You're The One For Me [COMPLE...

By elleboooj

53 0 0

Paano mo nga ba masasabi na para sa 'yo na talaga ang isang tao? Is it by giving that person a cup of coffee... More

---
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14 (Part 1)
Chapter 14 (Part 2)
Chapter 15 (His Point of View)
Epilogue

Chapter 2

5 0 0
By elleboooj

Sabi ko gabi pa ako mag u-update, e hahahaha but here it is. Enjoy!

Chapter 2

"'Ma?"

"Nasaan ka na? Nandiyan ka pa ba kina Shiela?" tanong niya mula sa kabilang linya.

"Opo," I lied, but the truth was, I'm still here at the fast food chain near Shiela's house.

"Diyan ka na ba matutulog, o uuwi ka?"

Kinuha ko ang cup ng kapeng binili ko upang uminom.

"Pauwi na po ako," sagot ko at napahikab. "Malapit naman na kaming matapos," I lied again.

"O, sige. Gusto mo bang ipasundo kita--"

"Hindi na, 'ma. Paki-iwan na lang po sa gate 'yong susi."

Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.

"Okay. Umuwi ka na 'agad pagkatapos niyo riyan, ha? Ingat sa pag-uwi."

I smiled. "Love you. Bye."

Ibinalik ko na sa lamesa ang phone ko bago muling bumaling sa aking laptop.

Actually, totoong nanggaling ako kina Shiela kanina bago ako pumunta rito. May isa pa kasi kaming activity na hindi ko pa natatapos and bukas na ang deadline nito. That's why I decided na rito na lang tapusin dahil sigurado akong aantukin lang ako kapag sa bahay ko pa ito gagawin.

I copied my work on my flash drive para bukas ay ipri-print ko na lang. It's already past ten o'clock in the evening, at gusto ko nang makauwi na kaagad at matulog.

Hinihintay kong matapos na ma-copy iyong gawa ko nang mapatingin ako sa glass door nang bumukas iyon.

And I immediately hide my face behind my laptop nang makita ko kung sino ang taong pumasok.

It was him. And he was wearing his blue cap again.

I looked at him over my laptop, and I don't really know the reason why I am hiding. Kaya naman, umayos ako sa pagkakaupo ko bago pa-simpleng ibinaling ang aking mga mata sa kanya.

Nang matapos na ang pagco-copy ko, ay mabilis ko nang pinatay ang aking laptop at inilagay sa loob ng bag.

When I looked at him, he was already leaning his head on the table... again.

Lasing na naman ba siya?

Napatingin ako sa kape kong kanina ko pa ubos. Ilang minuto ko yatang tinitigan iyong paper cup bago ako tumayo at naglakad palapit sa may counter.

"Um... One coffee again, please," sabi ko sa babaeng cashier.

"Right away," she replied while smiling at me widely. Okay?

Nang makuha ko na ang order ko, ay muli kong tiningnan iyong lalaki. Nakayuko pa rin naman siya sa kanyang table, kaya naman kinuha ko na ang sticky note pad ko at marker.

The marker stopped midway when I realized na hindi ko alam ang isusulat ko this time. I mean, I wasn't really sure kung lasing ba talaga siya or what.

Napaangat ako nang tingin nang makitang kanina pa yata nakatingin sa akin iyong babaeng kumuha ng order ko, and she's still smiling at me weirdly. That's why after two minutes of thinking what to write, I just found myself writing, 'Hey! Go home' on the note pad. I guess, these three words would do.

Idinikit ko na sa may cup itong sticky note at kaagad akong napatalikod nang makitang biglang gumalaw iyong lalaki. And for unknown reason, I don't know why my heart suddenly pounded so loud.

Saka lang ako nakahinga nang maluwang nang makitang nakayuko pa rin siya sa may lamesa.

At dahil sa kaba na baka bigla ulit siyang gumalaw, or worse, mag-angat ng ulo kapag lumapit ako sa kanya, ay naglakad na lang ako palapit doon sa babaeng cashier na ngiting-ngiti pa rin sa akin hanggang ngayon. Seriously. She's already being a creep in my eyes.

"Yes?" she asked nang makalapit ako sa harapan niya. "You want me to give that coffee to that guy?" walang preno niyang sabi dahilan para bahagyang lumaki ang aking mga mata.

"What--I mean, how did you know?" gulat kong tanong na nagpangisi sa kanya.

Was that the reason why she was smiling at me creepily all this time? Dahil alam niya ang pina-plano ko?

"You're so easy to read," aniya. "You already bought two cups of coffee earlier, and I don't think na balak mo pa ulit na uminom ng pangatlong beses," she deduced as if she was this great detective spilling her deduction about a crime.

