Our Love Is Made In Davao
(۶•౪•)۶❤٩(•౪•٩)
By: FullOfHearts
Starring:
Kendrick Roque
AND ( ^◡^)っ✂❤
Liezel Vergara
"Panu pag nawala ako?" Seryosong tanong ni kendrick kay liezel
"Huh?Bakit san ka pupunta?" Tanong naman ni liezel na nagsalubong pa ang mga kilay
"Wala,What if lang...Anong gagawin mo?" Tanong ulit ni kendrick kay liezel atsaka tinitigan ito.
"Ano ka ba,Syempre malulungkot ako no!!Hahanapin kita kahit san kasi.....Mahal kita" Medyo natigilan pa siya lalo na nang sabihin niya ang kanyang nararamdaman.
"Totoo?" Nakangiting tanong sakanya ni kendrick
"Oo naman,Eh ikaw anong gagawin mo if ako naman yung mawala??" Ibinalik niya ngayon ang tanong at siya naman ang tumitig sa mga mata ni kendrick
"Alam mo kung ano??"
"Uhm...Hindi!!!"
"Okay,Nakikita mo to?" Sabay tinuro ang mukha niya ng kanyang kamay
"aah...Alam ko na yang sasabihin mo!!" Pilit ang tawang sabi ni liezel
"Ano?"
"Na you can't smile without ,ano?Tama ako no?"
"Panu mo nalaman??"
Tumawa naman muna si liezel bago sumagot,
"Syempre no!!Yung mga ganyang klase ng style parang mga kanta lang yan ni tom jones,Luma na!!"
"Ganun?Pero totoo yun,I can't smile talaga without you" Sabi pa ulit ni kendrick
"Di nga?"
"Oo nga,promise" Itinaas pa nito ang kaliwang kamay
"Promise?Eh madalas kaya kitang nakikitang nakangiti kahit di mo ako kasama eh!!" Nagpamaywang pa ito
"Oo,pero dimo ba napapansin iba ang ngiti ko sakanila sa ngiti ko kapag kasama kita?!Tulad ngayon oh!!Iba to'ng ngiti na to,Sayo ko lang to pinapakita" Sabi niya na may halong biro
"Uhhh...Ang sweet mo talaga!!"
"Mas sweet ka kaya"
"Talaga??"
"Oo,talagang talaga,kaya nga dapat sagutin muna ako para naman maging tayo na talaga" Hinawakan ni kendrick ang kamay ni liezel ng mahigpit
"Pero hindi pa pwede eh!!Ayaw pa ni mama" Sumimanggot bigla mukha ni liezel
"Ganito nalang...Ayy hindi ganito magpromise ka muna" Nagkatinginan ulit silang dalawa ng mata sa mata.
"Na ano??"
"Na sasagutin mo na ako kapag pumayag na yung mama mo na maging tayo!!" Sabi niya
"O...Oo naman syempre,pero panu?Anong binabalak mong gawin niyan?" Tanong niya
"Ako na bahala dun" Sabay dilat kay liezel
"Sure ka?" Paninigurado pa ni liezel
"Yup:)"
MAKARAAN ANG ILANG ARAW .... ♥(ˆ⌣ˆԅ)
"Balita ko may lakad ka raw ngayon?" Biglang sabi ni kendrick kay liezel.
Naglalakad nun si liezel mag-isa nung dumating si kendrick
"Kanino mo naman yan nabalitaan?" Tanong sakanya ni liezel
"Edi sa puso mo'ng walang ibang laman kundi ako" Biro sakanya ni kendrick
"At kailan mo pa nakausap ang puso ko ah?Alam mo ang korni mo" Pigil sa pagtawang sabi ni liezel
"Sama ka sakin mamaya" Yaya bigla ni kendrick kay liezel
"San tayo pupunta?"
"Sa People's Park" Sagot naman ni kendrick
"Bakit anong meron dun??"
"Ayaw mo??"
"Gusto,ikaw naman nagtatanong lang eh!" Hinila pa niya si kendrick at muling nagsalita
"Ngayon na ba?Okay lang kahit naka-uniform pa tayo?" Tumango lang sabay ngumiting hindi labas ang ngipin si kendrick bilang sagot nito
"Eh yun naman pala e ,Halikana!!" Nauna na siyang naglakad kay kendrick.
Sumunod narin naman sakanya si kendrick at tinungo na nga nila ang People's Park na sikat dito sa davao city.
