A Little Bit of Sunshine

By aennui

727 124 206

A Little Bit of Sunshine || Sunshine is just your ordinary high school girl. Umikot ang buhay niya sa school... More

Opening Remarks
Simula
1
2
3
4
5
6
7
8
9
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
39
40
41
42
43
44
45
46
47
48
49
50
51
52
Wakas

10

12 3 0
By aennui

Kabanata 10: When the Wind Blows

"Of course not. Remember that you always look beautiful in every angle, Sunshine."



Paulit-ulit lang na nagpeplay ng parang sirang plaka sa utak ko ang sinabi ni Hanson habang kasalukuyan na kaming nagtetake ng scene para sa film. Ewan ko ba kung bakit hindi ko matanggal ang sinabi niya sa isipan ko. Wala naman sanang espesyal sa sinabi niya at simpleng papuri lang ito para sa itsura ko.



"3..."



Nang marinig ko ang pagbibilang ni Gracie, napatayo kaagad ako ng matuwid at pasimpleng sinampal ang pisngi ko. Focus Sunshine! Wag ka munang gagawa ng bagay na mapapahiya ka!



"Camilla."



Gulat kong nilingon si Ouie at tinitigan siya ng tatlong segundo. Matagal na kaming hindi nagkita pero may feelings pa din ako sa kanya kaya dapat gulat na gulat talaga ang expression ko.



"S-Shawn?"



"Kamusta ka na? Ang tagal na nating hindi nagkita."



Sa wakas ay hindi na ako nabulol sa sunod na mga lines! Nang marating na namin ang dulo ng scene ay sandaling um-entry si Gracie at nilipat ang isang camera malapit sa amin.



"Nagka idea lang ako ngayon lang. Bale silhoutte niyo nalang ang kukunan ko sa kissing scene."



"ANO?!" Sabay sabay na nagsigawan ang mga kagrupo namin dahil sa gulat pati na ako.



Anong kagagahan nanaman ang umiikot sa utak ng writer slash director namin na to?



"Hep hep hep! Bago kayo magbigay ng negative reactions-" Itinaas ni Gracie ang kamay niya. "Kumalma kayo... Sa noo lang yung halik okay?"



Nakangiti si Gracie na para bang tuwang-tuwa siya sa idea niya bago siya humarap sa amin ni Ouie.



"Okay lang naman sa inyo Camilla at Shawn, right?" Sinamaan ko siya ng tingin bago ako nagnakaw ng tingin kay Ouie.



"I'm professional. I can follow all the instructions of the director." Napapalakpak si Gracie bago naman siya tumingin sa akin.



"Pumayag na si Shawn! Ikaw Camilla? Anong desisyon mo?"



Tumaas ang kilay ko at nakipag sukatan ng tingin kay Ouie na bored lang na nakatingin sa direksiyon ko. Mukha siyang nang-iinsulto sa itsura ngayon. At alam kong mas iinsultuhin niya pa ako kung hindi ako papayag sa inuutos ng magaling naming direktor.



"Sige na po Direk! Kahit saksakin ko pa ang sarili ko, ikaw lang ang susundin ko!" Sarkastiko kong wika bago ngumiti sa kanilang dalawa ni Ouie. "Galingan nalang natin ha?



Nagsimula na akong i-ready ang sarili ko pero bigla akong nadistract ng makitang pinapanood kami ni  Hanson habang nakahawak sa isang camcorder para sa behind the scenes ng film. Bigla ko nalang ginusto na mabasa ang expression niya habang nakatingin siya sa mga mata ko.



"Please focus Sunshine." Napasinghap ako ng biglang hinawakan ni Ouie and balikat at ang baba ko para pwersahan akong iharap sa kanya. "You're spacing out right now. Akala ko ba gagalingan natin?"



"S-Sorry."




Mabilis naman na nakuhanan yung last take dahil hinalikan nalang naman ni Ouie ang noo ko. Wala na ako sa sarili ko habang nagliligpit kami ng mga gamit namin hanggang sa mag-uwian na rin kami sa bahay.




