Aethergarde Academy

By -chimeraki

15.8K 641 831

Paano kung ang babaeng ayaw magka-superpowers ay kinailangang pumasok sa isang magic academy? At paano na kun... More

Prologue
AETHERGARDE ACADEMY
0. The Unfair, Ordinary World
AUTHOR'S NOTE
I. The Hallmarking Day
II. The Last Foodvendor
III. The Annunciation
IV. Oath-Taking
V. Trip to the Kingdom
VI. The Aethergarde Academy
VII. The Six Kingdoms
VIII. Catching The Culprit
The Survey

IX. Detention Squad

87 2 0
By -chimeraki

O M N I S C I E N T
third person

ANIMO'Y KIDLAT ang biglaang pagdating ng pilyong binatang si Dax sa likuran ng kastilyo. Animo'y isang kidlat din ang pagtunog ng kanyang camera flash na gumulantang sa dalawang estudyanteng nagkukwelyuhan sa lupa.

Sa labis na gulat, agad napalingon si Raige at Lysander sa camerang nakatutok sa kanila. Matapos noon ay napagtanto nila ang kanilang kwestyonableng posisyon sa kasalukuyan. Sa anggulong ito ay mukhang hindi magiging maganda ang litrato.

"Pose for the billboard!" sigaw ni Dax matapos muling kumuha ng litrato sabay takbo papalayo.

Kapansin-pansin ang kakaibang bilis ng takbo niya. Sadyang hindi ito pangkaraniwan dahil wala pang ilang segundo ay nakalayo na siya sa dalawa.

Nagkatinginan si Raige at Lysander. "Super speed," sabay nilang bigkas.

"Go take the other end of the hall, I'll take him from this shortcut so I can catch up. NOW!" utos ni Lysander.

Tumango si Raige sabay karipas ng takbo pabalik sa loob ng academy at patungo sa kabilang hallway.

Si Lysander naman ay lumihis patungo sa pinakamabilis na shortcut upang makaabot kay Dax. Tulad ng inaasahan, nakita niya muli ang pilyong binatang tumatakbo sa hallway, iilang metro na lamang ang layo sa kanya.

Mabilis na itinutok ni Lysander ang palad sa direksyon na paroroonan ni Dax. Walang anu-ano'y nagyelo ang buong sahig na tinatakbuhan ng binata, dahilan ng pagkadulas nito.

Matapos bumagsak sa manipis na latag ng yelo ay napahiyaw ito sa sakit. Dire-diretsong dumausdos si Dax nang nakatihaya sa ngayo'y malamig na sahig.

Sumulpot naman si Raige mula sa kabilang dulo ng hall gaya ng napagusapan. Naabutan ng dalaga si Dax na nakatihaya sa sahig kaya itinutok niya ang palad sa direksyon nito. Nang kanyang ikutin ang sariling palad ay bumaligtad ang binata. Imbes na nakahiga ay ngayo'y nakadapa na ito sa sahig.

Umaksyon naman si Lysander at pinatong ang sariling paa sa likod ni Dax upang hindi na ito makatakas. Nagpapapadyak naman ang kawawang binata sa pagpupumilit na makaalis ngunit masyadong mabigat ang pagkakadiin ng paa ni Lysander sa likod niya.

Hindi nalalayo kay Dax ay ang sariling camera na nasa sahig din lamang. Akmang aabutin niya na sana ang camera nang mistulang umatras ito mag-isa. Lumayo ito nang lumayo hanggang sa hindi niya na maabot.

Sa kanyang pagtingala ay natanaw niya ang salarin: si Raige na nakangisi at umiilaw ang pulang mata habang minamanipula ang camera gamit ang kapangyarihan. Sa pagtigil nito sa pag-andar ay humantong ito sa ilalim ng paa ng dalaga.

Pinulot ni Raige ang camera at tinignan upang burahin ang mga nakuhang litrato ni Dax mula sa kanila. Napakunot ang noo ng dalaga nang mapagtantong hindi niya alam kung alin ang dapat pindutin maski kung paano ito paganahin.

Bakit ako magpapakahirap? Kung sino ang kumuha, siya ang dapat magbura.

