KISS ME, CAPTAIN

By Zoenia_01

809K 21.9K 7.3K

[ME series#2] The life of Paint Cenery Ordencial is not perfect as other people think. She's beautiful like a... More

KISS ME CAPTAIN
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chaptet 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64

Chapter 40

11.3K 266 145
By Zoenia_01

Paint Cenery

NASA sasakyan na kami sa mga oras na 'to, nakasandal lang ako sa upuan habang pinapanood ang paligid ng mga nadaanan namin.

Mabilis ang araw at 'di ko na malayan naka isang linggo na pala kami rito sa Batanes. Masyado kasi akong nag enjoy sa kagandahan ng lugar na 'to pati na rin sa lalaking kasama ko kaya nawala na sa isip ko na may katapusan pala.

Sobrang sulit ang naging bakasyon namin sa lugar na 'to. Napakaganda naman kasi talaga at nakakarelax. Sobrang nag enjoy kami lalo pa't
napakarami naming activities na ginawa.

Nandoon na 'yung nag sky diving, nangisda, foodtrip, nag punta sa museum, zoo at syempre sa hunted house. Pinagbibigyan ako ni Roks sa lahat ng gusto ko. Ni hindi niya talaga hinahayaan na 'di ako mag e-enjoy sa bawat minutong panatili namin dito.

"Tell me if you want to pee or you're hungry, huh?" biglang saad ni Roks na kanina pa tahimik dahil nasa daan ang focus niya.

Tinanguan ko lang siya at binalik muli ang tingin sa bintana. Uuwi na kami sa Manila gamit ang sasakyan niya, road trip gano'n. Eh, tinanong niya naman ako kung gusto ko ba raw mag eroplano nalang kami kasi nga may Philippine Airlines and Skyjet Air fly sa Basco.

Mas mapapabilis ang uwi namin sa Manila kapag 'yun ang sinakyan namin dahil 70-110 minutes lang daw. Ang kaso ang sabi ko ayoko mas gusto ko ng gan'to para mas matagal pa kami magkasama at isa pa nag punta kami rito na naka road trip din eh, hindi naman pwedeng iwan nalang namin ang sasakyan niya at papakuha nalang sa mga tauhan niya. Hassle.

Umayos ako ng upo at napatingin ako sa back seat na punong puno ng pasalubong namin. Syempre siya lahat gumastos, sabi ko pautangin nalang ako pero ayaw niya naman. Ang sabi niya kunin ko raw lahat ng gusto ko siya na raw bahala.

Nanliit tuloy ako. Hindi naman pwede kasing laging siya nalang ang nagastos. Hindi naman porket siya ang mayaman saamin ay sakaniya ko na iaasa ang lahat. Hindi ko naman siya human bank. At mas lalong 'di ko siya sugar daddy.

Napabuga ako ng hininga at hinaplos haplos ang braso ko dahil nakaramdam ako ng lamig.

"Wrap it to you. Can't hug you, safety first," malokong saad niya saka inabot saakin ang blanket na may design pang aso at saka niya hininaan ang aircon.

Bumaling muli ako sa bintana at sakto namang tumigil ang sasakyan dahil nag traffic. Agaw pansin ang isang grupo ng kabataan sa gilid namin at agad na dumako ang paningin ko sa
isang batang babae na ang laki ng umbok ng tyan habang nakapalibot pa sakaniya ang mga barkada niya.

"Tss, kabataan ang pag asa ng bayan," sarkastiko kong saad.

Napailing iling nalang ako."Menor de edad lang ata 'tong batang 'to buntis agad. Marunong na kaya 'to maglaba ng sariling panty?"

Paano naman kasi ang laki ng tyan ng bata tapos nasa daan pa rin siya kasama barkada niya imbes na magpahinga nalang sa bahay, anak ng shooting star alam ng delikado ang pag bubuntis lalo na't bata pa siya pero napili niya pa rin tumatambay sa daan.

"Hays, 'di talaga dapat ni-normalize ng bansa natin ang teenage pregnancy. Oo nga't blessing pa rin ang baby pero nakakalungkot talaga kapag sa batang ina nang gagaling 'yun, na mas ok raw na 'yun ang sabihin kaysa magpalaglag ng bata. Tama naman siya oo pero hindi ba't mas okay 'yung h'wag nalang muna mag pabuntis sa murang edad? Dapat kasi talaga nag aaral pa ang mga 'yan at walang problemang iniisip.  Halos sa mga kabataang nabubuntis ni wala naman silang pantustos, aasa pa rin sila sa magulang nila. Hays, napakalaking responsibilidad ng pagiging ina. Kawawa naman kasi ang magiging baby kapag hindi natustusan ang pangangailangan, 'di ba?" iritado kong wika habang nakatitig pa rin sa mga kabataan.

Alam ko namang wala akong karapatan i-judge 'yung bata dahil hindi ko naman alam ang buo niyang kwento pero kasi kahit pagbalik-baliktarin mo ang mundo hindi pa rin talaga maganda ang maagang pagbubuntis lalo na kung  mapapariwara lang din'yung magiging anak niyo.

Nakakatakot na dumating sa punto na lahat ng bata ay maging katulad ko. Na hindi na enjoy ang kabataan at kumakapit sa patalim para lang makaraos sa araw araw.

"This is why comprehensive sexual health education must do more." sumulyap ako sakaniya at umayos na ako ng upo dahil alam kong sa oras na nagsalita na siya marami na naman akong matutunan.

Napagtanto ko kasi na kaysa barahin ko siya lagi kapag nil-lecture niya ako ay mas magandang makinig nalang ako dahil mahirap din magpaliwanag sa bobong katulad ko pero ang tiyaga niya pa rin.

"As they grow up, young people face important decisions about relationships, sexuality, and sexual behavior. Curious sila sa mga bagay bagay. They tend to do something that's not appropriate for their age. Madalas ang pagiging mausisa nila ang nagiging daan sa kapahamakan o kasawiang-palad sa buhay nila. But in the other side maaring may mabuting dulot din 'to kaya nga dapat sa murang edad laging na gagabayan sila ng mga mas nakakatanda sakanila. Society has the responsibility to prepare youth by providing them with comprehensive sexual health education that gives them the tools they need to make healthy decisions.
The goal here as an adult or a parents is that the curiousity of your child should lead to learning not to dangerous risk-taking behavior."

Napangiwi ako nang maalala ang pagiging curious ko sa mga bagay bagay. Nasa tamang edad naman na ako para macurious sa mga bagay bagay pero dapat talaga mag iingat pa rin ako.

Pero tama rin naman siya na dapat talaga na ginagabayan ng may alam na ang pagiging curious ng isang tao mapa bata man o kasing ederan ko.

At kung wala talagang gagabay sa'yo dapat marunong kang mag control ng sarili. Dapat alam mo kung saang ilulugar ang kuryusidad mo. H'wag dapat gumawa ng desisyon na hindi talaga pinagiisipan at puro kuryusidad lang ang pinanghahawakan. Kailangan maging maingat sa pagiging mausisa kasi delikado talaga.

Katulad nung mga pinagagawa ko nitong mga nakaraang araw. 'Di ko na tinuloy ang seducting game na  'yun kahit curious ako dahil alam kong hindi naman maganda ang patutunguhan.

Hiyang hiya nga ako sakaniya, ni hindi ko siya magawang kausapin ng hindi namumula mabuti nalang 'di niya ako inasar at gumawa pa siya ng paraan para maging komportable muli ako at ienjoy ang pagbabakasyon namin.

