni Ellioner sa pangalan ko. Oo si Ellioner, sya ang nakita ko sa tabi ng hagdan habang nakikipag halikan kay stacy.

T*ngnang to! Matapos tapos na mang yayang mag date makikipag halikan sa iba!

Phil? Nasaan na ang tawag nyang Prinsesa mena ko?

Tumingin ako sa kanya at tinaasan sya ng kilay.

"What!?!" Sigaw ko. Nakita ko namang napalunok sya at akmang mag sasalita ng mag salita si stacy sa tabi nya.

"Hi, phil! Nice to see you again!" No. It's not nice to see you. Gusto kong sabihin yan pero wag nalang.

Tinignan ko lang ng malamig si stacy at ibinalik ang tingin kay Ellioner.

"May pupuntahan pala ah" sabi ko, kinalas ko na ang pag kakahawak nya saakin at nag lakad na papalayo. Nakita ko namang may sasabihin pa sana sya saakin pero hindi nya tinuloy. Tsk bwesit na damuhong manyak na to! Matapos tapos maging kapit tuko saakin tas makikipag landian lang pala sa iba! At worst sa babaeng unang kita ko palang ay hindi na maganda ang kutob ko.

Naka rating kami sa classroom ng tahimik lang. Umupo na ako sa upuan ko at umupo naman si nuela sa tabi ko.

Bwesit! Talagang yon! Argh! Pero bakit? Bakit ganito yung nararamdaman ko? Parang pinipiga uung puso ko na hindi ako maka hinga sa nakita ko. Hindi pa ba ako masasanay? Pang ilang beses na ba to sa nag daang isang buwan? Tatlo? Apat? Pero nasasaktan parin ako kahit na hindi dapat. Oo alam kong maraming nag sasabi na sila kaya galit na galit saakin ang mga ka school mates ko dahil ako daw ang nagiging dahilan kung bakit nag kaka labuan na daw si stacy at ellioner. Tinanong ko kay ellioner noon kung anong meron sa kanila ni stacy dahil ayaw ko ng gulo, sinubukan ko ding umiwas pero hindi gumana, nandyan at nandyan parin sya. Sabi nya naman na walang sila at never naging sila. Pero sa nakikita ko alam kong sila...

Bakit nasasaktan ako, kahit hindi naman dapat kasi walang kami?

H-hindi ka-kaya?...may gusto na ako sa kanya? Hindi! Hindi pwede! Hindi ko sya gusto! Hindi pwedeng mag ka gusto ako sa kagaya nya... Pero bakit ganun kahit anong tanggi ng isip ko, sya namang agree ng puso ko. Hindi ako nababagay sa isang katulad nya, isa lamang akong matabang probinsyanang walang maipag mamalaki dahil laki lamang ako sa hirap na walang matandaan sa pag ka bata ko. Si stacy bagay na bagay sila dahil parehas silang mayaman.

Natauhan lang ako sa pag kaka tulala ko ng may daliring na nag pahid sa baba ng mata ko. Kaya tinignan ko si nuela dahil sya ang gumawa non.

"Best, pwedeng mamaya kana mag emote nandyan na kasi si sir hehehehe" sabi nya sabay peace sign.

Tinignan ko naman kung nandyan na si sir, nung nakita kong nasa harapan na sya ay nag buntong hininga ako at pinu-nasan yung pisngi ko na may bahid na pala ng luha, ganito ako tuwing nakikita ko silang nag hahalikan nung una ay inis na inis pa ako kasi bakit ako umiiyak at nasasaktan kahit hindi naman dapat.

Andami daming pwedeng pag make-out-an sa 1 year building pa talaga eh parehas naman silang 3rd year!

Nag si mulang mag discuss si sir kaya tamik lang akong nakikinig. Kung dati ay mahinang nag dadaldalan kami ni nuela pero ngayon ay hindi dahil alam nyang iba ang timpla ng mood ko ngayon.

---------------

HANGGANG matapos ang last subject namin ng tahimik lang ako. Nandito ako ngayon sa locker room, si nuela naman ay nauna ng umuwi sa dorm house nya kasi may gagawin pa daw sya.

Nilagay ko na lahat ng gamit ko sa locker ko. At ng malagay ko na lahat ay isinara ko na ito at nilock. Ng ma lock ko ay nagulat nalang ako ng may dalawang kamay na humarang sa gilid ko kaya napaharap ako. Saktong pag harap ko ay napatingala ako at nakita kong seryosong naka tingin saakin si

"Ellioner" mahinang sabi ko.

Nang maalala ko ang nangyari kanina sa may hagdan ay inis na tinulak ko sya pero hindi man lang sya napatinag.

Ng napagod na ako sa pag tulak sa kanya kahit wala din naman nang yayari ay inis na pumikit ako at agad na ang mulat.

"Ano ba!?! Hindi ka ba tatabi? Tabi! Aalis na ako!?!" Bulyaw na sabi ko.

Nag lean forward sya saakin kaya napa atras ako lapit sya ng lapit saakin kaya napa atras ako hanggang sa maramdaman ko na ang locker sa likuran ko.

Galit ko syang tinignan

"Hindi ka ba tatabi? Huh! Galit na ako kanina kapa!?!" Sigaw ko kahit na mag kanda duling duling na ako sa sobrang lapit ng muka namin sa isa't isa.

"Why?" Maninang tanong nya habang pabalik balik ng tingin sa mga mata ko at labi kaya napa lunok ako at napa kagat labi. Narinig ko namang mahina syang napa mura.

Hindi ko rin alam!

"Kasi nagagalit ako!" Sabi ko ulit.

"Hmm? Bakit nga?" Naka ngising sabi nya.

"Argh! Basta!" Muli ko syang itinulak pero ganun parin hindi parin sya umaalis

Ng hindi ko na kaya ay napaiyak nalang ako. Nakita ko namang taranta syang napahawak sa pisngi ko at pinupunasan ang luha ko. Tinabig ko naman ang kamay nya.

"Gusto mo talagang malaman hah! Fine! Nasasaktan ako! Nasasaktan ako dahil sa nakita ko kayong nag hahalikan ni stacy kahit hindi naman dapat! Oo aaminin ko na! nag seselos na ako!?! Alam mo kung bakit!?! Dahil gusto kita-no... Mahal na kita?! Sinabi ko noon na kahit kailan hinding hindi ako mag kakagusto sayo pero kinain ko din ang sinabi kong 'yon! Kahit anong tanggi ng isip ko! Pero ang puso ko ay sinisigaw na mahal na kita!?! Alam mo bang, dapat na pag aaral at pag pa-part time job lang ang dapat kung gawin, pag ka tung-tong ko dito sa lugar nyo? Pero nakilala kita! Kahit inis na inis ako sayo sa unang pag kikita palang natin! Dahil ang manyak manyak mo at ang yabang yabang mo! Alam mo bang ayaw ko aa mga mayayabang at mayaman na kagaya mo pero ako nahulog ako sa isang katulad mo!?! Masaya kana? Masaya kana b-" hindi ko na natuloy pa ang dapat ko sabihin ng maramdaman kong lumapat na ang malambot nyang labi sa labi ko.

kahit anong tanggi ko o pakikipag talo ng isip ko sa puso ko... Hinding hindi parin mananalo ang isip, kapag puso ang kalaban.


Napaka rupok mo Phil!

Continue Reading

You'll Also Like

27.6K 1.2K 23
Bata palang si Maxielle ay kilos lalaki na ito kahit manamit ay ibang iba ito sa mga kaedad niyang babae. Kahit magulang niya ay hindi siya mapapasuo...
316K 17.1K 29
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
93.2K 4K 26
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...