Hanggang sa pagtulog ko, paulit-ulit pa rin nag-play sa utak ko ang sinabi ni Hanson. Maganda daw ako? Nakakatuwa namang malaman na may nagagandahan pa rin sa akin kahit na ganito lang ako.




At hindi maintindihan kung bakit may kiliti at magaan akong nararamdaman habang naaalala ko ang ngiti na yun.




5 days before the deadline ay naipasa na namin ang project namin na film. Mabilis itong naedit ng tatlong mokong na hindi ko expected na may hidden skills pala sa pageedit ng videos. At natuwa naman ako ng makitang maganda rin ang naging reaction ng teacher namin sa pag review niya ng film.



"Dahil maganda ang work niyo at maaga kayong nakapagpasa ay may plus points kayo!"



"OHEMGEE! Thank you po Maam!"



Tuwang tuwa kami nagtalunan at nagpalitan ng apiran. Pagtalikod ko ay nagulat ako ng si Hanson at Ouie na dapat ang aapiran ko ngunit parehas na bumaba ang mga kamay namin at nag-iwasan ng tingin.



Awkward na ako kay Ouie bago pa simulan yung film. Pero ewan ko kung bakit naging awkward na din sa akin si Hanson pagkatapos naman ng film.



Hinihintay ko lang din na siya ang unang mag-approach sa akin. Wala naman kasi kaming naging problema kaya bakit parang umiiwas na rin siya sa akin?



Pagkabalik namin sa classroom ay tahimik akong umupo sa tabi ni Hanson na busy nanaman sa pagbabasa ng libro. Hindi ko na mabilang yung mga librong nakikita kong binabasa niya since magstart ang klase.



Nagstart ako na mag-drawing ng kung anu-ano sa notebook ko habang pinaglalaruan ang pendant ng kwintas ko. Gusto ko sanang magkwento at makipagdaldalan kay Hanson pero nahihiya naman akong gumawa ng unang move.



'Sana siya naman ang mag open ng convo.'



'Ang iyong kahilingan ay matutupad na.'



Napabalikwas ako at agad na tinanggal ang pagkakahawak ko sa kwintas ko. Hindi ko sinasadya ang hiling na yun! Pero nevermind. Sinulyapan ko nalang si Hanson bago nagsalumbaba at nagparinig sa kanya.



"Haist. Ang boring naman." Pinaglaruan ko ang ballpen ko at halos lumundag ako sa saya ng magsalita na siya.



"Hindi ka mabobored if you engage yourself into something. You should try reading books like me to kill time."



Nilingon ko ulit si Hanson na may hinahanap sa bag niya. Hindi ko alam kung nagsasalita lang ba siya mag-isa. Pero pagkatapos ng tatlong segundo ay hawak niya na ang isang kulay dilaw na libro na nilagay niya sa ibabaw ng desk ko.



'The Sun that Shines Over the Horizon'
A Novel By: S.S. Miranda



"Hala! Kamag anak mo ba yung writer?" Ngumiti siya bago dahan-dahang tumango.



"It's my step mother's book. She wrote it for her daughter."



"Woah. Ang cool!" Nagmamadali kong binuksan ang libro bago nagsink in sa akin ang sinabi niya.



Step mother? Bakit step? Ay, hayaan mo na nga. Malalaman ko din naman yan. Ang importante ay okay na kami.



Dumating nanaman ang Saturday. Napagdesisyunan naming magkita-kita sa isang park ng magkakaibigan para maggala at para na rin i-celebrate ang success ng film namin.



Tinignan ko muna ang relo ko bago ako umupo sa nakita kong bench. Dumating ako ng eksaktong 8:00 na katulad ng oras na napag-usapan namin pero wala pa akong nakita ni anino ng mga ka-grupo ko.



"Nasaan na kaya yung mga yun?" Lumingon lingon ako sa paligid bago napagdesisyunang magsend ng message sa kanila.



Lakas magsabing 8:00 dapat nandito na. Haist. Filipino time nga naman talaga. Bakit ba kasi ako naniwalang maagang dadating ang mga gunggong na yun?



