South Boys #1: Kiss Master (P...

By JFstories

14.6M 749K 405K

He's as loyal as a dog who follows her around, but that was before she gave him up. Arkanghel, the charming h... More

Prologue
NOTE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
LAST CHAPTER
Epilogue
SOUTH
Series Adaptation and book announcement!
update

Chapter 54

191K 9.1K 7K
By JFstories

"HUGO..."


Wala siyang paki habang nagmamaneho. Seryoso lang ang mga mata niya na nakatutok sa daan. Hindi ko alam kung galit siya o ano.


Bakit siya magagalit? Ako nga ito riyang dapat nagagalit. Natigilan ako pagkuwan. Bakit din ba ako magagalit? Wala rin naman akong karapatang magalit kahit kanino. Kung magagalit man ako, dapat sa sarili ko lang. Dapat akong magalit sa sarili dahil mahina ako. Dahil mababaw lang ako.


Naturingang matalino ako noong nag-aaral, pero wala pala akong sinabi sa totoong buhay. Mapait akong napangiti habang nakatanaw sa bintana ng sasakyan ni Hugo.


Saan ka nakakita nang iniwanan sa ere pero naghabol pa? Lumuwas pa ng Manila para lang i-verify kung talagang iniwan na ba talaga o hindi pa. 'Tapos kahit nalaman nang iniwan talaga, naghintay pa rin na balikan. Hindi pa roon natapos, lumipas pa ang mga taon na nagpapanggap lang na nakalimot, pero hindi pa rin pala.


Naghihintay pa rin pala kasi nga matalino. Nasobrahan sa talino. Hayun, nang binalikan, nawala na naman sa huwisyo. 'Tapos ngayon, hindi na naman alam kung saan nakalugar o kung may lugar ba talaga.


Nilingon ko si Hugo. "Sige na, sasama na ako sa 'yo. Akina iyong phone ko, magti-text lang ako sa supervisor ko."


Ibinalik niya naman ang phone sa akin. "You only have five minutes."


"Oo na. Bayaran mo araw ko, ah."


"Hulugan ko pa SSS, Philhealth at Pag-ibig mo."


Inirapan ko siya. "Sama mo na iyong Maxicare ko. Nahiya ka pa e."


In-on ko ang phone saka ako gumawa ng message for call in sa team leader ko. Sinabi ko na hindi ako makakapasok ngayon para hindi ako ma-tag na "No Call, No Show." Humingi rin ako ng pasensiya. Nag-reply sa akin si TL na okay lang since hindi kami naghahabol ngayon sa log in hours. Mabuti naman at hindi naghahabol ang team ngayon, kasi kung gahol talaga sa log in hours at queuing ay pipilitin kong makapasok kahit tumalon pa ako rito sa pinto ng kotse ni Hugo.


Nag-thank you ako sa reply. Alam ko na kahit nakapagpaalam ako ay kakausapin niya pa rin ako sa pagpasok. Bahala na, para sa katinuan ko, isusugal ko muna itong gabing ito. Ibinalik ko na kay Hugo ang phone pagkatapos, pero hindi ko na iyon ini-off ulit.


"Saan tayo pupunta?" tanong ko habang umaayos ako sa pagkakaupo sa passenger's seat.


"Sa binili kong property sa Tagaytay."


Napalingon ako sa kanya. "Nakabili ka na?"


"Oo."


"Nice."


"Three hundred square meters. May bahay na pero ipapagiba ko rin para patayuan nang bago. Share ko lang."


Naiiling na napangiti na ako. Kailangan ko nga talaga itong road trip na ito.


Mahaba-haba ang byahe lalo na't inabot pa kami ng traffic sa Edsa. Dinukwang ko ang car stereo para naman may ingay kami.


Nang pumailanlang na ang music sa playlist niya ay sumandal ako at tumingin ulit sa labas ng sasakyan.


It's been so long since we took the timeTo share words from deep inside us We're in our own world, spinning our wheels But you know how I feel


Since the first time I took your hand My love for you has just been growing You always seem to understand You know how I am


Mayamaya ay sinasabayan niya na ang kanta. "I'm gonna love you till the end. I'm gonna be your very true friend."


Nilingon ko siya. Isa ito sa mga favorite songs namin since college. Pareho naming gusto ang Michael Learns To Rock band.