Best boy talaga, Roks ko! 'Di na ako magtataka kung isang araw lumitaw na lahat ng kaagaw ko sakaniya.

"Alam mo sa school kasi namin hindi naturo ang sex education sa school. Wala akong naalala, e? 'Di rin naman ata tinuro saamin ng magulang ko. Ang tanging naalala ko lang no'n sabi ng kaklase ko pero pabiro ha. Na 'yung sex education daw tinuturuan ang mga bata ng iba't ibang uhmmm." napakagat ako saakin labi dahil 'di ko matuloy tuloy ang salitang 'position'

Sumulyap siya saakin at pinagtaasan ng kilay. "Many people still misunderstand the concept of sex education," naiiling na saad niya.

"Ok, listen love. For your information, It is vital to teach age appropriate information and
skills to enable young people take personal responsibility for their health and general well-being in sex education. In this, it include information about puberty and reproduction, abstinence, contraception and condoms, relationships, sexual violence prevention, body image, gender identity and sexual orientation that should be taught by trained teachers pero maari namang pati ang magulang nalang ang magturo sa mga anak as long as you have a knowledge about this."

Inabot niya ang kamay ko at binigyan ito ng maliit na halik habang nasa daan na ang tingin niya.

"Hindi ba parang mas lalong ma c-curious ang bata do'n?"

Pag uwi na uwi ko, pag sasabihan ko talaga ang mga kapatid ko. Pangangaralan ko sila tungkol sa maagang pagbubuntis na 'yan. Ayokong dumating sa punto na mahuli na ang lahat at magsisi ako.

"Sex education, whether provided in or outside of schools does not increase sexual activity, sexual risk-taking behaviour or STI/ HIV infection rates. Infact, it has beneficial consequences
such as raising young people's understanding and attitudes about sexual and reproductive health behaviors." nagsimula ng umandar ang traffic kaya naman binitawan niya na ang kamay ko ng dahan dahan.

"Nasa pagtuturo at gabay talaga ng mga taong sa paligid para maiwasan, 'no?" sa huling pagkakataon ay sumulyap muli ako sa mga kabataan bago binalik ang tingin kay Roks.

Tumango siya. "We should teach them the decisions they make can impact their health and well-being for the rest of their lives. In our moral suasion, meaning to say we should encourage the young people to be more responsible in the sense that they can have a relationship but refrain from engaging in this so called casual sex."

Bumuntong hininga ako. Hindi ko maimagine na isa sa mga kapatid ko ang mabuntis ng maaga. "Kapag talaga ang kapatid ko ang nabuntis ng maaga na gan'yan. Matatangap ko ang bata pero 'di ko alam kung anonh magagawa ko sakaniya pero 'yung lalaki na bumuntis baka mapatay ko,"mahina kong sambit kaya 'di niya narinig

Pumikit ako ng mariin dahil takte na stress ako bigla sa ideya ng pagbubuntis ng maaga. Noong bata ako, wala talaga sa plano ko ang pag aasawa at pag a-anak. Gusto ko lahat ng atensyon ko ay nasa pamilya ko at isa pa mulat ako sa kahirapan, bata palang ako pasan pasan ko na ang buong pamilya ko. Mag dagdag pa ba ako? Hindi na syempre, kotang kota na ang kahirapan saakin kaya siguro naiwasan ko rin 'yan pag bubuntis ng maaga 'di kagaya nung ibang taga baranggay at kabatch ko na kung sino pa 'yung alagang alaga ng magulang sila pa 'yung na d-disgrasya.

"We're almost there, love." napatingin ako ng diretso sa daan at tama nga siya mula rito sa pwesto namin ay nakikita ko na ang sinasabi niya.

Hindi na nga rin nagtagal ay tuluyan na kaming nakadating sa huli naming destinasyon namin rito sa batanes. Ang
'Our Lady of the Immaculate Conception Cathedral'

Unang lunabas si Roks sa sakyan bago niya ako pinagbuksan ng pintuan at inilalayan lumabas.  "Ready?"   nakangiti niyang tanong habang inilalahad nito ang kamay niya.

Ilan taon akong lumihis ng landas ng katuwiran. Nawala ang paniniwala at tiwala ko sakaniya. Nabulag ako sa paniniwalang siya lahat ang may kasalan kung bakit napariwara ang buhay ko.

Hinawakan ko ang kamay niya at inalalayan niya akong makalabas ng kotse. "God is good; and He has been good to us, really good. Let's come together and thank Him with grateful hearts," wika ni Roks habang nakatingala sa langit.

Sa pamamalagi namin dito, marami akong napagtanto at natutunan. Bukod sa mga explenasyon ni Roks patungkol sa mga bagay bagay ay hindi nawawala sakaniya ang mga bible verse at salita ng Diyos na ipinaiintindi niya saakin.

Hindi niya ako sinusukuan para tuluyan na magbalik loob ako sa ama. Pilit niyang tinutuwid ang baluktot na paniniwala ko.

Wala namang mawawala kung magbabalik loob ako sakaniya. Tama si Roks, mabait ang Diyos sadyang masyado lang akong nainip sa magandang plano niya saakin at saamin.

Laging nasa tabi ko ang Diyos pero imbes na gawin ko siyang comfort zone ay ako 'tong si gaga ginawa siyang taga salo ng mga mura ko sa buhay.

Pero tignan mo naman ngayon, alam ko at ng Diyos kung gaano ako kasama. Kung gaano ako kapasaway ay kawalang kwentang anak sakaniya. Marami akong nilabag sa mga utos niya pero ito siya pinili niya pa rin na bigyan ako ng  tao at mga bagat makabubuti para saakin.

"Let's put God in the center of our everything. Let’s worship, praise and serve God together with joy as we grow old together." sinulyapan niya ako kaya tumango ako.

Eto na 'yun, ito na ang simula ng pagbabago ng buhay ko.

°°°

NAALIPUNGATAN ako dahil medyo nangalay ako sa pwesto ko. Naupo ako sa kama at dahan dahan kong inalis ang braso ni Roks sa ulunan ko.

Inaayos ko ang pag ka kumot sakaniya at sumulyap ako sa orasan ko. Napakamot ako ng ulo nang mapansin na alas sais palang pala ng umaga kaya pala super bigat pa rin ng ulo ko. Mag a-alas kuwarto na rin kasi kami ng umaga na kauwi.

Hindi ko na nga siya pinauwi sa bahay nila dahil mahabang biyahe na naman ang pag dadaanan niua. Bigla ako naguilty ang akala ko nga maganda ang road trip pero 'di ko naisip na mas mapapagod pala siya. Ilang oras siyang nag d-drive ng walang tigil samantalang ako nakatulog pa sa biyahe kahit pa-paano.

Mabuti nalang dito sa bagong bahay ay may sarili na akong kuwarto kaya pwede ng mag sleepover si Roks kung kinakailangan.

Babalik muli sana ako sa pagkahiga pero biglang bumukas ang pintuan. "WELCOME home!----oops."

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Gracielle at mga kapatid ko. Agad ko silang sinenyasan na h'wag maingay.

Napatingin ako kay Roks na tulog na tulog pa rin naman. Dahan dahan akong umalis ng kama at nilagay lahat ng unan ko sa mismong pwesto ko rin para 'di siya magising.

Sumulyap ako kay Cielle na gulat na gulat pa rin habang nakanganga pa at nakatingin lang saamin. Agad ko siyang nilapitan at pinitik ang noo niya. Hinila ko palabas ang mga kapatid ko na sina Coco at Hannah.

