The Dork Knight (Published by...

By isay_pasaway

19.7K 551 318

He's the hero she deserves, but not the one she (thinks she) needs... Parang sa bagyo, dumating sa boring na... More

Chapter One - The Snowhite - Dork Collision
Chapter Two - The Stuttering-Inducing Solution
Chapter Three - The Hunk-In-Dork's-Clothing Effect
Chapter Four - The Graymail Tactic
Chapter Five - The Friendship Sublimation
Chapter Six - The Victoria Avellana Complexity
Chapter Seven - The Third Party Occurrence
Chapter 9 - The Selfless Love Paradigm
Chapter 10 - The Dorkest Hour

Chapter Eight - The Heart Fragmentation Potential

988 44 9
By isay_pasaway

"Emerghed, is he like asking your daddy for permission to court you?"

Nanlaki ang mga mata ni Tori nang marinig ang tinig ni KC sa kanyang likuran. Katabi nito ang humahagikgik na si Joe-Joe.

Kasalukuyan siyang nanunubok kina Kiel at sa daddy niya na nag-uusap sa library. Katabi lang ng kuwarto niya ang nabanggit na silid at hindi naman iyon soundproof, pero wala siyang marinig mula sa kabila kahit idikit niya pa ang tainga sa dingding.

Napasimangot na naupo siya sa kama. "You wish."

"You wish," hirit ni Joe-Joe na sinimangutan lang niya.

Yep, nababanggit na niya nang konti sa mga kaibigan ang tungkol sa tutor niya. Hindi niya binanggit na crush niya ang binata, pero somehow, mukhang nahulaan iyon ng dalawa.

"Magpapaalam lang siya kay Dad kasi hindi na niya ako tutor-an."

"Eh? What about the phone that he has to make bayad for?" Si KC.

"He paid for it in cash. Buti pa nga siya, bayad na. Ako, ni wala pa sa one-half." Ang ginawa ng daddy niya, binawasan ng certain amount ang kanyang allowance at iyon ang bayad niya para sa phone na nahulog sa drainage.

Namilog ang mga mata ng dalawa, at saka sabay na bumulalas.

"What did he do? He made utang sa 5-6?"

"OMG, don't tell me nang-holdup siya ng bank?"

Pinaikot niya ang bilog na mga mata. "No! Binayaran niya ng personal savings niya."

"Emerghed," namilipit na sambit ni KC. "That's so sweet. As in so sweet talaga!"

"Sweet?" asik ni Joe-Joe. "Come on! It's like he spent money just so he won't have to be forced to see Tori."

"Aww."

Medyo masakit ang tama niyon sa damdamin ni Tori. Hindi naman siguro ganoon. 'Wag naman.

"Nakakahiya nga eh," aniya. "He said, medyo masikip na raw kasi ang schedule niya kaya hindi na maisisingit 'yung pagtu-tutor. You know, he has a lot of jobs."

"Oh, right. I heard he works as tagapinta and taga-kinis ng mga wooden sofas in a furniture manufacturing company. On weekends yata. So yeah."

Muling nakonsyensya si Tori. Nahihiya siya sa lalaki dahil bukod sa ginulo niya ang sched nito, nagastusan pa ito ngayon.

Pinigilan niya itong bayaran ang phone, sa totoo lang. Nanghihinayang kasi siya sa pinaghirapan nitong ipuning pera para ipambayad lang sa nauwi sa walang luho niya. Ang ganda pa naman ng plano nito sa perang iyon, nasayang lang dahil sa kanya.

"Shucks, why are you crying?" biglang sambit ni KC.

Kumurap si Tori. "Inaantok lang ako." Kunwaring naghikab siya at nagkusot ng mata, pero alam niyang alam ng dalawang peke ang reaksyong iyon.

"You'll still see each other kahit di mo na siya tutor, right?" Si Joe-Joe.

Nagkibit siya ng balikat. Hindi niya alam ang sagot doon, ang alam lang niya, ngayon pa lang, nami-miss na niya ang dork knight niya.