"I wanna share your ups and downs I'm gonna be around."


Nakahalukipkip ako habang nakikinig. Kumakanta siya, sinasabayan niya iyong car stereo habang nagda-drive. Minsan tinatapik-tapik niya pa iyong manibela kaya hindi ko mapigilang hindi matawa.


"When you're alone 'cause I'm away. Don't be sad, don't be afraid. I'm gonna turn my thoughts to you like I always do."


In fairness to Hugo, maganda ang boses kahit manginginom.


Sinabayan ko na rin siya. "I'm gonna love you till the end. I'm gonna be your very true friend..."


"Susana, wala ka sa tono."


"Shut up!" Ibinato ko sa kanya iyong nadampot kong tissue sa lapag ng kotse niya.


Tuloy kami sa road trip plus soundtrip. Madalas namin itong gawin noon during college days kapag badtrip siya sa parents niya o kaya kapag alam niyang nalulungkot ako.


Sa may Cavite Expressway kami dumaan. Naka-on pa rin ang music sa loob ng kotse. Lahat iyon, duet kami. Puro siya reklamo sa akin pero hindi naman niya ako naawat.


Nang bandang Cavite na kami ay saka na ako napagod. Nakaidlip ako at nang magising ay nasa Indang na kami. Hindi man lang ako ginising ng lintek.


"Nakabili na ako ng food, nandiyan sa likod."


Paglingon ko sa backseat ay may mga paper bag at plastic mula sa isang convenience store.


"E di wow."


Ibinaba ko ang salamin sa tabi ko. Pinatay naman ni Hugo ang AC at nagbaba na rin siya ng bintana sa tabi niya para maglabas-masok ang malamig na preskong hanging panggabi.


Hindi na ako ulit natulog. Nakatingin na lang ako sa dinadaanan namin hanggang makarating na kami ng Tagaytay, City. Lalo nang lumamig ang hangin.


Huminto kami saglit sa guardhouse para ipa-check ang ID niya. Patingin-tingin naman ako sa paligid. Kahit gabi na ay maliwanag pa rin dahil sa mga lamppost kaya kitang-kita ko ang lugar. Magaganda at modern ang mga bahay rito. Mayayaman ang mga nakatira.


"Paano ka nagkaroon ng pambili rito, ha?" tanong ko habang ang mga mata ay nasa mga bahay at bakanteng lote na dinaraanan namin.


"Dinagdagan ni Daddy iyong ipon ko," sagot niya habang nagmamaneho. "Saka in-advance ko na rin iyong mana ko kay Lolo."


"Kailan mo ipapatayo iyong bahay mo?"


"Ipon pa ako kaunti. Naubos din kasi iyong pera dahil nag-full pay na ako sa condo saka sa isa kong kotse. Ayaw ko kasi na may utang kapag pinapagawa ko na iyong bahay."


"Mabilis ka namang makakaipon kapag ikaw na may hawak ng construction firm niyo."


"Ayaw pa ni Daddy. Hindi pa raw ako hinog."


"Kailan ka ba mahihinog?"


"Siguro ibig sabihin niya kapag nagmature na ako. Alam ko naman ang pinupunto niya, gusto niya na akong mag-asawa."


"Iniisip niya kasi na happy go lucky ka." Humalukipkip ako. "Kapag nga naman may sarili ka nang pamilya, saka niya nga siguro masasabi na matured ka na." Maligalig pa rin kasi siya.


Ang laki nga ng place ni Hugo. Maganda rin ang bungalow, nakakapanghinayang na ipapagiba niya ito. Mayamaya ay bumalik siya para ipasok na ang kotse sa garahe.


Bumaba na kami ng kotse at pumasok sa loob ng bahay. Parang nasa one-hundred square meters lang ang bahay. Walang gamit sa loob maliban sa lumang sofa saka dining table na may apat na upuan.


"May tumatao ba rito?" tanong ko. May mug kasi ng kape sa ibabaw ng round dining table. Parang kanina lang umaga ginamit. May latest newspaper din sa tabi ng mug.


Sumalampak siya ng upo sa sofa. Mukhang napagod sa pagda-drive. "Oo. Caretaker. Tuwing umaga pumupunta."


