Mahal Kita, Pero... [BoyxBoy]

By Leonna_PHR

13.5K 507 208

Galing si Jam sa pamilya ng mga pulis. Isang forensic expert ang ate niya at senior police officer naman ang... More

Author's Note
CHAPTER ONE: The Guy In The Wishing Tree
CHAPTER TWO: Ang Mga Kintanar
CHAPTER FOUR: Naniniwala Na Ako Sa Forever
CHAPTER FIVE: The Story Of Creation From The Book Of Genesis
CHAPTER SIX: Pero
CHAPTER SEVEN: The Fight
CHAPTER EIGHT: All For You
CHAPTER NINE: The General Steel's Suspicion
CHAPTER TEN: Ang Bulong Ng Damdamin
CHAPTER ELEVEN: Bahala Na
CHAPTER TWELVE: Of Society and Discrimination
CHAPTER THIRTEEN: The Hardest Choice
CHAPTER FOURTEEN: Last Hope

CHAPTER THREE: Ang Pinakapaboritong Bagay Ni Percy Sa Buong Mundo

882 44 19
By Leonna_PHR

CHAPTER THREE

Ang Pinakapaboritong Bagay Ni Percy Sa Buong Mundo

AYOKONG mag-aksaya ng panahon kaya I called the person. Whoever it was, he or she wasn't worth my time. I had lots of things to do in my room.

"Hello? Who's this?"

"Pare."

Isang boses lang ang rumehistro sa aking isip. It was from the guy I met today. Hindi ko maalala ang pangalan nito. But I can remember his voice.

"Who are you again?"

"Percy, pare."

Ah, Percy. As I recall what happened today, I thought it wasn't Percy. Parang ang haba ng pangalan nito. Pero hindi ko na talaga maalala.

"Percy, yes. May kailangan ka ba?" I immediately asked. Wala kasi akong panahon para i-entertain pa ang mga concern nito.

"Ikaw itong tumawag, ako ang tatanungin mo kung may kailangan ako? Hindi kaya kailangan mo ako kaya mo ako tinawagan?"

I scoffed and made sure that he heard it. Nakakaloko ang lalaking ito, ah. "Pinasok mo ang cellphone number mo sa bulsa ng bag ko."

"Pinasok?" Bumulusok ito ng tawa sa kabilang linya. "Pinasok talaga?"

Okay, that could have meant something else. Alam ko, hindi ako magaling sa salita, ngunit ito ang pumasok sa isip ko. "Ah, may kailangan ka ba? May gagawin pa kasi ako at ayokong magpa-abala."

"Uh, well. Yeah, pinasok ko nga ang papel na iyan sa bag mo noong paalis ka na kanina. Sinimplehan ko na lang na hindi ka nakatingin kasi natatakot ako na baka makatanggap na naman ako ng uppercut."

"Uh, all right. Fine. Alam mo na ang number ko. Can I say bye?"

"Ready ka na ba next week? Let's sit together, ah."

Napabuntong-hininga na lang ako. This guy's freaking me out. Parang elementary pupil ito. I was once like that but I already got over it. I mean, kahit paano ay nagma-mature naman ang mga tao.

"Okay. Anything else?"

"Just be my best friend, that's all."

Here we go again with the best friend thing. Wala bang kaibigan itong si Percy since childhood? I've had occasional acquaintances and I don't really take somebody to be my confidant.

"Wait, why?"

"Ano'ng why?"

"Bakit mo ako gustong gawing best friend mo? Hindi naman ako pumayag. Okay lang naman kasi ako na nag-iisa."

"Nagkaroon ka na ba ng isang pinakapaboritong bagay sa buhay mo?"

That question from Percy slammed my heart and made it jump ten feet several times. Ang hinayupak na ito, imbes na sagutin nito ang tanong ko, nagbigay pa ito ng isang katanungan na hindi related sa pinag-uusapan namin. But come to think of it. Nagkaroon na nga ba ako ng isang pinakapaboritong bagay sa buhay ko?

