HERRERO ACADEMY: The 8 Elemen...

By kaelavry

62.9K 4.5K 210

HERRERO ACADEMY: The 8 Elemental Guardians (FANTASY) (MPREG) (BXB) Faven Kyle was raised by his Tiya Maraha... More

A/N
CHARACTERS
PROLOGUE
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 4
KABANATA 5
K:
CHAPTER 06 - HERRERO ACADEMY
CHAPTERS 07
CHAPTER 08
CHAPTER 09
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
MGA LAHI SA KELTON
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
JORŌGUMO
KABABATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43

KABANATA 3

1.6K 115 1
By kaelavry

Maraha's POV

Paglabas ko ng portal, isang tahimik at madilim na kagubatan ang bumungad saakin.

"¿Es este el mundo de las personas?" (Ito na ba ang mundo ng mga tao?) Tanong ko sa aking sarili.

Napatingin nalamang ako sa mahal na prinsipe habang ito ay natutulog sa aking mga bisig.

Itutuloy ko na sana ang aking paglalakad nang naramdaman kong nanakit ang aking sinapupunan. Umupo muna ako sa isang tabi at binaba ko muna ang mahal na prinsipe. Hinawakan ko naman ang aking tiyan.

Binuka ko ang isa kong palad at lumabas dito ang hugis rosas na puti na nagiisa na lang ang talulot.

"Bakit ngayon p-ahhhh" Sabi ko habang nakatingin pa din sa natitirang talulot na nasaaking palad.

Sinarado ko nalamang ito at binuhat muli ang sanggol at tumayo na.

Itutuloy ko na sana ang aking paglalakad ng may nagsalita sa aking likuran.

"Ibigay mo ang sanggol diwata." Saad ng isang babae.

Kaya napatingin ako dito at nagulat ng nakita ko ang kanyang muka, pero ngumisi lang ito saakin.

"Ohh ikaw pala Maraha kamusta aking kaibigan?" Nakangiting sabi nito sakin.

"Vienna?" Gulat kong sabi.

"Ako nga." Sagot nito. "Ibigay mo ang mahal na prinsipe sakin Maraha para wala nang masaktan pa." Dagdag nito.

Hinawakan ko ng mahigpit ang sanggol at umiling sakanya.

"¡Nunca te lo daré!" (Hinding hindi ko ibibigay sayo!) Sigaw ko sakanya na kinaiinis naman nito.

"Tsk. Anong akala mo Maraha? Na ikababayani mo ba yan?" Nakataas kilay na sabi nito sakin.

"Hindi, pero para sa Zayeanian at sa buong Astral  gagawin ko mailigtas lang ang sanggol na to!" Sagot ko sabay hawak saaking tiyan, dahil sumakit nanaman ito. Napansin naman niya kaya napangisi siya.

"Oh, anong problema? Mukang nahihirapan ka ata aking kaibigan?" Inosenteng sabi niya saakin.

"Ibigay mo na ang sanggol Maraha, kung gusto mo pang mabuhay ang batang iluluwal mo!?" Saad nito na ikinahawak ko naman sa aking tiyan.

"HINDI!" bulyaw ko sakanya.

Nilabas niya ang kanyang mahiwagang baston at ganun din ang aking ginawa, tinapat niya ito saakin at may sinabing mga enchant  at may lumabas na berdeng liwanag dito papunta saakin buti na lamang nakagawa agad ako ng pangharang dito.

"Vienna"

"Maraha"

Ng nawala ang harang nagbigkas ako ng enchant at tinutok ko naman sakanya ang dulo ng aking baston at may lumabas na asul na liwanag dito papunta sakanya, ngunit nailagan niya lamang ito at ngumisi lang siya sakin.

Magpapalitan lang kami ng aming kapangyarin, ngunit sumakit nanaman ang aking tiyan kaya hindi ko na nailagan pa ang huling tira nito sakin kaya natamaan ako. Napaupo ako habang hawak parin ang sanggol na kanina pa umiiyak.

"Es tu fin Maraha." (Katapusan mo na Maraha.) Nakangising sabi niys. Tinapat niya saakin ang dulo ng kanyang baston at nag-enchant ng salita.

