Mahal Kita, Pero... [BoyxBoy]

By Leonna_PHR

13.5K 507 208

Galing si Jam sa pamilya ng mga pulis. Isang forensic expert ang ate niya at senior police officer naman ang... More

Author's Note
CHAPTER TWO: Ang Mga Kintanar
CHAPTER THREE: Ang Pinakapaboritong Bagay Ni Percy Sa Buong Mundo
CHAPTER FOUR: Naniniwala Na Ako Sa Forever
CHAPTER FIVE: The Story Of Creation From The Book Of Genesis
CHAPTER SIX: Pero
CHAPTER SEVEN: The Fight
CHAPTER EIGHT: All For You
CHAPTER NINE: The General Steel's Suspicion
CHAPTER TEN: Ang Bulong Ng Damdamin
CHAPTER ELEVEN: Bahala Na
CHAPTER TWELVE: Of Society and Discrimination
CHAPTER THIRTEEN: The Hardest Choice
CHAPTER FOURTEEN: Last Hope

CHAPTER ONE: The Guy In The Wishing Tree

2.6K 70 18
By Leonna_PHR

CHAPTER ONE

The Guy In The Wishing Tree

“JAMBIYA Mecca C. Kintanar!”

Awkward talaga ang enrollment procedure dito sa amin sa DATU. Kailangang isisigaw talaga ng isa sa mga cashier ang pangalan mo kapag natatakan na ang registration form mo ng salitang “Paid”. Wala namang problema sa sistema nila. Ang awkward lang ay babanggitin talaga ang buong pangalan mo.

I did not hate my name. Really. I just had two creative parents who were fascinated with sharp weapons and had sex in various places. Oo, ako ang tinawag sa cashier. Pangalan ko nga ang isinigaw doon.

Jambiya Mecca Centenaria Kintanar. Gawang-Saudi Arabia daw ako. Mecca, in particular. May kakambal daw ako sabi ng mga magulang ko. Ang punyal na binili nila sa mismong araw na nagsiping sila sa Mecca. Yes, it was a dagger named jambiya.

Kinuha ko ang registration form ko sa cashier. Nakayuko akong tumungo doon para kahit paano ay hindi makikita ng mga tao ang mukha ko. Nang minsang nag-enroll ako noon, nagulat ang mga ito nang makita na ako ang lumapit sa cashier window. Ang buong akala siguro ng mga ito ay babae ako. Jambiya Mecca wasn’t commonly used as a boy’s name, was it?

Pagkahatak ko ng registration form ko ay umalis na agad ako. I put my headset in both ears. Magsa-soundtrip na lang ako. Nakaka-trauma rin kasi ang mga eksenang ayokong ma-witness, like magugulat ang lahat at pag-uusapan ako dahil sa ako si Jambiya Mecca.

Ayoko nang magtagal pa roon. Ito naman na ang last step ng enrollment. Kapag nakabayad ka na, tapos na ang kalbaryo mo. Pasukan na lang for the upcoming semester ang hihintayin mo.

Dahil tapos na ako, tumungo ako sa favorite spot ko sa DATU: ang Wishing Tree. May isang puno sa likod ng pinakalumang building na hindi pinapuputol ni Dr. Andres Tambunting—ang kasalukuyang presidente ng paaralan—dahil ang punong ito ay mas nauna pang tumubo kaysa sa pagkakagawa ng pamantasang ito. More than fifty years na rin ito.

Bihira itong puntahan ng mga estudyante dahil hindi naman masyadong malawak ang paligid nito. Hindi magandang tambayan dahil nasa bandang dulo ito ng paaralan. At higit sa lahat, pinaniniwalaang may mga engkanto diumano sa paligid, sanhi ng mga bali-balita kaya hindi ito pinatatanggal sa DATU.      

Kung ikaw daw marunong magbigay-respeto sa mga nilalang na iyon ay mananatili kang tahimik kapag ikaw ay naroroon. At sa iyong pananahimik, taimtim kang hihiling sa punong iyon ng iyong mga nais makamit sa buhay at ibibigay nito iyon sa 'yo. Well, nasa tao naman iyon kung paniniwalaan niyon ang kuwentong iyon.

Inilabas ko ang aking notebook. Walang ka-linya-linya iyon. I started to draw dots, lines and circles, until I unknowingly created a doodle art. I loved making doodle arts. Isa ito sa mga pastime ko. Well, Fine Arts student naman ako. Expected na sa amin na magagaling ang mga kamay namin sa pagguhit.

Nag-lettering ako ng salitang ‘Wish’. Nasa ibaba naman ako ng Wishing Tree na iyon. Siguro, deep inside me, may isang hiling ako na gusto kong matupad.

