Taming The Mafia Queen (COMPL...

By bitchymee06

1M 40.1K 5.2K

TEENFIC|ACTION|MATURELANGUAGE #COMPLETED Guns are her weapons; blades are her partners; and bombs are her shi... More

TTMQ
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
FINAL CHAPTER
PREORDER IS NOW OPEN!

CHAPTER 28

21.7K 825 6
By bitchymee06

AS Prexia and I reached the ground floor we nodded at each other, then parted ways. Hindi pa man ako nakalalabas ng gusali ay agad na akong sinalubong ng mga putok ng baril mula sa mga nakapasok na kalaban. Mabilis akong nagtago sa isang pader at kinuha ang baril ko sa likuran, pumosisyon ako at inasinta ang apat na kalaban habang patuloy na dumedepensa sa pagpapaputok nila.

Isa, dalawa, tatlo, magkakasunod na pagpapakawala ko ng bala kasabay ng pagbagsak ng mga duguan nilang katawan. Umikot ako patungo sa kanan ng tinataguan kong pader at binaril ang isa pang natira.

"Are you okay, my lady?" usisa ni Lanz mula sa earpiece na nakakabit sa 'kin.

"Nakita mo ba si Kakia?" balik kong tanong at kumilos palabas ng gusali.

"Hindi ko pa siya napapansin," sagot ni Lanz sa kabila ng maiingay na putok ng baril sa linya niya.

"Prexia, napansin mo ba?" sunod kong tanong sa kaibigan ko.

"Not yet," she answered as I heard a clashing of blades on her line.

Nagsalubong ang kilay ko sa pagtataka at muling nagmasid sa paligid. Nagtago ako sa isang sulok at pinagmasdan ang mga nagkalat na kalaban.

"Ilan ang kalaban mo riyan sa hilaga, Lanz?"

"Around fifty."

"South, Prexia?"

"I can't count them properly, but I am sure they are around fifty as well."

I gritted my teeth as I darkly stared at the enemies around me. "Let our underlings handle this. Let's meet in the middle," I ordered coldly, gripping my sword on my left hand as I prepared my gun on my right.

Lumabas ako sa 'king pinagtataguan dahilan para sunod-sunod na sumugod sa 'kin ang mga kalaban. Dalawa ang naunang tumakbo patungo sa direksyon ko, iwinasiwas nila ang hawak nilang espada para asintahin ang aking leeg ngunit mabilis akong yumuko at saka hiniwa ang tiyan ng isa habang pinaputukan ko naman ulo ng isa pa.

Parang hangin akong tumakbo upang maiwasan ang parating na bala galing sa tatlo pang sumugod na kalaban. I kept running to dodge the bullet as I went towards them. I smirked devilishly when I saw them panic at my presence.

That's it. Be scared of me, assh*les.

"Die," I uttered, and I slashed the throats of the two opponents. Nagsimulang kumilos paatras ang isa pang natira, nagbabalak na tumakas habang nananatili ang pagpapaputok patungo sa 'kin.

Tulad ng ginawa ko kanina ay mabilis kong iniwasan ang mga iyon. Hindi na mahirap sa 'kin ito sapagkat sinanay ko ang aking sarili noon pa sa pagpapatalas ng pakiramdam ko upang makalkula ang bilis at direksyon ng bala mula sa nagpaputok nito.

"Game over," I stated, and I smiled emptily as the enemy's face went pale. His gun just ran out of bullets.

"Spare me." He stepped back as I walked closer.

I licked my bottom lip and lowered my gaze to my weapons. "How should I kill you?" walang emosyon kong tanong at tumigil sa paglalalakad saka siya tiningnan.

Mas lalo pa siyang nawalan ng dugo ngayon sa sobrang putla. I laughed evilly and aimed my gun at him. Nanlaki ang mga mata niya at mabilis na tumakbo.

Marahan akong umiling at itinaltik ang aking dila. "No matter how far you ran, you can never escape my bullet." I then pulled the trigger, watching him fall to the ground, lifeless.

Kumilos akong muli upang magtungo sa pinagkasunduang lugar. Marami pa ang kalaban na sumalubong sa 'kin ngunit ni isa sa kanila ay wala man lang nakatama sa 'kin, bagay na lalong ipinagngingitngit ng loob ko.

Mga baguhan.

"My lady," usal ng reaper kong si Lanz habang lakad-takbong lumapit sa 'kin. Tulad ko ay ni isang galos ay wala man lang siyang natamo.

"Yura." Sunod na dumating si Prexia habang hawak ang duguan niyang espada.

"Call the headquarters," I commanded Lanz.

Agad naman niyang inilabas ang kaniyang telepono habang nanatili ang atensyon sa paligid.

"Fvck!"

We all cursed in unison as we ducked on the ground, a loud explosion had occured.

Nasisigurado kong nagmula iyon sa isa sa mga gate ng eskwelahan. Ilang minuto mula ngayon ay may mga kalaban na muling papasok sa kinalulugaran namin. Hindi nga ako nagkamali nang matanaw silang tumatakbo patungo sa 'ming direksyon. Humanda kaming tatlo sa pagdepensa pati na rin ang iba kong underlings na nakakalat sa paligid.

