Hunter Online

By Penguin20

1.8M 181K 114K

Online Game# 2: MILAN X DION More

Hunter Online
Prologue
Chapter 1: The Popular Game
Chapter 2: Unexpected Talent
Chapter 3: Welcome to the Game!
Chapter 4: First Quest
Chapter 5: New Record
Chapter 6: The Kings Arrival
Chapter 7: Richard's Request
Chapter 8: Game Plan
Chapter 9: Ogre Raid
Chapter 10: Eyes on Her
Chapter 11: What the Cat?!
Chapter 12: No Peeking
Chapter 13: Scout her
Chapter 14: The Girl with Potential
Chapter 15: The Three Faction
Chapter 16: Still a No
Chapter 17: Booth Camp
Chapter 18: Observe the Pro
Chapter 19: Facetime
Chapter 20: The Executioner
Chapter 21: This is E-Sport
Chapter 22: My Decision
Chapter 23: Official Member
Chapter 24: Terms and Policies
Chapter 25: Pressure is On
Chapter 26: First Live
Chapter 27: Battle Lineups
Chapter 28: Sacrifices
Chapter 29: Meeting the Dragon
Chapter 30: Professional Match
Chapter 31: Match Result
Chapter 32: Striker Class
Chapter 33: Preparation
Chapter 34: Summer Cup Players
Chapter 35: Getting Comfortable
Chapter 36: Announcement
Chapter 37: Interview
Chapter 38: Start of Tournament
Summer Cup Match Schedule
Chapter 39: Battle Cry Vs. Sparks Again
Chapter 40: Mini Celebration
Chapter 41: Battle Cry VS. Laxus Familia
Chapter 42: Bond of Three Sides
Chapter 43: Battle Cry VS. Rising Hunters
Chapter 44: Battle Cry VS. Optimal Ace
Chapter 45: Teams who Overcome
Chapter 46: Battle Cry VS ALTERNATE
Chapter 47: Smile and Tears.
Chapter 48: Sorry
Chapter 49: Departures
Chapter 50: Sweet Goodbye
Chapter 51: Selection
Chapter 52: Part ways
Chapter 53: Homely
Chapter 54: Plan for Event
Chapter 55: Temple of Cuatal
Chapter 56: Connection
Chapter 57: Platonic
Chapter 58: Chimera
Chapter 59: Typhoon
Chapter 60: Stream for a Cause
Special: Stream for A Cause
Chapter 62: Charity Event
Chapter 63: Invitation
Chapter 64: Orient Crown
Chapter 65: Chocolates
Chapter 66: Captain
Chapter 67: Beer and Talk
Chapter 68: Scouting Ways
Chapter 69: Recruitment
Chapter 70: Night Drive
Chapter 71: Monster Rookie
Chapter 72: Rookie Tournament
Chapter 73: Comfort Person
Chapter 74: Online Class
Chapter 75: Knightmare
Chapter 76: Reconciliation
Chapter 77: Admit and Realize
Chapter 78: Crossing the Line
Chapter 79: Be Bold, Gold!
Chapter 80: Orient Crown VS. Laxus Familia
Chapter 81: Feel the pressure
Chapter 82: Birthday Gift
Chapter 83: The Promise
Chapter 84: Being Comfortable
Chapter 85: Zero Chance
Chapter 86: Interview
Chapter 87: Home
Chapter 88: Hectic Schedule
Chapter 89: Holy Trinity
Chapter 90: Orient Crown VS. Dark Sonata
Chapter 91: Date Night
Chapter 92: Asset of the Team
Chapter 93: Little Crown
Chapter 94: Error and Luck
Chapter 95: More Intact
Chapter 96: Love Language
Chapter 97: Sparkle
Chapter 98: Public Opinion
Chapter 99: Girl Friends
Chapter 100: Rhythm of Game
Chapter 101: Home
Chapter 102: Tainted Image
Chapter 103: Practice Game
Chapter 104: Game Adjustment
Chapter 105: Orient Crown Vs. Devil Lions
Chapter 106: Breakup
