Blood of Roses (Mafia Series...

By frezbae

696K 31.4K 3.2K

Bloom grew up accustomed to moving from place to place because her father had many opponents. She knew that h... More

Guidance
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35

Chapter 32

15.3K 872 160
By frezbae


Chapter 32
Sabog


Everything went so fast. Kung gaano kabilis ang pangyayari ay siya rin ang bilis ng aking kaba.

Diego answered some phone calls. Nakaupo naman ako sa sofa at dinadamdam ang sakit ng aking ulo.

Isa raw itong hideout nilang magkakaibigan at lihim ito bukod sa kanilang tatlo. Kumpleto ang lugar na ito at maganda. Mayroong swimming pool sa labas na makikita ang ibabang view.

Agad na nandito sina Marco at Diego. Pinag uusapan nila ang pag tatraidor ni Don Cleo sa Organisasyon.

"Hindi ito nagustuhan ni papa," aniya ni Leon Monasterio.

Tumingin ako sa kanila at bumuntong hininga. I feel dizzy and hungry. Kahit ilang cake na ang nakain ko parang may gusto pa rin akong kainin.

"Alin doon?" si Marco. Si Diego naman ay lumapit na sakin at hinalikan ako sa pisngi.

"Ang pagpaslang ni Cleo sa ama ni Diego."

"Ano pa ang gusto mo?" tanong sakin ni Diego. Nasa amin na agad ang tingin ng dalawa.

I cleard my throat. "Ayoko nitong strawberry. May cake pa ba?"

"Meron naman. Wait." si Marco at agad tumawag ng katiwala nila.

Ngumisi naman si Diego sa akin. "Gutom talaga ang baby ko. Ano pa ang gusto mong kainin?"

"Ikaw," sagot ko na ikinasipol ni Leon. Sisipol sipol lang ito pero hindi nakatingin sa amin.

Humalakhak si Diego at hinalikan ako sa labi. Natahimik rin siya dahil alam niyang sinusubukan ko lang gawing masaya kahit na nasa ganitong sitwasyon.

Parang may sariling mundo kaming dalawa kahit na nilapag na ni Marco ang cake sa harapan namin. I am glad that his friends care for me. They are so great. Hindi nagkamali si Diego na pinili niyang maging kaibigan ang dalawang ito.

Marami akong iniisip. Ito.. yung sitwasyon na kung saan kami ngayon. Si Don Cleo ba ay may alam? Kung mayroon man bakit niya hinayaan nalang na balak akong patayin ng kambal ko.


Pinatulog ako ni Diego habang nag uusap sila ni Marco at Leon. Hindi ko masabayan ang usapan nila lalo na ang iba ay hindi ko naman alam.

Palubog na ang araw nang magising ako at biglang nasuka. Nasapo ko ang labi at tumakbo sa banyo para doon masuka. Lahat nang kinain ko ay naisuka ko. Pakiramdam ko ay nagkasugat ang aking lalamunan sa sobrang pagsusuka.

Ramdam ko ang kaba sa aking dibdib at   ako ay pawisan. Parang nawalan ako ng lakas ng bumalik ako sa kuwarto at may kumatok sa pintuan.

Lumapit ako doon upang buksan at bumungad sakin ang tauhan nila Diego at Marco.

"Madam. Kailangan na nating umalis. We're ambush!"

"W-What-"

Hindi pa natapos ang aking reaksyon nang may magpaulan sa amin ng putok.

Hinila ako ni Tres padapa para hindi matamaan.

"W-Where's Diego?"

Sobra ang kaba ko at nahihilo.

"Madam, wala nang oras!"

"Don't shout at me! Nasan si Diego?!"

Pinagpawisan si Tres at napapikit. "Madam..ung kapatid niya binaril ni Don Cleo. Hostage nila ngayon si D-Diego- Madam!"

Bigla akong nahilo at napahawak sa braso ni Tres.

"No..." gusto kong umiyak ngunit gusto ko ring manakit. Sinapo ko ang aking tiyan ng kumirot iyon.

"Madam! Tara na! Sugatan na si Boss Leon sa labas!"

