Tso-tso-o [one shot]

By JenefaCanoy

41 3 4

Paano mo malalaman na gusto ka nga niya TALAGA? Kaya ba niyang lunukin ang kanyang baretang PRIDE? ;P More

Tso-tso-o [one shot]

41 3 4
By JenefaCanoy

“….Kailangan gamitin natin ang ating sariling wika kung ayaw mong maging isang malansang isda!”

“Paulita, iha.. Maling-mali ang sinabi mo. Isaulo mo muna ‘yan tapos ay balik tayo sa pag-e-ensayo.”

“Pasensya po mam.. Nakalimutan ko kasing isaulo kagabi.”

Haaayy.. Ako nga pala si Paulita Gomez. Maaaring narinig mo na ang pangalan ko sa isang tanyag na nobela libu-libong taon nang lumipas.. ang El Filibusterimo ni Dr. Jose Rizal. Hahaay.. sino kaya ang aking ‘Juanito Pelaez’? HAHAHA

“Hey Paul! We have a meeting this 4PM. All presidents must attend, okay?”

“Jake, I’m not ‘Paul’.. My name’s Paulita..PAU-LI-TA! What’s your problem with my Filipino name?”

“Hehehe! Naaah….um. See ya later… PAUL. HAHAHAHA!”

UGK. Kakainis talaga tong si Jacob. Walang tigil ang pag-i-English. Hindi naman sa may galit ako sa lingwaheng ito…tinatangkilik ko lang ang ating sariling wika. Dapat maging isang magandang uliran ako sa mga sumusunod na henerasyon dahil ako ang pangulo ng Filipino Club. Ganun din naman ang pananaw ng pangulo ng English Club na si Jacob Henderson; gwapo, matalino, mabait, palakaibigan…oo na! oo na! May crush ako sa kanya..konte. Pero ang hinahangaan ko talaga ng sobra ay yung Pilipinong-pilipino talaga..si….AH! Papunta dito si..

“Hi Greg!”

Hindi ko talaga mapigilan ang aking bibig. Noon 1st year ko pa siya hinahangaan. Grabeh, ewan kung bakit ganito ang nararamdaman ko para sa kanya. PFT. Baliw na yata ako. Pero, gaya ng dati, hindi pa rin niya ako pinapansin. Di bale. Darating din ang araw, papansinin mo rin ako. Hahangaan mo rin ako, ‘Juanito Pelaez’ ko. ;>

“Ang bango.. Ang gwapo talaga ni Greg..”

“Hoy girl! Mukhang malala na yan ah. Pa-check-up kaya kita. Inlove kana talaga kay Gregorio noh?”

“Kaw talaga Maria. Alam mo namang ako lang ang prinsesa ni Greg. Hindi lang muna napapansin ngayon. Magigising rin siya sa katotohanan..Magigi—“

“Shut it, girl. You’re dreaming. May girlfriend na ang tao. Tigilan mo ‘yan. Bago pa mahuli ang lahat.”

“Hindi! Hindi! Maghihiwalay din sila kapag mapansin niya ako. Sasali ako sa Ms. Intrams, Ms. Philippines, Ms. Earth, at Ms. Universe!! Kukunin ko ang korona! Para kay Greg..Greg..Greg..”

“UGK. Pwede ka namang magpa-cute sa ibang guys diyan ah. Marami namang gwapo sa school natin. Madali kang mapansin. Maganda ka..pero, paputiin mo muna yang balat mo, magpaunat ka sa makapal mong kulot na buhok, at…”

“At.. ano?”

“..at manamit ka na hindi Buwan ng Wika araw-araw.”

“Aray naman, Maria. Kaibigan ka talaga. Pero, sige. Bukas na bukas, gagawin ko yan..para kay Greg…Greg…Greg..”

-Kinabukasan-

Greg, mapapansin mo rin ako ngayon. ;-)

“Jake!! Naku, naku! I’m sorry. I forgot about the meeting yesterday. May I know what the agenda were?”

“….ah….”

“Jake?”

“…yes? Oh! Right… Paul, is that you? I thought you would stick to your tradition? Is that really you? Wow! You’re soo..”

“Just tell me what you had in the meeting.”

“O-key. We discussed about the coming Prom. The clubs should be responsible of the whole event. English Club should prepare the program, Filipino Club should assist the English Club and—“

“What?! Assist?!?! Only assi—“

“Let me finish. Gah, you’re so pretty. Ahm. We’re the emcees so; automatically…you’re my date.”

“Serious? Me? What about the Ms. Intrams you have a crush on? What about that girl you—“

“Paul, you’re my date.”

UGK. Baliw yata tong taong toh. Si Greg ang gusto kong ka-deyt. Gagawin ko pa ang ‘papansin plan’ ko. Paano ko ba sasabihin to kay Jake? Hmm… Think-think-think.

“Jake, you never said anything in Filipino, right?

“Yeah. Ne-ver. If I talk to someone in Filipino, then that person must be freaking special.”

“Hmm… I dare you to scratch your pride, a little bit. If you speak at least three Filipino words to me, then I’d be your date.”