Chapter 107: Unexpected News
Chapter 108: Plan and Escape
Chapter 109: Preparation for the Match
Chapter 110: Royals Against Wolves I
Chapter 111: Royals Against Wolves II
Chapter 112: Victorious Moment
Chapter 113: Meeting the Wolves
Chapter 114: Busy Day
Chapter 115: Start of Break
Chapter 116: Her Birthday I
Chapter 117: Her Birthday II
Chapter 118: Her Birthday III
Chapter 119: Back to Normal Life
Chapter 120: Hunter Online World
Chapter 121: Connection
Chapter 122: Under the Night Sky
Chapter 123: Back to Boothcamp
Chapter 124: Mall show
Chapter 125: Double Date
Chapter 126: Double Date II
Chapter 127: Start of the Tournament
Chapter 128: Dream Stage
Chapter 129: Before the Rain
Chapter 130: Key holder
Chapter 131: Orient Crown VS. ALTERNATE I
Chapter 132: Orient Crown VS. ALTERNATE II
Chapter 133: The Next Opponent
Chapter 134: Our Card
Chapter 135: Trouble and Savior
Chapter 136: Orient Crown VS. Daredevils
Chapter 137: Orient Crown VS. Daredevils II
Chapter 138: The Culprit
Chapter 139: Room Inspection
Chapter 140: Ungrateful Son
Chapter 141: Orient Crown VS. Rising Hunter
Chapter 142: The Trouble and Issues
Chapter 143: One Community
Chapter 144: Semi-finalist
Chapter 145: The Plan
Chapter 146: Orient Crown VS. Daredevils III
Chapter 147 Orient Crown VS. Daredevils IV
Chapter 148: Orient Crown VS. Daredevils V
Chapter 149: Fruit of Hardwork
Chapter 150: Before the War
Chapter 151: Orient Crown VS. Phantom Knights
Chapter 152: Encouraging Words
Chapter 153: Royals VS. Dragon I
Chapter 154: Royals Vs Dragon II
Chapter 155: Royals Vs. Dragon III
Chapter 156: Royals Vs. Dragon IV
Chapter 157: Celebration
Chapter 158: Going Home
Chapter 159: Surprise
Chapter 160: Offended?
Chapter 161: Update and Invitation
Chapter 162: Consider the Proposal
Chapter 163: Boss Raid Planning
Chapter 164: Medussa's Lair
Chapter 165: Christmas Vacation
Chapter 166: Baguio Trip
Chapter 167: Baguio Trip II
Chapter 168: Baguio Trip III
Chapter 169: Meeting her
Chapter 170: Girl from Past
Chapter 171: Yugto Pilipinas
Chapter 172: The Team and Coaches
Chapter 173: New Boothcamp
Chapter 174: Import Players
Chapter 175: Battle of the Best
Chapter 176: Clash of Best Players
Chapter 177: Change Role
Chapter 178: Appointed Captain
Chapter 179: Boss Dungeon Planning
Chapter 180: Underpass of Lost Hope
Chapter 181: The Brothers and Offer
Chapter 182: Pressure of New Role
Chapter 183: Gunslinger
Chapter 184: Another Rumor
Chapter 185: Team Vacation
Chapter 186: Cause of Confession
Chapter 187: The Issue and Outcome
Chapter 188: Embracing Solemn
Chapter 189: Solid as Diamond
Chapter 190: Against the Pioneer
Chapter 191: Yugto Pilipinas Vs. AllStar PH I
Chapter 192: Yugto Pilipinas Vs. AllStar PH II
Chapter 193: Catastrophizing
Chapter 194: Withdrawal of the Dragon
Chapter 195: Offer for Dion
Chapter 196: Reconnect with Friend
Chapter 197: The Missing Piece
Hunter Online Book 1 (Book version)
Chapter 198: The Opening
Chapter 199: The First Plan

