VIRGEL (BOOK 1) [COMPLETED]

By MajorSin

478K 15.2K 2.7K

Bata palang kalaban na ni Virgel ang mundo. Lumaki siyang punong puno ng kalampahan sa buhay. Siya yung tipon... More

PROLOGUE
NOTE
Episode 1: The Missing Son
Episode 2: A Villain or Not
Episode 3: Questions
Episode 4: The 6th Diablo
Episode 5: You're a Mafia Boss
Episode 6: The Fuego Mafia
Episode 7: The Surprising Mafia Group
Episode 8: His Decision ( Part 1 )
Episode 9: His Decision ( Part 2 )
Episode 10: The Head Boss
Episode 11: Agnes
Episode 12: Awaken
Episode 13: Preparing
Episode 14: Benjamin
Episode 15: Wake Up
Episode 16: The Chess Pieces ( Part 1 )
Episode 17: The Chess Pieces ( Part 2 )
Episode 18: The Elfame King's Decision
Episode 19: Behind the Mask
Episode 20: Behind The Mask ( Part 2 )
Episode 21: The News
Episode 22: The Devil's Eye
Episode 23: Jin del Fuego
Episode 24: Training
Episode 25: Invitation
Episode 26: Vengeance
Episode 27: Meeting of the Five Families
Episode 28: Next Target
Episode 29: Crosser
Episode 31: The Hitman's Weakness
Episode 32: Hostage
Episode 33: Flashbacks
Episode 34: Catching Bullets
Episode 35:Third Target of Elfame Mafia
Episode 36: The Sniper Assassin : Nero Guzman
Episode 37: Sad Death
Episode 38: The Master and The Apprentice
Episode 39: Whisper of the demon
Episode 40: Helena's KISS
Episode 41: The Demon and the Unknown
Episode 42: Crossing Paths
Episode 43: Rise and Fall
Episode 44: The 5th Assassin
Episode 45: Replacement
Episode 46: Lily Valdez
Episode 47: Achilles Heel
Episode 48: Capturing the Bait
Episode 49: Tears
Episode 50: Mafia War ( 1st Battle ) Part 1
Episode 51: Mafia War ( 1st Battle ) Part 2
Episode 52: Reunion ( 2nd Battle )
Episode 53: The 3rd Battle ( Part 1 )
Episode 54: 3rd Battle ( Part 2 )
Episode 55: The 4th Battle ( Part 1 )
Episode 56: The 4th Battle ( Part 2 )
Episode 57: The Last War
EPILOGUE
FAQs and Trivias
Important Announcement

Epesiode 30: Bad Plan

5.8K 220 32
By MajorSin

Epesiode 30: Bad Plan


*******


[Virgel's PoV ]


Napalibot agad ang tingin ko pagkapasok namin dito sa loob nitong chapel. Medyo may kalakihan pala ito, tapos medyo marami rin ang mga taong nandito. Yung iba nakasuot ng black suit kagaya namin samantalang yung iba naman ay nakasuot ng mga pang mayamang damit. Siguro ay mga kamag anak ito ng sinasabi nila Ish na si Elon.

Di pa kami tuluyang nakakapasok sa pinakaloob ng chapel ay may biglang humarang sa daraanan namin. Nakasalubong ang mga kilay niya at kunot noo itong nakatingin sa'min.

" At anong ginagawa ng mga Virgo dito? " Tanong niya.

" Condolence." Yan lang ang tanging sinagot ni Elsa. Bigla namang natawa yung lalaking nasa harapan namin.

" Akala niyo ba maloloko niyo ako jan sa pagkukunwari niyong pakikiramay?! " Mula sa pagtawa niya ay biglang napalitan ng galit ang mukha niya at sumigaw pa ito na nagpakuha ng atensyon ng mga taong nandito.

" Pumunta kayo sa burol ng isa sa mortal niyong kalaban?! Nagpapatawa ba kayo? "

" Kaibigan namin si Elon. Pakiusap hayaan muna kaming pumasok." Matamlay na ganti ni Elsa.

