REBEL HEART | TRANSGENDER X S...

Por spirit_blossom

124K 7.7K 2.8K

Rebellious and an only child, Rhiannon Engres Fuego yearns the attention of her father. Kung kaya gumagawa si... Más

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59

Kabanata 21

1.9K 126 91
Por spirit_blossom

The boiling of my blood happened fast and memories of her ridiculing my parents crashed like waves of ocean. The very reason this all happened.

"You—" tutok ko ng daliri at susugod na sana pero natigilan sa boses ni Gino.

"Subukan mo." sabi niyang maaligasgas.

I was that pissed that he wasn't even in my focus! Nahimasmasan lamang ako nang magsalita nga siya. Nakatingin ng seryoso sa akin habang nakasabit ang itim na back pack sa isang balikat. Si Gino naman ngayon ang pinagtuonan ko!

"Ba't ka nagdadala ng hitad dito ha?" sita ko.

I should be careful with my words especially with all what happened between us, pero hindi ko talaga mapigilan lalo na kung ang bruha ang dahilan ng lahat!

"Tititig ka na lang? Palabasin mo na!" Tinuro ko ang nakabukas pa ring double-door. Gino pursed his lips.

"Hindi."

Napunit ang puso ko. Hindi ko rin naman pala siya maaasahan kaya ako na mismo ang dumakma sa braso ni Stephanie.

"Stop! Nasasaktan ako!" Tili ni Stephanie nang kaladkarin ko siya palabas. She smelled sweet strawberry. Dumoble ang inis ko nang maisip na baka nagpabango pa siya para kay Gino.

"Gusto mo bang ipahabol pa kita sa mga aso namin ha?" Diniin ko ang mga kuko ko sa balat niya.

Stephanie made a painful cry and it was such music to my ears. Hindi pa man kami nakakalapit sa labasan nang maramdaman kong kumapit sa kabilang palapulsuhan ko ang kamay ni Gino. Natigilan ako.

"Tumigil ka nga, Rhiannon. Nakakasakit ka na," suway ni Gino.

I really don't understand how his voice is making an impact to me. Sumunod nga ako sa kaniya na parang bata. Padabog kong binitawan ang braso ni Stephanie.

"Nananadya ka ba talagang mainis lahat ng tao sayo rito? I was trying to help you last night, 'coz just in case you didn't know you're being reconsidered. Gusto kitang tulungan pero pati pala ako babanggain mo na?"

Pumiglas ako sa hawak niya pero hindi ko matanggal. Humigpit pa nga lalo nang pagsalitaan ko siya.

"Lagi ka namang ganiyan at 'yan ang problema ko sayo. Tingin mo kaaway mo ko. Lahat naman ng gusto mo ginagawa ko para mag-iba yang impresyon mo, pero kahit anong sunod ko ganu'n at ganu'n pa rin ang nakikita mo. Hindi pa nga kita girlfriend nagmamaktol ka na ng ganiyan. Ano pa bang gusto mong gawin ko ha?"

Tumambol ang puso ko! Namali ba ako ng rinig sa isang parte kanina?

"You're being friends with my enemy! Ano bang gusto mong isipin ko?" pagpumiglas ko ulit kaso hindi talaga ako pakawalan ng damuho.

"Gusto mo bang sabihin ko talaga sayo? Puwede rin naman nang magtigil ka na." hamon naman niyang hindi napipigtas ang titig ng mga mala-uling na mata.

Nag-init ang dalawang pisngi ko nang may mabuo sa isip. "S-Shut up!"

Gino sighed. "Nandito si Steph kasi partners kami sa project. Nag-suggest ako kaninang sa classroom na lang namin gawin kaso magiging busy raw siya bukas para magsukat ng mga susuotin niya sa pageant. Ganu'n din sa darating na linggo."

Napabagal ako sa pagpupumiglas hanggang sa tuluyang napahinto. Bakit siya nagpapaliwanag? Nabasa yata ni Gino ang nasa isip ko kaya nagpatuloy siya.

"Gusto kong mapanatag 'yang isip mo kaya sinabi ko. Hindi mo ko kaaway. Hindi mangyayari kasi kung alam mo lang ang totoo na," before he stopped himself with great effort, as if he was so close to say something forbidden.

