Truly You

By coatedsprinkles

264 0 0

Magkaibigang Shea at Fhiya na pupunta sa lugar upang doon magkaroon ng bagong memories bago matapos ang bakas... More

Paalala
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6

CHAPTER 7

11 0 0
By coatedsprinkles

Shea's Pov

Pagkabalik ni Ralph ay bagong ligo na sya at may dala din syang tray na may tatlong baso at pitchel na may tubig. Nilapag nya ito sa sahig tutal sa sahig kami nakaupo.

Nilagyan nya ng tubig ang baso at binigay sa'min.

"Salamat," sabi ko nang pagkabigay nya sakin ng tubig. Nagpasalamat din si bes.

Uminom na ako at pagkatapos ay nilagay ko sa tray at sumandal sa sofa. "Hay.. Napagod ako sa pagbuhat sa isang yan." Tukoy ni bes kay Wind na nakahiga sa sofa habang nakanganga at naghihilik pa.

Sarap ng tulog ng loko habang kami kanina hirap na hirap sa pagbuhat.

"Ano bang kinakain nyan at mahirap buhatin? Gosh!" sabi nya sabay paypay sa sarili gamit ang kamay.

"Donut ang paboritong pagkain nyan. Minsan nga napagalitan sya ng prof namin kasi may dala syang dalawang box ng donut." Pagkukwento nya.

"Kaya naman pala ganun ang bigat nya. Pero 'di naman sya mataba" Komento ni bes.

"Nag g-gym kasi kami kaya ganun." Sagot naman ni Ralph.

"Ibig sabihin lang nun mabilis matunaw 'yung mga kinakain nya kaya hindi sya mataba... Pero mabigat sya kasi medyo matangkad sya." sagot ko sa kanila. Mukang hindi sila kumbinsido sa sinabi ko. "Kung ayaw nyong maniwala i-google nyo. Tinatamad akong mag explain." Pahabol ko.

Nadismaya sila sa huli kong sinabi. 

Totoo naman kasi 'yon na mabigat ang isang tao kasi matangkad sya. Tsaka base sa sinabi ng teacher namin na kapag mabigat ang isang tao dalawa lang ang dahilan. Una, dahil mataba sya tapos maliit pa. Pangalawa ay dahil matangkad sya at medyo malaman.

"Oh, by the way, hindi ko pa pala alam ang full name nyo? Ay ako pala muna magpapakilala. Ako si Ralph Hendroza ang anak ng may ari ng Hendroza Enterprise." Pagpapakilala nya bago nilahad ang kamay ni bes pero tinignan nya lang iyon kaya ako na ako nalang ang tumanggap sa kamay ni Ralph.

Tinignan nya ang kamay ko na hawak ang kamay. "Shea Armella Nidolie ang name ko at sya naman ang kaibigan kong si Fhiya Ghillard Safillar." Pagpapakilala ko saming dalawa ni bes.

Tulala si Ralph habang nakatitig ako sa kanya.

Problema neto?

Tinanggal ko na ang pagkakahawak kamay ng kamay namin tsaka ako umusog ng konti palayo sa kanya. Mukang nakahalata naman nya na 'di ako komportable. 

Tumikhim sya bago muling nagsalita.

"Tsaka nagtataka ako bakit nagkaroon ng bisita ang bahay nila Tito." sabi nya pagkatapos ay tumayo sya. "Nagugutom ako kukuha lang muna ako nang snack," pagkasabi ay pumunta sa kusina. 

Rinig ko ang paglapag ng mangkok. Ilang sandali ay nakita ko na papalapit na sya dito. May dala syang dalawang mangkok na medyo malaki. Ang isang mangkok ay may lamang Cheese Ring at ang isa ay V-Cut.

Nilapag nya muna ang dalawang mangkok bago sya umupo. 

Kumuha na si bes ng V-Cut ako naman ay Cheeses Ring ang kinuha ko. 

Kumuha rin si Ralph ng V-Cut at Cheese Ring. "Bibihira lang kasi magkaroon ng tao ang bahay nila kasi laging busy ang pamilya nila sa business at bihira lang din umuwi 'yung mga pamangkin nila kasi may sarili silang condo. Kaya nga minsan sinasabi namin na sa amin nalang itong bahay nila para naman hindi magmukang hunted house sa sobrang tahimik." sabi nya habang nanguya.

'Di pa pala tapos magsalita 'to.

"Actually nakiusap kami ni-" Tinignan ko si bes ng masama. 

Nandadamay pa eh.

