KISS ME, CAPTAIN

By Zoenia_01

809K 21.9K 7.3K

[ME series#2] The life of Paint Cenery Ordencial is not perfect as other people think. She's beautiful like a... More

KISS ME CAPTAIN
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chaptet 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64

Chapter 39

9.8K 307 84
By Zoenia_01

Paint Cenery

NAPABANGON ako sa kinahihigahan ko at agad akong kumaripas ng takbo papunta sa CR dahil sobra na ang pag ikot ng sikmura ko.

Napahawak ako sa tyan ko at napaupo pa sa sahig habang sumusuka sa kubeta. Patuloy ako sa pagsuka at halos maiyak na ako dahil pinipilit ko ng iluwa ang lahat ng mga kinain ko kagabi.

"Anak ng shooting star!"daing ko dahil sobrang nanlalambot ako at isa pang sobrang sakit ng ulo ko. "P-tangina kang alak ka!"

Napahiga nalang ako ng tuluyan sa sahig dahil sa panghihina. Demonyo talaga 'tong alak na 'to, ano ba kasing kayabangan ang sumapi sa katawan ko kagabi? Takte.

"Cenery!" agad akong napatingin sa pintuan nang marinig ko ang boses ni Roks.

Nagaalala ang mukha niya at halos mapatakbo na siya rito sa loob. Agad niya akong inalalayan makaupo at isinandal niya ako sakaniya. "Labas ka muna, kadiri suka ko. Ang baho pa," mahinang sambit ko at pinunasan ang gilid ng bibig ko na may pinaghalong suka at panis na laway.

Umiling lang siya at niflush ang duming ginawa ko. Binuhat niya ako at inalalayan na maghilamos at pagkatapos ay tuluyan niya akong ipinahiga muli sa kama.

Natigilan ako nang mapansin na pinagpapawisan siya nang binuhat niya ako. Pumikit siya ng mariin na para bang pinipigilan niya ang tunay na expresyon niya.

"Teka---mabigat na ba ako? Pinagpawisan ka kahit aircon naman dito? Tapos parang nabibigatan 'yung expresyon mo, " nakanguso kong wika.

Umiling siya at ngumiti ng tipid. "Ofcourse not, galing ako sa labas. I bought some seafoods for lunch and dinner."

Tumango nalang ako. Pinanood ko lang ang mga galaw niya, nagpunta siya pabalik sa CR at hindi rin nag tagal ay lumabas siya nang may dalang maliit na palanggana at isang bimpo.

Umupo siya sa tabi ko at sinimulan na niya akong pinunasan ng puno nang pagiingat, simula sa mukha hanggang sa mga braso ko. "Ang sakit ng ulo ko," nakalabi kong usal.

Tumigil siya sa ginagawa niya at mapungay pungay niya akong sinulyapan. "I'll prepare your meds and breakfast after this."

Napapikit nalang ako nang mariin at hinayaan siya sa ginagawa niya. Napadilat nalang ako nang sinabi niyang, "Wait me here, I'll get some medicine and bring your breakfast here."

Tumango lang ako at pumikit muli saka minsahe ang sintido ko. Inalala ko ang mga nangyari kagabi na unti unti namang lumilitaw ang mga imasahe sa isipan ko.

Takte, mukhang nag concert ako kagabi paniguradong nairita na mga tao saakin. Tapos naalala ko naubos ko yata 'yung mga malaking bote ng lambanog.

Napadilat ako nang maalala kong bago ako nawalan ng ulirat ay may narinig akong pumutok no'ng pauwi na kami. 'Di ko alam kung ano 'yun, kung guni guni ko lang ba o ano basta ang alam ko may pumutok.

Baka si Roks alam niya? Kasi saaming dalawa siya lang naman matino no'ng gabing 'yun.

Hindi rin nagtagal ay bumukas ang pintuan at inuluwa nito si Roks na dala na ang maliit na lamesa na may pagkain at gamot.

"Roks, kagabi may narinig akong pumutok ano 'yun?" salubong na tanong ko.

Kumunot ang noo niya habang inilalapag sa harapan ko ang dala niya. "Pumutok? I don't know what are you talking about, love. Wala naman akong narinig? Anyway eat these first before you drink this meds. I prepared a tea too."

Napakagat ako saaking labi at inisip pa ulit ang nangyari pero talagang may narinig akong putok. Sobrang curious talaga ako sa kung ano 'yun baka naman kasi may spaceship ng alien na lumanding malapit saamin at biglang sumabog.

As in boom!

"Hindi meron talaga. Kagabi 'yun bago ako nawalan ng malay. Ang lakas nga nung putok, e. Parang malapit lang saatin parang pinasabog na paputok na sobrang lakas."

Nagkibit balikat lang siya at inabot saakin ang kutsara at tinidor. "I really don't know what are you talking about pero ang alam ko lang lasing ka. And maybe you're just imagining some things? Remember gusto mo pang magpunta tayo sa hunted house. You even cry because of that."

Nginisian niya lang ako nang mapangasar kaya nanlaki ang mga mata ko. "Ano?!"

Tumawa lang siya. "You cried like a baby. You're having a tantrums because you didn't get what you wanted but still you looks so adorable, huh," mapang asar na saad niya.

Napahawak ako sa bibig ko at napahampas sa braso niya. "Seryoso ba talaga?!" gulat na sambit ko.

Agad akong natigilan nang bigla siyang mapapikit  ng mariin dahil sa ginawa ko. Taktengina, masyado atang masakit ang paghampas ko.

"Hala sorry," guilty na wika ko saka napalabi ako para ipakitang sobrang sorry ko sa ginawa ko.

Binuksan niya ang mga mata niya at nginitian ako ng matamis. "Nah, I'm just joking, just want you to kiss me,"

Kinagat niya ang labi niya habang tumatawa. Napabusangot ako at sinamaan siya ng tingin. "Siraulo ka sobra kana kala ko napano ka na!" sa pagkakataong 'to ay hinampas ko ulit siya sa braso niya ng pagkalakas lakas at tuloy tuloy.

"Aw! Aw!" daing niya pero 'di ko siya pinansin at pinag papalo pa rin ang braso niya.

"Gusto mo talaga kiss ha? Kiss muna sa palad ko," natatawa kong sambit.

Umigting ang panga niya na para bang napipikon. "Cenery, stop," mariin na usal niya kaya napatigil na ako.

"Joke lang sorry na," mahina kong wika at napayuko nalang dahil nahihiya ako sa ginawa ko. Ang akala ko kasi nakikipag biruan siya saakin. Ang akala ko nakakatuwa ang ginawa ko pero hindi pala.

Hindi siya nagsalita at pinagsalin nalang ako ng tubig sa baso. "Galit ka?"

Maingat kong tinusok ang pisnge niya pero hindi niya ako pinigilan o pinansin man lang. Ang tingin niya ay nasa pagkain lang. "No, eat and drink now."

Hinawakan ko ang magkabilang psinge niya kaya sakawas tumingin na siya saakin. "Bakit ang seryoso mo? Galit ka, e. Sorry na, kala ko kasi nakakatawa  'yung ginawa ko"

Ngumiti siya ng tipid. "Forgiven, love. C'mon, eat these."

"Ikaw kumain ka na ba?" nakanguso kong usal.

Tumango siya. "Yeah, kanina kasabay ko si Mang Cano."

Hindi na ako nagsalita pa at tuluyan nalang kumain. Gutom din naman kasi talaga ako, buong gabi yata alak lang ang laman ng tyan ko.