Napatingin ako sa aking lumang cabinet. I pulled one drawer and brought out one notebook. Noong bata pa ako, I loved listening to Mom as she told me bedtime stories at night. At sa susunod na umaga, kukulitin ko si Mama na sabihin sa akin ang nangyari sa kuwento, kasi nakatulugan ko na ito habang sinasalaysay sa akin ang nangyari sa story book.

Mom didn't tell, unless bedtime came again. Doon ko nalaman ang kasunod. I was always excited to hear Mom tell stories. That's why I got inspired and created a storybook of my own. Iyon ang pinakapaborito kong bagay noong bata pa ako.

"Yes. Nagkaroon na."

"Nasa 'yo pa rin ba ang bagay na iyon?"

I stared at the notebook. As I opened the notebook, I observed that it really changed a lot since the last time I completed the story. The edges were already dented. The white color of the pages faded and the lines turned from blue to violet. The sketches weren't as visually appealing as it used to be, thought I would say, I improved my drawing skills a lot, if I were to base what I do now from this one.

It was just a plain story book with a weird plot. Dahil puro mga fairy tale ang binabasa sa akin ni Mama, ang mga tauhan sa aking kuwento ay mga fairy tale characters din, but with a twist. Hindi ang mga title character ang ginamit ko.

Take Cinderella as an example. Of course, Cinderella wasn't in my story book but only the fairy godmother. Maurice, instead of Belle was the character I picked from Beauty and the Beast. So did Flora, Fauna and Merryweather from Sleeping Beauty.

I really didn't know why. Perhaps, I just saw something in them that could have been found in my inner being. As I drew the pages, I realized why. All of them were creative characters.

Maybe that's just me. I am a creative person. I love to do things out of something. Hence, the storybook.

"I'm holding it right now."

"I see. Malaki ba 'yan?"

Hindi ko alam kung saan pupunta ang usapan namin pero nagiging awkward na talaga ito. "Ano ba ang tinutukoy mo?"

"Ang pinakapaborito mong bagay sa buong mundo."

"Uh, not really. Regular size lang." It was a common spiral notebook na nabibili sa mga school supplies store.

"Regular size lang?!" Napabulyaw ito.

Seriously? Were we talking of the same thing? "Ano ba ang iniisip mo?"

"Kasi ako, ang pinakapaborito kong bagay sa buong mundo, mahaba, matigas, malaki at talagang masarap hawakan. Bata pa lang ako, lagi ko nang kasama ito."

I got frozen on the spot I was standing at. I didn't intend to be green but this was how the conversation led me. Was he trying to provoke me on something that I wasn't really at it?

Napalunok na lang ako. "What are you talking about?"

"Ang pinakapaborito kong bagay sa buong mundo."

"Sigurado ka ba?" Naramdaman ko ang pagtagaktak ng malapot na pawis mula sa aking ulo pababa sa aking patilya, hanggang sa aking baba. Kumawala ang patak na iyon na para bang inabot ng isang daang taon bago ito mahulog sa sahig.

"Oo naman. Gamit na gamit nga ito sa akin, eh. Lalo na noong nagbinata na ako. Eleven, twelve years old. Lalo pa hanggang ngayon."

Sinubukan kong pagalawin ang mga paa ko ngunit parang napako ako sa kinatatayuan ko. I could not even raise a limb. I was stuck on that spot because of the extreme awkwardness I'm feeling right now.

"Ah, P-Percy? M-may gag-g-gagawin k-ka ppa ba? Maybe we should talk some other time." I was really feeling bad about it. Hindi ko naman gustong maging bastos sa kausap ko sa telepono pero hindi na nagiging maayos ang takbo ng usapan namin.

"Ano ka ba. Kung kailang nag-e-enjoy akong sabihin sa 'yo ang pinakapaboritong bagay ko sa buong mundo, bababaan mo ako ng telepono? Mamaya na. You know what, I'm holding it right now, too. Dapat ang grip mo dito, mahigpit na mahigpit. Matigas kasi ito."

Napapikit ako. Baka makatulong ang pagsara ko ng aking mga mata para makontrol ko ang isip ko sa mga masasamang bagay na kanina pa pumapasok dito.

"T-that's n-nice." I uttered, trying to keeping it cool.