////////////////////////////////////////////////////////////////////////
"Tara pasok na tayo ms.Liezel Vergara??" Pabirong tanong ni kendrick ng makarating sila sa tapat ng People's People
"Chee!!Ano pang pinunta natin dito kung di naman tayo papasok ha?Mr.Kendrick Roque" Sagot naman niya may halong biro din.
Pinisil naman bigla ni kendrick ang pisngi ni liezel
"Ang cute mo talaga" Sabi niya pero tinapik at dinilaan lang siya ni liezel
"Papasok na ako" Nauna na nga si liezel maglakad pero sinundan lang din siya ni kendrick
"San tayo niyan??"Tanong ni kendrick
"Dun muna tayo sa other side of sunken garden,Diko pa napupuntahan yun at alam kong ikaw din pero maganda dun promise"
"Okay"
Pinuntahan nga nila ang other side of sunken garden.
Isa ito sa madalas puntahan ng mga tao kapag nandito sila sa people's park.
Ang buong paligid kasi nito ay punong puno ng halamang kulay purple.
"See,i told you maganda dito" Sabi pa ni liezel na nakatayo sa pinakagitna
"Oo na po" Matipid niyang sagot
"Halika dun naman tayo sa loob ng Durian dome" Mabilis na hinawakan ni liezel ang kamay ni kendrick at sabay nilang tinakbo ang durian dome
"Wooww!!Grabe ang ganda talaga dito di nakakasawa" Manghang sabi ni liezel
"Oo,di talaga nakakasawa dito,mukhang aabutin tayo ng gabi dito kalilibot ah?" Natigiilan naman bigla si liezel sa sinabi ni kendrick na ngayo'y abala'ng nililibot ng kanyang mga mata ang buong paligid .
Pero maya-maya ay nagsalita na din ito na halatang biglang nag-alala.
"Oo nga pala kendrick,mag-a-alas singko na umuwi na tayo baka hanapin na ako ni mama neto" Nagmamadaling yaya nito na aktong aalis na sana pero pinigilan siya ni kendrick
"Oh Bakit??Halikana kendrick"
"Oo sige,dun na tayo dumaan sa may open area" Yaya ni kendrick na agad naman nilang pinuntahan.
"Bilisan natin"
"Lagot ako neto kay mama"
"San na tayo lalab...." Natigilan sa pagtakbo si liezel ng mapansin niyang wala sa kanyang likuran si kendrick
"Kendrick??" Mahina niyang sabi sabay tumingin-tingin sa paligid.
San naman kaya pumunta yun!!!
Babalikan sana niya si kendrick sa durian dome nang magtxt ito sakanya...
"Nandito ako sa may walkway,san ka ba dumaan??" Pero ang totoo niyan sinadya talaga niyang umiba ng punta.
"Ano?Anong ginagawa mo jan?E sumusunod ka lang naman sakin?!!" Tanong niya sa text
"E kasi kala ko ikaw yung kaninang sinusundan ko iba pala!!" Pagsisinunggaling pa niya
"Hintayin mo ko jan,ako nalang pupunta jan" Hindi naman nagawa pang i-send ni liezel ang kanyang text kay kendrick ng bigla niyang makita ang kanyang nanay na naglalakad mag-isa.
Sa kanyang bigla ay kinusot pa nito ang kanyang mga mata para magbakasakaling siya'y namamalikmata lamang pero hindi,nanay niya talaga ang nandito ngayon sa people's park.
Patay,si mama,anong ginagawa niya dito:(
Mabilis na tumakbo si liezel papunta sa walkway at agad na hinanap si kendrick.
At nang makita niya ito ay agad-agad din niya itong hinila palayo ng walkway hanggang sa ang marating nila ay ang Going down.
"Kala ko ba uuwi na tayo,ba't tayo pumunta dito sa going down atsaka bakit ang lamig ng kamay mo?" Tanong ni kendrick kay liezel
"Si mama kasi nakita ko kanina!!" May pag-alalang sabi ni liezel
"Huh??Yung mama mo?" Gulat gulatang sabi ni kendrick sabay tumawa ng hindi kalakasan
"Ano ka ba,ba't ka tumatawa jan?!Tumigil ka nga para kang ewan jan!!" Saway ni liezel pero nakabusangot pa din
"Alam mo,wag ka ng mag-alala jan,ako bahala" Sabi nito
"Puro ka nalang ikaw bahala wala namang nangyayari eh!" Sagot naman ni liezel pero kasunod nun ay narinig niya ang boses ng kanyang nanay na tinawag siya,
"Ma??"