Gusto ko sanang maging isang artist balang araw. Gusto kong ma-explore ang mundo ng art. I love colors. I love shades. I love pictures. I love everything about art.

A few moments later, napaligiran na ng iba’t ibang heavenly objects ang wish. The blue fairy once sang to Pinocchio, “When You Wish Upon A Star”. Doon ko nakuha ang idea na gumamit ng heavenly objects para i-decorate ang salitang wish.

Kahit sino naman yata sa atin, noong mga bata pa tayo ay humihiling tayo sa mga bituin. Lalo na sa mga shooting star. Hanggang lumaki tayo, umaasa pa rin tayo na magkakatotoo ang mga hiling nating iyon.

Maiba naman ngayon. Susubukan kong humiling sa isang puno, gamit ang doodle art na ginawa ko. Titingnan ko kung eepekto.

At last, I finished doodling in my notebook. Natutuwa ako at kahit nagpapalipas lang ako ng oras ay may nagawa akong maganda. Kaysa naman mag-DotA ako o mag-yosi, magdo-drawing na lang ako. Hindi na ako naglustay ng pera, hindi ko pa pinatay ang sarili ko ng isang araw.

Then, I heard something, kahit na naka-headset pa ako. I removed my headset to hear the sound clearer.

May pumapalakpak sa di-kalayuan. Nilinga ko ang buong paligid. Wala namang naroroon. Saan galing ang palakpak?

Nang lumakas pa ang palakpak, mas nagkaroon ako ng ideya kung saan ito nagmula. Tumingala ako. And I saw someone.

“Ang galing mo mag-drawing. Alam mo bang weakness ko 'yan?”

Napanganga ako. Sino ang taong iyon? Kapre ba 'yon?

Pero sinipat kong mabuti ang taong iyon. Nakasuot naman ito ng maayos na damit—blue t-shirt, jeans at Chuck Taylor shoes. May nakasukbit na bag ito sa kaliwang balikat nito.

Kinunutan ko lang ito ng noo. Hindi ko naman kasi ito kilala.

Tumayo ako sa kinauupuan ko. Then, he jumped down together with the leaves and branches that he was stepping on a while ago. Hinatak nito ang notebook ko at tinitigang mabuti ang ginawa kong doodle art.   

Tumingala ako rito. He could be taller than six feet. Five ten na kasi ang height ko. Siguro ay mga nasa six three ito.

“Ang galing-galing mo. Sana ay maging katulad mo rin ako.”

Hindi ba ako dapat ang maging katulad mo? Agad kong hinablot ang notebook. Hindi ko ugaling makipag-usap sa mga taong hindi ko naman kilala. Unless, hinihingi na talaga ng pagkakataon o kailangan lang talaga para makapag-transact.

Well, this one might be considered.

“Ano’ng course mo?”

Seriously? Are you not going to ask my name first? “Fine Arts.” I replied.

“Ako, A.B. English. I love to read a lot, pero hindi ako matalino, ha. Very very light lang.” Ngumisi pa ito. He had these common set of teeth na magandang gamitin sa mga toothpaste commercial. Pearly white kasi.

“Do I know you?”

He winced. “Maybe not. Cross-enrollee lang ako rito, eh. 'Tang-ina kasi 'yong school namin, biglang isinara iyong isang bwakanang inang subject dahil kaunti lang daw ang nag-enroll ngayong sem. Dito naman ako ni-refer. Do I have a fucking choice? Last two semesters na lang naman, eh. Titiisin ko na lang.”

Nice choice of words. Kung sa bahay namin ito nakatira, matagal na sigurong nilatigo ni Papa ang dila nito. Anyway, hindi naman ako interesado sa kuwento nito. Ang gusto ko lang ay makuhang muli ang notebook ko.

Bumalik ulit ang tingin nito sa notebook ko. “Alam mo, dapat may kaunting stars pa na maliliit dito sa tabi ng mga cloud, eh. Parang nakukulangan ako. Ang plain ng dating.”

Coming from an English major? Seryoso ba ito? “I’m just doing that to procrastinate.”

“Procrastinate. Lovely word.” Nag-thumbs-up pa ito sa akin.

I hate wasted time by talking to people about nonsense. I need to get back my notebook. Nang hahawakan ko na ang notebook ko, biglang lumakad ito pasulong sa dingding ng katabing gusali. “Ano kaya kung ako ang maglagay?”

“No way.” pigil ko.

“Pahiram nga ng lapis mo.”

Bago ko pa man iiwas ang lapis ko ay napunta na ito sa kamay niya. Gustuhin ko mang pigilan ay hindi ko magawa. I was not like my older brother and sister who were warfreaks since the dawn of time. Ako nga lang yata talaga ang naiiba sa pamilya.