"I always use it for the girls who were part of my past."

Hindi na ito tama. This was getting so intense. Naramdaman ko na ang pamamasa ng buong katawan ko dahil sa pawis.

"You really like it, huh." I blowed

"Yup. At dahil ikaw ang best friend ko, ipapakita ko sa 'yo ito next week, sa opening of classes. Magugustuhan mo ito, promise. At siyempre, dahil best friend mo ako, kailangang makita ko rin ang pinakapaboritong bagay mo sa buong mundo. Para fair."

I wouldn't mind showing my story book to him, but his thing... Okay lang siguro kahit huwag na.

"Sigurado ka ba talaga? Bakit kailangan mo pang gawin iyon? Okay lang naman siguro kung hindi mo na ipakita 'yang sa 'yo."

Narinig ko ang pagpalatak nito. "Huwag ka namang ganyan. Kaya ko nga ito ginagawa para maging mas malapit tayo sa isa't isa. Para hindi ka na ma-conscious na makipagkopyahan sa akin kapag prelims, midterm at sa finals. Para naman hindi na rin awkward kapag nagkikita tayo. At para naman magkaroon ka na ng totoong kaibigan."

Totoong kaibigan. Yeah, that one got stucked in my head. Nagkaroon na nga ba ako ng totoong kaibigan sa buong buhay ko?

"Ang dami-daming tao riyan na pulos kaplastikan, kasinungalingan at kagaguhan lang ang gagawin sa 'yo. Pero ako, sigurado akong magiging totoo ako sa 'yo. Kaya gusto kong makita mo ito."

Panandaliang natahimik ako. Ano ba ang nakita ni Percy sa akin at talagang desidido ito na maging best friend ko? Dahil ba sa iginuhit ko sa notebook? Dahil ba sinapak ko ito? Dahil ba sa pagiging mapag-isa ko?

On the brighter side, he was really making an effort to be my friend. Well, nobody did that in the past. So, I was thinking. Hindi naman siguro makakasama kung pagbibigyan ko ang isang ito na maging parte ng buhay ko bilang isang kaibigang makakasama ko sa huling taon ng pag-aaral ko sa DATU.

"Okay, best friend." And I caught myself saying those words. Bakit nga ba lumabas ang mga iyon sa bibig ko? Oh, dear.

"Shit! Ano nga ulit ang sinabi mo?"

"Okay 'kako."

"Hindi!" mariing wika nito. "May kasunod pa, eh."

"Parang wala naman."

"Meron!" Mas naging malakas pa ang tinig nito sa receiver ng cellphone ko. "Ulitin mo!"

"Okay, best friend."

"Yes! Pakinggan mo ito." Ipinarinig nito sa akin mula sa kabilang linya ang recorded voice track ko.

Okay, best friend.

"Fine." I just uttered. Siguro nga ay kailangan ko nang tanggapin simula ngayong araw na ito na may best friend na ako. At kailangang makita ko ang pinakapaboritong bagay nito sa buong mundo.

"Sobrang excited na ako next week. Sige, good night! Kumain ka na, ah. Huwag kang magpupuyat. Bye, Jam!"

Aside from those comforting words that he said, nahagip ng aking pandinig ang pagtawag ni Percy sa pangalan ko.

And that made me smile the sincerest this day.

"JAM! JAM!"

Kahit na naka-headset ako, listening to some indie music, narinig ko na may tumatawag sa akin. Well, boses pa lang nito ay alam ko na kung sino iyon. Yes, it was Percy. Hindi ko ito nilingon, dahil nadarama ko na hahabulin din naman ako nito. For sure, atat na atat na ito na ipakita nito sa akin ang pinakapaboritong bagay nito sa buong mundo.

I also brought mine: my story book. Nakaramdam kasi ako ng guilt kanina bago ako umalis. Nag-aalangan akong dalhin ang story book na ito. But I did. Sabi ko nga, hindi naman siguro masama kung sakyan ko ang trip nito.

My brain sent jolts of shivering feeling all over my body when I felt his hand, touching my shoulder. I've never felt this awkward feeling before. Bagong pakiramdam ito at hindi ko alam kung paano ko ito dapat maramdaman.