HAHAHA! Alam kong hinding-hindi niya yun magagagawa. Yes, nakalusot ako. Greg, here I come..

“Paul, you’re making this hard for me. Who do you want to be your date, huh?”

“See ya later…Jake. HAHAHA!”

HAHAHAHAHAHAHAHA

Yeah~ Makakarampa na ako. Papatunugin ko ang aking heels habang naglalakad. Ow yeah. All eyes on me..

(Hindi napansin ni Paulita ang nakakalat na tubig habang papunta kay Greg. )

“AAaaah!!”

Yes. Yes. Papunta ako kay Greg. Aaahh.. ang tagal ko namang mag-landing sa kanyang mga braso. Heto na.. malapit na. Ipipikit ko ang mga mata ko..

Yeah! Just as expected, sinalo niya ako. Sabi ko namang mapapansin niya ako eh. Siya ang aking Juanito, ang aking prinsipe, ang aking…

“Paul, you okay?”

WHAT-WHEN-WHERE-WHY-HOW?!?!?!

“Jake. Ikaw pala.”

Bakit hindi si Greeeeg? ;<

“Yeah. I followed you because I want to know if there are other ways for your company in the prom.”

“No, that’s it. No more, no less.”

“Okey. I get it. But… are you gonna stay in my arms forever?”

“Wha--?”

Napansin kong sinasalo pa rin niya ako sa aking malagim na kahihiyan. Inayos ko ang aking sarili. Naku, nakakahiya.. Sana hindi yun nakita ni Greg.

“Thank you, Jake.

Makaalis nga! Kakainis. Bakit siya ang sumalo? Si Greg ang gusto ko. Si Greg. Greg. Greg.

-Lunch @ canteen-

“Hoy girl! Ang ganda mo na ah! Ehem.. Excuse me. MAS LALO kang gumanda. I didn’t imagine you would be this gorgeous. See? Napansin ka ni Jake. Everyone was talking about it.”

“PFT! Ginawa ko talaga to para kay Greg. Oo nga pala, sana wala pa siyang date..”

“Paulita, about that.. I—“

“Mamaya na, Maria. May isisigaw si Greg. I’m so excited. Baka napansin na nga niya ako..”

“Magandang tanghali sa lahat! Ako nga pala si Gregorio del Polaris. Hindi ko ikinakahiyang isisigaw to sa buong ekwelahan. My long-time girlfriend, Maria Estrella, will you be my date this prom?”

Long-time…girl..friend?

“Paulita, matagal ko nang gustong sabihin sayo to ngunit nawawalan ako ng lakas ng loob kapag nakikita kitang nag-di-daydream sa kanya. Girl, I’m sorry…”

“Sagutin mo na ang tanong ni Greg. Nakatingin ang lahat sa inyo. Sige, una muna ako. May gagawin lang ako sa room.”

Umalis ako nang luhaan. Para akong trinaydor. Sa buong panahon ng aming pagsasama, mukha pala akong tanga sa kanya. Palaging bukam-bibig ko ang pangalan ni Greg, ang boyfriend ng bestfriend ko. Ang sakit. Hindi ko alam kung anong mukhang ipapakita ko kay Maria. Hindi ko naramdaman ang sakit ng selos, kundi ang pagkahiya. Hiyang-hiya ako..sobra.

-PROM Night-

“Good evening, ladies and gents! As we all know, we’re now having our JS Prom, a must-have in our high school life. Now, are you ready to have some fun?”

“Yes, Jake! First, we will be showcasing the talents from the Glee Club”

“Wait, Paul. Aren’t we going to introduce ourselves? Well, my fellow students, the gorgeous lady in red in front of you is no other than…”

“This charming young lad is Jacob Henderson.”

Wew. Ayokong malaman ni Greg ang pangalan ng babaeng nagpakatanga sa kanya. Ayokong maalala ni Maria ang ginawa niya sakin. Ngayon, ibang tao na ako, hindi na ako tanga at inaapi. Pumuti na ang balat ko at unat ang buhok. Hindi ako mapapansin ni Maria’t ni Greg sa bago kong anyo.

“Charming young lad? Oh, thank you, Paul. Before I forget, I would like to confess something. Paul, you have always killed me with your smile. I love the way you speak Filipino fluently. I just love everything about you, even though you changed your appearance a bit. Paul, Mahal kita….tso-tso-o.”

o.o

He.. did he just…

“Jake, I have a date.”

“Oh, I see. Oh well, everyone has a date and I’m all alone, embarrassed in front of the whole school and—“

“My date is Jacob Henderson.”

He flashed that smile and we danced the night away. J

Ang hindi marunong gumamit sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda.

THE END

I made this story during our class in Filipino... Hindi dahil hindi ako nakikinig, kundi dahil....walang klase that subject. :3 in short, product of boredom. Thanks for reading!! :)

Continue Reading

You'll Also Like

21.6K 1.1K 17
(Epistolary ⌖ GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...
64.3K 4.1K 13
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
168M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.