Was it my fault that I got inspired by my aunt who was a Surrealist? Sinundan ko lang naman ang yapak nito. Well, my father freaked out at first. He was expecting that I would choose a course which was related to either military or engineering.

Mabuti na lang at sinuportahan ako ni Tita Diella. She told me that I had the potential to be a great artist. Aside from that, she was pushing me to be an artist to have someone like her in the family. Para maiba naman daw sa mga katulad nina Kuya at Ate na naging sarhento at forensic expert.

Temperament-wise, my siblings were mixes of sanguine and choleric. I was the only one with a personality of melancholic-phlegmatic. Example? Kadalasang nasa kuwarto lang ako kapag may mga gathering sa bahay. Nagkukubli lang ako sa isang tabi kapag may family outing. I was always the one left alone in any event our family attended.

Wala akong pakialam sa mundo. Ang sarili ko lang ang iniintindi ko, most of the time, aside from my parents—or my father, in particular. Siguro nga ay nature na iyon ng mga artist.

“Please don’t destroy my work.” pakiusap ko. Well, mukha namang mapapakiusapan ang taong ito

The way I see him made me think that he wasn’t a bully. He had straight, black hair that reaches his nape. His sideburns were close to his jaw. He had lips that could not be considered a place for a pack of cigarettes. His nose had a good triangular point. But what made me captivated was his eyes. There was something in his eyes that I could not describe.

“Hindi ko sisirain ito, pare. Pagagandahin ko pa nga, eh. Look.” He showed me his masterpiece. Isang salita lang ang pumasok sa isip ko.

Hindi naman maririnig ng Papa kung magmura ako. Binalahura ng gagong ito ang doodle art ko! Ginuhitan ba naman ng mga alien na kamukha ni Kokey? Mabuti sana kung Kokey lang, eh. Parang may distorted pang Teletubbies na kasama, eh.

I grabbed the notebook and walked as fast as I can. Nilinga ko ito bago pa man ako makalayo ng Wishing Tree. Halos kasunuran ko lang ito sa aking likod.

“Huy, pare! Teka lang!” sigaw nito.

I looked back at him. “Kilala mo ba si General Reynante Kintanar, iyong dating AFP general?”

Kumunot ang noo nito. “Hindi. Bakit? Ipapakilala mo ba sa akin?”

“Gusto mo siyang makilala?”

“Why not?”

“Tatay ko 'yon. Gusto mong makulong?”

Mabilis na itinaas nito ang dalawang kamay. “I surrender.”

I smiled faintly. Nakakatawa ang hitsura nito, pero hindi ako puwedeng tumawa. Hindi naman ako nakikipagtawanan sa mga taong hindi ko naman kilala. “Huwag ka nang sumunod sa akin.”

“Wala akong kaibigan dito. Cross-enrollee nga ako. Ikaw ba? Ilang semester ka na ba rito?”

“Ano nga pala ang ginagawa mo sa puno kanina?”

“May Masterpieces In World Literature subject ka ba na in-enroll this sem?”

Inilabas ko ang aking registration form. Enrolled ako sa isang Masterpieces In World Literature class every Wednesday and Saturday, seven-thirty A.M. to nine A.M. in Room 124 of the Academic Tower. “Bakit mo tinatanong?”

“Iyon ang subject na in-enroll ko dito. Magkaklase ba tayo?”

Oh, dear. So, twice a week kaming magkikita ng taong ito? “Find another person who you can ask.” Saka tinalikuran ko ito. He’s getting in my nerves. He ruined my serenity, my sanity and my solitude.

“I already found you.”

Nilingon ko ito. “Fine.” Siguro ay kapag sinagot ko ang lahat ng mga katanungan nito ay lalayo na rin ito sa akin. “In-enroll ko rin ang subject na iyon. Pero hindi lang naman isa ang schedule niyon. May iba pang schedule at professor na maaaring magturo no’n.”

Inilabas nito ang registration form at binasa ang impormasyong naroroon. “My class is every Wednesday and Saturday, seven-thirty A.M. to nine A.M. in Room 124 of the Academic Tower.”

Shit talaga.

Natahimik lang ako. Hindi na ako nakapagsalita dahil magkasama kami sa isang klase. This is more awkward than my name being called in the cashier’s window.

“Magkaklase tayo, 'no?”

Nag-isip ako sandali. “What if I withdraw the subject?”

“Hindi mo gagawin 'yan.”

Hindi ko nga naman gagawin 'yon talaga. Lagot ako sa Mama, na talagang tutok sa studies ko, kahit pa graduating na ako from college. “Maghahanap na lang ako ng ibang schedule.”

“Bakit mo ako iiwasan? Mabuti akong kaibigan.”

