Babysitting the Billionaire

By JFstories

47.8M 1.3M 485K

Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to unders... More

Prologue
TERRENCE MONTEMAYOR SAAVEDRA
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
END OF BOOK 1
Terrence Montemayor-Saavedra
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Epilogue
BLACK OMEGA SOCIETY
Just wanna share these :)
Q

Kabanata 22

587K 20.1K 7K
By JFstories

Restored copy/deleted comments/Let's make new memories :)

Kabanata 22

NASUSUNOG ang bahay namin at naiwan sa loob si Ruby! Kusang pumatak ang mga luha ko. Namalayan ko na lang na naibagsak ko na pala ang phone ko sa sahig.

Ang paglapit ni Jumbo ang nagpagalaw sa na-estatwa kong katawan. "Jumbo..." kita ko ang labis na pag-aalala sa gwapo niyang mukha.

Hindi ako nagsalita. Kumapit ako sa kanyang balikat upang tulungan ang aking sariling makatayo. Pagkuwan ay wala ako sa sariling dinampot ang aking pitaka at saka pagewang-gewang na humakbang palabas ng pinto. Ang pamilya ko. Nasa panganib ang pamilya ko!

Sumunod agad sa akin si Jumbo. "Jumbo..." awat niya sa akin.

"Jumbo, dito ka lang..." utos ko sa kanya bago ako naglakad muli.

Humarang siya sa daraanan ko. "Jumbo..."

Napahinto ako at saka nagtuloy-tuloy ang mga luha ko. "Jumbo, babalik ako... dito ka lang... babalik ako."

Pero mukhang hindi siya papayag na umalis ako nang hindi siya kasama dahil heto't humarang pa rin siya sa aking lalakaran. Napapikit na lang ako matapos mapabuga ng hangin.

...

HALOS talunin ko ang pagbaba sa tricycle na sinasakyan namin ni Jumbo nang makarating ako sa amin. Nakikita ko na agad ang makapal na usok na nagmumula sa bahay namin. Ang mga balde ng tubig na walang laman ay nakakalat sa kung saan-saan, tila ba napagod na ang lahat na subuking patayin ang apoy.

"A-anong nangyayari?" Nanghihina akong lumapit. Sa likod ko ay nakaalalay sa akin si Jumbo.

Kumpulan ang maraming tao sa di kalayuan na magkakahawig ang reaksyon. May mga ilang tanod sa paligid na nagra-radyo at tila tumatawag pa lang ng bombero. Isang grupo ng mga tao ang nakitang kong pinakamalapit sa nasusunog na bahay: Sina Mama at ang mga umaawat na tanod at kapitbahay.

Naroon din si Bayug na panay ang tahol.

Patakbo akong lumapit sa kanila. Hindi ko rin alam kung saan nagmumula ang lakas kong ito gayong nanginginig ang aking mga tuhod.

"Ma! Si Dangdang? Si Amang? Nasaan sila?" tanong ko agad kay Mama nang makalapit ako sa kanya. Nakasunod lang sa likuran ko si Jumbo.

Kumapit agad sa akin ang pawisang mga palad niya. "Rosenda, si Ruby... naiwan sa Ruby sa loob ng bahay..." tigmak ng luha ang kanyang mga mata at hindi na nagawang sagutin ang aking tanong. Pilit siyang nagsasalita kahit humahagulhol siya. "M-masaya pa kaming kumakain ng sandwich na dinala mo kanina... tapos, hinatiran ko pa si Ruby sa kwarto... nang bigla na lang natapon iyong gasera sa..." tagaktak ang mga luha niya. "Natapon sa... ginagawa kong mga paputok..." pagkasabi'y napaupo siya sa lupa.

Habol ko ang aking hininga kahit paulit-ulit ko nang narinig ito. Nilingap ko ang paligid at doon ko lang nakita si Dangdang na umiiyak habang buhat-buhat siya ng isa sa mga bombero. Si Amang naman ay nakaluhod sa isang tabi, puro galos at tulala na para bang wala na sa sarili. Sa tabi nito ay mga balde ng tubig na nakataob.

Marahan akong muling humarap sa nagliliyab na bahay at tila ba hibang na humakbang patungo roon. Sinalubong agad ako ni Pektong kasama ang ilang mga tanod.

