Ooopss ! Sorry ! Wrong Kiss...

By zaido_pink

3.4K 87 0

ang sabi mo hindi mo ko iiwan.. ok na eh, naniwala na ako sa pangako mo eh, pero bakit ngayon ! bakit ngayon... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12 -- The Concert
Chapter 13 -- Quiz
Chapter 14 -- Photoshoot
Chapter 15 -- Abs nya! Hihihi
Chapter 16 -- BuKo
Chapter 17
Chapter 18 -- Basketball
Chapter 19 -- New Cast
Chapter 20
Chapter 21 -- Wishing Star
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25 -- Harana
Chapter 26 -- Meet My Parents
Chapter 27
Chapter 28 -- Hubby / Wifey
Chapter 29 -- We Official
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40 - Ending
EPILOGUE : Letter From Eduard

Chapter 24

84 3 0
By zaido_pink

Ella POV

Pag tapos nung ng yari kanina sa presscon grabe halos kabahan ako nun hindi ko kasi alam kung magiging maayos yun eh , buti na lang nanjan si Mark para pagaanin yung loob ko at ngayon mejo gumaan naman ang pakirandam ko nung niyakap ako ni Mark, at hanggang ngayon hindi padin ako makapaniwala na nililigawan na nya ko

1 message receive

My ABET matulog kana wag mo na ako isipin makikita mo pa naman ako eh ;-)

Luh ? Kapal talaga nitong manliligaw ko

Kapal lang ha
-Send

Haha joke lang yun, ou nga pala aalis ulit ako mamaya hindi padin ako makakapsok ng ilang araw pa
-MG

Aalis na naman sya? Bakit parang nakaramdam ako ng lungkot :/

Ah ganun ba ? Sige ingat ka
-Send

Salamat :-) wag ka mag alala lagi akong mag tetext sayo , and pag balik ko sisimulan na kitang ligawan :-*
-MG

May kiss pa talaga ha :)

Ok :-)
-Send

Oh pano GTG ! Matulog kana ,wag kana mag puyat para hindi ka antukin bukas , good nyt i love you
-MG

Eh i love you agad ? Hihi yung puso ko na aaning na naman

Hmp! Ge na good nyt din
-Send

Pag tapos ko isend yun , nilagay ko na sa ilalim ng unan ko yung phone ko pag katapos natulog na ako

~~

~Kinabukasan~

"Buti na lang talaga nakakaisip agad ng paraan si kuya Mark para pag takpan yung mga kapalpakan na nagagaw mo nuh ate?" Sabi nito ni Eliza habang nag aantay kami ng taxi

"Hayss, ou nga eh"

"Sa susunod kasi ate mag iingat kana, alam mo naman na maraming fans yan si kuya Mark" sabi nya, then may huminto ng taxi sa harapan namin kaya naman sumakay na kami

"Ou mag iingat na"

"Dapat lang, mahirap na nako"

Hindi ko na lang pinansin si Eliza panigurado kasi na sesermunan lang ako nito , siguro nga dapat na kong mag ingat ..

"Eliza mag iingat ka ha"

"Ou ate, ikaw din" sabi nya tapos bumaba na ako sa taxi,

Nag lakad na ako papunta sa room ko ng may lumapit saking babae na naiyak , hala ..

"Ah b-bakit?" Tanung ko

"Ms.Ella sorry ha, kasi ako yung nag picture sa inyo ni Eduard nun, sorry ha hindi ko naman alam na nahimatay ka pala nun, pasensya na dahil sakin ang daming humusga sayo" sabi nya,

Sya pala yung nag pakalat n picture, pero hindi naman dapat sya umiyak eh, hindi naman kasi ako galit ..

Nilapitan ko sya tapos inabutan ko sya ng panyo, kinuha naman nya toh

"Punasan mo na yang luha mo, hindi naman ako galit eh, sapat na inamin mo yung totoo at humingi ka ng patawad, wag ka mag alala pinapatawad na kita" nakangiti kong sabi

"Talaga? Salamat ms.Ella"

"Ella na lang, oh pano mauuna na ako ha" sabi ko  tapos nag lakad na ulit ako ..