Tumikhim sya bago muling nagsalita. "Este ako lang pala ang nakiusap na patuluyin kami dito kasi nakailang hanap na kami ng bahay na matutuluyan pero ayun wala. Buti nga at nakita namin sya at napakiusapan."

"Eh, bakit naman kasi kayo nakikitira sa bahay nila Tito? Muka namang kaya nyong magcheck in sa isang hotel."

"Kasi nga gusto namin. Mas prefer namin 'yung nakikitira kami sa ibang bahay,"

"Nandamay ka na naman." Bulong ko pero narinig parin ni bes kaya inirapan ako.

"And mas maganda 'pag nakikitira kami para malaman namin 'yung mga personalities ng isang tao. 'Di mo naitatanong pero isa akong psychiatrist, alam mo na, para malaman ko kung may sakit 'yung tao."

Eh ikaw nga mukang may sakit bes. hay naku.

"Weh?" Tinaas ni Ralph ang kilay at hindi makapaniwala ang tingin.

"Oo nga." Sinaldal niya ang braso sa sofa.

Nangalumbaba si Ralph gamit ang kaliwang kamay nya. "Sige nga, alamin mo kung anong sakit ang meron ako." Mapanghamon na sani nya.

Lumapit na bahagya si bes sa muka ni Ralph habang hinihimas ang baba na parang nag-iisip. Si Ralph naman ay lumaki iang mata nang lumapit si bes. At parang namumula sya?

"Hmm.. Ayon sa aking nakikita." Sabi nya at lumapit ulit.

Lumayo naman sya. "A-ano iyong nakikita?"

Tumagilid ang ulo ni bes. "Ikaw ay.." Lumapit ulit.

Lumunok si Ralph pagtapos ay lumayo ang ulo. "Ako a-ay?"

"Mayroong... " Lumapit ulit sya at tinitignan ang buong muka ng lalaki.

Mabilis ang paghinga ni Ralph. "M-Mayroong?... " Itinukod na ny anag kanyang mga siko sa sahig dahil hindi na nya kayang umusog.

Mukang pinapakita na nya ang confession move. Paraan nya 'yon kapag ramdam nyang may tinatago ang isang tao.

Lalo na kapag tungkol sa love.

Goodluck nalang Ralph.

"B.D." 

"A-ano 'yon?"

Lumapit sya sa may tenga ng lalaki. "Blushing.. Disorder.." isa-isa nyang sagot.

"Ano n-naman yun?" kabadong tanong nya.

"Blushing Disorder is an illness. Namumula ang isang tao kasi ayaw nilang may lumalapit sa muka nila, lalo na.. kapag ang lumalapit ay ang crush nila," sabi nya habang nakatingin sa mga mata ng lalaki at nakangisi.

"I-Ibig mong sabihin namumula ako kasi malapit sakin 'yung crush ko?"

"Uh-huh.." sagot nya sabay tango.

"So, sinasabi m-mo bang i-ikaw 'yung crush ko?" Kunot noong tanong nya at tinuro si Fheya. 

"Hmm.. I guess?" pagkatapos ay nagkibit balikat si bes at sumandal na muli sa sofa.

Ngumisi sya pero agad ding nawala. "Huh! P-pano mo naman nasabi na c-crush kita aber?"

Si bes naman ang ngumisi bago lumayo sya sa lalaki at umayos ng upo sa tabi ko. "Dude.. Kakasabi mo lang na crush mo ako."

Umupo na din sya ng ayos pagtapos nyang marinig iyon. "I-imposible!"

Tumaas ang kilay ni bes. "Tanga ka ba?"

Nangunot ang noo nya mukang hindi nya inaasahan ang tanong na 'yon. "Huh?"

Kahit ako hindi ko inasahan iyong tanong nya.

Kahit kailan talaga tong babaeng to, grabe ang talas ng salitang sinasabi nya.

Napailing ako.

Bumuntong hininga sya bago magsalita. "Tsk! Sabi ko.. tanga ka ba? hindi mo ba nahalata na dalawang beses mong sinabi na ako yung crush mo."

Nagulat sya sa lintayang 'yon. "Kailan ko sinabi 'yon ha?"

"Kanina lang. Dalawang tanong pa nga eh."

Lumunok si Ralph at hindi lang ang muka nya ang namula pati ang tenga nya.

Hindi ko alam pero ang cute nyang magblush.

Naglilikot din ang mata nya. Parang iniiwasan ang titig ng kaibigan ko.

