Monasterio Series #5: Risks a...

By Warranj

1.7M 71.7K 10.2K

"People really do wrong decisions when it comes to love. Nagiging matapang, minsan naman ay nagiging duwag. I... More

Risks and Chances
Second Time Around
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Epilogue
Special Chapter

Kabanata 37

33.2K 1.4K 172
By Warranj

Kabanata 37

Wish

"Selective amnesia. According to the patient, her last memory was when she's in Paris with her brother. And according to you, Mrs. Monasterio, that's ten years ago."

Tahimik akong nakasandal sa pintuan habang pinapakinggan ang sinabing iyon ng doktor. I am not surprised anymore that Ania suffered amnesia. Nahalata ko na 'yon nang bawiin niya ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko na para bang hindi niya ako kilala.

Hindi naman pala talaga niya ako kilala. Hindi niya ako natatandaan.

I don't exactly know what to feel about her situation. Hindi ko alam kung dapat bang gumaan ang loob ko na hindi lahat ng ala-ala niya ay nabura at tanging ilang parte lang. Pero alam kong malaking parte sa akin ang nasasaktan dahil kasama ako sa mga nakalimutan niya.

"Is there a chance for her to regain those lost memories back?" si Zadriel.

"To be honest, there is. Ang maipapayo ko lang ay huwag niyo siyang pipilitin na makaalala. The more she force her brain to remember, the harder it gets. She has to buy time and take things slowly."

Kung meron mang maganda sa sinabi ng doktor, iyon ay ang katotohanang makakaalala pa si Ania. There's a possibility that she will still remember me. Kung hindi man niya ako maalala, gagawin ko ang lahat para manatili sa tabi niya at gumawa ng panibagong mga ala-ala.

Matapos makipagusap sa doktor ay nanatili lang ako sa labas ng kwarto ni Ania. Her families are inside except from Zadriel who's sitting beside me. Hindi ko gusto ang pumasok sa loob at magpakita palagi kay Ania dahil alam kong sa mga oras na ito ay naguguluhan lang siya kung sino ako sa buhay niya.

She doesn't want to accept me as her fiance and it's fine with me. Pinipilit kong tanggapin dahil wala namang mangyayari kung ipagpipilitan ko sa mismong harapan niya na ako ang lalaking mahal niya. It would only worsen her condition and that's the last thing I want to happen. 

"What's your plan?" Zadriel asked.

"To be honest?" I chuckled. "I don't know. Gusto kong lapitan ang kapatid mo at ipaalala sa kaniya ang lahat ng ala-ala namin pero alam kong makakasama lang iyon sa kaniya."

"Are you saying that you'll stop seeing her?"

"Bibisitahin ko pa rin siya, aalagaan sa paraang kaya ko, iyong hindi siya magagalit at mabibigla. Hindi ko muna ipagpipilitan ang sarili ko. I don't want her to freak out by seeing my face everyday." Natawa ako, hilaw.

Natawa rin si Zadriel ngunit halata ang lungkot sa boses niya.

"Don't worry. Everything will be fine," he breathed a sigh. "That's what I always tell myself everytime I think about her."

Nilingon ko siya. He's staring into a far distance like he's currently inside a deep thoughts while talking to me.

"How's Tate?"

"She's in Switzerland. I'm planning to go there and win her back. Hihintayin ko lang na maging maayos si Ania."

"Ako na ang bahala sa kapatid mo. Go and chase your happiness. Hindi ka matitiis no'n."

Nilingon niya ako, ang pag-asa ay agad na sumibol sa mga mata niya.

"Do you think so?" he asked, hopeful.

Tipid akong ngumiti sa kaniya.

"I know her too well, man. We're friends since we're kids. Hindi marunong magtanim ng sama ng loob si Tate. It's natural for her to get mad at you simply because she loves you. She thought you betrayed her. But once you tell her the truth and everything she needs to know, I bet you done have to go back home alone anymore."

Tumango-tango si Zadriel, tila nabuhayahan na ng pag-asa na mapapabalik niya si Tate sa buhay niya. Hindi naman magiging imposible kung sasabihin niya lahat ng totoo.

I stayed on that bench for the next couple of hours. Nagpaalam sa akin si Zadriel na lalabas muna at may aasikasuhin. I badly want to go inside and see Ania but I'm hesitating. Baka magalit siya oras na makita niya ako. I don't want to cause her any stress.

Ipinikit ko ang mga mata at isinandal ang ulo sa dingding. I folded my arms across my chest and sighed.

How did we turn out this way, Ania?

Our memories from the day before that accident happened played in my head. I wished I danced with her longer on our engagement party. If I could just turned back the time, I'd definitely hold her and jailed her in my arms. Hindi ito ang klase ng hinaharap na gusto ko para sa aming dalawa.

"Alas..."

Nagmulat ako ng mga mata. I saw Tita Adrianna standing beside me, sadness was over her eyes. Umayos ako ng pagkakaupo at tipid siyang nginitian, sa likod niya ay naroon si Tito Zion.

"Tita, how's she?"

"She's already sleeping. You may want to go inside and watch her for the meantime."

"What if she doesn't want to see me, Tita? Ayokong magalit siya oras na makita niya ako."

Nagkatinginan si Tita Adrianna at Tito Zion. She exhaled and sat beside me. Tinitigan niya ako sa mga mata, nagpapaintindi.