"Ate sorry, si Ate Gracielle kasi, e. Nagpupumilit pumasok sinabi ko na naman natutulog ka." salubong saakin ni Ella nang makalabas na kami ng kwarto ng tahimik.

Tumango lang ako at hindi na ako nagsalita at agad nalang na niyakap ang kapatid ko na sina Coco at Hannah." Hello mga nga baby ko.
Miss na miss kayo ni Ate. Naging mabait ba kayo?"

"Opo!" sabay na sagot nila kaya pinaghahalikan ko ang mga noo nito.

" 'Di mo naman sinabi na kasama niya pa rin pala si Captain."

"Ate, sinabi ko pero 'di mo 'ko pinakinggan dirediretso ka agad do'n."

Bangayan ng dalawa pero 'di ko muna sila pinansin. "Maraming pasalubong si Ate at Kuya Roks mamaya. Bibigay ko sainyo." tulog kasi sila lahat nang makauwi kami tanging si Ella lang ang gising at pinagbuksan kami ng pinto.

"Grabe 'tong babaeng 'to snober na porket may jowa." napatingin naman ako kay Gracielle.

Pinisil ang ilong. "Hindi ko pa siya boyfriend gaga," nakangiti kong wika at akmang sisigaw pa siya pero tinakpan ko na agad ang  bibig niya.

"Pa? Nililigawan ka na?" sabay sabay kaming napatingin kay Roi Gin na nasa hapag kainan habang humigop ng kape at nagbabasa ng libro.

Napakagat ako ng labi nang maalala kong hindi siya ang savior ko. At ang ibig sabihin lang nun maaring mali ang pilit kong sinasabi na may crush siya saakin.

"Oo." tipid na sagot ko at sumulyap muli kina Gracielle. "H'wag kayong maingay natutulog pa 'yung tao. Teka nga paghilamusin n'yo muna ako."

Papunta na sana ako sa lababo pero nilagpasan lang ako ni Roi Gin na blanko lang ang expresyon. "Pasok na ako." kinuha niya ang bag at tumayo. "Welcome back," walang ganang sambit niya bago tuluyang lumabas ng bahay.

Napatingin ako kay Gracielle para malaman ang reaksyon niya tungkol sa naging akto ni Roi. "Hindi kita aasarin no may Captain kana," natatawa niyang sambit dahil mukhang naiisip niya ang nasa isip ko rin.

Nagkibit balikat nalang ako at naghilamos nalang. "Ate, alam mo ba 'yan si Kuya Roi. Crush niya pala 'yung kapatid ni Kuya Rare," biglaan saad ni Ella.

Natigilan ako at hinarap siya. "Ha?"

Agad niyang ipinakita ang librong naiwan ni Roi na kung saan nakaipit doon ang picture ni Reeve.  "Kasi gan'to nahuli siya nina Hanz na nag papa print ng picture ng isang babae. Tapos tinanong nila kung sino 'yun sagot ni Kuya Jowa niya HAHAHA. Feelingero."

Napatingin muli ako jay Gracielle na malaki ang ngiti kaya agad ko siyang nilapitan "Totoo 'yun?" bulong ko saka hinila siya palayo ng kaunti kina Ella.

"Oo, si Mamsh Jorgie nag sabi saakin kasi syempre katrabaho niya naman si Roi 'di ba? Kinukwento niya kung paano naaning si Roi d'yan sa boss niya. Eh, isa sa mga boss ng AKG 'yung kapatid ni Doc Rare 'diba? Biggest plot twist ba?" mapang asar na turan niya.

Ewan ko pero parang bigla akong nakahinga ng maluwag ngayon na napagtanto ko na 'di niya talaga ako gusto. "Ang akala ko.."

"Akala rin namin nina Mamsh ikaw gusto niya ang kaso syempre baka nahurt lang dahil may Captain ka na kaya naman biglang pinakita ni Roi na intrested siya sa kapatid ni Doc Rare? Alam mo naman mga ugali ng lalaki. Hahaha. Ayaw nilang naano ang ego nila."

Agad akong umiling iling. "Malabo! 'Di ba naalala mo nabanggit ko nga sa'yo 'yung nagligtas saakin nung kasagsagan ng bagyo? Umamin siya ng nararamdaman niya, 'diba?"

Napanguso siya at tumango. "Pinanghahawakan ko rin kasi 'yung sinabi mo na 'yun kaya naguluhan din ako, girl."

Nginitian ko siya at proud na umiling iling ulit. "Ang akala ko si Roi Gin 'yun kasi sabi mo siya nagligtas saakin no'n?"

"Huh? Hindi ba?"

Umiling ulit ako kaya napakunot na ang noo niya. "Teka paano mo nalaman na hindi siya? Kasi naguluhan din ako. Nag panic na ang tao 'di ko na alam kung sino sa kanila ni Captain ang nag dala sa'yo basta ang alam ko isa si Roi at Captain sa mga nakakita sa'yo. Sabay siguro sila? Sinabi ba ni Captain na hindi si Roi ang nagligtas sa'yo? Siya no? Yieee matagal ka na palang bet ni Captain," malokong saad niya.

Natatawa lang ako at pinitik ang noo niya. "Gaga, hindi siya si ano si---" natigilan ako nang may mapagtanto ako.

Si Deam ang nagligtas saakin no'n. At gusto siya ni Gracielle. Gustong gusto. Anak ng shooting star---hindi naman pwedeng sabihin ko sakaniya, masasaktan lang siya baka magalit siya saakin.

"Si?" naghihintay na tanong niya.

"Ano?" napakagat ako saaking kuko dahil 'di ko alam ang sasabihin ko. Alam kong mapapansin niya agad na kinabahan ako mabuti nalang at---

"Ate may tao!" saad ni Ella kaya sabay kaming napatingin ni Cielle sa pintuan.

Agad namang nanlaki ang mata ko nang makita ko kung sino ang nasa pintuan.

"Fafa Deam! Omg, ang aga mo naman akong bisitahin. Hihihi. Nag almusal ka na?" napanganga ako nang biglang sa isang iglap ay nasa tabi na ni Deam si Cielle na ngayon ay sobrang excited.

"Not yet," tipid na sagot nito habang nasaakin ang paningin niy niya.

Napalunok ako at iniwas ko ang mata ko. Nyeta, bigla akong kinabahan.

"Kain ka na, nagluto kami ng umagahan!" nagpatangay naman si Deam nang hilain siya ni Gracielle paupo sa hapagkainan.

"Bakit ka nandito?" tanong ko habang hindi pa rin tumitingin sakaniya. Kunwari lang nakatingin ako kina Coco at Hannah na nanonood ngayon ng TV.

"What do you think?" kahit 'di ko nakikita ang expresyon niya alam kong salubong kilay niya sa tono palang ng pananalita niya.

Napairap nalang ako sa hangin.
"Tulog pa siya, mamaya mo na sunduin."

"Ay hehe, oo nga nandito ka para kay Captain, no? Assuming ko! Hahaha, kaso 'yun nga halos katutulog palang niya, e. Stay ka muna rito. Kain ka na muna, pinang slice kita ng apple!" napatingin ako kay Cielle na malaki ang ngit at tapalang nagawa niyang mag slice ng apple agad agad para lang kay Deam.

"I don't eat apples but I'll take it so I can give this to your bestfriend. Mas kailangan niya, e." tinignan ako mula ulo hanggang paa ni Deam na parang iniinsulto.