"Naiwan niya iyong pinagkapehan niya. Nilalanggam na." May pila nang langgam patungo sa mug.


Napatayo si Hugo at lumapit sa akin. "Ay, tarantado!"


Tinampal ko ang bibig niya.


"May langgam e. Tangina, masakit mangagat 'yan e!"


"O akala ko ba sanay ka nang masaktan?" Inirapan ko siya. "Linisin mo na lang. Dali na para makakain na tayo." Nagugutom na kasi ako. Ako na ang lumabas para kunin ang pinamili niya kanina sa convenience store.


Nasa labas ako nang marinig ko ang ring tone ng phone ko. Pagbalik ko sa loob ay nakapamulsa siya habang nakatingin sa akin.


"Iyong phone ko?" tanong ko habang ibinababa sa mesa ang mga plastic at paper bag. Ni hindi niya man lang ako tinulungan.


"Nasa akin."


"Tingnan ko baka tumawag iyong supervisor ko."


"Nakausap mo na kanina, ah?" Kinuha niya sa kanyang bulsa ang phone ko at tiningnan. "Wala naman."


"Akina..."


"Linisin mo muna iyong mesa."


Nang tingnan ko ang mesa ay hindi niya pa rin pinupunasan ang mga langgam doon. Tumirik ang mga mata ko. "Sige na. Lumayas ka na riyan." Siga-siga noong high school pero duwag sa langgam.


Naghanap ako ng pwedeng pamunas at binasa sa gripo para punasan ang mesa. Inihain ko na rin ang mga pinamili niyang pagkain. Binalikan ko sa kotse iyong naiwang plastic. Nang tingnan ko ang laman ay napangiwi ako. Puro bote ng Red Horse beer ang laman.


May isang one liter tapos may walong maliliit na bote. Ang bigat nang dalhin ko sa loob ng bahay. Seryoso talaga si Hugo na mag-inom. Bahala siya pero wag lang siyang magulo.


Ilang beses ko nang nakitang nalasing si Hugo. Hindi naman siya alagain pero makulit siya kapag lasing. Masarap siyang hambalusin.


Itatago ko sana ang plastic ng mga beer nang malaglag ang newspaper sa sahig. Dinampot ko iyon at binuklat-buklat. Hinahanap ko ang horoscope page sa Philippine Daily Inquirer nang mapadpad ako sa business page.


Nakuha ng nangungunang headline ang atensyon ko. [ VOIRÉ HOTEL AND CASINO ANNOUNCES LEADERSHIP TRANSITION. ]


Nanlamig ang mga kamay ko na nakahawak sa diyaryo. Nasa diyaryo ang candid photo ni Arkanghel. Napaka-seryoso niya rito na katulad nang palagi niyang emosyon. Naka all black business suit siya at may suot na specs.


Kumirot ang dibdib ko nang mapatingin sa kanyang likuran. Behind him was Fury. Napakaganda at napaka-sosyal ng babae sa suot na black tube dress. Sa kuha ay parang hinahabol siya nito dahil pahawak na ito sa kanyang likod. Nakasulat sa gilid na ang candid photo na ito ay mula sa isang corporate event na ginanap last year.


Sa ibaba ng photo ay mababasa ang nakasulat tungkol sa headline. [ Voiré Hotel and Casino has approved the company's CEO Succession Plan whereby Arkanghel Wolfgang, President and COO, will become President and CEO, effective after his wedding to the Batalier's heiress, Fury Bela Maire Batalier..... ]


Nanlalabo ang mga mata ko at hindi ako makahinga habang nagbabasa. Hindi ko pa natatapos nang biglang may humablot sa newspaper.


Gulat na napatingala ako kay Hugo na nasa tabi ko na pala.


"Ano bang ginagawa mo?" Salubong ang makakapal na kilay nang lukutin niya ang newspaper at ibato sa basurahan. "Ihanda mo na iyong pagkain para makakain na tayo."


"Oo nga pala... S-sige..." Tumango ako at sumunod.


Kahit nanginginig ang mga kamay ay pinilit kong alisin sa paper bags ang siopao na binili niya. Pasimple ko ring kinusot ang mga mata ko.