Napatingin ako sakaniya nang biglang tumunog ang phone niya. Napansin kong si Derin ang tumatawag kaya nag angat ako ng tingin kay Roks na nakatingin din pala saakin na para bang nanghihingi pa ng permiso kung sasagutin niya ba o hindi.

"Sagutin mo na, punta ka muna do'n sarado mo 'yan para
may privacy kayo," usal ko saka tinuro ang balcony.

Hindi siya sumagot at patuloy pa rin ang titig saaakin kaya napabusangot na ako. "Bilis na, baka emergency pala 'yan. Naiirita rin ako sa ingay kaya sagutin mo na."

Bumuntong hininga siya, umigting ang panga niya at tumango nalang saka siya tumayo at nagtungo na sa balcony.

Sinarado niya ang sliding door do'n at sinagot na ang tawag. Inalis ko na ang atensyon ko sakaniya at patuloy nalang ako sa pagkain. Infairness, ang sarap ng almusal ko. Fried hipon 'yung parang tempura, bacon at egg tapos may crab soup pa.

Alam ko namang si Roks mismo ang nagluto nito, e. Kaya nga nagtataka ako bakit niya pa ako kailangan ihire nun na chef, eh jusko mas magaling pa siyang magluto saakin---ay opps oo nga pala alam ko na bakit niya 'yun ginawa kasi gusto niya lagi kami magkasama para may kiss siya saakin, hayok 'yan sa tuka. Syet, iba talaga epekto ng lips ko---naknang  tama talaga ang hinala ko nung una palang. May crush na talaga saakin si Captain simula nung ginawa niya akong Kiss Slave.

Napatingin ako sakaniya at agad na nagsalubong ang mata namin dahil mukhang kanina pa siya nakatitig saakin habang kausap niya si Derin.

Iniwas ko agad ang tingin sakaniya at nagsimula na muling kumain. Ano kaya pinaguusapan nila? Hays, self erase erase! Matuto kang gumalang sa privacy ng bawat isa kahit jowa mo pa 'yan, hindi lahat kailangan mong malaman, h'wag kang chismosa.

Bigla kong naalala ang mga chismosa naming kapitbahay, sina Aling Melva. Kamusta na kaya mga 'yun? Na miss ko makipag trashtalkan--siguro pupunta ako do'n pagkatapos ng bakasyon para tognan ang kalagayan ng bahay namin. Pinapagawa rin kasi, e.

Napatingin ako sa sliding door nang biglang bumukas muli 'to. Tumikhim ako, "Ano pin---ano palang nangyari kagabi bukod do'n sa umiyak ako ng parang bata? May iba pa bang katangahan akong nagawa? As in 'yung parang ginawa ko dati 'yung naghubad na naman ba ako?"

"Anyways, Derin and I talk about our work. May gusot lang ng konti sa trabaho."

Tumango nalang kahit gusto ko siyang barahin na ''hindi ko naman tinatanong, sml? Anak ng shooting star 'di naman 'yan ang tinatanong ko'' kaso h'wag na, good girl na pala ako.

Hindi na ako sumagot at hinintay ang magiging sagot niya sa tanong ko.
"Guess what?" balik na tanong niya nang mapansin niyang naghihintay ako sa sagot nito.

Inirapan ko siya at ininom ang baso ng tubig na may lemon. "Anong guess what ka d'yan? Daming alam, e. Tss,
Kung sabagay kahit naman maghubad ako sa harapan mo ulit pipikit ka lang, e. Kaya safe!" nakangisi kong wika.

Sumeryoso ang mukha niya. "There's a perfect time to see all that,

Waiting is worth it to do lalo na kung ang taong mahal mo ang hihintayin."

Napakagat ako saaking labi at iniwas ang tingin sakaniya. "Ikaw lang ata 'yung kilala kong lalaking gan'yan, pasensyado masyado tungkol sa toot toot na 'yan. Ang gentleman mo sobra. Halos lahat kasi ng lalaki lalo na sa edad mong 'yan hayok na sa toot toot."

Ginulo niya lang ang buhok ko at sumilay sa labi niya ang matamis na ngiti. " Ang patience kasi is not a lack of action; rather, it is timing, in that it waits for the right moment
to act, according to the right values and in the right manner."

"Sana all ganyan lahat pananaw."

Sinabi ko lang 'yun para pa sipsip pero ang totoo hindi lang naman siya ang kilala kong gano'n. Hahaha. Si Roi Gin at Tatay ko parehong gentleman 'yun, itong bestfriend ko kahit g-go relihiyoso at marespeto talaga. Samantalamg si Tatay, grabe 'yung mga pangaral niya sa kapatid kong lalaki na si Hanz tungkol sa mga gan'tong bagay 'yun.

Nagsimula na akong kumain habang  nagkukwentuhan lang kami hanggang sa tuluyan na akong natapos at nilabas niya ang pinagkainan ko. Ang sabi niya magtatagal siya ng kaunti bumalik dito dahil may kakausapin lang daw siyang kakilala.

Pinayagan ko naman siya kasi agad niya namang sinabi na hindi babae kakausapin niya atsaka kahit babae pa talaga papayagan ko pa rin syempre, usapan namin pagkatiwalaan ang isa't isa.

Gustong gusto ko na maligo pero tinatamad pa ako parang ang bigat bigat pa rin ng katawan ko. Ayaw ko na rin bumaba para tignan kung sa ibaba ba sila naguusap  kasi ebarg, legit talagang nakakatamad. Nyeta kasing lambanog 'yan. Katatapos kolang uminom ng gamot at tea pero wala pang epekto.

Bumuntong hininga ako at nagpunta nalang sa balcony, naupo ako roon at nagmasid masid nalang sa kapaligiran.
Mula rito sa second floor ng beach house ni Roks nakikita ko ang mga turista na mga naka pang swimming na kasuotan.

Gusto ko tuloy mag maligo sa dagat.

Napatingin ako sa isang grupo ng mga foreigner na naka halos two piece ang mga babae.

Napanguso nalang ako dahil sa inggit, kapag nakita mong suot suot nila ang piraso ng tela na 'yan parang ang dali lang din suotin 'yung tipong umaapaw ang confidence mo sa katawan.

Pero kapag ikaw na mismo ang nakasubok ng gano'n parang nanliliit ka, iniisip mong pagtitinginan ka ng iba dahil 'di naman bagay sa'yo o kaya naman minsan babastusin ka pa.

Napatingin ako sa sarili kong katawan at kinumpara do'n sa isang babaeng foreigner na putok na putok ang dibdib at pang upo. "When kaya?" bigla kong usal.

Anak ng shooting star dati nasasabi ko pa na katamtaman ang laki ng dibdib ko pero ngayon narealize ko ng mukha talagang likod. As in, walang wala sa bola bola nung foreigner at mas lalong walang wala sa mga bola bola nina Mamsh.

Napailing iling nalang ako at pumasok nalang muli sa kwarto. Nahiga ako sa kama. Napapikit ako ng mariin at bigla biglang may imasahe na lumitaw sa isipan ko---ang itsura kong naka two piece.

Napaupo ako sa kama nang gulat na gulat dahil infairness, maganda ako sa imagination ko. Sign na na 'to? Try ko kaya?

Napatingin ako do'n sa closet tignan ko kung may two piece. Tumayo ako at nagtungo do'n, meron naman siguro binili si Roks dahil alam niyang maliligo kami ng dagat.