"Hahaha, bad! Gagi, h'wag mong ginagalit 'yan. Halimaw 'yan!" natatawang sambit ni Cielle habang may pahampas hampas pa kay Deam na ngayon ay nakangisi saakin.

"Here, accept my apples."  inusog niya ang plato palapit saakin pero tinitigan kolang ng matagal 'yun bago siya inirapan.

Eto na naman tayo sa apple na 'to. Ngayon na alam kong gusto niya ako, aware na akong hindi pangi-insulto ang pagbibigay niya lagi saakin ng apple. Alam kong may iba ng ibig sabihin 'yun.

"Ayoko ng apple na galing sa Demoonyu. Gusto ko galing kay Roks." unti unti nawala ang ngisi sa labi niya at naging blanko muli ang tingin niya.

"Ako nalang kakain ng apple mo!" masayang sambit ni Gracielle saka sumubo ng isang slice nang mapansin niya na naiinis na kami sa isa't isa.

Napangiwi lang ako at nang mapatingin ako muli kay Deam ay inirapan ko lang siya. " Ella, sumabay na kayo sakanila na mag almusal." baling ko sa kapatid ko.

Kumapit siya sa braso ko at nilayo ng bahagya kina Cielle. "Ate mukhang mag kakalove life na kayong tatlo, ha." mahinang hagikgik ng kapatid ko.

Ngumiti lang ako ng tipid baho bumaling muli ng tingin kay Deam.
"Mag usap tayo pagkatapos mong mag umagahan  d'yan." kusa nalang 'yun ang lumabas sa bibig ko kaya huli na para makapag react ako.

Bwiset dapat mamaya ko sasabihin sakaniya, e.

"Huh? Bakit para saan?" kunot noong tanong ni Cielle na ngayon napatigil sa paghahain para kay Deam.

"Ah sa ano.." 'di ko matuloy tuloy ang dahilan ko dahil 'di ko rin naman ang alam ang dapat sabihin.

Tumayo si Deam. "Babe, you dont need to know everything. You're so annoying. Learn to respect our privacy,"  walang ganang saad ni Deam at nauna ng lumabas.

Napapikit ako ng mariin para pigilan ang sarili ko na hablutin ang baso at ibato sakaniya. Ang sama talaga ng ugali niya.

Sumulyap ako kay Gracielle na ngumiti ng pilit saakin.  "Tungkol lang kay Roks ang paguusapan namin, may ikukunsulta lang ako sakaniya. Gaganti ako para sa'yo bestfriend, h'wag kang mag alala," biro ko pero pilit pa rin ang ngiti niya.

Mabigat ang hakbang ko papunta sa labas. Nagtungo ako sa kinaroroonan ni Deam at agad na binigyan siya ng masamang tingin. "Alam 'yung kasaamaan ng ugali h'wag mong ipinaiiral lalo na sa harap ni Gracielle."

"Why not?" nagpamulsa siya at sinipa ang bato sa harap niya.

Bumuntong hininga ako. Nangako ako sa Diyos na magbabago na ako pero kung gan'tong demonyo ang ang laging nasa harapan ko. Jusko, lord pasensya na in advance.

"Ang kapal mo, sa susunod dapat lang na ilugar mo 'yang pagiging demonyo mo, ha. Si Cielle na nga nag mamalasakit sa'yo lagi mo pang sinusungitan. Salamat ka pinagt-tyagaan ka niya," madiin pero mahina kong saad ayokong magsisigawan rito dahil tiyak na maririnig lang ni Cielle.

Nasa kalayuan na rin naman kami ng bahay pero maganda ng hindi magsigawan.

'"I didn't ask her to be kind on me. Siya ang may gusto no'n at hindi ko siya pinilit. Bakit parang problema ko pa 'yun? Just talk to your annoying friend."

Yumukom ang kamao ko kaya agad kong hinawakan ito dahil mahirap na baka lumanding sa mukha niya. Kakakumpisal lang kahapon pero magkakaroon na ako ng kasalan.

"H'wag mo siyang tinatawag na babe kung hindi naman bukal sa loob mo. At ikaw ang mas annoying dito, wala namang ginagawang masama sa'yo 'yung tao pero kung insultuhin mo wagas. Gawain ba ng matinong lalaki 'yan? Pinaglihi ka sa sama ng loob?" gigil na gigil kong saad.

Binigyan niya lang ako ng bored na tingin. "And so? Are you jealous? Gusto mo bang ikaw lang ang sinusungitan ko?"

"Ang kapal ng mukha mo. Si Roks ka ba?" umigting ang panga niya at iniwas ang tingin saakin.

Natahimik kami ng ilang segundo kaya napabuntong hininga ako. "Gusto kita makausap hindi para sitahin lang ang masama mong ugali." napatingin siya saakin.

"Thank you," mahinang saad ko habang nakatingin sa baba.

Pinagtaasan niya ako ng kilay. "Mystery savior," pagpapatuloy na saad ko.

Nagbago ang expresyon niya na para bang biglang nagulat pero hindi niya pinahalata 'yun. "Thank you at pinagbigyan mo 'kong mabuhay kahit 'di ko naman talaga deserve."

Naalala ko ang sinabi niya no'n na hindi ko raw deserve mabuhay pero siya namab mismo ang nagligtas saakin.

"Malaki ang utang na loob ko sa'yo kaya ok lang singilin mo 'ko bilang kabayaran do'n pero sa susunod, kung mangyari man na nasa bingit muli ako ng kamatayan. Hindi mo na kailangan ibuwis pa ang buhay mo para saakin."


Kitang kita ko ang paggalaw ng adamas apple niya. "Dadating din ang tao na dapat pagbuwisan mo talaga ng buhay. 'Yung mas deserving kaysa saakin." sambit ko bago ko siya tuluyang tinalikuran.

°°°

"HOY G-GO! Bet mo ba?" maloko kong sambit kay Roi na ngayon ay nakatitig kay Reeve.

"Ay p-tangina mo!" gulat na gulat na saad niya.

Natawa lang ako at bumaling muli kina Reeve na ngayon kasama pala si Sizer.  Dito kasi sa front desk nakassign si Roi e saktong kalalabas lang din nung dalawa sa elevator.

"Hello, Reeve at Sizer!" malakas na sigaw ko kaya nagsitinginan ang ibang tao saamin at agad ko rin narinig ang mahinang mura ni Roi.

Nandito kasi ako ngayon sa AKG Foundation. Hinihintay ko sina Mamsh dahil may lakad kami kaso naisapan kong guluhin si Roi kasi 'di ako pinapansin simula nang makauwi ako.

"Hi!" kumaway siya naglakad siya palapit saamin habang nakasunod sakaniya si Sizer na malaki ang din ang ngiti.

"Hey Paint long time no see by the way one of these day my Mother will surely go to Kuya's house just to see you again,"  nakangiting turan nito.

Nanlaki ang mga mata ko at napatakip saakin bibig. "Ano?!"

"Wait--they are already live in?" gulat na tanong ni Reeve habang pasalit salit ang tingin saamin.

"Hoy hindi ha!"

Tumawa lang si Sizer pero si Reeve ay litong lito pa rin ang expresyon.

"Hindi papayag si Kuya na gano'n if he have a planned to live with Paint. Magpapakasal na agad 'yan but I've heard hindi mo pa rin siya sinasagot, so malabo pa ang kasal."