"Ate ate." Biglang bumaba ang tingin ko at nakita ko ang isang batang babae na walang tsinelas at luma ang damit na nakahawak sa dulo ng dress ko. "Pahingi po ng pera. Gutom na gutom na po kami ng mga kapatid ko."



"Nako bata. Walang maraming pera ang ate eh." Kaagad akong naghalungkat ng pera sa bag ko. May nakita akong buong 20 pesos na agad ko namang nilagay sa mga palad niya. "Kasya na ba yan para sa inyo?"



"Opo ate. Makakakain na po kami nito. Maraming salamat po!" Napangiti ako ng makitang nakangiting umalis ang bata habang nakatitig sa perang binigay ko sa kanya.



Haist. Nasaan kaya ang Nanay at Tatay ng batang yun? Bakit siya pa ang kailangang maghanap ng perang pagkain ng mga kapatid niya?



Napailing nalang ako bago nagpatuloy sa pagkalikot sa phone ko. Pero natigilan ako ng may umupo na lalaki sa kabilang dulo ng bench. Kahit na hindi ko siya tinitignan ay nararamdaman kong iba ang tingin nito sa akin.



Nacucute-an ba to sa akin? Okay. Feelingera na tayo sa part na yan Sunshine.



Ilang minuto ang lumipas ay nagsimula na akong mabadtrip. Wala pa rin kasing nagrereply sa binuo kong gc ng group namin. Kapag hindi pa rin talaga sila dumating sa loob ng sampung segundo, aalis na talaga ako!



Nagsalumbaba nalang ako at nakasimangot na naghintay. Pero automatikong nagsalubong ang mga kilay ko ng maramdamang dahan-dahang umuusog palapit sa akin yung lalaki.



"Akin na ang cellphone at pera mo miss kung ayaw mong masaktan."



Tokneneng nga naman oh.



Kahit na gusto kong sumigaw ay naramdaman ko ang talim ng kutsilyo niya sa tagiliran ko. Juskopo! Ang liwa-liwanag, may gana pa rin ang mga holdaper na mangholdap?



"Estudyante pa lang po ako, kuya. Marami pa pong iba diyan. Wala pa po talaga akong pera eh-"



"Wala ng maraming palusot! Gusto mo bang mahiwa ng buhay?"



"Wag naman po kuya. Mahal ko pa po buhay ko." Sinubukan kong lingunin siya pero napapikit ako ng sundutin niya ulit ang tagiliran ko.



"Gumalaw ka na kung ayaw mong maubusan pa ako ng pasensiya."



Bumuntong hininga ako at nanginginig na hinanap ang pitaka ko. Sinadya kong patagalin ang paghahanap kaya naman na badtrip na talaga si kuyang nanghohostage.



"Putangina naman oh! Bakit ba ang kupad mong babae ka?" Hinawakan niya ang isang braso ko ng mahigpit. "Ano na?"



"Sorry na kuya. Eto na po!" Ready na talaga akong i-give up ang wallet ko tulad ng gusto niya ngunit may dumating na tagapagligtas.



"Fuck off!"



Nanlaki ang mga mata ko ng sumulpot si Hanson sa kawalan at itinulak ng malakas si Kuyang nanghoholdap. Gumulong ito kaagad sa damuhan kaya tumalon siya sa kinauupuan ko bago inupuan yung lalaki sa tiyan para bigyan ng isang malakas na suntok.



"Tulong-! OHEMGEE! Hanson! May kutsilyo siya!"



Napatakip ako ng bibig ko ng muntikan ng masaksak ng lalaki ang binti ni Hanson. Mabuti nalang ay nahawakan niya kaagad ang braso nito at pinihit.



Nakita kong nanlalaban si kuyang manghoholdap kaya naman lumapit din ako sa kanila para maging back-up ni Hanson. Malakas akong bumwelo at full force na inapakan ang kamay ng lalaki.



"ARAY! PUTANGINA KANG BABAE KA!"



"PUTANGINA MO RIN KUYA!"



Dumila ako bago muling tinapakan ang braso ng lalaki kaya naman nabitawan niya na ang kutsilyo. Hindi na ako nagsayang ng oras at pinulot ito para mawalan na siya ng tiyansa na makuha ito ulit. Nagbigay din ng suntok ang lalaki ngunit halos mahimatay na siya dahil sa sunod sunod na malalakas na suntok ni Hanson.