"And it's obvious na ibibigay mo sa iba 'yang kape because you putted a sticky note on the cup," she added. "At paano ko nalaman na kung kanino mo ibibigay? Simply because I saw you looking at that guy a several times."

Napaawang ang bibig ko pagkatapos niyang sabihin ang mga iyon sa akin.

"What are you, a detective?"

She smiles. "Kinda," natawa siya. "Well, never mind that. It was just a guessed. So, ano ba talaga ang kailangan mo?"

I looked at her in disbelief. Is she mocking me? She already guessed what I want, 'tapos ay itatanong niya pa kung ano ang kailangan ko?

"Just give this to that guy, and don't tell him na sa akin nanggaling," sagot ko bago inilapag sa counter ang cup.

Kinuha niya iyon at ngumiti. "Sure. Actually, binigyan mo na rin siya ng kape nung isang gabi ba iyon?" tiningnan niya ako. "You're also that woman, aren't you?"

Huminga ako nang malalim. "Just give this to him. Thank you."

Akmang tatalikod na sana ako nang muli siyang magsalita. "Bakit hindi na lang ikaw ang magbigay? You see, ako ang tinanong niya noon kung sino ang nagbigay ng kape sa kanya, and of course, I told him na hindi ko alam kung sino."

Muli akong humarap sa kanya.

"He was curious, you know. Ikaw na ang magbigay at magpakilala ka na rin," she encouraged.

Bumaling ang paningin ko sa cup ng kape na nasa counter at doon sa lalaking hanggang ngayon ay nakayuko pa rin sa kanyang lamesa.

I sighed as I shook my head reiterately.

"No--I mean, there's no need. This is the last. Please. Just give it," pinal kong sabi sa kanya bago tuluyang tumalikod upang umalis.

Wala naman na siyang sinabi pa kaya nagtuluy-tuloy na ako sa paglabas mula roon.

This is the last? I scoffed. I don't think so.

---

"Delete it."

"What the hell!" gulat na sigaw ni Shiela nang bigla akong umupo sa tabi niya. Muntik niya na ring mabitawan ang kanyang phone dahilan para samaan niya ako nang tingin.

Tiningnan ko siya.

"Fred had already moved on, Shie. It's time for you to do the same," sabi ko sa kanya dahil naabutan ko siyang tinitingnan kanina ang mga pictures nila ni Fred noong silang dalawa pa.

Inirapan niya ako. "Naka-moved on na rin ako, 'no," she said grumpily.

I narrowed my eyes at her. "Really? Sige nga, i-delete mo 'yang mga pictures niyo," I challenged her.

Tinitigan niya ako kaya naman gano'n din ang ginawa ko sa kanya. Hindi ako nagpatinag sa ginagawa niyang pagtitig at napangisi na lang ako nang mapabuntong-hininga siya at mapaiwas nang tingin.

"Mahal mo pa?" I asked her.

She played her phone using her fingers. "I--I don't know," she sighs again. "Ako ang nakipag-break, pero bakit ako itong hindi magawang maka-move on?"

Napabuntong-hininga rin ako.

To be honest, hindi ko talaga alam ang dahilan kung bakit nakipag-break ang babaeng 'to kay Fred. I mean, sobrang bagay nilang dalawa. Parehong magka-vibes sa lahat ng bagay at palagi ring nagkakasundo pagdating sa mga kalokohan.

Before, akala ko ay sila na talaga. We're already in college and ilang buwan na lang ay gra-graduate na kami, that's why isang napakalaking pala-isipan sa akin kung bakit nakipaghiwalay si Shiela. I tried to asked her once, but I received no response from her.

Kaya naman, hindi ko rin masisisi si Fred kung nakahanap na 'agad siya ng iba. Kasi, alam kong nasaktan din ang isang 'yon dahil I know how he loved Shiela noong sila pa.

"Kasi kinukulong mo ang sarili mo," sagot ko sa kanya. "You never tell why you broke up with Fred. Hindi mo sinabi kung ano'ng problema, kung bakit. Sinarili mo, e, kaya paano ka makakausad niyan? I wanna help you, pero paano? Kung hindi mo naman sinasabi sa akin ang dahilan?"

Hindi siya nakaimik. She was just staring at her phone right now. I was about to say something again, when a tear fell on to the screen of her phone.

"I--I just can't explain.." she sobbed. Mabilis ko siyang hinila palapit upang yakapin.

"Sshh. It's okay."