Hinalugbog ko ang closet pero wala akong makitang two piece bukod sa mga bra at panty ko lang na pang araw araw. Napakamot ako saaking ulo nang makitang may rush guard na nakatupi sa gilid.

Hindi ko alam pero parang na dissapoint ako, gusto ko kasi sana itry mag two piece ngayon, e. Kahit 'di naman talaga ako nag susuot ng gano'n, gusto kolang talaga makita itsura ko. Wala ng masama kung sumubok ng bagong style,  'di ba?

Saka isa pa ewan ko bakit nararamadamn ko 'to. Parang gusto ko magpskitang gilas at asarin si Roks. Syempre kasi nga masyadong gentleman 'yun, siya nga ayaw akong makita halos hubad tapos ibabalandra ko lang ang katawan ko ng gano'n.

Gusto ko marinig 'yung mga nababasa ko sa nobela na. 'No you can't wear those piece of sh-t, your body is only for my eyes.'

"Ahhh!" napahawak ako sa pisnge ko dahil naiimagine ko palang kinikilig na ako.

Anak ng shooting star nababaliw na ako. Bakit parang ako 'tong patay na patay kay Roks.

Napakagat nalang ako saaking labi at
kinuha ko ang isang romance na nobela na nakalagay dito sa maliit book shelf ng kwarto.  Tutal wala naman akong gagawin at bored ako magbabasa nalang ako.

Tahimik lang ako nagbabasa hanggang sa makalahati ko na. Ebarg naman pala pagka romance nito masyadong wild. 'Yung story kasi, 'di naman talaga magkakilala 'yung bidang lalaki at babae. Ang kaso 'tong si Babae masyadong straighforward walang preno ang bibig at masyadong bored sa buhay kaya bigla nalang pumunta sa kapitbahay niyang condo dahil trip niya lag. Kalilipat lang ng lalaki do'n, itong babae dinalhan niya pa nga ng adobo 'yun tapos bigla bigla niyaya niya ito na maglaro ng seducting game para raw maging komportable ang lalaki na maging kapitbahay siya.

Seducting game, 'yung parang may akitan na magaganap sa pagitan niya pero dapat walang mahuhulog sa patibong mo. 'Yung tipong aakitin mo siya hanggang sa tumigas ang 'di dapat tumigas tapos ayun na. Walang sex na magaganap dahil 'yun nga ang pinaka challenge 'yung tipong magpipigil dapat ang bawat isa sa mga tukso.

Pinagpatuloy ko ang pagbabasa ko hanggang biglang nakainlove-an na ang bida at nagawa pa rin nilang pigilan talaga 'yung sarili nila kahit super gusto na nilang sumuko sa init na nararamadaman nila.

At nalaman ko na kaya pala ginawa ng babae 'yun seducting game na 'yan hindi dahil sa bored pala siya dahil ang totoong gusto niya mahanap ang tamang lalaki na para sakaniya 'yung tipong kahit maghubad siya sa harapan ng lalaki ay hindi siya babastusin at irerespeto pa rin siya. Kasi parang sinusubukan nung babae 'yung lalaki kasi sa pamamagitan nito malalaman niya kung gaano karesponsable siya, 'yung hindi gagawa ng padalos dalos na desisyon ang lalaki para lang makaraos siya. Bali ang pinaka point do'n ay kapag may nangyari sakanila na init lang ang nararamadaman nila walang halong pagmamahal at mas lalong walang plano sa isat-isa pagkatapos no'n ay may consequence .

Marami pang naging conflict ang story hanggang sa biglang nagpakasal na sila at nagkaroon na ng hot scene kaya naman sinara ko nanagad ang libro. Napapunas ako sa noo ko na pinagpapawisan pala.

Napapikit nalang ako at minasahe ang sintido ko ang kaso agad na naman akong napadilat nang maimagine ko na kami ni Roks ang characters do'n sa novel. "Sh-t ka self tigil tigilan mo na kakaimagine." mahina kong pinasasampal ang ang mukha ko.

Bakit gano'n? Bakit parang gusto ko na gawin namin ni Roks ang seducting game na 'yun? Bakit gusto ko rin mafeel, jusmiyo goku na c-curious ako sa reaksyon pati na rin sa mararamdaman namin. Gusto ko rin siyang ichallenge.

Sa totoo lang, tiwala naman talaga ako sakaniya. Alam ko kung anong klaseng tao siya at kung anong posibleng kahihitnan nung laro na 'yun pero gusto ko pa rin itry sakaniya kung hanggang saan nga ba siya.

Kasi lalaki pa rin siya at nay pangangailangan pero alam naman ni Roks ang limitasyon niya, lalo pa hindi  siya mahilig mag take advantage sa isang sitwasyon pero paano kung ako mismo ang pumayag na may mangyari na gano'n? Tatangihan niya ba ako?

Napatingin ako sa pinto nang biglang bumukas ang pinto at niluwa nito ang walang expresyon na mukha ni Roks pero nang makita niya akong nakatingin ay nginitian niya ako ng matamis.

Agad kong kinuha ang libro at binalik sa shelf saka ako nagtungo muli sa kama kung saan nakahiga na siya habang nakapikit.

Sumampa ako sa kama at sumiksik sakaniya. Agad niya namang ikinulong ako sa braso niya, niyakap ko siya habang tinitigan. "May problema ba?"

"Nah, masakit lang ang ulo ko. I didn't sleep last night," napabuntong hininga nalang ako at naupo sa kama.

Sinimulan kong hagurin ang buhok at hilutin ang sintido niya para makapag relax naman siya. "Sige na, matulog ka na muna."

"I love you," mahinang bulong niya.

"I love you too." patuloy lang ako sa ginagawa ko hanggang sa nakatulog na siya.

Napangiti naman ako at tinabihan na siya. Niyakap ko siya nang mahigpit hanggang sa tuluyan na rin akong nakatulog.

Nagising kami siguro pareho mag ala una na ng hapon. Nag tanghalian kami sa isang sea food restaurant na hindi kalayuaan dito dahil 'di na kami nakapagluto.

"Gusto ko maligo ngayon sa dagat para mahimas himasman ako parang tulog pa kasi diwa ko." saad ko habang nakatingin sa dalampasigan.

Tumango siya. "Masyado pang mainit but yeah we'll swim later."

Napahigop nalabg ako sa juice ko habang nakatingin na naman sa mga nag s-swimming na naka two piece.
"Bakit wala kang binili na bikini? Paano ako maliligo?"

Natigilan siya sa pagkain niya at pinagtaasan ako ng kilay. "There's a rush guard in your closet?"

Napangisi ako sa isip isipan ko pero 'yung expresyon na ipinakikita ko sakaniya ngayon ay nakabusangot.

" Nakita mo ba 'yang mga tao sa paligid ng beach? May nakita ka bang naka rush guard? Oo meron pero iilan lang. Halos lahat sila naka two piece oh. Gusto ko rin magsuot no'n."

"Liar, " naiiling na wika niya at pinagpatuloy ang pagkain niya.

"Hoy, totoo nga! Kung ayaw mo maniwala pautangin mo nalang ako--may nakita ako d'yan sa bilihan ng souvenir na nagbebenta ng two piece."

Kinurot niya ang ilong ko. "Stop lying, love. You will not wear like that, I know you more than yourself remember?" mapangasar na saad niya kaya napairap nalang ako.