"Kanina pa ba kayo dito?Pasensyana kung natagalan ako" Sabi ng mama ni liezel na mas ikinagulat niya.
Napatingin pa si liezel kay kendrick bago sumagot sa kanyang nanay
"Ma,Magkakilala po kayo?Dipo kayo galit sakin,Ano po'ng ginagawa mo dito?" Sunod-sunod niyang tanong
"Ba't naman ako magagalit may ginawa ka bang masama?Ha?" Nakatingin ngayon sa kanya ang nanay niya
"Kasi po..." Naputol siya sa pagsasalita ng biglang suminggit si kendrick
"Liezel diba sabi ko sayo ako bahala?"
"Ano??"
"Heto na yun liezel" Tumingin pa ito sa nanay ni liezel
"Ba't dimo sinabi saakin liezel anak na may nanliligaw sayo??" Tanong ng nanay ni liezel
"Ma,kasi po...Bawal po diba?" Naguguluhang sagot nito
"Ang sabi ko bawal ka pang magboyfriend,Pero kung sinabi mo namang may nanliligaw sayo edi sana noon pa nakilala ko na itong si kendrick" Sabi pa nito na mas lalo pa'ng nagpagulo kay liezel
"Ano po'ng ibig mong sabihin ma?" Tanong ulit ni liezel pero si kendrick na ang sumagot
"Galing ako nung isang araw sa bahay niyo,kinausap ko ang mama mo at sinabi ko na" Paliwanag niya
"Sa bahay??Ba't di kita nakita?"
"Wala ka nang pumunta ako sainyo at sinadya ko talaga iyon para mangyari to ngayon"
"Totoo po ba yun ma?" Tanong ni liezel
"Oo anak,Osya mauna na ako sainyo,Ikaw nang bahala kay liezel ha?" Ngumiti ito kay kendrick,nagpasalamat naman sakanya si kendrick bago ito tuluyang makaalis.
"Alam mo bilib na ako sayo" Mahina pero may laman na sabi ni liezel kay kendrick habang pinagmamasdan nilang dalawa ang nanay ni liezel na papalayo.
"Panu mo nakausap ang mama ko ng ganun ganun nalang?" Segunda niyang tanong
"Lakasan lang ng loob kasi mahal kita at alam mo yun"
Natahimik naman si liezel
"Oh panu ba yan,Okay na sa mama mo na nililigawan kita...Edi ibig bang sabihin nun sasagutin mo na din ako?" Nagpa-cute pa ito sa harap ni liezel
"Nagpapa-cute ka pa jan,Eh alam ko naman na noon pa gustong-gusto na kitang sagutin pero dahil okay na....Sige" Napakagat pa siya sa kanyang babang labi samantalang ang kanyang mata ay di makatingin ng diretso kay kendrick
"Anong sige????Tayo na??" Paniniguro pa ni kendrick
"Uhm...Oo" Sabay ngumiti
"Yes!!!Thank You Lord" Medyo may kalakasang sigaw ni kendrick sabay niyakap si liezel.
Nagsitinginan naman sakanila ang ibang tao'ng nasa going down rin.
"Thank You,Thank You" Bulong niya kay liezel
"Salamat din kendrick"
"Pangako liezel ako ang magiging best boyfriend ng buhay mo"
"At pangako rin kendrick na ako din ang magiging best girlfriend ng buhay mo" Mas humigpit pa ang kanilang yakapan na dalawa
"Basta ah??Promise natin to sa isa't-isa na kahit mawala man ang isa sa atin,Ngingiti pa din tayo kasi may God tayo na handang gumabay saatin" Segunda niyang sabi
"Oo sige pero hindi ko hahayaang mawala ka sa buhay ko kasi pag nangyari yun hindi lang ako ang malulungkot pati na din si God" Sabi naman ni kendrick
"Bakit naman?"
"Syempre tayo kayang dalawa yung pinagtagpo at pli-nano niyang magmahalan tapos mawawala ang isa sa atin diba?"
"Tama ka:)"
"ILoveYou" Masayang bulong ni kendrick kay liezel
"Alam ko...I love you too:)"
The End. ♥(✿ฺ'∀'✿ฺ)ノ
Author's Personal Quote:
"Love Can Make You Smile"
Thanks For Reading !!!!