My brain sent jolts of shivering feeling all over my body when I felt his hand, touching my shoulder. Wala na akong nagawa kundi lingunin ito.

"Percy," I nonchalantly uttered.

"Jam! Namputsa ka naman, eh. Kanina pa kita tinatawag."

I was about to explain when he pulled my headset forcibly. Napanganga na lang ako nang ito mismo ang nagbabalik nito sa bag ko. Gustong-gusto kong sagutin ito pero parang walang lumalabas na salita sa bibig ko.

"Gaya ng sabi ko, kanina pa kita tinatawag." Pagkatapos nitong ibalik ang headset ko, umakbay sa akin ang matangkad na lalaking ito. I was only five-ten. He was more than six feet. "Kumusta ka na?"

"Ayos lang." And I don't know why I don't take his arm off my shoulder. "Ikaw?" And I also don't know why I asked him. Ano ba ang inaakto ko?

"Excited na ako. Halika."

Tinanggal ni Percy ang kamay na nakaakbay sa akin at patakbong hinila ako nito. Hindi ako makapalag dahil ang higpit-higpit ng pagkakakapit nito sa kamay ko.

Oh, shit. Yeah. He was holding my hand.

Hindi ko magawang tanggalin ang pagkakahawak niya dahil masyadong mahigpit. Kung gagawin ko iyon ay ako rin ang masasaktan. Ang laki-laki pa man din ng kamay nito.

I had no other choice but to run as fast as he could. A few moments later, we arrived at a place where nobody was staying. Naroroon kami sa ground floor comfort room na nasa tapat ng Astronomy tower. Based on the school's population, ang Astronomy ang course ng pamantasang ito na walang nag-e-enroll. Marami na ang one hundred students per semester. Mabuti nga at hindi pa ito nadi-dissolve sa DATU.

At dahil walang enrollees, bihira lang ang mga tumutungo rito.

Inilibot ko ang mga mata ko sa paligid. Ni isang estudyante ay walang lumalakad. Ni wala akong yapak na naririnig. Ni kaluskos, wala.

"Bakit mo ako dinala dito? At tsaka, paano mo nalaman ang lugar na ito? Hindi ka naman dito nag-aaral, ah?"

"Por que ba hindi ako nag-aaral dito ay wala na rin akong alam na ibang puwedeng puntahan dito? Nagtanong ako sa mga estudyante kung anong parte ng DATU ang bihirang puntahan ng mga tao. Tatlo lang ang sinabi nito. Ang Wishing Tree, ang Restricted Section ng Library at ang Astronomy Tower. Masyadong malayo ang Wishing Tree at Restricted Section ng Library kaya dito na lang kita dinala." Ibinaba nito ang bag sa tabi ng lababo. Napatingin ako sa repleksyon naming dalawa sa salamin. Who would have ever thought that the two of us could be friends? Ang laki-laki ng pagkakaiba naming dalawa, physically.

He was more than six feet; I was only five-ten. He was more of a Latino; I was more of an Asian. He had these two intriguing Spanish eyes that were indeniably glimmering at all times; I had these sleepy, round eyes that hid enigma everytime I look straight at someone. His nose was slope-like; mine was small and cute. His lips were more of a mixture of red and violet, yet mostly red; I never smoke so I had pure red lips. He was more of a mulatto; I was more of a fair-white complexioned being. He had broader shoulders than mine, more muscular arms and limbs than mine and longer lower trunk than mine. Hence, the height.

Bumalik ang tingin ko sa kanya matapos kong pagkumparahin sa isip ko ang aming physical builts. And when I stared back, he was smiling, with his perfectly-white set of teeth showing in his mouth.

"Ngumiti ka naman. Hindi ka ba excited na makita ang pinakapaboritong bagay ko sa buong mundo?"

Napangiwi ako. Sumilay ang isang parte ng sungki-sungking ngipin ko. "E-ex-exci-t-ted."

"Okay, tumalikod ka. No peeking, kahit may salamin dito."