"Sus, kunwari ka lang ayaw mo lang talaga ako pagsuotin no'n. Eh, kaya ko naman talaga mag suot ng gano'n. Akin na, bigyan mo 'ko ng pera." inilahad ko ang kamay ko sakaniya pero imbes na bigyan niya ako ng pera ay hinalikan niya pa ang likod ng palad ko.

Agad kong tinabig ang kamay niya at sinamaan siya ng tingin. "Haish! Ayaw mo 'ko pautangin? Babayaran ko naman, e. Sino kasi may kasalanan na nagdaladala saakin dito kahit wala akong dalang pera ha?"

"Pikon, huh? You can't wear that baby. " nakangisi niyang sambit kaya mas lalo ko lang siya sinamaan ng tingin.

"Ang daya mo! Wala ka bang tiwala sa confidence ko? 'Di ha sabi mo ng be confident nye nye nye. Tss, kayang kaya ko na mag suot ng two piece," iritado kong wika.

Ang akala ko maririnig ko 'yung pagbabawalan niya ako dahil ayaw niyang may ibang makakita sa balat ko ang kaso expectation vs reality talaga bwiset. Inasar pa ako, ang dating tuloy saakin parang sinasabi niya 'di ko kayang mag suot ng gano'n dahil nga hindi naman talaga ako confident.

Nagtiim ang bagang niya. "Do you really want to wear a piece of clothes huh?"  nakataas na kilay niya.

Tumango lang ako saka inirapan siya. Kala niya, ha. Baka mag laway siya kapag nakakita niya ako na naka two piece. Tss.

Bumuntong hininga siya at pinipigilan na ngumiti dahil alam niyang naasar na ako sakaniya. "There's a swimsuit in my closet, nakita mo ba 'yung isang itim na paper bag do'n? That's the two piece you want. I bought that incase of emergency," pangaasar na wika niya.

'"Tse!"

Habang kumakain hanggang sa matapos na kami pinapamukha ko talaga sakaniya na mag susuot ako ng gano'n at sisiguraduhin ko na maglalaway siya ang kaso 'di niya ako sineseryoso, tumatawa pa talaga ang Bato na 'to ang kala niya ata nag bibiro pa rin ako.

Nang makabalik kami sa beach house niya ay agad kami nagtungo sa master bedroom. "Here, try it," nakangisi niyang inabot saakin ang paper bag at ewan pero bigla akong kinabahan.

Napatitig lang ako sa paper bag na hawak niya saka ako pinalunok.
"Why are you look so tense, huh?" painosente pang usal ng Bato na 'to.

"Akin na nga!" marahan kong kinuha ko sakaniya ang paper bag at nag martsa papasok ng CR.

Huminga ako ng malalim at humarap sa salamin. "Ano kaya mo ba talaga?" tanong ko sa sarili ko.

Bwiset na Roks na 'to kala ko naman pipigilan ako kasi nga sabi niya kanina 'There's a perfect time to see all that,
Waiting is worth it to do lalo na kung ang taong mahal mo ang hihintayin'

Imeexpect ko talaga na sasabihin niya rin na 'di niya hahayaan na makita ng ibang lalaki ang balat ko. Kala ko talaga pipigilan niya ako bwiset. Ang kaso hindi niya sinabi, e. 'Yun nga ang gusto kong marinig, anak ng shooting star na 'yan.

"Panindigan mo na 'yan Pintura, siguraduhin mo na magsisi siya na pinasuot ka niya ng gan'yan." unti unti sumilay ang maloko kong ngiti dahil naalala ko na naman ang seducting game na ginawa ng bida do'n sa binasa kong story.

Pahihirapan ko si Roks kala niya ha, nang aasar pa siya. Gaganti ako! Ibabalik ko sakaniya lahat. Tss. Humanda siya, hanggang saan kaya ang pagpipigil niya kung ako na mismo ang aakit sakaniya.

Nagsimula na akong maghubad at agad na sinuot ang maroon na two piece na 'yun. Kasi may tatlong kulay, white, black and maroon pero mas
pinili ko ang maroon para mas hot.

Ngiti ngiti akong humarap sa salamin at agad na nawala ang ngiti sa labi ko nang makita ko ang itsura ko. Bakas na bakas pa rin ang mga peklat ko simula sa leeg dibdib pababa ng legs ko. Ang payat ko pala. Petite ata tawag sa gan'to o buto buto?

"Haish!" ginulo ko ang buhok ko at napabusangot nalang.

Paano ko maakit si Roks nito? Ni wala nga akong mukhang ihaharap dahil sa mga peklat na 'to tapos 'di pa bagay saakin ang two piece.

Ano ba 'yan? Nicareer ko na pag ka madami ng flaws ko. Anak ng shooting star naman ano kasing kayabangan ang pinasok ko. Pinapahiýa ko lang sarili ko.

Hindi ko namalayan na nagtagal na pala ang paninitig ko sa sarili ko, nabalik lang ako sa reyalidad nang biglang narinig ko ang boses ni Roks.

"Is there any problem?"

"Wala!"

"Why you took so long? Nagpapalit ka lang naman? Tell me, Cenery? What's the problem?" nagaalalang wika niya mula sa labas.

Bumuntong hininga ako at binuksan nalang ang pinto ng bigla bigla. "Cenery, I-----" bumasangot lang ako at  dumaretso sa salamin dito sa kwarto.

"Oo na, tama ka na. 'Di talaga ako mag susuot ng gan'to, tignan mo. Napaka pangit."  tinuro ko ang mga peklat ko sa katawan.

Hindi ko alam bakit parang nawawalan ako ng gana. Gan'to pala ang feeling ma i-insecure ka sarili mo dahil napakadami mong flaws. 'Yung tipong mag iimpusa ka na mag kumapara sa iba.

Lumapit siya saakin habang malalim ang titig saakin. Umupo siya sa kama at hinila niya ako doon at 'di ko inaasahan na sa hita niya ako papaupin.

Nanlaki ang mga mata ko pero hindi ko magawang makapag react.

"You're so gorgeous." namamangha niyang sambit habang bumaba ang titig niya sa mga peklat ko sa katawan.

Bumuntong hininga nalang ako at ipinalupot ang kamay ko sa leeg niya. "Sinungaling.'"

"I'm serious, c-can I touch it?" nag aalangan na tanong nito.

Napalunok ako dahil hindi ko inaasahan na sasabihin niya 'yun. Ang akala ko nga pipikit siya kasi nga halos hubot hubad na ako pero ito bukas na bukas ang mata niya at talagang gusto niya pang hawakan.

Aha, gets ko na bakit biglang nagbago ang ihip ng hangin sakaniya. Gusto niyang iparamdam na naman saakin na wala akong dapat ika-insecure. Gusto niyang i-appreciate ang flaws ko.

"Uhmm," tumatangong sambit ko.

Agad na nagsitaasan ang mga balahibo ko nang dumampi ang kamay niya sa balat ko. Una niyang hinawakan 'yung sa braso ko nang dahan dahan hanggamg sa tumaas sa leeg ko at bumaba sa dibdib ko. As in dibdib lang ha, hindi sa dede.

"These are d-mn beautiful,"mahinang bulong niya sa aking tenga.

Napalunok ako at bumilis ang tibok ng puso ko. Pumungay pungay ang mga mata niya habang namamangha pa rin titig sa mga peklat ko.

'Yang mga titig niya na 'yan parang gusto niyang iparamdam saakin na ang mga peklat ko ay isang halimbawa ng artes.

"Cenery.." hinuli niya ang mata ko kaya nagkatitigan kami.