"Sup paparazzi?" lumuhod si Raige upang matanaw si Dax nang mabuti. "Welcome to hell."

Nanlaki ang mga mata ni Dax sa takot nang titigan siya ni Raige nang may mala-demonyong ngisi.

"AAAAH VAMPIRE!" iyak ng binata sabay pikit at takip sa mata.

Huh? Vampire? pagtataka ng walang muwang na dalaga. Sapilitan pa niyang tinanggal ang takip ni Dax sa mata upang matignan niya ito nang mabuti.

Sa pagmulat muli ng binata ay labis itong nasilaw sa pulang mata ni Raige.

"AAAAH! Don't look at me please!" hiyaw ng binata habang pilit na tinatakpan ang sariling mga mata. "It hurts! Your eyes, they're too bright-too red!"

Grabe naman, alam ko namang puyat ako pero ganun ba talaga kalala? pagtataka ni Raige.

Napansin ni Raige na kulay dilaw ang mga mata ni Dax, maliwanag at hindi pangkaraniwan.

Inilipat ni Raige ang kanyang tingin papunta kay Lysander na ngayo'y kulay asul na ang mga mata imbes na abo. Maski ito ay hindi rin makatingin sa kanya nang diretso.

Ilang segundo ang lumipas bago naintindihan ni Raige ang lahat.

Ang mga surhente ay may kakayahang magpalit ng kulay ng kanilang mga mata sa tuwing lumalabas ang kanilang angking kapangyarihan.

Sa pagkakataong ito ay sadyang masyadong matindi ang pagkapula ng mga mata ng dalaga sa puntong masakit na itong tignan.

Blue...yellow...red. Uy, primary colors!

Napangisi si Raige at sinakyan na lamang ang maling akala ni Dax para lalo itong takutin.

"That's right, I'm a vampire. So if you don't delete all these stuff right now, I'll suck the blood out of you and leave you dead in the middle of the forest. No one will ever know," banta ni Raige.

"Please no, please don't," pagmamakaawa ni Dax bago siya muling bitbitin patayo ni Lysander.

Nang makabangon si Dax mula sa pagkakadapa ay pinulupot naman ni Lysander ang sariling braso paikot sa leeg nito bilang headlock.

"Then delete all our pictures there. No tricks, no secret albums, show me how it's empty," walang kaemo-emosyong utos ni Lysander.

"No, no, let me go, let me g-AAAAARGH!" sigaw ni Dax nang lumamig na parang yelo ang braso ni Lysander na nakagapos sa leeg niya. "IT'S FREEZING! IT'S FREEZING COLD!"

Napalinga-linga si Raige sa paligid at napansin ang isang buong latag ng yelo sa sahig. Napatingin siya sa asul na mata ni Lysander, hanggang sa tila nagyeyelo nitong braso. Noon lamang niya napagtanto ang kapangyarihan ng binata.

Frost...wait, cryokinesis? What a damn Jack Frost wannabe.

"A-alright. Fine, fine I'll do it! Just please calm down," pagmamakaawa ni Dax. "Your arm feels like a giant popsicle and I can't move!"

Sumang-ayon naman si Lysander at unti-unting binalik sa dati ang temperatura ng kanyang braso.

"Yes, yes. That's right," buntong hininga ni Dax. "Back to 37 degrees Celsius," dagdag pa ni Dax habang hinihingal.

Sinamaan muna ni Raige ng tingin si Dax bago niya ibalik rito ang camera.

Pagkahawak ni Dax sa camera ay kinalikot lang niya ito nang saglit. Maya-maya pa ay bigla niyang kinagat ang braso ni Lysander, dahilan ng pagkabitaw nito sa kanya.

Hindi na nagpaligoy-ligoy si Dax bago muling tumakbo upang makatakas sa dalawa.

Hindi tulad ng kanina, mas bumagal na ngayon ang takbo ni Dax dahil sa pagod. Humahangos na ito at tila nawawalan na ng enerhiya. Iika-ika na ang takbo at kung saan-saan na nabubunggo.

Napatingin si Raige kay Lysander na ngayo'y sapo ang kanang braso.
"No kisses for my boo-boos?" tila nang-aasar pa na tanong ng binata.

