Chapter 17
TRYSTAN GRAE
"May bagyo ba 'nak?"
"No idea" sagot ko habang ngumunguya. "Where's Eonjin ma?"
"Kanina pa iyon sa kwarto niya. Sabay kayong aalis?"
"No choice" buntong-hininga ko. Malakas ang ulan sa labas kaya kailangan kong ihatid sa University niya.
"May hearing ka mamaya 'di ba?"
"Hmm" tumango ako. Ipinatong ko ang dalawang braso sa table at nakangusong sinusundan ng tingin si mama. Tumayo ako para palitan siya sa pagpaplantsa ng black suit ko. "Ako na ma"
Nakangiti niyang tinapik ang balikat ko. "Puntahan ko lang kapatid mo sa taas"
"Yeah. Sabihin mo pakibilisan ah. Tss, ang bagal talagang kumilos ng babaeng iyon"
"Hayaan mo na" nakangiting sagot ni mama. Napailing na lang ako.
Nagtaka ako dahil sa ingay ng sasakyan sa labas. May humintong magarang kotse sa harapan ng gate namin pagkasilip ko sa bintana. This is the first time na nakita ko iyon dito.
"Ya! Eonjin!" sigaw ko matapos marinig ang pagbaba niya ng hagdan. Nakasilip pa rin ako sa bintana. Hanggang ngayon hindi pa rin umuusad iyong sasakyan sa labas. Nilingon ko ulit ang kapatid ko matapos mag-ring bigla ang hawak nitong cellphone pero pinatay niya iyon kaagad. Sa reaksyon pa lang niya, halatang may tinatago siya sa amin.
Sinilip ko ulit iyong kotse sa labas. Kumunot ang noo ko dahil lalaki ang nasa loob. Nakasilip ito sa bintana, nakatingin sa mismong gate namin.
"K-Kuya, ihahatid nga pala ako ni..."
"Boyfriend mo?"
"Oo" pekeng tawa niya. Sumeryoso ako. "Teka lang...sasabihin ko naman talaga"
"Ma, una na 'ko" sigaw ko. Sinamaan ko ng tingin ang kapatid ko bago sinilip ulit iyon sa labas. "I don't like that guy"
"I don't need your opinion kuya"
"Whatever. Maghihiwalay din naman kayo"
"Ya!"
"Ya!" panggagaya ko sa kanya. Umilag kaagad ako bago pa niya magusot ang suot kong puting polo. "Ma, alis na 'ko" huling sigaw ko bago lumabas dala ang plantsadong suit ko.
Halatang nagulat ang lalaki matapos kong buksan ang gate. Dali-dali siyang lumabas sa lungga niya at binati ako ng nakayuko.
I cleared my throat while fixing my tie. "You must be my sister's boyfriend" taas noong sabi ko. Nakayuko pa rin siya. Ngayon lang ata siya nakakita ng ganito kagwapong kuya para umasta ng ganito tsk tsk. Nagsalita ulit ako. "You can wait her inside"
Mukhang nagulat siya sa sinabi ko.
"Dude you're not gonna hatid my sister ng basa sa ulan, tss. You're look like my age. Name?"
"J-Jalen. Jalen Park"
"Park? So, you're a Korean citizen?"
"Uhm..."
"Have you done your military service? Anong trabaho mo?"
"Jalen!" sigaw ng kapatid ko sa likuran ko. Nakangising nilingon ko si Eonjin na masama na agad ang tingin sa akin. "May sinabi ba si kuya sa'yo?"
"Tinanong ko lang pangalan niya" depensa ko.
"Jalen?"
"Nothing, really" nag-aalinlangang ngiti ni Jalen sa kapatid ko.
"Lock the gate, Eonjin" utos ko. Nilingon ko ulit ang jowa niya at pinasadahan ito ng tingin. It seems like nasa upper middle class siya based on his appearance. Dumapo ang mata ko sa kulay itim nitong sasakyan. Pabuntong-hininga kong binabaan ng tingin ang dala kong payong at sinadyang buksan iyon sa harapan nila mismo.