"¿Voy a morir aquí?(Mamamatay na ba ako dito?) Sabi ko saaking isipan habang hinihintay ang aking katapusan.

Ngunit bago niya pa matapos ang kanyang ineenchant,  may isang nagliliwanag na babae ang bumungad nalang bigla saaming harapan. Pinatamaan niya si Vienna ng kanyang kapangyarihan kaya ito'y nawala ng malay.

"¿Quién eres tú?" (Sino ka?) Tanong ko dito kaya humarap siya sakin na aking kinagulat.

"Mahal na Diyosang Lianna!" Gulat na sabi ko sabay yuko sakanyang harapan habang hindi pa din tumatayo.

"Ako nga Mahara." Nakangiting sabi nito saakin.

"¿Como esta el principe?" (Kamusta ang Prinsipe?) tanong nito.

Tinignan ko ang umiiyak na prinsipe at inalo ko ito para tumigil sa pagiyak. Tumigil naman ito at tumingin muli sa Mahal na Diyosa na nakatingin din pala saamin habang nakangiti.

"Me alegro que no le hayas dado al querido príncipe." (Natutuwa akong hindi mo binigay ang mahal na prinsipe.) sabi nito na aking kinangiti.

"Incluso.." (Kahit na..) hindi niya natapos ang kanyang sasabihin ng napasigaw ako sa sobrang sakit ng aking tiyan.

Binuka ko ang aking palad at nakita kong natanggal na ang huling tatulot ng rosas nito.

"Estas a punto de dar a luz..." (Manganganak ka na...)sabi niya.

"Toma mi mano..." (Kunin mo ang aking kamay.) Sabay lahad ng kanyang kamay sakin. Hinawakan ko naman ito at naglaho kami sa isang lugar.

_____________________________

Lumitaw kami sa isang lugar na hindi ko alam.

"¿Que lugar es este?" (Anong lugar ito?) Tanong ko sa Mahal na Diyosa habang nakahawak sa sanggol at sa aking tiyan.

"Andito tayo sa tahanan ng mga Diyos at Diyosa." Sagot niya na aking kina bigla.

"Liza!" Tawag niya.

May lumitaw namang isang babaeng may pakpak sa aming harapan at yumuko sa Diyosa.

"Ano pong mapaglilingkod ko Mahal na Diyosa Lianna?" Sagot nito at tumingin saakin at sa sanggol na aking buhay buhay na ikinalaki ng kanyang mata. "El príncipe de lo Astral."

"Él y nada más..."(Siya nga at wala ng iba...) Sagot ng Diyosa. "At siya naman si Maraha kailangan niya ang ating tulong at siya'y manganganak na Liza, kaya ikaw na ang bahala." Dagdag nito.

"Masusunod po Mahal na Diyosa." Sagot nito.

"Hindi ko na ka-ahhh" Dali-dali naman itong lumapit sakin at  inalalayan akong humiga, kinuha naman muna ng mahal na Diyosa ang mahal na prinsipe.

_____________________________

Diyosa Lianna's POV

Lumabas na ako ng aking silid habang buhat buhat ang Prinsipe ng Zayeania at pumunta sa ibang diyos at diyosa.

Naglakad na ako papunta sakanila at nakita ko agad silang naguusap usap.

"Asan ba si Lian-"

"Alina." Napatingin naman sila saakin. Nagtaka naman siya sa aking bitbit.

"Lianna, kanina ka pa namin hinahanap saan ka ba nagpunta?" Tanong saakin ni Danu.

"Ano yang buhat mo?" Tanong naman ni Terra. Lumapit naman silang dalawa ni Danu at tinignan ang ang buhat ko.

"¡Un bebé!" (Isang sanggol!) Sigaw na sabi ni Danu.

"Wag mong sabihin na anak mo iyan Lianna?"

"Sino ang ama? Isa bang Astralian? Alam mo namang bawal tayong umi-" binatukan naman siya ni Terra.

"Kung ano ano ang sinasabi mo!" Lumapit naman ang iba saamin.