*****

"'Andyan na po ba si Kuya?"

Iyon ang nagpagulat kay Tori mula sa pagtitig sa hawak na cellphone. Hinihintay kasi niya ang reply ni Kiel sa text message niya.

Hinarap niya ang isa sa mga batang tinuturuan. "Wala pa, Erica, eh. Baka na-traffic lang."

Sa totoo lang, hindi siya sigurado sa sinabing iyon. Walang ipinangako si Kiel na pupunta ngayong gabi, bagaman inaasahan talaga niyang naroon ito ngayon.

Pero sa loob-loob ay kinakabahan siya na baka kagaya ng nakaraang gabi sa dress rehearsal, bigla na lang itong nag-text na hindi na makakarating.

Nitong nakaraang linggo, hindi sila nagkita dahil nga hindi na sila nagtuturuan. At miss na miss na miss na niya ito.

"We'll start in five minutes, guys. Get ready," anang kanilang floor director.

Minabuti niyang alisin muna sa isip si Kiel at mag-focus sa concert. Inakay na niya si Erica pabalik sa backstage at pinangunahan ang mabilis na prayer.

Ilang minuto matapos, naroon na sila sa stage at abala na siya sa pagko-conduct. Smooth naman ang daloy ng show at walang nagkamali. Hindi mababakas kaninuman sa mga bata ang nerbyos, siguro kasi sa isip ng mga ito ay laro lang ang lahat ng iyon.

Mabuti pa sila; si Tori kasi kabadong-kabado dahil unang beses niyang ginawa iyon.

Panay palakpak ang nakuha nila mula sa audience, pero hungkag ang pakiramdam ng dalaga. Bakante pa rin ang seat na nireserba niya para kay Kiel, at gusto niyang maiyak dahil lang wala roon ang isang tao—iyong nag-iisang taong gusto niyang pasikatan at maringgan ng compliments.

Iyong taong nakasaksi personally sa gulo at hirap nila habang nagpapraktis. Iyong walang pagdadamot na nagbigay ng talent at kaalaman sa kanila para mas ma-improve nila ang performance nila.

Pero hindi puwedeng makita ng mga alaga niya ang kanyang disappointment.

Niyakap niya isa-isa ang mga bata pagbalik nila sa backstage.

"Ang gagaling n'yo, muntik na 'kong mabingi sa lakas ng palakpak ng mga tao!" aniya at naghiyawan ang mga ito sa tuwa.

"Oo nga, puwede na kayong front act ni David Garrett," sabat ng isang tinig na ikinatigil niya.

Naglingunan ang mga bata sa dakong pinagmulan at nagtilian ang mga ito. "Kuya Kiel! Andito ka po!"

"Siyempre naman, puwede ba namang hindi ko kayo panoorin? Kayo pa, eh, pinakapaborito ko kayong chamber symphony sa buong Milky Way Galaxy!"

Naghagikgikan ang mga bata.

Pakiramdam naman ni Tori ay naging human plantsa siya sa init ng mukha niya kahit nakatalikod siya sa mga ito.

"Hi, Victoria."

Napilitan siyang humarap dito. Nakangiti ang binata sa kanya at guwapong-guwapo. Dahil formal kasi ang dress code sa konsyertong iyon, naka-tux ito minus tie. Wala rin itong suot na salamin sa mata. Makatunaw-logic ang ngiti nito as usual.

"Ang ganda natin ngayon, ah," bati nitong medyo nag-blush pa. Alam niya, katerno niyon ang nag-iinit din niyang mga pisngi.

"Maka-atin ka diyan, ako lang ang maganda," aniyang ikinatawa nito.

Nag-pout siya habang palapit dito. "Di nga, nakikita mo ako? Wala kang suot na salamin."

"Contacts," nakangiti pa ring sagot ni Kiel, bagaman halatang nahihiya.

And she wondered kung may ideya ba ang lalaking ito kung gaano ito kasarap titigan. She decided, it's time she let him know that truth.

