THE MAN IN GREEN UNIFORM (Mon...

De KayeEinstein

1.7M 73.6K 18.7K

A well-known doctor, Celestine Snow Montenegro, doesn't believe in love anymore. But, Military Captain, Steph... Mai multe

Panimula ng Maldita
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Final Chapter
Wakas
Epilogo
SPECIAL CHAPTER 1
SPECIAL CHAPTER 2
SPECIAL CHAPTER 3
SPECIAL CHAPTER 4
SPECIAL CHAPTER 5

Chapter 3

59K 2.5K 723
De KayeEinstein

Celestine's POV.

"Hehe..."

'Yon lang ang naisagot ko bago awkward na ngumiti sa kanya.

"Yung mga tao talaga rito ang chismoso," bulong ko bago pekeng ngumiti sa kanya.

"I see." Dumiretso siya ng tayo kaya narealize ko kung gaano ako kaliit sa kanya. I think he is over six foot and I am just 5'2.

He looks like a post and I am a damn grass on the ground.

"Would you mind going inside and clarifying it to everyone then?"

"Bakit?!" napataas ang boses ko, kusa akong napalunok dahil sa reaksyon ko. "I mean bakit?"

Hindi naman sa ayaw ko pero ayoko kasing nagmumukhang sinungaling. The face of Celestine Montenegro, is the face of credibility and pure beauty.

"Bakit hindi?" he asked.

"Bakit ayaw mo?"

"Bakit gusto mo?"

"Masisiraan ako ng ulo kapag ikaw ang kausap ko," I murmured pero tila narinig niya because he smirked a bit.

"Doctora—"

"My name is Celestine, you can call me by that name or you can play along and call me wife." Diretsa kong sabi sa kanya.

"I do not want to act and lie for you."

"Edi don't."

"You are confusing me, are you crazy or may gusto ka sa 'kin?"

"Pagsinabi ko bang oo, akin ka na?"

"Woman!"

"Geez." I smirked. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ng mabilis ang chest niya. He tried to move a bit pero hinawakan ko ang uniforme niya. "Hala, Captain, ang bilis ng tibok ng puso mo, hulog na hulog ba?"

He removed my hands from his uniform at hindi ko na napigilan ang pagtawa ko.

I realized na baka na guwapuhan lang ako sa kanya nung unang beses kaming nagkita kaya uncontrollable ang emotions ko. I am still Celestine, the lioness of the Montenegros. I am born to torment guys, hindi ko pa panahon para magseryoso.

Baka pagiging sugar mommy ang tadhana ko. Lol, my dad will kill me. I can imagine Tita Sanya shouting on top of her lungs.

"Don't worry, I will tell them. 'Wag ka ng masungit dyan, iisipin ko broken hearted ka pa rin doon sa babae sa parking lot—"

"Don't mention it, tapos na ako roon. You can forget about that."

Inayos ko ang buhok kong patuloy na nililipad ng hangin before giving him a smile.

"Yes sir,," I said after winking.

"Why are you using my last name? What's your real name?" he asked.

Englishero pero mahina sa memorization, nagpakilala na ako nung gabi ha? Baka gandang-ganda sa 'kin ito at nagfocus na lang sa mukha ko kesa sa sinasabi ko.

"Bakit interested ka sa last name ko?" tanong ko sa kanya kaya kumunot ang noo niya, pinigil ko ang sarili kong tumawa.

"Because you look familiar."

"Kasi nga ako yung nasa future mo." I giggled.

"Pray woman, pray you are not losing your sanity."

Ikaw kaya ang ipagdasal ko dyan. Relihiyoso siguro itong isang ito.

"'Yun lang ba ang dahilan bakit mo ko hinintay ngayon?" I asked him.

"I need my jacket back."

Saglit akong natigilan, I was hesitating on my mind dahil kahit hindi naman sa 'kin iyon, somehow it's kinda sentimental for me.

"Thank you for letting me borrow it, Captain."

"You can call me Stephen. I'm Captain Stephen Luke Connor," he said offering his hand.

When our hands met, tila parehas kaming nagulat sa kakaibang kuryenteng naramdaman namin. What the hell was that?

"Dra. Celestine Snow," I told him. Nung magbitaw kami ay inabot ko sa kanya ang jacket niya and smiled at him sincerely.