"Omg, is this really true na? So totoo pala talaga ang kwento ni, Ate Ath Oh my god, I didn't expect this. Sawakas, 'di ba? He found his the one na. D-mn, If I were you sasagutin ko na siya agad Ate. I'm one hundred percent sure kasi na, he's the best boyfriend ever! Kuya Roks is really my ideal man alam mo naman  kung anong klase siyang guy siya 'di ba?" nakangiting saad kaya tumango lang ako.

Pinipigilan kong matawa nang sumulyap ako kay Roi na blanko ang expresyon at si Sizer naman na naglaho ang ngiti sa labi.

"Masarap talaga mag mahal ang Montego. Bakit hindi mo itry?" tumingin muli ako kay Sizer na seryoso ang tingin aaakin.

Sumilip din ako kay Roi na ngayon ay natutok na computer niya pero kitang kita ko ang pagigting ng panga niya.

"Hey, aren't you late? Let's go?" malambing na saad ni Sizer habang nasa saaking ang tingin niya na para bang sinasabi na 'H'wag mong subukan sabihin'

Napatingin si Reeve sa wrist watch niya, agad na nanlaki ang mga mata niya saka ako madaling niyakap at binesohan. "Oh my god! Ate let's talk more next time ha! I'm late bye!"

Halos mapatakbo na siya at agad naman siyang sinundan ni Sizer. Napangisi nalang ako at bumaling kay Roi na ngayon ay parang namumulang kamatis.

Kitang kita ang pagbabago ng kulay ng mukha lalo pa't tisoy siya. "Bakit ang pula mo? Ha? Awit, Roi Gin ngayon lang kita nakitang gan'yan," mapangasar na saad ko pero sinamaan niya lang ako ng tingin.

"Bakit ka ba nandito? Nasaan ba ang syota mo? Do'n kana! Kitang nag t-trabaho ako rito nangugulo ka."


Wala ang kasama niya rito sa front desk kaya hinila ko ang isang upuan at itinabi ito sakaniya at doon naupo. "Selos ka ba? Kasi hindi kita na crushback?" ngumuso ako at pinagdikit ko pa ang hintuturo ko para lalo siyang mainis.

"Tigas talaga ng mukha mong Pintura, kadiri ka. Panget mo nga! Umalis ka nha! Baka gusto mo ako pa kumaladkad sayo palabas wala ako pake kung syota mo boss ko," maangas na saad niya kaya kunwaring natakot ako.

"Ay ang scary, huhu. Agawin mo nalang ako kay Captain, sa boss mo. Papaagaw naman ako, ih."

Nag beautiful eyes pa ako kaya pinanlakihan niya ako ng mata at sinabunutan ang sarili niya dahil sa sobrang cringe.

"Aaah! T-ngina naman Pintura. 'Di naman kita inaano ha bakit ako lagi ginugulo mo. Do'n ka nga, dugyot!  nasaan ba si Captain?" tinakpan niya ang dalawang tenga niya kaya tawang tawa ako na pinaghahampas siya.

Wala si Roks ngayon. 'Di ko siya kasama dahil hindi naman required na lagi kaming magkasama. Nililigawan niya palang naman ako at isa pa may sarili siya buhay, may sarili siyang trabaho na dapat asikasuhin. Hindi lang naman saakin iikot ang mundo, no'n.

Niyakap ko siya at ginulo ang buhok niya. "Joke lang, oo na 'di na kita aasarin. Kampante na akong 'di mo 'ko mahal," tuwang tuwang wika ko.

Ako lang ata 'yung tao na sobrang masaya nang malaman na may isang tao na hindi naman ako mahal.

Kumunot ang noo ni Roi, inilayo niya ako sakaniya at hinawakan ang magkabila kong braso. "Sinong nagsabing 'di kita mahal?"  seryosong usal niya.

Nanlaki ang mga mata ko at napalunok lalo pa nang bahagya niyang nilapit ang mukha saakin. "Huh?"

"Oh, bakit kinakabahan ka?" nakataas na kilay na wika nito at pagkatapos ay pinitik niya ako ng malakas sa noo.

"Aray, t-rantado ka!" agad ko siyang binatukan pero tumawa lang siya saka ako inabakayan.

"Tanga, I love you syempre as friend na kapatid. Peksman, suntukan pa kami ni pacman. Ebarg lang kasi ikaw 'tong assumingism amputs. Ewan ko bakit mo pinipilit na crush kita. Panget mo kaya, 'di ka naman crushable. At isa pa, ilan beses ko bang inuulit sa'yo kadiri ang incest? Parang kapatid na kaya kita. Hindi ka ba kinikilabutan sa mga paratang mo saakin? Kasi ako t-ngina bawat sinasabi mo 'yun, cringe na cringe ako."

Napakamot nalang ako sa ulo ko dahil talaga namang nakakahiya ang ginawa kong pagbibintang sakaniya na may gusto saakin. Masyado akong feelingera. "Sorry na dudes kala ko kasi talaga crush mo 'ko, nagbago ka kasi sabi rin kasi ni Cielle nagseselos ka."


Bumuntong hininga siya at humalikipkip. "Kayong dalawa sarap niyong paguntugin. Utak lamok talaga kayo! Malamang, magseselos ako. Puro kana Captain eh, bukang bibig mo kakairita ampota. Tapos ang corny mo pa araw araw buong araw lagi mong kasama 'yun, ni hindi mo na kami naalala. Alam mo ba kung anong meron last week? Nung nasa bakasyon kayo?" hinawakan niya ang panga niya at binibigyan ako ng mapanuring tingin.

Napakamot ako sa ulo ko at inalala ang araw na 'yun at kung anong posibleng meron.  Agad nanlaki ang mata ko nang marealize ko ang tinutukoy niya. "T-ngina birthday mo!"

Inirapan niya lang ako. "Oo kaya nga inaabangan kita na batiin mo 'ko nung paguwi niyo pero hindi mo ginawa. Nice 'di ba? Best friend ever," sarkastikong sambit niya.

Napalabi ako at agad na kumapit sakaniya. "Sorry na! Alam mo namang malakalimutin ako ng birthday," kunwaring umiiyak na wika ko.

"Dami mong atraso, badtrip na badtrip na ako." inalis niya ang kamay kong pag kapit saka mahina niya akong tinulak kaya muntik pa akong mahulog pero agad niya naman akong hinawakan.

Inalis ko ang kamay niya at ako naman ang umirap. "Ako rin nabadtrip ako sa'yo nun ang sungit mo masyado tapos idagdag mo pang na stress na naman ako no'n kala ko ikaw nagligtas saakin. Kasi nga 'yung lalaking nagligtas sakin.."


Sinimulan kong ikiwento lahat nung nangyaro nang araw na 'yun at kung anong dahilan bakit inakusahan ko siyang may gusto saakin.

"Si Deam ang nagligtas sa'yo, sabay lang kaming pumunta ni Captain Roks no'n sainyo. Anak ng teteng teka--! Ang ibig bang sabihin nito 'yung Deam gusto ka rin?"  'di makapaniwalang usal niya.

"Oo raw," nakanguso kong sagot.

Napa 'pwe' siya pa siya bago hinawakan ang pisnge ko. "T-ngina? Patingin mukha mo!"

Pinakitaan niya ako ng nandidiring expresyon. "Bumili ka ng gayuma sa mga bangketa do'n sa quiapo no?"

Agad ko siyang sinipa. " G-go, tarantado lahat ng mura sa'yo na f-ck you!"