She smiled. "Bagay naman." Itinaas niya ang kamay at kinurot ito sa pisngi. "Ang guwapo mo lalo." Kung lasing si Tori, pwede niya sigurong idagdag na sinipa na nito si Jon Snow sa pagiging number 1 crush niya.

Lalo itong nag-blush. "'Wag mong masyadong lakasan, baka maniwala pati 'yung mga nasa labas," biro nito.

Tumawa siya at niyakap ito sa kabiglaan ng lalaki. "I'm glad you're here." Agad niya rin itong binitawan kahit pa gusto niyang magtagal sa bisig nito. "Libre mo naman kami ng dinner."

Tiningnan siya ng lalaki nang masama nang magsigawan sa tuwa ang mga paslit.

Gigil na kinurot niya ang pagitan ng magkasalubong nitong kilay. "Na-miss ko 'yan. Hahatian kita sa bill, don't worry," aniya.

*****

"Pa'no ka makikipag-date sa girlfriend mo kung ganyan ka kakuripot?" bulong niya habang palabas ng auditorium.

Dahil sinundo na ng kani-kanilang mga magulang na may sari-sarili ring treat para sa mga ito, hindi na nila naisama sa restaurant ang mga bata. Pinangakuan na lang niya ang mga estudyante na iti-treat sa susunod na Linggo. Sila lang tuloy dalawa ang kakain sa labas.

Misteryosong ngumiti si Kiel. "Sasama ko siya sa European trip na pinag-iipunan ko."

Natigilan si Tori. Parang gusto na niyang maiyak sa inggit sa sinumang mapalad na babaeng iyon.

"T-that's... sweet," halos hindi niya nasabi.

"Saka pag may trabaho na ako at kumikita ng sarili kong pera, siguro naman hindi na ako masyadong magtitipid. Malay natin."

Lihim siyang bumuntong-hininga. Pakiramdam ni Tori, may kulang. Parang may nabago sa pagitan nila.

Bakit parang kulang sa warmth ang pakiramdam niya sa pakitungo sa kanya ng kasama? Siya lang ba iyon? Wala siyang basehan, pero ganoon ang nararamdaman niya.

"Kiel..." tawag niya habang patungo sa parking lot. Naitakas niya ang kotse nila dahil wala uli ang daddy niya at bitbit niya ang kanyang student driver's license.

Tiningnan siya nito. "Yes?"

"Nasa L.A. si Pops ngayon hanggang next week. Puwede mo ba akong samahan uli sa Baler sa Saturday? Please? Wala lang kasi akong ibang maakay, eh."

Hindi niya alam kung bakit bigla niya na lang iyong naisipan ngayon. Pakiramdam lang kasi ni Tori ay na-miss niya nang husto si Kiel at gusto niya itong maka-bonding uli.

Sa gulat niya, tumiim ang mga labi ng kaharap na para bang nagalit. "Ano na namang kasinungalingan ang ipagpapaalam mo sa daddy mo?"

Para iyong ice pick na isinaksak sa puso niya, pero totoo naman kaya hindi siya nagalit.

"Na pupunta ako kina Lola," aniya.

"At ano'ng idadahilan ko sa tiyahin ko, sasabihin ko bang may project uli? O overnight something naman?"

Kumunot ang noo ni Tori sa tumaas nitong tono. "Galit ka ba? Kung ayaw mo akong samahan sa Aurora, sabihin mo na lang. Natatakot ka lang yata sa tatay ko, kung anu-ano pa ang dinadahilan mo!" Tinalikuran niya ito.

"Tori?"

Natigilan sila pareho nang marinig ang boses. Sabay silang lumingon sa pinanggalingan ng tinig.

Madilim ang mukha ng ama. At parang nahuhulaan na niyang narinig nito ang mga pinagtatalunan nila ni Kiel.

****

Nag-aalala pa rin si Kiel. Kahit habang nagbabasa ng children's book para pampatulog sa pinsang si Carl, hindi pa rin maalis sa isip niya ang hitsura ni Tori kanina nang maghiwalay sila.