" Oh ngayon kaibigan naman? Aba abaa..huwag niyo nga akong gawing uto uto! "

" Hoy." Nabigla kami nung biglang hinawakan ni Hell ang kwelyo nung lalaki at marahas niya itong pinalapit sakanya." Wala kaming oras sa isang kulukoy na katulad mo kaya pwede ba.." Mabilis namang tinanggal nung lalaki ang kamay ni Hell at inayos niya ang damit niyang nagusot ng kunti. Pagkatapos ay matalim pa niyang tinitignan si Hell.

" Purket magkasama tayo sa misyon noon ay hahayaan na kitang pumasok, hahayaan ko na kayong pumasok! Bawal kayo dito! Umalis na kayo kung ayaw niyong magkapatayan tayo dito! " Sigaw ulit nung lalaki. Kitang kita ko na sa buong paligid ang mga mata ng mga tao dito na para ng nagsasabing mga wala kaming respeto sa skandalong nangyayari dito sa loob.

" Nero." Biglang dumating sa harapan namin yung babaeng nagpapasok sa'min kanina." Itigil muna yan. Gumagawa kana ng skandalo dito." Mahinahon niyang sabi.

" Baket mo ba kasi sila pinapasok?! Mga Virgo ang mga yan! " Binigyan lang siya ng isang blankong tingin nung babae. " Pag nalaman to ni Boss Jin sigurado akong malilintikan tayo." Dagdag pa nung lalaki.

" Boss Jin? Baket, na'san ba si Boss Jin ngayon? Mabuti panga yung ibang tao jan naisipan pang bumisita. Pero siya, kahit isang beses ay hindi man lang makadalaw. Wala man lang respeto." Agad nanlaki ang mga mata nung si Nero na tila hindi makapaniwala sa sinabi nung babae.

" Aba't! Ang lakas ng loob mong pagsalitaan si Boss ng ganyan! " Sigaw niya at plano niya pa sanang suntukin yung babae pero bigla iyong sinangga ni Kael gamit ang isang kamay niya. Grabe, medyo lumakas na ang pangangatawan ni Kael dahil sa training namin.

" Wag kang makialam dito Kael! "

" Pakiusap, huminahon ka Nero. Nandito lang kami para bumisita. Yun lang. Aalis rin naman kami pagkatapos." Kael

" Tama."

......

..........

Natigilan ako saglit pati sila nung biglang sumingit sa usapan ang bibig ko ng mag isa. Anak ng. Ano bang problema nitong bibig ko at bigla bigla nalang sisingit. Lahat tuloy sila ay napatingin sa'kin. Aw (._,)7. " Ahm...a-ang ibig kong sabihin.."

" At may kasama pa kayong minor de edad. Kasali ba siya sa props niyo para mapaniwala niyo ako?! "

Magsasalita pa sana ang iba ng biglang may lumapit kay Nero na isang lalaki.

" Hanggang kailan mo ba balak gumawa ng skandalo, ha Nero? Wala kang respeto." Agad naman siyang tumingin sa'min. " Sumama kayo sa'kin. Ihahatid ko kayo sa bakanteng upuan." Sabi niya. Agad namang sumunod sina Ish sakanya kaya sumunod narin ako. Galit namang nakatingin sa'min Nero.

" Pero!--"

" At siya nga pala." Putol nung lalaki kay Nero. " Sabi niya sa'kin na malapit na siyang mapuno sa sobrang ingay mo. Kilala mo na kung sino ang tinutukoy ko. Kung gusto mo pang mabuhay, mas mabuti pa kung tumahimik kana." At tumahimik nanga si Nero pagkatapos sabihin yun nung lalaki. At sa huli ay di na siya umangal pa.

" Maraming salamat, Steph." Sabi ni Kael dun sa lalaki. Steph pala ang pangalan niya. " Sino pala yung tinutukoy mo na malapit ng mapuno kay Nero? " Tanong pa niya.

" Si Argo. "

Saglit akong natigilan matapos kong marinig ang pangalan na'yan.

Argo....


Biglang bumalik sa alaala ko yung panahon na nag uusap kami ni Kael sa balconahe ng mansyon.