"You should wore these scars the way some women wore their finest jewelry." unti unting sumilay ang ngiti niya sa labi at hinawakan ang baba ko.

"Scars are an unavoidable aspect of life. You can not get through life without any scars, regardless of who you are," makahulugan wika nito.

Ang lalim naman ng hugot nito, kung sabagay siya nga pala si Roks Musket Montego bakit pa ako magtataka. Maraming hugot at words of wisdom ang lalaking 'to.

"In reality, how you handle those scarsoften determines who you end up being."

Tumango lang ako saka pabalik ko siyang nginitian at hinaplos inipit ang magkabilang pisnge niya sa mga palad ko. "Roks.."

"Hmm?"

Napakagat ako saaking labi dahil nahihiya talaga akong sabihin sakaniya 'to. Ewan ko pakiramdam ko ito ang tamang timing para gawin namin 'yung seducting game na 'yun, na e-excite at na cucurious ako na ewan. Haish.

" 'Di ba sabi mo, marunong kang mag pigil?"

Pinanliitan niya ako ng mata at 'di kalaunan ay pinagtaasan naman niya ng kilay. "What do you mean?"

"Para namang sa ilang linggo nating pag stay dito ay hindi nakakabagot. Maglaro kaya tayo?" malambing kong turan habang naglalandas ang hintuturo ko sa mukha niya.

Tahimik at seryoso lang ang titig saakin.

"Nababasa mo ba ang nasa isip ko Roks Musket Montego?" maloko kong sambit dahil napansin ko na nanigas siya parang 'di nga siya humihinga eh.

"Cenery----" aangal sana siya pero hinarang ko ang hintuturo ko sa labi niya.

"Shhh." kinagat ko ang labi ko at tinignan niya nang mapungay pungay. "Maglalaro lang tayo, h'wag kang KJ."

Mas lalong lumawak ang ngiti ko nang mapansin kong napalunok siya. Tumayo ako mula sa pagkandong sakaniya at agad na nilapit ko ang mukha sakaniya.

Iniwas niya ang tingin saakin. "N-no, this is not a right time to play. Cenery, don't do this. We both know our limitation. Alam mo namang nireres----."

Pinutol ko ang sasabi niya sa pamamagitan ng pagahalik ng mabilis at pagkagat sa ibaba niyang labi.

"Ako naman mau gusto, walang pumilit kaya hindi pag t-take advantage ang tawag dito. Molmol lang, labing labing gano'n. Ginagawa nung mga nagmamahalan," natatawang saad ko.

Wala rin akong kontrol sa sarili ko, parang sinipian ako nung babaeng character sa libro na wala ng bahid na hiya.

Hindi na siya nakapagsalita lalo nang kumandong ako paharap sakaniya
"Tignan natin kung hanggang saan ka," mapaos paos kong wika bago siya tuluyang siniil ng halik.

Sa oras na magtama ang labi namin ay agad kong ginalaw ang akin, ipinalupot ang kamay ko sa leeg niya at napangiti ako sa isipan ko nang agad siyang tumugon.

Bumaba ang kamay niya sa bewang ko kaya sandali na humiwalay ako sa halikan namin. "Kung ayaw mo? Bakit ayaw mo 'kong pigilan, ha?"

Ang pungay pungay ng mata niya na para bang baby na nanghihina dahil inaagawan ng chupon. "Love.."

Hinaplos haplos ko ang labi niya.
"Kiss my marks." tinuro ko ang mga peklat ko sa dibdib.

"Why are you doing this to me?" hinang hinang bulong niya.

"Curious ako," sambit ko saka iniwas ang tingin sakaniya. Tumayo na ako mula sa pagkaupo dahil bigla akong  nahiya sa pinagagawa ko kanina.

Sy-t ang wild ko? Nakadrugs ba ako?

Ngayon ko naramdaman na nakakahiya pala pinag gagawa ko, anak ng shooting star. Lupa kainin mo na ako, nyeta ka Pintura saan mo nakakuha ang lakas na loob mo.

"Why are you so curious? I don't understand? How can I fulfill your curiousity, huh?"

Bumuntong hininga ako at umupo sa kama saka ko hinila ang clmforter para ibalot saakin. "I'll seduce you and all you have to do is to be strong. Oh 'yan english na ha?" hindi makatingin na wika ko. Ginaya ko lang line nung babaeng bida sa libro.

"Huh?  Look at me, Cenery." hinawakan niya ang pisnge ko at hinarap sakaniya. "How? I'll let you to touch me? And you'll let me to touch you?"

Kinagat ko ang labi ko bago ako tumango. "Oo, pero may limitasyon? At alam naman nating dalawa kung saang parte ang bawal."

Umigting ang panga niya habang seryoso ang paninitig niya saakin kaya napalabi ako. Ayaw niya ba?

"Deal or no deal?" alanganin kong tanong pero umiling lang siya.

"H'wag ka ng KJ, bigyan natin ng  fun at spice ang pag stay natin dito. Adventurous ka naman 'di ba?" Panggagaya ko muli sa sinabi nung bidang babae sa binasa kong libro kasi naman nung sinabi niya 'to bandang huli pumayag 'yung lalaki.

Bumuntong hininga muli ako at napasuklay sa buhok. "Alam ko namang gentleman ka at marespeto, alam ko namang pareho tayong hinihintay 'yung tamang panahon para do'n sa tooot. Pero ito kasing laro natin'yung parang way ko na 'to na itest ka kung ikaw ba talaga ang future."

Weh? Talaga ba self? Mamo mo test, curious ka lang talaga sa pakiramdam.

Hindi siya sumagot. Umigting lang ang panga niya.

"Alanganin ka na naman kasi baka nag t-take advantage ka sa lagay na 'yun? Hindi, Roks. Hindi. Kasi katulad ng sabi ko kanina, ako ang may gusto. Ako ang pasimuno kaya wala ka na dapat alalahanin kasi may permiso mula saakin."

"This is serious and hard, Cenery."

"Ihhh Roks, sige na! Wala namang mangyayari saatin, e. Kiss na may kasamang konting pang aakit lang. 'Di ba nga kahit walang tayo at ilang beses natin sinasabi na bawal ang kiss hanggat hindi pa talaga tayo mag jowa nag kikiss pa rin naman tayo, 'di ba? Wala ring silbe."

Hindi siya nagsalita.

"Roks, please na. Sobrang curious kasi ako sa kahihinatnan. Hindi naman sa nag doubt ako sa pag rerespeto mo pero gusto ko malaman kung gaano kalakas ang pagpipigil mo, kung hanggang saan kaya ko at mo 'diba? Challenge natin sarili natin."

Napapikit siya ng mariin at minasahe ang sintido. Hindi pa rin siya nagsalita kaya 'di rin ako nagsalita, hinihintay ko siyang sumagot.

Bumuntong hininga nalang siya. "Fine, I'm confident that I can control myself now. Sex is so special that it needs a special home and that home is marriage because the ultimate intimacy belongs in the ultimate commitment."

Lumaki ang ngiti ko at agad na inalis ang nakatakip na kumot. Marahas ko siyang niyakap kaya napahiga siya sa kama sa sobrang gulat at ang ending ay nakapatong ako sakaniya.

Napakunot ang noo ko nang mapansin kong galaw ng galaw ang adams apple niya at talaga namang pinag papawisan siya. "Bakit ka pinagpapawisan huh?" mapangsar na wika ko habang pinupunasan ang ang  pawis niya.