He is a nice man, bukod sa gwapo, matipuno at ubod ng bango.

"I'll get going, baka maabutan ako ng curfew. Can't have your camp detaining me. It's bad for my skin," I told him, he just nodded kaya nilagpasan ko na siya at naglakad na.

This part of Cuba is like a provincial area, hindi masyadong uso ang mga sasakyan.

Yung inuukupa naming gusali, bilang tirahan ng mga doktor ay 15-20 minutes walking away.

I can do that, I told myself. Matapang naman ako, lalakasan ko na lang ang loob ko kahit pa iilan lang ang ilaw sa daan.

"Doktora!"

My walk was automatically put to an immediate halt.

Actually not just my movement, kundi ang pagpintig ng puso ko, hanggang sa dahan-dahan iyong bumilis kasabay ng naririnig kong pagtakbo niya papalapit sa 'kin.

Pumunta siya sa harapan ko and I tried to give him my playful smile.

"Captain,," I called him.

Stephen looked at me with hesitation, sandaling inilagay niya ang kamay sa likod ng batok niya.

"How far is your pad from here?"

"Punta ka?" I jokingly said. "Just kidding. I am near hear, so 'wag ka ng mag-alala makikita mo pa ulit ako."

He just looked at me seriously, hindi apektado sa mga pagbibiro ko kaya I cleared my throat.

"Malapit lang ako, I am sure na hindi ako maaabutan ng curfew, kaya ko na ang sarili ko."

Seryoso ko yang sinabi sa kanya. I can flirt, I can joke whenever I want pero kapag mga personal na impormasyon ko na ang nasa alanganin, I get serious. He might not be interested with me right now, pero who knows, what if we date and I get bored of him? Tapos alam niya ang address ko? No way, na uh.

Ang exaggerated ko kaya hindi ko napansin ang inaabot niya sa 'kin.

"Huh?," I said, tila napaigtad pa ako ng kuhanin niya ang isang kamay ko.

He handed me his jacket.

"I am on my way back to camp kaya hindi rin kita masasamahan," he said. "It's cold, just take this with you and bring it back to me kapag hindi mo na kailangan."

I was out of words, he was just simply letting me borrow his jacket again pero tila saan-saan na nagsusuot ang utak ko.

"Thank you." Isinuot ko ang jacket sa 'kin dahil totoong malamig dito ngayon kumpara sa gabi sa pinas.

He just nodded at nung makalampas siya at halos magkatalikuran na kami ay may ibinulong siya pero sapat na marinig ko.

"Take care, wife."

Hindi ko nagawang lumingon, my heart is making irritating fast heartbeats. I started walking when I heard him running away from me.

Kumalma ka Celestine, he is just another boy. Just another boy.

***

"Ah, so hindi kayo mag-asawa ni Captain?" Marcus asked.

"Nope," sabi ko habang naglalakad. I am on my way to do my rounds. Hawak ko ang mga file ng pasyente ko, at ito si Marcus na pinapasweldo ko ng malaki without him knowing. Spending his day, trying to flirt with me.

I told everybody na hindi kami mag-asawa ni Stephen. Some got irritated with me, some are pissed, some are simply happy because single pa ang long time crush captain nila.

"Bakit same kayo ng last name and gamit mo ang jacket niya?" he asked.

"Well, he let me borrow it nung sinundo nila kami sa airport, I really don't wanna share my last name kahapon cause I am not comfortable pa with everyone."

"So anong totoong pangalan mo?"

Daddy, pakitanggal nga itong Marcus na ito, naiirita na ako, ang daldal.

"Celestine Santos."

"Totoo na 'yan?"

"Marcus, excuse me, room na ito ng patient ko. Let's talk some other time, okay?," I said cutting him off.

He just smiled.

"If you want pwede tayong sabay mag—"

Sinarado ko na ang room ng patient na ito kaya hindi ko na narinig or inintindi pa sya.

I am walking wearing my three inches White Christian Louboutin paired with my white slacks and black top, na pinapatungan ng customed-made doctor's coat ko from Prada.

I am also wearing my favorite Annick Goutal Eau D'Hadrien.

One week already passed. Busy ako sa pag-a-adjust sa ospital dahil nagta-try akong makisama, pero kapag hindi ko natiis, sabay-sabay na lang lahat kami umuwi ng pinas, kasi tatanggalin ko na lang sila.