"Miss, hanggang dyan ka na lang! Paparating na ang mga bombero!" Anang isang tanod.

"Rosenda, hanggang sala niyo na ang apoy!"

Pero nagpumilit ako. Itinulak ko sila nang buong lakas sa abot ng makakaya ko. "Umalis kayo sa daraanan ko! Bakit wala man lang ni isa sa inyo ang magtangkang iligtas ang kapatid ko?!"

Ngunit sadyang may pangangatawan ang mga ito maliban kay Pektong kaya ganoon nila ako kadaling napigilan. "Sorry, Rosenda. Natatakot na ang ibang pumasok sa loob dahil baka may pumutok na namang paputok..."

Nagkakawag ako dahil hawak-hawak nila ang aking magkabilang kamay. "Pero nasa loob ang kapatid ko, Pektong! Paraanin niyo ako! Ako na lang ang magliligtas sa kanya!"

"Hindi talaga pwede, Rosenda. Baka mapahamak ka lang. Pasensiya na, hintayin na lang natin ang mga bombero..." sagot sa akin ni Pektong habang hila-hila nila ako palayo sa apoy.

Subalit sinubukan ko pa ring kumawala kahit nanghihina ako. "Bitiwan niyo ako! Ang duduwag ninyo! Ililigtas ko ang kapatid ko! Ako ang magliligtas sa kapatid ko!"

Biglang sumulpot ang ilan pang tanod at nakihawak na rin sa akin para awatin ako. Kaya naman kahit anong pagpupumiglas ko ay wala na akong nagawa kundi ang umiyak na lang. Katulad ni Mama ay nanlambot din akong napalupagi sa lupa.

Paano si Ruby? Paano ang kapatid ko? Buntis siya. Paano iyong bata sa sinapupunan niya?

Halos subsob ang aking mukha sa lupa nang marahan itong umangat. Nanlalaki ang aking mga mata kahit nagtutubig ang mga ito dahil sa luha. Para akong naitulos sa aking kinauupuan nang matanaw ko ang isang lalaking nananakbo papasok sa nagliliyab na bahay.

Sinubukan siyang harangan ng dalawang tanod ngunit higit siyang mas malaki sa mga ito kaya't walang kahirap-hirap niyang nalampasan ang mga ito. At nang tuluyan na siyang nakapasok sa loob ng bahay, napatayo ako.

Dumagundong ang dibdib ko sa takot kaya napasigaw ako. "Jumbo!"

Maging si Mama ay napatayo mula sa kanyang kinauupuan sa aking likuran. "Diyos ko..." usal niya nang hindi bumibitaw ang kanyang mga mata sa malaking apoy.

"May nakapasok, o!" hiyawan ng mga tao nang makita rin nilang nakapasok si Jumbo sa dagat na apoy.

Tumayo ako at mariin kong pinunasan ang aking luha. Nagmartsa ako papalapit sa apoy kaya't dali akong hinarangang muli ako nila Pektong. "Rosenda—"

Pinaghahampas ko sila sa dibdib. "Nakita niyo iyon? Hah?!" itinuro ko ang malaking apoy. "Bakit ang taong iyon nakapasok para iligtas ang kapatid ko?! Bakit ang taong iyon na wala sa tamang pag-iisip ay nakapasok doon para iligtas ang kapatid ko?! Bakit ang taong iyon na wala namang alam pagdating sa ganitong trahedya ay nakapasok doon para iligtas ang kapatid ko?!" bulyaw ko sa kanila.

Napayuko ang mga ito.

"Pero bakit kayo, walang magawa? Kayo na mga unipormado pero wala kayong magawa para iligtas ang kapatid ko..." tuluyan na akong napahagulhol. Humakbang na akong muli patungo sa apoy nang biglang may humawak sa aking kamay para awatin ako.

Si Mama.

Umiiling siya habang lumuluha. "Huwag, Rosenda... huwag..." napasinghap pa siya. "Kung mawawala ang kapatid mo, hindi ko na kakayanin kapag nawala ka rin..." kasunod noon ang paghikbi niya.

"Mama..." napatigagal ako sa sinabi niya. Totoo ba ang narinig ko? Sa kanya ba talaga nanggaling ang mga salitang ito? Sa unang pagkakataon, naramdaman kong mahal niya ako na tulad ng isang anak.