Napairap na lamang si Raige. "Edi gumawa ka ng icepack. Come on!" utos ng dalaga bago tumakbo.

Sa kagustuhang patigilin si Dax ay ginamit ni Raige ang sariling kapangyarihan. Pinagalaw ng dalaga ang mga tansong pigura mula sa malayo at pinagulong ito sa daan. Gayunpaman ay naiwasan pa rin ni Dax ang mga ito.

Habang tumatakbo sa pasilyo si Raige at Lysander ay may naaninag silang isang morenang babae at isang morenong lalaki sa pinakadulo ng daanan.

"HELP! HE'S A THIEF!" malakas na sumbong ni Raige. "HE'S A THIEF!" babala niya sa dalawang estudyante.

Gulong-gulo man ay naalerto ang dalawang estudyanteng magkapatid sa pagdating ni Dax.

Gamit ang kapangyarihan, nagpakawala ng itim na usok ang estudyanteng lalaki, dahilan ng lalong pagbagal ni Dax.

Sa isang kisap-mata ay wala nang ibang makita si Dax kundi mga kalansay na animo'y gumagalaw at mistulang dinudumog siya.

"AAAAAAHHH!"

Halos takasan na ng kaluluwa si Dax nang siya'y palibutan ng mga naglalakad na kalansay. Sa totoong buhay ay tila sumisigaw lamang siya sa kawalan dahil wala namang ibang nakakakita sa mga buto-buto maliban sa kanya at sa lalaki.

Nilapitan naman ng estudyanteng babae si Dax. Nagkulay-lila ang liwanag ng mga mata ng dalaga habang unti-unti niyang pinagagana ang sariling kapangyarihan.

Si Dax naman ay naghihisterikal at napako na sa kinatatayuan habang tila binabangungot nang gising. Hinawakan siya ng dalaga sa noo at binulungan sa tenga.

"Dormio."

Sa isang pitik ay nakatulog si Dax at tuluyan nang bumagsak ang katawan. Agad naman siyang sinalo nung lalaki at idinantay sa balikat nito.

"DON'T MOVE!" isang malakas na boses ang biglang umalingawngaw.

Malalakas na yabag ng paa ang narinig nilang apat. Paglingon nila sa likod ay tumambad sa kanila ang paparating na grupo ng mga kawal na may mga sibat.

"DETENCIÓNE!"

꧁༒R A I G E༒꧂

"Rule no. 6: Do not turn your power into aggression. Magic is a gift, not a weapon."

Sa kasalukuyan ay sinesermonan kami sa detention chamber ng isang matandang propesor.

"I am Professor Honoran, although Aetherians prefer the term Sage instead of the earthly 'professor.' Whichever suits your liking."

Whichever suits our liking daw. Ano kaya kung kumpareng Onor? Kunwari, uy kumpareng Onor, kaano-ano mo si Nora Onor? Uy in fairness pwede rin.

"All of you are welcome to speak to me in standard English, Tagalog, Chinese, and Aevaric-the national language of Aethergarde."

Woah. I'm impressed, not gonna lie. People who can speak more than one language are very cool.

"Would anyone here care to tell me as to who made this young, blond man lose his consciousness?"

Nag-aalangan man ay nagtaas ng kamay yung isang morenang babae.

"The name's Allistair," pagpapakilala ng babae.

Pansin ko lang, magkamukha sila nung isang morenong lalaki. Ang pinagkaiba lang nila ay kulot ang buhok ni Allistair tapos wavy naman yung buhok ni guy. Medyo mahaba rin yung buhok ni guy at hanggang batok, parang bagay sa man-bun.

"Let me guess," ika ni Sage. "Sleep inducement spell?"

Napabuntong hininga si Allistair sabay tango.

"Can you reverse it?" tanong ni Sage.

"I can try..." Tumayo si Allistair at pumunta sa walang malay na katawan ni Dax sa harapan. Hinawakan niya ang noo nito at binulungan sa tenga.

"Expergio."

For a second, her eyes changed colors from black to violet as she snapped her fingers.

We were waiting for Dax to wake-up, but it seemed like he wasn't responding to the spell. No flinching, no movement, nothing. Allistair had to repeat the process.

"Expergio."