Nung nasa room na ako, umupo na agad ako sa tabi ni Rea na abalang abala sa pag babasa ng...

Love letter ? Uso pa pala yun :P

"Ang sweet naman ni Renz" nagulat sya sa sinabi ko kaya tinago na nya agad yung letter

"Sweet ka jan? N-nakakadiri nga eh"

"Asus, kaya pala namumula ka jan"

"H-hindi ah"

"Haha nako bess amin amin din pag may time"

"Ewan" sabi nya tapos pinatong na nya yung ulo nya sa desk nya

Natatawa naman ako sa bestfriend ko, pumapag ibig na :) subukan lang saktan sya ni Renz makakatikim sya sakin ng matindi

"Ok class, lahat kayo pumunta sa gym para sa p.e natin" sabi ni sir, kaya naman nag palit na muna kami ni Rea ng p.e uniform bago kami pumunta sa gym

Nung nandun na kami, nakita kami ni Renz kaya nag wave sya samin, ito namang si Rea ito namumula na naman , hmp akala ko ba ayaw nya sa playboy? Eh mukang na iin love na sya kay Renz

"Volleyball ngayon ang gagawin natin so humanda na yung mga sasali" sabi ni sir kaya naman pumunta na kami sa gitna nitong gym, hindi ko kakampi si Rea nandun sya sa kabilang groupo

Pag katapos nag simula na kaming mag laro, sinerve nung kakampi ni Rea yung bola, nakuha naman nito ng kakampi ko... Pag katapos ini-spike ni Rea nahabol naman toh ng kakampi ko, nasa gilid lang ako taga abang ng bola dun .. Nung papunta na sakin yung bola, tatalunin ko na sana toh para maibalik sa kalaban , ang kaso bigla ding tumalon yung kakampi ko kaya naman nabangga nya ako at muntik na akong matumba.. Ou muntik lang dahil sinalo ako ni Eduard, tiningnan ko sya, blangko yung muka nya walang emosyon .. Gumagaya na ata sya kay Mark eh :3

"Salamat" sabi ko at umayos na ako ng tayo, sya naman hindi man lang ngumiti sakin oh ano, tumalikod na lang sya at nag lakad papunta kay Renz

"Ella sorry ha" sabi nung kakampi ko na bumangga sakin

"Wala yun" sabi ko ,tapos nag tuloy na ulit kami mag laro,...

Nanalo yung groupo ni Rea, kaya bumalik na kami sa bench para mag pahinga

Napatingin ako kung nasaan sila Eduard, hindi sya nakatingin samin si Renz lang , nag tataka tuloy ako sa kinikilos nya ngayon .. Ano kayang pinag usapan nila ni Mark kahapon ?

"Seryoso muka ni Eduard kanina ha" sabi ni Rea,

"Kaya nga eh, naninibago tuloy ako sa kanya"

"Baka masama lang yung gising nya, tara na balik na tayo sa room" sabi nya kaya naman bumalik na kami sa room

Nung nandun na kami pumasok na agad yung next naming teacher, nakikinig lang ako sa kanya .. Pag katapos nyang mag turo pumasok na ulit yung susunod, kinuha ko yung phone ko baka kasi nag text na si Mark, pero pag tingin ko.. Ni isa walang text

Akala ko ba mag tetext sya sakin lagi ?

"Huy, kanina ka pa tingin ng tingin jan sa phone mo ha" puna sakin ni Rea, nandito na kami ngayon sa canteen

"Si Mark kasi, ang sabi nya mag tetext sya sakin, pero ni isa wala"

"Ah ayun pala , bakit miss mo na?"

Ou miss ko na yung ugali nyang sobrang moody

"Hmp, ou?"