Curiousity poured me in. Napatitig na lang ako sa kaniya at sa mga naka-igting niyang panga. Gusto ko siyang pagsalitain pa kaso ayoko namang may maisip siya tungkol doon. Paano kung mahalata niyang interesado ako?

"Fine." Tumingin ako paibaba sa mga kamay namin. "Let me go na nga."

Gino did. Nakakapagtaka pero namalagi pa rin sa balat ko ang pakiramdam ng magaspang niyang palad. Naramdaman ko pa rin kahit hindi niya na ako hawak. I turned towards Stephanie.

"Subukan mo lang inisin ako at makikita mo talaga hinahanap mo," pagbanta ko at nilagpasan siya, ngunit bago ako lumabas para pumunta sa garden, sinigurado ko munang paikutan siya ng mga mata.

"B¡tch."

Dinner came.

Hindi pa rin tapos ang dalawa sa ginagawa nilang research topic kaya naabutan na tuloy ni Papa. Pumunta kasi siya sa council meeting ng mga barangay captain kasama ng vice-mayor. Nagulat siya nang may makitang kaklase namin sa living room kaya inaya niya na ring maghapunan kasama namin. Hindi man lang nagpakipot ng kaunti ang bruha at nagtanong pa talaga kung ano bang hapunan namin.

I have never been this pissed infront of dinner! Hindi ganito katindi ang inis ko noong mga beses na nag-aasaran pa kami ni Gino!

"So you're saying you're one of his friends?" Tanong ni Papa sa kaniya sa kalagitnaan ng pagkain naming apat. Tumango si Stephanie.

"Yes po. Totoo nga po magkatabi pa kami ng upuan. Super bait po ni Gino. Minsan sa kaniya pa ko nagtatanong pag di ko na-gets 'yung turo nila ma'am. Gino's been my boy friend eversince he transferred."

Napatigil ako sa pagnguya nang tila magpintig ang dalawa kong tainga. Tumingin ako sa harapan kung saan sila magkatabing nakaupo ni Gino. Napasimangot ako lalo.

Did she just call him her boyfriend?

"Natutuwa naman akong marinig yan. To tell you the truth, hija; nag-aalala kasi ako noon na baka wala siyang maging kaibigan sa klase." Umukit ang mabining ngiti sa labi ni Papa.

I agree. Napaka-angas kasi ng dating ni Gino nu'ng bago pa lang siya. Pareho kami ng naisip ni Papa. I thought Gino will be an outcast in class since most of us grew in a lavish upbringing. Pero namangha ang mga kaklase ko sa kaniya lalo na nang malamang nagmamaniobra siya ng mamahaling motorsiklo at magaling pang makipagsuntukan. The tables flipped and everyone in class admired him.

I glanced at Gino. Hindi siya umiimik sa dalawa at nananatiling tahimik na kumakain. Was it me or he really looked uninterested?

"Kumusta na pala 'yung mga pasa mo?" tanong naman ni Papa, at kung hindi pa niya nabanggit hindi ko rin maaalala.

"Oh, it's fine na po, mayor. Very fine, actually. Tingnan niyo po parang walang bakas." Tsaka pinakita ng bruha ang braso at siko niya.

"Siguro nga unang araw pa lang ganiyan ka na, eh. I really knew it was make-up." Tumawa akong pasarkastiko. Tumikhim naman si Papa.

"Rhiannon." He glanced at me sideways with those subtle warning in his eyes. Uminom na lang ako ng orange juice.

"Puwede po bang magtanong?" Si Stephanie.

"Sure, hija." Umismid si Papa.

"Magkapatid po ba sila Rhiannon at Gino?"

I almost spit out the orange juice that was still in my mouth! Anong klaseng tanong iyon?

There was silence for a moment. "Hindi, hija. Foster-siblings. Isa sa kanila ang hindi ko tunay na anak." Papa told.

Hindi niya masabi ng diretso na ampon niya itong isa. Hindi na ako magugulat kung balang araw tatawagin niya na ring totoong anak si Maginoo. Bumuga ako ng hangin nang kaunting mangirot ang dibdib.

"Buti hindi ka nagkakagusto kay Gino, Rhian, ano?" tanong ng bruha nang balingan ako.