"Siya ang Prinsipe ng Zayeania." Sabi ni Farrar habang nakatingin sa Prinsipe.

"Bakit nasayo ang Prinsipe Lianna." Seryosong tanong ni Alina saakin. Napatingin naman silang lahat saakin.

Napabuntong hininga ako at nagsimula ng magkwento.

Naisipan kong bumalik sa buwan upang tignan ang dalawang mundo.

Ang mundo ng Astral at ang mundo ng mga tao ng napansin ko ang isang portal sa madilim na bahagi ng kagubatan sa mundo ng mga tao.

Tumingin ako ng mabuti sa parte na iyon at may lumabas na isang diwata na may bitbit na sanggol.

"Anong ginagawa ng isang diwata sa mundo ng mga tao?" Bumaba ako sa isang ulap para makita ko ang kanyang muka.

Nakita ko naman na tumingin siya sa paligid at may binulong. Napatingin naman ako sa sanggol at nanlaki ang aking mata.

"Ang Prinsipe ng Zayeania." Nakita ko namang napahawak siya sa kanyang tiyan at umupo sa isang tabi. Binuka niya ang kanyang palad at nakita ko na malapit na siyang manganak.

Napatingin ako sa kabilang parte ng gubat ng may isa nanamang portal ang bumukas at lumabas dito ang isang babae.

Tumingin uli ako sa may hawak sa Prinsipe ng tumayo ito at maglalakad na sana ng magsalita ang babae na kalalabas lang ng portal.

"Ibigay mo ang sanggol diwata." Nanlaki naman aking mata.

"Kailangan kong gumawa ng paraan. Hindi pwedeng mapahamak ang nagiisang taga-pagmana ng Zayeania at Astral." Sabi ko saaking sarili.

"Patawarin niyo ako saaking gagawin nakatataas na Diyos. Kailangan kong mailigtas ang sanggol." Tumingin uli ako sa dalawang babae.

Nakita ko namang itinapat ng isnag babae ang kanyang baston sa may hawak sa mahal na prinsipe.

Bago pa niya matapos ang pagenchant bumaba na ako at pinatamaan siya ng aking kapangyarihan.

"Pinunta ko sila dito dahil manganganak na ang may dala sakanya." Kwento ko sakanila.

"Ngunit Lianna hindi tayo pwedeng mangielam basta basta. Maliban nalang kung ipinagutos saatin ito ng nakatataas." Sabi ni Alina.

"Alam ko naman iyo. Masisisi mo ba ako?"

"Nangyari na ang nangyari wala na tayong magagawa." Napatingin naman ako kay Farrar. Napabuntong hininga naman si Alina.

"Anong gagawin natin?" Tanong ni Alina.

"Kailangan malaman ito ng nakatataas na Diyos." Napatingin naman sila saakin.

"Ako na ang magsasabi. Tatanggapin ko ang magiging parusa ko." Tumango naman sila. Binigay ko na muna kay Danu ang Prinsipe at naglakad na papunta sa mahiwagang silid kung saan namin kinakausap ang nakatataas na Diyos.

Pagpasok ko isang estatwa ang bumungad saakin. Lumapit ako doon at umilaw ang muka ng estatwa.

"Ano ang kailangan ng Diyosa ng Buwan?"

"Patawarin niyo ako sa ak-"

"Naiintindihan ko Lianna. Hindi mo na kailangan pang magpaliwanag. Ginawa mo lang nararapat." Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Nasa Propesiya ang pagtulong mo sa Prinsipe at sa diwatang kasama nito. Nasa Propesiya din ang panannatili nila sa Fantasia."

"Ano pong ibig niyong sabihin?"

"Hindi na nila kailangan pang manirahan at manatili sa mundo ng mga tao bagkus sa Fantasia na sila muna maninirahan kasama niyo." Sabi niya. "Tawagin si Amaya at sabihin ang aking pinaguutos."

Lumabas na ako at masayang bumalik sa mga kapwa ko diyos at diyosa.

"Anong parusa ang hinatol niya sayo?" Bungad saakin ni Danu. Umiling lang ako sakanya. Nagtaka naman siya.

