Forced

By IMTHEMOSTHATED

17.9K 526 50

Complicated Series #1 Gneiss Hanie and Kian Rio were childhood best friends at the age of eight they already... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1: Serenade
Chapter 2: Sapphire
Chapter 3: Saved
Chapter 4: Sunflower
Chapter 6: Seven
Chapter 7: Sacrifice
Chapter 8: Streetlights
Chapter 9: Secret
Chapter 10: Souvenir
Chapter 11: Lipbalm
Chapter 12: Jealous
Chapter 13: Cupcakes
Chapter 14: Park
Chapter 15: Injured
Chapter 16: Tattoos
Chapter 17: Halloween Ball
Chapter 18: Ignored
Chapter 19: Boracay
Chapter 20: Confession
Chapter 21: Happy Birthday
Chapter 22: Truth Or Dare
Chapter 23: Upcoming
Chapter 24: Cry
Chapter 25: 18th
Chapter 26: Changes
Chapter 27: Graduation
Chapter 28: Freshmen
Chapter 29: Field Trip
Chapter 30: Pass the phone
Chapter 31: Forced Engagement Party
Chapter 32: Fault
Chapter 33: She's waiting
Chapter 34: Thank you
Chapter 35: Future wife and husband
Chapter 36: A forehead kiss?
Chapter 37: The unusual sweetness
Chapter 38: Again and again.
Chapter 39: Restless Heart
Chapter 40: Bended knees
Chapter 41: Her resting place
Chapter 42: Home
Chapter 43: Her blasting point
Chapter 44: Home is where the heart is
Chapter 45: He did it again
Chapter 46: Troublesome husband
Chapter 47: All too well
Chapter 48: The changes
Chapter 49: Over
Chapter 50: She's gone
Chapter 51: Seven years, later
Chapter 52: She's back
Chapter 53: The lies
Chapter 54: The fatherly love
Chapter 55:The truth
Chapter 56: It ends with us
Epilogue
Announcement

Chapter 5: Sick

246 8 1
By IMTHEMOSTHATED

"Ikaw Kyler, anong pangarap mo paglaki?" ani ng teacher nila sa ESP, naglalakad ito pabalik-balik sa bawat sulok ng silid upang isa-isahin ang kaniyang mga estudyante tungkol sa mga pangarap nila.

"I want to be an Engineer!" he proudly said.

"Oh that's very great, ikaw naman Gneiss anong pangarap mo paglaki?" baling nito sa tahimik na si Gneiss kanina pa, matamlay ito ngayon hindi kagaya nang mga nakaraang araw.

"I want to be a Nurse.." sagot niya, walang ka-buhay-buhay ang kaniyang tinig. Sa kabilang dako ay hindi naman mapakali si Kian dahil sa napapansin niyang kilos at paraan ng pananalita ni Gneiss, hindi na rin ito dumadaldal.

"Nurse? Hindi ba takot ka sa dugo?" pag-kontra ni Kyler. Napangiti lang ang teacher nila sa kanilang dalawa.

"Kaya nga gusto kong maging Nurse, I want to conquer my greatest fear." pasaring ni Gneiss, pinalakpakan siya ng buong klase, pilit na lamang siyang ngumiti.

"Gneiss will be a Nurse someday, goodluck." ngumiti ang guro nila at saka na bumalik sa harapan. Tumigil naman siya sa harap ni Kian at Sapphire.

"How about Sapphire?" tanong niya kay Sapphire, na hindi man lang tumayo upang sumagot.

"I want to be a model?" may pag-aalinlangan pa ang boses nito. Kaya patanong ang ginawa niyang pagsagot.

"That's suits you very much." papuri ulit ng guro nila at saka na bumaling kay Kian.

"Ikaw Kian? What's your dream profession?"

Tumindig si Kian at tumingin sa guro nilang naghihintay ng kaniyang sagot.

"I want to be an Engineer too." aniya at saka na naupo.

Pumalakpak naman ang kanilang guro.

"Maligayang pagbati sa inyong lahat, dahil sa murang edad ay may mga pangarap na kayo, balang-araw ay makakamit niyo rin ang mga ito." ginawaran niya ito ng malawak na ngiti.