"Oy tama na Hanson! Tama na!"



Hinila ko na si Hanson patayo ng may mga tumulong na sa aming tao dito sa park kasunod ng pagdating ng mga pulis. Maraming tao na ang nakiusyoso sa nangyayari habang pinoposasan ang lalaking putok na ang labi at madugo na ang mukha.



"Sunshine, are you okay?" Bakas ang pag-aalala sa mukha ni Hanson habang sinusuri niya ang katawan ko.



"Sinaktan ka ba niya? Bakit namumula tong braso mo?" Hinampas ko ang kamay niya palayo bago nameywang sa harap niya.



"Ako pa talaga ang tatanungin mo? Tignan mo nga ang sarili mo!"



Napangiwi ako habang nakatingin sa itsura niya. Putok ang isang labi niya at may sugat siya sa pisngi dahil sa singsing nung mamang holdaper. Aabutin ko sana ang pisngi niya para hawakan ngunit sabay kaming napalingon sa holdaper ng magsalita pa ito.



"Magkikita pa tayo, mga bata." Sinubukan pa akong takpan ni Hanson mula kay kuyang holdaper pero kumalas ako.



"Sige kuya. See you soon. Dala ka foods." Humigpit ang kapit ni Hanson sa balikat ko bago niya ako hinarap.



"Ano ka ba naman? Why did you say that?"



"Sabi niya magkikita pa daw tayo eh." Huminga siya ng malalim habang nakapikit ang mga mata.



"You heared the guy. He threatened us kaya pwede niya tayong balikan the moment he get his ass out of the jail. Hindi ka man lang ba natatakot?" Kinilabutan ako pero hindi ako nagpaapekto sa sinabi niya.



"Wag ka ngang maniwala kay Kuya! Trip niya lang yun!"



Lalayo na sana ako sa kanya pero hinila niya ako para sa isang mahigpit na yakap. Sandali akong nagulat ngunit napapikit naman ako kalaunan. Alam kong nag-aalala siya sa akin ngayon kaya naman hindi ko maiwasang makaramdam ng kakaibang feeling sa puso ko.



At shems! Ang bango talaga ng pabango niya sa malapitan!



"Please don't put yourself in danger again. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa mga taong sasaktan ka sa susunod." Hinaplos niya ang likod ko bago ako nakaramdam ng halik sa tuktok ng ulo ko.



Paksheeeeeet! Bakit ba ang sweet niya ngayon?



"Ehem... Mga bata?"



Automatiko kaming naghiwalay ni Hanson ng makita ang tatlong Mamang Pulis sa harap namin. Awkward naman akong ngumiti bago sumaludo sa kanila at sinulyapan si Hanson.



"H-Hello po Sir! Kailangan niyo po ng statement namin?"



Nakipag-usap kami ni Hanson sa mga pulis tungkol sa nangyari ng biglang bumuhos ang malakas na ulan. Naghanap kami ng masisilungan at ng matapos na ang interview ay umalis na rin ang mga pulis. Naiwan tuloy kaming dalawa ni Hanson sa ilalim ng waiting shed.



Para mabawasan ang katahimikan ay sinimulan kong contact-in sina Gracie. Hindi sumasagot ang gaga kaya naggive up na ako. Sinubukan ko ang iba naming mga ka groupmates ngunit hindi rin sumasagot.



Napabuntong hininga nalang ako. Nasaan na ba kasi ang mga yun?



"Does it hurt?" Tinignan ko si Hanson at nahuli ko siyang nakatingin sa braso ko na namumula. Aabutin niya sana ito ngunit mabilis ko itong iwinasiwas sa ere.



"A-Ayos lang ako! Mawawala lang naman to!"



Tumingin ako sa langit at itinaas ang kamay ko para saluhin ang mga tubig na mula sa bubong. Naalala ko nanaman yung sinabi niya kanina. Hindi ko alam kung bakit napaka awkward ng pakiramdam ko ngayong magkatabi kami.