I turned to the other side, but I couldn't help it. Sa kanto ng mga mata ko ay nakikita ko ang paggalaw niya sa kanyang repleksyon sa salamin.

Inurong pa niya ang bag niya malapit sa kanyang pantalon. The image wasn't clear because I only see a portion of what he was doing. Parang may dinudukot ito. At parang nahihirapan itong dukutin ito.

Shit! God forbade my ill-mannered mind. Iyon na nga yata ang iniisip ko.

"Ready ka na ba?"

Nanlamig ang mga kamay ko. Naramdaman ko ang malamig na hangin na dumapo sa batok ko. "O-Oo."

"At the count of three, humarap ka. One... Two... Three!"

For friendship's sake! sigaw ng utak ko.

I turned around and saw his...

"Charan! This is my exclusive jumbo..."

"BALLPEN?!" Napasigaw ako sa harap ni Percy. Jumbo ballpen pala ang tinutukoy nitong pinakapaboritong bagay nito sa buong mundo!

Pakiramdam ko ay isa ako sa mga napag-trip-ang mga celebrity na sumabak sa ice bucket challenge. Parang biglang bumuhos sa akin ang Red Sea matapos hawiin ito ni Moises. At tila nahulog ako sa Marianas Trench at naligaw sa Bermuda Triangle.

"Oo! Ito ang Jumbo Ballpen na bigay sa akin ng Lolo ko. Galing itong Japan. Refillable ang ink nito, kaya convenient siyang gamitin. Hindi ko na kailangang magpapalit-palit pa."

Sunod-sunod na napalunok ako. "Mahaba, matigas, malaki at talagang masarap hawakan. Bata pa lang ako, lagi ko nang kasama ito."

"Yup. Grade One pa lang ako ay ibinigay na sa akin ito ng Lolo ko. Kahit lapis pa lang ang ginagamit namin noon sa eskwela, sa bahay ay ito ang ginagamit ko kasi sinasanay ako nito na maging mas matigas ang grip ko sa mga writing material." walang kaemo-emosyong paliwanang nito.

"Gamit na gamit mo kamo noong nagbibinata ka? Eleven, twelve years old? At lalo na hanggang ngayon?" hindi makapaniwalang wika ko.

"Oo. Naku, noong Grade Five ako hanggang noong mag-high school, panay essay ang mga assignment ng mga teacher namin. Ito ang ballpen na gamit ko sa paggawa ng assignments ko." pagpapatuloy nito.

"You used it for the girls in your past." paalala ko pa rito.

Napakamot naman ito sa ulo. "Eh, 'yong mga nililigawan kong babae, pinadadalhan ko ng mga love letter, at itong ballpen na ito ang ginagamit kong panulat. Lagi nga lang busted."

"Ahhhh..." Speechless na ako. Para akong sinasampal ng one-thousand-hand Buddha figure.

"Bakit? Ano ba ang inisiip mo?" Nagtataka ang hitsura nito, hanggang sa ilang sandali ay napintahan ng kapilyuhan ang ekspresyon nito. "Anak ng—mali ka ng iniisip, 'no?"

"H-hindi! H-hindi!" agad na tanggi ko. "Ano, kasi... Uh, ano..."

"Wahahaha!" Ang lakas-lakas ng tawa ni Percy. At sa pagtawa nito, nanumbalik ang feeling ng ice bucket challenge sa akin. Parang may waterfalls sa ulo ko na bilang bumuhos.

Ako pa tuloy ang lumabas na green-minded.

"Bakit pa kasi dito mo ako dinala?"

"Ang awkward kasi na ito pa rin ang gagamitin ko ngayon dito sa school. Beinte na ako tapos ang ballpen ko, pambata pa rin. Baka pagtawanan ako ng mga kaklase natin. Kaya sa bahay ko lang ito ginagamit. Tingnan mo namang mabuti, oh."

I landed a stare on the big pen. It was decorated with a lot of Japanese sentai characters. Pamilyar pa ang iba sa akin. Naroroon si Masked Rider Black, mga miyembro ng Fiveman, si Fuma Lear at Ida ng Shaider at marami pang iba.