Iniwas niya ang tingin niya. "Cenery, I c-can feel you," nauutal na saad niya kaya natawa ako.

Nasa pagitan pala ng hita ko ang ang hita niya habang itong dibdib ko na walang laman ay nakadikit din sakaniya. Bali ang pwesto ko ay nakadapa rito habang ang tanging suot ko lang ay ang two piece pa rin.

Biglang naginit ang pisnge ko, nahihiya ako pero parang nanaig ang curiosity ko na ano mangyayari kapag sa pwesto naming ito ay inakit ko siya lalo na ngayon hindi na siya mapakali.

Para akong sinabian ng demonyo ng hipan ko ang tenga niya pababa ng leeg niya at pagkatapos ay ipinasok ko ang kamay ko sa loob ng shirt niya habang ang titig ko ay nasa mga mata niya lang.

"What the hell," malutong na mura niya nang bigla kong haplos haplosin ang abs niya.

Tatlong santanas pa ang sumapi saakin  dahil kusa ko nalang hinalikan at biglang dinilaan ang abs niya pataas.
"Why baby? Why so naughty?" hirap na hirap na sambit niya parang nawawalan siya ng hininga.

The game is officialy begin!

Nginisian ko siya, umayos ako ng pwesto. Ang pang upo ko ngayon ay nasa bandang tyan niya saka ko hinalikan ng malumanay ang labi niya. Agad siyang tumugon, hinawakan niya pa ang ulo ko para alalayan.

"Hmmm.."

Habang nagpapalitan kami ng halik ay binaba ko muli ang kamay ko sa abs niya at hinaplos haplos 'tong hanggang sa pilit kong tinatanggal ang pang itaas niyang damit.

Sa kabutihang palad, hindi na storbo ang halikan namin hanggang sa matagumpay kong natanggal ang damit niya.

Wala talaga akong alam sa gan'to, sinusundan ko lang talaga 'yung mga naalala ko doon sa story. Sy-t, naiintindihan ko na ngayon 'yung pakiramdam nilang 'mainit' at 'nakakapaso'

Baba sana sa leeg niya ang halik ko pero napansin ko na naka bandage ang braso niya. "Saan mo galing 'yan?" agad akong umalis sa pagkapatong sakaniya at naupo nalang ako sa mismong kama.

Halata sa mukha niya ang pagkagulat sa sinabi ko na para bang bata na may sugat at sinekreto sa Nanay para hindi ito pagalitan.

Inalalayan ko siyang maupo sa kama at agad na lumukot ang expresyon ko nang makitang napakadaming parang salonpas na nakadikit sa likod niya.

"At bakit may parang may mga salonpas ka sa likod? Bakit may sugat ka? Masakit likod mo?"

Ngayon ko lang na realize, kaya pala sobrang nasaktan siya sa hampas ko kanina kahit hindi naman malakas. Kahit nga super lakas ng hampas ko noon 'di naman siya umaangal tapos ang akala ko sobrang bigat ko nang binuhat niya ako, 'yun pala sadyang masakit ang likod niya.

"Ano pipe kana?" nakataas na kilay na tanong ko dahil nakatingin lang siya saakin na para bang naghahanap pa ng sasabihin.

Bumuntong hininga siya at hinawakan ang kamay ko. "Last night, alam mo namang nakainom ako ng kaunti. While I'm carrying you masyado kang lumilikot  hanggang sa na outbalance ako at nagkataong na may matulis na kahoy sa gilid ko natusok sa braso ko,"

Napahampas nalang ako sa noo ko dahil sa napagalaman kong ako na naman pala ang dahilan. "Roks naman, e. Dapat sinabi mo agad. Haish, sorry. Pinagpapalo pa naman kita kanina tapos nagpabuhat pa ako tapos ako rin pala may kasalan kaya may sugat ka," nakabusangot na saad ko.

Ngumiti siya at pinisil ang ilong ko.
"I've treated myself already. Don't worry. I'm fine. Saan na nga ba tayo ulit? Can we continue?" malokong saad niya pero 'di ko pinansin 'yun dahil nasa sugat niya ang atensyon.

"Tignan ko nga 'yung sugat mo kung malalim," kunot noong sambit ko saka akmang hahawakan ang braso niya pero iniwas niya naman 'to.

"I'm fine---."

"Isa," madiin kong wika habang sinasamaan siya ng tingin.

Wala na siyang nagawa kung hindi alisin nalang ang bandages sa braso niya. "See? Hindi naman malalim so don't worry."

Malalim pa rin siya ng kaunti pero parang style daplis siya dahil pahaba ang sugat.

Napabuga nalang ako ng hangin dahil naiisip ko na naman na ang kamalasan na nangyayari saamin kapag magkasama kami.  "Eh, 'yang likod mo masakit ba masyado?"

"Hmm yeah, would you mind if I request you to massage me?"

Malaki ang ngiti niya sa labi at alam kong pinapagaan niya lang ang loob ko kaya niya sinabi 'yun. "Sabi ko sa'yo malas ako, e. Eto na naman tayo sa gan'to. Nasasaktan ka lagi kapag kasama mo 'ko."

Lumukot ang expresyon niya. "Then what's your point? Aatras ka na? Iiwan mo na ako because of that? Hindi ba't mas lalo akong masasaktan kapag ginawa mo 'yun? Panghabang buhay ang sakit na maidudulot."

Napatingin nalang ako sa sahig dahil eto na naman po kami sa gan'tong senaryo dahil masyado akong negative. Paulit ulit na naman, hays.

"Hey, don't stress yourself. Maliit na sugat lang 'to, I thought we're here to enjoy? You even challenge me nga 'diba? Titignan natin sinong mas matibay saating dalawa, so try it now. Seduce me while doing the massage."

Nag angat ako ng tingin sakaniya at ngumuso. "Ano? Ayaw mo? You're afraid na baka saating dalawa ikaw ang mag fail?" pangaasar niya.

"Hindi no! Maghanda ka!" tinulak ko siya nang mahina at nagpunta sa CR para kunin ang rose oil do'n.

Nagsuot muna ako bathrobe bago ako tuluyang lumabas. "Dapa!"

"Yes, love! Yes!" Sambit nito na mala sundalo talaga.

Napailing iling nalang ako, sumulyap ako sa sugat niya na nakatakip na muli ng bandage bago ko tuluyan inalis ang mga nakadikit na puti sa likod niya at nilagyan ito ng rose oil.

Sinimulan ko na siyang masaihin. Isang diinan palang ng kamay ko ay umungol na siya. "Hmm~ Cenery."

Napangisi nalang ako at pinagpatuloy sa pinagagawa ko pero narealize ko na may game pala kami na.

Umupo ako sa bandang pang upo niya rin at dahan dahan kong ipinadulas ang kamay ko sa likod niya. "Your hand is soft," malambing na saad niya.

Habang ginagawa ng kamay ko ang trabaho niya ay inamoy amoy ko ang batok niya at binigyan ito ng maliliit na halik. "Oh Jesuz~"

Bumaba ang maliliit kong halik sa leeg niya at 'di ko na malayan na napaupo na pala ako sa mismong likod niya dahil nadadala na rin ako sa feeling.

"Sh-t, I can feel you and I know the texture of oil, this is not oil." rinig kong sambit niya kaya natigilan ako sa ginagawa ko dahil 'di ko siya gets.

"Ano?"