I am trying to keep it lowkey but I cannot leave without my Louboutin.

"Hoy Celestina." Napa-roll eyes ako sa tumawag sa 'kin, he is nice naman pero nakakaloka ang tawag niya sa 'kin.

"Sup' Gregoria," I called him. He is gay, his real name is George.

"Georgy! Eew ka." He came close. Doctor din ito. "Kakatapos ko lang, nag stitch ako ng saksak nung isang sundalo, nanawa ako sa abs ghorrrl!"

"Yeah right," sabi ko bago tumawa.

"Alam mo, di talaga ako naniniwala na pinag-aral ka lang ng gobyerno, yung balat na ganyan, tapos yung get up na ganyan, tell me na girrrrl."

"I told you Georgy, may sugar daddy ako," I joked.

"I am not buying that!"

Our day went fine. Busy siguro ang mga sundalo or baka busy si Stephen dahil lagpas isang linggo na pero hindi niya man lang binibisita ang mga sundalo niya rito.

Buhay pa kaya 'yon?

I shook my head, kung anu ano ang naiisip ko.

Kasalukuyan kaming nakatayo ngayon sa tapat ng ospital, nakasilong dahil napakalakas ng bagsak ng ulan.

Alas kwatro pa lang ng hapon, out na namin ni Georgy at ng ilang doktor at nurses. The weather is fine earlier kaya marami samin ang hindi nakapagdala ng payong.

"Na-i-stress ang ganda ko," Georgy said to me in a low tone.

Dumadami na kasi ang tao, nagkakatulakan na at wala ng pake ang iba kung doktor kami or medical staff.

I was pushed by someone who is walking behind my back kaya nabasa ng bahagya ang ulo ko at ang coat ko.

Hayufff na to, ang tagal kong ipagawa ito!

I was having trouble trying to get back to my position, tinutulungan na ako ni Georgy para hindi ako tuluyang mabasa pero tila walang pake ang lahat.

"Baka pwede umurong? Umurong ng naaayon sa ganda!" Georgy shouted pero walang nakikinig.

Halos mabasa na ang sleeves ko dahil hindi na ako maka-step in at kaunti na lang mauubos na ang pasensya ko.

When all of a sudden, people got quiet, hindi na sila nagtulakan at tila naparalisado ang tingin sa likuran ko, even Georgy paused.

Kaya naman dahan-dahan akong tumingin sa likod ko.

A few steps away from me ay nagpa-park ang isang army truck na ang itsura ay parang hammer truck pero with the color of green and basta pang army.

Kumunot ang noo ko, grabe ngayon lang ba sila nakakita ng sasakyan?

Pero kusa rin akong napahinto ng makita ko ang pagbukas noon, mula roon ay bumukas ang isang payong, and he swiftly got out of the car.

Stephen Luke Connor is walking in the rain, with his umbrella and Godly-looking features.

Everybody will really stop and stare with so much awe.

People started whispering from my back at naramdaman ko ang mahinang pagkurot sa 'kin ni Georgy sa likod pero wala akong pakielam doon.

Hindi ko alam kung paanong papakalmahin ang puso ko lalo na nung huminto siya sa harapan ko at tinapatan ako ng payong para hindi mabasa.

"Let's go?" he asked at para akong baliw na kusang tumango.

We walked beside each other at ramdam ko ang pagtayo ng balahibo ko when he put his arms around my back, tapos hinawakan niya ang braso ko to pull me closer para magkasya kami sa payong.

We we're walking in the rain. He is just simply being a gentleman pero hindi ko malaman kung paano ko pahihintuin ang puso ko.

Ang puso kong nagsisimula ng tumibok para sa kanya.

My heart is unwillingly paying attention to this man in green uniform.

Continuă lectura

O să-ți placă și

2.5M 162K 55
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
2.8M 72.8K 22
Book 2 of My Professor is my Husband "She's long dead why do you keep insisting that you saw her?!" I can't help but shout at them. Kung ipagpapatulo...
353K 16.7K 53
Watch Richard Faulkerson Jr. and Maine Mendoza, who are both considered geniuses, make all the foolish choices in life.
336K 5.2K 23
Dice and Madisson