"Pero paborito ko ito, kasi bigay ito ng lolo ko. Mahal na mahal ako ng lolo ko, kahit hindi ako mahal ng mga umampon sa akin." napayukong anas ni Percy.

"Bakit?" I curiously asked.

Napasandal na ito sa dingding, na kaharap ang salamin. "Hindi nila ako tinatrato nang maayos. Lagi na lang akong sinasaktan, pinapahirapan at higit sa lahat, ni katiting na pagmamahal ay hindi ko naramdaman sa mga ito. Bata pa lang kasi ako nang mamatay ang mga magulang ko. Ang lolo ko naman na nagbigay sa akin ng ballpen na ito ay matagal na ring wala. Kaya naipaampon ako sa mag-asawang iyon. Wala naman akong choice kundi sumunod sa kanila dahil wala na rin akong matatakbuhang iba. Kahit pa magsipag ako sa pag-aaral ay wala lang sa kanila. Pati ang course ko na Creative Writing ay nilalait nila, na kesyo wala raw akong mararating sa buhay kapag iyon ang kinuha ko. Wala raw akong kaambi-ambisyon. Hindi ko raw—"

Hindi ko na kinakaya ang mga sinasabi nito, kaya ang ginawa ko ay...

"Thank you, best friend. Kailangang-kailangan ko ng yakap na 'yan."

Kahit pa matangkad ito ay pinilit kong i-extend ang mga braso ko para kulungin ito sa aking katawan. I realized something. You should be thankful of what you have.

I thought I never had the perfect family. Pakiramdam ko ay outcast ako sa mga Kintanar. Pero nang marinig ko ang kuwento ni Percy, marahil ay ipagpapalit nito ang pamilya nito para sa pamilya ko.

Kumawala ako sa pagkakayakap dahil masyado na itong matagal. I mean, does it have to be that long... or longer? I don't know.

Hindi naman naiiyak si Percy sa pagsasalaysay nito. Marahil ay naging matigas na lang ang puso nito sa paulit-ulit na nangyayari dito sa tahanan nito. Pero hindi ko ito nakitaan ng kahinaan. Naging mas matatag pa ito siguro sa mga ibinabatong suliranin dito. And that's something to be admired of.

Admired?

"Oh, ikaw naman, Jam. Ano ang pinakapaboritong bagay mo sa buong mundo?"

I took out my story book from my bag and handed it to him. Parang batang binigyan ng kendi ang ekspresyon ng mukha nito. "Wow! Ito na ang regular-sized notebook!"

Napangisi ako sa sinabi nito. He even emphasized the word 'regular-sized'. Binuksan nito iyon at panay 'Wow!', 'Astig!' at 'Ang galing!' ang lumabas sa bibig nito. Ibinalik nito ang notebook sa akin matapos nito itong basahin hanggang sa pinakahuling pahina.

"Sabi ko na nga ba, tama lang na maging mag-best friend tayo." He affirmed.

"Bakit?"

"May ballpen ako at may notebook ka. Together, we can create a lot of wonderful things in this world." Isinilid nito ang jumbo ballpen nito sa bag nito. Hinawakan ko lang ang storybook ko. Matapos nito ayusin ang gamit ay bumalik ito sa pagkakaakbay at niyaya ako palabas ng CR. "Tara, pumasok na tayo sa klase natin."

"May ballpen ako at may notebook ka. Together, we can create a lot of wonderful things in this world." Paulit-ulit na nag-echo sa isip ko ang linyang ito. Then, I thought of something... and smiled. Excited na ako gawin iyon. I looked at him and he glared the brightest smile ever.

That smile made me smile the sincerest today.

Continue Reading

You'll Also Like

700K 24.2K 85
#1 IN BOYSLOVE - Most Impressive Ranking! Synopsis: Si Darren Sy III o maskilala sa bansag niyang Thirdy, ang tinaguriang warrior ng Ateneo Blue Eagl...
305K 12.6K 24
Byun Baekhyun as Cinderella. Text copyright © 2015 by HahuYeah [Language: FILIPINO]
95.5K 3.5K 36
I'm in Love with Mr. Kimchi Book 2
109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...