Chapter 61: Start of Class

11K 1.2K 1K
By Penguin20

HINDI pa rin ako makapaniwala na officially ay tapos na ang Summer Vacation namin. Aware akong maraming nangyari sa buong two months na bakasyon. Madami akong mga tao na nakilala, and in a snapped ay nagbago ang takbo ng buhay ko. That was a long Summer Vacation pero feeling ko ang bilis ng lahat.

Pinagmamasdan ko ang sarili ko sa salin habang suot ko ang school uniform ko. Ang weird lang suotin ng school uniform kapag start ng klase.

Noong na-satisfy na ako sa hitsura ko ay lumabas na ako ng kuwarto at nadatnan ko si Dion at si Kuya na nagkukuwentuhan sa sala. "Back to reality ka na, ah." Nakangising sabi sa akin ni Kuya.

"Kaya nga, eh, feeling ko mas lalo akong mai-i-stress sa mga subject ko ngayon." Ang daming math and programming subjects this sem. Kaunti lang ang minor subject na kino-consider kong pahinga ko sa sakit ng ulo. I saw Dion took a picture of me at hinarang ko ang kamay ko sa camera. "Huy, huwag mo akong kuhanan ng picture."

"Back to school na si Nene." he chuckled.

"Tingnan mo nga ako, Dion, sakto pa rin ba 'tong uniform ko o kailangan ko nang bumili ng bago? Feeling ko talaga tumaba ako." Mabagal akong umikot sa kaniyang harap para makita niya ang hitsura ko.

"Ayos lang," seryosong sabi niya habang pinagmamasdan ako maigi. "Huwag ka nang bumili. Kasya pa naman."

"Sure ka?"

"Tatanungin mo ako tapos hindi ka maniniwala. Awit sa 'yo." Napailing si Dion at napasandal sa sofa.

"Milan, pangit ka pa rin. Kumain ka na at umalis ka na." Pag-e-epal ni Kuya at napairap ako sa ere. Kaya ayokong hinihingi ang opinyon nito kasi aasarin niya lang ako. Knowing Kuya London's personality, gustong-gusto niya akong nakikita na naba-badtrip.

"Dadaanan daw ako ni Clyde. Sabay kaming papasok." I informed them at kumuha ng tinapay sa dining table at pinalamanan ito ng peanut butter.

"Bakit ka dadaanan?" Tanong bigla ni Dion.

Natawa naman si Kuya London. "Selos ka naman agad."

"Hindi ako nagseselos, baliw. Curious lang ako." Depensa ni Dion.

"Curious mo mukha mo. Ulol, 'wag ako." Natatawang sabi ni Kuya London.

"Alam mo, huwag mong pinagpapansin 'yang si Kuya. Ma-issue na tao 'yan." Inis akong tiningnan ni Kuya at dinilaan ko lang siya. "Sabay kaming pumapasok ni Clyde since malapit lang ang bahay niya rito sa village. Tapos iisang school lang naman ang pinapasukan namin, less hassle pa sa akin since may kotse si Clyde." Although, minsan ako ang sumasagot ng pampa-gas.

"Kay Kuya Brooklyn ka magpaliwanag." Epal ni Kuya. "Nga pala, I already received the money from other players. 67,580 pesos ang total na kinita ninyo sa buong araw na live."

"Ang laki." Bulong ko habang kumakain ng sandwich.

Sobrang naging successful ang ginawa naming Pagkakaisa para sa Nueva Ecija project dahil ang daming tao na nag-send ng stars sa livestream at 'yong mga stars na iyon ay nako-convert into cash. Marami ring professional players ang nag-share ng live namin kung kaya't mas malaking audience ang na-reach namin which is sobrang thankful ako kahit hindi ko sila kilala lahat.

"Malaki talaga, pinag-uusapan namin ni Dion 'yong mga basic needs na puwede nating i-donate for the victims of typhoon." Winagayway ni Kuya ang notebook niya. Hindi man halata kay Kuya dahil sa pagiging gastador niya pero magaling siya mag-handle ng pera ng ibang tao. "Tapos mamaya, maglilibot kami sa village para humingi ng mga damit na hindi na nila ginagamit kasi feeling ko magagamit ng mga taga-Nueva Ecija iyon."