"You're asking nonsense, Steph. S-siempre, hindi." Hindi ko alam kung namula ako pero naramdaman ko ang pag-init ng magkabilang pisngi ko lalo na nang sumulyap rin sa akin si Gino. Umusbong naman ang malditang ngisi sa mapulang labi ni Stephanie.

"Oh, it's not nonsense. Sigurado akong alam mong nakuha niya halos lahat ng atensyon ng mga kaklase natin lalo na ng mga girls. Hello, pati kaya ibang kaibigan ko crush si Gino."

Umurong ang dila ko. Paano kayang hindi siya nahihiya sa mga pinagsasabi niya? Gino can hear her from their seats. Even Papa!

Hindi ko ipagkakailang napamulahan ako sa mga sandaling iyon. Naramdaman ko talaga ang pag-angat ng dugo ko patungo sa dalawang pisngi. Bakit ganito na ang usapan namin sa mesa?

Pumunta ang isa naming katulong upang sabihin sa tatay ko na may tumawag sa telepono. Papa left his seat and excused himself.

"Tumuloy lang kayo sa pagkain. Steph, wag mahihiyang kumain pa, ok."

"Opo, mayor." ngiti nito.

"I'll be back shortly." Tumango naman si Papa bago tuluyang umalis.

Nakahinga ako ng maluwag. Hindi ko kasi alam kung paano ko sasagutin ang bruhang ito habang nasa paligid namin si Papa, pero ngayon ngang naiwan na kaming tatlo malaya na akong pagsalitaan siya.

"Pag pinukpok ko kaya ng pinggan 'yang ulo mo maaayos na mga tanong mo?" pag-taray ko at tumawa lang ang bruha.

"Bakit ang init ng ulo mo? Rhian, come on, take it lightly. I'm just asking."

"Paano your questions are out of line na, Steph. Tingin mo ba nakakatuwa ka pa?" Humigpit ang hawak ko sa kutsara at masidhing pinigilan ang sarili na 'wag itong paliparin sa noo niya.

Napahawak siya sa sariling dibdib at umarteng tila nagulat. "Hindi ba? Oh, gosh, sorry. I didn't mean to offend, Rhian. Na-curious lang kasi ako kasi hindi naman kayo magkadugo pero nakatira kayo sa iisang bubong. You see him almost everyday. Teka, ba't nga ba nagagalit ka, ha? Napaka-defensive mo."

Natahimik ako. Napagtanto ko rin bigla na iba na nga ang nagiging reaksyon ko sa mga tanong niya, at aminin ko man o hindi sa sarili ko ngunit tama siya. Nagiging defensive nga ako.

Hindi na pinagtuonan-pansin ng bruha ang pagkain niya. Humalukipkip siyang nakasandal ang likod sa upuan. Naka-angat ang isang sulok ng bibig.

"You have a crush on him, right? You have a crush on Gino." sabi niyang bigla.

The beating of my heart became faster. Tumindi pa lalo nang mapansin kong nakamasid rin sa akin si Gino. Hindi ko alam kung kanina pa ba siya nakamasid sa akin o nito lang. Nakatingin sila pareho tila naghihintay ng sagot ko. Gino had a serious look on his face.

Hindi na ako ginapangan ng galit at sa halip mas nanaig na ang takot na bumalot sa buong katawan ko. The fear that someone might notice my feelings for Gino.

"B-Bakit naman ako magkakagusto sa kaniya? Yuck, ha. He's.. he's not my type.. ok. Gino's so different from my taste. Gusto ko yung mga singkit tapos mapuputi, at gaya rin ng sabi ni Papa m-magkapatid kami. Gód, Steph. Gino's like my brother na kaya."

Bumaling ako isang beses sa binata at nahuli ko ang pag-igting ng mga panga nito. Hindi na ko uling tumingin sa kaniya. Stephanie had a great satisfaction on her red lips.

"Oh, oo nga, naalala ko bigla. Hindi ba't kayo nu'n ni Renzo?"

"He's not my boyfriend." sagot ko na kahit sa dalaga ako nakatingin, sa katabi niya naman ang sagot ko.

"Hindi ba? Oh, my. Hindi naman pala kayo pero ba't binigay mo sarili mo sa kaniya?"