Tumawa lang siya pero agad din natigilan.  " Pero crush ni Cielle 'yun 'di ba? Binabawalan ko nga 'yun masyadong pinapahalatang patay na patay do'n 'di niya ako gayahin. Lowkey lang."

"Anong lowkey ka d'yan?  Kung makatitig ka pa kanina kay Reeve wagas."

Ngumiti lang siya ng matamis na parang may iniimagine bago niya ako sinulyapan. "Obob 'yun lang naman ginagawa ko bakit alam niya ba? Hindi 'diba? Ni hindi nga rin ata alam pangalan ko kesa naman d'yan kay Cielle, t-ngina alam mo bang pumupunta pa 'yan do'n sa kampo nung Deam para lang magdala ng pagkain? Ako nga 'di hinahatiran, e. Tsk, bestfriend ko pa ba kayo? Kalimutan gamin na ba?"

Bumuntong hininga ako. Ito na naman nam-mroblema ako, mukhang gustong gusto talaga ni Gracielle si Deam. Ang akala ko kasi dati nag j-joke lang si Cielle at 'di ko rin naman inexpect na ganon na nararamdaman ni Deam saakin.

Ayoko saktan ang bestfriend ko at sabihin ang totoo baka magalit siya saakin. "Paano 'to Roi? Paano ko sasabihin sakaniya 'yung tungkol kay Deam?"

"Diretsuhin mo na para isang sakitan saka isa pa hindi mo naman kasalan bakit umpekto 'yang gayuma---aray!" binatukan ko siya.

"Kasalan mo na sige! Kasalan mo!" nanlilisik na matang usal niya kaya binatukan ko na naman muli siya.

Inambaan niya lang ako pero hindi niya tinuloy at sinamaan nalang ng tingin. "Basta sabihin mo nalang ng diretso tapos ireto mo siya do'n sa lalaking kasama ni Reeve, sino ba 'yung g-gong 'yun? Kamukha ni Cap, e. Kapatid niya no?"

Tumango ako kaya napa 'Tss' na naman siya. "Oh, close mo naman ata 'yung lalaking 'yun sige na ireto mo na para solo ko na si Reeve ko."

Tumayo ako sa upuan na kunwari nandidiri ako sakaniya. "Yuck ka, sumbong kita kay Doc Rare pinagpapantasyahan mo kapatid niya para tanggalin ka sa trabaho-----" napatigil ako sa pagsasalita nang mapatingin ako sa taong lumabas doon sa elavator.

Agad akong lumabas ng front desk tumakbo palapit do'n. "Hoy!" rinig kong sigaw ni Roi Gin.

"D'yan ka lang, may kakausapin lang ako!"  pabalik kong sigaw.

Binilisan ko ang takbo ko para maabutan ko siya. "Teka!"  tawag ko sakaniya. Agad naman siyang tumigil sa paglalakad saka sumulyap saakin.


Hingal na hingal akong tumingin sakaniya pero siya malaki lang ang ngiti ipinataw saakin. "Magandang araw, Ms. Paint. Anong maipaglilingkod ko?"

Kilala niya na talaga ako.

Siya 'yung bakla na laging pumupunta sa hospital na laging kausap ng magulang ko. " Anong ginagawa mo rito?"

"Ano bang ginagawa sa foundation?" balik na tanong niya.


Napakagat ako saaking labi para pigilan ang inis ko. "Tapos ka na bang guluhin ang Nanay ko kaya nandito ka naman? Naghahanap ng guguluhin?"  madiin kong usal kaya napakamot siya sa noo niya.

"Huh? Guluhin? Hinding hindi ko magagawa 'yan. Ms. Paint.  Kabaliktaran ang ginagawa ko, hindi panggugulo."

Hinablot ko ang kamay niya at hinawakan 'to ng mahigpit. "Hoy bakla, h'wag kang mag a-anghel angehelan d'yan. Ano sinisingil mo na kami sa utang namin, ha? Sino ba 'yang boss mo? Dalhin mo 'ko sakaniya ako makikipag usap."

"Utang? Pera?" gulong gulo na saad niya.

Napakunot ang noo ko. "Oo, 'yung kalahating milyon?"

Umiling uling siya. "Wala akong alam sa sinasabi mo, hindi ako taga singil ng utang. Ano ako bumbay? Tanungin mo nalang ang magulang mo, Ms."

"Tinanong ko sila, sabi nila may utang daw kami sainyo kaya lagi kang pumupunta!" napalakas ang boses ko kaya naman napatingin ang mga ibang empleyado saakin.

Binigyan niya lang ako ng painosenteng expresyon. "Ang masasabi ko lang ay hindi ako taga singil ng utang. Isa rin akong nurse," mahinahon na saad niya.

"Nurse?! "

"Oo, I'm a nurse at National Psychiatric and Custodial homecare. Kailangan ko ng umalis kung wala ka ng sasabihin. Have a nice day, Ms. Paint!" masigla niyang sambit bago ako tuluyang tinalikuran.

Naiwan akong nakatanga habang pinapanood siyang umalis dahil 'di ko alam ang susunod kong gagawin.

Isa siyang nurse sa parang mental gano'n? Hindi niya sinisingil ang magulang ko? Eh, anong ginawa niya kapag kausap magulang ko? H'wag mong sabihin na may problema ang nanay at tatay ko sa pagiisip?

"Kilala mo ba 'yun?" napatingin ako kay Roi Gin na sumulpot sa tabi ko.

"Ikaw kilala mo?" balik na tanong ko.

Napahawak siya sa baba niya at pinaliitan ng mata 'yung bakla na palayo na saamin. "Hindi ko kilala pero pamilyar."

"Huh? Pamilyar?"  pamilyar siguro dahil nga laging nasa hospital 'yun at dinadalaw sina Nanay at Tatay. Baka nakita niya roon.

"Ahhh, oo nga, siya nga. Nakita ko siya dati kausap ni Nanay, " tumangong saad niya.

"Si Tita Jo?!" gulat na tanong ko.


"Hoy babaita!" sabay kaming napatingin ni Roi sa nagsalita na kalalabas lang din ng elevator.

Si Mamsh kasama si Sam at Danice.

"Tara na? Nasaan si Negra?" tanong nito habang nililibot ang tingin sa paligid para hanapin si Cielle.

"'Di daw sasama masama pakiramdam. Tara na."

"Saan kayo pupunta?" tanong ni Roi.

"Spa, h'wag kang mag alala Roi Gin safe mga bff mo saakin! Ang alalahanin mo 'yang crush mong wala kang pag asa."

Natawa nalang kami habang si Roi ay nag walk out nalang bigla at 'di man lang ako sinabihan na 'ingat'

Sabay sabay kaming apat na lumabas ng foundation. Nag commute lang kami at sa buong byahe ay wala akong ginawa kung hindi asarin sina Danice at Sam na pikon na pikon na.

"Mamsh itong mag bestfriend na 'to pinaglihi pa rin sa sama ng loob no? 'Yan ba ang epekto ng walang dilig?"

"Gaga," natatawang saad ni Mamsh habang nakatingin sa telepono niya.

"Sinasabi ko sa'yo tigilin mo 'ko Pintura!" inis na turan ni Danice.

"Ang yabang mo tapala porket nadiligan kana! Matutuyot ka rin, nyeta ka!" binato saakin ni Sam ang stick ng lollipop niya.

Pinulot ko ito at tinapon sakaniya ng marahas. "Hoy Samantha, 'di pa ako nadiligan pero 'di ako natutuyot. Always fresh."