******

Sabay na lumabas si Kyler at Gneiss para mag-recess sa canteen, si Kian kasi ay nasa room pa lang hinihintay yata si Sapphire, though, close rin naman talaga si Sapphire at Kian pero hindi rin minsan gusto ni Kian ang pag-uugali nito. Nagsimula 'yon nang maging magkatabi sila, pero kaya lang naman naging seatmate ni Sapphire si Kian ay dahil umiyak siya. Nagwala pa noong hindi pumayag ang kanilang teacher sa gusto nito, pero at the end wala rin itong nagawa. Masyadong bossy kasi si Sapphire, alam 'yon ng lahat at alam din nila na crush niya si Kian simula pa lang.

"Bakit mukha kang may sakit ngayon?" pagtatanong ni Kyler habang patuloy lamang sila sa paglalakad.

Tumigil si Gneiss at kusang bumagsak ang kaniyang mga balikat. "Can I make uwi na?" I'm tired na po eh." she said. Imbis na sagutin ni Kyler ito ay tumawa pa ito, hawak pa nito ang kaniyang tiyan hindi tumitigil sa kakatawa.

Iniwan na lamang siya ni Gneiss sa may gitna ng hallway, kaagad rin namang hinabol ni Kyler si Gneiss pero huli na, nang makita siya si Gneiss ay nakabulagta na sa sahig. Kumaripas siya ng takbo papalapit sa kaniya at kaagad niya itong niyugyog.

"Gneiss! What happened? Tulong! Tulong!" Kyler shouted, a lot of students get up from their place kabilang na roon si Kian na halos buhatin na si Gneiss kahit napakabata pa niya. Inihiga niya si Gneiss sa kaniyang binti at saka pinakiramdaman kung may lagnat ba siya. Halos mapaso ito sa sobrang init niya.

"Gneiss!" sigaw na rin ni Kian, pero hindi sumasagot ito. Bigla na lamang naiyak si Kian dahil naalala nito ang kambal niyang namatay habang isinisilang. Ever since, he sees Gneiss as his twin sister kaya ganito na lamang siya kung mag-alala.

"Bakit ka umiiyak, Insan?" untag naman ni Kyler na hindi na rin mapakali dahil panay ang tantrum.

"I see Sunny on her.." sagot nito.

"Your twin sister? You mean you see Gneiss as her?" dagdag pa ni Kyler.

"Yes." 'yan na lamang ang sagot nito.

Naroon naman sa kumpulan si Sapphire na walang ibang ginawa kung hindi makipagdaldalan imbis na tawagan ang mga magulang ng pinsan niya, She really don't care about Gneiss, kahit pa siguro mamatay ito ngayon ay mag-ce-celebrate pa siya.

Dumating rin ang ambulance na rumesponde kay Gneiss mas mabuting i-diretso na lamang ito sa Ospital. Hindi puwedeng isama si Kian dahil bata ito at may klase pa sila pero nagpumilit siya. Habang nakahiga si Gneiss sa loob ng ambulansiya ay nakatitig lamang ito sa kaniya. Wala pa ring malay si Gneiss, mahina rin ang pintig ng puso niya kaya agad ikinabit ang oxygen para may alalay ito.

Pagkapasok sa Hospital ay idineretso siya sa Emergency room, hindi na puwede roon ang kasama ng pasyente na si Kian lang at ang adviser nila. Naupo sila sa upuan sa labas ng room, napahilamos na lang sa mukha si Kian habang nilalabanan ang malakas na kabog ng kaniyang dibdib.

Maya-maya pa ay dumating na ang Papa at Mama ni Gneiss na labis ang pag-aalala, kaagad silang lumapit kay Kian at binigyan ito ng yakap.

"How was Gneiss?" naiiyak nang sabi ni Ruby, ang Mama ni Gneiss.

"Nasa loob pa lang po Mrs. Ruiz ang Doctor, mamaya ay lalabas na rin ito." pag-singit ng guro nila.

Sumilip pa sa kurtina ang Papa nito na hindi rin mapakali dahil lakad ito nang lakad. Lumabas rin ang Doctor na nag-examine sa kaniya pagkaraan ng ilang minuto.

"Who's the guardian of the patient?" tanong ng lalaking Doctor habang inaayos ang stethoscope, nakasunod naman sa kaniya ang isang Nurse na nakahawak ng chart.

"I'm her mother." umabante si Ruby, pinapakalma rin naman siya ng asawa nito.

"The patient has a dengue according to the test kailangan niya ng sapat na pahinga at kailangan niya ring kumain ng mga masusustansiyang pagkain dahil napakababa ng platelet count nito." paliwanag ng Doctor. Napatakip na lang sa mukha ang Mama ni Gneiss at parang gumuho ang mundo sa narinig. This is the first time that Gneiss has hospitalized, kahit may asthma ito ay hindi siya na-ospital ngayon lang talaga.