“I’m not making any friends. Masaya akong mag-isa lagi. It’s my choice.”

“Wala kang choice kundi maging kaibigan ako. Kailangan ko ng cheatmate sa exams, katulong sa mga report at discussion at higit sa lahat, gabay ko sa paggawa ng mga projects at pagpapasa ng requirements. Wala akong kilala dito.”

“You don’t even know me.” Nagpatuloy ako sa paglakad. But he said something that made me stop walking.

“Gusto kitang makilala.”

For the very first time in my life, somebody dared to be my friend. I have occasional acquaintances in the past, but I don’t consider them friends. Ano ba naman iyong once or twice lang kayong nagkita, and then what’s next? Wala. Wala nang paramdaman. Wala nang contact.

I do have a Facebook account. But I am not really active. Most of the time, one-liner lang lagi ang reply ko sa mga nagcha-chat sa akin. I really don’t like to mingle with people. I rather enjoy solitude than socializiation.

“Why?”

“I don’t know. Do we really need to give a reason on everything? Dapat ba may explanation ang lahat ng bagay? Can we just say that I want to be your friend and that’s it?” Unti-unting lumapit sa akin ang taong ito at muling hinatak ang notebook ko. “You’ll be my friend, and you’ll like it.”

I pursed my lips. Sinasagad ng taong ito ang pasensya ko. “Give me my notebook.”

“No way.”

“Kahit nasa school campus tayo, hindi ako mangingiming bangasan ang mukha mo.”

Kahit hindi ako warfreak, I was trained a lot of martial arts and combat fighting since childhood. At siyempre, bihasa ako sa paggamit ng Jambiya. So far in my twenty years of existence, I never used it for hurting people. Kahit ba self-defense lang. Lagi ko lang itong dala.

“Ayoko ng away. Nakikipagkaibigan nga ako, 'di ba?” He offered his hand for a handshake. Tinapunan ko lang iyon ng isang tingin.

“Give me back my notebook.”

“Hindi mo ito makuku—“

I already warned him. Ano ba ang tingin niyo sa mga artist, walang pakiramdam? May sariling mundo? Puro easel, canvas at pintura lang ang alam na gamitin?

Like what I said earlier, anak ako ni Former AFP General Reynante Kintanar. At bilang anak ng isang heneral, dapat ay marunong ka sa lahat ng uri ng self-defense. Kahit ang dalawang kapatid ko ay bihasa rin sa maraming fighting skills at paggamit ng iba’t ibang sandata.

“Putangina, ang bigat ng kamay mo!” sigaw ng taong ito. Yeah, I punched him on his left cheek.

Yumuko ako at kinuha ang notebook ko. Sa mismong paglapat ng kamay ko sa aking kuwaderno ay may isang pangyayaring hindi ko inasahan na gagawin nito.

He pulled me towards his body. I was now on top of him!

“Gago ka. Sinapak mo ako? Tandaan mo ito, hindi lang kita magiging kaibigang hayup ka. Best friend na kita!”

He shouted in front of me. Gahibla na lang ang layo ng mga bibig naming dalawa. At dikit na dikit ang mga katawan namin.

I was puzzled with what he said. Sinapak ko na’t lahat ang taong ito, ginawa pa akong best friend? Sino’ng matinong tao ang magsasalita ng gano’n?

Tumayo ako at agad na dinampot ang notebook ko. I warned him once again not to follow me. “Subukan mong tumayo at sundan ako. Hindi matatapos ang araw na ito na dadamputin ka na lang ng mga medical assistant ng University Clinic dito.”

Imbes na masindak ay ngumiti pa ito. “Ako nga pala si Percival Rommanuel Immaculada Concepcion Enriquez. Ikaw? Ano ang pangalan mo, best friend?”

This guy is impossible. I said at the back of my mind.

Pinagpag ko ang damit at bag kong nadapuan ng lupa. I walked forward, leaving him on the floor. After ten steps, I looked back.

“Ako si Jam.”

Continue Reading

You'll Also Like

700K 24.2K 85
#1 IN BOYSLOVE - Most Impressive Ranking! Synopsis: Si Darren Sy III o maskilala sa bansag niyang Thirdy, ang tinaguriang warrior ng Ateneo Blue Eagl...
559K 24.8K 29
BROMANCE BOYXBOY YAOI Pagkatapos ng mga samu't-saring pinagdaanan nila Eiji at Buknoy noong high school, sila'y nagbabalik para sa isa na namang adve...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
127K 2.8K 10
May mga taong mahilig magpatawa, mahilig magbiro, mahilig sa kulitan.. Kadalasan sila yung mga taong tine-take for granted. Ina-underestimate. Pero d...