Pumipitik pitik lang ako sa mga kamay ko at naghahanap ng tiyempo. Nagnakaw ako ng tingin kay Hanson at bahagya akong napausog ng makitang nakatitig lang pala siya sa akin.



"You want to tell me something?" Tinaasan niya ako ng kilay. Napanguso ako sandali bago ngumiti ng unti-unti.



"Salamat nga pala Hanson. Patay talaga ako kay Tatay kung nahold-up ako ng tuluyan ng lalaking yun." Umayos siya ng pagtayo at naglaro naman ng tubig ulan habang nakalagay ang isa niyang kamay sa bulsa.



"No problem." Napangiti ako. "Pero dapat sa sunod ay matuto kang lumaban or shout for help. Paano nalang kung hindi ako dumating?"



"Pero dumating ka naman! At dadating ka pa rin kahit hindi nangyari yun, diba?" Sinalubong niya ang tingin ko bago siya napabuntong hininga.



"Paano nga lang diba? I'm just letting you see the same scenario ng hindi ako dumating. Slow." Nagsalubong ang mga kilay ko bago ako nagcross arms.



Edi wow. Siya na matalino! Siya na pinagpala sa kagwapuhan at talento! Siya na marunong sumuntok! Siya na meron ang lahat lahat!



"Wow ha! Edi ikaw na! The best ka!" Dumila ako sa kanya bago nagfocus sa panonood sa mga taong naglalakad.



Nawala na talaga ang lahat ng mga nararamdaman kong kakaiba sa pusok ko kanina! Paiba iba din naman kasi talaga ang utaknitong si Hanson. Pinagtitripan lang ba ako ng gag*ng to?



Nasa kalagitnaan ako ng pagbugbog sa kanya sa utak ko ng talsikan ako ni Hanson ng tubig. Nanlaki ang mga mata ko at nakitang nakalahad ang kamay niya sa tubig ulan na umaagos mula sa bubong.



"Hoy! Inaano ba kita diyan?!"



"Easy. Namumula ka na sa galit." Asar kong pinunasan ang mukha ko ng panyo at tinitigan siya ng masama.



"Ikaw naman kasi eh!"



"Oh bakit? Anong problema? You got mad because I said that you're slow?"



"Prolema? Hah!" Sarkastiko akong napatawa. "Anlaki ng utang na loob ko sayo pero ansarap sarap mo na talaga sakalin ngayon!" Nag-ipon ako ng tubig sa kamay ko at tinalsikan din ang mukha niya.



"Akala ko sasakalin mo ako?"



"Basaan nalang! Ayaw kong makapatay! Bleh!" Napapikit siya ng muli ko nanaman siyang tapunan ng tubig. Dahan-dahan niyang pinunasan ang mukha niya ng parang commercial ng tubig bago ngumiti.



"Bring it on."



Napausog ako ng pagdikitin niya ang dalawang kamay niya para mag ipon ng mas maraming tubig. Naalarma naman ako kaya ginaya ko rin siya. Para naman akong tangang napatakbo sa ilalim ng ulan ng umakto na siyang ihahagis na yung tubig na naipon niya sa kamay niya.



"Hey! Wag kang magpapaulan!" Nilingon ko siya bago dumila. Nanlalaki ang mga mata niya ngayon habang nakatingin sa akin.



"Gusto kong magpaulan eh! Bakit ba?"



Nataranta ako ng humakbang na rin siya palabas ng waiting shed. Hinabol niya ako at nagpaikot ikot lang kami sa park habang patuloy sa pagbuhos ang ulan. Wala kaming pakialam kung pinagtitinginan kami ng mga tao sa paligid. Para lang kaming mga bata na nagpapabasa.



Ilang minuto akong hindi nahabol ni Hanson habang panay ako sa pag-asar sa kanya. Ngunit nang maabutan niya na ako ay napasigaw ako nang yakapin niya ako at mabuhat sa isang bench.



"Ang sarap talagang maligo sa ulan!"



Pinikit ko ang mga mata ko sa langit at sinalubong ang mga patak ng ulan na bumabagsak sa mukha ko. Nakatayo si Hanson sa harap ko habang nakayakap ang braso niya sa beywang ko at nakapatong ang mga kamay ko sa magkabilang mga balikat niya.