She snapped her fingers again, but the color of her eyes faded faster than before. In the end, Dax was still asleep.

Paupo-upo lang ako dito pero kinakabahan na ako. Hindi naman kasi magkakaganito kung hindi ko siya hinabol...pero kasi naman? Hindi rin naman sana aabot sa ganito kung nakipag-areglo na siya nung una pa lang.

Dahan-dahang lumingon si Allistair kay Sage. "Maybe...let's just wait for him to wake up?" suhestyon niya habang nakangiti nang pilit.

"What if he doesn't?" gatong ng propesor.

Napakamot na lamang sa ulo si Allistair.

"This, youngsters, is why you shouldn't play around with magic, especially if you're a beginner- a novice. No matter how smart or strong you think you are, all that will matter is control. Without control, power is nothing."

Sage placed his hand over Dax and removed the spell by pulling out a violet flare of energy from the boy's head.

"Ghah!" Isang malakas na pagsinghap ang narinig namin nang mamulat ang mga mata ni Dax.

"Where am I? Where am I? Where are the skeletons?!" simbilis ng kidlat ang pagbangon niya, nakayukom ang kamao habang lumilinga-linga at nag-aabang ng kalaban.

"What skeletons?"

"The skeletons!" aligaga niyang sabi. "There were skeletons! They were alive, they were everywhere!"

"Calm down, young man. Calm down. There are no skeletons here," pagpapahinahon ni Sage kay Dax. "Now tell me, what was the last thing you remembered?"

"I-I was running, Romeo and Juliet were chasing me-"

"Romeo and Juliet?"

"Those lovebirds over there from rival kingdoms," tinuro niya kami ni Lysander kaya napatingin si Sage sa amin-Royalspade at Dragonheart.

Agad akong umiling at tumanggi. "No no we aren't-"

"Yes they were! They were chasing me and they told these two new guys that I was a thief so then this other guy churned out a black smoke and suddenly there were skeletons around me and then I blacked out."

"It seems to me that someone conjured a vision of the dead and projected it to your mind," ani Sage.

"It was him!" nanlaki ang mga mata ni Dax nang mapagtanto niya. "Tiago was the smoke belcher! The devil-summoning smoke belcher!" aligagang sabi niya habang paulit-ulit na tinuturo ang morenong binata na nasa kabilang dulo. Magkakilala pala sila?

Walang ibang ginawa si Tiago kundi kumurap lamang nang walang kaemo-emosyon. Sobrang lamya ng pagkakaupo niya sa upuan at animo'y inaantok pa.

"However," sabat ni Sage. "Why were they chasing you? Why did they call you a thief?"

Hindi na makasagot si Dax kaya inunahan na siya ni Lysander.

"Not exactly a thief, but he did take pictures of us, four times actually, without our permission. Isn't that invasion of privacy?" giit ni Lysander.

"We tried talking to him properly to delete it but he didn't want to," dagdag ko pa. "Seems like a pervert to me."

"I'm not a pervert!"

"Mr. Gutiérrez," ika ni Sage. "What was the exact reason why you didn't want to delete the stolen picture you took of them?"

"The truth is," bumuntong-hininga si Dax, "it's not that I don't want to, it's just that I couldn't."

"And why is that?"

"Because it's a vintage polaroid! It just automatically prints the picture on the films that's why I don't get why they keep on telling me to delete them!" giit niya.

Napatayo agad si Lysander. "Does that mean the pictures are already...?"

"Yes, they are!" sagot ni Dax. "On hand, physical, tangible, you name it."

"Give them to me," utos ni Lysander.

Dax pouted and whined. "But those couple pictures are precious! They're the most accurate depiction of love in its purest form."

"Love?" Lysander scoffed. "You know what I would love? What I would love is to never see that girl again. So if you would be kind enough to spare me from eternal damnation, then hand me the cursed pictures. Just let me get rid of them so that little devil and I will have no reason to talk to each other anymore."

"Devil? Sinong devil?!" sabat ko. Ayusin niya pananalita niya, ang kapal ng mukha!

"See? You guys got so much chemistry!" sabi ni Dax na tila kinikilig pa habang nag-uusok na ang ilong ko sa bwiset kay Lysander.