Nang maupo na kami sa upuan at magkaharap sa mesa ay pareho kaming walang kibo. Tinititigan lang namin iyong siopao sa mesa.


"Akala ko ba kakain na?" mahinang sabi ko.


Umismid ang mapula niyang mga labi. "Ikaw nga, 'sabi mo kanina gutom ka na."


"Hindi na pala..."


"Ge, inom na lang tayo."


Kinuha niya ang mga plastic ng alak. Binuksan niya iyong isang litro ng Red Horse at nagsalin agad siya sa baso nang puno. Inisang tungga niya lang iyon.


Nakatanga lang ako kay Hugo nang magsalin siya ulit at inabot sa akin ang baso.


"Hindi naman ako umiinom e..."


"Ayaw mo talaga?"


Ilang segundo akong nakatitig sa baso na inaabot sa akin ni Hugo pero hindi ko magawang tanggapin iyon.


"Nangangalay na ako," reklamo niya.


Kinuha ko ang baso sa kanya. Nakataas ang isang kilay niya sa akin at inaabangan ang sunod kong gagawin.


"'Wag mo akong isusumbong kay Tatay Bear..."


May tunog ang ngisi niya nang maupo siya ulit sa upuan. "Para saan pang partner in crime tayo?"


Napangisi ako. Totoo iyon na palagi kaming magkasabwat at nagtatakipan. Ilang beses na akong napagtakpan ni Hugo kay Tatay Bear noong college kami. Siya ang nagtatakip sa akin kapag ginagabi ako ng uwi dahil sa mga projects, kapag nadukutan ako sa jeep, at kapag sumasama ako sa kanyang mag-road trip sa Batangas para kumain lang ng lomi.


May kapalit naman ang lahat ng iyon. Madalas ko rin naman siyang pagtakpan sa mommy at daddy niya kapag gumigimik siya, kapag nag-a-out of town siya kasama ang barkada niya o GF, at noong sumali siya sa frat. Ang pinakamalala ay iyong sumali siya sa frat dahil tadtad siya noon ng pasa after the hazing. Ilang araw siyang nakitulog sa amin sa sala para lang hindi mahalata ng parents niya na may iniinda siyang sakit.


"'Wag mong biglain kung hindi mo kaya," paalala niya kasi tinutungga ko na nang pilit ang alak sa baso.


Kandasamid ako sa lasa. Napatayo na naman tuloy si Hugo para lumapit sa tabi ko. Hinimas niya ako sa likod.


"Kaya mo pa?" Hinila niya na ang upuan niya para tuluyang lumipat sa tabi ko.


Tinabig ko ang kamay niya. "Tagayan mo pa ako."


Napailing siya pero tinagayan naman ulit ako. "Hanggang tatlong baso ka lang."


"E ikaw?" Nilingon ko siya.


"Ubusin ko lahat syempre."


"Kawawa magiging asawa mo sa 'yo, lasenggo ka."


"Hindi naman na ako mag-iinom kapag nag-asawa na ako." Kinindatan niya ako saka nagsalin siya ulit.


Mabilis niya lang natungga iyong sa kanya, samantalang ako ay inabot ng siyam-siyam sa pangalawa kong baso.


Naiinip yata sa akin si Hugo kaya nagbukas na siya ng sarili niyang bote, iyong tinatawag niyang mucho. Doon na siya direktang tumutungga habang nakatitig siya sa akin.


Nakaka-limang baso na yata ako at ngayon ay hilong-hilo na. Si Hugo, ewan kung nakailang mucho na siya. Para lang siyang timang na nakatitig sa akin habang panay tungga siya.


"Ano, sobrang ganda ko na ba sa paningin mo?" biro ko sa kanya kasi namumula na iyong mga mata niya, pati iyong pisngi niya.


"Mas maganda pa rin sa 'yo tatay bear mo kung naging babae."


"Gago ka talaga."


Mayamaya ay naulinigan kong nagri-ring na naman ang phone ko. Sigurado ako kasi kilala ko ang ring tone ko.


"Hugo, iyong phone ko... May tumatawag sa akin..."


"Imagination mo lang iyon." Sinalinan niya ulit ako sa baso. "Last mo na ito."


"Ayaw ko, tutulungan kita ubusin lahat yan..." sagot ko pero halos nakapikit na ang mga mata. Inaantok na ako.