"Let's discuss the details tonight, pagkauwi ko galing school. Hopefully, by Saturday ay makapunta na tayong Nueva Ecija para personal nating maiabot ang tulong natin." May mga LGU na akong kino-contact para matulungan kami sa donation namin at isa sa tina-target ko ay ang probinsya ni Dion.

Talagang pumayag si Dion na sa Saturday na siya uuwi dahil gusto niyang tumulong sa pagpa-pack ng mga reliefs.

Dion is a one of a kind man, kung sino ang magiging girlfriend niya if ever ay napakasuwerte.

Ilang minuto pa ang lumipas ay narinig ko na ang busina ng kotse ni Clyde— it is a black fortuner. Family car nila ito pero pinapagamit ito kay Clyde kapag papasok siya sa school.

"Sige na, papasok na ako. If ever may listahan kayo ng mga pagkain na ido-donate, send a screenshot to me." Kinuha ko ang bag ko at nagmamadaling naglakad papalabas.

"Good luck sa first day mo, Ineng." Dion chuckled.

"Oh God," I rolled my eyes. "Huwag mo akong gawing gradeschool na excited pumasok sa school." Tumawa lang si Dion. Unti-unti na niyang na-a-adapt ang ugali ni Kuya London, buwusit na rin.

I opened the door of shotgun seat at pumasok sa loob. "Sorry natagalan, late ako nagising." Clyde said.

"Baliw okay lang, maaga pa naman."

"This is your first day in school as a professional player," Nagsimula na siyang bumaling papalabas ng village. "Kinakabahan ka?" he chuckled.

I connected my phone in his car at ako ang namili nang patutugtugin. Ang old school man pero I am into Silent Sanctuary songs nowadays... Again. Ewan ko ba, isa yata 'yon sa mga bandang babalik-balikan ko kahit tumanda na ako.

"Parehas kayo nang sinabi ni Dion. This first day of school is pretty normal. Hindi ako excited pumasok, hindi ako excited na ma-stress ulit sa schooo." mahaba kong paliwanag habang natatawa.

"Kumusta ang paghahanap ng bagong team?" he asked.

I sighed. "Heto, nakaka-stress. Papalapit na ang mga malalaking tournament pero hanggang ngayon ay wala pa rin kaming team ni Dion. At isa pa, baka hindi muna gaming ang priority namin sa ngayon. Mas gysto kong tumulong sa mga nasalanta ng Bagyo, kapag nanonood ako ng news, ang sakit sa puso kapag nakikita ko ang nangyari sa kanila." Mahaba kong litana kay Clyde.

I don't care about the event in game anymore, alam kong one shot lang 'yong ginawa naming paglahok doon ni Dion pero sana... Makita ng mga Head Hunters na may ibubuga at maipakikita pa kaming dalawa.

"Tulong kami sa pag-ayos sa mga relief nila Trace." he said habang focus sa daan.

Napaangat ang tingin ko sa kaniya. "Seryoso ka ba diyan? Huwag kang chika diyan, ha! Expect ko nang tutulong kayo." I clapped my hand in happiness. "Sleepover na lang ulit kayo nila Shannah if ever."

***

PINARK ni Clyde ang kotse niya sa harap ng College of Law dahil doon ang may maluwag na parking. Wow, ngayon ko lang ulit nakita na maraming tao ang buong school.

"Tingnan mo 'yong mukha ng mga freshman, punong-puno pa ng pag-asa." sabi ni Clyde sa akin at natawa ako. "Paglipas ng ilang buwan, stressman na 'yan."

Napangiti ako at nagpigil ng tawa. "Joke yern?"

"Oo joke 'yon. Natawa ka nga, eh." doon na ako tumawa at dire-diretso kaming naglakad papunta sa department namin.

When I say I missed school, ang ibig sabihin ko ay na-miss ko kasama ang mga kaklase ko. Hindi 'yong buong university mismo dahil ang stressful ng college life.