Kumuha ako ng isang dakot na V-Cut habang nakikinig parin sa bangayan nila.

"Ano naman kung sinabi ko 'yon? Sigurado kabang ikaw talaga 'yun?" Nanghahamong tanong niya.

Umirap naman si Fheya. "Of course.. don't deny it Ralph. Once you deny it, that means you have blushing disorder."

"E-Ewan ko sa'yo! Makaalis na nga!" sabi nya bago sya tumayo at pinagpag ang bandang likod nya.

"Oh, Bakit ka tumayo? Hindi pa tapos ang pakikipag usap ko sa'yo patient Ralph." pang-aasar ni bes tapos ay tumawa sya.

"Hindi mo 'ko pasyente kase wala akong sakit." giit ni Ralph. "Baka nga ikaw ang may sakit dyan."

Kumuha siya ng chichirya. "Keep denying it Ralph. Soon, ikaw mismo ang magsasabi na crush mo ako," dagdag nya tsaka ngumiti ng nakakaloko.

Kumuyom ang kamao ni Ralph. "Huh! As if naman sasabihin ko. And for your infromation hindi. ikaw. ang. crush. ko. at hindi kahit kelan!" Tinignan muna ako ni Ralph bago nya kami iwan ni bes.

"Deny pa Ralph! Deny pa!" sigaw nya habang winawagayway ang hawak nyang V-Cut tapos ay sinubo.

Hay naku. Lakas talaga ng trip nito ni bes.

"Grabeng pang t-trip 'yun bes ay hindi, pang a-assume pala." sabi ko.

Inirapan nya 'ko. 

"Duh! Hindi ako asyumera noh! Nagsasabi lang ako ng totoo."

"Ewan ko sayo." Kumuha ulit ako ng tatlong chichirya.

Tinignan ko 'yung dalawang mangkok. Medyo marami pa sila.

Kawawa naman kayo hindi kayo naubos. Puro kasi daldal ang ginawa ng dalawa eh kaya ayan tuloy. Hindi naman ako mahilig sa chichirya. Let's say na hindi ako kumakain ng marami kasi mas sanay si bes kaya alam kong mauubos, tsaka tatlo kami ang kaso 'yun nga puro debate ang inatupag nila.

Humikab si bes. "Bes, akyat na 'ko. Nakakaantok pala ang pakikipag usap sa lalaking 'yon."

Tumayo sya at humikad ulit bago nag-unat. "Hoy, 'wag mong iwan 'tong mga kinainan naten." saway ko. 

Tinignan nya iyon bago tumingin sa'kin. "Kaya mo na yan bes. Malaki kana."

"Aba't! Ayos ah. Ano 'yon ako lang magliligpit?!"

Ngumiti sya bago naglakd at kumaway. "Night bes. labyu."

Umakyat na sya papunta sa kwarto.

Ang galing talaga. Iniwan lang ako.

Napakamot ako sa batok bago ko kinuha ang isang mangkok at nilagay sa isang mangkok ang laman. Pinatanong ko 'yung isang mangkok na may laman doon sa isang mangkok at nilagay sa tray. Pinagpatong patong ko rin 'yung mga baso at nilagay sa tray pati na rin 'yung pitsel doon sa tray ko nilagay.

Tumayo na ako at pumunta sa kusina, nilagay ko na ang sa lababo ang mga dala ko syempre an hindi 'yung mangkok na may lamang chichirya. Nilagay ko ulit 'yun sa lagayan nya. Kumuha ako ng basahan at pumunta doon para pununasan ang kalat.

Pagtapos ay bumalik ako sa kusina at nagsimulang hugasan ang pinagkainan.

Kumakanta kanta pa 'ko habang sinasabunan ang mga baso.

"You know I want you.. It's not a secret I try to hide." Sinunod ko 'yung isa pang baso na hugasan. "I know you want me.. So don't keep sayin' our hands are tied.  You claim it's not in the cards and fate is pullin' you miles away and out of reach from me,"

hinwakan ko ang baso at ginawa kong mic. "But you're here in my heart, so who can stop me if I decide That you're my destiny?.." Sinunod kong hugasan 'yung mga mangkok.

"What if we rewrite the stars? Say you were made to be mine.. Nothing could keep us apart. You'd be the one I was meant to find.." Nagturo ako na kunwari kaharap ang mahal ko. "It's up to you, and it's up to me. No one can say what we get to be.. So why don't we rewrite the stars Maybe the world could be ours.... Tonight"

Binuksan ko ang gripo at sinimulan ko na silang hugasan. Pagkatapos ay binanlawan ko na at pinunasan para matuyo. Nilagay ko na sa lagayan ang mga baso, tray, pitsel at mga mangkok.