Naririnig ko pa rin talaga iyong ring tone ko, parang totoo.


Nang pilitin kong dumilat ay napatitig ako sa mga bote ng Red Horse na nasa mesa. Mga wala nang laman lahat. Inubos na ni Hugo sa isang iglap. Tinirhan niya lang yata ako ng isang baso para hindi ko siya awayin.


"Hugo, ang dami mong nainom!" sumbat ko sa kanya.


"Kaunti pa nga e."


"Ano?" Nanlaki ang mga mata ko sa kanya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Bigla na lang akong nainis sa kanya. "Bakit ka ba umiinom, ha? Ako lang naman ang dapat mag-iinom ngayon? Gaya-gaya ka!" Dinuro ko siya. "Kahit kailan talaga inggitero ka!"


Nakataas lang ang isang kilay niya sa akin.


"Kahit kailan, masama talaga iyang ugali mo, Hugo! Salbahe ka! Ang sama-sama mo! Bakit ba bumalik ka pa, ha? Dapat wag na kasi ang sama-sama mo naman!"


"Lasing ka na, Susana," naiiling na sabi niya.


"Hindi ako lasing..." Napasinok ako. "Masama ka talaga... Palibhasa alam mo kasing ikaw pa rin..."


Dinig ako pag-tsk niya pero wala siyang sinabing kahit ano.


Muli ko siyang tiningnan. "Hugo, nandito ka pala..."


Mahina niya akong pinitik sa noo. "Oo at lasing ka na."


Tinabig ko ang kamay niya. "Ikaw ang lasing!" Tiningnan ko siya nang matalim. "'Yan o, grabe ka na makatingin! Sinasabi ko sa 'yo, Hugo! Palagi ko sinasabi, ayaw ko sa 'yo!"


"See, lasing ka na. Wala nang filter 'yang bunganga mo."


"E totoo naman kasing ayaw ko sa 'yo!" Napapadyak na ako. "Palagi kitang pinapaalis... Palagi kong sinasabi na layuan mo ako... Bakit kasi hindi ka nakikinig?" Napaiyak na ako. "Bakit mo ito ginagawa?" 


Sumandal siya sa sandalan ng upuan habang nakatingin lang sa akin.


"Hugo..." Pinunasan ko ang mga luha ko sa pisngi saka sinalubong ang mga mata niya na mabigat na nakatingin sa akin. "Bakit gusto mong nasasaktan kita, ha? Bakit mo ako pinapahirapan? Bakit..."


"E kasi nga makulit ako," balewala niyang sabi.


Nangalumbaba ako sa mesa dahil sa sobrang hilong-hilo na ako. "'Sabi ko magagalit ako... kapag... kapag ganyan ka..." utal-utal na ang pagsasalita ko. "Sabi ko, ayaw ko nang ganito, Hugo. Magagalit talaga ako..."


"E di magalit ka."


"Bwisit..." Dinampot ko ang baso ko at sinalinan ulit.


Maduwal-duwal na ako nang ubusin ang pang anim kong baso ng Red Horse. Saktong paglapag ko ng baso ay bumagsak na ako.


Akala ko sa sahig ang tuloy ko, pero may sumalo sa akin. Matitigas na braso ang kumarga sa akin kaya lalo akong nakaramdam ng hilo.


"Hugo, dalhin mo na ako sa kama ko..."


Natawa siya habang karga-karga ako. "Wala ka sa apartment mo, gaga."


"Basta dalhin mo na ako roon... 'Tapos i-lock mo na lang iyong pinto pag alis mo... Tutulog na ako... May pasok pa ako mamaya e..."


Hilong-hilo ang pakiramdam ko kaya wala akong choice kung hindi ang yumakap sa leeg niya. Amoy alak siya pero mabango pa rin naman kaya okay lang. Naghahalo iyong amoy ng expensive men's perfume niya saka noong Red Horse.


"Hugo, maligo ka pero wag mong gagamitin iyong tuwalya ko, ha..."


Ang tagal niya akong karga at hindi ko maintindihan kung bakit. Ang liit-liit lang naman nitong apartment ko, katabi lang ng sofa iyong kama, ah?


'Tapos naririnig ko na naman ang ring tone ng phone ko. Sunod-sunod.