Patuloy ko pa silang inaasar mabuti nga walang ibang pasahero kaya ok lang na gumamut kami ng vulgar na salita.

Hindi nagtagal ay bumaba na kami ng Jeep sa harapan mismo ng pupuntahan namin.

Marquisio Spas and Hot Tub.

"Libre mo ba talaga parang mahal dito?" namamangha kong tanong.

Sa interior design palang ng spa na 'to alam na alam ko na mahal sa ganto. Partida nasa labas palang kami paano pa kaya sa loob.

"Hindi nga gaga, nilibre lang din saakin. Binigyan ako ng ticket ng dati kong kasama sa bar."

"Legal naman 'to 'diba? Baka pinuslit lang 'yung ticket na 'yan," tanong ko habang nakatitig pa rin sa pintuan ng spa.

"Wow magna, parang dati hindi ka makakatulog hanggat 'di ka gumagawa ng mga ilegal ha."

Inirapan ko si Sam. "Hoy poks, nagbago na ako no kasi may jowa akong good influence!" jowa ko na ba? Self feelinger mo talaga.

Pumasok na kami sa loob. Agad naman akong tinabihan ni Danice at binulungan. "Maganda sana kaso medyo madumi."  napatingin ako sa paligid at tama nga siya sobrang madumi.

'Di man lang nagwalis kasi sa gilid gilid may balat ng chichirya at mga pilas ng papel. Expectation vs reality talaga.

"Ahhh!" napabalikwas ako nang biglang sumigaw ang tatlo. At napangiwi ako nang may nakitang flying ipis.

Napa tss ako at kinuha ang note na nakalagay sa front desk saka hinampas 'yun sa ipis at nang bumagsak ito ay agad ko na siyang tinapakan. "Arte n'yo."

"Hala, sorry for that mga madam. Nag spray kasi kami, e. Kaya siguro nagsilabasan ang insect. Anyway, ano pong maipaglilingkod ko sainyo." napatingin naman ako sa babae na biglang sumulpot sa harapan namin. Mukhang kapapasok niya lang din sa front desk. Lawis na pawis at hingal na hingal siya na kala mo nag ani ng palay sa gitna ng araw.

Si Mamsh na ang nakipag usap samantalang ako ay patuloy pa rin nagmamasid sa paligid. Agad napataas ang kilay ko nang may makita akong mga CCTV.  may tatlong camera agad pero 'yun nga lang may agiw agiw.

Napakamot ako saaking ulo dahil kung anong kinaganda ng labas siya naman ang kinadumi rito.

"Gato! Paki assist na sila!" mula sa madilim na hallway ay lumabas doon ang isang lalaking payat na punong puno ng tattoo.

"Tara na po." iginiya niya kami doon sa hallway 'di naman madilim sadyang naka dimmed lang ang ilaw.

Habang naglalakad kami ay 'di ko maiwasan na tumingin sa paligid. At nanliit ang mata ko nang may nakita akong may milagro na ginagawa sa loob nung isang kwarto. May butas kasing maliit tapos nakaharang lang ay glass ata.

"Huy? Tulala ka ghorl?"  napatingin ako kina Sam na nauna na saakin. Napailing iling nalang ako baka namalikmata lang ako. Kasalan 'to ng mga binasa kong romance story ngayon, e.

Sumunod na ako sakanila at 'di nagtagal ay tumigil kami sa harap ng isang pang kulay puting pintuan.

"CR po 'to, dito na po kayo maghuhubad ng damit, paalala po h'wag pong magtitira ng saplot. Pasok na po kayo, nandyan na po lahat ng gagamitin niyong bathrobe."

"Salamat Kuya."

Napakunot ang noo ko. H'wag magtitira ng saplot? Anong ibig sabihin niya?

Pumasok na kami sa loob at agad na napahawak sa ilong ko nang umalingasaw ang kapanghiaan.

"Ang baho? Parang mapanghe na malansa," naduduwal na sambit ni Sam.

"Sige na magsibihis na kayo para makalabas tayo agad. Narinig niyo ang sinabi ni Kuya h'wag daw magtitira ng damit." sambit ni Mamsh saka pumasok na isang cubicle.

"Seryoso ba talaga?! Pati 'yung panty at bra?"  'Di pa rin makapaniwalang usal ko.

"Oo ata, gano'n talaga sa mga massage pinapahubad lahat. Paano ka imamamasahe ng ayos kung may mga harang harang 'diba?"

"Utak sabaw ka ghorl?" natatawang saad ni Sam na ngayon ay nag aayos pa ng mukha sa harap ng salamin.

"Ipamamasahe ko lang likod ko hindi naman pwet at dede ko!" pumasok ako sa cubicle at maghuhubad na sana ako nang may mapansin akong maliit na bagay na nakadikit sa dingding mismo ng cubicle.

Bubble gum? Ang baboy naman ng spa na 'to. Grabe 'yung hygiene, bagsak na bagsak. Pinakatitigan ko ito hanggang sa napagtanto kong may mali. Hinawakan ko siya at 'di siya malambot.

Hanggang  sa makumpirma kong camera siya. Agad akong lumabas ng cubicle at nilibot ang tingin sa buong CR at agad akong napamura nang makumpirma kong may camera sa mga gilid gilid ng kisame.

"Teka h'wag kayong maghuhubad!" malakas na sigaw ko.

"Pintura kanina kapa napaka ingay mo! Kotang kota kana saakin!" inis na sigaw ni Danice.

Sinipa ko ang pintuan ni Mamsh at agad naman nabuksan ito dahil 'di naman pala naka lock. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil'di pa siya ng naghuhubad.

Nilibot ko ang tingin sa cubicle niya at nakita ko na nga. "Hindi ba 'to camera?" turo ko sa maliit na bagay na nasa dingding.

"Baliw ka ba? Bakit sila maglalagay ng camera sa CR. Ilegal 'yun 'di ba? Bobo mo." sagot naman ni Sam na ngayon ay nandito rin sa tabi ko.

"Bakit satingin mo hindi gumagawa ng ilegal ang spa na 'to?"  sarkastiko kong turan.

"Kung may illegal dapat matagal ng napasarado 'to 'diba? Eh sabi ng kaibigan ko binalik balikan daw 'to ng mga tao kaya nga 'di ko rin expect bakit gan'to kadumi rito. Turn off agad do'n diba?" gulong na usal naman ni Mamsh.

Bumuntong hininga nalang ako saka kinuha ko ang takong ni Mamsh at agad na pinukpok sa camera kaya agad naman nasira. Pumasok ako sa lahat ng cubicle at gano'n ang ginawa ko.

Tumingin ako sa dalawang camera nasa taas. Pinatunog ko ang dalir ko bago tuluyang at binato muli ang takong ni Mamsh doon. " Siraulo ka, baka tayo ang ipakulong nila naninira tayo ng gamit!" bawal ni Mamsh.

"Hindi, kung kakasuhan nila tayo mas malaki ang ikahaharap nila dahil maling mali na maglagay ng camera sa mga CR. Sige na magbihis na kayo pero kaya niyo naman maghubad ng nakatakip pa rin sainyo ang tuwalya diba."

Patuloy ako sa pagbabato hanggang sa tuluyan ng nagsibasag ang mga camera.

"Uwi nalang kaya tayo? Hindi maganda pakiramdam ko." namumutlang saad ni Danice.