"Kumukuha sila ng tiyempo para maisagawa ang tunay nilang plano. Kailangan nating makalabas dito para malaman natin kung ano ang gusto nilang gawin," walang emosyon kong saad sa dalawa.

Isang tipid na tango ang kanilang pinakawalan bago kami sabay-sabay na kumilos upang salubungin ang atake ng kabilang pangkat. Sipa, wasiwas, suntok, at putok ang aming pinakawalan sa bawat kalaban na nadidikit o naaasinta ng aming mga armas. Ang iniiwasan kong pagdanak ng dugo ay tuluyang tumambad sa 'king harapan.

"Make a way!" maawtoridad kong sigaw sa 'king mga tauhan habang nilalakad namin ang ruta palabas na agad nilang sinunod.

Sila ang umasikaso sa pakikipaglaban at pilit kaming binigyang daan upang makaalis. Nagtungo kami ng reaper at kaibigan ko sa isang kotse saka magkakasamang sumakay. May mangilan-ngilan pa ring kalaban ang nakalulusot at nahahabol kami ngunit agad silang binabawian ng buhay gamit ang espada ni Prexia.

"Keep calling the headquarters, Lanz," I coldly spoke and got my phone to call my brother.

Naroon ang kaba sa 'king dibdib na pilit kong itinataboy. Inaasahan ko na sila ang pupunteryahin ng kabilang organisasyon, pero umaasa pa rin ako na maisasagawa nang maayos ang plano.

Lanz started driving as he connected his phone to the car speaker. Si Prexia naman ay tutok sa pamamaril sa nasa likuran ng aming sasakyan, sinisigurado na walang makasusunod ni isa.

"Damn, answer the fvcking phone, kuya," I murmured, but his phone still kept ringing on the other line.

Sunod ko namang tinawagan si Takeo. Kagat-labi kong pinakinggan ang pagtunog ng linya niya, tahimik na umaasang sagutin niya iyon ngunit tulad ng kay kuya ay nanatili lamang iyon na humuhuni. Mas lalong kumabog ang aking dibdib sa ideyang pumapasok sa 'king isip. Nangangatal kong pinindot ang numero ni Daddy, nakadadalawang ring pa lang iyon ay agad na niyang sinagot.

"Hija," aniya sa malalim na boses.

I swallowed hard and forced myself to speak. "N-Nand'yan na ba ang mag-ama ko, Dad?"

Imposible man ay umaasa akong sasabihin niyang oo.

Hindi naman agad siya sumagot pagkatapos niyon hanggang sa isang buntonghininga ang kaniyang pinakawalan. "We're going there in the Philippines; I'll bring it back up. Stay alive, Yura Zhynn," he said instead of answering me.

Mariin akong napapikit at mahigpit na napahawak sa 'king telepono.

"My lady," Lanz called my attention.

Nanghihina at walang buhay akong tumingin sa kaniya. "Tell me, Zakiah's safe," agap ko.

He lowered his gaze and half-focused on the road. "Napasok nila ang headquarters at nakuha si milady," pahinang aniya.

For the second time, I shut my eyes tight and called Xirenn's number. Hindi pa man iyon nakadadalawang ring ay agad na niyang sinagot na animo'y hinihintay sadya ang aking pagtawag.

"Don't ever lay your fingers at them, Kakia."

She let out a devilish laugh. "Do you like my surprise, Alectrona?" she mocked.

I gritted my teeth, trying not to burst. "You started this war, Kakia. Asahan mong ako mismo ang maghahatid sa 'yo kay Lucifer," malamig kong wika sa kabila ng nag-uumapaw kong galit.

Muli siyang nagpakawala ng malakas na tawa. "Funny, Alectrona. Baka mauna pang makita ng mga bihag ko si San Pedro," kutya niya.

"I will kill you first," I uttered and dropped the call.

"Y-Yura," pakinig kong sambit ni Prexia, bakas ang takot sa kaniyang tono habang nakamasid sa 'kin.

I slowly looked at her and smiled. "Why are you so scared?" Then I glanced at my reaper, who's sternly driving the car.

"Did you get the location?" I asked.

I saw him gulp and slowly nod. "You need to calm down, my lady." Minsan pa niya akong binalingan ng tingin, magkahalong pag-aalala at takot ang nasa kaniyang mga mata.

Umismid ako at sumandal sa 'king inuupuan. "Drivefaster, Lanz. May ihahatid pa ako sa impyerno."

Continue Reading

You'll Also Like

46.5K 1.5K 39
Heart Rosenstein is a known brat that was spoiled rotten by her grandparents . Everything that she wishes for was given because it is the only way th...
630K 16K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
17.7K 1.5K 67
'Nice talking are only for nice people. Nice ka ba? And yes I'm rude cuz that's my name...' Loving someone is easy. It may seems hard but it's not...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.