Sa wakas naramdaman ko na naihiga niya na ako sa kama. Pero bakit amoy alikabok itong kama? Saka bakit sobrang lambot at parang laki masyado? Hindi naman ganito iyong kama ko.


Nang dumilat ako ay nakita kong nakasimangot si Hugo habang hinihilot niya ang bridge ng kanyang matangos na ilong. "Tsk, di man lang yata nililinis itong kwarto."


Iginala ko ang paningin ko sa paligid. Hindi ko ito kwarto. Malaki kasi ito at walang kagamit-gamit maliban sa kama, isang stand fan at sa isang cabinet.


"Buksan natin ito, just in case na malamok." Nilapitan ni Hugo ang stand fan at in-on. Lalo tuloy lumamig ang paligid.


"Hugo, hindi ito iyong apartment ko." Sinubukan kong bumangon at mas lalo akong nahilo. Muli akong nahiga.


"Hindi naman talaga." Naghubad siya ng sapatos niya at medyas saka tumabi sa akin sa kama.


Hinila ko ang tainga niya. "Iuwi mo na ako..."


"Sige para maaksidente tayo. 'Kita mong lasing na rin ako e." Bumangon siya para hubarin ang suot kong doll shoes sa paa.


Sinubukan ko ulit bumangon dahil nasusuka ako. "Hugo, nasusuka ako!" Hinampas ko siya.


"Tara sa banyo." Agad naman niya akong kinarga.


May pinto sa tabi ng kama, iyon siguro iyong banyo nitong kwarto. Pagkarating sa lavatory ay nagsusuka na agad ako. Binuksan ko ang gripo para makapaghugas dahil nalagyan ng suka ang damit at braso ko.


"Tsk, dapat talaga isang baso ka lang," sabi niya habang hinahagod ang likod ko.


"Sabi mo walwal e..." sabi ko sa pagitan nang pagsuka. "May walwal bang isang baso lang?"


Ilang ulit ko siyang narinig na mahinang nagmumura. Pagkatapos kong magsuka ay naghilamos ako. Basa ang damit ko.


Nanghihina ako kaya nang humarap ako kay Hugo ay napasubsob ako sa kanya. Nabasa rin tuloy ang damit niya.


"Naiihi ako," sabi ko. Hinanap ko ang butones ng jeans ko pero hindi ko makita. Nawawala.


"'Tangina naman, Susana..." narinig ko ang maaligasgas niyang mura.


"Hugo, tissue..."


"Tangina naman. Sa gilid mo, meron diyan."


Tumingin ako sa gilid ko. Meron nga. Kinuha ko iyon.


"Ano, 'di pa ba tapos?"


"Teka..." Kumapit ako sa polo niya para makatayo. "Tapos na."


"Naayos mo na sarili mo?"


"Hindi. Sikip ng pants ko di ko maangat..."


Muli na naman siyang napamura. Nang humarap siya ay sa mukha ko siya nakatingin. Namumula ang pisngi niya. Ilang beses siyang nagpakawala ng paghinga bago siya lumuhod sa harapan ko.


Naitulak ko naman siya sa ulo dahil sa gulat ko. "Ano ba, bastos ka...!"


Ang tagal-tagal niya. Ayaw ko nang tumayo, gusto ko nang humiga ulit sa kama. Hinihintay ko siyang itaas iyong pants ko, pero hindi niya ginawa.


Nang umangat siya ay hindi ko na mabasa ang nasa mga mata niya. "I'm sorry," paos niyang sabi.


"Hugo, si Arkanghel..." hirap na sambit ko.


"Wala si Arkanghel. Ako, nandito," pagkasabi'y kinarga niya na ako.


JF

Continue Reading

You'll Also Like

93.8M 1.1M 88
Language: Filipino Started in July 2011 | Finished in December 2011 Published in English for paperback (Pop Fiction, 2013) Adapted in Indonesian for...
4.8M 317K 73
He is trouble incarnate. While she's a studious, well-mannered student, he's a delinquent who gets tangled up in all sorts of problems. They are comp...
450K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
13.5M 212K 68
Aragon Series #4 : This is the story about the Aragon's next generation. Humandang makisabay sa mga pangyayari sa buhay ng New Batch as they ride the...