Nang makalapit na ang bagong dating na mga bumbero ay saka lang bahagyang kumalma ang apoy. Pumalibot agad ang mga ito at hindi tinigilan ng pag-hose ng tubig sa buong kabahayan.

"Jumbo!!!" Tuluyan na akong napayuko habang umiiyak.

Dahan-dahan akong napaluhod sa lupa at napayuko. Wala na akong iiiyak pa dahil pakiramdam ko ng mga sandaling iyon ay naubos na ang aking luha.

Kapatid ko si Ruby kaya napakasakit para sa akin kung mawawala siya. Pero kung pati si Jumbo ang mawawala, hindi ko kakayanin. Hawak niya ang puso ko at ikamamatay ko kapag nawala siya sa akin. Nanaisin ko na lang din na masunog at matupok ng apoy na ito kaysa ang mabuhay nang wala siya.

Mayamaya lang ay lumapit sa akin ang ilang mga awtoridad at bombero. Iisa lang ang kanilang sinasabi sa amin ni Mama. Hindi ko rin sila masisisi. Gusto lang nila akong protektahan kaya nila ako pinipigilan. At kahit paulit-ulit ko silang bulyawan at maliitin ay paulit-ulit rin nila akong pipigilan. Hindi nila pagsisisihan iyon dahil sila ang tama.

Malungkot na pagmumukha ni Pektong at hindi siya makatingin sa amin.Hindi ko matanggap. Wala na sila, wala na si Jumbo.

Wala na ang lalaking nagturo sa akin kung paano maging matatag. Ang lalaking nanatili sa aking tabi na hindi nagawa ng iba kailanman. Ang lalaking inalagaan ko dahil inalagaan niya rin ang puso ko. Ang lalaking nangako sa akin na hindi ako iiwan kahit hindi ko alam kung nangako nga talaga siya. Ang lalaking handang maghintay sa akin kahit pa anong unos ang kanyang pagdaanan.

Ang lalaking umuunawa sa akin kahit pa madalas ko lang siyang pulbusan. Ang lalaking mahilig sa papaya at masarap mang-romansa. Ang lalaking dalawang salita lang ang kayang sabihin ngunit minamahal ako at sinisinta. Ang lalaking...

Napahagulhol akong muli at napayukyok.

Wala na si Jumbo, wala na siya. Paano ako nito ngayon kung wala na siya? Napapiksi ako bigla nang pumukaw sa akin ang sigawan ng mga tao sa paligid. At nang mag-angat ako ng mukha ay natigalgal ako. Doon, mula sa nahawing apoy ay natatanaw ko siya ngayon.

Parang may sariling isip ang mga paa ko dahil kusa itong tumayo at naglakad papunta sa kanya.

Ang aking mga mata ay nakapako sa lalaking paika-ikang lumalakad papalayo sa bahay. Basa ang buong katawan nito ay may balabal na suot. Kinusot ko pa ang nagtutubig kong mga mata dahil baka dinadaya lang ako ng aking paningin. At nang tuluyang mawala sa mga mata ko ang ilang luha ay pinakatitigan ko siyang muli.

Diyos ko! Totoo nga. Siya nga ang nakikita ko, si Jumbo nga!

"Panginoon ko!" iyak ni Mama sa aking tabi nang makita niya ang isang babae na nakapasan sa likuran ni Jumbo.

Hindi lang pala balabal na basa ang nasa likuran niya, may babae rin siyang pasan-pasan. Si Ruby!

Mabilis nagsilapitan kay Jumbo ang mga bumbero at tanod upang tulungan siya.

Kita pa sa mga mukha ng mga ito na para bang hindi rin makapaniwala tulad ko. Nang ilang hakbang na lamang ang layo nila Jumbo sa amin ay isang lalaki sa aking likuran ang malakas na pumalakpak. At sa bawat pagtama ng mga palad niya sa isa't isa ay nadarama ko ang isang pagsaludo at paghanga. Lalo na nang lingunin ko siya at nakita ko ang ang mga luha sa kanyang mga mata.

Ito ang unang beses na nakita ko siyang umiyak – si Amang!

Tila mula sa matagal na pagkakatulala ay nagising si Amang. Puno ng luha at sipon ang kanyang mukha habang pumapalakpak siya. May gewang pa ang kanyang paglalakad pero kababakasan ng purong pagpapasalamat ang kanyang mga mata.