Humarap siya at para bang hindi siya sigurado sa sinabi niya. " Sit here." tinuro niya ang tyan niya kaya naman ginawa ko 'yun.  "You're wet, huh?"

Nanlaki ang mga mata ko at madaling umalis sa pagkaupo sakaniya. "Anong wet ka d'yan! Feeling mo! Teka nga, maliligo na ako ang init!"

Agad akong napatakbo sa CR dahil sa kahihiyan pero bago pa ako tuluyan makapasok doon ay narinig kong nagsalita si Roks. "Oh, I thought mag b-beach tayo?"

"Mamaya! Mainit pa!" agad kong sinarado at nilock ang pintuan. Hingal na hingal akong napaupo sa sahig at tinigan ang ibaba ko.

"Sh-t ano 'to?!" mahina pero gulat na wika ko habang nakatingin sa panty na may basa na parang ihi.

"Eto ba 'yung sinasabi nilang wet /talaga?"bulong ko sa sarili ko. Syet, bakit ko naramdaman 'to? Bakit ako ang nakaramdam?

Ang ibig bang sabihin nito ako 'yung naakit kasi ako 'yung nag wet? Sabi nila kapag nag wet ka ibig sabihin gusto mong may mangyari.

Ahhh! Hindi pwedeng ako lang nakaka feel nito, si Roks kaya nag wet? Teka nga nag w-wet ba ang lalaki? Anak ng shooting star---oo nga pala kapag naakit ang isang lalaki madalas may tumitigas na sandata.

Pero tumigas ba 'yung sakaniya? Potakte 'di ko napansin. Ahh! Ano ba 'tong pinagsasabi ko? P-nyeta kasing libro 'yun, dinemonyo ako. Nakakahiya, paksyet talaga. Hindi pwede ako lang ang nakaramdaman ng kahihiyan.

Wala sa sariling binuksan ko muli ang pintuan. "Hoy Roks!"

"Yes, love?" malambing na tugon niya habang pretende pa rin siyang nakadapa pa sa kama.

"Sabay tayo mag shower~" pagkasambit ko nun ay agad siyang napabalikwas sa kinahihigaan niya at binigyan ako ng hindi makapaniwalang expresyon.

"What?!"

"Bakit? Takot kang matalo sa game?"

Natulala siya saakin ng ilang saglit bago sumilay ang ngisi sa labi niya. Tumayo na siya at lumapit habang akmang huhubarin na ang suot niyang short.

"Wait---wait!" natatarantang sigaw ko.

"What? Is there something wrong?" painosenteng saad niya.

"Bawal ka pa pala maligo kasi nilangisan kita! Mabibinat 'yung likod mo!"

Nyeta at talaga gora siya? Nasaan na 'yung sinasabi niyang may tamang panahon para makita ang lahat. Aaaaaah!

Pabagsak kong isinara ang pintuan. Napahawak ako sa dibdib kong napalakas ng tibok. " 'Yan sige kapokpokan mo kasi Paint." inis na sambit ko sa sarili ko at nag simula ng maligo.

Nang matapos na ako ay na!butan ko siya sa kama na parang naglalaro pa sa phone niya. Inalis ko na agad ang tingin ko at nag hanap nalang ng masusuot.

Halos mapatalon ako ng biglang may yumakap sa bewang ko mula sa likod.
"Hey gorgeous," bulong niya sa tenga ko.

Agad ko siyang tinulak. " Tsupi! Kaliligo kolang h'wag mo 'kong hawakan nahawaan ako ng germs mo! Ew!"

"Am I? Should I take a bath?"

"Oo!"

"Wait? Dapat pala nagsabay na tayo kanina? I thought bawal ako maligo?"

"Kanina na 'yun! Maligo kana!"

Tumawa lang siya at ng tumawa at ninakawan pa ako ng halik sa pisnge bago nagpunta ng CR.

Nagayos na ako ng sarili ko habang nasa CR siya at sakto namang tumawag number ni Gracielle sa telepono ni Roks. Nakikitawag pala do'n si Tatay, nakipag kamustahan lang ako at napag alaman ko na uuwi na siya ng bahay this month sabi ng doctor.

Natapos na ang call namin ni Tatay pero 'di pa rin natapos si Roks maligo.
"Bakit ang tagal mong maligo? Anong ginawa mo, huh?" katok ko sa CR.

Narinig ko lang siyang tumawa. "Ano nga bang ginawa ko? I know you know, love. C'mon answer your question."

"G-go!"

Bago pa ako mag isip ng kung ano ano ay bumaba nalang ako para kunin 'yung emergency kit para magamot ko sugat niya katapos niyang maligo.

Pagbalik ko ay sakawas tapos na siya maligo at bihis na bihis na.

"Akin na gamutin ko na muna 'yang sugat mo bago ko patuyiin buhok mo. Upo ka na do'n." turo ko sa kama.

"Thank you, love." sinunod niya naman ako kaya agad ko ng sinimulan linisin ang sugat niya.

"Sabi ni Sizer kapag nasusugatan o nasasaktan ka hindi ka magpapadala sa hospital kahit gaano pa kalala. Kaya ba hindi mo sinabi saakin na may sugat ka?"

"Uhmm, I can take care of myself and yeah, I don't want you to worry like this. Ayaw na ayaw ko. Gusto ko lang mag enjoy ka sa trip na 'to, look how stress you're because of this small wound."

Huminga ako ng malalim at dinamdampi ang cotton balls na may betadine sa sugat niya. "Simula ngayon, tayong dalawa na ha? Kapag may masakit sa'yo please lang h'wag mong itago, sabihin mo agad saakin. Kapag may sugat ka, gagamutin ko. Hindi ka magisa, nandito na ako."

"I love you.." mahinang wika niya habang nakakatig lang saakin.

"Mas maganda kasi 'yung may karamay ka, 'yung may nag aalalaga sa'yo. Alam mo kasi 'yung napapansin ko sa'yo, hindi ka open sa iba no? Eh, isang factor kaya naramdaman mong mag isa ka. 'Yung tipong may mga nandyan naman para sa'yo pero hindi mo naman binibigyan pansin, ikaw pa rin 'yung naglalayo sa sarili mo."

Umigting ang panga niya at iniwas ang tingin saakin.

"Nabanggit saakin ni Atarah na gano'n ugali mo, e. Tapos napapansin ko din. Masyado mong kinikimkim ang nararamdaman mo.  Kaibigan mo sila pero hindi mo sinasabihan. Ni hindi ka rin ata open sa magulang mo?"

"They have their own lives, Cenery. Hindi lang naman saakin iikot ang mundo nila, why would I bother them if I can solve the problem in my own? Ayokong magpasa ng burden sakanila. That's a big big nah."

Hindi ako sumagot dahil 'di ko naman alam sasabihin ko. 'Di ko siya gets, bakit sinasabi niya pagod na siyang magisa kung siya naman mismo ang may gusto na mag isa siya? Mahirap intindihin pero kailangan ko pa rin siya maintindihan.

"I have trust issue, Pinipili ko ang tao na sasabihan nang nararamdaman ko. Yeah, tama ka may mga tao na nandyan para saakin but the question is handa ba silang makinig? Bukal ba sa loob nila? Totoo ba sila? Hindi ba sila naabala?" patuloy na saad niya.

Napakamot nalang ako sa ulo ko. "Alam mo minsan, kinakain mo sinasabi mo no? Ayaw mong mag isa, pagod ka na sa gano'n pero parang gusto mo naman? Ikaw rin pumipili na maging isa nalang. Gulo mo, Roks. Grabe 'yung mga words of wisdom mo saakin pero hindi mo naman ma iapply sa'yo mo no? 'Di ka pa ba busog? Dami mo ng nakain na salita, e."