Malungkot ito, takot at galit sa kanya. Ang tanging nagpapalubag ng loob niya ay ang sinabi sa kanya ni Mr. Avellana bago siya pumayag na iwan si Tori rito.

"She's my daughter, Kiel, and I love her. Hindi ko siya sasaktan, I promise you. Mag-uusap lang kami. Sasabihan ko siyang tawagan ka pagkatapos naming mag-usap. Sige na, Hijo, umuwi ka na. Ako na ang bahala kay Tori. And thank you for caring for her."

Hindi malinaw kung paanong nandoon si Mr. Avellana gayong ang pagkakaalam ni Tori ay nasa Amerika ito.

Naputol ang wala sa loob na pagbabasa niya nang marinig ang ringtone ng Nokia 8210 niya. Si Tori ang tumatawag kaya madali niya iyong sinagot.

"Tori, hello! Kumusta ka? Okay ka lang ba?" sunud-sunod na tanong niya.

Singhot ang narinig niya. "'Andito ako sa tapat ng bahay ninyo."

"Ha?" Nagulat na sumilip siya sa bintana at nakita nga ang isang anino sa tapat ng bahay. Madilim doon dahil napundi ang ilaw at hindi pa napapalitan.

Nalimutan ang pinsan na mabilis siya lumabas ng silid. Nang umiyak si Carl, saka lang niya ito naalala. Minabuti niyang kargahin na ito at isama palabas ng pinto.

Mabuti na lang, wala ang mga tiyahin niya at pumunta sa lamay ng isang katrabaho ng tiyuhin niya.

Bumulaga sa kanya si Tori na tigmak ng luha ang mukha.

"Ano'ng nangyari? Sinaktan ka ba niya? Are you hurt?"

Umiling ito. "Not physically."

"Pumasok ka muna." Ibinukas niya ang pinto nang mas maluwang at minuwestra sa babae ang sofa. Nangunot ang noo niya nang makita ang malaking bag na bitbit nito.

"Okay lang bang dito muna ako titira? Pansamantala lang."

"Ha?" gulat na ani Kiel. Hindi alam kung paano magpapaliwanag, sinubukan niya ang diplomasya. "Ano ba talaga ang nangyari?"

"May hinala na pala siyang may ginagawa akong kung anu-ano so sinabi lang niyang aalis siya pa-L.A. para hulihin ako. Sinundan niya ako kaya nand'un siya sa parking lot kanina. Nagalit siya dahil sa mga pagsisinungaling ko at pag-alis nang hindi niya alam. Ginround niya ako."

"'Yun lang?"

Tumango ang dalaga.

Huminahon siya at marahang naupo sa katapat nitong sofa. Ibinaba ni Kiel sa tabi niya ang pinsang nanlalaki ang mga mata sa bisita.

"Tori, normal iyon. Anak ka niya kaya siya nag-aalala para sa 'yo. Nagagalit siya dahil natatakot siyang baka may mangyari sa 'yong masama d'un sa mga pinupuntahan mo na hindi niya alam kung saan."

"Hindi niya ako anak," buong pait nitong sagot.

"Hindi nga by blood. Pero anak ang turing niya sa 'yo. Mahal ka niya. Pinatawad ka niya sa mga maling nagawa mo dati, patatawarin ka rin niya ngayon. Sigurado ako r'un. 'Wag ka lang magmatigas at sumunod na lang muna."

Umiling ang kausap. "No, ayoko d'un. Ayoko munang umuwi o makita siya. I hate him!"

"But you can't stay here," aniya.

Namilog ang mga mata ng dalaga sa tahasang pagtanggi niya rito.

"Pasensya ka na, pero hindi kita puwedeng patuluyin dito. Alam mo namang nakikitira lang din ako. Nakakahiya kina Tiyang. Baka isipin, hindi na nga ako nagbabayad ng upa, nagsama pa ako ng gagamit ng kuryente at tubig niya."

"Then, I'll pay rent!"