Ang awkward dahil sanpaglalakad namin ay may mga estudyante from different colleges ang nakakikilala sa akin. Kapag nakikita nila ako ay magbubulungan sila tapos lilingon sa akin. I mean, ang weird at ang awkward sa pakiramdam.

"Sikat ka na talaga, lods, hindi ka na ma-reach." bulong ni Clyde at inirapan ko na lang siya.

"Chika mo."

Papaakyat na sana kami sa second floor ng College of Science noong may mga magpa-picture na tatlong freshmen sa akin. Pinaunlakan ko naman ito at tuwang-tuwa sila na sinasabi na nanonood sila ng livestream ko dahil marami silang natututunan tungkol sa Hunter Online.

If I am able to give them an advice sa game, ibig sabihin lang noon na I am doing my job well sa field na pinasok ko. Ang fulfilling sa pakiramdam.

"Dito rin kayo sa College of Science? Anong course ninyo?" tanong ko. Buti na lang talaga at hindi bugnutin itong kasama ko ngayon. Kung si Dion ang kasama ko ngayon ay baka abot hanggang gate ng BulSu ang simalmal noon.

"Bio po." They answered.

"Oh Bio, enjoy kayo rito. Welcome sa College life." I waved my hand at naglakad na kami ni Clyde papaakyat.

"Ambassador ka na ngayon ng College natin bigla, ah." natatawa niyang sabi.

"Alam mo, kanina ka pa." Mahina kong himanpas-hampas ang braso ni Clyde na tinawanan niya lang.

When we reached the second floor ay mas naging awkward dahil karamihan dito ay kilala ko sa mukha (batchmates) so ramdam na ramdam ko ang mga tingin nila.

Noong nakita ko sina Shannah na nakaupo malapit sa room for our first class ay dali-dali along lumapit sa kaniya.

"Grabe kang bakla ka, na-miss kita," We hugged tightly kahit kakakita lang namin noong nakaraan.

"So kumusta, maraming nagpapadala ng mga foods sa bahay ninyo?" tanong ko since address ni Shannah ang ibinibigay namin kapag physical donation. Buti na lang talaga at pumayag ang mama niya dahil may kuwarto naman daw silang hindi ginagamit.

"Naku 'te, na-haggard ang lola mo sa maya't mayang nagpapa-deliver kahapon. Akala ng mga tsismosang kapitbahay namin ay nakasungkit na ako ng yayamaning sugar daddy." Natawa ako sa kuwento niya. "Pero bakla ka! Sobrang successful nang ginawa mong event na 'to! Kulang na lang ay magpatayo kami ng ukay ng Mama ko sa dami ng damit at manika na ipinadala."

"Sorry, ha, hindi kasi puwede idirekta sa bahay namin."

"Okay lang 'yon. Tulong ko na rin iyon sa inyo, hatid namin sa inyo by wednesday 'yong mga damit. Tapos tutulong kami nila Trace sa pag-aayos ng relief." My friends smiled at nag-agree.

Naputol ang kuwentuhan namin noong lumapit sa akin si Paolo (Governor namin sa College of Science and ahead siya sa amin ng isang taon).

"Gov, liligawan mo na ba ako?" Shannah asked frankly.

Paulo just smiled. "Puwedeng makausap saglit si Milan?"

Napatingin ako kanila Shannah at tumango sila. "Tawagin ninyo ako kapag nandiyan na 'yong prof, ha? Reserve ninyo akong upuan." Bilin ko sa kanila at kinausap si Gov Paolo sa gilid ng faculty.

"May problema ba, Gov?" Tanong ko. Nasanay na akong tinatawag siyang Gov dahil sa posisyon niya sa College of Science.

"Oh, Nakita namin 'yong post mo tungkol sa tulong para sa Nueva Ecija and gusto sana naming tumulong na LSC (Local Student Council) members. Gusto namin lumikom ng pera mamaya at mag-iikot kami sa buong College para may maitulong." Na-touch ako sa sinabi ni Gov. Paolo.

"Seryoso ba 'yan, Gov?" I asked.

"Yup. We made a letter already and may approval na ni Dean."