At kasabay din nun ay may bigla akong naramdaman na pares ng mga mata na nakatingin sa'kin. At di ko alam pero bigla nalang akong kinabahan. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at yung dugo ko parang lumulukso.

Naramdaman ko na ang ganitong klaseng pakiramdam dati. Ito yung pakiramdam nung nandoon ako sa gubat. Ito yung pakiramdam na naramdaman ko nung may humahabol na mga parang ninja sa'kin. Tapos may biglang sumulpot na nilalang na tumulong sa'kin.

At parang biglang bumagal sa paggalaw ang lahat ng mga sandaling 'yun. Pakiramdam ko dalawa lang kaming nandito sa lugar na kinatatayuan ko. Dahan dahan akong napatingin sa kaliwa ko nung makita ko sa peripheral view ko na may isang taong nakatayo doon habang nakapamulsa at nakaharap ito sa direksyon ko. At yung mga tingin niya...yung matatalim na tingin niya ang parang nagtutulak sa'kin na lumingon ako sakany--" Boss.."

Bigla bumalik sa normal ang lahat nung may tumawag sa'kin. Biglang naging normal ang paggalaw ng paligid. Nabalik naman agad ang tingin ko sa harapan. " Ba't ka huminto? Ayos ka lang ba? " Tanong ni Ish sa'kin.

" H-ha? " Parang ang bilis ng pangyayari. Tumingin ulit ako sa kaliwa ko pero pagtingin ko, wala ng tao ang nakatayo doon." Ayos lang ako." Sagot ko pagkatapos ay humarap ulit ako kay Ish.

" Tara na. Nakaupo na silang lahat."

" Sige." Sumunod lang ako kay Ish.

Sa pangalawang beses ay tumingin ulit ako sa pwesto kung saan may nakita akong nakatayo at nakatingin sa'kin. Pero pagitngin ko, wala talaga. Ano ba 'tong nararamdaman ko? Parang may gustong makita ang mga mata ko. Para bang may hinahanap ako na matagal ng hindi nakikita ng mga mata ko.

[ Felix Sy's PoV ]

" Kanina kapa hindi mapakali jan ah. Umayos kanga." Sinamaan ko ng tingin si Elfred nung magsalita ito.

" Paano kung magkita silang dalawa dun sa loob? Hindi na'tin alam kung anung pwedeng gawin ni Argo sa batang 'yun." Nakakaramdam na naman ako ng kaba. Tangna.

" Eh ba't kaba kasi kinakabahan? diba okay nga 'yun? Dahil sa wakas ay muli naring magkikita silang magkapatid? Sigurado akong matutuwa si Argo kapag nakita niyang muli Virgel." Napailing ako sa sinabi ni Elfred. Tangina naman.

" Hindi mo naman naiintindihan eh. Alam mo naman siguro na ang ina ni Virgel ang tumapos sa buhay ng ina ni Argo diba? "

" O tapos? "

" Malaki ang posibilidad na kinamumuhian narin ngayon ni Argo si Virgel dahil sa ginawa ng kanyang ina." Paliwanag ko. Yun ang nasa isip ko kanina pa eh. Tangina talaga. Napapamura na ako dito ng wala sa oras. Paano kung gagalawin ni Argo si Virgel? Paano kung tatapusin niya ang buhay nito? Tapos malalaman iyon ni Mr. Acosta. Sigurado akong napakalaking gulo ang pwedeng mangyari.

" Hindi." Sabay kaming napalingon sa nagsalitang si Trace. " Malaki rin ang posibilidad na hindi idadamay ni Argo si Virgel sa paghihigante niya kay Ma'am Almira. Kita niyo naman siguro noon kung gaano kamahal ni Argo si Virgel diba? Kaya baka di niya idadamay ang batang 'yun." Dagdag pa niya. Oo, naisip ko narin naman ang mga bagay na'yan pero..

" Malaki na ang pinagbago ni Argo alam niyo yan. At matagal na niyang kinalimutan ang nakaraan pwera sa sinapit ng kanyang ina. Ang masasayang alaala niya kasama tayo at ni Virgel ay matagal na niyang binaon sa limot. Paghihiganti nalang ang tanging naglalaro sa utak niya ngayon." Naging tahimik kaming tatlo matapos kong sabihin yun. Mukhang tinatry nitong dalawa na isink in sa utak nila ang gusto kong iparating sakanila.