"Baka naman madami lang ginagawa , malay mo mamaya mag text nadin yan sayo"

"Hayss .. Wag na nga natin syang isipin kumain na lang tayo" sabi ko, tapos biglang dumating si Renz at tumabi kay Rea

"For you miss beautiful" sabi ni Renz, sabay abot ng red rose kay Rea, ito namang si Rea ayan namumula na naman

"S-salamat" sabi nya nung kinuha nya yung rose

"Wala yun basta para sayo" psh mukang lalanggamin na naman ako dito dahil sa dalawang toh ha

"Ah Renz si Eduard" tanung ko

"Ayun nasa gym, nag mumukmok"

"Ha? Bakit?"

"Dahil sayo?" Bakit ako ? "Kasi pinapalayo na sya ni Mark sayo" yun ba yung pinag usapan nila kahapon

"B-bakit?"

"Ewan ko, ayaw nya mag kwento eh.. Na aawa nga ko dun sa parekoy ko, minsan na lang mag mahal may hadlang pa"

Tumayo ako, at kinuha ko yung mga gamit ko

"Oh bess saan ka pupunta?" Tanung ni Rea

"Kelangan ko makausap si Eduard"

"Ha? Eh iiwan mo ko dito sa taong toh"

"Ou kaya mo na yan, di naman ata malaki mangagat yan"

"Huy sama di ako na ngangagat nuh" sabi ni Renz ngumiti na lang ako pag tapos iniwan ko na sila dun..

Kaya pala ganun yung itsura nya kanina, kaya pala masyado syang seryoso kasi pinapaiwas na sya sakin ni Mark

Pag dating ko sa gym, nakita ko syang nag s-shoot ng bola sa ring, mag isa lang sya dito, nakatalikod sya sakin.. Kaya hindi nya namalayan na nakalapit na ako sa kanya

"Pwde ba akong sumali?" Sabi ko, nung nakita nya ako nagulat sya

"Anung ginagawa mo dito?"

"Gusto lang sana kita makausap" sabi ko, bigla naman nyang kinuha yung bag nya sa lapag pag katapos pumunta sya sa isang bench dun at umupo, umupo din ako dun mag kabilang dulo kami ng upuan nakaupo,

"Anu bang gusto mong sabihin?" Tanung nya, sa unahan lang kami nakatingin parehas

"Tungkol sa pinag usapan nyo ni Mark kahapon, totoo bang pinapalayo kana nya sakin?" Tanung ko, narinig ko syang napabuntong hininga

"Dapat lang naman yun eh kasi girlfriend ka nya"

"Pero wala naman tayong ginagawang masama ah"

"Wala nga, pero alam nyang gusto kita"

"Pero gusto din naman kita" nabigla ako sa sinabi ko, kaya napatingin ako sa kanya, nakatingin na din sya sakin... Bigla syang ngumiti

"Gusto mo ko pero di mo ko mahal, mag kaiba ang gusto sa love" sabi nya

Bakit ? Pano ba malalaman yun ? Pano mo malalaman na mag kaiba ang gusto sa pag mamahal

"A-anung ibig mong sabihin?"

"Ella, sabihin mo.. Bakit mo ko nagustuhan?"

"Kasi.. Gwapo ka, yung ngiti mo pamatay, tapos pag nakikita kitang nag lalaro ng basketball , sobra akong humahanga sayo, at nagustuhan ko din yung mejo bad boy ka" sa sinabi kong yan, bigla syang tumawa, kaya naman napakunot yung noo ko, wala naman kasing nakakatawa sa sinabi ko

Maya maya tumigil din sya sa pag tawa tapos tumingin ulit sya sakin ng seryoso

"See? Mag kaibang mag kaiba talaga yung nararamdaman nating dalawa, kasi Ella Hindi lang kita gusto.. Ell mahal na kita, ang basehan ng totoong pag mamahal yun yung, kapag nag kakalapit kayong dalawa yung puso mo parang nag wawala sa sobrang lakas ng kabog, kapag nag didikit yung balat nyo feeling mo may kuryenteng nadaloy sayo, kapag tumingin ka sa mata nya bigla ka na lang nawawala sa sarili mo, at higit sa lahat kapag feeling mo pag tiningnan mo sya nag s-slowmo ang paligid mo, ganun yung nararamdaman ko sayo Ella, at ibang iba yung sinabi mo sa sinabi ko ngayon , dahil mag kaiba ang love sa gusto lang"

Sa sinabi nyang yun, napatanga naman ako, Ou nga mag kaibang mag kaiba yung nararamdaman ko sa nararamdaman nya, kasi wala akong nararamdaman sa kanya na ganun, masaya lang ako kapag nanjan sya

Pero kay Mark lahat ng sinabi nyang basehan nag pag mamahal .. Naramdaman ko kay Mark, ibig bang sabihin nun ..