"Ihatid mo ng maayos 'yang kapatid ko" utos ko.
"Yes, I will"
Sinulyapan ko pa minsan ang sasakyan niya. Isa iyon sa mga modelong gustong-gusto kong bilhin. Pabuntong-hininga ko silang tinalikuran ng nakapayong.
"For the mean time, you have to set aside your personal grudge against that prosecutor, Trystan. Babalaan na kita ngayon pa lang, hindi nakakatulong 'yan mamaya kapag nagkainitan kayo sa harapan ng korte"
Huminto ako sa pag-aayos ng necktie dahil sa sinabi ni Jin. Kanina ko pa 'to pinapaluwag dahil parang sinasakal ako.
"You look nervous, Trystan"
Sa pagkapikon, tinanggal ko na lang ang suot kong necktie at mabilisang inilagay iyon sa loob ng bulsa. "It's normal, Jin"
"Galingan mo. I'll be watching you at the public gallery"
Inayos ko ang suot na suit bago kami sabay na pumasok sa loob ng trial court.
Awtomatikong huminto ang mga paa ko matapos makita ang prosecutor na iyon suot na ang kanyang prosecutor gown. Aaminin kong kinakabahan ako. Mariin kong nilunok ang laway. Pakiramdam ko nanunuyo ang lalamunan ko.
Huminga ako ng malalim. Naramdaman ko bigla ang mabigat na kamay ni Jin sa balikat ko.
"Don't be nervous. He's smart but he's also human. I have more confidence in your ability"
Maganda sa pandinig pero hindi ko magawang makumbinsi. Alam kong pinapagaan lang niya ang loob ko. Taas-noo akong nagpatuloy sa paglalakad sa kaliwang side ng korte. Inaasahan ko nang mapapansin kaagad ako ng prosecutor sa kabila. Pareho naming ningitian ang isa't isa bago ako naupo sa tabi ng nakayukong defendant. Ipinatong ko ang dalang itim na briefcase sa table.
Nilingon ko ang public gallery kung saan prentang nakaupo si Jin. Tumatangong pinapanood ako sa pinakaharap na upuan. I witnessed how he handled cases before and after I moved to Crimson law firm. Isa si Attorney Jin Leighton Eleazar sa mga tinitingala kong defense attorney.
"All rise"
"The District Court is now on session. Honorable Thomas Ruperez presiding"
"Thank you. You may now take your seat"
"We call on this number 6135, People of the Philippines versus Josefino Mancia. The court is now on session"
"Is the prosecution ready?"
"Yes, your honor"
"Is the defense ready?"
"Yes, your honor" pagsasalita ko sa mikropono.
"We will now hear opening statements from the prosecution"
Naupo kaagad kami maliban sa prosecutor. Seryoso kong pinanood ang pagtayo ni Narcissus Alvomendras sa gitna. Napangisi ako sa inis matapos makita ang umaapaw na kumpyansa nito sa kanyang sarili.
Bagay na bagay sa kanya ang pangalan niya. Tss.
RUI
Sobrang bagal ng usad ng mga sasakyan dahil sa lakas pa rin ng ulan.
Nagbaba ako ng tingin sa mga kamay niya sa manibela at napangiwi sa kaputian no'n. "Alam mo, parang cadaver 'yang balat mo"
Tatawa sana ako nang mapansin ang panginginig ng kanyang kanang kamay sa manibela. Palihim ko siyang nilingon para makita ang reaksyon niya. Nakatutok lang sa kalsada ang kanyang mga mata. Mukhang mas ingat na siya magmaneho ngayon kumpara kanina. Hindi ko alam kung dahil ba iyon sa nasabi ko.
Tinitigan ko ulit ang mga kamay niya roon. Hahawakan ko na sana iyon nang lingunin niya ako. Mabilis kong binawi ang aking kamay at nagulat sa inasta. Bakit ko naman gagawin iyon?