"G-Gusto kong sabihin, pero hindi ko a-alam kung paano. Kaya nakipag-break na lang a-ako, kasi akala ko iyon ang mas magandang g-gawin. Pero, mukhang mali ako.."

I caressed her back as she continued sobbing on my shoulder. Hindi ko alam ang dapat na sabihin, kaya nanatili na lang akong tahimik.

"Hey, Mavi--"

Napaangat ako nang tingin at nakita ko si Fred na 'agad natigilan nang makita ang ginagawang pag-iyak ni Shiela sa aking balikat.

Dahil doon, ay mabilis na umayos ng upo si Shiela bago pinunasan ang kanyang mukhang basang-basa gawa nang kanyang pag-iyak.

"M-Magbabanyo lang ako," paalam niya bago nilagpasan si Fred na ngayon ay kunot-noo siyang sinundan nang tingin.

Napailing na lang ako bago tumayo upang sundan si Shiela.

---

"Mauuna na ako, ha?" sabi ni Shiela habang inililigpit niya na ang kanyang mga gamit.

Tumango ako. "Sige. Tatapusin ko lang 'to, then uuwi na rin ako. Ingat ka," sagot ko bago muling nagpatuloy sa ginagawang reflection paper.

"Okay," aniya at muli akong nag-angat nang tingin sa kanya nang maramdamang hindi pa siya umaalis. "Uh.. And thank you nga pala kanina. I'm sorry din kung umiyak pa ako," she chuckled.

Ngumiti ako. "Wala 'yon. You can always cry on my shoulder, you know."

"Yeah. At ikaw rin sa akin," she smiled back. "Don't worry. Maybe, some of these days, ay sasabihin ko na rin ang dahilan ko. I'll just have to find my courage, but I promise na sasabihin ko na."

"It's okay. I'll wait. Just take your time."

"Thank you," she hugged me. "Sige, bye. See you na lang bukas."

"Okay."

I waved my hand at her hanggang sa tuluyan na siyang makalabas ng library.

Muli ko nang hinarap ang yellow pad ko at tinapos na talaga itong ginagawa para makauwi na ako.

Nang matapos, ay 'agad ko nang iniligpit ang mga gamit ko bago ko ibinalik sa shelf ang mga librong ginamit ko rin kanina.

"Bye, Mrs. Reyes," paalam ko sa librarian namin nang dumaan ako sa harapan niya.

And just like before, she'll just nod her head and continued whatever she was reading.

Mag a-alas-singko pa lang ng hapon kaya medyo maliwanag pa. Naglakad na ako palabas ng campus at dumiretso na sa sakayan ng jeep.

Balak ko na sanang tumawid, pero hindi natuloy nang biglang may pamilyar na sasakyan ang huminto sa mismong harapan ko.

It was Fred with his--new girlfriend, I think?

"Mavi!" he called when the window in the passenger goes down. "Pauwi ka na? Sabay ka na sa amin. Madaraanan naman namin 'yong subdivision niyo," he offered.

Saglit akong napatingin sa girlfriend niya na nakatingin din sa akin.

Umiling ako. "I'm fine. Besides, baka may pupuntahan pa kayo," kalmado kong sabi kahit na ang sarap sigawan ngayon ni Fred.

Like, what was he doing? He wanted me to see na masaya na siya ngayon, naka-moved on na, samantalang iyong kaibigan ko, ay hanggang ngayon, nasasaktan? Ni hindi man lang siya gumawa ng way para magkaayos or alamin man lang ang naging dahilan nang paghihiwalay nila!

"No. Fred's just going to take me home," the girl answered. Tiningnan ko siya. "Sige na, sumabay ka na sa amin," she smiled.

At dahil hindi naman ako pinalaking rude at walang manners, ay tumango na lang ako bago sumakay sa may backseat.

"Just drop me off sa fast food chain na malapit kina Shie," I told Fred and I noticed how his body stiffened for a second when I mentioned Shiela's name.

"Alright," he sighs.

Nagsimula naman nang umandar ang sasakyan pagkatapos no'n.

"Hi. I'm Gwen nga pala," she looked at me over the passenger. "Fred's girlfriend."

I nod. "Mavi," best friend nung ex niya, gusto ko sanang idagdag, pero ngumiti na lang ako.

Hindi gano'n kalayo iyong fast food chain na sinasabi ko, kaya ilang minuto lang din ay nakarating na 'agad kami ro'n.

Inalis ko na ang seatbelt ko bago ko tiningnan iyong dalawa.

"Thank you for the ride. Ingat kayo."

"No prob."

"Ingat ka rin." Gwen waved her hand.