"Saka ano ang sasabihin ko sa kanila pag nagtanong sila kung bakit ka nandito?" patuloy niyang parang hindi ito narinig. "Iisipin nilang tinanan kita. Mabuti pa, ihahatid na kita sa inyo. Iiwan ko lang itong bata sa kapitbahay—"

"You're just afraid of my dad!" asik nito.

Natigilan si Kiel sa akmang pagbuhat kay Carl at tumawa nang pahaw. "Ang bait-bait ng tatay mo, Tori, wala akong dapat ikatakot sa kanya."

"Ang duwag mo talaga!"

Tumiim ang mga bagang niya, pero nanatiling mababa ang tono. "Hindi ako duwag, ayoko lang ng nagsisinungaling. Ayoko ng nanloloko, gusto ko tapat ako sa lahat."

Ngumisi ito nang nang-iinis at dumerecho ang ngitngit sa ulo niya dahil sa asar. "I don't think so. You can't even be true to me!"

Kumunot na ang noo ni Kiel. "Ano'ng ibig mong sabihin?"

"Why don't you just tell it to my face? Sabihin mong ayaw mo akong kasama at napilitan ka lang noon. Na bad influence ako sa 'yo. Bakit ba kung anu-ano pa'ng sinasabi mo d'yan?"

"Hindi 'yun 'yon, Tori."

"Iyon 'yun! Ayaw mo 'kong makasama dahil tinuturuan kitang magsinungaling, ginugulo ang sched mo, 'tapos napapagastos ka pa." Tumayo ito at bitbit ang bag na tinungo ang pinto.

"Makinig ka nga muna." Inabot niya ang kamay ng dalaga, pero mabilis nitong binawi iyon.

"Ayokong makinig! Sige na, hindi na kita guguluhin. Stay safe in your comfort zone. Goodbye, backbone-challenged Ezekiel Verdadero."

Sa malas, natakot ang bata sa sigawan at agad umiyak. Binuhat ito ni Kiel at hinabol ang dalaga sa labas ng bahay. "You know what you are? You're a brat!"

Napahinto ito at marahas siyang nilingon. "Bawiin mo ang sinabi mo," matalim nitong asik.

"Why should I? Totoo naman 'yun. Gusto mo lang paniwalaan ang gusto mong paniwalaan. Nagagalit ka sa tatay mo dahil tinuturing ka niyang parang tunay na anak kahit ampon ka niya? What the...?" asik niya. "Hindi nahahalata ng kahit sino na hindi ka niya tunay na anak, that only means one thing: mahal ka niya at tunay na anak ang turing niya sa 'yo! Pero imbis na maging thankful, pinasasakit mo ang ulo niya. Ang ingrata mo! Spoiled rotten ungrateful brat, iyon ka."

Agad niyang pinagsisihan ang mga sinabi nang makita ang pagdaloy ng luha ng kaharap.

"Tori, I... I'm sorry."

Humikbi ang babae. "No, you're not." Tumalikod at tumatakbong lumayo.

Tarantang dinala niya si Carl sa bahay ng yaya nito na nand'un lang din sa kapitbahay. "Sandali lang, Ate Glenda. Babalik ako kaagad," aniya sa ginang na nagulat sa bigla niyang pagdating.

Matapos ikandado ang bahay ng tiyahin, tinungo niya ang mga kalsadang dinaanan ni Tori.

Nanginig ang mga tuhod niya nang matagpuan ang dalaga na kino-corner ng dalawang lasing.

Continue Reading

You'll Also Like

7.6K 244 87
"Gusto ko ako lang gusto."
352K 1.6K 5
Forever... Apfff... Masaya na akong nakikitang masaya ang mga kaibigan ko. Ayaw ko na ng sakit sa ulo. Control freak gaya ni Red? No thank you very...
1.9K 33 7
Sevito #1: Loving you, Mr. President [EDITING] [KYLE JUSTIN PARK] Synopsis Kyle Justin Park known as the former Student Council President of SSU. Ye...
6.8K 973 38
/COMPLETED/ Maurine Acraine Suarez known as a badgirl at their campus but when he met Kean Blake Lopez known as the nerd who transfer at their campus...