" Hindi rin na'tin masasabi yan. Ang hirap basahin ni Argo kaya di natin alam kung anong tumatakbo sa utak niya ngayon."

" Hahahahaha "

Sa kalagitnaan ng aming pag uusap ay saglit kaming natigilan nung may marinig kaming isang malademonyong tawa. Dahan dahan kaming napalingon sa likuran namin at...Shit.

" K-kanina kapa jan Argo? "

" Sakto lang." Sagot niya habang hindi matanggal sa mga labi niya ang isang nakakakilabot na ngiti.

" Galing kaba sa loob? " Tumango siya sa tanong ko habang nakangisi. Bat ganyan ang mga ngiti niya? Kakaiba. Parang sabik sabik sa isang bagay. Hindi kaya ay..

"Nakita ko siya. Ang pinakamamahal kong kapatid." Sabi niya sabay ngisi ng sobrang nakakatakot.

Tinignan niya ang dalawang kamay niya " Sa totoo lang ay nanginginig na ang buong kalamnan ko kanina nung makita ko siya. Nanginginig na ang mga kamay ko na tapusin ang buhay niya. Pero napag isip isip ko...mas masaya siguro kung sabay ko silang tatapusing mag ina."

Bigla akong natulala. Kinilabutan ako ng husto sa mga narinig ko.

So tama nga ako? Idadamay niya si Virgel sa paghihiganti niya? Naging sobrang tahimik ang buong paligid ng ilang segundo. At nabalik lang ako sa ulirat nung maglakad siya at nilampasan niya kaming tatlo.

" Sandali Argo." Napahinto siya sa paglalakad nung tawagin ko siya. Pero hindi siya lumingon. Nanatili lang siyang nakatayo.

" Balak mo bang patayin ang sarili mong kapatid? " tanong ko. Narinig ko naman siyang nag smirk.

" Paano kung sabihin kong oo? May magagawa kayo? " Sa tono ng pananalita niya ay parang naghahamon siya. At hindi kami tanga para kalabanin siya.

" P-pero...niligtas mo siya dun sa gubat diba?. Niligtas mo ang buhay niya Argo. Akala ko--"

" Iyon ay isang utos lamang ng pinagsisilbihan na'tin." Putol niya. Grabe, ni hindi man lang niya mabanggit ang salitang 'ama'. Masyado na talagang walang emosyon at nakakakilabot ang pagkatao ng taong 'to.

" Masama ang plano mong yan, Argo. Malaking gulo ang pwedeng mangyari kapag ginalaw mo si Virgel. Ang Elfame Mafia ang kalaban natin ngayon at hindi sila." Pati si Trace ay nagsalita narin. Alam niya kasi kung ano ang pwedeng maging resulta kapag ginawa yun ni Argo.

Gulo. Napakalaking gulo.

" Talaga? " tumawa pa ito ng kaonti. " Kung ganun subukan niyo akong pigilan." Dagdag niya bago siya nagpatuloy sa paglalakad. Ang akala ko tapos na siya pero narinig na naman namin siyang nag smirk


"Iyon ay kung makakaya niyo."



-To be Continued...


-MajorSin

Continue Reading

You'll Also Like

703 181 15
Feliza Exel, a resident of Manila. A girl that every girl would envy and boys admire. She has the looks, brain, talents, wealth, and the things that...
437K 15.1K 62
✔COMPLETED | She's The Cursed Goddess (Demigod Trilogy Book 1 of 3) She was created by mistake and has been dealing with bad luck ever since she was...
949 36 3
There is a fine thread between fiction and reality. What will happen if both crosses each other? ❝❞ The mysterious disappearances of fiction writers...
69.9K 2.9K 38
✯ONGOING | The Alpha Goddess (Demigod Trilogy Book 2 of 3) After Heshiena, the daughter of Poseidon and Artemis refused to accept the Olympian thron...