Mahal ko na din si Mark ?

"Sorry Eduard , h-hindi ko alam na--"

"Wag kang mang hingi ng sorry" putol nya sa sinasabi ko "hindi mo naman ginusto na mapa-mahal ako sayo, mag kaibigan padin naman tayo eh, lalayo lang ako para hindi kayo mag karoon ng gulo ni Mark, pero pangako .. Pag sinaktan ka nya kukunin kita agad sa kanya" sabi nya tapos tumayo na sya at lumapit sakin "Ella can i have a favor? Pwde ba kitang mayakap .. For the last time" sabi nya, nag nod na lang ako, kaya naman niyakap nya ko.. Sobrang higpit, yung bang parang ayaw na nya ko pakawalan.

Ilang minuto din nya ko niyakap.. Pag katapos nun nag lakad na sya palabas ng gym, ako naman nakatingin lang sa kanya.. Na aawa ako kay Eduard, pero natutuwa din naman ako dahil sa wakas nalaman ko na yung kasugatan sa mga tanong ko, yung kasugatan kung bakit ganun yung nararamdaman ko kay Mark tuwing mag kakadikit kami ..

Dahil mahal ko na pala sya

Hindi ko alam kung pano ng yari yun . . kung bakit ko sya minahal .. Pero sabi nga ni Mark ....

"Hindi lahat ng bagay may dahilan , at hindi lahat kelangan pang ipaliwanag"

~~

"Baka naman mapunit yan labi mo sa sobrang ngiti mo" sabi sakin nito ni Rea habang papalabas kami sa room..

"Masaya lang ako bess"

"Bakit ok na kayo ni Eduard?" Sa sinabi nyang yun nawala yung ngiti ko

"Hindi nga bess eh, pinili na nya talagang lumayo sakin"

"Eh kung hindi yun yung dahilan, eh ano?"

Tiningnan ko sya ng seryoso tapos ngumiti ulit ako

"Kasi bess, confirm.. Mahal ko na si Mark" tuwang tuwa kong sabi, sya naman nanlaki yung mata

"Really bess? Im happy for you" sabi nya tapos niyakap nya ako, nung kumalas na sya sa pag kakayakap kinuha ko yung phone ko .. "Sasabihin mo na sa kanya?" Tanung nya

"Hindi muna , saka na" sabi ko tapos binalik ko kaagad yung phone sa bag ko,

Hanggang ngayon wala padin syang text .. Ano na kayang ng yayari sa MG na yun?

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Joshua POV

Nandito kami ngayon ng tita ni Mark sa hospital dito sa Cebu, anung ginagawa namin dito? Sinugod lang naman kasi namin dito si Mark .. Pag dating nya kasi ulit dito sa Cebu napansin ko ng iba yung kinikilos nya, pag katapos nyang kumanta nun nakita kong namumutla sya ,nakahawak sya sa dibdib nya.. Nilapitan ko na agad sya nun, pag katapos ayun nawalan na sya ng malay kaya sinugod na namin agad sya dito

"Kayo ba ang kamag anak ni mr.Garcia?" Tanung nung doctor pag labas nya mula sa room na pinag dalahan kay Mark

"Yes doc, kamusta na po sya?" Tanung ng tita nya

"He's ok, but may gagawin pa kaming laboratory sa kanya para malaman kung wala bang conflication kung bakit sya nahimatay, kaya kelangan pa nyang mag stay dito"

"Sige doc, pwde na po ba namin syang makita?"

"Yes" sabi ni doc kaya naman pumasok na kami sa room ni Mark

Pag pasok namin, may malay na sya, nilapitan agad sya ng tita nya

"Mark anung ng yari? Anung ng raramdaman mo?"