Nakagat ko ang pang-ibabang labi at lumihis ng tingin sa bintana.
"W-Wala ka bang music dito? Inaantok ako eh"
"You can sleep. I'll wake you up after"
Umiling ako.
He sighed bago kinapa ang maliit na DVD player sa harapan namin. Nagulat ako nang mapamilyaran ang kantang pinapatugtog niya ngayon.
"Ba't may kanta kang ganito?"
"I downloaded it"
Excited ko siyang hinarap. Ito kasi iyong soundtrack ng 50 First Date movie na kwinento ko sa kanya rati. "Napanood mo na?"
"Hmm"
"Kailan?"
"Last time. I'm curious about the actual tune. Wala ka kasi sa tono nang kantahin mo 'yon"
"Nang-iinsulto ka ba?"
"Binasa ko rin 'yong book na ni-recommend mo"
"T-Talaga?"
Tumango siya. "Hmm. Aim got pregnant by someone else. Not with Matt. How could she fell for another man?"
Natigilan ako nang lingunin niya ako.
"T-Tinapos mo ba talaga? Hindi naman niya mahal 'yong ama ng dinadala niya. Dahil sa kuryusidad kasi kaya nangyari iyon kay Amy. Pinagsisihan rin naman niya iyon sa huli.
Hindi siya nakipagtalo kaya nakapikit ko na lang na sinandal ang katawan habang pinapakinggan ang malumanay na tempo ng kanta.
"Jusko, akala ko nadala ka na ng baha!" Nambubulabog na boses ni Greggy ang sumalubong sa amin sa labas. Nagulat ako hindi dahil sa boses niya kundi sa sobrang putok ng make-up niya sa mukha.
"Ang OA mo talaga"
"Ako na nga 'tong 'di mapakali kanina pa dahil sa'yo bakla ka! Oh, hi pogi! M-Magkasama kayo?"
Nagkalingunan kaming dalawa ni Yohann Min. Nakayuko kong nakamot ang sentido.
"Good morning"
"Tanghali na pogi!" pekeng tawa ni Greggy bago niya ako hinila palapit sa kanya. "Kaya pala hindi mo sinasagot ang tawag ko noh?" kirot niya sa tagiliran ko. Pinulupot niya ang braso niya sa akin nang subukan kong makawala. "Ninanamnam ang free ride eh?"
"Ewan ko sa'yo, boss" angil ko.
"Tara na sa loob. Come in. Wala masyadong customer kasi malakas ang ulan!" Pakendeng-kendeng na naglakad si Greggy. Hawak pa rin ang braso ko.
"Ba't wala sila?" pagtataka ko. Wala kasi rito sila Melodie at Cerra.
"Maagang umuwi. May emergency daw sa kanila." Lumabas sa loob ng kusina si Amay. "Magaling ka na?"
"Oo nga"
"Good good. Woy Greggy. Tingnan lang natin kung di 'yan masisira ng ulan 'yang make-up mo. Pupunta ka ba ng club o diretso kabaong na 'yang punta mo?"
"Aber, waterproof 'to bakla ka. Kahit pa lumangoy ako sa baha, hindi 'to nasisira!"
"Subukan mo nga sa labas aber? Nang makita natin ang resulta. Naku-nako 'wag na pala. Baka mapagkamalan kang malaking buwayang nakawala dahil sa baha!"
"Che!"
"Saan ka ba kasi pupunta mamaya?" tanong ko na.
"Sa bar ni Mother Lilie, bakla" maarteng sagot niya. "Gigimik ako. Stress na ako sa pagmumukha ng Amay na 'yan"
"Pagod na raw 'yang maghimas ng dough. Kaya iba ang hihimasin niyan mamaya" patawang sabi ni Amay. Napailing ako sa rurumi ng mga utak nila.
"Tumigil na kayo may ibang tao rito" sinenyas ko sa kanila si Yohann Min na kanina pa kami pinapanood.