Sinundan ng palakpak ni Pektong. Hindi nagtagal ay isa-isa nang nagsipalakpakan ang mga tao. Sumunod na pumalakpak rin ang mga tanod maging ang mga bombero.

Ngayon ay walang ibang ingay sa paligid ng mga oras na iyon kundi ang mga palakpak nila na nagkakaisa. Maging ang mga mata nila'y naluluha bagama't may ngiti sa kanilang mga labi habang sa iisang tao lang sila nakabaling – kay Jumbo.

Si Jumbo na ngayon ay nasa harapan ko na at hinihingal pa. Siya na bayani ng hindi lang iisang tao kundi lahat ng mga nakapaligid sa kanya. Siya na kinamumuhian nila Mama na ngayon ay nagsagip sa buhay ng anak nila. Siya na may sayad daw sa utak ayon kay Amang na ngayon ay hinahangaan na nila. Siya na hindi lang sandwich ang ninakaw sa akin kundi pati ang puso ko.

Siya si Jumbo na ngayon ay ngumunguya sa harapan ko.

Ngumunguya sa harapan ko?!

Saka ko lang napansin ang hawak niyang isang basket at may ilang laman pa iyong sandwiches. Ito iyong ibinigay ko kila Mama kanina.

Iyong totoo, Jumbo. Si Ruby ba ang iniligtas mo o – itong mga sandwiches na kinakain mo?

Pero wala na sa akin iyon. Ang walang muwang na ito ay hindi alam kung anong klaseng bagay ang nagawa niya ngayon.Gusto ko siyang yakapin nang mahigpit na mahigpit. Ang kaso naunahan na ako. Naunahan na ako ni Mama.

"Salamat, hijo... salamat..." piyok ang tinig ni Mama. Halos paliguan niya ng halik sa mukha si Jumbo.

At hindi lang si Mama, si Amang ay nakahawak sa kanyang balikat habang yumuyugyog ang mga balikat nito at nakayuko.

Kung gaano kahigpit ang pagkakayakap sa kanya ni Mama ay ganoon rin kahigpit ang pagkakayakap ni Dangdang. "Jumbo..." atungal pa ng bunso kong kapatid.

Umuungot pa si Bayug na nakiyakap din sa kanila.

Namilog ang mga mata ko nang may biglang yumakap sa akin mula sa likuran. "Ate... salamat... salamat, Ate..." Si Ruby.

Napaluha ako. Ito ang kauna-unahang beses na tinawag niya akong ate. Humarap ako sa kanya at niyakap ko siya habang tinatanaw namin ang aming pamilya.

Hayun sila at sa iisang tao lamang nakayakap – kay Jumbo.

Naluluhang tumingin ako sa iba. Saka ko napansin ang isang maitim at payat ding tanod na katabi ni Pektong. Ngiting-ngiti ito –Si Urok!

"Rosenda, nakalimutan kong ipakilala sa 'yo. Nakababatang pinsan ko nga pala, si Urok. Tanod din." Nahilo ako sa amoy kaya sure ako na si Pektong ang nagsalita.

"Ngayon ko lang siya nakita na tanod," komento ko habang hindi humihinga.

Ngumisi si Pektong. "Paano mo naman siya makikita kung palaging nasa akin lang nakatutok ang paningin mo."

Tinalikuran ko na sila. Nanlalabo na paningin ko sa hilo e.

Nagfocus na lang ako sa positibo, binalikan ko na lang ng tingin si Jumbo. Patuloy pa rin siya sa pagnguya, at hindi alintana ang mga nangyayari. Ni hindi niya nga yata alam na may mga nakayakap sa kanya.

Nasabi ko na ito dati sa isip ko, na may something kay Jumbo. Naramdaman ko iyon nang una niya akong yakapin noon sa kwarto ko. Posible nga kaya, na hindi niya lang mababago ang pamilya ko?

Na matutupad nya rin ang pangarap ko?


JF

Continue Reading

You'll Also Like

525K 19.3K 28
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
45.8K 677 48
Zaxisha Lurrhaine Amatong a. k. a. Kisha, the conyoest slash maldita slash egoistic school idol in town, her life was in perfect pride and solace but...
628 222 75
An Epistolary | Completed Keisha WP always hiding something she is not vocal person who well confess her feelings or her displeasure to her family. U...
4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...