"Wala tita, napagod lang siguro ako"

"Pinag alala mo kami bro" sabi ko

"Pasensya na, ahm tita, naayos nyo na ba toh ? Ayokong makakalabas toh sa media, ayokong mag alala sakin si Ella"

"Yes, na ayos ko na toh, inagapan ko na agad bago pa toh mabalita"

"Salamat, kelan naman ako pwde lumabas?"

"Kelangan mo pa daw mag stay dito, may laboratory pa daw gagawin sayo"

"Laboratory? Tita hindi na kelangan nun, napagod lang ako kaya ako nawalan ng malay"

"Mas ok na yung nakakasigurado tayo" sabi ng tita nya, napabuntong hininga na lang si Mark

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Eduard POV

"Ayos ka lang bro?" Tanung ni Renz sakin, nandito kami ngayon sa terrace namin habang nainom..

"Hindi bro eh, ang hirap palang layuan si Ella, ginawa ko na yun dati, pero hindi ko kinaya, pero ngayon kelangan na, kelangan ko na talaga syang layuan dahil hindi ako yung mahal nya" sabi ko sabay inom

"So kakalimutan mo na yung nararamdaman mo sa kanya?"

"Hindi ganun kadali yun bro, sobrang napamahal na ako kay Ella, kaya mahirap kalimutan yung nararamdaman ko sa kanya"

"Pero patuloy ka lang masasaktan"

"Alam ko, ngayon pa nga lang nasasaktan na ako eh, pero ayaw talaga ng puso ko mag give up eh, handa padin ako mag intay para sa kanya"

"Kahit malabong mapasayo sya" tanung ni Renz, uminom muna ako bago ko sya sinagot

"Kahit gaano pa kalabo, kahit gaano katagal , kahit imposibleng mapasakin sya, hihintayin ko pa din sya"

"Lakas talaga ng tama mo kay Ella ha"

"Parang ikaw lang kay Rea" sabi ko, bigla naman tumawa tong loko na toh

"Ewan ko ba bro, ano bang meron sila nuh at kahit alam nating ayaw nila satin patuloy padin natin silang minamahal"

"Ganyan talaga kapag nag mahal ka.. Cheers na lang tayo" sabi ko kaya nag cheers kami , pag tapos napatingin ako sa baba kasi may humintong sasakyan sa tapat ng bahay namin, at nakita kong bumaba si mama.. At yung isang lalaki na nakatalikod mula sa kinaroroonan namin ni Renz

"Bro sinu yung kasama ng mama mo?"

"Hindi ko alam" sagot ko, nung nag beso si mama saka yung lalaking kausap nya sumakay na ulit yung lalaki sa cotse, pag katapos nung lalaki nag wave pa si mama sa kanya, nung papasok na sya sa gate, napatingin sya samin, nagulat sya ng nakita nya kami, pag katapos pumasok na sya

"Jan ka muna bro, kakausapin ko lang si mama" sabi ko pag tapos bumaba na ako, nag kasalubong kami ni mama sa hagdan..

"Eduard"

"Sinu yun?"

"Ah ... Anu, katrabaho ko lang yun"

"Talaga?"

"Ou nga, ano ka ba, sige na papasok na ko para makapag pahinga na ako" sabi nya tapos umakyat na sya

Umiling na lang ako, hindi kasi ako naniniwala na katrabaho lang nya yun

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

[ end of chapter 24 .. wait for my next chapter ]

Continue Reading

You'll Also Like

779 0 23
Mahal kita! di mo ba nakikita? lahat naman ginawa ko na para iparamdam sayo yung nararamdaman ko pero bakit sya pa rin ang mahal mo? d ko naman hini...
8.8K 132 24
Hindi sa ayaw ko, takot lamang ako na paano kung pag binigay ko muli ang tiwala ko mapahamak na naman ako?
50.4K 543 54
Walang perpektong Magulang. Mga batang uhaw sa pagmamahal ng kanilang Ama, naghahanap ng pagmamahal ng isang Dada.
Wattpad App - Unlock exclusive features