"Wala siyang binuhat na parusa saakin, dahil nasa Propesiya daw ito."

"Mabuti kung ganon. May sinabi pa ba siya?" Tanong ni Alina.

"Ang sabi niya dito na muna maninirahan ang Prinsipe at ang diwata kasama ang sanggol na iluluwal niya ngayon." Tumango naman sila.

"Ang sabi pa niya ay tawagin ko si Amaya at may sinabi siya sakin na ipaguutos nito kay Amaya." 

"Ako na ang susunod kay Amaya." Tumango lang ako kay Hale.

Makalipas ang Isang sandali bumalik na si Hale kasama si Amaya.

"Ano ang kailangan niyo?" Tanong ni Amaya at tumingin pa ito sa sanggol na buhat ni Danu. "Anak mo?" Umiling lang siya.

"Siya ang Prinsipe ng Zayeania, Amaya." Nagulat naman siya.

"May pinaguutos sayo ang nakatataas na Diyos, Amaya." Napatingin naman siya saakin.

"Ano ang pinaguutos niya?"

"Sa lahat ng magtatanong na kunektado sa Prinsipe ay hindi mo pwedeng sagutin." Kumunot naman ang noo niya.

"At bakit? Yaan ang aking trabaho ang magbigay ng sagot sa kanilang katanungan."

"Dahil yun ang utos niya at dito maninirahan ang Prinsipe." Tumango lang ito sa sinabi ko.

"Kung wala na kayong sasabihin mauuna na ako." Tumango lang kami sakanya. Naganyo na siyang puting kalapati at umalis na.

Kinuha ko naman ang sanggol kay Danu at nagpaalam na sakanila na pupuntahan ko ang diwata na si Maraha.

______________________________

Maraha's POV

Pagmulat ko ng aking mga mata babangon na sana ako ng may nagsalita saaking gilid.

"Wag ka na muna bumangon hindi mo pa kaya." Sabi nito kaya napatingin ako sakanya. "Ako nga pala si Iza kakambal ng nagpaanak sayo na si Liza." Nakangiting sabi nito na tinanguan ko lang.

Napahawak naman ako sa aking ulo ng kumirot ito at naalala ko na- "nasaan ang anak ko?! Asan ang Prinsipe??!" Tanong ko dito.

"Wag kang magalala nasa Mahal na Diyosa ang ang mahal na prinsipe, at ang iyong anak naman ay kukunin ko... sandali lamang." At lumabas na ito ng silid.

Pagbalik ni Iza bit bit niya ang umiiyak na sanggol at inabot saakin. Kinuha ko naman ito at inalo.

"Ano ang magiging pangalan niya?" Napatingin naman ako dito at ngumiti.

"Talia... Talia Wazley ang kanyang pangalan ." Nakangiting sabi ko.

"Kay gandang pangalan." Sagot niya.
Habang tinitignan ko ang aking anak may pumasok sa silid kaya napatingin naman ako dito sabay bati't yumuko.

"Mahal na Diyosa." Bati naman ni Iza.

" Iwan mo muna kami Iza." Lumabas naman ito.

"Maraha..." Tawag nito sakin kaya napatingin ako sa mahal na Diyosa.

"Napagusapan namin ng iba pang Diyos at Diyosa na dumito na muna kayo kasama ang prinsipe, hanggang siya ay lumaki na, at dito na din siya magsasanay kasama namin para mahasa siya sa kanyang mga kapangyarihan." Sabi niyo sakin.

Na ikina tuwa ko naman at nagpasalamat na ikina ngiti niya nalang.

Wilkiam kung andito ka lang sana nakita at nahawakan mo manlang sana ang ating anak.
.
.
.
.
.
.
_______________________

Diyosa Lianna - Diyosa ng Buwan.

Liza at  Iza
- kakambal na tags sunod ni Diyosa Lianna.

Vienna
-May malaking inggit kay Maraha, kaya nasira ang pagkakaibigan.

Continue Reading

You'll Also Like

871K 58.5K 33
Discovering an abandoned town in the middle of a forest, Odeth is transported to a time when the ghost town was alive, but as someone else--Olivia Va...