Bumaba na ako mula sa backseat before I slammed the door shut behind me. Hinintay ko silang makaalis bago ako nagpasiyang pumasok sa loob ng fast food chain.

Pero halos matigilan ako sa pagpasok nang makita ang blue cap nung lalaking iyon na nakaupo sa same spot kung saan siya palaging umuupo. Hindi ko makita ang kanyang ginagawa dahil nakatalikod siya sa akin at hindi rin siya nakayuko ngayon sa lamesa.

At nang makitang palingon siya sa puwesto ko, ay wala akong ibang nagawa kung 'di ang lumabas mula roon habang ramdam na ramdam ko ang pagbilis nang tibok ng puso ko.

Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan na baka makita niya ako. I know, he doesn't know me, pero I have this feeling na baka kapag nakita niya ako, ay malaman niyang ako ang nagbibigay ng kape sa kanya!

"Ate?"

"Ay, kape!" sigaw ko. "Moren?!"

Tumango siya. Ano'ng ginagawa ng isang 'to rito?

"Okay ka lang? Para kang tanga kanina sa loob," aniya.

Pinanlakihan ko siya nang mata.

"'Yang bibig mo, ha!" suway ko. "At bakit ka ba nandito?"

He shrugs. "Nagkayayaan kami na mag-merienda rito. Bawal ba?" he asked back. "Tara sa loob," sabi pa niya at aangal pa sana ako, pero huli na ang lahat.

Nahila niya na ako papasok sa loob at nadaanan pa namin 'yong lalaki na naramdaman kong napatingin sa amin!

Kaya naman nang makarating kami sa puwesto ng mga kaibigan ni Moren, ay mabilis akong umupo sa may sulok kung saan alam kong hindi ako mahahagip nang paningin.

"May tinataguan ka ba?" tanong ni Moren.

"Wala, ah!" asik ko. "Ibili mo nga ako ng kape!" wika ko sabay bigay sa kanya ng pera.

"Tsk," angal niya, pero tumayo rin naman.

"Ate Mavi, may boyfriend ka na raw?" rinig kong tanong ni Jimboy na isa sa mga tropa nung kapatid ko bago sila mga naghalakhakan.

Damn. Feeling ko walang sense ang pagtatago ko nang dahil sa ka-ingayan ng mga 'to.

Nang hindi na nila ako ginulo, ay pasimple akong lumingon sa puwesto nung lalaki, and I saw him fiddling with his phone. Ngayon ko lang din natingnan nang matagal ang kanyang mukha, and he somehow looks familiar to me. Or feeling ko lang 'yon?

Muli akong umayos ng upo nang makabalik na si Moren at imbis na kape, ay cellphone ang hawak niya.

"Nasa gym na raw sina Je. Tara na?" 'aya niya sa mga kaibigan niya.

"Nasaan na 'yong kape ko?" tanong ko kaya napatingin siya sa akin, 'yong tingin na nandiyan-ka-nga-pala-nakalimutan-ko.

Napakamot siya sa kanyang ulo. "Ikaw na bumili. May tumawag kasi kaya nakalimutan ko," sagot niya sabay balik ng pera ko.

Sinimangutan ko siya.

"Una na kami, Ate. Manunuod pa kami ng game," pagpapaalam nung mga kaibigan ni Moren.

"Gusto mo, sama ka na lang sa amin?" suhestiyon ni Moren.

Umiling ako. "Hindi na. Sige na. Ingat kayo," pagtanggi ko bago ko sila tuluyang ipinagtabuyan paalis.

Nang makaalis na sila, ay malalim akong napabuntong-hininga.

Dapat talaga ay umuwi na lang ako kanina.

Kinuha ko na ang bag ko at akmang tatayo na sana ako para umalis nang biglang may naglapag ng cup ng kape sa may lamesa.

Kaagad akong napaangat nang tingin and there, I saw him with his blue cap while standing in front of me, giving me a small shy smile.

Napaawang ang bibig ko.

"Hi."

Hindi ako nakaimik. Umupo siya sa bakanteng upuan na nasa harapan ko bago hinubad ang suot niyang cap.

Itinikom ko ang bibig na kanina pa nakaawang at napalabi na lamang.

"Um.. ano.." I trailed.

He smiled. "Here. It's for you," sabi niya sabay turo sa kapeng nasa lamesa bago iyon marahang inikot para makita ko ang isa pang sticky note na alam kong mula sa kanya.

'Thank you', the note says. Muli akong napatingin sa kanya.

Napalunok ako to cleared the lump in my throat.

"H-How?" I asked, pointing the coffee and then myself.