"Kaso hindi ba magkakaroon ng bad impression sa mga estudyante kung first day of school ay manghihingi tayo ng pera sa kanila?" Tanong ko.

At tsaka ayokong isipin ng mga freshmen na ginagatasan sila ng pera. They are still new here, paniguradong may impact sa kanila ang first impression sa College.

"Hindi naman mandatory, eh. Donation lang naman. And kung kaya ng sched mo ngayon... Puwede kang sumama sa amin, I mean, you are part of the Pagkakaisa para sa Nueva Ecija project mismo. Bringing a representative will leave a good impression." Kumakamot sa batok na sabi ni Gov. "I mean, if that's okay with you? Gagawa kami ng excuse letter kapag may tatamaan na subject."

"Sure, Gov! First day pa lang naman, wala pa naman gagawin."

Hiningi ko ang number ni Gov at sinabing pagkalabas na pagkalabas ko sa classroom ay tutulong ako sa kanila.

I highly appreciated those people who supporting my Pagkakaisa para sa Nueva Ecija. From fans, friends, Schoolmates, and family... Lahat sila, suportado nila ako.

Saktong pumapasok na 'yong mga kaklase ko sa Classroom noong pagtapos nang pag-uusap namin ni Gov kung kaya't pumasok na ako.

***

KAGAYA nang inaasahan ko kapag first week of new semester— early dismissal. Marami sa professors ang hindi nagtuturo sa first week at madalas ay ipinapaliwanag lang nila ang Course Syllabus (na naaral ko na) at pinipirmahan ang COR at pagkatapos noon? Class Dismissed.

Take note, may mga three hours classes kami na naging 15 minutes lang dahil diyan. Ang haba tuloy ng vacant namin.

"Sasama ako kay Milan na maglibot sa college natin." Paalam ni Shannah sa Kulokoy boys.

"Sige, nasa Computer-an lang kami sa second gate. Kapag kakain na kayo chat ninyo kami." Clyde said and waved his hands. Of course, gamers, doon talaga tumatambay sila Clyde kapag ganitong mahabang vacant.

Sumama kami ni Shannah kanila Gov sa paglilibot sa buong college at feeling ko nga ay nagkaroon ng instant meet and greet sa mga fan ko sa gaming dahil ang dami nilang nagpapa-picture kada pumapasok kami sa classroom.

Many of them donated kaya naman super happy ako.

Maghapon naming ginawa iyon. Overall, nakalikom kami ng 5,963 pesos.

"Gov, thank you sa suporta ninyo!" I thanked all the member of LSC kasi sila talaga ang nag-initiate sa akin na tutulong sila.

"No problem, we are planning naman na talaga to help the victims of the typhoon. Atleast, kampante kami na makararating sa kanila ang tulong dahil sa 'yo." Gov. Paolo said and smiled. "Wala man akong alam sa ESports masyado but good luck on your journey."

Naglakad na kami paalis ni Shannah at pagkaliko pa lang namin sa pasilyo ay hinampas na niya ang braso ko.

"Nakita mo ba 'yong smile ni Gov? Girl, feeling ko na-cleanse ang soul ko. Kaya ko siya binoto last year kasi pogi, feeling ko worth it naman." Shannah giggled.

"Baliw ka, pati so Gov hindi mo pinalampas." Umupo kaming dalawa sa bench dahil sa sakit ng paa namin sa maghapong paglalakad. "Deserved naman ni Paolo 'yong posisyon."

Saglit kaming nagpahinga noong naramdaman kong nag-vibrate ang cellphone ko at nakatanggap ng chat sa twitter from unexpected person.

Ayaaame_Gaming:

Hello, Milan! I am interested to donate money para sa Donation drive na ginagawa mo. I am amazed na nagamit ninyo 'yong platform natin to help the victims of the calamity. OMG, ang daldal ko, nag-fangirl na ako haha!

Can I ask the bank details kung saan ako puwedeng mag-transfer ng money? I really want to help physically but I have to attend in game expo here in Davao for a week.