"Hay" Nag-unat ako at humikab.

Pumunta na ako sa hagdan pero napahinto ako nang maalala ko may isa pa pala kaming kasama.

Pumunta ako sa sala. Lumapit ako sa sofa. Tulog pa nga ang isang to.

Nagkibit balikat ako. Pumunta ako ulit sa hagdan papunta sa kwarto.

Hayaan ko nalang ang isang 'yon tutal, mukang sarap ng tulog eh. Tsaka baka magagalitin 'yun 'pag ginigising. 

Pumasok na 'ko sa kwarto. Naligo ulit ako.

Pagkatapos ay pinatuyo ko na ang buhok ko gamit ang blower. Pagtapos ng ginagawa o ay kinuha ko ang cell phone bago ako pumunta sa kama, sumandal ako headborad. Hindi pa kasi ako inaantok kaya maglilibang muna ako. 

Binuksan ko ang instagram app. at bumungad agad sa'kin ang post ni bes. 

Minsan parang nahihiya ako na tumabi sa kanya dahil sa daming humahanga sa kanya, na para siyang artista.

Sikat kasi sya sa lugar namin kahit sa abroad sikat sya. Kaya hindi na ako magtataka kung may kumuha sa kanya para maging model or pambato sa pageant.

Pumunta ako sa camera ng instagram at kumuha ako ng konting buhok at nilagy ko sa harapan sa kaliwa, pati ang suot kong pangtulog ay inayos ko ng konti.

Hinarap ko na ang camera sa akin, kinagat ko ang labi ko ng konti para naman may kulay ang lips ko. Ngumiti ako sa camera. Nakatatlong picture ako. Namili ako ng maganda bago ko ipost.

Nakapeace sign, Nakangiti habang nasa chin ang ang palad, at 'yung kita ang suot kong pangtulog pero hanggang ibabaw ng dib dib ko lang.

Pinili ko 'yung pangalawang pic. Hindi na 'ko naglagay ng caption.

Pinadausdos ko ang likod ko pahiga sa kama. Tinignan ko ang oras. Malapit na mag nine. Ok lang 'yun sanay ako sa puyatan. Nagscroll ako ulit.

Napagod na ako kakascroll kaya inexit ko na. Inilagy ko sa lamesa ang cellphone. Pinikit ko na nag mata ko hanggang sa makatulog.





Continue Reading

You'll Also Like

287K 8.1K 137
"๐‘ป๐’‰๐’†๐’“๐’†'๐’” ๐’“๐’†๐’‚๐’๐’๐’š ๐’๐’ ๐’˜๐’‚๐’š ๐’๐’‡ ๐’˜๐’Š๐’๐’๐’Š๐’๐’ˆ ๐’Š๐’‡ ๐’Š๐’ ๐’•๐’‰๐’†๐’Š๐’“ ๐’†๐’š๐’†๐’” ๐’š๐’๐’–'๐’๐’ ๐’‚๐’๐’˜๐’‚๐’š๐’” ๐’ƒ๐’† ๐’‚ ๐’…๐’–๐’Ž๐’ƒ ๐’ƒ๐’๐’๐’๐’…๐’†."
246K 38K 98
แ€•แ€ผแ€”แ€บแ€žแ€ฐแ€™แ€›แ€พแ€ญแ€แ€ฑแ€ฌแ€ทแ€˜แ€ฐแ€ธแ€†แ€ญแ€ฏแ€œแ€ญแ€ฏแ€ท แ€šแ€ฐแ€•แ€ผแ€”แ€บแ€œแ€ญแ€ฏแ€€แ€บแ€•แ€ผแ€ฎ แ€Ÿแ€ฎแ€ธแ€Ÿแ€ฎแ€ธ แ€–แ€แ€บแ€•แ€ฑแ€ธแ€€แ€ผแ€•แ€ซแ€ฅแ€ฎแ€ธ
1.7M 17.3K 3
*Wattys 2018 Winner / Hidden Gems* CREATE YOUR OWN MR. RIGHT Weeks before Valentine's, seventeen-year-old Kate Lapuz goes through her first ever br...
43.8M 1.3M 37
"You are mine," He murmured across my skin. He inhaled my scent deeply and kissed the mark he gave me. I shuddered as he lightly nipped it. "Danny, y...