So ibig sabihin habang hostage ni Don Cleo si Diego ay pinagbabaril naman kami dito ng tauhan niya? Wala ba siyang pusong ama?

Ang daming emosyon ang nasa puso ko ng mga na iyon. Bakit nagagawa ito ng sarili kong ama? Bakit nagagawa ito ng sarili kong kapatid? Bakit nakikita ko sa ibang tao ang kapayapaan na hinahangad ko?


Tres escorted my way out. Sa kabila nang aking nararamdaman ay pinapatapang ko ang aking loob. Sa mga ganitong sitwatsyon ay walang puwang sa aking sistema ang takot.

Basag na ang mga bintana at kalat ang kuwarto. Nakahawak si Tres sa kanyang cellphone habang ang isa niyang kamay ay nandoon ang baril.

"Boss, palabas na kami. Yes boss!"

"Shit!" napamura ako ng makita kong may tatlong nagpapaulan ng baril samin. Nagtago kami sa isang cabinet lamang at konti nalang ay alam kong matatagusan na kami ng bala.

"Madam.. Dapa kalang diyan! Ahh!"

Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong ang tama ng bala ni sa balikat ni Tres.

Kinagat ko ang labi. "Walang dapa dapa sakin Tres!"

Kinuha ko ang malaking lampshade sa ibabaw ng cabinet at pinukol sa ulo ng bumabaril sa amin at sapol na sapol ko iyon.

Napasipol ako. Maraming gamit dito. Sayang lang kung hindi ko magagamit sa ganitong sitwasyon.

May nakita akong duguan na katawan nang gapangin ko ang mamahaling frame sa dingding at hinampas iyon. Nagkanda basag iyon sa sahig.

"Madam! Delikado!"

Wala akong takot na nakatayo at saktong lumabas ang ulo ng dalawang nambabaril ay hinagis ko sa kanilang ulo ang mga basag na bahagi ng Frame at tumusok iyon sa kanilang mga mata bago ako dumapa.

Agad naman silang pinagbabaril ni Tres nang makitang humiyaw ang mga iyon.

"Woah! Grabe Madam! Ang galing mo-"

"Shut up!" ungol ko at hinaplos ang aking puson. It's getting worst. Sumasakit iyon ng sumasakit.




Ingat na ingat kami palabas ng hideout nila na ngayon ay parang hindi na maipaliwanag ang paligid nang makalabas kami. Ang daming katawan na nasawi at mga usok. May humintong sasakyan at agad kong nakita na si Leon iyon.

Pumasok ako doon at nangunot ang noo ng hindi pumasok si Tres.

"Dito nalang ako Boss At Madam. Kailangan matulungan ng mga sugatan."

May kung anong humawak naalambot na bagay sa aking puso. Kakaiba ang pagmamahalan ng organisasyong nabuo nila Diego bukod lamang sa selfish kong ama.

Pinaharurot agad ni Leon ang sasakyan. Huminga ako ng malalim.

"Dalhin mo ako kay Diego.." gumaralgal ang aking boses.

Umiling siya. "Hindi puwede. Papatayin ako ni Marco at Diego pag dinala kita doon."

Bumuhos na ang luha ko. "Hindi puwede. Dahil kung ano ang mangyari kay Diego doon na wala ako...hinding hindi ko kayo mapapatawad." banta ko.

Pumikit si Leon ng mariin. "Damn! You sounds like my wife!"

Umiwas ako nang ibahin niya ang rota ng kanyang sasakyan.


Pinikit ko ang aking mga mata upang makapag isip at ikalma ang sarili. My stomach ached so much. Lihim ko iyong iniinda. What the fuck is happening in my stomach?

Diego... don't do this to me. Ayokong mawala ka sakin.

Dumaloy ang aking luha at pasimple ko iyong pinunasan.

"Papatayin talaga ako ni Diego dahil dadalhin kita doon."


Hindi ako umimik. Ito na yata ang araw na pinaka nakakastress. Hindi ako makapag isip ng maayos. Ang daming lumalabas na negatibo sa isipan ko.



"Mystique..."

"Hmm?" tipid kong sagot.

"No matter what  happens please.. Don't give up hope. Mas marami pang nangyari na ganito noon at nalampasan namin iyon at alam kong malalampasan niyo ito."