Bumaba ang tingin ko sa kanya ng marealize ko ang position naming dalawa. Shems. Kahit na sinong makakakita sa amin ay iisipin na magjowa kami na malalakas ang trip.



"Uhm. Upo na kaya tayo?" Bumaba ang tingin ko sa kanya bago ngumiti. Bababa na sana ako sa bench ngunit humigpit ang kapit niya sa beywang ko bago niya nilagay ang kumawalang buhok sa likod ng aking tenga.



"Just stay. I like it when I look up to you." Nang makita kong seryoso nanaman ang mukha niya habang nakatitig sa akin ay biglang lumakas ang tibok ng puso ko.



"Hoy hoy hoy! Bakit ba palagi kang bumabanat sa akin?"



"Bakit? Ayaw mo ba?"



"Ayaw ko. Kinikilabutan ako."



"Don't fool me. Alam kong kinikilig ka."



"Wow. Ang lakas ng hangin! Wooh! Akala ko ba friends lang tayo ha?!"



Panglihis ko lang sana ng topic yun kay Hanson pero nagkatotoo talaga. Lumakas talaga yung hangin at dumagdag pa ang paglakas ng buhos ng ulan na parang super typhoon.



Ito naman si Lord. Di naman mabiro.



Bumalik ang tingin ko kay Hanson at nakita ko siya na bumubuka at sumasara ang bibig habang nakasara ang mga mata. Nagsalubong ang mga kilay ko ng hindi ko marinig ang mga sinasabi niya dahil sa ingay ng paligid.



Nag oorasyon ba ang isang to? Nagdadasal?



"Can I hear your answer now?" Tanging ito lang ang narinig ko kaya napakamot ako sa noo ko.



"Hah? Anong answer? Hindi kita narinig eh! Pwede bang ulitin mo?"



Ilang segundo niya akong tinitigan bago pabagsak na tinanggal ang kamay niya at kamay ko sa balikat niya. Napanganga naman ako ng bigla nalang niya akong tinalikuran ng wala man lang paalam.



"Hoy! Ano nga yun?!" Hinabol ko si Hanson at pilit na sumabit sa braso niya na paulit ulit niyang tinanggal.



"It's nothing! Just forget about it!"



"Eh bakit parang galit na galit ka? Importante ata yung sinabi mo eh!"



"I don't repeat what I've said already so please just forget about it!" Napangiwi ako dahil sa sinabi niya bago ko siya sinundan nalang sa paglalakad niya.



Hindi naman siguro importante gaya ng sinabi niya. Bahala siya. Nasira tuloy yung moment namin!



Nag-offer siya na ihatid ako at dahil wala namang magpapasakay sa akin na jeepney sa ganitong estado ay sumama na ako. Sumakay kami sa kotse niya kahit na basang-basa kami pareho. Nagpasalamat nalang ako ng makitang may driver ang Rich Kid na nagtaka kung bakit nag mukha kaming mga water bender pagpasok.



Hinatid lang nila ako sa bahay at ewan ko ba kung bakit hindi pa rin ako kinibo ni Hanson sa buong biyahe. Badtrip pa rin ata dahil sa nangyari nung last time at dumagdag pa ngayon na hindi ko narinig yung sinabi niya habang umuulan.



Hindi ko na tuloy maiwasang manghula kung anong sinabi niya kanina sa akin para magreact siya ng ganyan.



Nakakaguilty na mahina ang pandinig ko pero kasalanan ko ba? Dapat mas magalit siya sa ulan no! Wala man lang warning na bubuhos siya ng malakas!

Continue Reading

You'll Also Like

10.5M 480K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #03 ◢ Alpha Omega - refers to the twelve demigods destined for the upcoming rebellion. The world has changed. Time has stopped an...
62K 2.6K 75
(COMPLETED) She's Rich, Beautifull inside and out, Smart ,Kind and most of all caring. Pero dahil sa hindi inaasahang magaganap ay mababago ang buha...
11.3M 507K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
21M 767K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...