Ngumiti siya ng tipid. "You're right but may mga dahilan ako bakit ko kailangan kainin ang lahat ng salita ko, I hope one day you understand it."

Dami talagang hugot sa buhay. Napaka misteryoso rin, ano namang dahilan niya? Nagkibit balikat nalang ako at pinagpatuloy ang pangagamot.

Kinahapunan napagdesisyon ko mag swimming sa dagat habang si Roks ay pinapanood lang ako mula sa bangka. Hindi kasi pwede mabasa ng tubig dagat ang sugat niya baka ma infection pa isama pang masakit.

Ang ending din ay naka rushguard ako dahil ako mismo 'di ko naman kaya talagang mag usot ng gano'n at isa pa ayaw din ni Roks.

"Anong gagawin mo kapag inatake ako ng pating?" tanong ko habang nag f-floating ako at siya naman ay tanging ang paa  lang ang nakababad sa tubig.

"Will save you and attack the shark too using my hands only," natatawang saad niya.

Inirapan ko siya, kala niya naman kaya niya. Ang yabang, amp. "Tara nga, punta pa tayo doon." turo ko sa gitna pa ng dagat dahil nandito kami sa parteng hindi pa naman malalim ng sobra at payapa ang alon.

"No, Cenery. That part is too deep."

"Sige na, hanap tayo pating pahabol lang ako."

Ngumiwi siya. "First you wanna have a date in the hunted house kasi you want to find a ghost and now gusto mong magpahabol sa pating?"

Tumawa lang ako at nagsimula ng sumisid kahit narinig ko pang binawalan niya ako.

Sa pagsisid ko halos maubusan ako ng hininga nang may mapansin akong lalaki at baba na naghahalikan talaga sa ilalim ng dagat na hindi naman kalayuan saakin.

Anak ng? Paano nila nagagawa maghalikan sa ilalim ng dagat ng hindi sila naaubusan hininga?

Shokoy sila ghorl? Sa palabas ko lang nakikita 'yung gan'to o kaya sa mga libro nababasa ko? At mas nakakamangha pala kapag personal mo ng nakikita ang under the water kissing.

Ano kayang feeling? Kaya ko kaya 'yan? Kakayanin kaya namin ni Roks? Ahhh! Eto na naman ako, jusko. Curious na naman ako masyado.

Napatingin ako muli sa pwesto nung naghahalikan as in ang wild ng halikan nila tapos nakita ko pang 'yung isang kamay ng lalaki parang nasa loob nung panty.

Sy-t.

Agad akong umaahon ng hingal na hingal dahil 'di ko na kaya panoorin pa, sobrang curious ako sa pakiramdam ng ginagawa nila. Parang gusto ko rin gawin.

Pokpok ka talaga Paint!

"Tara na ayoko na mag swimming."

Lumangoy ako palapit sa bangka at agad niya naman akong inilalayan na makasakay do'n. "Why are you so red? Tell me what happened? May kumagat ba sa'yo? Allergy?" kunot noong tanong niya nang tuluyan na akong makasakay sa bangka.

"Wala, masyado lang mainit."

Pinanliitan niya ako ng mata dahil wala naman ng araw nung ngayon. "But there's no----"

"Kanina nung meron pa, nag s-swimming na ako 'di ba? Tara na! Dami mo namang tanong," iritado kong wika.

Ayaw ko nga siyang tignan sa mata baka mademonyo na naman ako at yayain siya na maghalikan sa ilalim ng dagat.

Hindi na siya nagsalita pa at binalutan nalang ako ng towel saka siya nagsagwan palapit sa pangpang.

Sa oras na pag dako namin sa lupa ay agad akong napatakbo dahil gusto kong mahismasan ako at makalayo sa tukso.

"Cenery!" tawag niya pero 'di ko siya pinansin.

Hanggang sa makalayo na ako ng konti ay nakakapagtaka na 'di niya na ako tinawag kaya napatigil ako nilingon siya.

At eto na naman po, may mga p-yetang babaeng lumapit na pala sakaniya.

Sabi ko sa sarili ko hindi ako magiging selosa pero anak ng shooting star 'yung mga babaeng nakapalibot sakaniya kita lahat ang pisnge ng pwet at luwang luwa ang dibdib.

"Love!" malakas na sigaw ko at patakbong bumalik muli sakaniya.

Napatingin saakin ang mga babaeng nakapalibot sakaniya at si Roks naman sumilay agad ang ngiti sa mga labi niya.

"Why did you run?" agad na tanong niya nang makalpit ako sakaniya.

Ipinalupot niya ang kamay niya sa bewang ko. Gusto kong umirap pero pinilit ko nalang ang sarili ko na ngumiti ng matamis. "Nag e-excercise lang ako kasi baka namulikat ako, e. Anong sadya nila? Kilala mo?"

"Uh--we are just asking him if he wants to join our party? I mean kayo? Are you interested?" tanong nung babaeng kulot.

Kumulo 'yung dugo ko. Ang plastic pa naman ng ngiti ng mga hipon na 'to.

"Weh? Pati ako ininvite niyo? Baka napipilitan lang kayo kasi nakita niyo ko? Anyway, sorry busy kasi ako kaya ayoko. Siya tanungin niyo kung gusto niya."

"I'm not busy." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Roks kaya patago ko siyang kinurot at tumawa pa talaga 'to.

"But I'm sorry we're hete for our honeymoon. I would love and enjoy to make love with her than to join your party," ngiti ngiting saad ni Roks at iginiya na ako palayo sakanila.

"To make love ka d'yan." kinurot ko muli siya ng makalayo na kami pero  pero tumawa lang siya at inakbayan ako.

"Excercise huh? Jealous much?"

"Hoy feelingero, hindi ako nagselos no! Sabi ko naman sa'yo hindi ako gano'n."

Iritado kong inalis  ang pag ka akbay niya at nauna na maglakad. "Hey, Jessica long time no see!"

Napatigil muli ako sa paglalakad at agad na hinarap siya pero wala naman akong nakitang babae kaya tumawa siya. "It's a prank!"

Kumuha ako ng buhangin at binato sakaniya. "Magsama kayo ng Jessica mo!"

Hindi ako selosa pero nababaliw na ako, nababaliw na ako sakaniya. Aaah! P-nyeta ka puso!

________________________________________
Nyang note: Hello! 'Di na matagal mga update nito kaya stay tuned! Rest muna tayo sa mga problematic chapters ha! Lol. Happy 90k reads KMC! Thank you everyone!

Don't forget to vote and leave a comments.

Continue Reading

You'll Also Like

3.4M 45.5K 26
SAVED BY SEX GOD FIRST SEQUEL :) Sabrina Williams stop believing in happy ending after the fatal accident that killed the man she loved happened .. p...
9.7M 173K 60
College student Christie unwillingly returns to her hometown because of her parents. As the shy new girl of Osmium University, all she wants is a nor...
1.1M 3.5K 5
COMPLETED Hanna Sandoval suddenly married womaniser named Xander Garcia because of a fixed marriage and a one night stand that makes her pregnant. "I...
793K 40.8K 61
• NOW A PUBLISHED BOOK • Available in National Book Store and Fully Booked, also in Precious Pages Bookstore's Shopee, Lazada, and TikTok shop. • Fea...