"Sayang naman binayad saka isa pa ito lang naman ang problema? Kung sa mismong kwarto may camera, eh natural lang naman 'yun? Baka para lang sa safety din 'to? Uso kasi murder sa mg CR na gan'to?" pangangatwiran ni Sam.

"Sabagay, gora na. Sige na basta magpalit nalang kayo habang nakapalupot ang tuwalya sainyo." sambit ni Mamsh at saka inabutan kami ng tuwalya na galing niya sa isang maliit na wardrobe.

Hindi rin nagtagal ay natapos na kaming mag ayos pero hindi ko hinabad ang underwears ko. Hinding hindi.

Paglabas namin ng CR ay naabutan namin na naghihintay 'yung lalaking nag a-assist saamin.

"Tara po." sumunod naman kami sakaniya. "Dito po 'yung mga rooms niyo ma'am."

Napansin ko na puro lalaki ang nasa loob ng apat na pintuang bukas. "Pwede bang babae nalang mag massage saakin?" seryoso kong sambit.

"Oo naman po, dito po kayo."  turo niya sa katapat na kwarto.

"Arte!" natatawang pang asar ni Sam.

"Ano ka ba syempre ayaw niya mag selos jowa niya! Possesive si Captain no?"  pangagatong ni Mamsh pero 'di nalang ako nagsalita at pumasok na agad sa kwartong nakaalan saakin.

Pagpasok ko palang ay napahawak ako sa ilong ko dahil masyadong nakakahilo naman ang amoy. Candy na parang perfume na 'di ko maipaliwanag.

"Magandang araw po! Paalis nalang po 'yung bathrobe niyo. And dito po kayo dadapa." sambit ng Babaeng mas matangkad saakin at kulay blonde ang buhok habang nakatingin naman sa phone niya.

Babae naman siya kaya hindi na ako mahihiya. Inalis ko ang barthrobe ko dahil 'di naman siya nakatingin at agad na dumapa sa kamang paghihigaan ko.

Itinabi niya ang phone niya at akmang itatakip niya na saakin ang parang tuwalya ngunit 'di niya tinuloy. "Ma'am bakit naka suot papo kayo n'yan? Dapat po hubarin niyo na." tukoy niya sa underwear ko.

"Ayoko," matamis pero madiin kong usal kaya pilit nalang siyang tumawa.

Ipinatong ko ang baba ko sa braso ko at agad na naliit ang mata ko nang makita ang isang poster kung saan may minamasaheng model pero nakatali siya.

"Required bang tinatali talaga ang costumer niyo? Bakit gan'yan?" turo ko sa poster.

"Po? Hindi naman po kapag gusto lang ng customer."

Hindi na ako nagsalita at umayos nalang ng puwesto. Nagsimula na siyang maglagay ng oil sa likod ko at sinumulan magmasahe.

Noong una 'di ko pa napapansin  ang pagmamasahe niya ngunit habang patagal ng patagal, lumipas ang dalawang minutos ay napansin ko na na hindi maayos ang pagmamasahe niya, parang pagmamasahe lang saakin ng kapatid ko anak ng  parang mas lalong sumakit ang likod ko.

"Marunong ka ba talagang mag masahe? Mabigat ang kamay mo at iba iba ang direksyon ang punta ng kamay mo," sarkastikong saad.

"Ma'am, gan'to po talaga 'yun. Oo po pala, ku ayaw niyo po ng tie and tease. Baka gusto mo mag role play tayo? Tapos bodyslide po?" malambing na usal niya sa leeg ko jaya nagsitaasan lahat ng balahibo ko.

"Huh? Anong bodyslide? Role play? May gano'n?"

"Ayon po rito sa record niyo i-navail n'yo 'yung full service o full inclusive." sagot niya at patuloy pa rin sa pagtataas baba ng kamay niya sa likod ko.

"Oo, 'yun nga? " gulong gulo kong wika dahil hindi naman ako ang nakipag usap doon sa isa nilang staff.

"Cunninglingus po kasi 'yun muna bago 'yung actual erotic----."

Pinutol ko agad ang sasabihin niya dahil namintig ang tenga ko sa isang salitang nabangit nito. "Hindi kita maintindihan? Bakit may erotic-----?"

"Surpise po. Be ready na po. At magbibihis lang po ako. Babalik din ako."

Bigla nalang siyang lumabas kaya napaupo nalang ako sa kama. Magbibihis? Para saan?

Napahawak ako saakin likod dahil mas lalo lang sumakit. Tumayo ako at nilibot ang kabuuan ng kwarto na ito at halos mapaupo ako sa sahig nang makita ko ang laman ng isang lamesa na nakatakip ng puting tela.

"T-ngina?" gulat na gulat na saad ko habang nakatingin sa iba't ibang sed toys. Alam akong sex toy 'to dahil one time nakita ko na ang mga 'to sa fifty shades of grey noong pinapanood ng mga kaklase ko. May mga parang mga vibrator, 'yung hugis ari ng lalaki at babae.  Pamalo, tali at mga kung ano ano pang matutulis na bagay kasama na roon ang mga injection.

Tumingin sa paligid pa ako sa paligid at  bumilis ang tibok ng puso ko nang mapagtanto na tama ang hinala ko. May mga camera sa paligid, maliit din kagaya nung nasa CR at meron ding isang CCTV.

Para saan? Bakit may gan'to? Anong lugar 'to? Nagkamali ba kami ng pinuntahan?

"Ready na po ma'am?" napatingin ako sa babae na ngayon ay nakapang nurse na damit. ''Eto po suotin niyo." lumapit siya saakin para ibigay naman ang pang pasyenteng damit.

"Hindi, ayoko na. Uuwi na ako." akmang aalis na ako pero bigla niyang hinablot ang kamay ko.

"Ay hindi po kayo pwede umalis ma'am. Hindi po kasi kami nag papa refund." nginitian niya lang ako ng matamis pero ang mga mata niya ay nanlilisik habang humihigpit naman ang hawak niya sa kamay ko.

Hindi ako gano'n ka bobo para hindi mapansin na may mali na mangyayari. Alam kong may balak siyang gawin. Sabi na e, hindi maganda ang pakiramdam ko sa spa na 'to.

Buong lakas kong tinabig ang kamay niya dahilan para mapaupo siya, agad kong kinuha ang isang tali mula sa lamesa at agad na sinampay sa leeg niya.

"Ma'am ano---ba!" gulat na sambit niya habang nagpupumiglas.

"Anong klaseng lugar 'to?!" galit na saad ko habang paunti unti kong hinigpitan ang tali sa leeg niya.

_________________________________________
Nyang note: weekly pala ang update pero depende sa sched pa rin. Late lang nag ud ngayon medyo distracted ako, ih. Comeback ng favorite kpop group ko after 2 years lol. Enjoy reading!

Don't forget to vote and leave a comments.

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 38.9K 30
Warning: MATURE CONTENT | R-18 | COMPLETED Highest Rank/s: #1 - Mature 09/19/20 #3 - General Fiction 12/12/20 Griss Naire...
2.2M 10.3K 12
Cathy Xyrene Garcia is a girl who only wants Grey Sanford to recognize and love her. She did everything for him but unfortunately, her love is unrequ...
1.1M 3.5K 5
COMPLETED Hanna Sandoval suddenly married womaniser named Xander Garcia because of a fixed marriage and a one night stand that makes her pregnant. "I...
546K 1.4K 4
Series #2: BLAKE LAWRENCE SARATOGA Lawrence is one of the 7 founders of Recuerdo de Amor Island. He's the happy-go-lucky guy & the youngest in the g...