Namilog ang mga mata ko.

"Ano?" tanong ni Gino at sa unang beses narinig rin namin siyang magsalita.

"Renzo claimed Rhian before. Hindi mo ba narinig noon ang nangyari sa kanila?"

"Kailan?" Gino asked in a rough voice. Nandoon ang magkahalong galit at gulat sa tono niya habang nakabaling ng bagsak ang mga kilay sa katabing dalaga. I shut my eyes tightly and bit my lip.

"Sa birthday raw 'yun ni Renzo. Oops, my bad, hindi mo pa pala naabutan 'yun, Gino. But if you want to confirm it better ask anyone in class. Sikat naman silang dalawa kaya halos lahat alam ang namamagitan sa kanila pati na rin 'yung ginawa nila."

"S-Shut up! Hindi 'yun totoo! You're not even there to begin with!" utal ko nang manghina ako sa isiniwalat ni Stephanie kay Gino.

"Huh? Duh, Rhian. I don't even need to be there to know it. Boyfriend kaya ni Monique isa sa mga teammates ni Renzo. Hello?"

"N-Nothing happened that night." Sagot ko, dahil pakiramdam ko ito na lang ang laban ko, ang totoo. Wala naman talagang nangyari sa amin nu'n. People didn't even know that he nearly raped me. Warm tears formed on the sides of my eyes as memories of that night came rushing back.

Stephanie sighed. "Fine. E di hindi na kung hindi. Gosh. Paano mo naman pala itatanggi 'yung mga beses na nakikipaghalikan ka sa kaniya? Oh, Rhiannon. Hindi mo ba alam ikaw minsan ang pinagkukuwentuhan nila sa locker room after training? Napaka-wild mo raw humalik."

Tumakas na yata ang mga dugo ko sa katawan pagkatapos nu'n. Napaawang na lang ang bibig ko. Nakaramdam rin ako ng panglalamig tila ba nabuhusan ako ng nagyeyelong tubig sa likod. Hindi ko kasi akalaing ipagkakalat ng hayop na iyon ang mga ginagawa namin dati. I respect the relationship that we had before no matter how sh¡tty. Ava didn't even know anything. Hindi niya alam na ganu'n kami ka-liberated pag kaming dalawa na lang ang magkasama. Hindi niya alam na nakakagawa ako ng mga ganu'ng bagay dahil ang isip ko nga nu'n mahal ko si Renzo. Pumulupot ang bituka ko nang mapagtantong ganu'n pala ang naririnig ng mga teammate niya tungkol sa akin.

Renzo, you jérk!

Bumaling na uli sa akin si Gino. Tumingin siya ng seryoso at samu't saring emosyon ang nakita ko sa mga mala-uling niyang mata. Naroon ang gulat, ang galit, at ang sakit.

Tumingin ako ng matalim kay Stephanie. Nakaambang nang tumulo ang mga luha ko pero bago pa man ito bumagsak nang pagsalitaan ko siya ng masama.

"Tangina mo." padabog kong binagsak ang mga kamay bago ako tumayo at nagmamadaling lumabas ng silid-kainan.

Hindi ako nakatulog nung gabing iyon. Tumitig lang ako sa kisame habang nakahilata sa sarili kong kama. Tu-yo na ang bakas ng mga luhang gumapang sa aking pisngi. Naiwan na lamang ang mga balisang lumalason pa rin sa aking isip mula nang magkulong ako sa silid.

Pumikit ako ng mariin. I tried to ease the anxiety creeping within me but it was too strong. Hindi ko matanggal sa isip. Nadadagdagan pa nga ang mga tanong ko sa sandaling lumilipas.

Bakit kinuwento ni Renzo? Ano pang mga sinasabi niya sa mga teammates niya bukod doon? Paano kung nagkukuwento pa pala siya ng mga kasinungalingan tungkol sa aming dalawa? Paano kung may iba pa siyang dinadagdag na hindi ko naman talaga ginagawa? Bakit wala man lang ni isa sa teammates niya ang nagsabi sa akin? Ano nang tingin sa akin ni Gino?

Bumuga ako ng hangin. Naalala ko na naman ang tinging binigay sa akin ni Gino kanina at para bang may humawak ng mariin sa aking puso. Nanikip ang dibdib ko. Dumilat na lang ako para matakasan ang imaheng nagmumulto sa isipan ko.