"Bakit hinostage si Diego ni Cleo? Para ano pa?"

"Because Felix killed your twin."

Napalunok ako at napapikit.

"Dahil palaban si Felix ay si Addelyn ang pinagbuntunan. Nagalit si Diego nang pagsamantalagan ni Cleo si Addelyn. It fueled the fire Mystique."

"Galit na galit si Cleo dahil pinabagsak lahat ni Diego ang kanyang maruming kumpanya. Cleo back on zero." he added.

Ang daming nangyari sa mga araw na nagpalayo layo ako. Ang araw na walang kontak sakin si Felix. Ang araw na sinundan ako ni Diego at sugatan siy. Ang araw na pinatay ni Cleo ay ito na pala iyon lahat na nang nangyari.



Sinapo ko ang sentido ko na tila ba sasabog ito sa sakit. I licked my lips.

"Gusto k-kong makita si Diego.." I cried. Nagsisi ako kung bakit pa ako natulog at nagising na wala siya. Hindi ko alam kung mahahawakan ko pa siya.

Malayo layo ang aming pinuntahan dahil nang makarating kami sa liblib na lugar at mahabang tulay ay doon ko nakita ang isang sasakyan na napapalibutan ng apat na sasakyan. May sasakyan na malapit samin at nakita kong kay Marco iyon.

Kinabahan ako lalo. Umayos ako ng upo at napahilamos ng mukha si Leon nang may tumawag sa kanya.

"Sinong sasakyan ang napapalibutan?"

"Kay Diego..."

Umawang ang labi ko at sinagot ni Leon ang tawag. Niloud speaker niya iyon.

"Why the fuck did you bring Mystique here?!" pagmumura ni Marco. "There's a bomb anywhere here!!Alam mo bang nakawala si Diego pero ang dami niyang sugat!"

Nasapo ko ang bibig. "M-Marco..please connect me to Diego please..."

Parang sasabog na ang puso ko sa kaba.

"Fine.."

Biglang may sumingit na linya sa usapan nila. Alam kong hightech ang mga cellphone nila at pinagsasalamatan ko iyon.

"Diego! Ayos kalang ba? Bakit mo'ko iniwan?!"

"Mystique.."

Nagrattle na ako nang marinig ko ang nahihirapan niyang boses.

"I can't get out of here-"

"Don't say that! Makakaligtas ka!"

"Marco... our team is everywhere." singit ni Marco.

"But the bombs are everywhere! Fuck!"

"Felix doing everything he can! He's an expert trust him!"

"Diego please..." Nanginginig na ako sa iyak. "Uuwi ka sakin diba. Why are you doing this to me?"

Natahimik silang lahat at lalo akong nanlumo nang narinig ko ang mumunting hikbi ni Diego.

"Baby... They raped my sister. God knows how much I want to kill them!!"

Napatili ako ng may bumaril ng ilang beses sa kotse ni Diego. Hindi ko na masundan dahil kahit si Marco ay lumabas na rin sa sasakyan at nagpalitan ng baril.

"Fuck! Malapit nang sumabog! Get out Diego!!" Marco shouted.

"Diego please... " I begged.

"Fuck! My leg is trapped!" he shouted. Nawala ang linya ni Diego at mas kinabahan pa ako lalo.

Leon and Marco cursed.

"Diego I am pregnant! I am pregnant!" napatili ako nang masabi ko iyon dahil sa malakas na pagsabog at kahit ang aming sasakyan ay tumilapon sa sobrang lakas ng pagsabog.

Continue Reading

You'll Also Like

652K 33.3K 33
1ST BOOK OF BRIDE SERIES✨✨ Don't do this, leave my parents, don't ruin my life, I will die. She was begging infront of him joining her both hands. Th...
1.5M 84.9K 84
Daksh singh chauhan - the crowned prince and future king of Jodhpur is a multi billionaire and the CEO of Ratore group. He is highly honored and resp...
996K 24K 43
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...
1.6M 108K 200
**Story is gonna be slow paced. Read only if you have patience. 🔥** Isha Sharma married a driver whom she had just met. She was taking a huge risk...