"Dala mo ba 'yong kulang na requirements?" tanong ni Amay sa kanya. Nagkatinginan kami ni Amay. Tahimik akong bumuntong-hininga.
"Yes" sabay abot ni Yohann Min sa hawak nitong brown envelope.
Sinenyasan siyang pumasok sa opisina ng dalawa. Nagtaka ako nang pati ako ay pinapapasok din ni Amay sa loob.
"Take your seat, Yohann Min." pormal na alok ni Amay. Sumandal ako sa may bintana habang magkakrus ang mga braso silang pinanood. Binigyan ko ng makahulugang tingin si Amay pero sinasadya niyang dedmahin iyon. Naiinip akong tumingala sa kisame bago nakapikit silang pinapakinggan.
"Since application mo ang pag-uusapan natin. Don't expect me to joke around, Yohann Min. I'm serious when it comes to this. 'Wag kang tumawa, Rui!"
"Okay. Sorry, boss" suko ko ng kamay sa ere. Naalala ko tuloy bigla iyong interview ko sa kanya rati. Muntikan na akong maiyak sa rami ng tanong niya.
Isinuot ni Amay ang bilugang reading glass at matamang binasa ang mga papeles na isinumite ni Yohann sa kanya. Nagpapalit-palit ang tingin ko sa dalawa pero nagtagal iyon kay Yohann Min. Wala akong nakikitang kaba sa mukha niya ngayon. Malayong-malayo kung ikukumpara iyon kanina sa loob ng sasakyan.
"May background ka sa kursong Business Management pero base sa resume mo, 'di mo natapos. Nakapunta ka na ng Paris?"
Napamulat ako sa tanong ni Amay.
"Yes. I've been there for a year"
"Wow, talaga? Teka...pianist ka rin dun?"
"Uhm, I performed yes, but its not for a living"
"I wonder how...I wonder why...Bakit napili mong magtrabaho rito?"
"I like trying new things" bahagyang ngumiti sa kanya si Yohann Min.
Bumuntong-hininga si Amay bago tumango-tango ng ilang beses. "Hindi ba parang natatapakan 'yang dignidad mo? Magtatrabaho ka bilang isang janitor sa una hanggang dalawang linggo mo rito. But it depends sa performance mo."
"I'm fine with it, sir"
Pinigilan kong huwag matawa sa naging reaksyon ni Amay matapos siyang tawaging sir nito. Nag-iwas ako ng tingin nang ako naman ang lingunin ni Yohann Min.
Tumikhim ako. Ayokong masalubong ang mata niya kaya kakamot-kamot sa ulo akong nagpaalam. "Boss, tutulungan ko lang sila sa labas"
"I need to tell you something"
Hindi ko natuloy ang pag-ikot sa doorknob dahil sa sinabi ni Yohann Min. Nilingon ko ulit sila. Mukha lang ni Amay ang nakita ko dahil nakatalikod sa gawi ko si Yohann Min. Inaabangan din ni Amay ang sasabihin niya.
"I know it would be unfair for your part if I kept this. I want to be honest for you to trust me, sir."
"Teka, kinakabahan ako diyan ha" pekeng tawa ni Amay. "Go on. Ayos lang sa'min 'yan. May mga sikreto rin kami sa buhay. Di ba, Rui?"
Inosente kong tinuro ang sarili habang sumesenyas kay Amay pero pinanlisikan lang niya ako ng mata.
Matagal na katahimikan ang namutawi. Nagkatinginan pa ulit kami ni Amay. Maski siya ay nagtataka na rin. Nagpaalam ulit ako pero ayaw kumilos ng aking mga paa. May parte sa sarili kong gustong malaman ang susunod na sasabihin niya.
Umiling ako at hinawakan muli ang doorknob.
"I'm an ex-convict. I got released from prison two years ago"
Nabitawan ko ang doorknob at wala sa sariling napalingon sa kanya dahil sa pagkagulat.