"Thank you Doc." pagpapasalamat ng Papa ni Gneiss. "I'll go ahead." pagpapaalam ng Doctor at saka na lumiko sa kabilang ward.

Pumasok sa ER sina Kian, Parent's ni Gneiss at ang kasa-kasama nilang class adviser.

"Ma'am mauuna na po ako, kung maaari may klase pa po kasi ako." pagpapaalam ng guro nila, lumapit pa ito kay Gneiss at hinaplos ito sa may kamay.

"Thank you Ma'am sa pag-alalay." ngumiti ang Mama at Papa nu Gneiss.

Tumango lamang ang guro at saka na nilisan ang  lugar. Naiwan naman si Kian na ayaw halos iwanan si Gneiss.

"Ikaw Kian hindi ka pa ba babalik sa klase mo?" pagtatanong ni Ruby.

"Hindi na po, Tita darating rin mamaya sila Mama dito, babantayan ko na lang siya." napasulyap ito sa walang malay pa rin na si Gneiss.

"Thank you Kian, Gneiss is right napakabuti mo ngang kaibigan." sagot nito. Sinuklian na lamang 'yon ni Kian ng simpleng ngiti.

Nakaupo lamang ito sa tabi ni Gneiss, hindi niya ito iniwan, hanggang sa dumating na ang mga magulang rin nito ay hindi pa rin siya umalis sa kinauupuan para kumain man lang. Gabi na rin pero ayaw niya pa ring umuwi.

"Hindi ka pa ba uuwi anak?" pagtatanong ng Papa ni Gneiss na tumabi sa kaniya.

"Hindi pa po, Tito hihintayin ko munang magising siya." aniya at saka ulit ibinalik ang tingin kay Gneiss.

"Baka, bukas pa siya magigising paano na 'yan?" malungkot na saad nito. 

"Hindi, po alam ko magiging siya ngayon rin." paniniguro nito, tumayo siya at saka tumakbo palabas. Tinawag rin siya pero hindi na ito lumingon, diretso lang siyang nagtungo sa exit room ng Ospital.

Binuksan niya ang pintuan papunta sa may rooftop, nang mabuksan niya ito ay bumungad sa kaniya ang mga sunflower na nakalagay sa malalaking paso na nakahilera sa may gilid, bukod sa sunflower ay may daisy rin at rose.

Maingat siyang pumutol ng bulaklak nito gamin ang I.D niya. Nakakuha siya ng dalawang tangkay, at agad ring bumalik sa loob ng kuwarto.

Pagkarating niya roon ay gising na si Gneiss at masaya na ring nakikipag-kuwentuhan sa lahat. Napatingin sila kay Kian nang bumukas ang pinto. Hawak nito ang bulaklak na itinago niya sa kaniyang likod.

"Kian.." ngumiti si Gneiss at kaagad ring niyakap si Kian na ngayon ay nasa harapan na niya.

"Salamat dahil hindi mo ako iniwan." utas ni Gneiss.

"Wala 'yon, siyempre kaibigan kita. Hindi kita puwedeng iwan basta." giit nito at napangiti na rin.

"Puwede bang sa'yo na 'to?" walang pag-aalinlangan niyang iniabot ang sunflower, medyo nahihiya siya kaya hindi niya kayang tignan si Gneiss ng buo.

"Oo naman! Nagiging favorite flower ko na 'to, dahil sa'yo." inamoy pa ni Gneiss ang bulaklak, hindi mawala ang ngiti nito sa labi kahit na may sakit.

"Doon na muna kami sa may sofa, iiwan na namin kayo rito." pag-singit ni Ruby at Karen.

Tumango lang sila pareho, nang masiguro ni Kian na hindi na sila nakatingin sa kanila pareho ay bumulong siya kay Gneiss.

"Simula ngayon, hindi na kita iiwan.."

Continue Reading

You'll Also Like

3K 69 34
Si Correen yong tipong tao na walang kaibigan. Ang mga magulang nya ay wala sa tabi nya palagi pag may kailangan sya. She was been lonely since the t...
617 243 33
Aldecantra series #1 (COMPLETED) There are two problematic people who met in this problematic world. They even reside in the same city. Pampanga. Som...
16.1K 848 59
Choose between sacrifice and Selfishness. ***** This story is work of fiction, names, character, places and incidents are either a product of author'...
939K 32.2K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.