"Please be patient with her, Alas. I know that this is hard for you but time will come and she will remember you again. Her heart will definitely remember you."

Tumungo ako, huminga ng malalim saka nag-angat ng tingin sa kanilang mag-asawa at isang beses na tumango.

"Kung dumating man ang panahon at hindi niya na ako maaalala pang muli, mananatili pa rin ako sa tabi niya. Aalagaan ko pa rin siya at mamahalin, kagaya ng ipinangako ko sa kaniya noon."

She embraced me and caressed my shoulder. Even Tito Zion tapped my back like it's his way of saying that we'll get through this. Alam kong ang lahat ng nangyayari sa amin ngayon ay parte lang ng mga pagsubok na kakaharapin namin.

Ilang minuto pa ako naglagi sa labas ng kwarto ni Ania bago ako tuluyang pumasok. I slowly opened the door and found her beautiful face sleeping. Dahan-dahan kong isinara ang pintuan. I walked towards her bed. Huminto ako sa gilid niya at pinagmasdan siya.

A smile crept on my lips as I adore her aristocrat beauty. Her small and heart shaped face always got me admiring her. Matalim ang mga mata niya, bilugan at mahahaba ang pilik mata. She definitely got those eyes from Tito Zion. Maliit at matangos ang ilong niya, bumagay lang rin sa maliit niyang mukha.

But what I really like about her the most are her body and height. She got slender figure, height as tall as me. Kapag magkatabi kaming dalawa, halos magka-lebel na ang mga mata namin. It's not hard for me to reach her lips, even her neck — my favorite part of her body where I feel like I'm home.

I stared at her for a couple of minutes before I decided to stepped back and went to the couch. Hindi ko inaalis ang titig sa kaniya kaya naman nakita ko ang pagmulat ng mga mata niya. I suddenly felt attentive but I remained on my position as our eyes locked with each other.

Pain lingered in my heart when I saw the unfamiliar coldness in them. Pakiramdam ko, isa akong estranghero sa paningin niya.

"Mommy told me that I met an accident while I was on my way to you. Bakit tayo magkikita?" diretsahang tanong niya.

I am not sure if I should answer that question. Ayokong mapwersa ang isip niya pero ayoko rin namang gumawa ng kasinungalingan na mas lalong magpapagulo sa sitwasyon niya.

"Magpapakasal tayo..." sagot ko, titig na titig sa kaniya.

"Bakit gabi?"

"It's a secret wedding."

Her eyes narrowed. "A secret?"

Tumango ako. "We're supposed to get married next month, Ania. Inaya kitang pakasalan ako ng palihim ng gabing iyon—"

"Bakit? Bakit mo pa ako inaya kung alam mo naman palang sa susunod na buwan pa dapat ang kasal natin?"

Tumungo ako, nakaramdam ng hiya sa kaniya. Kahit saang anggulo ko tingnan, alam kong ako ang may kasalanan. Maging siya, iyon rin ang tingin.

Hilaw akong natawa saka nag-angat ng tingin sa kaniya. "I am too in love with you. That's the only reason I can give."

Tinitigan niya ako, hindi agad nakasagot. She avoided my eyes later on and looked ahead of her.

"We can't continue the wedding anymore."

I already expected that but why do it feels painful hearing it from her?

"I understand." Was all I could say.

"And our relationship, we have to end it here..." she added that made me stiffen.

Is she breaking up with me? Dahil ba sa kalagayan niya ngayon? Can we stay in this relationship while she tries to regain her memories back? Kahit hindi niya na ako kilalanin, ayos lang. Hayaan niya lang akong alagaan siya. Huwag lang siyang makipaghiwalay sa akin.

"I can't remember you anymore. They all said that you're my fiance but I think it's useless now. Wala akong nararamdaman para sa'yo. At hindi ako magpapakasal sa lalaking hindi ko mahal."

I've known this woman as a straight person. Hindi siya marunong magpaliguy-ligoy kapag may gusto siyang sabihin. Pero sa mga oras na ito, gusto kong hilingin na sana ay hindi na lang niya ako diniretso pagdating sa bagay na iyon.

Tumayo ako, naglakad palapit sa kaniya. I saw how her face stay cold as she stared at me. It's as if my presence never bother her.

Huminto ako, ilang metro na lang ang distansya mula sa kaniya.

"Can't you really remember me, baby?"

Her face was void of any emotions. Nakipagsukatan pa siya ng tingin sa akin, tila gusto akong hamunin. Na para bang dapat kong pagsisihan ang naging tanong ko na iyon.

"I don't even know that a certain man like you is existing."

Those words feels like million of knives were being stabbed in my heart. Kinagat ko ang labi ko, pinipigilan ang pagwawala ng emosyon.

"Get out. I want to rest."

Tumungo ako, huminga ng malalim saka isang beses na tumango. Nang mag-angat ko ng tingin ay nasa ibang direksyon na ang atensyon ng mga mata niya.

"Of course," I whispered hoarsely. "As you wish."

Continue Reading

You'll Also Like

178K 220 108
This story is not mine credits to the real owner. 🔞
399K 581 100
This story is not mine credits to the rightful owner. 🔞
1.8M 76.7K 77
Being kept in the province of Santa Fe Nueva Vizcaya all throughout his life, Reon Alexis Monasterio had to live away far from his family. Sa takot n...
83.8K 135 45
I don't own this story Credits to the rightful owner 🔞