"Give them to me," utos ni Lysander.

"Oh c'mon! These films are too expensive to be thrown away!"

"You should've thought about that before wasting a shot on us without our consent."

"Edi tipaklong!" pabalang na sagot ni Dax. Gusto ko na lang tumawa pero hindi pwede.

Labag man sa loob ay binigay na niya kay Lysander ang mga litratong kinuha niya.

"Why are there only two? You took one shot on the train and two shots earlier."

Akala siguro ni Dax ay makakalusot siya. Nanghihinayang man ay dinukot niya ulit mula sa bulsa niya ang isa pang litrato at ibinigay ito kay Lysander.

Tinitigan ni Lysander ang tatlong litrato sa kamay niya. Agad kong napansin ang ngisi niya sa mukha.

"Anong nakakatawa?" tanong ko.

Umiling-iling si Lysander. "All these pictures and your face looks the same, like an angry gorilla. Don't worry though, I'm going to burn this anyway."

"You better."

***

Kinailangan na raw umalis ni kumpareng Onor kasi may mga aasikasuhin pa raw siya. Magpapadala rin daw siya ng tagabantay sa amin habang naka-detain kami rito sa chamber.

Maya-maya pa't may dumating na isang lalaking nakasuot ng metal armor. "Salvete, novices. I am the one in charge for today, appointed by Monsieur Honoran."

Tinanggal niya ang kanyang metal helmet at muntik nang lumuwa ang mata ko.

Ford?!

Seryosong-seryoso ang mukha niya habang pinagmamasdan kaming lahat.

Nakakahiya! Sana lamunin na lang ako ng lupa. Sa dinami-dami ba naman kasi ng pagkakataon, dito pa talaga ulit kami magkikita? Ano na kayang iisipin niya sa'kin ngayon? Na basagulero ako?

"Allistair, Mortair, Dax, Raige and...Mr. Lysander Zekiel."

Halatang-halata ang panlilisik ng mga mata niya nang bigkasin niya ang pangalan ni Lysander. Long lost enemies ba sila?

"Anyway, let us not waste our time. You don't have to sit all day long inside this chamber. We could make this simpler and quicker if all of you would conciliate, or reconcile with each other."

Nagkatinginan kaming lima, sabay tingin sa palibot ng chamber. Yeah no. I wouldn't wanna get stuck in here for five more hours.

"I'm down," sabi ko sabay tayo sa harapan. Walang anu-ano'y sinimulan ko na ang pagtatalumpati.

"Hello everybody, my fellow novices. I'm very sorry for what happened. I truly apologize for my aggressive and destructive actions, especially to you, Dax. I promise to never hurt you or anyone ever again by weaponizing magic. By the way, my name is Raígean Aragon, I hope we could all be good friends."

"Nice to meet you Ray John."

"It's okay Ray John."

"We're cool Ray John."

Napangiwi ako sa narinig ko. "Hey no-it's Raígean. Raige-an. Not Ray John."

"I don't hear any difference."

"Same thing, Ray John."

Parang-awa niyo na please.

"You can just call me Raige, it's fine," giit ko nang may pilit na ngiti.

***

"My name's Lysander, you can call me Lee. Um, I'm sorry for making the icy slip n' slide. Because of what I did, Dax could've broken his back. Cheers—I mean sorry. I hope we're cool."

***

"AYO! It's D to the A to the X. Don Augustus Gutierrez X nga pala, ang pilyong hindi nagsesepilyo-ay mali, ang pilyong gwapito ng Antipolo! Naniniwala ako sa kasabihang ang tunay na kagwapuhan ay makikita lang sa paglabas ko ng aming tahanan."

Reconciliation ba 'to o PBB audition?

"Alam niyo guys, bata pa lang talaga ako ay habulin na ako ng mga fans, kaya siguro sobrang bilis ko tumakbo. Pero 'wag kayong mag-alala guys, sanay na ako, kaya pinapatawad ko na kayo."

Dapat dito rehabilitation.

***

"I'm Allistair Santiago, and this is my clone," pakilala ni Allistair sabay turo kay Tiago. Clone? Does she mean twin? Kaya pala sobrang hawig nila, tama nga kutob ko.