"The cashier told me," sagot niya sabay turo sa babaeng cashier na kinindatan pa ako nang makitang nakatingin ako sa kanya. What the--bakit niya sinabi?! "Well, hindi niya naman talaga sinabi. I mean, I asked her, and she just only answered me."

Napayuko na lang ako nang maramdaman ko ang pamumula ng mukha ko. Parang ngayon ako nagsisisi kung bakit ko pa ba iyon ginawa!

"N-Nagmagandang-loob lang naman ako," I said. "I thought you were drunk, kaya binigyan kita ng kape."

Muli siyang napangiti, and this time, ay hindi ko na nagawa pang alisin ang paningin ko sa kanya.

"Actually, I was," he replied. "I go here to sober up, pero sa sobrang pagkahilo ko, ay binalak ko na lang na matulog. And then, nang magising ako, ay nakita ko na lang iyong kapeng ibinigay mo with a note, sober up, and somehow, nawala iyong pagkalasing ko," he chuckled.

Hindi ko alam, pero natawa rin ako.

"This is so embarrassing," pag-amin ko. "You know, me, giving a drunk stranger a coffee?" napailing ako, siya naman ay natawa. "That's ridiculous."

"Not really," he shook his head. "To be honest, the coffee you gave really helped me to sober up."

"Wait," kumunot ang noo ko. "Pati ba noong pangalawang beses kitang binigyan ng kape, ay lasing ka ulit?" curious kong tanong.

He leaned his back on the backrest of his chair as he brushed his fingers through his hair.

"No," sagot niya. "I just acted like a drunk person kasi nagbabaka sakali akong baka nandito ulit that time iyong nagbigay sa akin ng kape, and I was right. And aside from that, I saw you talking to the cashier and, sa kanya mo ipinalagay ang kape sa table ko, right?"

Napatakip na lang ko sa mukha ko nang dahil sa kahihiyan.

"Yeah, you're right," I mumbled. "Just... forget about it."

"Okay," he agreed.

Panandalian kaming natahimik na dalawa.

This was really so unexpected and absurd. Gusto kong sigawan iyong cashier kung bakit niya sinabi na ako ang nagbibigay ng kape sa lalaking ito, pero na-realized ko na kahit hindi niya sabihin, ay malalaman pa rin naman ng lalaking ito nang dahil nga sa nakita niya rin ako na kausap 'yong cashier.

At ngayon, ay hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa, o ano ba ang dapat kong maramdaman ngayon na nalaman niya itong nakakahiyang pagbibigay ko ng kape sa kanya.

You're so really embarrassing, Mavi. Really.

The silence between us broke when a phone rang abruptly. Tiningnan niya lamang iyong phone niya at hindi sinagot ang tumatawag.

Muli niya akong tiningnan.

"I have to go," pagpapaalam niya. "I'm Nicholo, by the way. It's so nice to meet you..."

"Mavi. I'm Mavi," pagpapakilala ko rin. "It's nice to meet you, too, and I'm sorry for being a creepy."

"You're not creepy," he says. "Anyway, I really have to go. Inumin mo na 'yan dahil baka lumamig," turo niya sa kapeng ibinigay niya.

"Yeah. Thank you. Ingat ka," wika ko bago ikinulong ang cup ng kape sa aking dalawang kamay.

He smiled and stood up.

"Bye, Mavi. Hoping to see you again," he gently said before finally leaving me here with the coffee he gave.

Yeah. Me, too.

***

Will be dropping all the chapters later kapag sinipag hahaz thank you!

Continue Reading

You'll Also Like

7.3M 303K 38
~ AVAILABLE ON AMAZON: https://www.amazon.com/dp/164434193X ~ She hated riding the subway. It was cramped, smelled, and the seats were extremely unc...
43.8M 1.3M 37
"You are mine," He murmured across my skin. He inhaled my scent deeply and kissed the mark he gave me. I shuddered as he lightly nipped it. "Danny, y...
1.3M 67.1K 59
π’πœπžπ§π­ 𝐨𝐟 π‹π¨π―πžγ€’ππ² π₯𝐨𝐯𝐞 𝐭𝐑𝐞 𝐬𝐞𝐫𝐒𝐞𝐬 γ€ˆπ›π¨π¨π€ 1〉 π‘Άπ’‘π’‘π’π’”π’Šπ’•π’†π’” 𝒂𝒓𝒆 𝒇𝒂𝒕𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝒂𝒕𝒕𝒓𝒂𝒄𝒕 ✰|| 𝑺𝒕𝒆𝒍𝒍𝒂 𝑴�...
2.7M 157K 49
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...