Good luck sa event ninyo. Ingat kayo lagi ni Dion and good luck sa mga future laban ninyo! ☺️

PS. Hope to see you soon para makapag-fangirl ako. 😂

"Bakla, sino 'yang ka-chat mo? Pang-MMK sa haba, ah." Dumungaw si Shannah sa phone ko at binasa ang chat namin ni Ianne.

Wow, no wonder kung bakit naging crush siya ni Dion. Sa chat pa lang ay ramdam ko na ang pagiging mabait and jolly niya.

"Nanghihingi ng bank details." Sagot ko.

"Oh, 'yong dating nakakalaro ni Dion sa mga Playoffs." She nodded. "Well, mukha namang mabait siya kahit sa mga live niya."

"Crush ni Dion 'to. I-match ko kaya sila?" Natatawa kong sabi.

"Ano ka? Tinder? Isa pa, Million shipper ako, tatlong major subjects ko ang nakasalalay dito. Ang pangit ng idea mo, itapon-tapon mo 'yan." sabi niya at tumayo na kami para umuwi. She chatted Tomy na para makauwi na kami.

Napatingin ako sa cellphone ko noong makita kong may tumatawag.

Dmitribels calling...

"May problema ba?" Tanong ko. "You guys finalized already ba 'yong mga bibilihin?"

"Nasa labas ako ng school ninyo."

Saglit akong napatigil sa paglalakad sa sinabi niya. Napatingin sa akin si Shannah.

"Weh? Seryoso ba 'yan o chika lang?" Tanong ko.

"Mukha ba akong nagchichika?" Narinig ko ang pagtawag niya sa kabilang linya. "Nasa parking ako ng Mcdo katabi ng gate ng school ninyo. Huwag ka nang sumabay kay Clyde pauwi."

"Sino 'yan?" Tanong ni Shannah.

"Si Dion. Nasa Mcdo raw." I informed her at nagtatalon sa tuwa si Shannah.

"Go na, kitain mo na si Dion. Ako na ang sasabay kay Clyde pauwi. Ayoko rin mamasahe, eh." She tapped my back and naglakad na ako papaalis.

"Sino 'yon?" Dion asked on the other line since hindi ko naman ibinababa ang tawag.

"Si Shannah. Bakit ba kasi nambibigla ka? Sana in-inform mo man lang ako na pupunta ka. Kaninong car gamit mo?" Lakad takbo na ang ginagawa ko papalabas sa main gate since iyon ang katabi ng Mcdo.

"Hindi mo man lang ako kinumusta kay Shannah. Tsk. Tsk. Hiniram ko 'yong kotse ng Kuya mo, natalo ko siya sa Tekken kanina. Pustahan."

Napairap ako. "God, kay Kuya Brooklyn 'yang kotse. Feeling lang ni Kuya London sa kaniya. Mang-aangkin 'yan, eh." Parehas kaming natawa.

Hanggang makalabas ako ng gate ay kausap ko si Dion at dali-dali ko siyang hinanap. Shocks, hapon pa naman, karamihan pa naman ng estudyante sa university ay ganito ang uwian.

Nakuha ang atensiyon ko nang nag-iisang kotse na pinagkakaguluhan ng mga estudyante. Mga lalaki at babaeng estudyante ng school.

"Oh God, lumabas ka ng Car?" Tanong ko sa kaniya sa tawag. "End ko na 'yong tawag, feeling ko nakita na kita."

Nagmamadali akong naglakad tungo sa kaniyang direksyon.

Dion is standing beside the car. He chuckled as he saw me.

"Tagal mo." He smiled.

Continue Reading

You'll Also Like

42.8K 2.3K 35
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man.
6.7K 592 26
"Nico, she's been dead for over a decade! Mahihirapan tayong i-identify ang biktima." "Well, we have no choice, Nova," the greatest detective in East...
20.8M 762K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
179K 13.2K 106
Luanne Ignacio finds the biggest plot twist of her 2025 when she meets the baseball varsity team's cleanup, Lucas Gomez-who claims to be "not interes...