Umambang na naman ang mga luha sa sulok ng mga mata ko.

Sh¡t.

Bakit ko ba kasi pinauna ang takot ko? Bakit ko ba kasi pinaandar ang pangamba kung sakaling malaman ni Gino ang totoo? Siguro kung umamin lang ako kanina baka hindi naman kami makakarating kay Renzo. Siguro kung nagsabi lang ako ng totoo e di sana hindi niya maririnig na wala akong gusto sa kaniya.

Hindi dapat ako ang matakot. I'm a Fuego. Sila ang dapat na matakot sa akin.

Bumuga na naman ako ng hangin. Hindi ko alam kung kailan ko pa huling sinabi iyan, pero ang tanging pagkakatanda ko napakatagal na.

Siguro nga talagang nagbabago ka na, Rhiannon.

I've decided to freshen up to wash away stains of my tears and sweats from hours of hard crying. I put on my skincare after, before going down to our kitchen, to have a glass of milk. Tahimik na ang pasilyo nang makalabas ako kasi nga malalim na ang gabi. Tulog na ang mga tao sa mansyon nang mga oras na ito.

Nakalagpas na ako nu'n sa tapat ng cuarto ni Gino nang may marinig ako.

"Ah!"

I stopped.  Pumintig talaga ang dalawang tainga ko nang may marinig na ungol.

"Ah! Yes!"

Lumingon ako. Tumitig ako sa nakasarado nang pintuan ni Gino. Hindi ko alam pero biglang nangarera ang puso ko lalo na nang ma-pamilyar-an ko ang boses ng babae. Hindi ko lang pinaandar ang nasa isip. Napakalalim na ng gabi. Panigurado namang nakauwi na kanina pa si Stephanie. Ngunit narinig ko uli nang mas klaro ang makamundong ingay na nagmumula sa silid niya. Napatambol lalo ang puso ko nang marinig pa ang pangalan.

"Ah! Gino! Ganiyan!" mas malakas na ungol.

Nahuli ko ang sariling napatitig. Nakaawang ang bibig habang nakadikit ang mga mata sa pinto ng silid ni Gino. Napailing ako nang matauhan.

Are they..

Hindi ko alam kung anong tumakbo sa utak ko at bumalik ako sa tapat ng silid niya. Bumaba ako ng tingin atsaka nanginginig kong inabot ang doorknob; at dahil nga mas malapit na ako kaya mas malakas kong narinig ang mga impit na ungol ng dalaga sa loob.

"Ah! Sige! Ah!"

"Gino!"

"Sagad pa!" ungol niyang punong-puno ng pagkasenswal.

Marahas kong kinagat ang ibabang labi. Mariing nag-utos ang puso kong buksan ang pinto, pero bago pa man ako magpatangay sa bugso ng damdamin ko, nang bitawan ko ang doorknob at nagmamadaling pumanaog.

Humihikbi ako habang bumababa ng hagdan, at ang plano kong pagpunta sa kusina hindi na natupad, sa halip dumiretso ako sa sala. Umiyak ako du'n ng malala habang nakaupo sa sofa. Bumuhos ang mga masasaganang luha ko na para bang hindi ako umiyak nang umiyak kanina.

I hugged my knees tight. Hindi ako lubayan ng mga makamundong ingay ni Stephanie at pakiramdam ko sa tabi ko lang sila gumagawa ng milagro. I breathed sharply. Bumuhos lalo ang mga luha ko pagkatapos.

"Hindi. Hindi. Wala kang narinig. Wala, Rhiannon. Wala," nangingiyak kong alo sa sarili, at nang yakapin ko ng mas mahigpit ang magkabilang tuhod, naramdaman kong tila nahati sa dalawa ang puso ko.

Seguir leyendo

También te gustarán

Munimuni Por jelo

Historia Corta

21K 1.1K 110
"Straight ako, pero bakit ngayon hindi na yata ako sigurado?" - David Musika Series #1
Mío Por Yiling Laozu

Ficción General

100K 2.7K 44
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]
2.5K 92 26
Rivals on court, Lovers off court
2.7M 101K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...