"My fraternal clone and I are both from Wolvenclair. However, you don't need to know more about him, he's just a backup file so that in case I get sick, he can just wear a wig and check in for me. Kumbaga sa kotse, spare parts-"

"Could you please stop telling everybody that I'm your clone? Or at least spare parts?" pagsabat ni Tiago na may halong asar.

"You should be honored, actually," sagot ni Allistair. Napabuntong-hininga na lamang si Tiago.

"By the way, I'm Mortair. Mortair Sullivan Santiago, but you can call me Tiago. This is my twin, Allistair Marie, but you can call her Marie."

"DON'T YOU GUYS DARE CALL ME MARIE," pagbabanta ni Allistair.

"Nice to meet you, Marie!" lalo pang sabi ni Dax.

"NO!" bulyaw ni Allistair habang umiiling-iling at nagtatakip ng tenga. Nakangiwi ito at tila nandidiri sa sariling pangalan. Samantalang si Tiago naman ay nanatiling blanko ang mukha habang naka-thumbs up sa aming lahat.

***

"So much for reconciliation. I think it's time to head to your respective towers now," sambit ni Ford. Gamit ang sibat, kinalas niya ang kandadong nakaharang sa pinto.

"Allistair, Mortair, Dax, and Raige, you may go now," wika ni Ford.

Lahat kami ay napabuntong-hininga sabay tayo mula sa mga upuan. Nagbanat-banat na rin ako ng buto, grabe, sobrang nangalay likod ko sa kakaupo.

"Lysander, you stay," utos ni Ford.

Napatigil si Lysander sa paglalakad at napalingon kaming lahat. Kita ko ang pagiging seryoso sa mga mukha nilang dalawa.

"The rest of you may leave now," sabi sa amin ni Ford. "Please try your best to stay out of trouble. I won't always be here to bail you out."

Ibang-iba si Ford ngayon kaysa noong una ko siyang nakausap. Strikto pala siya at pormal, blanko at seryoso ang mukha, siguro dahil on-duty siya ngayon. Parang ROTC.

Tumango kaming lahat bago tuluyang isarado ang pinto ng detention chamber. Sabay-sabay na kaming naglakad sa pasilyo patungo sa kanya-kanyang league tower.

Hindi talaga maalis sa isip ko ang nangyari kanina. Kitang-kita ko ang kaibahan ng trato ni Ford kay Lysander, pati ang panlilisik ng mga mata niya simula noong una siyang pumasok sa chamber. Lahat naman kami may kasalanan sa nangyari pero bakit si Lysander lang ang pinaiwan?

Habang busy sina Allistair, Tiago, at Dax sa paglalakad, pasimple akong nagpahuli sa likod nila. Hindi nila agad ako napansin kaya dahan-dahan akong naglakad paatras.

Bumalik ako sa may tapat ng pinto ng detention chamber. Should I eavesdrop?

Wala naman akong balak ipagkalat kung ano man malaman ko eh. Sige na nga.

Dahan-dahan kong inilapat ang tenga ko sa may pinto. Sobrang hina lang ng mga boses na nasasagap ko kaya wala masyado akong maintindihan.

"You're going to be dead if he finds out."

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Sa sobrang gulat ko ay napalayo ako sa pinto.

"Raige? You okay?" tanong ni Allistair sa akin mula sa malayo. Nakalingon na sa akin yung tatlo, siguro nagtataka na kung bakit nandito pa ako.

Agad akong yumukod at nagpanggap na nagsisintas ng sapatos.

"Oks lang ako! Nagsisintas lang!" pagpapalusot ko.

Hindi ko mapigilang mag-isip.

Dead? Who? And who's gonna find out what?

༻♛༺

END OF CHAPTER IX.

Continue Reading

You'll Also Like

29.3K 799 59
Xanthe Delos Reyes was known for being a 'Maria Clara' on her school.She have the brain,beauty and attittude.Lumaki si Xanthe sa isang maranyang pami...
28.8K 773 23
"Halatang apektado kaming lahat ng mga bali-balita tungkol sa aswang at kulto. May araw pa, hindi pa tumutunog ang orasyon, nagkaayawan na agad. Pati...
173K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...
9.9M 493K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...